Door From The Past & Present

By cam_schrivers

13 0 0

Isang mysteryosong pintuan na nag uugnay mula sa kasalukuyan at sa nakaraang mundo. Si Aira Joy Garcia, she... More

Disclaimer
Chapter 01
Chapter 02
chapter 03
chapter 04
chapter 05
chapter 06
chapter 07
chapter 08
chapter 10

chapter 09

0 0 0
By cam_schrivers

So yun na nga nakaupo parin ako dito sa sala ng palasyo nila. Sobra akong naaaliw sa bawat nakikita ko. Ang gaganda ng mga suot ng mga warriors nila. Aside sa kalasag na lagi nilang hawak ay nakasuot din sila ng life jacket na matibay yung hindi matatamblan ng sandata kapag nasa labanan. Meron din silang matitibay na mga caps na lagi nilang suot. Kaya nga para nga akong nasa cost play diba.

Patuloy parin kaming nag uusap ng poging Principe ng palasyong ito. Si Prince Tan based on his story, he is a prince daw ng palasyo de amore. Palace De Amore? Taray din naman ng name ha. Sa lahat ng mga napanood kong movies n king and queens ngayon lang ako nakarinig na ganito ang name ng palace nila.

“Pasintabi po mahal na Principe ngunit paparating na po ang inyong inang reyna Elisa.” sambit nga agad ng kanilang alipin or maid. Agad din akong inilingon ng poging Principe na to.

“Ipapakilala kita sa aking ina Aira sana nga matuwa sya sayo.” sambit nito, ngumiti nalng ako sa sinaad niya.

Napalingon ako sa bandang likuran ko at nakita ko na nga ang isang babae. Nakasuot sya ng mahabang damit na kulor de gatas ang kulay ng damit nya na meron pa talagang palamuti sa buong damit at take note! Puro ito gold ganon narin ang knyang alahas. Meron din syang suot na korona and I think ito na nga ang Reyna nila. Ang ganda din naman talaga!

Napalingon narin si prince Tan sa babae agad din syang tumayo at sinalubong. Nag beso narin sya saknya.

“May bago ka raw panauhin aking anak at isa daw babae?” she asked, ngumiti narin si prince Tan sa kanyang ina. Inakbayan nya ito saka narin sila humakbang papunta nga sa kinaroroonan ko.

“Ina, gusto kong ipakilala saiyo ang aking bagong kaibigan. siya si Aira.” he said tumayo din ako saka narin sya binati.

“Magandang umaga po mahal na Reyna. Ako po si Aira. Ikinagagalak ko po kayong makilala.” sabay yuko ko saknya. Napalaki agad ang ngiti ng mahal na Reyna pagkatapos ko syang batiin. Ibinaling narin niya ang kanyang attention ky prince Tan

“Saan mo sya nakilala aking anak at bakit parang kakaiba yata ang knyang kasuotan sa ating kasuotan?” she asked

Medyo napakurap narin ako sa sinabi ni Queen Elisa agad ko naring napansin ang aking sarili lalo na sa damit ko at sa damit nila.

Oo nga no? Iba pala ang damit ko sa damit nila. Pantulog kasi tong suot ko. Napalingon si prince Tan saakin at alam ko na ang gusto nitong itanong.

Bigla akong naloading sa next kong sasabihin myghad! Hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko or gagawin kong dahilan bakit ako nandito sa kanilang mundo. Hindi ko naman pwedeng sabihin na nanggaling ako sa present time dahil panigurado akong hindi nila ako paniniwalaan. Aira, mag isip ka ng mabuti. Focused!

Naghihintay parin sila sa next kong sasabihin. “Aira, pwede mo bang sabihin saamin kung saan ka galing at kung paano ka nakarating rito.” tanong nga bigla ni queen Elisa.

Napakagat labi nalang ako saka yumuko. Bumuntong hininga ulit ako bago magsalita.

“Ano po kasi mahal na reyna. Ako po ay naliligaw sa mundo nyo. Sinasaktan kasi ako ng aking mga magulang kung kaya't ay tumakas ako at nakarating rito sa lugar nyo.” kwento ko nga sa kanila sabay silang napabuntong hininga nalang.

“Isa ka bang princesa? Saang palasyo ka ba nakatira?” tanong narin ni prince Tan.

Pasimple akong napahampas noo sa tanong ulit nitong poging lalaking ito. Jusmiyo naman paano ko ba sasagutin ang mga katanungan nila. Malala pa yata to sa hot seat eh.

Yumuko ulit ako. “Ipagpaumanhin po ninyo mahal na Principe ngunit hindi po ako princesa. Isa lang po akong simpleng babae na tahimik na namumuhay sa aming mundo.” I said

Sabay silang napabuntong hininga ulit. Inilingon ni Reyna Elisa ang kanyang anak.

“Pwede natin siyang kupkupin rito anak dahil kawawa naman siya.” sambit pa nga ng mahal na Reyna.

“Ngunit Ina, baka kapag malaman ng mahal na hari ito ni ama baka mapapahamak lang si Aira rito. Alam nyo naman po na ayaw ni ama na merong mga ibang taong makakapasok dito sa palasyo.” mahabang lintiya ni prince Tan sa kanyang ina.

“Kung gayon ano ang iyong binabalak?” she asked

“Ako na pong bahala.” sagot din naman ni Prince Tan. Inilingon na nya ako saka narin sya ngumiti.

“Aira, pwede bang sumama ka muna saakin saglit may pupuntahan lang tayo.” nagtaka ako sa sinabi nya. Wait saan nya ako dadalhin?

“Saan po tayo pupunta mahal na Principe?” tanong ko then he smiled again. “Sa aking pinsan, ipapakilala narin kita saknya.” tugon nya

Wow naman seryoso ba to after ng parents kasama pala pati cousins hahaha. Pumayag narin ako sa gusto ni prince Tan. Pagkatapos nyang magpaalam sa mama nya ay umalis narin kami agad.

Nasa harapan namin ngayon ang kabayo na kulay brown. Unang umakyat si prince Tan rito habang ako naman ay nanatili lang na nakatayo sa harap ng kabayo. Wait pano ako sasakay dyan? Hindi ako marunong eh.

“Aira, Tara na.” sambit nya, inangatan ko sya ng tingin. “M-mahal na Principe, a-ano kasi...” sambit ko nalang, naghihintay narin sya ng next kong sasabihin. “H-hindi po ako marunong umakyat ng horse I mean ng kabayo.” I said
“Ay oo nga pala. Sandali lang.” agad din syang bumaba ng kabayo saka nya ako tinulungang makasakay ng kabayo pagkatapos nun ay sumunod narin sya.

Edi parehas na kaming nakasakay ng kabayo. Inilingon nya ako then ngumiti ulit. Oh sheet! Ang gwapo nya sa ngiting yun!

“Kumapit ka lang saakin at tayo ay magsisimula nang maglakbay.” tugon nya

“Malayo ba yun?” tanong ko, agad din syang tumango saakin. “Okay” at tuluyan na kaming umalis.

Andami naming nadaanang mga forests bago namin narating ang palasyo ng kanyang pinsan. Gawa sa matitibay na mga bato ang kanilang palasyo na mararami narin namang mga kawal ang nakabantay rito. Nang mapansin nilang nandto si prince Tan ay kaagad narin nilang tinawag ang kanilang mahal na Principe.

May lumabas na isang lalaki mula sa kaniyang palasyo at agad din syang binati ni prince Tan.

“Principe George, aking pinsan!” sabay beso saknya ni prince Tan.

Ito nga pala ang katangian ni prince George. Matangkad at makisig ang pangangatawan nya, matangos ang ilong at maganda ang kanyang pilik mata kayumanggi ang kulay ng kanyang balat.
Nakasuot sya ng prince suit.

Ito rin pala ang katangian ni prince Tan. Hindi naman sya gaano katangkad yung sakto lang yung height nya, matipunong lalaki din sya at kayumanggi din ang kulay ng kanyang balat. Matangos din knyang ilong at maganda ang hugis ng knyang mga mata. Ang gwapoooooo!

“Maligayang pagdating aking pinsan. Principe Tan.” sambit nga ni Prince George na tumugon narin sa pagbeso ni prince Tan.

To be honest, iniimagine ko nalang na nagcocost play ako kasama nila. Ang popogi nila pareho shet!

Agad din akong napansin ni prince George na katabi nga ni prince Tan. “May kasama ka pala aking pinsan, sino sya?” naibaling din nito ang kanyang attention saakin. “Magandang umaga po mahal na principe.” I said to him agad din syang ngumiti saakin. Inilingon din ako ni prince Tan saka narin ngumiti. “Sabihin nalang nating isang bagong kaibigan. Sya nga pala si Aira.” prince Tan said
“Hmm, Aira kay gandang pangalan. Talaga namang nababagay saiyo dahil maganda ka rin naman.” saad nya

Oh my ghaaaad! Mysterious door! Ito ba yung sinasabi mong adventure sa kabilang mundo? Mga poging Principe ang kaharap ko. Oo nga naman totoo ngang mag pinsan nga sila dahil kung makahirit itong isang to eh para naring si Prince Tan. Aba eh kung ganito lang naman ka gwapo ang makakasama ko eh hindi na ako aalis dine hahaha

Napayuko nalang ako sa dalawang poging mga lalaking ito para lang matago ang kilig ko.

“Insan, paano mo nga pala sya nakilala? Isa ba syang princesa? Bakit kakaiba ang kanyang kasuotan sa ating kasuotan?” tanong pa nito

Heto na naman tayo sa outfit ko. Pasensya na ha, nanggaling pa kasi ako sa totoong mundo ko kaya ganito suot ko.

“Naligaw sya kaya sya nakarating dito. Sinasaktan daw kasi sya ng mga magulang nya tumakas lang sya.” kwento nga ni prince Tan sa pinsan nya

“Ah, ganon ba pero saan sya tutuloy ngayong gabi?” dugtong pa nga ni prince George.

Kamot noo ngang nagsalita si prince Tan. “Kaya nga ako naparito insan para sana makiusap sayo.” he continued

Bigla din syang nagulat sa sinabi ni prince Tan. “Ano ang ibig mong sabihin?” prince George asked

“Pwede bang kayo nalang muna ang kukup-kup sa ating bagong kaibigan?” sabay sulyap saakin. “Bakit naman saamin?” tanong din ng pinsan niya

“Alam mo naman ang ugaling meron si ama diba? Sige na insan pakiusap. Tulungan mo muna ako, tulungan natin si Aira. Dito muna siya sa inyo pansamantala.” dagdag pa nga ni prince Tan sa pinsan nya. Sana naman pumayag haha.

Ibinaling niya ang kanyang attention muli saakin saka bahagyang humakbang.

“Hanggang kelan ka mananatili saaming palasyo binibini?” he asked, napaisip ako agad. Hanggang kelan nga ba? Pati nga ako hindi ko rin alam kung hanggang kelan ako rito.

“Ahm. . . I don't know yet.” I said, muli silang nagtinginan sa isa't isa na tila bang hindi nila naiintindihan ang sinabi ko. Nang marealize ko rin ang sinabi ko. “I mean. . . Hindi ko pa alam kung hanggang kelan ako dto. Naligaw nga ako diba means hindi ko alam kung paano ako makakauwi.” sambit ko pa nga sa dalawang tisoy na to.

Muli silang nagtinginan sa isa't isa. “Kakausapin ko muna si ama at ina ukol dito insan. Pwede bang dun muna sya sainyo habang kinakausap ko pa ang mga magulang ko?” prince George said

“Sang ayon ako sa sinabi mo insan. Maraming salamat. Hihintayin ko ang iyong mensahe sa aming palasyo.” tugon pa nga ni Prince Tan. Ang gwapo talaga! Kung meron lang sana akong dalang cellphone ngayon nakuuu! Pipikturan ko talaga tong nga to. Lakas maka artistahin eh. Sarap angkinin charr!

Pagkatapos nga nilang mag usap ay napag decisionan nalang naming bumalik muna sa palace de amore.

Continue Reading

You'll Also Like

28.8M 914K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
96.3K 877 157
Author: Yanli Disclaimer: I DO NOT OWN THIS STORY All credit goes to the author. FOR OFFLINE PURPOSES. ...
90.1M 2.9M 134
He was so close, his breath hit my lips. His eyes darted from my eyes to my lips. I stared intently, awaiting his next move. His lips fell near my ea...
11.4M 296K 23
Alexander Vintalli is one of the most ruthless mafias of America. His name is feared all over America. The way people fear him and the way he has his...