ARRANGE MARRIAGE WITH MR. COL...

De Helizemonnarialle

33.6K 512 61

Meet Irish Ezaneia Xin Katana Ferrer Lee 17 y/o, she is the type of girl who is boyish in short parang lalaki... Mai multe

CONT. OF DESCRIPTION IN THE STORY
AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
KABANATA 1: Going Back To Philippines
NOT AN UPDATE! (ANNOUNCEMENT)
KABANATA 2: Mansion
KABANATA 3: Childish
KABANATA 4: First Encounter
KABANATA 5: Misterious
KABANATA 6: New School, New Bestfriend
KABANATA 7: Don't deny it, bro!

KABANATA 8: Monkeys

872 29 12
De Helizemonnarialle

Kabanata 8:
Monkeys


NAALIMPUNGATAN ako nang biglang makarinig nang nagsibagsakan na hindi ko mawari kung ano at maiingay na boses ng mga tao na tila nagbabangayan. Puting kisame ang bumungad sa'kin nang maimulat ko nang buo ang aking mga mata at babangon na sana ako ng biglang sumakit ang gilid ng ulo ko kaya napahawak ako banda doon. Nilibot ko naman ang tingin ko sa buong paligid at napagtanto kong naka dextrose ako at ang malala pa ay nandito sa loob ng buong kwartong 'to ang mga unggoy kong pinsan at mga pangit kong kuya's.



Pinilig ko ang ulo ko at inaalala ang mga nangyari ngunit ang naaalala ko lang ay pumunta kami ni Sam sa Cafeteria at napaaway kami doon pero hanggang doon lang iyon. Napatingin naman ako sa apat na nagbabangayan at nakasalampak pa sila sa may dadaanan, malapit sa may pintuan na diko alam kung ano ang pinaggagawa nila doon. Gusto kong matawa sa itsura nilang apat na naliligo na sa pawis lalo na 'yung nasa ilalalim na sobrang kawawa dahil ambibigat nang mga nakapatong sa kanya.


Si kuya Hendrix lang naman ang nasa pinaka-ibabaw at may hawak itong supot na diko alam kung ano ang nasa loob, sa ilalalim naman no'n ay si kuya Sean na may hawak ding supot na may kargang isda, ewan ko ba? kung saan-saan sila nag susuot na apat. Sunod naman si kuya Keigan na katulad sa dalawa ay may hawak din itong supot ngunit ang laman nito ay mga prutas, paano ko nalaman? Eh.. nagkalat lang naman ang mga orange at mansanas sa sahig dahil nabutasan 'yung supot na hawak² nito ngayon.

 

At ang huli, ang pinaka kawawa sa kanilang sitwasyon ay si kuya Blake, na nasa ilalim nila na ngayon ay nahihirapan na sa sobrang bigat nilang tatlo dahil nga nadaganan siya ng mga ito. May hawak itong pagkain na sa tingin ko ay Jollibee ito kaya bigla naman akong nagutom sa nakita ko. Mabuti na lang ay nakataas ang dalawa nitong kamay na bumagsak dahil kung hindi.. nadaganan din ang mga iyon. Yung mga tarantado ko namang mga pinsan ay tawa ng tawa rito, may pahawak pa sa tyan 'yung isa parang masakit na dahil sa kakatawa tapos may naluluha pa.. tears of joy yern?


"Ayy.. putek, hoyy!! gago. Ilabas mo phone mo," Cooper.


"Anyare sa inyo, mga pre?" Azriel.


"Tangina! wait lang.. ang sakit ng tyan ko," Reigan.


"Pfftt.. the fvck! what stupid things are you four doing?!" Chester.


"Gago mga tol! bakit dito niyo pa naisipang lumangoy?" Asher.


sari't sari nilang komento habang natatawa pa rin sa sitwasyon nilang apat na nakabalandra pa rin sa may pintuan. Wala man lang ba silang balak na tulungan 'yung apat na depungal na nasa sahig? Staka... hindi ba talaga nila ako napapansin? HELLO? Ano ako dito hangin... multo?


Napadpad naman ang tingin ko sa mga natutulog sa mga sofa dito sa loob ng kwarto. Halos gusto ko nang maglumpisak sa tawa ngunit hindi ko magawa ba ka maistorbo ko pa. Ang posisyon lang naman ng tulog nila ngayon ay- Si kuyang pulang manok este- si kuya Jeron ay malapit ng malaglag sa sofa dahil sa magulong katabi nito, 'yong isang kamay ba naman nito nalalaglag na.


Si kuya Carter naman ay sarap tulog ang tarantado kong pinsan, tumutulo pa ang laway nito habang umuurok at nakapatong pa talaga ang isang paa nito sa dibdib ni kuya Jeron dahil magkatabi silang dalawa sa iisang sofa. Hindi ko nga alam paano sila nagkasya doon, malaki naman 'yung sofa dahil na I aadjust ito ngunit ang lalaki kasi nang mga katawan nila.


Magkabaliktad ang higa nilang dalawa. Dahil sa sobrang tangkad nilang dalawa ay halos magkalapat na ang isang paa ni kuya Carter sa bunganga ni kuya Jeron na ngayon ay hindi man lang maramdaman o maamoy man lang ang paa nito.


Manhid ata itong kuyang pulang manok na 'to? o sadyang mahimbing lang ang tulog nito?


Lahat sila natigil sa pagkakantiyawan sa isa't isa nang bigla akong magsalita. Para silang nabato sa kinatatayuan nila ngayon.



"Hey, you guys are so noisy! Tsk, such monkeys,"



walang ganang sabi ko sa kanila at napakalukipkip na lang ako at staka sila binalingan ng tinignan. Napakurap-kurap pa sila na parang tanga dahil hindi makapaniwala na gising na ang gwapong si ako.


"What the hell, bro! sampalin mo nga ako, I must be dreaming again,"



saad naman ni kuya Asher kay kuya Reigan. Kinusot-kusot pa nito ang dalawa nitong mata staka kumurapkurap ulit. At dahil pinalaking masunuring bata itong pinsan kong tarantado ay sinunod nito ang sinabi ng unggoy kong kuya. Bahagya pang tinupi ni kuya Reigan ang sleeves nito sa kanan at sabay sapak sa pisngi nito. Napapikit pa ako dahil ang lakas ng tunog ng pagkakasapak niya rito.


"The fvdge?! that's hurt!"


pagrereklamo ni kuya Asher sabay haplos sa maputi nitong pisngi na ngayon ay sobrang pula na. Napangiwi na lang ako nang may makita akong nagbakat na kamay sa malagatas nitong pisngi. Napalakas siguro ang pagkakasapak ni kuya Reigan sa kanya, nag-iwan ba naman kasi ng bakat na malaking kamay.


Nagtataka ko namang binalingan ng tingin si kuya Azriel nang bigla itong naglakad papunta sa pwesto ko ngayon. Hinawakan lang naman niya 'yung balikat ko na para bang hindi naniniwalang gising na ako. Bahagya pa nitong pinisil 'yung magkabilang pisngi ko na ikinainis ko naman.


"Ano ba kuya?! it hurts... you're ruining my handsome face, you know?"



inis kong saad kay kuya Azriel sabay tanggal sa pagkakahawak nito sa pisngi ko staka siya sinamaan ng nakamamatay na tingin.


Pinitik naman nito ang noo ko kaya napasapo ako roon. Tangina! ansakit no'n ahh.. ang bigat ng kamay!


Grabe! kuya ko ba talaga 'to? Ibenta ko na lang kaya 'to? Para magkapera pa ako? gusto niyo? haha.. de joke lang.


"Kakagaling mo lang babysis, nagiging mahangin ka na naman,"


sermon nito sa'kin kaya napasimangot na lang ako. Bakit ba kasi hindi sila naniniwala sa'kin? Wala na bang epek 'yung kagwapuhan kong ito?


Nagulat ako ng biglang magkanda tulak-tulakan silang lumapit sa'kin para lang... 


 Yakapin ako... para lang yakap-- WHAT THE, seriously??? YAKAPIN?!


 Yung mga iba naman ay nadapa pa sa sahig dahil sa kakamadaling pumunta sa kama na hinihigaan ko ngayon. Dibale lang si kuya Chester na nakatayo sa dulo ng kama, nakatiklop ang mga dalawa nitong braso habang malamig ang mga tingin nito. Parang si kuya Ace lang itong mokong na 'to kaya lang hindi siya kasing lamig no'n.

 

"Are you okay now, lilsis? Doesn't your head hurt anymore?" Cooper.



"Just tell us babysis, we'll take you to the hospital right now," Reigan.



Kanya-kanyang tanong nila sa'kin, bakas sa mga boses nila ang pag-aalala. 


Kamot-ulo ko na lang sila binalingan nang tingin.. 


O.A. talaga, mga lolo niyo pshhh... de joke lang.


Napangiti na lang ako ng palihim sa mga tanong nila. Kahit kailan talaga hindi pa rin sila nagbabago katulad pa rin nang dati noong mga bata pa lamang kami.. sobrang sweet pa rin nila pagdating sa'kin.


Pero sa ibang tao, sobrang seryoso ang mga mukha at malamig kung makatingin lalo na 'yung mala yelo kong kuya, naku.. kung alam niyo lang kung makatitig 'yon para kang papatayin no'n ehh. Tsaka ilang taon na rin ang lumipas bago ulit kami nagkasama-sama ng mga kuya kong unggoy at mga tarantado kong mga pinsan. Dahil nga doon na ako pinag-aral nila dad sa U.S kaya lang kada pinapasukan kong mga school doon ay nakikick out ako ka agad ako.

Syempre ganoo'n talaga kapag gwapong nilalang, malapit sa gulo....

Katulad ko.

Ngumiti naman ako bago ko sinagot 'yung tanong ni kuya Cooper.

"I'm fine na kuya, don't worry. I'm still handsome pa rin naman,"

aniko sa kanila at umupo ng maayos staka sumandal sa headboard ng kama kaya bigla naman silang nagpanik. Diko napansin na nandito na pala sa gilid ko si kuya Chester na umaalalay sa akin.


"Don't do that again, princess, you worried us too much,"


nag-aalalang saad nito sa'kin, hindi mo makikitaan ng malamig na boses. Umupo naman ito sa gilid ng kama na hinihigaan ko.


"Kuya Chester is right, lilsis,"


sabat naman ni kuya Reigan na ikinasang-ayon naman nila kuya Cooper at kuya Azriel.



"So next time, babysis, you should come with us so you will be untouchable,"



saad ulit ni kuya Reigan sa'kin na ikinagusot ng mukha ko. Sino bang hindi maano sa sinabi nito? Sira na nga araw ko ngayon, mas lalo pang masisira kung sila ang palagi kong makakasama.

Papakialaman lang naman nila 'yung mga diskarte ko sa buhay. Staka masisira lang ang gwapo kong mukha dahil sa kanila haysttt..

"Hindi na kailangan kuya, I can handle myself naman. Sa gwapo ko ba naman 'to?"

mayabang na aniko sa kanila. Natatawa namang ginulo ni kuya Chester 'yung buhok ko na ikinasimangot ko naman. Mas lalo naman silang tumawa. Infairness ngayon ko lang nakita ulit tumawa itong si kuya Chester. Palagi kasi itong naka poker face katulad ni kuya Ace the yelo. Pshhh..

"Nagugutom kana ba, prinsesa ko?"

pagtatanong naman ni kuya Azriel sa'kin. Aangal na sana ako dahil sa pagtawag nito sa'kin ng prinsesa dahil sa gwapo ko ba naman 'to ganyan ang itatawag. Tumango naman ako dahil nagugutom na talaga ako kanina pa.

"Here, babysis. We bought you a Jollibee,"

sabat naman ng kung sino. Bumaling naman ang tingin ko dito. Si kuya Blake lang naman pala ang nagsalita, diko napansin na nakabangon na pala silang apat na kanina lang nasa sahig.

"Can you eat now, babysis? if not.. let me feed you first,"

nag-aalalang saad nito sa'kin bago naglakad ito papunta sa gilid ko. Paika-ika pa ito na ikinataka ko naman. Bahagya pa niyang tinulak ng mahina si kuya Cooper na nasa gilid ng kama para makadaan siya. Madrama namang napahawak si Kuya Cooper sa dibdib nito animo'y nasaktan.

"Grabe ka fafa Blake.. you hurt me!"

parang nasasaktan na saad ni kuya Cooper kay kuya Blake with matching naiiyak pa. Gusto kong matawa sa pinaggagawa nito ngayon dahil may pakembot-kembot pa itong nalalaman sabay lapit kay kuya Blake na naiirita na ngayon sa pinaggagawa nito.

Lalo na 'yung boses nito na pinipilit niya ipitin, nagmumukha tuloy siyang kambing. Pareho namang maskulado ang pangangatawan nilang dalawa ni kuya Blake, kaya lang parang hindi pa ata nakainom ng gamot itong si kuya Cooper ehh.. mukhang tinamaan na naman ng sakit niya.

Sakit sa utak.

Nang-aakit pa niyang hinahawakan 'yung bicep nito hanggang sa dumapo ito sa matitigas na dibdib ni kuya Blake na ikinasama naman ng timpla ng mukha nito. Yung tipong gusto nang pumatay ng tao base sa tingin nito.

"Remove your hands? or hintayin mo pang ako ang pumutol niyan?"

tiim bagang saad nito kay kuya Cooper. Kitang kong nagpipigil itong manapak dahil nakakuyom na 'yung kamao nito. Ngunit ayaw paawat itong si kuya Cooper, mas lalo pa itong lumapit kay kuya Blake sabay hawak pa sa kanang braso ni kuya Blake staka niya pinisil iyon. Natatawa namang pinapanood ng mga tarantado kong mga pinsan at mga iba nilang kaibigan ang pinaggagawa ng mokong na 'to.

"Stop that Cooper! or else? i will fvcking spread your little secret,"

banta naman ni kuya Chester na nasa tabi ko gamit ang malamig at baritono nitong boses. Napatigil naman si kuya Cooper sa pinaggagawa nito at tahimik na dumistansiya dito na ikinahinga naman ng maluwag ni kuya Blake.

"What's that secret, bro? Share your blessings naman jan,"

sabat naman ni kuya Asher na ngayon ay kinukulit na si kuya Chester with matching sundot-sundot pa sa baywang nito, sumang-ayon naman 'yung mga ibang asungot na nasa paligid ko.

Taena! kailan pa ba ito naging chismoso itong kumag na 'to??

"Ask Cooper. Not me,"

maiikling saad naman ni kuya Chester kay kuya Asher at naiiritang tinanggal niya ang kamay nito na kanina pa nangungulit sa kanyang baywang, tinignan ko naman si kuya Asher na ngayon ay gusot-gusot na ang mukha nito. Bumaling naman ang tingin nila kay kuya Cooper na ngayon ay kunwaring tumitingin sa cellphone na hawak nito.

Natigil ako sa pagtawa kay kuya Asher dahil para siyang natalo sa loto ng biglang may nagsalita sa gilid ko.

"Do you want me to feed you, babysis?"

pang-iiba naman ni kuya Blake. Ngunit ngumiti lang ako sa kanya staka kinuha sa mga kamay nito ang nakasupot na Jollibee. Hindi naman ito umangal pa at hinayaan akong kunin iyon. Pagbukas ko ng pagkain ay agad kong nilantakan iyon. Wala akong pake gutom ako ehhh.

"Hey princess, dahan-dahan lang sa pagkain.. hindi ka naman mauubusan,"

natatawang sabi ni kuya Azriel sa'kin sabay kuha ng tissue na kasama kanina ng Jollibee na kinuha ko, pinunasan lang naman ni kuya 'yung pisngi ko na may sauce ng spaghetti.

"Mga kuyash, shino-"

"Don't talk, princess, if your mouth is full. That's very bad,"

sermon ni kuya Chester sa'kin sabay ayos ng buhok ko na malapit ko ng makain. Para itong magulang kung makasermon, parehas talaga sila ni kuya Ace.

"Where is your hair tie, my princess?"

pagtatanong naman nito sa'kin habang hawak-hawak pa rin nito ang buhok ko. Tinaas ko naman yung kaliwa kong kamay dahil nandoon nakasuot iyon. Basa pa kasi ang buhok ko kanina kaya hindi ko muna tinalian. Mabilis naman nitong tinanggal sa kamay ko 'yung tali at dahan-dahan nitong inayos 'yung buhok ko na parang alam na alam ang ginagawa. Infairness hindi masakit magtali ng buhok si kuya.

"Much better,"

proud niyang saad sa'kin ng matapos nitong talian ang buhok ko. Kaya bumaling naman ang tingin ko kay kuya Chester ngunit nginitian lang ako nito ng matamis. Minsan talaga napapansin ko magkamukha sila ni kuya Suga sa BTS pati gummy smile nito gayang-gaya niya.

Hinawakan ko naman 'yung buhok ko kung anong klaseng style ang itinali nito sa'kin. Pagkahawak ko sa buhok ko ay napangiti ako, hindi ko alam na magaling pa lang magtali ng buhok itong pinsan ko. Akalain mo? natali niya ng maayos 'yung buhok ko na sobrang haba at makapal sa papusod na style ng buhok.

"Mga kuya's sino nga pala ang nagbuhat sa'kin papunta rito sa Clinic?" 


pagtatanong ko sabay subo ng spaghetti na kanina ko pa pinapaikot. Bumaling naman ang mga tingin nila sa'kin. Nasa magkabilang gilid ko si kuya Blake at kuya Chester. Si kuya Asher naman ay nakasandal sa pader habang nakahalukipkip, malapit ito kay kuya Chester.

Si kuya Azriel naman ay nasa may paanan ko tapos si kuya Reigan, katabi lang ni kuya Chester. In short napapalibutan nila ako ngayon, para namang mawawala ako sa ginagawa nila.

"Si boss Killian. Siya ang nagbuhat sa'yo papunta dito, princess,"

diretsahang sagot ni kuya Keigan na ngayon ay nakahiga sa sofa habang naglalaro sa cellphone nito. Wala sa oras naman akong naubo sa sinabi nito kaya bilis-bilis naman akong inabutan ni kuya Chester ng tubig na ikinahinga ko naman nang maluwag.

Sinamaan ko naman ng tingin si Kuya Azriel ng bigla niya akong tawanan.

"Ayan, kakasabi pa lang ehh.. dahan-dahan lang kasi sa pagkain, lilsis." Azriel.

Tangina! sa dami-dami ng pwedeng magbuhat at magdala sa'kin dito sa Clinic, 'yong kingkong pa nila na ubod ng kayabangan ang ugali? malas na buhay 'to ohh.. magkaka-utang pa ako do'n sa lalaking 'yon!


"Can you stand up now, princess? Do you want us to get you a wheelchair?"


biglang tanong naman ni kuya Asher na ikinataka naman naming lahat. Kaya ko namang maglakad ahh.. staka 'yung ulo ko naman 'yong nauntog, hindi naman ako na paralyzed para mag wheelchair.

Masyadong O.A. lang talaga itong unggoy kong kuya.

"Ouch! gago! nakakailan kana ahh,"

rinig kong reklamo ni kuya Asher kay kuya Reigan habang hinihimas ang kanyang batok. Yung mga kaibigan naman nila kuya's na dalawa, sina kuya Sean at kuya Hendrix ay nakaupo sa magkabilaang sigle sofa dahil si kuya Keigan ay sinarili lang niya naman ang mahabang sofa. Diko alam kung ano ang pinaggagawa nila sa buhay, halatang pagod na pagod sila.

"May sira kaba sa utak, pre?" Reigan.

"Huh? How did you see that my brain was broken? Did you open it?" Asher.

Napatampal na lamang ako sa'king noo dahil sa sagot ni kuya Asher kay kuya Reigan. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi nito o maiiyak dahil sa pagiging slow ng utak niya. Ayan! Ayan ang sinasabi ko! Paano ako hindi ma iistress kung ganyan sila kasakit sa ulo?! mas grabe pa sila sa obob kapag kausap! Pero hindi naman sila ganyan kapag kinakausap 'yung ibang tao? mas malamig pa nga sila sa refrigerator namin sa mansion ehh..

Sadyang ganyan lang ba talaga sila magbatuhan ng mga tanong? ampangit naman nilang ka bonding! psshh..

"Confirmed, may sira ka nga sa utak!"

umiiling-iling na saad ni kuya Reigan kay kuya Asher. Natatawa naman 'yung mga iba kung mga pinsan kasama na doon 'yung dalawa nilang mga kaibigan na sina kuya Sean at kuya Hendrix.

"Did you open my brain? How did you say it was broken? Are you a doctor?"

Napatunganga naman si kuya Reigan sa sinabi ni kuya Asher sa kanya maski kami ay napanganga dahil sa katangahan ng isipan nitong unggoy kong kuya. Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko sa mga asungot na 'to na kasama ko.. ang lala nila, sobrang lala. Kaunti na lang talaga mababaliw na ako dito.

Staka ewan ko ba kung nagtatanong ba ito ng maayos dahil 'yan lang ang naabot ng capacity ng utak niya? or namimilosopo lang talaga siya dahil trip niya??

"Pwede ka nang pumasa, pre"

sabat naman ni kuya Keigan habang umiiling na ikinataka naman naming lahat. Kuno't noong binalingan ni kuya Asher si kuya Keigan. Ngunit ngumisi lang ito ng nakakaloko bago ito bumangon sa kinahihigaan nitong mahabang sofa staka umupo at nagdikwatro pa.


"Where? in the exam? quiz? test? -Of course, I'll pass there because I'm so smart,"


Napatanga naman ako sa kahanginan niya. Matalino nga. Nasobrahan nga lang sa talino. Ang galing nga ehh.. siguro pati si Albert Einstein at Isaac Newton mapapabilib niya.

Binalingan ko naman ng tingin si kuya Keigan na ngayon ay sobrang lawak na ang ngisi habang pinaglalaruan ang cellphone na hawak-hawak nito.

"Hindi ka lang pre sa exam, quiz at test makakapasa..."

"Then where else can I pass?"

pagtatanong ni kuya Asher na ngayon ay naiirita na sa kanya.


"Sa Mental Hospital, pre, kahit huwag ka nang mag-entrance exam doon, matik pasado ka na,"


nakangising saad ni kuya Keigan sabay bungisngis ng tawa nito, may pahampas-hampas pa itong nalalaman sa sofa. Nakisali na rin sa tawa sila kuya Azriel, kuya Blake, kuya Cooper, kuya Sean at kuya Hendrix. Bored lang naman nakatingin si kuya Chester dito sa gilid sa mga pinaggagawa ng mga asungot.


"Grabe ka na ehh.. ang lala mo na,"



Hindi nakisali si kuya Chester. KJ din ang isang 'yan ehh.. sabi sa inyo katulad siya ni kuya Ace.

Halos hindi naman maipinta 'yung hitsura ni kuya Asher dahil sa sinabi ng sira ulo kong pinsan. Dahan-dahan naman itong pumunta sa pwesto ni kuya Keigan at aakmang mangsusuntok na sana ito ng biglang bumukas 'yung pinto, na ikinatigil naman namin. Naiwan naman sa ere 'yung kamay ni kuya Asher na isusuntok sana kay kuya Keigan na nasa mahabang sofa.

"KAT?!?! OMYGOSHH!!!"

biglang sigaw ng kung sino kaya napalingon kaming lahat doon sa may pintuan, mayroon pa akong narinig na bumagsak sa sahig ngunit hindi ko na iyon pinansin. Nakita ko si Sam doon, kumaripas ito ng takbo sabay yakap sa'kin ng mahigpit 'yung tipong ilang taon akong nawala. Napansin ko ring may hawak-hawak ito na water bottle na kabibili lang dahil hindi pa ito nabuksan. Walang pasabi niya pang tinulak si kuya Cooper na nakaharang sa may gilid ko, katabi niya si kuya Blake na ngayon ay gumilid para bigyan ng daan si Sam.

"I thought you wouldn't wake up,"

rinig kong saad nito habang nakayakap pa rin sa'kin, naramdaman ko namang nabasa 'yung kanang balikat ko. Ilang minuto ay kumalas na rin ito sa pagkakayakap sa'kin. Pulang-pula ang mga mata nito dahil sa kakaiyak. Marahan ko namang pinunasan 'yung mga luha niya na tumulo gamit ang hinlalaki ko dahil nakasalamin ito. Narinig ko pa itong suminghot kaya napangiti naman ako.


"Syempre alangan naman na hindi ako magising? edi mawawalan ka ng pinakagwapong kaibi- ARAY!!"


naputol ang sasabihin ko ng bigla niya akong hampasin sa kaliwa kong balikat na ikinadaing ko naman.

Grabe naman anteh niyo, mapanakit ang babaita.. ang sama ( ̄з ̄)


"Ang hangin' mo, alam mo ba na?..."


"Ayy. Hindi pa-AWTS," sakit no'n ahh..


"Huwag mo akong pinipilosopo Kat, do you know that muntik na akong mamatay dahil sa pag-aalala sa'yo?? ha?"

napahawak naman ako sa aking tainga dahil piningot lang naman niya ako. Nakasimangot ko namang hinahaplos ang kanan kong tainga na ngayon ay pulang-pula na, kahit hindi ko kita, ramdam kong namumula na iyon.

Grabe kaibigan ko ba talaga 'to? kawawa na si me dito ehh.. gwapo naman ako? ano pa ba ang kulang? jowa? asawa? hindi ko na kailangan niyan! hindi ko naman ikamamatay ang pagiging gwapong single ehh..

"Oo na, babe. Pwede bang tama na kakalapirot ng tainga ko? favorite part mo ba 'yan?? huhu.. ikasisira pa niyan nang gwapo kong mukha ehh,"

reklamo ko kay Sam habang nakanguso. Binalingan ko naman ng tingin sila kuya's, insan at pati na mga kaibigan nila na kanina pa pala kaming dalawa na pinapanood. Napansin naman iyon ni Sam kaya naiilang naman itong umayos na ikinatawa ko naman ng mahina.

"By the way, mga kuya's. Na saan si kuya Ace?"

pagtatanong ko sa kanilang lahat ng makitang may nawawala na isa sa kanila. Nagtataka naman nilang binalingan ng tingin ang bawat isa sa kanila.

"He went to Cebu because dad ordered him to take care of one of our companies there, staka malapit na rin makapagtapos si kuya sa mga kurso na kinuha niya," Azriel.

napatango-tango na lang ako dahil sa sinabi nito. Naiintindihan ko naman si dad kung bakit inutusan niya si kuya Ace na maghawak muna doon.

Dahil na rin siguro para masanay na si kuya staka malapit na rin ito makapagtapos ng kolehiyo sa apat na kurso na kinuha niya. Ewan ko ba kung anong nakain niya, bakit siya kumuha ng apat na kurso tapos sabay-sabay pa talaga. Sadyang pinanganak lang na matalino itong mala yelo kong kuya na parang galing ata sa ibang planeta. 


Kung ako siguro 'yan? naku! mga anteh mababaliw na ako, sa dami ba naman niyan? haysttt, Ewan ko na lang talaga pshhh...


"Nalaman na ba ni kuya Ace kung anong nangyari sa'kin ngayon??"

pagtatanong ko naman sa mga unggoy kong mga kuya's at mga asungot kong mga pinsan. Ewan ko ba? sunod-sunod ang paglunok nila maski ang dalawa nilang kaibigan ay para silang nabato sa kinauupuan nila ngayon.

"What's wrong, mga kuya's..?- H-hoy! huminga naman kayo, hindi na ata kayo humihinga ehh.."

gulat kong bulyaw sa kanila nasa tabi ko nang makita kong parang natigil 'yung paghinga nilang pito sabay palo sa balikat ni kuya Chester na katabi ko lang. Nagsi-iwasan naman sila ng tingin nang binalingan ko sila ng tingin isa-isa.

"Hmm.. I see," mukhang dipa alam ni kuya Ace, kabado bente sila ehh...

Sigurado ako na kahit hindi nila sabihin kay kuya Ace, malalaman at malalaman pa rin niya ang nangyari sa'kin. He has many connections. Kilalang-kilala ko ang kuya kong yelo kahit na ilang taon kaming hindi nagkita, hindi siya titigil hanggang hindi niya nakukuha ang dapat niyang malaman, at iyan ang namana niya kay Daddy Lo namin. Kaya napakadelikado niya. Hindi ko naman maitatanggi na marunong siya sa lahat.

"Don't worry mga pangit, hindi kayo no'n bubugahan ng apoy. I gotchuu guyss!!"



"Akong bahala kay kuya Ace, promise,"


mayabang na aniko sa kanila sabay taas ng kaliwa kong kamay na ikinakuno't naman ng mga noo nila.

 

"Bakit ganyan kayo makatingin? ganyan na ba ako kagwapo para tignan niyo?"


"Bakit 'yung kaliwa ang nakataas mong kamay?"

sabay-sabay nilang sabi sa'kin except kila kuya Chester at Samantha na naririnig ko ng natatawa sa gilid ko. Ano bang nakakatawa?

"Ehh.. syempre may hawak 'yung isa kong kamay, alangan naman na iyon ang itaas ko? diba?"

inosenteng saad ko naman sa kanila, rinig ko pang napabungisngis ng tawa si Sam na nasa tabi ko sabay hampas ng kamay nito sa pader. Ewan ko ba? simula ng magkakilala kami ni Sam ay naging madaldal na ito, akala ko nga tamihik siya at hindi palasalita .. nagkamali pala ako. Ika nga nila "Don't Judge the Book by its Cover." Nilingon ko naman sila kuya's na ngayon ay nakanganga ng nakatingin sa'kin.

Napalingon naman ako sa gilid ko na biglang may nagtapik ng balikat ko. Si kuya Chester lang pala, kinuha niya lang naman sa'kin 'yung pinagkainan kong Jollibee, nilagay niya ito sa may supot staka niya itinali. Binigay niya ito kay kuya Asher na malapit lamang sa tabi nito.


Nagtataka namang kinuha ni kuya Ash 'yung supot na may laman na Jollibee in short basura. Nagtatanong ang mukha nitong tumingin kay kuya Chester na ngayon ay parang walang pake sa nangyayari.

Parehas talaga sila ni kuya kong dinaig pa ang refrigerator, pangit talaga ka bonding! pshhh..

"Ano gagawin ko rito, pre?"

"Maybe, eat it."

seryosong saad ni kuya Chester kay kuya Ash na ngayon ay hindi makapaniwala sa sinabi nito sa kanya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi ni kuya Chester o maiinis? paano ba naman kasi ang seryo-seryoso niyang magsalita.

"Makakain ko ba 'to?"

halos mapahilamos ako sa mukha ng marinig ko ang binulong ni kuya Asher staka ito nagdadabog-dabog na naglakad papunta sa basurahan dito sa loob nang Clinic. Nagtataka naman namin siyang sinundan ng tingin ng bigla itong tumigil sa paglalakad staka ito umatras nang limang beses malapit sa basurahan. Pinikit pa nito ang isa niyang mata na tila sinusukat 'yung basurahan. Saglit naman itong bumaling nang tingin kay kuya Chester, sabay sabing-

"Kapag na-shoot ko 'to insan, manlilibre ka nang isang buwan,"

mayabang saad ni kuya Asher kay kuya Chester na ngayon ay wala man lang makitaan na kaba sa katawan nito o pagkabahala. Sa madaling salita, kampante itong nakatingin sa kanya, tila walang pakialam sa sinasabi nang pinsan nitong kumag.


"SHEESSSHH!!"



"SHOOT!!!"



"WITWEW!!"



"Asher tumira nang tres, Boom! Chester manlilibre bukas!!!"



kanya-kanyang kantiyawan nila sabay tatawa, may pasipol-sipol pa 'yung iba na pinsan kong mga unggoy. Bumaling naman ang tingin ko kay kuya Chester na ngayon ay wala man lang makitang ka emo-emosyon sa mukha nito.


"Oh.. insan, bumibilib ka na naman sa'kin."


proud na proud na saad ni kuya Asher kay kuya Chester na malamig na ang tingin nito sa kanya.



"Siya? bibilib sa'yong kumag ka? hindi ka naman si Shir-DVMN!!" Blake.



hindi na natuloy 'yung susunod nasasabihin ni kuya Blake nang bigla siyang batukan ni kuya Azriel na ikinadaing naman nito sa sakit.


"Yung bunganga mo, pre. Pakilagyan nang tape."


saad naman ni kuya Azriel sa kanya bago ito tumingin sa'kin, samo't saring emosyon ang nakita ko, ngunit pag-aalala ang nagingibabaw doon. Binalingan ko naman nang tingin 'yung mga iba kong mga pinsan, hindi ko maipaliwanag ngunit ganoo'n din ang mga hitsura nila.


Nagtataka ko naman silang tinignan isa-isa dahil tila nababahala sila sa kung anong mangyari sa'kin.


Maya't maya ay biglang may kinuha si kuya Chester sa bulsa nito, nilabas lang naman niya ang mahiwagang wallet niya.. staka kinuha 'yung maliit na bagay doon, pa-rectangle pa ang anggulo nito.


Ayy.. pak! naka black card ang lolo niyo!


"Take this card of mine, buy what you want to buy. As long as it has value, just give it back to me when you're done spending."

malamig na saad nito kay kuya Asher na ngayon ay hindi makapaniwala sa inaabot sa kanya ni kuya Chester. Lahat kami ay nakangangang nakatingin sa tatlong nakabalandrang black card sa harapan namin ngayon. Marami pa siyang mga ganito sa wallet niya na nakita ko bago niya iyon ibulsa. 


Nakss! yayamanin ang lolo Chester niyo~



"Yownnn ohh!!" Azriel.


"Kunin mo na, pre. Nahiya ka pa!" Keigan.


sabat naman ng walangyang pinsan ko na nasa sofa lang kanina na ngayon ay nakatayo na, binalingan ko naman nang tingin si kuya Asher na ngayon ay magkasalubong na ang mga kilay nito na parang gustong manakal.


"Syempre, wengya ka ehh!!" Asher.



"Ikaw din naman ahh!!" Keigan.



napatampal na lamang ako sa aking noo nang magsimula na naman silang magbangayang dalawa. Ewan ko ba kung paano ko sila naging pinsan? mga sira ulo ampt- de joke lang.



"HOYY! ANO 'YAN? ANG IINGAY NINYO NAMAN,"


Naagaw ang pansin naming lahat nang biglang may sumigaw na tila nanenermon. Napabaling naman ang tingin namin kung sino iyon. Gising na pala ang tarantado kong pinsan. Umiinat-inat pa ito staka siya bumalikid kaya ang ending nahulog si kuya Jeron sa sahig na kanina lang ay ang himbing nang tulog.



Natatawa ko namang tinignan si kuya Jeron na biglang bumangon sa sahig na parang hindi alam ang nangyayari sa paligid niya, nakapikit pa 'yung isang mata nito na halos hindi na maimulat dahil busog na busog sa tulog. Si kuya Carter naman ay wala man lang pakiramdam sa tabi nito, bumalik pa sa tulog.. halatang nag-eenjoy ang mokong.



Ni hindi lang ba niya maramdaman na wala na 'yung katabi niya?


"Mabuti naman.. buhay pa kayo,"


biglang sabat naman ni kuya Cooper na nakasandal sa pader with matching nakahalukipkip pa ang mokong.


"Bakit? sino bang nagsabi sa inyo na patay na kami?"


mahinang sumbat naman ni kuya Jeron na tila inaantok pa base sa kanyang pananalita. Halatang gusto pang matulog ngunit ano pa nga ba ang magagawa niya? okupado na nang tarantado kong pinsan 'yung buong malaking sofa. Ang laki-laki ba naman ng katawan.


"Sayang nga ehh.."


"Huwag kang mag-alala, pre. Suportado namin kayo,"


"Basta ako na bahala sa kabaong,"


"Ako na bahala sa kape,"


"Ako na rin bahala sa tinapay,"


"Huwag kang mag-alala, pre. Ako na ang magluluto nang sopas,"


Napatampal na lang ako sa aking noo. Juskoo.. ayan na naman po sila. Please lang, ilayo ninyo na ako rito sa mga siraulong 'to, maagang puputi buhok ko ne'to eh. Kung hindi ko lang talaga sila mga pinsan at mga kuya's kanina ko pa sila pinagbubugbog dito sa tabi. Haysstt..


Continuă lectura

O să-ți placă și

60K 1.3K 6
He found a poor, stray kitten shivering on the streets, and he was determined to make sure she was kept safe. Hybrid/Mafiataehy AU, Taehyung x Reader
1.6M 138K 46
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
3.6K 213 16
Return To Crystal Lake
25.8K 1.1K 49
"We can't tell anyone about our relationship, okay?" "okay." Dean and Keit have to hide their relationship from everyone for four years, until they g...