Paradise In Your Eyes (Street...

By itsjepg

539 31 11

"Paradise is a place. But for me, it's in his eyes." 03.01.2024 Itsjepg 2024 More

Street Series #6
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4

Chapter 2

53 3 0
By itsjepg

Chapter 2: Nanliligaw

There was silence.

I expected his reaction and that was priceless. I can stare at him all day.

"S-Seryoso ka ba?" hindi siya makapaniwala.

I nodded confidently. I licked my lips and prepared myself to explain.

"Hindi mo lang nahahalata pero matagal na kitang gusto, Arkus." panimula ko.

Gulantang siya at parang pino-proseso pa rin ang sinabi ko. 

"Grade 9 palang tayo. Noong ginamot mo ako sa clinic hanggang sa lagi na kitang nakikita at tuwang tuwa ako kapag nakikita ka," I added.

His mouth was shut. Hindi niya na nga natuloy ang ginagawa. 

"Kahit mga small interactions natin noon ay nagpapasaya sa'kin. Matagal ko na rin gustong sabihin sayo na gusto kita pero hindi ako makahanap ng pagkakataon kasi abala ka lagi. Ngayon na na-solo kita...naglakas na ako ng loob na umamin," I said without breathing.

Nakalimutan ko na ata ang huminga. Yumuko siya at kinagat ang labi. Hinayaan ko siya na iproseso ang mga sinabi ko.

Napalunok ako. Grabe ang tibok ng puso ko pati ang alon ng kaba sa sistema. Pero may parte sa akin na gumaan pagkatapos kong umamin.

Nakabawi na siya kaya nagkatinginan ulit kami. Hindi ko alam pero nakitaan ko ng pagkinang ang mga mata niya o baka nahihibang lang ako.

"M-Manliligaw ka?" he said with a tone of confusion and asking for clarification.

Para bang imposible ang gusto kong gawin kaya sinisigurado niya.

I nodded proudly, "Oo. Manliligaw ako, Arkus," paglilinaw ko.

Courting is for everyone. I don't know if he thinks that courtship is for boys and girls only. 

"W-Wala akong masabi..." sagot niya at yumuko ulit.

"Naiintindihan ko. Basta liligawan kita..." ulit ko.

Masaya akong nakikinig sa aming guro na nagtuturo sa harap. Madalas ay nakakatulog ako sa klase niya pero iba ang araw na ito. Ganadong ganado ako.

Syempre mapapansin ako ng mga kaibigan ko kaya ito sila at kanina pa panay bulong at inis sa akin. Ngumingiti lang ako at hinayaan sila na mag isip kung bakit ako ganito kasaya.

"Kayo na ba ni Arkus?!?!" napalakas ang pagkakasabi ni Jude.

Nanlaki ang mga mata ko at tinakpan ang bibig ng palengkera kong kaibigan. 

Uwian na at marami kaming kasabay sa hallway at sa pagbaba kaya halos lahat ay napatingin sa akin. Halos umirap ako sa hangin. Nasapo ko ang noo at umiling iling.

"Ang ingay mo naman, Jude! Sarap mong ipakulam!" giit ko sa kaibigan.

Umulan ang mga tanong nila habang naglalakad kami sa may campus. Kung hindi lang humarang sa dinaraanan namin si Joanna ay hindi sila titigil.

"Bakit?" tanong ko rito.

She raised her brow and crossed her arms. Behind her are her girl friends. 

"Wala. At least makaka-move on ako sa'yo kasi alam ko na ang dahilan kung bakit hindi mo ako gusto. Pwede mo naman sa akin sabihin na hindi ka straight at hindi mo preferred ang opposite gender. Pinag-isipan ko pa ng ilang araw kung ano ba ang kulang sa akin at hindi mo ako magustuhan pabalik," walang preno nitong sabi. 

She was so real for that. Now, all our jaws are on the floor. Grabe naman ang atake!

"I guess we can be friends nalang?" dagdag niya at naglahad ng kamay.

Tinanggap ko ito kahit hindi pa nakakabawi sa seremonya niya. Umalis na siya at iniwan kaming speechless. 

"Daming sinabi. Buti nalang tagalog kasi kung english baka bumaha ng dugo rito. Anemic pa naman ako," si Jude. 

Grabe talaga lumipad ang balita! Ngayon ay mukhang alam na ng lahat na kami ni Arkus kahit wala pa naman talaga. Mga tao nga naman, kung patibong ang tsismis ay kakaunti nalang ang populasyon ng Pilipinas. 

"May boyfriend ka na raw?!" si Mama ang sumundo sa akin.

Hindi talaga ako sinusundo pero nagkataon lang na may nilakad si Mama sa malapit kaya dinaanan niya na ako. 

"Wala po," iling ko. 

Siguro ay may narinig siyang nag uusap na mga estudyante. Napakamot ako sa ulo. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ni Arkus kapag narinig niya ang tsismis tungkol sa amin. 

I'm not bragging but because I joined a lot of contests here in our school, I'm quite popular and almost everyone knows me. They called it pretty privilege and I'm not a fan of it but that's how society works. 

Halos lahat ng estudyante ay napapatingin sa akin. Ngumingiti naman ako na parang walang ideya sa tsismis. Gusto kong sakalin si Jude bigla.

Bumili kami ng siomai ni Mama bago umuwi at marami ang tao roon. Bumati ang ilan sa akin at nakipag usap pa ako habang si Mama ay bumibili.

"May chance ka na kay Joanna, Eli!" narinig ko iyon mula sa grupo ng mga lalaki. 

They're junior high schools and even the news reached them! Kunwari nalang ay hindi ko iyon narinig at inabala ang sarili sa pakikipag usap sa mga kakilala.

Kinagabihan ay hindi ako makatulog. Palipat lipat ang pwesto ko sa kama at nakipag titigan muna ako sa kisame hanggang sa hindi ko na nakayanan.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa side table. I went to my messenger and to find his name and message him.

Arkus Lucas Santos active now.

Nabuhayan ako pero kinabahan. Should I message him? I bit my lip to give it a thought. It's fine, I'm courting him anyway.

Miko Alvarez:

Good evening. Gising ka pa?

Mabilis kong tinipa ang mensahe bilang pambungad. Nag-delivered agad ang message ko. Ang tanga naman ng tanong ko! Malamang gising pa kaya nga naka online? Pero baka tulog na at nakalimutan lang patayin ang wifi?

Arkus Lucas Santos:

Hi! Oo gising pa ako. Bakit?

Miko Alvarez:

Hindi ako sigurado kung nakarating sa'yo ang balita tungkol sa atin pero mali lang sila ng intindi. Napalakas lang ang boses ng kaibigan ko at akala nila totoong tayo na kahit hindi pa. Sorry talaga, Arkus.

My heart was beating too fast while typing. Baka kasi ayaw niya ng ganoon at kakasimula ko palang manligaw pero ganito na agad.

Arkus Lucas Santos:

Ayos lang sa akin. 

Lumaki ang ngiti ko nang mabasa ang reply niya. Parang makakatulog na ako nang mahimbing.

Miko Alvarez:

Talaga? 

Arkus Lucas Santos:

Oum. Ayos lang. Baka mali nga lang sila ng pag-intindi. Wala lang naman sa akin 'yun.

Miko Alvarez:

Glad to know. Akala ko na-disappoint kita agad eh :<

Nag seen siya agad pero limang minuto bago nag-reply.

Arkus Lucas Santos:

Hindi naman hehe. Bukas nalang, Miko. Matulog na tayo gabi na rin kasi.

Miko Alvarez:

Sige. Goodnight, Arkus! Sweetdreams :)

Arkus Lucas Santos:

Goodnight :)

Nakangiti tuloy akong bumangon at masiglang gumising kinabukasan. Iba talaga mararamdaman mo kapag in love ka. 

I licked my lips as I prepared my fingers to type. I'm in front of my laptop in the library and it's early in the morning. 

"How to court?" I searched it on google then clicked enter.

I clicked some websites and started to read fervently. Late na akong nakatulog kagabi dahil sa kilig pero maaga pa rin akong nagising. 

Ilang minuto akong nagbasa hanggang sa may naramdaman kong pumasok kaya nagpanic ako at sinara agad ang laptop.

"Miko?" It was Arkus.

Nilingon ko agad siya at ngumiti. His innocent eyes smiled at me. He walked and sat in front of me shyly. There was an awkward silence between us but it felt good. We're awkward because this is the first day that I'm courting him. 

"Kumain ka na?" I opened up. 

He gave me a nod and smiled. 

"Anong almusal n'yo?" I added. 

"Egg and rice. Ikaw?" 

"Egg and rice tsaka yung leftover na ulam namin kagabi," I answered and the way I answered him? It sounds enthusiastic. 

Tumango ulit siya at binuklat na ang libro niya. Tinikom ko na ang bibig ko dahil ayaw kong maging abala sa ginagawa niya. I focused on mine but I couldn't help myself and every time I got a chance to see a glimpse of him, I would take it. 

Agad akong nag iiwas at nagkukunwaring nagbabasa kapag nahuhuli niya akong nakatingin. Napapangiti ko siya roon. Kunwari ay nag aaral ako pero iniisip ko na ang mga nabasa ko sa internet sa kung paano ba manligaw.

Ang una kong nabasa ay dapat daw i-compliment mo ang nililigawan mo.

"Bagay sa'yo ang salamin mo," I said out of nowhere na kahit ako ay nagulat sa pagiging random ko.

He was shocked as well but he managed to smile. 

"Thank you," aniya at inayos ang glasses.

Pangalawa, kilalanin mo raw ang nililigawan mo.

"Ano nga pala favorite mong color? Favorite song? Favorite movie? Favorite subject?" I bombarded him and I realized it too late.

Umuwang ang labi niya. Iniisip niya siguro na mukha akong tanga sa mga tanong ko.

"Sorry sa abala. Sige 'wag mo na sagutin---"

"Brown. Wonderwall. Interstellar. General Physics." He answered my question in order.

Natawa tuloy kaming dalawa at nagpagaan iyon ng ere sa pagitan namin. 

"Nakikinig ka pala sa Oasis?" I get the topic from his answer. 

I think this will work to get to know him better. 

"Seryoso ka ba? Sa panahon ngayon ay hindi na uso ang ligaw ligaw na 'yan! People will just date!" komento ng mga kaibigan ko.

Tapos na ang klase namin sa Oral Communication at naghihintay nalang sa next subject teacher. Kinuwento ko sa mga kaklase ko ang sitwasyon namin ni Arkus and they can't believe what I was doing.

"Sa Pilipinas ka nakatira at hindi sa US! Tsaka sabihin na nating old fashioned pero mas sweet naman ang panliligaw!" si Sam at biglang nag daydream.

"Kahit sa Pilipinas hindi na rin uso ang ligaw. At saka ligaw ligaw ka pa akala mo naman liligawan ka ng crush mong si Almond?!" si Jude.

Nagulat kaming lahat sa bagong crush ni Sam at sa kanya natuloy natuon ang atensyon at pang iinis. 

"Grade 9 palang yun, Sam!" si Carl naman.

"And so?" 

And their war started. Kung hindi lang dumating ang next subject teacher ay magpapatayan na ang dalawa.

I don't know what's the difference between courting and dating but I prefer courting. Maybe for me it's more sincere. 

Naalala ko ang mga kwento ni Papa sa akin. Kailangan mo rin daw kilalanin ang pamilya ng nililigawan mo. Bigla tuloy akong kinabahan nang maisip ang pamilya ni Arkus.

"Di'ba lagi mong hinihintay ang girlfriend mo? Sasama ako ah!" sabi ko kay Carl nang natapos ang huling subject sa araw na ito.

Binigyan ako nito ng ngiting mapang inis.

"Grabe naman itong manliligaw na ito! Pero support kita dyan, brad!" aniya at tinapik tapik ang balikat ko.

Kaklase kasi ni Arkus ang girlfriend nitong si Carl. Kaya sasabay ako sa kanya para hintayin na rin si Arkus. 

Halos lahat tuloy ng dumadaan ay tumitingin sa akin. Nandito na kami sa tapat ng room nila Arkus. 

"Iniisip siguro nila mag boyfriend na kayong dalawa," komento ni Carl nang mapansin din ang mga matang tingin nang tingin.

"Bahala sila," I said nonchalantly.

"Okay lang 'yun kay Arkus?"

Tumango ako. "Oo. Nag message ako sa kanya kagabi tungkol sa bali-balitang kami na kahit hindi pa at ayos lang daw sa kanya 'yun." 

Carl nodded. "Sa bagay. Marami ang gustong ma-link sa'yo kaya ayos lang kay Arkus 'yun. Winner na winner siya," 

Halos umirap ako kay Carl.

"Dami rin naman gustong ma-link dyan kay Arkus. Habulin din ng babae 'yan eh," 

Tumigil na kaming mag usap ni Carl nang lumabas na ang mga estudyante. Nagpaalam na si Carl kasama ang girlfriend at si Arkus ay gulat na gulat dahil nandito ako.

"Yieeee! Maiwan ka na namin dyan, Arkus ah!" sabi ng mga kaibigan niya sa kanya.

I smirked and put my hand on my nape.

"Gusto lang sana kitang yayain kumain," sambit ko.

"S-Sige ba. Saan ba?" 

Nabuhayan ako. Akala ko ayaw niya sa ginawa kong paghintay sa kanya pero hindi naman pala.

"Ikaw bahala. Kahit saan mo gusto!" masaya at excited kong sabi.

Gumayak na kami. Pinauna ko siyang maglakad at ako ay nasa likod niya lang.   Fast food ang napili niya at ayos lang din naman sa akin. Anything for him.

"Hindi ba dapat share tayo?" aniya nang makitang ako ang nagbayad ng order namin.

Umiling ako. "Okay lang. Ako na," sabi ko sabay kindat sa kanya.

Unting unting sumibol ang ngiti sa labi niya. Araw araw kitang pakikiligin, Arkus. Kaya humanda ka na.

Continue Reading

You'll Also Like

19.3M 586K 42
"Give me your hand." He ordered and i looked at him confused. He sighed before taking my left hand. I gasped when he suddenly put an engagement ring...
186K 10.2K 24
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
141K 3.4K 54
What will you do if you end up in someone else body?
22.1M 684K 29
"Ethan." Aiden pauses. "I want you." He softly bites my ear. "I want to kiss you more than you will ever know." Trying to avoid the daily beatings of...