Love and Gospel

By Ange_Mayao

17 1 0

In a world full of "what ifs", be the "sana all". Handa ka bang magmahal muli pagkatapos ng isang pagkabigo s... More

Note
Chapter 1

Chapter 2

3 0 0
By Ange_Mayao

"But they that wait upon the Lord shall renew their strength; they shall mount up with wings as eagles; they shall run, and not be weary; and they shall walk, and not faint." - Isiah 40:31

Shems!

Hindi malaman ni Josh kung paano maipapaliwanag ang nararamdaman nang may makasalubong siyang babae na sobrang weird kumilos at hindi man lang ininda ang pagkakabasa ng buhok nito dahil sa kaniyang tubig.

Hindi niya napansin na may kasalubong ala siya dahil nakatanaw siya sa mga resto na naroon sa Tagpuan. Naghahanap siya ng magandang view para sana mag-picture taking. Bumili pa siya ng mineral water pang-tanggal uhaw.

Sinunandan lamang niya ng tingin ang babae habang nakayukong paalis. Nasaktuhan pang wala siyang dala-dalang panyo. Naiwan niya yata sa motor niya.

Pero, para bang may kung anong tumulak sa kaniya para sundan ang babae. Ramdam niyang hindi ito okay.

"Miss," tawag niya rito at hindi naman ito lumingon sa kaniya. "Miss, teka lang!"

Napansin niyang papunta ito sa isang madilim na parte ng lugar. Kaya naman tinakbo na niya ang babae nang mapansing may mga kalalakihang nakatingin rito.

"Miss!" Hinawakan niya ang braso nito dahilan upang mapatingin ito sa kaniya. "Delikado na rito, miss. Mag-isa ka lang ba? Wala kang kasama?"

Blangko ang mukha ng babae. Ni hindi man lang nagulat. Nakatingin lamang ito sa kaniya. Para bang napakalalim ng iniisip nito at hindi man lang makasagot sa tanog niya.

Napansin niya ang grupo ng mga kalalkhan kanina na tila ba sila ang pinag-uusapan. Lahat ng mga ito ay nakasuot ng leather jackets. Sa tingin niya ay mga riders ito. Ang hindi lang niya nagustuhan ay may mga bote ng alak ang mga ito at yosi.

Inakbayan niya ang babae kahit na nag-aalangan pa siya. Mas delikado kung hahayaan niya itong lumakad sa direksyon ng mga kalalakihan roon. Lumakad sila palayo sa lugar na iyon.Wala pa ring imik ang babae at sumusunod lamang sa yapak niya. He's confused, pero kakausapinna lamang niya ito sa mas safe na lugar.

Mabuti na lamang at mayroon namang safe na place na ma maliwanag at maraming vendors.

Tinanggal na niya ang pagkaka-abay sa babae at hinarap ito sa kanya. Doon niya napansin ang mga luha sa mga mata nito. Ang pamumula ng ilong nito ay senyales na kanina pa ito umiiyak.

"Okay ka ang ba?" tanong niya sa babae. Ginamit niya ang ssleeves ng blue jacket niya bang pamunas sa mga luha nito.

Umiling ang babae. "I want to..." she paused. "...die."

"Bakit naman? Sayang naman punta mo dito kung gan'on ang gagawin mo."

"I'm so tired..."

"E, 'di magpahinga tayo dito saglit hanggang sa hindi ka na mapagod."

"No," anito sabay tingin ng masama sa kaniya. "I am tired of everything!"

"Everything? Gaya ng?" He asks her again to distract her.

"Myself! My life! Everything!" Lalo itong umiyak dahilan upang ilagay nito ang mga palad sa mukha nito.Tumataaas-baba ang balikat nito. Tila ba nais nitong magwala pero pinipigilan nito.

"Dahil ba hindi ka masaya, susukuan mo na ang buhay mo? Dahil hindi na maayos ang mga nangyayari sa'yo, suko ka na? Dahil hindi naaayon sa expectations mo 'yong mga nangyari, suko na?" He said not judging her personality but making sure she's listening to what she said.

Napatingin si Gela sa lalaking kaharap. He's crossing his arms looking straight in her eyes. He actually has a soft gaze.

"A-ano?" She almost whispered the words. Nanginginig ang mgaa labi niya nang mga oras na iyon at tila ba walang lumalabas na mga salita roon.

"Maraming gustong mabuhay, miss. Pero, hindi na kinakaya ng katawan nila. Maraming gustong nasa katayuan mo ngayon, pero hindi sila nakatuntong d'yan." Anito sabay lagay ng mga kamay sa bulsa ng pantalong suot. "Alam ko at nauunawaan ko ang nararamdaman mo ngayon. Pero, may tanong ako sa'yo; May gusto ka pa bang gawin bago ka mawala sa mundo?"

She's puzzled with this man in front of her. There's something in him na hindi niya kayang ipaliwanag. Upon staring at him, she noticed that the man is actually glowing. Marahil dahil sa ilaw na naroon sa kinatatayuan nila.

"Miss?"

She blinked as he spoke. "I-I don't know."

Tumango-tango naman ang lalaki. "Kumain ka na ba?"

Iniiwas niya ang tingin sa lalaki. Umiling siya bilang pagtugon.

"Ayon! Sakto at hindi pa rin ako nakain," anito na tila ba masayang-masaya. "Sabayan mo na ako."

"Why should I?" Nakataas ang isa niyang kilay habang nakatingin sa lalaki.

"Kasi nagugutom ka na. Kaya nagwawala na ang mga bulate mo sa tiyan."

"And how did you know?"

Ngumiti ang lalaki. Iniangat nito ang palad sa mukha niya at pinahid ang luha roon. "Halata, e. Samahan mo na ako nang makakain ka na rin. Balita ko, masasarap daw ang pagkain dito."

She wants to refuse pero bigla na lang tumunog ang tiyan niya. Hudyat na nagugutom na nga siya. At tila ba naunawaan iyon ng lalaki at inilahad nito ang kamay sa kaniya. She just go with his flow.

***

HINDI maintindihan ni Josh ang sarili. Kumakain siya ng lumpiang budbod na nasa loob ng isang tupperwear kasama ang isang stranger sa ilalim ng madilim na gabi, na nasisinagan lamang ng liwanag ng buwan. Sa tabi-tabi sila pumwesto, sa my malapit sa overlooking.

She looked so distressed. Para bang wala ng pakialam sa buhay. Mukha naman siyang disente, kaso ang baduy lang manamit. Naka-tshirt na green na pinarisan ng purple na jacket. Naka-puruntong na kulay itim at may tsinelas na itim. Mukha namang dalaga pa ito at ka-edad lang niya.

Habang kumakain ito ay nakikita niya ang maliit na dimple sa kanang pisngi nito. Maganda ang babae. Sadyang hindi lamang ito pala-ayos.

"Siya nga pala," panimula niya. "Ako nga pala si Josh Erahe." Inilahad niya ang palad sa harap ng babae.

Tiningnan nito ang palad niya habang hawak-hawak nito ang lumpiang budbob. Tumango naman ang babae. Mukhang di nito maibaba ang hawak na lumpia. Natawa siya.Na-cute-an iya sa babae.

"Ano'ng pangalan mo?" Tanong niya sa babae.

Nilunok muna nito ang lumpia saka nagsalita, "Gela."

"'Yon lang? Wala ka bang apilido?"

"Oyam."

"Oyam?" kunot-noo niyang tanong. "Gela Oyam?"

"Oo," tipid nitong sagot. Patuloy pa rin ito sa pagkain ng lumpia.

"Ang unique ng pangalan mo. Unique ka rin ba?"

"Hindi. Madumi na ako." Sagot nito na hindi tumitingin sa kaniya.

Sinipat niya ang babae. Malinis naman ito maliban sa kaunting tubig na nasa damit to.

"Dahil ba sa tubig kaya ka madumi? Pasensya---" Hindi na niya naituloy ang sasabhin nang magsalita ito.

"Hindi na ako virgin. Kaya hindi na ako unique." Anito sabay baba ng lumpia sa upuan ng motor niya. "Just like them, I am no longer pure. Madumi na ako. Nadumihan na ako."

Naglaat siya sa sinabi ng babae. He can see the pain in her eyes. Mukhang may mabigat nga itong pinagdadaanan. Ngayon nauunawaan niya bakit ganoon ang ikinilos ng babae.

"Pasensya ka na kung naranasan mo man iyan. Pero, kung okay lang sa'yo, pwede ko bang malaman ang dahilan? Kung hindi naman, irerespeto ko naman."

She sighed before speaking. "Ikakasal na sana ako pero iniwan ako ng lalaking 'yon. He promised me a lot of things. pero, hindi naman pala niya tototohanin."

He crossed his arms. "So, before kayo maikasal, may nangyari sa inyo kaya nasabi mo na hindi ka na pure?"

Tumango naman ang babae. "I believed him. Naniwala akong pakakasalan niya ako pagtapos ng pangyayaring 'yon. But, he didn't."

Nakagat niya ang pang-ibabang labi. "May mga tao talagang mapag-samantala, e. Nakakairita ang mga taong gan'yan."

She looked amused. Nanlalaki ang mga mata nito na nakatingin sa kaniya. "Are you mad at him?"

"Bakit hindi? Pinag-samantalahan niya iyong kahinaan mo. Dahil alam niya na mahal mo siya, ginawa niya iyong bagay na hindi niya dapat ginawa. Kahit pa sabihin mong gawin niya iyon. Kaya nauunawaan ko ang nararamdaman mo. Hindi na lang sana siya nangako kung iiwan ka rin naman pala niya."

Ilang segundo rin silang natahimik. Napapa-iling siya sa mga nasabi. Bakit nga ba niya iyon nasabi?

Nakita nyang ngumiti ang babae sa kaniya. She reached for his face and said, "Thank you, Mr. Josh." 

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.8K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
226M 6.9M 92
When billionaire bad boy Eros meets shy, nerdy Jade, he doesn't recognize her from his past. Will they be able to look past their secrets and fall in...
243K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
28.9M 916K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...