School Trip: Reborn

By Kuya_Soju

1.5K 111 49

Hindi sinasadya na nailagay ni Eliza ang sarili sa posisyon kung saan siya ang naging bagong biktima ng bully... More

TEASER
AUTHOR'S NOTE
LESSON 01: First Day

LESSON 02: Girl In Mask

245 22 8
By Kuya_Soju



"BES!" Ang matinis na boses na iyon ni Melchor ang unang narinig ni Eliza nang pumasok siya sa kanilang classroom.

Nagulat siya sa pagyakap ni Melchor. "I missed you! Two months din tayong hindi nagkita! Nakalimutan ko na tuloy ang face mo!"

Natatawang kumalas si Eliza ng yakap sa kaibigan. "Grabe ka sa pagka-OA, bes! Parang hindi tayo nagvi-video call, 'no?" Pabiro pa siyang umirap.

"Charot lang! Pero, look... magkaklase ulit tayo!" Tumalon-talon na akala mo'y palaka si Melchor. Kita sa mukha nito ang kasiyahan.

Maging si Eliza ay masaya na magkaklase pa rin sila ni Melchor. Sa mga naging kaklase naman niya ay ito ang unang nakipagkaibigan sa kaniya. Isang out na gay si Melchor. Matangkad ito na payat. Masayahin at mapagbiro ito kaya palaging sumasakit ang tiyan niya sa kakatawa kapag magkasama silang dalawa.

"Ano'ng nangyari sa mga kamay mo? Bakit namumula? Ay! May gasgas pa!" puna ni Melchor.

"Wala 'to. Napakuskos ko lang kanina sa may pader habang naglalakad ako," pagsisinungaling niya.

"Dalawang kamay talaga?"

"E, anong magagawa ko kung dalawang kamay!" Tumawa siya upang hindi seryosohin ni Melchor ang sinabi niya.

Nang dumating na ang teacher nila ay umupo na silang lahat. Sa isang classroom ay meron lamang na labing limang estudyante. Sa may unahan sila umupo ni Melchor.

Bago magsimula ang kanilang klase ay nag-roll call muna ang kanilang guro. Isa-isa nitong tinawag ang pangalan ng mga estudyante na nasa hawak nitong papel.

Nagtaka si Eliza dahil tapos nang mag-roll call ang teacher ay hindi niya narinig ang kaniyang pangalan. Itinaas niya ang isa niyang kamay.

"Yes?" Tumaas ang dalawang kilay ng guro kay Eliza.

"Teacher, hindi po ninyo natawag ang pangalan ko."

"Ano ba'ng name mo?"

"Eliza Belmonte po."

Muling chineck ng guro ang papel. "A, ikaw pala si Miss Belmonte. Sorry, nakalimutan kong sabihin sa iyo. Hindi ka sa section na ito for this school year. Sa first section ka, Miss Belmonte."

"Po? Bakit po? Ang text po sa akin ay dito ako sa section ninyo, teacher."

"Nasabi kasi sa akin ng teacher mo last year na matalino ka. Ikaw ang top 1. Nag-decide kami na ilagay ka sa first section dahil matatalino ang nandoon. Sorry kung ngayon ka lang namin na-inform. Kunin mo na ang mga gamit mo at pumunta ka na roon, Miss Belmonte."

Nababahala at may lungkot na nagkatinginan sina Eliza at Melchor. Mahigpit nilang hinawakan ang kamay ng isa't isa.

"Bes..." Malungkot niyang bulong.

"Go na, bes! Deserve mo naman talaga sa first section kasi brainy ka! 'Wag kang mag-alala, hindi ka pupunta sa ibang bansa. Huwag kang OA!" Biro nito.

Labag man sa kalooban ni Eliza ang lumipat ng section sapagkat magkakahiwalay sila ng kaniyang bestfriend ay wala na siyang nagawa kundi ang kunin ang mga gamit niya. Sinabi ng guro nila na sa Room 12-A ang classroom kung saan siya nabibilang.

Mabigat ang mga hakbang niya habang naglalakad sa corridor. Ngunit inisip niya na magandang pagkakataon iyon upang mas ma-challenge siya dahil lahat ng makakasama niya sa classroom ay puro matatalino. Tiningnan na lamang niya ang magagandang bagay sa biglaang pangyayari na iyon.

Ilang hakbang na lang at nasa Room 12-A na siya nang matigilan siya. Napahinto siya sa paglalakad at nanlamig ang buong katawan niya. Paano ay naalala niya na sa section na pupuntahan niya ay naroon si Brittany at ang mga kaibigan nito.

Sariwa pa ang naging engkwentro nila kanina at sa uri ng tingin nito sa kaniya ay para bang hindi pa ito tapos sa kaniya. Paano kung gumanti ito sa kaniya kahit pa tama ang ginawa niya?

Hindi man niya personal na kilala si Brittany ay kilala ito sa school nila na parang isang "diyos".

Napapitlag si Eliza nang may lalaking estudyante ang dumaan sa gilid niya. Bahagya pa siyang napapikit nang maamoy ang panlalaki nitong pabango. Pumasok ang lalaki sa Room 12-A at nakita niya ang gwapo nitong mukha. Chinito, maputi, matangkad at meron itong matangos na ilong.

"Miss? Are you lost?"

Muling nagulat si Eliza nang may babaeng magsalita sa likuran niya. Sa paglingon niya roon ay nakatayo roon si Teacher Donna. Ito ang pinaka batang guro sa ST High. Maganda ito at morena. Kahit hindi mo ito kilala at tiningnan mo ito sa mukha ay masasabi mo na mabait ito. Palagi itong nakasuot ng glasses na may makapal na black frame.

"Good morning po, Teacher Donna! Hindi po ako nawawala. Pinapalipat po kasi ako ng teacher namin dito sa 12-A," magalang na sagot ni Eliza.

"Ano'ng pangalan mo?"

"Eliza Belmonte po."

May inilabas na papel si Teacher Donna at tila meron itong hinahanap doon. "Yes. Nasa class' list ko ang name mo. Pumasok ka na kasi magsisimula na ang klase natin," anito.

"Kayo po ang adviser ko?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Eliza.

Ngumiti at tumango si Teacher Donna. Nauna na itong pumasok sa classroom nila.

Pakiramdam ni Eliza ay tumalon ang puso niya nang malaman na si Teacher Donna ang kaniyang magiging adviser. Pangarap talaga niya ang maging adviser ang naturang teacher dahil sa marami siyang naririnig na kwento na mabait ito. Cool din ito base sa mga naririnig niya. Kaya naman, napapaisip siya na baka kapag nag-college siya ay Education ang kunin niya upang maging kagaya siya ni Teacher Donna. Saksi rin siya kung paano ito makitungo sa mga estudyante at masasabi niya na totoo ang mga kwentong naririnig niya tungkol sa guro.

Huminga muna nang malalim si Eliza at saka siya nagpatuloy sa paglalakad. Naririnig niya ang ingay ng mga estudyante sa loob na sinasabayan ng pagsaway ni Teacher Donna.

Sa pagpasok ni Eliza ay tumahimik at napatingin ang lahat sa kaniya. May hiya siyang naramdaman dahil sa atensiyon ng mga ito.

"Meron pala kayong bagong classmate. Eliza, pumasok ka na at ipakilala mo ang sarili mo," turan ni Teacher Donna.

Tumayo si Eliza sa unahan at sa mabilis na pag-ikot ng mata niya sa mga students na nasa kaniyang harapan ay nakita niya si Brittany sa may gitna. Mataray itong nakatingin sa kaniya. Malamang ay natatandaan pa rin siya nito.

Inalis niya ang tingin kay Brittany upang hindi siya mailang. Sinimulan na ni Eliza ang pagpapakilala. Matapos iyon ay itinuro ni Teacher Donna kung saan siya mauupo. Tila nagkataon pa na ang bakanteng upuan ay nasa unahan ni Brittany.

Napayuko si Eliza nang papapunta na siya sa kaniyang upuan. Hindi niya kayang labanan at salubungin ang tingin nito sa kaniya na para bang sinasabi nito na isa siyang mababang uri ng tao.

Paupo na siya nang marinig niya ang pag-urong ng kaniyang arm chair kaya nalaman niya na hinila iyon ni Brittany na nasa likuran niya para kapaf umupo siya ay sa sahig siya babagsak. Upang masiguro ang kaligtasan ay tiningnan niya ang uupuan. Hinila niya nang kaunti ang upuan paunahan at saka siya umupo.

Kahit hindi nakikita ni Eliza si Brittany ay tila nararamdaman niya pa rin ang matalim nitong tingin sa kaniya.


-----ooo-----


MATAPOS ang dalawang subject ay sumapit na ang break time na isang oras. Inayos na ni Eliza ang mga gamit niya. Isinukbit na niya ang shoulder bag sa balikat at naglakad palabas ng classroom. Pero nang nasa pintuan na siya ay humarang sina Brittany sa kaniya.

"You don't belong here 'cause you're a trash. Matatalinong student lang ang nasa section A," turan ni Brittany.

"Hindi ako ang nag-decide na mapunta rito. Ang school management." Mahinahong tugon ni Eliza.

"Siguro, nilandi mo ang isa sa mga school head kaya napunta ka sa first section! Just looking at you... you are a hundred percent slut!" ani Erra sabay tawa. Ito ang may pinaka makapal na make up sa apat.

"Akala mo ba ay papalampasin ko ang ginawa mo kanina? You have the audacity to oppose me? Who do you think you are?" turan ni Brittany.

Alam ni Eliza na kahit anong gawin niyang paliwanag kina Brittany ay hindi iyon papakinggan ng mga ito kaya mas minabuti niya na umiwas na lamang. Sinubukan niyang lagpasan ang mga ito pero bigla siyang hinawakan ni Brittany nang mahigpit sa kaliwang braso.

"Hindi pa ako tapos sa iyo. You're putting yourself in a position you'll regret in the end." May halong pagbabanta ang boses ni Brittany.

Nang mawala na ang kamay nito sa braso niya ay nagmamadali siyang naglakad palayo sa mga ito. Aaminin niya na may takot siyang nararamdaman ng sandaling iyon.

Bakit ba kasi hindi maintindihan nina Brittany na ginawa niya lang ang sa tingin niya ay tama?

Nagtungo siya sa labas ng classroom nina Melchor. Nang lumabas ang kaibigan niya ay agad siya nitong niyakap.

"Kung makayakap ka naman, parang nag-abroad na ako!" Pabirong wika ni Eliza.

"Gaga! Grabe kasi ang pa-plot twist! Pero kumusta ang mapunta sa first section?"

Kumibit-balikat siya. "Okay lang. Mas gusto ko pa rin sa section natin. Pero wala na akong magagawa sa bagay na iyon."

"Hayaan mo na. Saka, atleast, nasa iisang school pa rin tayo. Oo nga pala, hindi ba at kaklase mo si Rowan?" Tumirik ang mata ni Melchor nang banggitin nito ang pangalan ng lalaking iyon na hindi siya pamilyar.

"Sinong Rowan?"

"Si Rowan Pascual! Ang aking ultimate crush!"

"Hindi ko siya kilala—"

"'Ayon siya!" May itinurong lalaki si Melchor na papalapit sa kanilang kinatatayuan.

Awtomatikong bumilis ang tibok ng puso niya nang makita ang Rowan na tinutukoy ni Melchor. Iyon 'yong mabangong lalaki na dinaanan siya kanina habang nasa labas pa siya ng classroom ng 12-A. Totoo ang sinabi ng kaibigan niya. Gwapo nga talaga si Rowan. Ang bango at linis nitong tingnan. Ang ganda pa ng tindig. Akala mo ay isang modelo kung maglakad.

Impit na napatili si Melchor na akala mo ay kinurot sa singit nang lumagpas na si Rowan sa kanila.

"'Di ba, ang gwapo niya? Hoy, bes! Akin si Rowan, ha! Huwag mo siyang aagawin!"

"Alam mo, bes, ang delulu mo! Hindi ko aagawin sa iyo 'yon. Sayong-sayo na siya. Saka wala akong time para lumandi!"

"Ah, basta ako, meron! Marami akong time na lumandi!"

"Gutom lang iyan, bes! Saka, ang baho na ng hininga mo. Amoy bulok na bagang na. Kumain na tayo!" anyaya ni Eliza kay Melchor.

SA wakas ay natapos na ang last subject nina Eliza para sa araw na iyon. Ala-singko na ng hapon. Binilisan niya ang paglabas ng classroom upang makaiwas kina Brittany. Baka harangin na naman siya ng mga ito sa may pintuan, e.

Malalaki ang mga hakbang na tinungo niya ang gate palabas ng school. Huminto siya nang marinig niya ang pagtawag ni Melchor sa likuran niya. Hingal na hingal ito nang makalapit sa kaniya.

"Bes, samahan mo ako sa mall. May mga bibilhin akong school supplies," wika ni Melchor.

"Pwede bang pass muna ako, bes? May gagawin pa kasi ako. Sorry."

Umirap ito. "Ano ba iyan? Mas importante pa ba iyan sa pagkakaibigan natin?"

"Ang OA mo, bes! Work ito. Hindi ba, meron akong work online? Kailangan kong mag-log in before six."

"Oo na, oo na! Ako na lang mag-isa ang pupunta sa mall."

"Bawi ako next time. Bye, bes!" Niyakap niya si Melchor at naglakad na siya palabas ng ST High.


-----ooo-----


TALIWAS sa sinabi ni Eliza kay Melchor ay hindi siya dumiretso sa bahay nila. Nagpunta siya sa isang computer repair shop upang kunin ang laptop niya na ipinaayos niya. Natuwa siya sapagkat nabubuksan na ulit iyon. Mahalaga sa kaniya ang laptop na iyon dahil ginagamit niya iyon sa kaniyang trabaho. Nag-ipon siya dati upang mabili iyon.

Sumakay na siya ng tricycle upang mabilis na makauwi sa kanila. Pagdating niya ay nasa kusina ang nanay niya. Nagluluto ito ng hapunan nila. Ilang minuto na lang at mag-a-ala sais na ng gabi. Pumasok siya sa kaniyang kwarto at ini-lock ang pinto. Mabilis niyang hinubad ang kaniyang school uniform. Ang itim na bra at panty lamang ang itinira niya.

Ipinatong ni Eliza ang laptop sa study table at isinaksak ang charger niyon. Isang kahon ang hinugot niya sa ilalim ng kaniyang single bed. Sa pagbukas niya ng kahon ay tumambad sa kaniya ang isang pink na masquerade mask na kapag isinuot ay matatakpan ang buong mukha. Kinuha niya ang maskara at isinuot iyon.

Kasunod niyang kinuha sa kahon ang isang wig na isinuot na rin niya. Mahaba ang wig na umaabot sa kaniyang puwitan. Itim iyon at may bangs na tuwid na natatakpan ang kaniyang noo.

Pinatay niya ang ilaw at binuksan ang galaxy light at led lights upang kahit paano ay meron pa ring liwanag sa kaniyang silid.

Pumwesto na si Eliza ng pagkakaupo sa harapan ng laptop. Nagpunta siya sa isang website na kung tawagin ay "Girl On Cam". Nag-log in siya at inumpisahan na niya ang mag-LIVE sa naturang website. Wala pang isang minuto ang lumilipas ay umabot na agad sa isandaan ang viewers niya.

Napangiti si Eliza sa likod ng maskara.

"Hello sa inyong lahat! Pasensiya na kung ngayon lang ako nakapag-LIVE! Ngayon lang kasi naayos ang laptop ko. Gusto niyo bang magsimula na tayo?" Nakakaakit at malanding turan ni Eliza sa mga viewer niya.

Continue Reading

You'll Also Like

Hades University By Ren

Mystery / Thriller

514K 2.5K 8
Highest Rank Achieved ●Rank#5 in Mystery/Thriller (COMPLETE) Do you know what it feels like to be tortured? Pain is the only thing that's telling me...
18.8K 649 64
Paano kung mangyari sa section niyo ang mga nangyayari sa isang Horror Story na kinabaliwan ninyong magka-kaklase? "Sinong gustong mauna?" Pa...
62K 2.4K 10
"Paano kung hindi na siya ang dating nanay na iyong kilala?" Kinailangang bumalik ng magkakapatid na sina Rachel, Dylan, Rebecca at Jon sa luma nilan...
4.3K 232 12
Mula sa malawak kong imahinasyon ang mga istoryang ito. Lahat natatapos, nagbabago at nawawala kaya sana ay maging bukas ang iyong isipan sa reyalida...