The Divorce

By MrsPeriwinkle0024

28.1K 1.6K 227

In her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her di... More

Chapter 1: Rebirth
Chapter 2: Exchange
Chapter 3: Get Married Then Divorce
Chapter 4: Asking For Pocket Money
Chapter 5: Unexpected Turn Of Events
Chapter 6: Bargaining Chip
Chapter 7: The Audacity
Chapter 8: The Truth
Chapter 9: Wrong Script
Chapter 10: First Time
Chapter 11: Obstacles
Chapter 12: Cannot Threaten Him Anymore
Chapter 13: Loyalty
Chapter 14: Going To Hate Him
Chapter 15: Willing
Chapter 16: The Perfect Sister-in-law
Chapter 17: One Of Her Dreams
Chapter 18: What To Fix Next?
Chapter 19: A Sudden Lecture
Chapter 20: Finally
Chapter 21: Judas Kiss
Chapter 22: Cannot Blame Her
Chapter 23: Proposal
Chapter 24: Insult
Chapter 25: Unwanted Visitors
Chapter 26: No Strings Attached
Chapter 27: Poor
Chapter 28: Last Option
Chapter 29: A White Dress
Chapter 30: Her Creations
Chapter 31: Lunch Date
Chapter 32: Painful Memory
Chapter 33: No Thanks
Chapter 34: Dearest Sister-in-law
Chapter 35: Someone Is Coveting His Woman
Chapter 36: Washing My Eyes
Chapter 37: Wish
Chapter 38: Wedding Day
Chapter 39: Arya Being Hysterical
Chapter 40: Asking For A Gift
Chapter 41: Torture And Imaginations
Chapter 42: Concerned About Her
Chapter 43: A Nightmare
Chapter 44: Good Bye
Chapter 45: Original Plan
Chapter 46: A Normal Day
Chapter 47: Upset
Chapter 48: Gentle
Chapter 49: Negative And Positive Emotions
Chapter 50: Doubt
Chapter 51: The Police Officer And The Lawyer
Chapter 52: Helper From The Past
Chapter 53: Bothered
Chapter 54: Arya's Concern
Chapter 55: Felt Like A Roller Coaster Ride
Chapter 56: Someone Who Knows Her Best
Chapter 58: Someone Who Looks Like Her
Chapter 59: Delighted
Chapter 60: Different Types
Chapter 61: What If...?
Chapter 62: Protecting You In My Own Little Way
Chapter 63: The Allejo Family
Chapter 64: The Hungry and Irritated Sam
Chapter 65: Bite Back
Chapter 66: Bullying The Bully
Chapter 67: Prevention Is Better Than Cure
Chapter 68: Samuella's Nightmare
Chapter 69: Samuella's Nightmare Part II
Chapter 70: The Brother-in-law
Chapter 71: The Birthmarks
Chapter 72: A Success
Chapter 73: Stealing Task
Chapter 74: Terrifying
Chapter 75: Missing Home
Chapter 76: Indulge

Chapter 57: Stick To The Original Plan

281 15 0
By MrsPeriwinkle0024

Pagkatapos kumain sa canteen ay nilibot ni Samantha at Adrienne ang buong campus habang masayang binabalikan ang alaala nila sa naturang paaralan.

"Akala ko for keeps na kayo ng Andrew na 'yun. Ilang buwan mo ding iniyakan ang lalaking 'yun ah," nangingiting saad ni Samantha.

"Hmp! Simula noong manahin niya ang negosyo ng pamilya nila, nawalan na siya ng gana sa akin. Nalaman ko na lang engage na. After that, nakalimang boyfriend pa ako. Pero ni isa walang nagtagal. Hanggang sa nag-focus na lang ako sa pag-arte," pagkukwento naman ni Adrienne.

"Wow ha. Halos isang taon pa lang tayong nagkakahiwalay pero napalitan mo na kaagad ang first love mo ng limang beses?" Kantiyaw ni Samantha sa kaibigan.

Huminto silang dalawa sa trak and field area. Bukod sa canteen, ito ang pangalawang lugar na madalas nilang tambayan noon.

"Wala eh. Masyado akong insecure that time. Wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko. Hindi kita ma-kontak dahil nanakaw ang phone ko. Nandoon ang lahat ng contacts mo. Biglaan pa pa ang pakikipaghiwalay ni Andrew. Alam mo 'yun, I felt so betrayed. Kaya ang ginawa ko, hinanap ko sa iba 'yung atensyon at pagmamahal. Kaso, hindi ko naman nakita. Nag-lie low na lang ako sa pakikipagrelasyon noong makuha akong second female lead sa isang movie. Hanggang sa magsunod-sunod na ang breaks ko. Ngayon may gagawin akong teleserye. Wala na akong panahon para sa jowa-jowa na 'yan. Magpapayaman na lang ako," pagkukwento ni Adrienne na kaagad namang sinang-ayunan ni Samantha.

"Sorry dahil hindi man lang kita na-comfort noong broken ka," seryosong sabi ni Samantha.

Sandaling natahimik si Adrienne.

"Ako din naman may pagkukulang sa'yo. Sorry dahil wala ako noong panahong nagdedesisyon ka para sa sarili mo. I know it's hard. And I know you did your best. Basta sa next wedding mo, bridesmaid na dapat ako," pabirong wika ni Adrienne.

Natatawang tinanguan ni Samantha ang kaibigan. Parehong namumula ang kanilang mga mata, pero hindi maipagkakaila na masaya silang makita ang isa't-isa.

"Oo nga pala, kung gusto mo ng ibang mapagkakaabalahan, nagtayo ang ate ko ng Learning Center para sa mga pre-school. Naghahanap siya ng art teacher. Naisip kita kaso nga lang wala akong contact sa'yo, hindi ba?"

Kaagad na kumislap ang mga mata ni Samantha dahil sa narinig.

"Kailan ba magbubukas?" Curious na tanong ni Samantha sa kaibigan.

"Next month. Magbibigay muna sila ng mga libreng klase para naman makita ng parents ang kalagayan ng school at kapasidad ng mga magtuturo,"

"May libreng bahay ba?"

"Are you that poor?" Nakataas ang kilay na tanong ni Adrienne sa kaibigan.

Ngumisi lang si Samantha. "Sadly, I am that poor now. But don't worry, I'll be rich soon. I'm planning to buy a small villa. Pero habang wala pa akong pambili, syempre kailangan ko ng ibang matitirahan,"

"Hmp! Sure. I'll tell my ate na magpagawa na rin siya ng dorm para sa mga teachers niya. Pero kailangan mong mag-report doon ah,"

"Sure. Give me your sister's contact information and her address. Bibisitahin ko siya one of these days," excited ni wika ni Samantha.

Hindi niya inaasahan na sa pagbabalik niya sa dating paaralan na pinasukan ay may dalawang bagay kaagad siyang makukuha. Trabaho at ang makita ang dati niyang kaibigan.

Dahil sa magkahapong pagkukwentuhan ay nakalimutan na ni Samantha ang tungkol kay Arem at kung ano ba ang relasyon nito sa abogadang si Gabrielle Pilar.

Pagkatapos ng klase ng mga estudyante nila ay nagpaalam na rin ang magkaibigan sa isa't-isa.

Excited na nagkwento si Arya habang nasa sasakyan sila. Tuwang-tuwa ito sa bagong kaibigan na kung tawagin nito ay Ally. Dahil Addy ang tawag ng kanyang ate Sam sa kaibigan nito, kaya naman naisipan nitong Ally ang itawag sa bagong kaibigan na pinsan ng kaibigan ng kanyang ate Sam.

Natatawa na naiiling na lang si Sam.

She's glad that nothing bad happened during their first day at school.

Natapos ang isang buong linggo na si Samantha ang naghatid-sundo sa triplets.

Hindi naman na nakita ulit ni Samantha ang kaibigang si Adrienne sa school dahil nagsimula na ito sa pagt-taping ng bagong teleserye kung saan ay kontrabida ito.

"Naman eh!"

Mula sa panunuod ng tv ay sinulyapan ni Samantha si Arya na inilalabas ang lahat ng mga gamit nito sa school bag.

"Why?" Kaswal na tanong ni Samantha kahit na alam na alam na niya kung ano ang ipinagmamaktol ng dalagita.

"Tsk. Hindi ako makakasama kay Mang Ramon mamaya sa pagsundo kay kuya,"

Kaagad na nawala sa tv ang atensyon ni Samantha.

"Uuwi na si Arem?" Tanong ni Samantha sa tonong pilit niyang pinapakaswal. Ayaw niyang makahalata ang dalagitang katabi na bigla na lang siyang nakaramdam ng excitement noong malaman na uuwi na ang kuya nito.

"Opo ate. Mamayang alas siyete ang dating ni kuya. Sabi ni mommy, sumama daw kami sa airport. Kaso, paano naman namin iyon gagawin, sangkaterba ang mga assignments na gagawin namin ate!" Mangiyak-ngiyak na bulalas ng dalagita.

Natatawang inalo ito ni Samantha.

Kung hindi pwede ang mga ito, pwede namang siya na lang ang sumama. Wala naman siyang gagawin eh.

Hinintay muna ni Samantha na mag-focus si Arya sa ginagawa nito bago niya hinanap si Mang Ramon. Kaya lang, nalibot na niya ang buong bahay ay hindi niya naman nakita ang matanda. Nagtatakang hinanap ni Samantha si Yaya Loleng para tanungin ito.

Nasa garahe ang dalawang sasakyan. Walang ibang gagamitin sa pagsundo si Mang Ramon kung hindi iyon lamang. Kalahating oras pa ang byahe mula sa bahay hanggang sa airport kaya naman nag-aalala si Samantha na baka walang sumundo kay Arem sa airport.

"Ay naku, Miss, umuwi po saglit. Nagpaalam po sa akin kanina at masama po ang pakiramdam ng asawa niya. Dinala niya po sa ospital,"

"Ganoon ba," mahinang anas ni Samantha.

Kung may ibang inasikaso si Mang Ramon, walang magsusundo kay Arem.

"Okay Yaya Loleng. Ikaw na po ang bahala sa triplets. May pupuntahan lang po ako," ani Samantha saka dali-daling nagtungo sa sala. Kahit nakabukas ang tv, naka-focus pa rin ang buong atensyon ni Arya sa sinusulat nito.

"Arya, saang terminal daw bababa si kuya mo?"

"Saint Rose Terminal 6, ate. Bakit?" Tanong ng dalagita na hindi naman nagtataas ng paningin. Pinapatanong ni Mang Ramon. Aalis muna ako ha. Matulog ka na kaagad pagkatapos mong magsagot,"

Hindi na nag-abala pa si Samantha na sabihin dito na siya ang magsusundo sa kuya nito. Tutal, malalaman din naman nito iyon kapag nakarating na sila.

At isa pa, gusto niyang i-surprise si Arem at ang ninong Abel nila. Pupusta siya na hindi alam ng mga ito ang bago nilang tirahan.

Nakangiting kinuha ni Samantha ang susi mula sa sabitan. Magaan ang bawat paghakbang ng kanyang mga paa noong papalabas siya ng bahay nila.

Iniisip niya pa lang kung ano ang magiging reaksyon ni Arem ay napapangiti na si Samantha. Will that guy be happy?

And what about the competition?

Did she win?

Excited na binuksan ni Samantha ang bagong bili na sasakyan ng mother-in-law niya. Syempre iyon ang gagamitin niya para naman hindi makilala ni Arem ang sasakyan. Paano naman ito masu-surprise kung ang sasakyan na kilala nito ang dadalhin niya?

Lagpas kalahating oras na noong makarating si Samantha sa Terminal kung saan bababa si Arem. Excited pa siya at nakangiti habang pinapatay ang makina ng sasakyan.

Maingat siyang bumaba sa sasakyan at isinarado iyon. Akmang maglalakad na siya papunta sa arrival area pero may napansin si Samantha sa unahan.

Napakagat-labi si Samantha.

Kilalang-kilala niya kung sino ang babaeng iyon na naghihintay sa may arrival area.

It's Attorney Pilar!

Tahimik na sumandal si Samantha sa sasakyan. Nang lumingon ang abogada sa may pwesto niya, mabilis na ibinaba ni Samantha ang suot niyang baseball cap.

She's wearing vintage pockets cargo pants and a fit shirt, with a black baseball cap on her head.

Ayaw ni Samantha na mapansin siya ng magandang abogado. Paano na lang kapag nakita siya nito tapos hinihintay rin pala nito si Arem?

Paano kung may relasyon nga ang dalawa? Dahil kung wala, bakit nandoon ito? Hindi naman pwedeng coincidence lang ang lahat, hindi ba?

Samantha clenched her small fists inside the pants pocket.

Ilang minuto pa ay lumabas na sa si Arem. Hindi nito kasama ang ninong Abel nila, sa halip ay isang lalaki na kaseng edad nito ang kasabay nitong naglalakad palabas ng airport. May babae na kaagad sumalubong sa kasama ni Arem, habang si Arem naman ay dumiretso sa tabi ng abogadong si Gabrielle Pilar.

Magkasabay na pumasok ang dalawa sa loob ng sasakyan.

Ang abogada sa driver seat at si Arem sa tabi ng driver's seat.

Napalunok si Samantha.

Dali-dali siyang pumasok sa loob ng sasakyan at pilit na pinapakalma ang sarili.

Dinampot niya ang tubig na nakapatong sa katabing upuan. Ilang lagok lang ang ginawa niya. Nang matapos ay muli niyang sinulyapan ang sasakyan na kinalulunanan ng dalawa. Hinintay niyang mawala ang mga ito sa paningin niya bago niya minaniobra papalabas ng airport ang dala-dala niyang sasakyan.

She's not expecting this kind of development.

Samantha felt like someone had stabbed her in the back.

She took a deep breath and helplessly calmed herself. She should not feel anything. Because first of all, nothing is going on between the two of them.

She's the only one who's overthinking things.

She's the only one who's messed up.

Samantha bit her lower lip.

Parang sirang plaka na nagpaulit-ulit sa isipan niya ang sinabi ng kaibigan niya noong unang beses na magkita sila. Pakiramdam ni Samantha ay isinumpa siya nito dahil kung hindi, bakit ganito kabigat ang nararamdaman niya?

Kung makapag-overthink naman siya, para siyang tunay na asawa. Eh sa papel lang naman iyon, hindi na?

Matamang tinitigan ni Samantha ang sasakyan na nasa unahan niya. At sa halip na sundan ito, kaagad siyang lumiko sa unang intersection na nakita niya.

Ano bang overthink-overthink. Hindi siya nag-o-overthink ano. Medyo disappointed lang siya dahil hindi na siya makakapag-stay sa tabi ng triplets ng matagal. Hindi na niya makikita ulit ang mabait niyang mother-in-law. Kaya ganoon kabigat ang nararamdaman niya. Iyon lang ang dahilan. At hindi iyon dahil nahulog na siya kay Arem Syquia.

Anong nahulog.

Kalokohan 'yun.

Sa simula pa lang, buo na ang plano niya.

Bibili siya ng villa. Mag-aampon ng pusa at aso, o kahit pa ng daga, pero never niyang isinali sa plano niya ang magkagusto mo mahulog kahit na kanino pang poncio pilato.

Kaya naman paninindigan niya ang plano niyang iyon.




Continue Reading

You'll Also Like

25.9K 780 54
MHEL CHAZEINTH DIZON an 27 years old and turning 28 on Wednesday in april 25 Mhel is just visited in Philippines to see how was going their company...
17.7K 812 44
Napagdesisyunan ng magkapatid na Avrice at Amritta na manirahan sa Arturia Town sa bahay ng kanilang tiyahing si Trinity matapos mamatay ang kanilang...
76.1K 3.4K 20
A story about a girl who will cross paths with four gorgeous girls that will falls in love with her.
1.3K 91 25
"Maybe this is a second chance for a second lead. A second chance for me."