Hunk Series 4: Damian Garcia...

By ImyourQueennn

2.2K 91 18

Damian Garcia, was a successful bachelor of all time. At the age of 29, he already has many companies, busine... More

Authors Note:
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8.1
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51

Chapter 35

29 0 0
By ImyourQueennn

Chapter 35

LIGAYA'S POV

Napa tigil na lang ako sa aking ginagawa nang mapansin na lang si Dakila na palabas pa lang silid namin. Pantalon na maong ang kanyang suot at t-shirt na itim sa pang-itaas naman, na ako'y mataranta lamang na makita itong mukhang paalis na.

Dali-dali ko naman na iniwan saglit ang pag huhugas ko nang pinggan at pag katapon pinunasan na lang ang aking kamay gamit ng malinis kong damit para maalis ang pag kabasa no'n. Kinuha ko na lang ang hinanda kong pabaon na tanghalian kay Dakila na naka patong lamang sa ibabaw nang lamesa at lumapit sakanya.

"Sandali lamang, mahal." Tawag ko na lang sakanya na kina-hinto niya naman sa pag lalakad. Huminto na ako sa harapan ni Dakila at inabot na lamang sakanya ang katamtaman lamang na supot ng hinanda kong ulam at kanin. Naka ayos iyon sa pag kakabalot kaya't hindi basta-basta matatapon ang laman. "Aalis kana? Pinag handaan kita ng mababaon mo para mamayang tanghalian."

Tinignan na lang ni Dakila ang supot na hawak ko at sabay kinuha sa kamay ko.

"Maraming salamat mahal. Sobrang bango naman ng niluto mo, lalo tuloy akong natatakam nang husto na kainin na ito." Tumingin na lang si Dakila sa naka balot na pinahanda ko sakanya na lumalabas at nanunuot talaga sa iyong ilong ang masarap na amo'y nito na nakaka gutom. "Uubusin ko itong hinanda mo, mamaya."

"Sige mahal."

"Ang luto mo lang mahal ang pinaka masarap na aking natikman, na parati kong hinahanap-hanap talaga.. Panigurado kahit malayo ako, hinding-hindi ko makakalimutan sa lahat ang mga luto mo." Puri na lang nito.

"Palabiro ka talaga." Uminit na lang ang mag kabilang pisngi ko sa mga banat nito at hinawakan na lang siya sa kamay. "Siya, at baka ikay matanghali pa sa iyong trabaho mo."

"Ahh." Natigilan na lang ako na ngayo'y napa pikit na si Dakila na para bang nasasaktan siya.

"Bakit, mahal?" Nag aalala ko na lang na tanong na ngayo'y kinukusot niya nang mahina lamang ang kanyang kaliwang mata gamit ang kanyang palad na napuwing ito.

"Parang may naka pasok na buhangin sa mata ko mahal." Anito na lamang na kinusot pa lalo ang mata at hindi na masyado niyang maidlat iyon. Nag aalala naman akong lumapit sakanya para tignan at masuri ang kanyang mata.

"Huwag mong kusutin masyado at baka mamula iyan." Wika ko na lamang na hinawakan na lang ang kanyang pisngi at nilapit ko ang mukha sakanya para makita kong may naka pasok nga ba talaga.

"Masakit eh." Anito na lang na hindi niya magawang idilat ang isa niyang mata.

"Hihipan ko na lang para mawala." Wika ko na lang dahil iyon naman ang naisip ko kaagad na paraan na maalis ang naka pasok sa kanyang mata sa pamamaraan lamang ng pag hipan no'n. Hindi naman gaano iyon gumagana sa iba, pero baka lang naman maalis kay Dakila.

Pinosisyon ko na ang mukha ko patapat kay Dakila at hinipan na lng ang kanyang mata nang mahina at dahan-dahan na paraan.

"Huwag mong igalaw ang mukha mo, maha——-" hindi ko na lang naituloy ang anumang sasabihin ko nilapit ko ang labi ko sa kanyang mata, na bigla na lang siya mag nakaw nang halik sa aking labi.

Nanigas na lang ang katawan ko sa kanyang ginawa sa gulat at hindi makapaniwala sa pag halik niya sa akin nang mabilis. Kumalabog na nang malakas ang aking dibdib sa kilig at hindi maipaliwanag na dahilan na kina-layo naman ni Dakila ang sarili niya sa akin nang konti at ngayo'y naidilat niya na ang kanyang mata na hindi niya maimulat kanina.

Huh?
Nakaka dilat siya?
Eh, akala ko napuwing lang siya?
Ano iyon?

Takang-taka ako nang husto at doon naging malinaw sa akin, na hindi naman talaga totong may naka pasok sa kanyang mata na buhangin.

Parang kasing pula na ako nang kamatis na ngayo'y sa pag nakaw niya na lang ng halik aa labi ko. Hinawakan na lang ni Dakila ang ulo ko at bahagyang ginulo na lang iyo nang konti na tumitig na lang ako sa guwapong mukha ng aking asawa.

"Ingat ka dito mahal, una na ako." Paalam na lang ni Dakila na nag pakawala na lang siya nang matamis na ngiti sa kanyang labi na makita ko na lang ang maputi at pantay-pantay niyang ngipin.

Naririnig ko na mismo ang malakas na kalabog ng aking puso na nangangatog na nanghina naman ang mga tuhod ko na ngayo'y umaapaw ang saya at kilig na aking naramdaman dahil nakita ko siyang ngumiti sa unang pag kakataon.

Ang guwapo.
Ang guwapo niya pala kapag ngumingiti.
Nakaka akit.
Nakaka hulog nang husto.
Ang sarap-sarap niyang pag masdan kapag ngumingiti.

Hindi na lang ako nakapag salita at para na akong tangang hindi na lang maalis ang mata kay Dakila na ngayo'y nag lakad na palabas nang balay namin at kumaway na lang sa akin tanda ng pag papaalam nito.

Sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang kusa na siyang nawala sa aking paningin.

Naka pako lang ang aking mata sa pintuan na kanyang nilabasan at hanggang ngayon hindi pa rin ako makapag react sa aking nararamdaman.

Wala sa sariling napa hawak na lang ako sa aking labi, na hinalikan kanina ni Dakila.
Kahit wala na siya, naramdaman ko pa rin ang lambot at tamis nang mag lapat ang aming mga labi kanina.

Kinilig naman ako at para bang may nag liliparan na mga paru-paro sa aking tyan.

Sumilay na lang ang matamis na ngiti sa aking labi at napa hawak na lang ako sa aking dibdib, na hindi pa rin humuhupa ang malakas na kalabog ng aking puso.
Ito na ba iyon?
Unti-unti na akong nahulog sakanya nang tuluyan.

DOLORES POV

Unti-unti na lang sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi na marinig na lang ang bagong binalita sa akin ni Bughaw. Nilayo niya na ang bibig niya sa aking taenga na may binulong at pag katapos maanggas na pomosisyon siya ng tindig lamang sa aking likuran, na dalawang hakbang lang naman ang layo sa kinatatayuan ko.

"Talaga ba, Bughaw? Ginawa iyon ni Makisig kay Ligaya?" Lalo pang sumilay ang ngiti sa aking labi. Hindi maipaliwanag ang aking nararamdaman sa bago kong nalaman na balita.

Balitang nag papasaya at gaan na naman sa aking dibdib sa aking mga nalaman.

"Opo, Binibini." Malagong na salaysay naman ni Bughaw na pinag patuloy ko na lamang sa pag lalakad, ramdam ko na lang ang presinsiya niyang pag sunod sa akin sa pamamaraan ng yabag ng paa nito sa lupa.

"Hmm, nakaka-hanga." Kibit-balikat ko pang turan. "Buong akala ko tumigil na si Makisig sa kabaliwan niya kay Ligaya no'ng siya ikasal sa iba. Ngunit parang hindi pa pala. Para siyang asong buntot na buntot pa rin sakanya." Maka hulugang tinig sa aking labi.

"Ipag papatuloy ko pa ba Binibini, ang pag manman sa lahat ng ginagawa at kinikilos ni Makisig?"

"Oo," aniya ko. "Manmanan mo pa si Makisig at baka may maka kuha pa tayo sakanya." Naging mataray na lang ang aking mata at walang emosyon na lang ang gumuhit doon.

Taas-noo na lamang akong nag lalakad na hindi na sumagot pa si Bughaw, hanggang mapadpad kami sa Bayan. Pinapanuod at pinag aaralan ko ang mga ginagawa ng mga Ka-Nayon namin, hindi ako mag sasawang pag masdan sila na abala sa kanya-kanya nilang mga ginagawa.

May mga nadaanan pa kaming nag titinda sa kaliwa't-kanan namin at mga masasayang mga taong ngumingiti at binabati na ako'y makilala nila.
Ilang minuto na naming binabaybay ang daan at napaka presko lamang ang hangin na aking nalalanghap. Hindi naman gaanong mainit dahil dapit alas tres na nang hapon na iyon kaya't nag karoon ako ng pag kakataon na mamasyal muna.

Sa aming pamamasyal lamang ni Bughaw kusa na lang ako na mapa tigil ang aking mga paa na nahinto na lamang sa tapat ng isang malawak na lupain.
Malawak na lupain na gustong-gusto ko nang puntahan.
Malawak na lupain na sabik akong pag masdan.
At ang malawak na lupain na iyon ay pag mamay-ari lamang ni Manong Basyo.

Ang matandang iyon, na ilang dekada niya nang pinag kakahanap-buhayan ay ang pag titinda ng iba't-ibang klaseng matitibay na mga kahoy na pag gawa ng mga balay sa aming Nayon.

Lumawak na lang ang matamis na ngiti sa aking labi at galak sa aking dibdib na pinag mamasdan ang malawak na lupain nito at balay na naka tirik sa harapan ko. Naka tayo kami ni Bughaw, labas sa kanyang lupain na mayron lamang na ilang hakbang ang aming distansiya papasok sa mismong tarangkahan nito.

Pinag dikit ko ang aking palad at bahagyang pasilip-silip na para bang may hinahanap na gusto kong makita at masilayan.

Walang iba kundi si Dakila.

Alam kong dito siya nag tra-trabaho kay Manong Basyo. Pinaalam ko kay Bughaw lahat-lahat ng mga impormasyon tungkol sakanya at pati na rin kay Ligaya, labis akong natutuwa na maka rating sa aking balita na dito na siya nag tra-trabaho.

Hindi na mahirap pa sa akin na masilayan ko siya palagi.

Humaba na ang aking leeg na seryoso lamang na pasilip-silip at inaalam ko kong naroon talaga ito sa loob. Sa bawat segundong lumilipas, kinakain lamang ako ng kaba at excitement sa aking dibdib at nag babakasali na masilayan ko siyang muli.

Siya lang naman ang gusto kong makita.
Siya naman talaga ang sinadya ko kaya't ako narito.

Sa totoo lang parang mababaliw at hindi mapalagay sa aming balay hangga't hindi ko si Dakila masiyalan.
Tinamaan na talaga ako sakanya.

Maka lipas lamang ng dalawang minuto na naka tayo kami ni Bughaw sa labas at ito'y nag salita.

"Kailangan na natin, umuwi na Binibining Dolores at baka hinahanap kana ng iyong Ama." Ang salita na lamang ni Bughaw sa likod ko ang mawala na lang ang matamis na ngiti sa aking labi.  Tangina, ang epal! "Magagalit iyon sa'yo kapag nalaman niyang lumabas kana naman ng walang basbas niya at pinuntahan mo ang Ginoong nagugustuhan mo. Mainam nang pumanhik na tayong bumalik, lalo't hindi niya gusto na lumalabas-labas ka hangga't hindi pa kayo kasal ni Ginoong Bayani." Tuloy-tuloy na wika na lang nito na mag painit pa lalo ng dugo ko.
Kainis!
Isa pa rin ang Bayani na iyan, sagabal sa akin!

Tiim-baga  na lang ako na hinarap na lang si Bughaw na wala man lang bahid ng anumang emosyon at nag pipigil lamang ng sarili ko.
Naiinis ako, dahil naipit na ako sa sitwasyon na mag pakasal kay Bayani.

Kay galit ang aking mga mata na tumitig na lang kay Bughaw at nilapit ko ang sarili sakanya na tila ba'y nag hahamon. "Hindi!" Pag didiin kong asik na hindi mag papatalo. "Hindi ako aalis, Bughaw. Hindi ngayon lalo't hindi ko pa nakikita si Dakila." Tumalim pa ang aking mga mata sa galit lamang.

Tangina, hindi ko pa nga siya nasisilayan tapos aalis na kaagad kami?
Hindi ako makakapayag doon!

Hindi ko sasayangin ang oras ko, na mapunta lang sa wala ito.

"Pero Binibini, kailangan na natin umalis at baka may maka-kita pa sa atin dito lalong-lalo na ang tauhan ng iyong Ama, ayaw lang kitang mapahamak kaya't mag panhik na tayon—-"

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko Bughaw?" Asik ko na lang nang may pag tataas ng aking boses at natigilan naman siya. "Hindi ako aalis. Kong gusto mo, umalis kana pero dito lang ako!"

"Pero, Binibini hindi kita pwedeng iwanan na walang kasama."

"Ang sabi ko, iwan mo na ako." Mababa at galit ko na lamang na tinig, na hindi pa rin inaalis ang matalim na titig sakanya. "Hindi mo ba ako narinig, Bughaw?" Pag uulit ko na lamang na hindi na ito naka kibo pa sa akin.

Tumitig na lang sa akin si Bughaw at hindi na sumagot pa.
Tama lang at baka kong ano pa ang magawa ko sakanya!

Alam naman nito na hindi ako basta-basta mag papatalo na gawin ang gusto ko!

"Ipag paumanhin niyo po, Binibini." Pag hinggi na lang ng despinsa nito na yumuko na lang sa harapan ko para mag bigay galang, na para bang siya pa ang may kasalanan.

Napa ngisi na lang akong tinignan na lamang si Bughaw na nag lakad paalis, na wala na siyang nagawa kundi hayaan na lang ako. Mabibigat ang aking pag hingga na kina sunod ko naman siya ng tingin.

Nang masiguro kong wala na nga talaga si Bughaw, umayos na ako nang tindig at sumilip na lang sa balay sa harapan ko. Mahigit isang minuto siguro akong nag hintay doon sa labas, na pasilip-silip at nag mamatyag.

"Kainis naman." Himutok ko na lang na humawak na lang sa kahoy sa katabi ko. Halatang dismayado na ilang minuto na akong nag hihintay subalit wala pa rin Dakila.

Walang Dakila na, nag pakita sa akin.

Aba, hindi ko sasayangin ang pag kakataon na ito na umalis na lang na hindi ko siya nakikita.

Alam kong narito pa siya sa loob at nag tra-trabaho.

Kailangan ko lang na matyagang pag hihintay lamang at lalabas rin siya.
Mag kikita kaming dalawa.

"Naka uwi na kaya siya?" Tanong ko na lang sarili ko na pinang hinaan naman ako na iniisip na baka wala na nga siya dito. "Sayang naman kong naka uwi na siya, hindi ko siya masisilaya——-" hindi ko na lang natapos ang sasabihin ko na kumalabog naman na napaka bilis ang aking dibdib na makita ang familiar na bulto na mag patalon ng aking puso.

Bulto ng tao na inaasam-asam kong makita.

Tila ba nag lulundag ang puso ko sa saya at galak na makita na lamang si Dakila na palabas sa tarangkahan at buhat sa kaliwang balikat nito ang mabibigat at malalaki na mga kahoy.

Sa taranta ko naman bigla na lang ako tumago sa malaking puno sa tabi ko, para hindi niya ako mapansin at makita. Hindi na humuhupa ang malakas na kalabog ng aking dibdib na pinapanuod siya ng palihim na puspusan na nag tra-trabaho.

Aliw na aliw akong pinapanuod siyang wala lamang sakanya ang mabibigat na kahoy na naka pasan sa kanyang balikat na lumabas ang katikasan at kaguwapuhan niyang taglay.

Ang guwapo niya talaga.

Kinikilig naman akong pinapanuod lamang siyang nag lalakad na tila ba'y hindi niya lang napansin ang presinsiya kong kanina pa nag mamasid sakanya sa isang tabi.

Tumingin ako sa kaliwa't-kanan ko para humanap ng tyempo ang nag lalarong kapilyuhan sa aking isipan.

Nang makita ko na walang ibang tao sa paligid, doon na ako lumabas sa aking pinag tataguan.

Taas-noo akong nag lakad lamang palapit kay Dakila na ngayo'y naka talikod na siya sa akin, mainggat na binababa ang mga kahoy na buhat nito kanina at nilagay lamang sa isang tabi.

Bawat hakbang ng aking paa, palakas na nang palakas ang kalabog ng aking dibdib at sumilay na lang ang ngisi sa labi ko na isakatuparan ang aking binabalak.

Wala sa sariling binagsak ko na lang ang katawan ko sa patag na lupa.

"Ahh, aray ko." Daing ko na lang sa sakit na napa hawak sa aking paa, at nag kunwari lamang na natapilok kahit hindi naman.
Kong hindi mo ako mapapansin.
Pwes, ako mag papansin sa'yo, Dakila.

"Aray ang sakit. Ahh." Nilakasan ko pa ang aking tinig at mas hinusayan ko ang aking pag arte na tila ba nasasaktan kahit hindi naman para mapansin niya ako.

Lulubusin ko na itong mag papansin sakanya.

Gumilid na lang ang daplis nang luha sa mga mata ko at hindi na maipinta na naka hawak ang kamay kong isa sa kaliwang paa. "Ahh, aray, sakit talaga." Naiiyak kong tinig at kay taba naman ang aking puso na napa baling si Dakila sa akin.
Ito na.
Nakuha ko na ang atensyon niya.

Malamlam ang kanyang mata na tumingin sa akin, at parang matagumpay ang aking plano na ngayo'y iniwan niya saglit ang kanyang ginagawa para lapitan ako.

"Binibini, ayos ka lang ba?" Huminto si Dakila sa gilid ko, na para naman ang mukha ko naiiyak at kawang-kawawa talaga.

"Mukhang hindi eh, natapilok kasi ako eh," naiiyak kong tinig at pinalambing ko pa ang boses ko para kaawaan niya ako. "Sobrang sakit nang paa ko, mukhang hindi ko kaya sigurong tumayo mag-isa." Wika ko na lang na pinilit na tumayo mag-isa subalit hindi pa man gaanong nakaka anggat ang katawan ko, sakit na sakit na napa bagsak muli ako sa patag na lupa at kunwari lamang nasasaktan. 

"Ahh." Daing ko na lamang na gumilid na ang luha sa mata ko na anumang segundo babagsak na ang luha sa mata ko.

"Tulungan na kita." Presinta na lamang ni Dakila at inalalayan niya akong maka tayo sa aking pag kakaupo sa lupa. Humawak siya sa aking kamay para alalayan ako at dumagdag naman ang init at kuryente ang nalalaytay sa katawan ko sa simpleng pag hawak niya.
Ang sarap pala sa pakiramdam.

Mainggat kong kinilos ang katawan ko patayo nang dahan-dahan at ramdam ko naman ang pag alalay at pag iinggat ni Dakila na naka hawak sa akin.

"Ahh." Ungol ko ulit nang matagumpay akong naka tindig ng maayos. Ang aking kaliwang paa ko naman kunwari nasasaktan, hindi ko gaanong maiapak nang diretso sa lupa.

"Kaya mo bang mag lakad?" Seryosong tanong niya na lamang na maluha-luhang iniling ko na lang ang ulo ko para ipahiwatig na hindi ko kaya.

"Hindi eh, ang sakit talaga. Mukhang hindi ko talaga kaya mag lakad na mag-isa ko. Mukhang napa sama ata ang pag katapilok ko." Sabay baling ng tingin kay Dakila na hindi ko mabasa ang emosyon sa kanyang mga mata.

Seryoso lamang siya at sabay pakawala nang
malalim na buntong-hiningga lamang.

"Sige, tutulungan na lang kita." Walang pag aalinlangan na wika nito at hindi ako naging handa sa sunod niyang ginawa na binuhat niya na lang ako.
Iyong buhat na parang bagong kasal lamang.

Sa paraan na iyon lalong nag kadikit ang mga katawan namin, at parang huminto lamang ang mundo ko na mapa dikit pa ako sa matikas at matigas niyang katawan na ang sarap-sarap na matulog doon.

Hinakbang na ni Dakila ang kanyang paa na kumilos lamang at wala sa sariling tuminggala na lang ako sakanya na ngayo'y seryoso ang kanyang mukha, na naka tingin lamang siya sa daan. Sa ganung paraan malapitan kong nasaksihan kong gaano siya katikas.
Kahit dumaplis man ang pawis sa kanyang noo at leeg sa puspusan na pag tra-trabaho wala akong naramdaman na arte at diri, kundi lalo lang akong nahuhulog sakanya.

Lalo ko pa siyang nagugustuhan.

Hindi ko na alam kong ilang segundo akong nag papantasya at sinusulit ang sandaling buhat-buhat niya ako.

Nang mapansin siguro ni Dakila na may matang naka titig sakanya, nag tagpo ang mga nata namin.

Para na akong kamatis kapula na makita ang mysteryoso at lamlam na mga mata nito na para bang hini-higop niya ako.

Si Dakila rin ang unang pumutol ng titig naming dalawa at mainggat niya akong binaba na pinaupo sa kahoy na upuan sa isang tabi lamang. Natapos na doon ang aking pag papantasya pero napaka sarap naman ng puso ko na ngayo'y dahil nag kadikit ang mga katawan namin.

Tumayo si Dakila sa harapan ko. "Alin ba dito ang masakit?"

"Ito oh." Pinakita ko na lang sakanya ang kaliwa kong paa. Umupo naman si Dakila sa harapan ko, hindi gaanong naupo talaga sa lupa kundi nabalanse niya lang ang katawan niya na sakto, na matitignan niya talaga nang malapitan ang paa ko. Hinawakan ni Dakila ang paa kong natapilok kanina at seryoso ang kanyang mata na sinusuri lamang iyon. "Pasensiya na talaga dahil naabala kita, pero salamat sa pag tulong mo sa akin.

"Walang anuman."

"Siya nga pala, parang namumukhaan kita." Pahiwatig ko na lang na tinig na kumunot-noo naman si Dakila at inanggat ang tingin na mag katitigan kami muli.

"Talaga?"

"Oo, parang familiar ang mukha mo sa akin, na parang nag kita na tayo pero hindi ko na maalala." Wika ko na lang na kunwari nag iisiip.

"Wala akong matandaan." Aray! Ang sakit.
Ayos lang na hindi mo ako matandaan, Dakila pero ako hinding-hindi ko makaka limutan ang unang tagpo nating dalawa.

"Eh, kasi ako, familiar ang mukha mo eh." Giit ko na lang na gusto kong pahabain pa ang pag uusap namin.  "Ahh, naalala ko na. Ikaw iyong Ginoong iyon." Lumawak na lang ang ngiti sa labi ko.

"Ano?"

"Ikaw ang Ginoong nag sagip sa akin no'ng nag lalakas ako pauwi tapos nahulog na sanga ng puno, diba?"

Walang emosyon lamang ang gumuhit sa kanyang mga mata at ilang segundo na pag iisip-isip, nag salita siya muli. "Ahh, ikaw pala iyon." Anito at binitawan niya na sa pag kakahawak ang paa ko at umayos na siya nang tindig sa harapan ko.

"Ako nga pala si Dolores, anong pangalan mo?" Hirit ko pa.

"Dakila." Sagot naman. Anu ba iyan, ang ikli mo naman sumagot. Kong hindi lang kita mahal, hindi kita pag tya-tyagaan na kausapin. "Mukhang maayos ang paa mo at ipag pahingga mo na lang iya——"

"Binibining Dolores." Hindi na natapos pa ang sasabihin ni Dakila na suminggit na lang na tumawag sa pangalan ko. Pareho naman kami natigilan ni Dakila sabay lingon para tignan kong sino iyon at dali-dali naman na huminto si Bughaw sa gilid ko.

Naging seryoso at nakaka takot naman ang aura ni Bughaw na makita kong sino ang kasama ko. Tumingin si Bughaw sa akin at palihim akong inobserbahan, sa isang titig pa lang nito nahulaan niya na kaagad ang mga nangyayari. "Anong nangyari, Binibini? Nasaktan ka ba?"

"Hindi naman masyado Bughaw at natapilok lang naman ako." Singit ko pa.

"Kasama mo ba siya?" Ang salita na lang ni Dakila ang mag patigil sa aming pareho.

"Oo." Si Bughaw na ang sumagot sa paraan na malamig at nakaka takot na tono ng boses nito.

Umayos na lang si Dakila nang tindig at hindi pinansin ang pag hahamon na titig sakanya ni Bughaw "Ikaw na ang bahala sa kasama mo, maayos naman ang kanyang paa. Lagyan mo na kang nang malamig na tubig at bimpo ang kanyang paa para maiwasan ang pamamaga." Malamig na pag kakasabi nito at akmang kikilos na aalis si Dakila na mataranta naman ako.

"Sandali, Dakila aalis kana kaagad?" May halong dismaya naman ang tinig ko na, kina baling niya ng tingin sa akin.

"Oo, marami pa akong gagawin at aasikasuhin. Siya, at maiwan ko na muna kayo."
"P-Pero mamaya n——-" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na dire-diretso na lang na tinalikuran na kami, at walang lingon-lingon na nag lakad paalis.

Pinapanuod ko na lang si Dakila na nag lakad paalis at pumasok na siya sa loob at tuluyan na siyang nawala sa pangin ko.

"Kainis naman." Inis ko na lang na sinuklay ang aking buhok gamit ang palad at hindi ko na napigilan pa ang emosyon kong wala sa sariling napa tayo na kang sa inis. "Kaasar!" Himutok ko na lamang na sa tabi ko naman ang gulat na gulat na si Bughaw.

"Nakaka tayo kana, Binibini? Hindi na masakit ang iyong paa?" Lumabas na lang ang usok sa aking ilong at pinandilatan siya.

"Ano ka ba, Bughaw. Palabas ko lang iyon para maagaw ko ang atensyon ni Dakila at hindi naman ako nabigo, hindi ba?" Lumawak pa lalo ang aking matamis na ngiti sa labi dahil hindi ako nabigo ngayon.
Naagaw ko ang kanyang atensyon.

Kinilos ko na lang ang paa kong humarap na lang sa malawak na lupain ni Manong Basyo, natatanaw ko ang balay nito mula sa aking kina-uupuan.

"Ano iyong plano, Binibini?" Ramdam ko ang presinsiya ni Bughaw sa likod ko. "May asawa si Dakila, ipag papatuloy mo pa ba ang binabalak mo?"

"Nag sisimula pa lang ako Bughaw." May nag lalarong plano sa aking isipan na hindi mawala sa isipan ko ang masarap na sandali, na nag kalapat ang katawan namin ni Dakila kanina. "Kilala mo naman ako Bughaw, na lahat nang gusto ko nakukuha ko. Lalo akong nasasabik nang husto ngayon kay Dakila, gustong-gusto ko siyang makuha."

Sumilay na lang ang mapag larong ngisi sa aking labi.

Mag hintay ka lang Dakila.

Sinisiguro ko, na hindi ito ang huling pag kakataon na mag cro-cross ang mga landas natin!

Continue Reading

You'll Also Like

69.6K 4.2K 53
Strictly for mature readers only! 18 and up! Please be guided. Rascal! Playboy! Akyat kwarto! Iyan ang mga taguri kay Lucas Malvar na nagmamay-ari n...
160K 4.5K 34
Dear Edward, Habang binabasa mo ang sulat na ito, malamang ay nasa himpapawid na ako sakay ng eroplano. Lalayo na ako kagaya ng gusto mo. Alam mo, ma...
29K 445 26
Buenaventura Trilogy: Two: Sweet Distraction Warning: SPG || R18+ || Matured Content || Not suitable for young readers. Kilala bilang matinik pa...
741K 20.9K 37
Will a second chance be worth it?