The Divorce

By MrsPeriwinkle0024

28.1K 1.6K 227

In her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her di... More

Chapter 1: Rebirth
Chapter 2: Exchange
Chapter 3: Get Married Then Divorce
Chapter 4: Asking For Pocket Money
Chapter 5: Unexpected Turn Of Events
Chapter 6: Bargaining Chip
Chapter 7: The Audacity
Chapter 8: The Truth
Chapter 9: Wrong Script
Chapter 10: First Time
Chapter 11: Obstacles
Chapter 12: Cannot Threaten Him Anymore
Chapter 13: Loyalty
Chapter 14: Going To Hate Him
Chapter 15: Willing
Chapter 16: The Perfect Sister-in-law
Chapter 17: One Of Her Dreams
Chapter 18: What To Fix Next?
Chapter 19: A Sudden Lecture
Chapter 20: Finally
Chapter 21: Judas Kiss
Chapter 22: Cannot Blame Her
Chapter 23: Proposal
Chapter 24: Insult
Chapter 25: Unwanted Visitors
Chapter 26: No Strings Attached
Chapter 27: Poor
Chapter 28: Last Option
Chapter 29: A White Dress
Chapter 30: Her Creations
Chapter 31: Lunch Date
Chapter 32: Painful Memory
Chapter 33: No Thanks
Chapter 34: Dearest Sister-in-law
Chapter 35: Someone Is Coveting His Woman
Chapter 36: Washing My Eyes
Chapter 37: Wish
Chapter 38: Wedding Day
Chapter 39: Arya Being Hysterical
Chapter 40: Asking For A Gift
Chapter 41: Torture And Imaginations
Chapter 42: Concerned About Her
Chapter 43: A Nightmare
Chapter 44: Good Bye
Chapter 45: Original Plan
Chapter 46: A Normal Day
Chapter 47: Upset
Chapter 48: Gentle
Chapter 49: Negative And Positive Emotions
Chapter 50: Doubt
Chapter 51: The Police Officer And The Lawyer
Chapter 52: Helper From The Past
Chapter 53: Bothered
Chapter 54: Arya's Concern
Chapter 55: Felt Like A Roller Coaster Ride
Chapter 56: Someone Who Knows Her Best
Chapter 57: Stick To The Original Plan
Chapter 58: Someone Who Looks Like Her
Chapter 59: Delighted
Chapter 61: What If...?
Chapter 62: Protecting You In My Own Little Way
Chapter 63: The Allejo Family
Chapter 64: The Hungry and Irritated Sam
Chapter 65: Bite Back
Chapter 66: Bullying The Bully
Chapter 67: Prevention Is Better Than Cure
Chapter 68: Samuella's Nightmare
Chapter 69: Samuella's Nightmare Part II
Chapter 70: The Brother-in-law
Chapter 71: The Birthmarks
Chapter 72: A Success
Chapter 73: Stealing Task
Chapter 74: Terrifying
Chapter 75: Missing Home
Chapter 76: Indulge

Chapter 60: Different Types

403 20 2
By MrsPeriwinkle0024

Napatitig na lang si Samantha sa sobre na ibinigay ni Arem sa kanya. Wala sa loob na binuksan niya iyon.

Tseke iyon na naglalaman ng limang milyong dolyar.

With this money, hindi na niya iisipin kung saan siya kukuha nang pambili ng pinapangarap niyang Villa.

Pero pagkatapos ng mga sinabi ni Arem sa kanya kanina bago ito umalis papuntang China, mag-uusap silang dalawa patungkol sa relasyon nila.


Sam, can we not divorce?

Parang naririnig pa ni Samantha sa kanyang isipan ang mga katagang iyon ni Arem. Just by hearing him say those words while looking into his deep affectionate eyes, all her will crumbles.


At kahit hindi siya nagsalita kanina patungkol kay Attorney Pilar, ramdam nito na hindi siya komportable kaya naman pinasundo nito sa ibang tauhan ang magandang abogado. Si Mang Ramon naman ang naghatid kay Arem patungo sa private jet nito.

Napakunot-noo si Samantha.

Saka lang parang nag-sink in sa kanya ang sinabi ni Arem kanina na hindi na ito tutuloy sa airport. Na sa halip na sumabay ito kasama ang subordinates nito sa pagsakay sa eroplano ay mag-isa na lang itong aalis sakay ng pribadong jet nito.

Bumalik na ba ito ulit sa lolo at lola nito?

Ito na ba ulit ang tagapagmana ng mga Syquia kaya nakuha na nitong muli ang mga prebelehiyong inalis ng dalawang matanda dito?

Pero hindi na iyon naipaliwanag ni Arem dahil may emergency daw sa bagong tayo nitong kumpanya na naka-base sa China. Kaya naman nakiusap ito na pagbalik na lang sila mag-usap ng maayos.

Tahimik na nagmumuni-muni si Samantha nang bigla na lang mag-ring ang cellphone niya.

Maingat na inilagay niya ang sobra sa ilalim ng drawer niya saka sinagot ang cellphone niya.

"Hello?" Walang ganang tanong ni Samantha.

She's feeling down. Hindi dahil sa kung ano pa man, kung hindi dahil sa nami-miss na kaagad niya ang lalaking 'yun. Tsk. Pakiramdam ni Samantha ay naengkanto yata siya. Biglang-bigla ay hindi niya maalis sa isipan ang asawa. Lalo na ang huling sinabi nito.


[Miss Sam!"]


Kaagad na nagising mula sa pagd-daydream si Samantha nang marinig ang natatarantang tinig ni Ren, ang assistant nang artistang si Samuella Eclypse.


"Oh? Bakit?"

Kagabi lang ay halos hindi sila natulog na dalawa. Ang dami nitong itinuro sa kanya patungkol kay Samuella o Lala na dapat niyang matutunan sa maikling panahon dahil may naka-schedule na variety show ang boss nito.


["Hindi ko na makontak si Lala. Malakas ang kutob ko na lumabas siya ng bansa. I need your help, Miss Sam. Nasa ospital ang lolo ni Lala at kritikal ang kondisyon niya. Kapag hindi siya nakauwi bukas, baka tuluyan na siyang patigilin sa pag-aartista ng parents niya!"]


Umigkas pataas ang kilay ni Samantha. Hindi ba at inamin naman ni Lala na mag-a-out of town ito kasama ang boyfriend?


China?

Bakit pakiramdam ni Samantha, ang daming papunta ng China? Si Arem, pupunta doon, ngayon naman itong bagong employer niya.

"Okay, okay. Give me all the information needed. Magpapaalam lang ako dito sa bahay at babalik na ako diyan,"

Kahit na may malaking pera na siyang hawak, salamat sa kompetisyon sa Paris, hindi na makatanggi si Samantha kay Ren at Lala dahil naka-oo na siya sa mga ito. Bukod pa doon, iba ang pakiramdam niya kay Lala noong una niya pa lang itong makita.

Pakiramdam niya ay lumukso ang dugo niya. Na para bang may bond na nakapalibot sa kanilang dalawa. Pero ayaw niya naman itong takutin. At ayaw niya rin na isipin ng mga ito na masyado siyang creepy kaya naman lahat ng mga opinyon at saloobin niya ay sinarili niya na lang.

Ngayon, gusto niyang malaman kung may makikita din ba siyang kamukha nila sa pamilya ni Samuella o baka naman nagkataon lang talaga na magkamukha silang dalawa?


Tinawag ni Samantha sina Arya, Ariston at Arthur. Sinabihan niya ang mga ito na may tinanggap siyang trabaho at dalawang linggo siyang hindi makakauwi.

Pagkatapos bilinan ang mga ito maging ang mga katulong at si Yaya Loleng ay umalis na sa Subdivision si Samantha. Isang malaking back pack lang ang dala niya para sa ilang pirasong damit.

Dahil magpapanggap siyang si Samuella, binilinan na siya ni Ren na mga damit ng boss nito ang isusuot niya. Hindi na nagreklamo si Samantha. Mas convenient naman talaga kung iyon ang gagawin niya. At mas hindi rin magdududa ang mga taong kakilala ni Samuella kung iyon ang kanyang gagawin.


*****

Mariing ipinikit ni Samantha ang kanyang mga mata. Salamat na lang dahil sa malakas na pandinig at memorya niya, kahit isang beses niya pa lang nababasa ang isang sentence o pangungusap ay natatandaan na niya iyon kaagad.

Maraming impormasyon na binasa at sinaulo si Samantha para lang hindi mabulilyaso ang pagpapanggap niya bilang si Samuella. Halos kalahating araw niyang pinag-aralan ang paraan ng paglalakad, pagsasalita at body language ni Samuella. At halos maubos naman ang oras niya sa pagbabasa at pakikinig ng mga impormasyon patungkol dito at sa pamilya nito.

"Kaya okay lang kahit makipag-usap ka ng pabalang sa kanila. Bukod sa lolo niyang nasa ospital, wala ng ibang iginagalang si Lala sa pamilya ng mga Allejo,"

Tumango lang si Samantha bilang pagtugon kay Ren.

"Matulog na tayo. Bukas ng umaga ihahatid na kita sa ospital. Pag-uwi mo sa mansion ng mga Allejo, hanapin mo si Yaya Puring, siya lang ang nag-iisang pinagkakatiwalaan ni Lala sa bahay na iyon. Kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa kanya. Nasabi na ni Lala sa kanya ang tungkol sa pagpapalit niyong dalawa,"


"Okay. Matutulog na ako. Please wake me up tomorrow," walang kalakas-lakas na anas ni Samantha.

Alas tres na ng madaling araw. At bukas ng alas otso ng umaga ay kailangan na niyang magpunta sa ospital dahil kailangang operahan sa puso ang lolo ni Lala. Biglaan ang heart surgery ng matanda. At hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin nila makontak si Lala, kaya naman no choice si Samantha, kailangan niyang ituloy ang pagpapanggap bukas na bukas din.


Wala pa man ay kinakabahan na siya dahil sa excitement na nararamdaman.


Salamat na lang dahil pagod at puyat siya kaya naman kaagad na nakatulog si Samantha.


Saktong alas otso ng umaga nang gisingin siya ni Ren. Nag-almusal lang siya at pagkatapos ay naligo. Si Ren ang pumili ng isusuot niya.


She wore the plaid print high waist skirt na pinarehasan niya ng puting long sleeve blouse at 8 inches high heels.

Palagi lang nakalugay ang alunang buhok ni Samuella kaya naman ganoon lang din ang ginawa ni Ren. Kagabi ay itinuro na rin niya kay Samantha kung anong make up ang paboritong gamitin ni Lala. Kaagad namang nakuha iyon ni Samantha. Pero dahil mali-late na sila ngayong araw para sa nalalapit na operasyon ng lolo ni Lala, mas minabuti ng assistant na ito na muna ang mag-make up kay Samantha.

Saktong alas nueve na noong dumating sila sa ospital.

Marami nang tao doon at lahat sila ay kayang pangalanan ni Samantha kahit na kagabi niya lang pinasadahan ng tingin ang impormasyon ng mga ito na pina-print pa ni Ren sa puting bond paper.


"Mabuti naman at naisipan mong umuwi?" Nakataas ang kilay na sumbat kaagad ng ina ni Lala.

Pinagmasdan ito ni Samantha.

Bukod sa pagkadisgusto ay wala na siyang ibang maramdaman sa babae.


"I'm busy," walang emosyong sagot ni Samantha na ngayon ay in character na. Her aura was just like Samuella's.

"Busy? Hindi ba't noong nakaraang araw pa natapos ang taping mo? Kung hindi pa maooperahan ang lolo mo, hindi ka pa uuwi?" Pagalit na tanong naman ni Ginoong Allejo.

Sinulyapan ito ni Samantha.

Napakalayo ng itsura nito sa itsura ni Samuella. Malakas ang kutob niya na ampon lang din si Samuella. Dahil hindi man lang ito kamukha ng parents nito sa either side.

"Wala ka talagang pakialam sa pamilya natin, ano?" Nakataas ang kilay na tanong naman ng magandang babae na nakatayo sa harapan ni Samantha.

Ayon sa pagkakatanda ni Sam, ito ang panganay na anak ng mommy at daddy ni Lala. Hati ang mukha nito. Ang ilong at bibig ay katulad ng sa mommy nito at ang mga mata naman nito ay kamukha ng sa ama nito.

Tanging si Lala lang talaga ang naiiba sa mga ito.


"At least I care about my reputation. Unlike others who only know how to spend but don't know how to earn money at all," pambabara ni Samantha sa palamuning kapatid ni Samuella.

Well, ano sabi ni Ren ay nagsungit lang daw siya at sumagot ng pabalang. Wala siyang ibang igagalang kung hindi si Lolo Herbert.

At ano pa nga ba ang talent ni Sam bukod sa paglamon? It's face slapping and rendering her opponent speechless.


"Samuella!"

Walang takot na hinarap ni Samantha ang naggagalaiting ina ni Samuella. "What? You don't want others to criticize your palamuning dalaga? Hah. Everyone loves to talked about her. They say she must be a pig in her past life," ani Samantha sabay kibit ng balikat.

"Mom! Listen to her!" Halos mangiyak-ngiyak na tili ng ate ni Samuella.

Retard.

Napairap na lang sa hangin si Samantha. That woman is clearly older than her. But she acts and speaks like a preschooler. Nakakairitang pakinggan. Ilang taon na ba siya? She's twenty-five, and that woman? She looked like she was in her thirties already.


Kung hindi siya retarded, hindi na alam ni Samantha kung ano pa ang itatawag sa nakatatandang kapatid ni Samuella.

"Pwede bang tumahimik na kayo?" Gigil na sita ng tito ni Samuella na kapatid ng tatay nito.

Tiningnan nito ng may pagbabanta si Samantha na nagtaas lang ng kilay.

"Palagi na lang nagkakagulo ang lahat sa tuwing dumarating ka," sermon nito na ipinagkibit lang ng balikat ni Samantha.

"Ganoon talaga. Insecure sila eh," mabilis na sagot niya sa tito ni Samuella na hindi inaasahang maging ito ay sasagutin ng pamangkin.

Lihim naman na napangisi si Samantha.

Para sa kanya, maning-mani lang talaga ang trabaho na ito. Kayang-kaya niyang makipag-bardagulan kahit sa buong angkan pa ni Samuella. She's bored anyway.

Samatha clicked her tongue.

Hindi niya lang inaasahan na mas komplikado pala ang sitwasyon ni Samuella na hindi niya inaasahan. Noong unang makita niya ito, ang unang tingin niya rito ay napaka-carefree nitong tao na para bang wala man lang itong kaproble-problema sa buhay.

But looking at the people around her. Naisip ni Samantha na hindi pala talaga pare-pareho ang sitwasyon ng bawat pamilya sa bawat tahanan.


Kung siya ay walang matatawag na sarili niyang pamilya. Si Samuella naman ay parang mga manok na nagsasabong sa sabungan ang pamilya.







Continue Reading

You'll Also Like

93.8K 2.1K 37
"Paano mo ito nagawa aa akin?? ako ang asawa mo!!!" sigaw ko sakanya kasama ang babaeng nakakapit ngayon sa balikat niya. "Oo nga at Reyna ka pero Hi...
17.7K 812 44
Napagdesisyunan ng magkapatid na Avrice at Amritta na manirahan sa Arturia Town sa bahay ng kanilang tiyahing si Trinity matapos mamatay ang kanilang...
432K 11.6K 47
She entered the world of brutality to take revenge to those who killed her mother. But everything changed when she met this cute little guy. Will she...
1.6K 256 26
Aurelia Bloodworth; she's a child born with an eternal power. Later on, her parents told her that half of her power was stolen. With the goal to retr...