The Divorce

By MrsPeriwinkle0024

27.8K 1.5K 227

In her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her di... More

Chapter 1: Rebirth
Chapter 2: Exchange
Chapter 3: Get Married Then Divorce
Chapter 4: Asking For Pocket Money
Chapter 5: Unexpected Turn Of Events
Chapter 6: Bargaining Chip
Chapter 7: The Audacity
Chapter 8: The Truth
Chapter 9: Wrong Script
Chapter 10: First Time
Chapter 11: Obstacles
Chapter 12: Cannot Threaten Him Anymore
Chapter 13: Loyalty
Chapter 14: Going To Hate Him
Chapter 15: Willing
Chapter 16: The Perfect Sister-in-law
Chapter 17: One Of Her Dreams
Chapter 18: What To Fix Next?
Chapter 19: A Sudden Lecture
Chapter 20: Finally
Chapter 21: Judas Kiss
Chapter 22: Cannot Blame Her
Chapter 23: Proposal
Chapter 24: Insult
Chapter 25: Unwanted Visitors
Chapter 26: No Strings Attached
Chapter 27: Poor
Chapter 28: Last Option
Chapter 29: A White Dress
Chapter 30: Her Creations
Chapter 31: Lunch Date
Chapter 32: Painful Memory
Chapter 33: No Thanks
Chapter 34: Dearest Sister-in-law
Chapter 35: Someone Is Coveting His Woman
Chapter 36: Washing My Eyes
Chapter 37: Wish
Chapter 38: Wedding Day
Chapter 39: Arya Being Hysterical
Chapter 40: Asking For A Gift
Chapter 41: Torture And Imaginations
Chapter 42: Concerned About Her
Chapter 43: A Nightmare
Chapter 44: Good Bye
Chapter 45: Original Plan
Chapter 46: A Normal Day
Chapter 47: Upset
Chapter 48: Gentle
Chapter 49: Negative And Positive Emotions
Chapter 50: Doubt
Chapter 51: The Police Officer And The Lawyer
Chapter 52: Helper From The Past
Chapter 53: Bothered
Chapter 54: Arya's Concern
Chapter 55: Felt Like A Roller Coaster Ride
Chapter 57: Stick To The Original Plan
Chapter 58: Someone Who Looks Like Her
Chapter 59: Delighted
Chapter 60: Different Types
Chapter 61: What If...?
Chapter 62: Protecting You In My Own Little Way
Chapter 63: The Allejo Family
Chapter 64: The Hungry and Irritated Sam
Chapter 65: Bite Back
Chapter 66: Bullying The Bully
Chapter 67: Prevention Is Better Than Cure
Chapter 68: Samuella's Nightmare
Chapter 69: Samuella's Nightmare Part II
Chapter 70: The Brother-in-law
Chapter 71: The Birthmarks
Chapter 72: A Success
Chapter 73: Stealing Task
Chapter 74: Terrifying
Chapter 75: Missing Home
Chapter 76: Indulge

Chapter 56: Someone Who Knows Her Best

290 15 0
By MrsPeriwinkle0024

Monday. 7 AM. Saint Rose Capital.

Maingat na ipinarada ni Samantha ang sasakyan sa parking ng CIHS. Dahil may taping ang mother-in-law niya, siya ang natokang sumama sa triplets para i-enroll ang mga ito sa panibagong paaralan na papasukan ng tatlo.

"Let's go?" Nakangiting tanong ni Samantha nang makababa na sila ng sasakyan.

Mabilis na humawak si Arya sa braso ni Samantha. Kitang-kita ang kaba sa mukha ng triplets habang nakatingin sa magara at malapalasyong building ng Capital International High School.

"Ate, kinakabahan ako," ani Arya na dama ni Samantha ang bahagyang panginginig.

Iyon ang unang beses na umalis ang magkakapatid sa probinsiya. Kaya naman hindi inaasahan ng tatlo na ganito kagara ang bagong paaralan na papasukan nila.

"Wala naman kayong dapat na ikabahala. Hindi ba, ni-review na kayo ng limang tutor last Saturday at Sunday. Hindi naman nahuhuli ang kaalaman niyo sa nalalaman ng mga estudyanteng nandito. Guys, isipin niyo na lang na kapag nakapagtapos kayo dito, mas madali kayong makakapasok sa University na gusto niyo. Isipin niyo na lang na ginagawa niyo ito para kay mommy," malumanay na paliwanag ni Samantha sa tatlo.

Hinayaan lang ni Samantha na nakahawak ng mahigpit si Arya sa kanya.

Dahil doon siya nag-aral ng high school, alam ni Samantha ang pasikot-sikot sa loob ng campus. Ipinakita niya lang sa guard ang transfer information ng tatlo at pinapasok na sila kaagad sa loob.

Sigurado ang mga hakbang na nagtungo si Samantha sa faculty ng school. Nakahiwalay ang building ng mga guro sa malapalasyong style ng mga silid-aralan.

Mahinang kumatok sa nakabukas na pintuan si Samantha.

Napatitig naman sa kanya ang lahat.

Nakasuot lang si Samantha ng maong na pantalon at maluwag na t-shirt.

"Good morning po," nakangiting bati ni Samantha.

"Ano pong kaila—hey, I know you!" Nangislap ang mga mata ng babaeng lumapit kay Samantha.

"Sammy!"

Tinitigan ito ni Samantha.

Sa tagal na ng panahon na grumaduate siya ng high school, hindi na niya maalala kung sino ang babaeng nasa harapan. Gustuhin man niya itong batiin ay hindi niya alam kung paano ito tatawagin.

"Tsk. It's me, Adrienne, remember?"

"Adrienne?"

Napakunot-noo si Samantha. Pagkatapos ay hindi niya mapigilan ang pagkislap ng kanyang mga mata.

"Addy?!"

"Yes! It's me!" Masayang lumapit ang magandang dalaga at saka mahigpit na niyakap si Samantha.

Gumanti rin ng mahigpit na yakap si Samantha. Hinding-hindi niya inaasahan ang pagkikita nilang dalawa ng taong ito.

Pareho silang art student. Iyon nga lang sa pagd-drawing naka-focus si Samantha habang sa pag-arte naman naka-focus ang kaibigang si Adrienne.

Ang alam niya ay nagtungo ito sa ibang bansa para mag-audition sa isang indie film.

"How are you? Halos isang taon na tayong di nagkikita," nakasimangot na turan nito.

"Parang kasalanan ko?" Pinagtaasan ni Samantha ng kilay ang babaeng kaharap. She's still as pretty as before. Her good friend, Adrienne Madrid.

Ang buong akala niya ay sa ibang bansa na ito maninirahan ng permanente dahil simula noong umalis ito sa Pilipinas ay nawalan na sila ng kontak sa isa't-isa.

In her past life, hindi na kailanman nakita ni Samantha ang matalik na kaibigan na ngayon ay masayang nakatayo sa kanyang harapan.

"Oo na. It's my fault. Nagpunta ako sa bahay niyo pero wala nang nakatira doon. Lumipat na daw sila sa Golden City two months ago," anang babae. "I miss you so much!" Muli na naman nitong niyakap ng mahigpit si Samantha na kaagad natigilan pagkarinig sa sinabi niya.

Biglang bumilis ang pintig ng puso ni Samantha nang marinig ang lugar na iyon mula sa bibig ng kaibigan.

"G-golden City? W-who told you that they're in that place?" Kinakabahang tanong ni Samantha. Hindi niya mapigilan ang kusang panginginig ng kamay niya.

That's imposible, right?

Golden City.

How can she forget that place?

That place was like a living hell in her memories.

Doon nagsimula ang lahat ng mga paghihirap niya. Ang hindi makataong pagtrato sa kanya ng mga tao at pagkakataon.

"Hmmm? Their caretaker. Binibenta na nila ang villa. Kapag nabili na 'yun, aalis na siya. Ayon ang sabi sa akin ng caretaker. Well, I heard what happened and I'm not surprised. Matagal mo naman ng inamin sa akin na foster child ka ng mga dela Vega. Hindi ko lang inaasahan na aalis sila sa villa na iyon dahil nagseselos ang anak nila,"

Napakunot-noo si Samantha dahil sa narinig.

"Wait, ini-enroll ko lang ang pinsan ko. Ikaw, sino 'yang mga kasama mo?" Putol ni Adrienne sa iniisip ni Samantha na kaagad namang natauhan.

"Oh, right. Mga kapatid ng asawa ko. Let's talk later,"

Isa-isang ipinakilala ni Samantha ang triplets sa kaibigang si Adrienne at ipinakilala naman nito sa kanya ang pinsan na si Alfonse Marie, kasing edad din ng triplets.

Dahil pareho ng year level ang apat ay sa iisang guro na lang nagpa-assist ang magkaibigan.

Dahil sa mataas na grado ni Ariston, napunta ito sa S section. Nasa section na iyon ang pinakapili na mga estudyante. Napunta naman sa section A si Arthur at magkasama naman sa section C si Arya at Alfonse Marie.

Hindi na inihatid ni Samantha at Adrienne sa classroom ang mga ito dahil sinamahan na ang apat ng isang teacher kung saan ihahatid ang apat sa corresponding classroom nila.

*****

Pinagtaasan ni Samantha ng kilay ang kaibigan. Kung makatingin ito sa kanya, para bang hinuhusgahan pati ang kaluluwa niya.

"So you're married?"

"Yup," tipid na sagot ni Samantha saka hinalo ng maayos ang pasta at carbonara sauce na inorder niya. Kasalukuyan silang nasa canteen ng CIHS at nakaupo sa paborito nilang lamesa. Nasa second floor iyon. Sa balkonahe kung saan madalas silang tumambay para lang makita ang mga estudyante na nagpaparoon at parito sa loob ng campus.

"Bakit parang hindi ka masaya?" Nakataas ang kilay na tanong ni Adrienne.

Sandaling napatitig sa ginagawa niya si Samantha.

Sa totoo lang, dahil sa nakaka-trauma na nangyari sa kanya in her past life, maraming bagay ng nakalimutan si Samantha. Kagaya na lang ng kung ano ba ang paboritong pagkain ng taong nasa harapan niya. Anong paborito nitong kulay, ano ang paborito nitong basahin na libro at mga simpleng bagay na patungkol dito.

Mula noong madala si Samantha sa Golden City ng walanghiya niyang boyfriend, at wala siyang makuha na kahit anong tulong, kinalimutan na ni Samantha ang lahat. Iniisip niya noon na isang magandang panaginip lang ang pagtira niya sa pamamahay ng mga dela Vega at isang magandang alaala lang ang pagiging estudyante niya sa mga paaralang pinasukan niya.

Pero sa puso ng taong ito na kaharap niya, she's a very special existence.

Lahat ng paborito niya, facial expressions at simpleng bagay patungkol sa sarili niya ay alam na alam ni Adrienne.

"Well, it's not a...tsk," napasimangot si Samantha.

Bakit ba hindi niya magawang magsinungaling sa babaeng 'to?

"It's a fake marriage?"

Napatitig muli si Samantha sa kaibigan. Walang kakurap-kurap.

"Tsk. Stupid,"

Asar na sinipa ito ni Samantha sa ilalim ng mesa. Naiiling na kinain naman ni Adrienne ang pancit bihon na inorder nito.

"Why'd you do that?" Nakataas ang kilay na tanong ni Adrienne.

Habang kumakain ng carbonara ay ikinuwento ni Samantha sa kaibigan ang sitwasyon ng mga dela Vega. Sinabi niya rin dito kung ano ang sitwasyon ng mga Syquia noong unang araw na dumating siya sa bahay ng mga ito.

Noong una ay napapailing lang ang magandang babae habang sarkastikong inaasar ang kaibigan. Pero habang nang maglaon ay natahimik ito at nakinig na lang.

"He respects me, and he's thankful. I'm also glad that I was able to help that family. Now that they're on track, hindi na siguro nalalayo ang kalayaan ko," ani Samantha sabay kibit ng kanyang balikat.

"Heh," Adrienne snickered.

"What?" Maang na tanong ni Samantha sa kaibigan. Minsan gusto niya na lang tusukin ang mga mata nito.

Kung makatingin, pati kaluluwa niya kinakabahan eh.

Feeling ni Samantha, kaunting tingin pa ng babaeng kaharap ay mahuhulaan na din nito ang rebirth niya.

"You like that guy," seryosong sabi ni Adrienne. Hindi patanong ang pagkakasabi nito. Kung hindi nagbibigay ito ng pahayag na para bang siguradong-sigurado nga ito sa nararamdaman ng kaibigan. "Kase hindi ka naman mab-bother ng ganyan kung wala kang nararamdaman para sa lalaking 'yun,"

Walang kibo na inabot ni Samantha ang bottled water na inorder ni Adrienne para sa kanya.

"Hindi ka sure," kontra kaagad ni Samantha sa kaibigan.

Though nasanay na siya sa presensya ni Arem at ipinagpapasalamat niya ang lahat ng mga bagay na ginagawa nito para sa kanya, simple man o hindi, hindi niya masasabing may nararamdaman nga siya para dito.

"Ano pa bang aasahan mo sa sarili mo eh manhid ka naman talaga? Remember your ex?"

Huminto sa pag-inom na ginagawa si Samantha. Tinitigan niya ang kaibigan. Seryosong hinihintay kung ano ang sasabihin nito patungkol sa ex niya.

"You don't love that guy. You don't even like him. Masyado ka lang nabulag sa papuring binibigay niya sa'yo. Masyado kang flattered dahil hindi mo naman naririnig sa foster parents mo na purihin ka sa mga ginagawa mo. As for me, masyado ka ng nasanay sa mga sinasabi ko to the point na iniisip mong inuuto lang kita. Pero lahat ng mga sinasabi sa'yo ng lalaking 'yun sa email, paniwalang-paniwala ka. Akala mo lang mahal mo siya. Pero ateng, hindi ko nakita ang glow sa mga mata mo noon tuwing kinukwento mo ang lalaking 'yun compared sa pagkukwento mo ngayon patungkol sa husband mo. You're glowing. Kulang na lang pati buhok mo mag-glow. Malapit na akong mabulag sa brightness mo,"

Napaismid si Samantha.

Napailing na lang siya dahil nasisiguro naman siyang pinagti-trip-an na naman siya ng matalik na kaibigan.

"Hoy, Samantha. Elementary pa lang kilala na kita. Hanggang sa mag-high school na lang tayo at pumasok sa kolehiyo, hindi na nagbago ang ugali mo. Kaya huwag mo 'kong maismid-ismidan diyan. Hmp. Tingnan natin. Kapag lang tumakbo ka sa akin habang umiiyak dahil wasak na wasak ang puso mo, tingnan mo lang. Tatawanan kita ng malala,"

Napakagat-labi si Samantha.

Hindi niya makontra ang sinasabi ng kaibigan. Dahil totoo naman ang sinasabi nito.

Kahit na marami na siyang binago sa sarili niya after her rebirth, alam niyang marami pa rin na hindi niya kaagad-agad mababago. Para sa mga taong ngayon niya lang naman nskasalamuha, syempre hindi naman 'yun mahahalata, pero para sa taong kagaya ni Adrienne na halos parte na nang buhay niya, alam ni Samantha na hindi niya maitatago ang mga bagay na 'yun.

Pero syempre, diskumpyado pa rin siya sa sinasabi nito 'no.

Siya? May nararamdaman para sa lalaking 'yun na parang bloke ng yelo?

Kailan pa?

Continue Reading

You'll Also Like

677K 3.8K 30
Completed Paano natagpuan ni Olivia ang sarili sa ibang kama,gayong may naghihintay siyang asawa sa kanilang bahay?
17.7K 812 44
Napagdesisyunan ng magkapatid na Avrice at Amritta na manirahan sa Arturia Town sa bahay ng kanilang tiyahing si Trinity matapos mamatay ang kanilang...
3K 189 9
An Austen-themed book club for aspiring Filipino writers. O P E N : currently in need of members
93.8K 2.1K 37
"Paano mo ito nagawa aa akin?? ako ang asawa mo!!!" sigaw ko sakanya kasama ang babaeng nakakapit ngayon sa balikat niya. "Oo nga at Reyna ka pero Hi...