Escape of Sweet Cinnamon

By _JN_Felicidad_

117 0 0

"Something just happened and the last thing I knew was I was with someone after a long time of being alone." ... More

ESCAPE OF SWEET CINNAMON
My Sweet Cinnamon
PROLOGUE
00
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER EIGHT

CHAPTER SEVEN

12 0 0
By _JN_Felicidad_

We ate in silence until Migo started driving. Masyado akong nawala sa mood sa sagutan namin ni Romania kahit ilang beses ko nang pinapakalma sarili ko. Ilang beses ko siyang pinalagpas pero 'yung work ethics niya ay sinasagad na ako. 

"Should I drop you off to Mira's place?" Migo broke the silence. I looked at him and suddenly I am not as annoyed as I was earlier. 

"Yes," maikling sagot ko na lang dahil alam kong hindi rin naman siya papayag na ibaba ako sa terminal papunta sa bayan ko. 

"Sabi mo dinner 'yon?" Takhang tanong niya. 

"Doon na lang ako ngayong umaga para maka-uwi rin ako nang maaga. Sa Tagaytay kami bukas, di ba?" 

Tumango siya nang paulit ulit habang diretso pa ring naka tingin sa kalsada. 

May sasabihin pa sana si Migo but his phone rang. He looked at me asking if I could answer the call. Mabilis kong kinuha ang cellphone niya at doon nakita kong tumatawag ang mommy niya. Sinagot ko 'yon at ni-loud speaker gaya ng pakiusap ni Migo. 

"'Nak, san ka na?" Malambing na bati ng mommy niya. Ang lamig ng boses ng mommy niya pero mas nangingibabaw 'yung pagiging malambing, halatang babae na kalmado. 

"Slex, mom." 

"Okay, so malapit ka na? Can I ask if you can drop by in Nuvali? Your brothers are asking for a mango bravo cake." 

"Sure, mi. But mga mamaya pa po ako," sabi niya habang ang atensyon ay nasa pagmamaneho pa rin. 

"Why?" 

Migo looked at me for a second so I mouthed him 'it's okay' pwede naman niya akong ibaba na lang Sta. Rosa. I still remember how I commuted when I took the SCET. Pero pasaway si Migo. 

"I'm with Deanna, mommy." Ngumiti siya sa akin at parang nanghihingi agad ng tawad. Ngumiti na lang ako sa kaniya. 

"What?! Why didn't you tell me? You should've told me kagabi pa so nakapag prepare ako ng mas okay na lunch! My God, Iñigo Miguel!" 

Mabilis nanlaki ang mga mata namin ni Migo sa sinabi ng mommy niya. Pabalik balik ang tingin ni Migo sa akin, sa cellphone niya, at sa kalsada. 

"Mom, no! She's not visiti—" 

"I'll prepare another dish! Paella is her favorite, right?" 

"Mom—" 

"Take care, sweetie! I love you." 

"Mommy!—" The call ended. 

Hindi namin alam ang gagawin at parehas kaming natahimik sa nangyari. Pinatay ko ang cellphone niya pero binuksan ko ulit para tignan ang oras. Masyado pang maaga, it's just nearly 9 am. 

"Nuvali na tayo, Migo," utos ko. Tumingin pa siya sa akin sandali bago tumango. 

"Is it okay with you? You know I can just drive you to your friend's house, right? You don't have to be  pressured to meet my mom. Maiintindihan naman ni mommy. Hindi kasi siya nakinig sa akin, e. I'm sorry she's really excited on meeting you," pagpapaliwanag pa niya. I just shrugged his thoughts off. 

Alam ko naman na kahit di ikuwento ni Migo ay kinukulit siya ng mommy niya na dalhin ako sa kanila. When I met Migo's dad, that's when I confirmed how family oriented Migo was. He was super comfortable with his dad pero malaki pa rin ang respect niya. 'Yung bang kahit sobrang close ay hindi niya nakakaligtaan ang boundaries. 

"I'm really sorry, Deanna—"

"It's okay. Ano ka ba? Makikilala ko rin naman siya soon so why not mas paagahin, di ba?" 

Ngumiti ang loko. Tinignan pa niya ako na parang nang aasar at kinikilig. Kita ko naman kung paano namula ang tenga niya at kahit mukang pinipigilan niya ang sarili na huwag ngumiti ay di niya magawa. 

"Kinikilig ka?" Natatawang sabi ko. Napapailing na lang ako sa itsura niya ngayon. "Muka mo." 

He started chuckling so I throw him a little punch sa braso at kinurot. 

"Mag drive ka nga nang maayos!" Utos ko at pinipigilan din ang sarili na ngumiti dahil baka lumaki ulo. 

"Ayoko! Kinikilig ako," natatawang sabi niya kaya naman ay kinurot ko siya sa huling beses at tinigilan na ang pakikipag harutan sa kaniya. Baka mamaya ay mabangga pa kami. 

Ewan ko sa iyo, Iñigo Miguel. 

"Kinikilig ka rin, no? I can see it, Deen. You're kinikilig," he said in between his chuckles. Tinignan ko siya nang masama at inirapan para naman mas lalo siyang matawa. 

"Yiie, you're really kinikilig!" Nang-aasar na sabi niya. 

"Stop! Bababa ako, sige!" 

"Weh? Sabihin mo nga 'stop the car!'," he said mockingly. 

"Stop the car!" Pag-sabay ko sa trip niya. We both ended up laughing kaya naman ay pinag kukurot ko ang braso niya. He was trying his best na umiwas sa akin pero hindi niya magawa dahil nag dadrive siya. 

"Baby, stop," he said between his laughs. 

 I stopped laughing and pinching him, mabilis akong umayos nang upo pero ang tingin ko ay nasa kaniya pa rin. He accidentally let out the words while chuckling that's why he didn't realize what he just said. 

It took Migo few seconds before he realized kung ano ang sinabi niya! Mabilis din niyang inayos ang sarili at nag drive gamit ang dalawa niyang kamay. Laging isang kamay lang ang kailangan niya para mag drive pero ngayon ay akala mo nakikipag race siya dahil ang buong atensyon ay nasa kalsada. 

Once again, ang bilis na naman ng kabog ng dibdib ko. Parang normal na 'to kapag si Migo ang kasama ko. Madalas ay kalmado ako dahil nandyan siya, pero minsan ay parang nababaliw ang puso ko dahil din sa kaniya. 

Ang lakas ng hatak niya sa akin. 

When we arrived in Solenad, we both left the car and walk side by side in silence. I'm not really familiar here since ilang beses pa lang ako nakakapunta rito. Malayo pa 'to sa bayan namin, e. 

I felt Migo's hand holding mine. Palihim akong ngumiti dahil kanina ko pa talaga gustong hawakan ang kamay niya. 

Migo was smiling as we walk around the mall. Agad kong napansin noong may grupo ng mga bata ang naka tingin sa amin ni Migo. I think they're high schoolers sa muka nila. 

Nang mapansin nilang naka tingin ako sa kanila ay ngumiti sa akin. Tinuro pa nung isa si Migo kaya naman ay kinabig ko siya at tinignan 'yung mga high schoolers na naka tingin sa amin. Mas lalong nagliwanag muka nung mga 'yon at kumaway kay Migo. Migo waved his hand  right away. 

"Hi, kuya Miguel!" 

"Kuya, Migs, we missed you na!" 

"'Ya, how's manila?" 

Sunod sunod na tanong nila. Apat 'yung babae at dalawang lalaki. Lahat sila ay naka ngiti kay Migo at bumati rin sa akin. 

"Girlfriend mo, kuya?" Tanong nung isang babae at sabay sabay nila kaming inasar. Tumawa naman 'tong lalaking katabi ko. 

"Shh, quiet. How are you, guys?" Nakangiting tanong ni Migo. I was just silently observing him while he talk to the high school students. 

His smiles are really out of this world. His eyes are always smiling with his lips and I seriously cannot imagine how many young girls swoon over him just because of how sweet his smiles are! 

Gosh... gusto ako ng lalaki na 'to. 

"This is your ate Deanna," sabi niya at ngumiti ulit 'yung mga bata. "Bakit kayo nandito? Ang aga pa, ah. Nag gagala agad kayo. Tsk tsk." 

"Luh, kuya, no! We're filming po kasi. Then we saw you!" Sabi nung isang babae. 

"'Yah, may girlfriend ka agad? Maka lipat nga ng SLIU sa SHS," sabi nung chinoy na lalaki at nakita ko naman kung paano sumimangot 'yung katabi niyang babae. Tumawa lang si Migo. 

"Huy, Angelo, tumigil ka nga riyan. Sumbong kita sa kuya mo," pang-asar na sabi ni Migo. 

Kinausap ako nung dalawang babae habang 'yung iba nilang kasama ay si Migo ang kinukulit. Tinanong nila ako if kaklase ko ba si Migo at kinailangan ko pang iexplain sa kanila na taga B&A ako. They were so amazed when I told them that I am a film student. Inaasar pa nila ako kay Migo. 

After a few minutes ay kinailangan na nilang magpaalam dahil dumating na raw iba nilang ka grupo. Migo scratch the back of his head before running his fingers through his hair. He was smiling to me shyly. 

"Sorry about that. They're just very loud and excited," kwento pa niya. Tumango lang ako. I enjoyed talking to them naman. "Pinsan nung isang Miguel 'yung isa don." Kumunot noo ko at inalala 'yung mga bata kanina. Siguro, 'yung chinoy 'yon.

May mga ka close rin naman akong mas bata sa akin sa dati kong school. Ang saya nga nila kasama, e. Magagalang sa mga nakakatanda tapos laging ikukwento 'yung mga crushes nila or what. 

"No prob. I like talking to kids. They make me happy at some point kasi ang pure at innocent pa.. that's why I really enjoy talking to them, ang calming ng presence," sabi ko na lang. Tumayo siya sa harapan ko. 

"Sana kids na lang pangalan ko," bulong niya na halos di ko na marinig.

"Huh?"

"Talaga? Matutuwa ka kapag nakilala mo mamaya mga kapatid ko," naka ngiting sabi niya. I nodded and let out a small and sweet smile at him. 

Nag lakad lang kami sa mall nang makita naming sarado pa 'yung contis. Magbubukas naman na agad 'yon pero hinila pa ako kung saan-saan ni Migo hanggang sa makarating kami sa Arcade. I shook my head in disbelief when he drag me to the photo booth. 

Migo seriously has this obsession with photo booths! Sabi niya kasi sa akin noon ay naiinggit siya sa mga kaklase niya kasi nag dadate then may photo booth picture tapos siya ay wala. Pero okay rin daw 'yon kasi single silang lahat nina Tim. Ni isa sa kanilang apat ay hindi nakaranas ng high school love. 

Tama lang 'yon. I didn't have any high school love interest. Iniisip ko pa lang na naging ganito ka sweet si Migo sa iba, baka mag selos pa ako. Pero kung meron, ano namang pake ko don? E, past na niya 'yon. Pero kasi... 

Ah, basta! Migo didn't date anyone before me. I am not yet his girlfriend but I hope I'll be his first. 

If only he'd ask me. 

Hindi spacious 'yung photo booth that's why sobrang makalapit  kami ni Migo. Typical arcade photo booth lang. Noong nakaraan kasi ay nasa korean photo booth kami kaya nakapag try kami ng iba't ibang pose. 

"Smile, Deen," sabi niya bago ngumiti sa camera. Nagsimula nang mag click ng picture pero tinignan ko pa rin sa Migo. 

"Deen? Not baby?" Mapang-asar na bulong ko. He looked at me, gulat sa sinabi ko. Naka ilang take na 'yung monitor kaya tumawa ako nang mahina at humarap don to smile. 

Ang epic ng pictures  namin! 'Yung una ay naka ngiti si Migo habang ako ay seryoso lang, 'yung ikalawa ay naka tingin ako sa kaniya habang bumubulong, 'yung ikatlo ay nakangiti ako sa kaniya habang siya ay gulat na nakatingin sa akin, at 'yung huli ay nakatitig siya sa akin habang naka ngiti ako sa camera. 

He was looking at me intently... as if I was the only one he would want to look at. He was serious but his face were soft and I really liked how he was looking at me. Parang ang gaan ng pakiramdam niya sa akin. 

"Isa pa! Ulitin natin 'to! Binigla mo ako," pagpipilit niya nang makuha namin 'yung picture. Umiling ako at umalis sa booth. Mabilis niyang hinuli ang kamay ko para hilahin ulit doon at tumawa na lang ako nang makapasok ulit kami sa booth. 

"Ano ba?! Bibili pa tayo ng cake. Para kang bata dyan," saway ko sa kaniya. Ngumiti siya bago nag pout. 

"Isa pa, please?" Tinignan ko lang siya at umiling. "Please, baby?" 

Kainis.

Mabilis akong natawa dahil kinikilig ako pero pinigilan ko agad ang sarili at umiling. 

We took another picture. I was just smiling while looking at the camera while Migo was making different poses. 'Yung generic thumbs up pose niya, kinurot 'yung pisngi ko, ginulo 'yung buhok ko, at pinatong ang ulo sa balikat ko.. he was smiling cutely. 

Hindi ko siya pinapansin habang naglalakad kami because he was asking me if he could post our picture to his story again. He was also asking me if he could get the first picture, then I'll get the second. Bahala siya sa buhay niya. 

Kahit ano naman ang makuha ko ay okay lang. Siya pa rin naman ang kasama ko sa picture na 'yon. 

Migo was already driving us to their village. Hawak ko 'yung cake na binili niya. I asked him if I could pay for the cake because I didn't want to go with an empty hand but he didn't let me. So, I bought another cake for his brothers and mom. I was also able to buy three pieces of roses for his mom.

Kinakabahan ako... I mean.. I already met his dad and I am so sure that if his dad is that kind then mas mabait ang mommy niya. 

Pumasok kami sa isang exclusive village, sabi ko na nga ba sa ganitong subdivision naka tira si Migo. Whenever I look at him, even though he's always wearing simple clothes, 'yung mga damit na hindi kita ang brand at kahit na lagi 'tong naka t-shirt at pants ay halata sa kaniya na nang galing siya sa mayamang pamilya. 

I was wide amazed when Migo stopped in front of a huge house. Mali. Mansion 'to, modern mansion. Ang taas ng gate nila and it automatically open. Pinagmasdan ko ang paligid at hindi ko talaga maitatago kung gaano ako ka amaze sa ganda at laki ng bahay nila. 

The fuck? The hell? Shit? Gosh?! Sandali akong lumingon kay Migo na nagmamaneho pa rin. Huminto siya sa mismong tapat ng main door. Inayos niya muna ang sasakyan bago tinanggal ang seat belt. Tumingin muna siya sa akin at ngumiti. 

"Mom will like you.. that's for sure," sabi niya at lumapit sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang lapit niya.. akala ko kung anong gagawin pero 'yon pala ay may ibubulong lang. 

"She already likes you kahit na di ka pa nakikilala," he whispered to my ears then wiggled his eyebrows. Tinanggal niya ang seat belt ko at bumaba na siya ng sasakyan. Umikot siya papunta sa akin at pinag buksan ako ng pinto. 

Hindi ako naka galaw agad. Mangha pa rin ako sa laki ng bahay nila. I mean, I grew up in a good house, too pero hindi kagaya ng ganito. 'Yung bahay namin ang pinaka malaki if icocompare sa mga bahay ng naging kaklase at kaibigan ko nung high school. 

And I know that there are rich people who own houses like this but I never imagine that I will be meeting them and be close to them?! Damn, Iñigo Miguel, I know you're rich but I didn't expect this. 

Bumaba ako ng sasakyan na hawak 'yung cake at 'yung roses. Tinanong ako ni Migo if gusto ko ba na siya na magbuhat pero sabi ko ay ako na. Tumawa pa siya at bumulong na gusto ko raw magpa good shot sa mommy niya. 

"Ganito mo pala ako ka crush.." bulong niya habang naka ngiti. He put his hand on the small of my back as we walk towards the main door. May driver na pumasok sa sasakyan ni Migo at sa tingin ko ay ipapark sa mismong parking space ng bahay nila. 

"Gusto mo di kita pansinin?" Masungit na tanong ko kaya naman lalo siyang natawa. 

Nang mabuksan ni Migo 'yung main door ay automatic na bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako ng sobra! Parang nahihiya ako na hindi ko maintindihan. 

Gosh, Deanna! You lived comfortably! Umayos ka kundi mapapahiya ka. Literal na para akong tanga sa iniisip ko. 

"Kuya!" 

"Kuya, I missed you!" 

Napalingon ako sa dalawang bata na nanakbo papalapit sa amin ni Migo. Magkamukang magkamuka 'yon. Malamang! Kambal nga di ba?

They were smiling so sweetly at mabilis na nag hug kay Migo. Lumuhod naman si Migo para mayakap 'yung dalawang bata. Migo kissed them both sa cheeks dahilan para mas lalong lumakas ang tawa nila. 

"You're here again! I'll show you my dragon!" Malakas na sabi nung isang kambal, 'yung bungi ang taas ng ngipin. Nag boses dragon pa nga siya. 

"I'll show you my teeth, kuya!" Sabi nung isa pa at pinakita nga ang ngipin niya... 'yung baba ang bungi. 

Tumawa si Migo kaya tumawa rin ako. Napansin ako nung kambal at sabay silang tumayo sa harapan ko. They're looking at me as if I'm a test. They both tilted their head at the same time, naningkit din ang mga mata nila. Nagtinginan din sila at may ginawang expression na sobrang parehas. 

"Braven, Caven, this is your ate Deanna. Say hi," sabi ni Migo na ngayon ay naka tayo na sa tabi ko. 

Mabilis na ngumiti 'yung kambal, sobrang laki ng ngiti kaya nakita ko 'yung mga ngipin nila. They both greeted me in chorus at mabilis na yumakap sa akin. 

I smiled because I'm really happy to meet them. Nakakatuwa. 

Mas nauna silang nanakbo paloob pa ng bahay. Masyado akong natuwa sa kapatid ni Migo kaya di ko agad napansin kung gaano kaganda 'yung interior ng bahay nila. Marami rin magagandang paintings. 

"Let's go kay mommy," bulong ni Migo habang haka hawak sa siko ko. Tumango ako at sumunod na lang sa yapak niya hanggang sa makadating kami sa dinning. Pati dinning ay malaki at maganda. 

"You're here!" Nang marinig ko ang boses ng mommy ni Migo ay agad akong na alarma. I looked at the woman who was walking towards us. She looks young for her age! Well, if I remember it correctly, she's only 39. Pero kahit na ganon na ang age niya ay napaka ganda niya pa rin. Parang early 30s lang. 

Mestiza, matangkad, matangos ang ilong... she looks so elegant with her simple flowing dress. Migo looks so much like his dad but now I know where Migo got his smiles and eyes... sa mommy niya. 

Lumapit siya sa amin ni Migo with her open arms. Yayakapin na sana siya ni Migo para bumati pero umilag siya nang kaunti para yakapin ako. My eyes grew so wide at what she did! Tinignan ko si Migo na gulat din pero ngumiti kinalaunan. 

He mouthed 'be ready' kinabahan tuloy ako. 

Mabilis din umalis sa yakap ang mommy ni Migo dahil hawak ko 'yung cake at 'yung roses! She smiled at me! Kagaya nung smile ni Migo. 

Kaya siguro na fall sa kaniya si Tito Atlas. 

At kaya siguro ako nakuha ni Migo...

"Oh! Wow! Thank you!" Sabi niya habang naka tingin sa hawak ko. Inabot ko 'yung cake at roses. 

"For you po," mahinang sabi ko habang nakatitig pa rin sa kaniya. Her skin is so perfect! She looks like one of the veteran actress. Ang ganda ng kutis at ng muka. 

"Super sweet and thoughtful naman, anak ko," malambing na sabi niya kaya nanlaki ang mata ko. I was taken aback with how she called me. Kinuha ni Migo 'yung cake para ilagay sa freezer. Hawak pa rin ng mommy niya yung rosas at nakahawak ang isang kamay sa kamay ko. 

"Buti dumaan ka rito. Sobrang saya ko tuloy. You know I always ask Migo when will you visit here. One time kasi I went in Manila but you weren't available that time for dinner. I was really inggit nung nag dinner kayo with my husband.." 

So... she is Migo's girl version... 

Lumingon ako saglit kay Migo na ngayon ay hawak na ang baby brother niya. 

"Oh, this is my baby bunso pala. His name is Idris," sabi ng mommy ni Migo. Tumango ako habang naka ngiti. 

"I cooked your favorite paella! I'm not sure if kasing sarap ng luto mo because I remember Iñigo told me how tasteful your paella was! Super gustong gusto niya raw 'yon." 

Lumapit sa akin si Migo para ilapit din sa akin 'yung baby brother niya. Sobrang cute dahil sobrang taba ng face. Kinuha ko 'yung alcohol sa bag ko para mag alcohol muna bago ko hawakan 'yung baby nila. 

"Hi, Idris!" I mumbled as I got him from his kuya. I smiled at Migo nang hindi umiyak ang kapatid niya ng kunin ko. 

"Aww! Idris likes you," naka ngiting sabi ng mommy ni Migo. 

"Same! We like her too!" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng kambal na kapatid ni Migo. Lumapit sila sa mommy nila at may binulong. Migo's mom was smiling so sweetly. 

"And I like her more," dugtong ni Migo. Inirapan ko siya. Nandito mommy niya pero nagagawa niya pang lumandi. 

"They said you're so pretty." 

"Mom!" Pag iinarte nung kambal. "We told you don't tell her!" 

Tumawa ako. "Super cute po ng mga anak niyo," sabi ko and then I heard Migo cough like a baby. He also flexed his biceps na parang si superman. 

"Your name is Deanna, right?"

I nodded. "Opo." 

"That's a pretty name. Just call me Tita Milan, ha?" Tumango ako at sabay kaming tumawa kami nang sabay ni tita. 

We spent an hour talking about Migo. Si tita Milan lang 'yung nag-uusp. Ang dami niyang kwento about kay Migo and I don't know it makes me so interested. I mean.. sympre si Migo na 'yon, talagang makikinig ako. 

Ang dami ko pa ring hindi nalalaman about sa kaniya dahil hindi naman kasi siya pala brag. He graduated salutatorian in grade school then he was the class valedictorian noong grade 10 at grade 12. Ang dami niya pang achievements na hindi sinasabi. Sabi ni tita Milan ay sobrang active ni Migo sa banda noon pero hindi talaga pinapabayaan ang studies. 

And not just that! He also competed abroad! Sa fencing. Akala ko ay basta hobby niya lang ang mga 'yon pero hindi. Looks like he always give his best sa lahat ng ginagawa niya. 

"Napaka golden child naman ng lalaki na 'to," bulong ko kay Migo nang umalis saglit ang mommy niya dahil mag lalunch na. Umirap siya nang kaunti dahil kanina niya pa pinipigilan ang mommy niya sa pagkukwento. 

Nginingitian ko na lang siya from time to time. 'Yung ngiti bang nang-aasar pero deep inside ay sobra kong proud sa kaniya. 

"So you'll visit your friend here in Laguna then balik Metro ka na ulit?" 

Tumango ako at uminom ng tubig. "Yes po, tita." 

She nodded. "Migo, ihahatid mo naman siya, right?" 

"Of course, ma," naka ngiting sabi ni Migo. Nasa harapan naming dalawa 'yung kambal niyang kapatid at nasa pinaka gilid 'yung grade 6 niyang kapatid.. kung tama ang pagkakaalala ko. 

Nag kuwentuhan pa kami sa hapag. Nakakagaan ng loob kausap si tita Milan dahil ramdam ko talaga 'yung positive energy niya. Ang daldal niya rin talaga. She would ask me about my script and the kind of movie I'd like to produce. Sobrang proud naman siya sa akin kahit ngayon pa lang niya ako nakilala. Medyo nahihiya tuloy ako. 

I never felt this when I'm with my biological family. They would often tell me what to do and compare me to everyone who's doing better so in my mind, I always needed to be the best among the best. That's why when I flunked in SHS, ang dami kong narinig mula sa kanila. Nakaka drain. Ayoko ng maalala 'yon. 

I also didn't expect that I could be this calm with people. It's like I can share whatever I like and I won't get invalidated but instead supported. 

Nakipag laro pa kami ni Migo sa mga kapatid niya pwera na lang doon kay Mavy. Umakyat kasi agad sa kwarto dahil mag vavalo pa siya. 

"Wait, I'll take a picture of you two. I'll send this to daddy," sabi ni tita kaya naman tumabi ako nang mas malapit kay Migo. He wrapped his arms to my shoulder. We smiled together while looking at the camera. "Oh, it's so cute talaga. Take care!" She said as she crossed the distance between us para makipag beso sa akin. 

"'Nak, ingat sa pa drive," sabi niya bago siya hinagkan ni Migo sa pisngi. Nagpaalam ulit kami bago ako ihatid ni Migo sa bahay nila Mira. 

Mira called me while we were on our way. She asked me if nag commute ba ako but I told her that someone's driving me patungo sa kaniya. Kinilig naman siya kahit hindi niya pa talaga alam ang sa amin ni Migo. Pinilit niya pa ako na pababain ko raw 'yung kasama ko. Hindi ko talaga gustong isama ni Migo pero nakakahiya rin kasi dahil pinag drive niya ako from Sta Rosa hanggang dito sa bayan namin. 

"Mommy, nandito na si Deanna!" Sigaw ni Mira nang makapasok ako sa bahay nila. I kissed her on the cheek at inabot ang gift ko sa kaniya. 

"Happy birthday!"

"Thank you, bes! Hindi na talaga kailangan," pabiro niya pa. 

"Happy birthday po!" Rinig ko ang boses ni Migo na nasa likuran ko ngayon. May dala siyang cake dahil hindi siya pumayag na wala siyang ibibigay kay Mira noong sinabi kong gusto siyang makilala. 

"Hala! May pa cake si kuya. Hindi naman na kailangan." Ngumiti lang ako sa kanilang dalawa at lumakad papunta sa lola ni Mira para magmano. Tinanong nga ulit ako kung sino raw ako.

Nag mano rin si Migo sa lahat ng pamilya ni Mira na pinag manuhan ko. 

"Hoy, kumain na kayo, aba!" 

"Tita, busog pa po kami." 

"Inom na lang daw sila, mommy." Tinignan ko si Mira nang masama dahil kakadating ko lang at pinapainom na niya ako agad. 

"Hello!" bati ko kay Choi nang makita ko siya. Yumakap pa kami sa isa't isa. 

"Ay?" Bulong niya habang naka tingin kay Migo na naka upo sa isang tabi habang kinakausap ang lola ni MIra. 

"Migo," tawag ko. Tumingin naman siya sa akin. "Si Choi," pagpapakilala ko. Tumango naman siya at nag wave. 

"Hello po," mababang tono na sabi niya. Umiling na lang ako.

Medyo maraming tao dahil marami circle of friends si Mira. Nasa isang round table lang kami ni Migo at Choi at ilang college friends ni Mira. 

"Shot na putangina!" Natatawang sigaw ni Mira. 

"Pass." 

"Oh edi kay Miguel na lang." Aktong ibibigay niya kay Migo pero mabilis ko 'yong inagaw para i-shot. 

"Ay si ate nang uunder," mapang-asar na sabi ni Choi dahilan para magtawanan ang lahat ng kasama namin. I wanted to raise my middle finger sa kaniya pero ayoko dahil nandito si Migo. At nagbabagong buhay na ako, no. 

"Don't drink, you'll drive." Tumango naman si Migo sa paalala ko. Ang dami niyang pinagkukwentuhan. Si Mira ay hindi ko makita dahil kinakausap niya 'yung ibang bisita. 

Tanging si Choi at Migo lang ang nakakausap ko dahil hindi naman ako ganoon ka friendly. While, Migo is talking to some of Mira's college friends. Pa minsan minsan ay natatawa ako dahil sa mga daddy jokes ni Migo sa akin. Nakikipag biruan din siya sa mga kaibigan ni Mira.

I couldn't help but smile at him as he speak. I couldn't help myself but admire him more. 

"Galing makisama ni kuya," bulong ni Choi sa akin. I shook my head as I roll my eyes on him bago i-shot ulit 'yung bagong abot sa akin. 

Tumayo ako para sana mag CR pero agad akong nahagip ng paningin ni Migo. 

"Where you going?" Bulong niya. I mouthed 'CR'. He asked me if I need help but I just shrugged. 

Medyo nahihilo na rin ako sa dami ng nainom ko pero hindi pa naman ako lasing. Kailangan ko lang mahulasan. Tangina kasi.. kung di ko i-sh-shot, si Migo ang pipilitin e hindi nga pwede dahil mag dadrive 'yung tao! 

I looked at my reflection. Hindi naman ako namumula. Naghilamos lang ako at nagtagal ng ilang minuto sa CR. 

"Oh, okay ka lang?" Tanong ni Mira nang makasalubong ko siya. Tumango lang ako. "Gusto mo sa kwarto?" 

"Si Migo." 

"Mukang okay naman siya, e. Nakikipag usap sa mga blockmates ko." I nodded as I walk towards her room. 

"5 minutes," bulong ko at humiga sa kama niya. I heard the door closing so I closed my eyes, too. 

"Mira!" Sigaw ko at mabuti na lang at narinig niya kaya pumasok siya ulit ng kwarto. 

"Ba't?" 

"Huwag niyong papainumin," banta ko. 

"Ayoko nga!" She laughed. "Joke. Okay po." 

I closed my eyes as I feel my head aching so bad. I was cussing in my head sa irita but I know that a nap will surely help me. Mawawala rin ito ka-agad. Huwag lang nila sanang painumin si Migo. I trust Mira and Choi kasi marunong naman mas respect 'yon at di naman nila gugustuhin makita akong galit ulit. 

I woke up after almost 30 minutes. Mabilis kong tinignan ang sarili sa salamin at mabilisang nag-ayos. I retouched my make-up and brushed my hair. Lumabas ako ng kwarto at nakasalubong ko ang kapatid ni Mira na inabutan ako ng juice. Hindi ko alam kung bakit pero ininom ko na lang. 

"Oh? How are you feeling?" Bulong ni Migo sa akin nang maka-upo ako. Wala 'yung iba dahil may binili raw. Malamang alak ulit. Kulang ata lahat ng alak na nandito. 

"Did you drink?" 

"No." I nodded at his reply, I trust him but I had to lean in and smell him so that I know that he's not lying. I felt him stiffened. Lumayo ako nang masigurado kong hindi nga siya uminom. 

"I wouldn't drink if you tell me not to," paliwanag niya pa. 

"Ang pa baby mo naman, Deanna, 'di ko inexpect," tumatawang sabi ni Choi. I gave him a death glare. 

"Ay shet! Lasing pa."

"Hindi ako lasing." 

"Weh? Sige sabi mo, e." Natatawa pa rin siya. 

I held Migo's hand at nilagay 'yon sa bewang ko. I leaned on him then I felt his lips on my head.. planting a kiss. 

"You okay?" Malambing na tanong niya. I nodded. 

"Do you want something?" I shook my head as I close my eyes. 

"Do you wanna go home na?" I nodded. 

"Yes, please," I mumbled. Hindi ako lasing pero pagod na ako makipag socialize. 

"Okay, then. Let's go na," bulong niya at inalalayan akong tumayo. Nagpaalam ako kay Choi at kay Mira. Ayaw pa akong paalisin pero sinabi kong may ififilm pa kami sa Tagaytay bukas. Nagpaalam din kami ni Migo sa magulang ni Mira. 

"Deen," tawag niya habang naka tingin sa dinadaanan. 

"Hmm?" 

"You need to be in Tagaytay tomorrow, right?" I nodded. 

"Tagaytay is only half an hour or an hour away from our house." 

"So?" 

"If you want, you can just stay in..." hindi niya tinuloy dahil mukang nahihirapan siyang sabihin ang nasa isip niya. "There's.. ahm.. May guest room kami. I don't think going back in Manila only to commute to Tagaytay tomorrow is a good idea." 

"I'm fine. Ayos lang ako. Huwag kang mag-alala." 

Tumingin siya sa akin saglit at binalik din agad ang atensyon sa kalsada. I saw him nodding. 

"Okay." 

I thought Migo will drop me off sa terminal sa Calamba but my eyes widened when I realized that we're already in the express way. 

"Migo!" Gulat na sabi ko dahilan para pati siya ay magulat. 

"Why?" Naguguluhang tanong niya. "Nag cheat ba ako sa panaginip mo?" Natatawang sabi niya. My forehead creased more that made him burst out laughing. 

"It's just a dream, Deen," natatawa pa siya. I looked at him in disbelief. Delusional. 

"Bakit tayo nandito? Diba sabi ko ibaba mo ako sa terminal?" 

"Tulog ka e." 

"So? Sana ginising mo ako." 

"But you were sleeping." 

"Sana nga ginising mo ako." 

"Ayoko nga. I don't have the heart to. I'm sure that you're tired kasi madaling araw pa lang ay gising ka na. Kaunti pa lang ang oras ng tulog mo tapos ay uminom ka pa. And if I let you commute tonight, mas lalo kang mahihirapan. You needed sleep." Dere-deretsong paliwanag niya but that didn't erase the crease on my forehead. I saw him smiling as he shook his head. 

"Huwag ka ng pasaway. Hindi ko kayang hayaan kang mag commute pauwi ng Manila kaya whether you like it or not, ihahatid kita," nakangiting sabi niya pagkatapos ay sumulyap sa akin. 

"Tapos uuwi ka pa ulit ng Sta. Rosa?" Naka simangot na sabi ko. Umiling siya. 

"No. I'll stay here na. I'll go home tomorrow after I drop you off in Tagaytay." 

"Migo!" 

"What?!" Natatarantang tanong niya dahil bakas sa sigaw ko ang inis. 

"You're tired too!" inis na sabi ko. Sure akong pagod din siya kagaya ko. Kaya ko naman kasi talagang mag-isa. I hate that he's making such an effort for me kasi sino ba ako? I mean oo gusto niya ako pero parang sobra naman effort niya. Parang hindi ko naman deserve. 

"I know? But at least I'm not drunk," tumatawang banggit niya. 

"I'm not drunk!" 

"Sige po. Sabi mo, e," he said, trying his best to hold his laugh as he nod his head. 

"Hindi ako lasing." 

"Okay." 

"Hindi nga!" 

"Kiss mo nga ako," natatawang sabi niya pero hindi pa siya natatapos magsalita ay mabilis kong tinanggal ang seatbelt at mabilis na nagnakaw ng halik sa pisngi niya. I felt him froze for a moment as if he couldn't believe na I can do that. 

Mabuti na lang at nag red light na dahil nakalabas na kami ng express way. Umayos ulit ako ng pag-upo at binalik ang seat belt. 

Migo was just staring at me... his eyes were wide circled, I could see the beauty of his eye color kahit na hindi ganon kaliwanag ang kapaligiran. Lumipas ang ilang segundo pero nakatitig pa rin siya sa akin at mukang hindi pa nakakabawi. 

I shook my head as I giggled! Akala niya, ha? I can kiss him more... only if he'd ask me. 

Only if he'd ask me. 

I hope he know about that. 

"Deen... Deanna," he stuttered. Maiigi kong pinigilan na huwag tumawa sa itsura niya. Tinignan ko lang siya ng may ngiti sa labi. 

"How can  you do this?" he paused for a short moment. He breathe in. "How can you make my heart go wild crazy? Deanna... I'm falling so hard for you." I smiled even more at his sudden new confession. 

Continue Reading

You'll Also Like

55 9 7
They say what's in the past keep it in the past but I wanted to know all about my past. It was things that I didn't know and that I wanted and needed...
Logan By Marie

Teen Fiction

10.9K 269 31
*TW* Contains topics and scenes of sexual assault, self-harm, abuse.* "You know you loved every second of it," I can feel the tears welling up as wel...
8.5K 572 35
What happens when one has feelings for the other but he knows he can't love her for she loves someone else. Friends since the beginning but is that a...
425 67 20
I didn't know a meeting could change all my perspective of life. It's like I'm stuck in a romance kind of movie. Everything is PERFECT. But I'm afrai...