Sounds Of The Night (TWTH Ser...

By AindyWindy

936 349 52

π’π”πŒπŒπ€π‘π˜ : Everyone knows Luis, except Jenica. Jenica Acab comes back to Philippines to meet her unrequ... More

Author's Note
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
EPILOGUE
special thanks!!
CHARACTERS

CHAPTER 28

14 5 3
By AindyWindy

[Chapter 28]








Bumukas ang aking mga mata. Nakita ko ang sarili ko na nakaupo sa barstool ng bar. Maraming tao doon, lahat ay busy sa kaniya-kaniya nilang pinagkakaabalahan habang ako'y nag-iisa lang dito, mag-isa shumashot. Nang lumingon ako, nakita ko si Wesley na nakaupo sa tabi ko, shuma-shot din. Akala ko mag-isa lang ako. Gusto ko sanang sabihin, 'Wesley, nandito ka pala!' pero hindi ko maintindiha't hindi ako makapagsalita. Si Wesley ang nagkusang magsalita, "Jenica. . . ? Are you ready to hear the truth?" mahinhin niyang banggit habang inaalog ang baso ng alak na hawak niya. Anong truth? May kailangan ba akong malaman? Bago ko pa malaman ay nakasagot na ang sarili ko sa kaniya, "Bakit? May mali ba? Hindi ko kailangan malaman ang katotohanan." ano?! Paano nangyari 'yon? Hindi naman iyan ang gusto kong sabihin ah. Kailangan ko malaman! Bawiin mo!

Kahit tanggihan kong malamang ang katotohanan base sa literal na sinabi ko, nagsalita pa din si Wesley tungkol sa katotohanan. "You have to-. . . . you have to know that Lucas is already engaged with someone. Someone else he loved." nagunaw ang loob ko sa narinig ko. Imposible. . . sabihin mong imposible iyan dahil wala naman talagang katotohanan iyan 'di ba? Nangako sa akin si Lucas, iintayin niya ako, imposibleng mangyari iyan! Umiling-iling ako, hindi matanggap sa sarili ang sinabi ni Wesley. Sasagot pa sana ako nang bumagsak na ang ulo ko sa counter.

. . . .

Nagising akong nakahiga naman ang ulo sa balikat ni Luis. Nagsalo pa kami ng kumot sa sofa. Panaginip lang pala.

Tulog pa si Luis noon nang magising ako kaya ako ang naunang tumayo. Nang bigla ko na lang maramdaman ang kamay ni Luis na humablot sa kamay ko na nagpatigil sa aking umalis. Gising siya?!

Nevermind, hindi pala, maya-maya lang ay nanlambot ang kapit niya na tuluyang nag-alis sa kapit nito. Nananaginip siguro. 'Di bale, ako din naman nanaginip. Medyo makatotohanan nga e, parang nakaramdam ako ng luha sa mata ko nung magising ako.

As much as I want to stay a little longer, hindi na ako nagtagal pa at bumangon ng dahan-dahan mula sa sofa, ensuring na hindi magigising si Luis sa pagtanggal ko ng yakap niya sa akin. Hays, parang bata kung matulog.

I love this view. . . he looked so peaceful in there, his sleeping face and his breathing sounds, how can I resist that?! Para akong mawawala sa sarili habang nakatingin sa kaniya. He was like a challenge I can't move on. Hindi naman siya ganyan ka-cute sa paningin ko dati e. Ewan ko na lang kung anong nangyari ngayon.

. . . .

Pumasok na ako sa trabaho ko noon. Medyo late talaga ko nagising no'n pero mabuti na lang at bumangon ako agad, ayun hindi naman ako na-late kahit papaano. Pagkapasok ko sa opisina ay dumiretso na ako sa desk ko at umupo, nilapag ko ang jacket ko sa sandal ng office chair ko at binuksan na ang computer. Bigla na lang sumulpot si Magnus at sumandal sa cubicle wall ng space ko. He was grinning, yes, he couldn't stop grinning like a fool. What's the matter? Busy pa ako dito pero mukhang may kung anong sasalubong sa akin ah.

"Heeeey~ Jenica." Magnus' strange greeting to me. Ngumiti siya na tila nagpapa-cute at nag-peace sign.

Nginitian ko rin siya at nag-peace sign, "Hi sir Magnus." pormal na bati ko na 'kinagulat niya, "Oh! Ba't tinatawag mo na 'kong Sir Magnus ngayon? 'Di na ba tayo magkaibigan?" mabilis na nanlumo ang ekspresyon sa mukha niya noon, ni hindi pa nga ako nakakasagot. 'Di naman ako aware na magkaibigan na pala kami, "Sorry. Nagpapakapormal lang. I was just thinking na--alam mona--kaibigan ka ni Sir Wesley, so dapat tawagin na din kitang Sir." tumango-tango siya habang nakaawang ang labi. "May point ka. 'Di ba pinakiusapan ka na ni Wesley na tawagin na lang siyang Wesley? Wala nang sir sir. Just do the same with me, I don't really like formal things." ah, halos malimutan ko na 'yan ah. Tumango ako sa pagsang-ayon. "Sige, Sir Mag- Este, Magnus!" 'di pa ako masyadong sanay sa walang formalities, parte kasi iyon ng professionalism ko kaya gusto ko lang panatilihin iyon pero si Magnus na mismo ang nagbanggit na ayaw niya ng formalities kaya wala naman akong ibang kaso kundi intindihin siya; kung 'yon ang gusto niya.

Natapos ang usapan namin dahil matagal na nanahimik ang bawa't-isa. Buti na lang at bukas na ang computer kaya nagsimula na akong magtipa. Nakita ko na lang na nag-pop-up ang isang notification galing kay Luis. Ano na naman ang kailangan niya? May nalimutan ba akong dalhin?

Luis: Damn you, Jenica!

Oh! Ano na namang problema nito, parang kanina lang mapayapa pa siyang natutulog. Ngayon mukhang mag-aalburuto. Pero baka may nakalimutan nga ako. . .

Napakagat ako sa kuko ng daliri ko habang nangangambang nagtitipa.

Me: bkt ba?

Fast replier naman pala si Luis. 'Di kasi kami madalas mag-usap sa chat. 'Pag may shooting naman siya, obviously mabagal ang reply niya.

Luis: How dare you leave me alone sleeping here!

Ah. 'Yon pala ang dahilan kung ba't nagmamaktol na naman si pogi. Alangan namang mag-stay ako, ano, e 'di pinabayaan ko trabaho ko.

Nagulat ako nang biglang sumipol si Magnus. Akala ko nakaalis na siya? Pinapanood niya lang pala akong ngumisi-ngisi dito sa pagtitipa ko sa computer

"Who are you texting? You keep grinning." asar-pansin niya. Pinagkakatuwaan na ako ng tingin niya.

Umiling ako, "W- wala 'to." sabay close agad ng messenger tab. Hayst! Dapat nagsisimula na 'ko sa trabaho ko e, sinasabayan pa 'ko ni Luis.

Tinawanan lang ako ni Magnus. Ang tagal nang nakatambay dito ni Magnus ah? May trabaho din ako. "Magnus, mawalang-galang na. . . pero wala ka bang ibang gagawin? Pansin ko lang kasi na kanina ka pa nakatambay dito." he instantly straightened his stance as he threw me a finger, "Got you another point for that! Why am I even still here?" uhh- am I supposed to answer that? "Because--I was hoping I could get a quick chat with you before I face someone I hate to face." sino naman kaya ang tinutukoy ni Magnus? May pupuntahan ba siyang meeting pagkatapos niya dito? "And speak of the devil. . . here he comes." agad niyang inayos ang damit niya upang magmukhang presentable sa lalaking kasama ni Wesley naglalakad papunta sa office niya. Tinanguan ng lalaki si Magnus at dumiretso sa paglalakad. Sino iyon? Ang gwapo niya sobra!

Dumating si Miyah. Katrabaho ko siya at siya ang katabi ng cubicle space ko kaya naging close kami at naging magkaibigan kinalaunan. She approached me as she passed by, carrying a sweet corn in her hand, busy enough to be eating it. "Gusto mo te?" alok niya sa'kin ng sweet corn. Umiling ako sa pagtanggi.

Nang makalingon ako ulit, wala na si Magnus. Bumalik ako kay Miyah, siya naman ang tinanungan ko dahil curious talaga ko kung sino iyong lalaki na kasama ni Wesley kanina, "Psst." I approached her with a tap in her arm, "Sino iyong kasama kanina ni Wesley kaninang maglakad?" I curiously asked. "Ahh 'yon. Bakit--napopogian ka ano?" pang-aasar niya. Totoo naman pero wag na lang niya lagyan ng malisya, na-attract lang ako. "Ano ka ba, hindi naman." depensa ko na hindi naman bumenta sa pandinig ni Miyah at sarkastiko akong inismidan. "Asus. Ikaw pa! Aminin mo na lang." tumawa siya sa akin, "Oh so ano nga? Sino nga 'yon?" panumbalik kong tanong. Kumain muna siya ng sweet corn bago siya sumagot, "Si Sir Ethan. Kuya ni Sir Wesley." Ethan? E 'di bale isa siyang Marquez. Grabe naman, ang popogi nilang magkapatid. Naalala ko tuloy si Luis at Lucas, ang gwapo din nila pareho.

"Ganito kasi 'yan. 'Ge, chikahin na din kita dito." inusod niya ang office chair niya sa harap ko saka umupo, "Kakauwi lang daw niyan ni Sir Ethan mula Australia. Since nasa business field si Sir Wesley, nasa filmmaking field naman si Sir Ethan. Eh nagkaroon 'yan ng issue last year na nangretri ng writer sa isang project niya, ayun na-depress than baboosh-" kwento niya. Nanlalaki ang mga mata niya kapag nasa climax point ang kinekwento niya.

"Baboosh?" tanong ko. "E 'di nagpakalayo-layo! Siguro naka-move on na siya ngayon kaya nagbabalik gumawa ng film." para bang tinubuan ako ng ideya sa ulo ko nang marinig ang oportunidad. Teka. . . No, Jenica, you must fight the urges. This is the new life you have, you can't be going back to your shadows.

"Oh? Ba't parang nanlata ka? Gutom ka? Oh eto, kain ka." iniwan ni Miyah ang natirang sweet corn sa desk ko saka siya dumiretso na sa space niya. Marami pa namang tira kaya pwede pang kainin. Lumapit ako sa desk ko at sinubukang magpokus na lang sa trabaho, kahit na ang totoo ay hindi ako mapakali sa kakaisip sa sinabi niyang--Ethan Marquez. . .

Natutulala na lang ako sa kakaisip, puro na lang isip. Nang bigla na lang akong tawagin ng secretary ni Wesley na si Gabrielle. Bagong hire lang siya dito. Nag-resign kasi ang dati niyang secretary dahil masyado daw itong nahihirapang i-handle ang ugali ni Wesley. Para sa'kin maayos naman si Wesley? Paano naman kaya iha-handle 'to ni Gabrielle?

"Miss Jenica, tawag po kayo ni Sir Wesley sa office." shit. Naalala ko 'yong sinabi ni Magnus sa akin. Parang nahawahan niya na din tuloy ako ng kaba! 'Wag kabahan, Jenica! You've done better in this. Tumayo ako sa upuan ko at sinundan si Gabrielle pumasok sa opisina ni Wesley. Akala ko kasama ko siyang papasok kaya panatag pa ang loob ko, laking gulat ko nang pagbuksan niya lang ako ng pinto at tuluyan nang umalis nang makapasok ako. Ang awkward ng pagpasok ko! Mga tinginan agad nila ang sumalubong sa akin, wala man lang bang magsasalita?! Goddamn, Jenica, what's there to be anxious for? Other than Ethan being incredibly handsome, he's in the filmmaking field just like how you did, he might even recognize you. Wait. . . holy shit! How can I forget that?!

"Good to see you, Jenica." naunang bumati si Wesley. Tinanguan ko siya. Ay, hindi pala dapat gano'n. Nagkamali ako kaya nginitian ko siya, "Goodmorning din po. . ." nahihiya kong bati. Nasa gilid lang si Magnus, sa tabi ng malaking bookshelf ng opisina ni Wesley siya nakasandal habang nakasimangot na nakakrus ang mga braso. Pero ng makita na niya ang mukha ko ay ginanahan na din siya.

"Have a seat first, Jenica." alok ni Wesley. Umupo ako sa sofa sa harap ng desk niya. Katabi niya lang si Ethan na nakaismid. Uhh- may problema ba? Ba't ganiyan kasama ang tingin niya?

"Jenica, I want you meet my big brother, Ethan. He works in Sparksplay as a producer, I must say--he knows a lot of filmmakers that's why he'll help us produce a new commercial for our new project." pagpapakilala ni Wesley sa kaniyang kapatid. Wala pang minutong nakikilala ko ang kuya niya ay ramdam ko na agad ang bilis ng pagtibok ng puso ko sa kaba. Most especially when he literally took emphasized in the fact that he knows a lot of filmmakers, that almost caught me off guard.

"Miss Acab on the other hand. . ." lumingon siya kay Ethan para ipakilala naman ako, "She's a brilliant marketer, she'll be managing how the commercial will make impact in the publicity." the idea seemed to be a little off to Ethan, his face gloomed even more after hearing my role for this project. I don't know if it's just me or he really is just a huge snob.

Ethan suddenly walked forward my way and gave me the darkest look I could see. "Why is she going to manage it? Hindi ba dapat director na ang bahala kung paano magkakaro'n ng impact ang magiging concept ng commercial?" huh? Sungit naman, e anong magagawa niya e sa trabaho ko nga 'yon?

"No, it's not a matter of how the director will direct it. We are following a certain concept only made by a professional marketer, I'm pretty sure si Jenica ang may pinakamagandang idea para sa concept kaya siya ang pinagkakatiwalaan namin." Wesley explained. Sana nga lang ay bumenta iyon kay Ethan, gano'n pa din naman ang mukha niya, parang galit pa din. Ano bang problema niya? My god!

It wasn't long when Wesley finally asked me to leave. Tapos na ang pag-uusap at pagpaplano namin kaya wala na akong ibang rason pa para manatili sa loob. May hiwalay ata silang pag-uusapan nina Magnus kaya pinaalis na ako agad.

Nakakaloka naman si Sir Ethan, sobrang suplado at sobrang sungit, kala mo 'di nasinagan ng araw. Gwapo sana kaso ang sungit naman.

Saktong paglabas ko ng opisina ay sinalubong na agad ako ni Miyah. She clung into my arm and kept blabbering stuffs. "Jenica! Kain tayo!" napatingin ako agad sa oras, lunch time na pala? Hindi ako nagdalawang isip at sinamahan si Miyah na kumain. Kumain kami sa pinakamalapit na restaurant sa building. Maganda roon at napapalibutan ng mga halaman, parang garden restaurant. Nang makakuha kami ng table ay hindi na kami nagsayang pa ng oras at umorder na ng pagkain. Nilapitan kami ng waiter at isa-isang kinuha ang order namin. Nang makaalis ang waiter, nagsimula nang magtanong ng kung ano-ano si Miyah tungkol kay Sir Ethan.

"Anong pinag-usapan niyo?" she was so curious she even tilted her back closer to me.

"Tungkol lang sa bagong project, si Ethan pala ang magiging producer ng commercial." sagot ko sa kaniya. Tumango-tango lang siya habang nakaawang ang labi. "Ahh, so ano? Totoo daw ba yung issue niya? Nakwento niya ba sayo kung okay na siya ngayon? Binigay niya ba sayo number niya?" nagsabay-sabay ang mga katanungan ni Miyah at natataranta pang mabalis ang pananalita. Hays, hindi na naman siya mapakali, nakakakita na naman siya ng mayamang pogi.

"Pwede ba, isa-isa lang? Tsaka ano ba namang klaseng mga tanong 'yan?!" reklamo ko sa kaniya sabay tukod ng kamay sa baba ko habang nakatingin lang ako sa kaniya.

"Bakit naman? Oh sige, ito na lang, totoo daw ba yung issue?" muling pagtatanong niya.

Bahagya akong napahampas sa lamesa dahil sa irita, "Ano ba, Miyah! Ang kapal ng mukha ko kung tinanong ko sa kaniya 'yan." natawa si Miyah sa naging tugon ko. 'Di nagtagal ay dumating na din ang pagkain namin kaya nagsimula na kaming kumain. "Ay, walang toyo. Teka lang, gurl, kuha lang ako." she excused herself as she stood to the counter to get what she needs. I took the chance to look through my phone just to see Luis' loads of notifications. Ang daming missed calls at halos minura-mura niya na ako sa chats. Hayst, 'di ba siya makaintindi? May trabaho ako!

Hindi ko napansing nakabalik na pala si Miyah na may hawak na toyo, umupo siya at agad kong tinago ang cellphone ko. Nagsimula na kaming kumain, may small chats kami bawat kain namin kaya hindi boring.

Suddenly, she brought a topic I was caught off guard, "Hays. . . gusto ko na ulit ma-kiss." she whined.

Hindi ko alam pero parang nahuli niya ako roon. Naalala ko bigla ang naging halikan namin ni Luis. . . bigla akong nakaramdam ng hiya sa sarili. "Jenica, wala kang jowa, ako mayro'n. . . pero hindi ko naman siya madalas nakikita. Wala tuloy akong kiss, miss ko na siya." pangungulila niya sa kasintahan niya. I couldn't keep up a straight face to her as we go through this topic. You could see how awkward my smile was as she kept talking about kisses and stuff. Paano ba naman kasi, parang nagkabaliktad kami. Siya, may boyfriend na siya pero hindi sila madalas magkita kaya wala siyang natatanggap na halik sa boyfriend niya, samantalang ako--wala naman akong boyfriend--pero napapadalas ang halikan namin ni Luis lately.

Continue Reading

You'll Also Like

14.6K 298 40
In the wake of their lost heir's dramatic reappearance, Berk has changed for the better. Unfortunately for our heroes, they do not have time to stay...
1M 82.1K 39
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
29.1K 1.6K 41
Eugene Scott x Mary Divine Lee 09/13/2023 - 10/10/2023
69.3K 2.5K 31
u n e d i t e d "Write your name if the statement is correct and write your crush's name if the statement is wrong. NO ERASURE." - This instruction...