Her Golden Strings

By pampamelalulaeigh

35 3 0

Living life in luxury is not always rainbows and butterflies, what lies beneath Mia's well-off life is a ter... More

Disclaimer
PROLOGUE
1

2

9 1 0
By pampamelalulaeigh

Two-Faced

Mia:

Nabigla ako dahil hindi ko siya ineexpect na mapunta dito sa school.

"Anong ginagawa mo rito?", Tanong ko. Bumuntong hininga lang siya at napatingin sa sa akin.

"Kung gusto mo magcommute edi magcommute ka. Sapat ng inis ko kay Papá na ihatid ka sa inyo wag ka na makidagdag.

Sinamaan ko siya ng tingin at binuksan ang pintuan ng sasakyan. Hindi ako sumakay sa passenger seat dahil ayaw ko siyang makatabi at alam ko naman na ayaw niya rin.

Tahimik ako buong byahe. Tinignan ko ang phone ko at naalala ko pa lang nagchat sa akin si Zenaida!

Agad kong binuksan ito at nagchat sa kanya.

'Sorry Zed, something came up babawi ako sa'yo sa weekend.'

Habang hinihintay ko ang reply ni Zed ay bigla namang napamura nang pabulong si Thadeo. Hindi ko siya pinansin at nagscroll lang ako sa phone ko.

"Do you want to eat dinner?" Walang tono niyang tanong.

Alam kong napipilitan siya. "I don't eat dinner", sabi ko na lamang. "Can you just take me home, I'm tired", ani ko then he rolled his eyes. Kalalaking tao ang taray taray.

Kung inis siya sa akin paano naman ako. Kung ayaw niya sa'kin mas ayaw ko naman sa kanya.

Tahimik kami buong byahe hanggang sa marating namin ang bahay. Lalabas na sana ako pero nakalock ang pinto. "Hey can you unlock this? bababa na ako", lumabas siya ng kotse at siya ang nagbukas ng pintuan ko. Sakto naman na nakita kami ni daddy.

"Ah, Thadeo, thank you for bringing my baby girl home", ani ni daddy sabay yakap sa kanya.

Peke namang ngumiti itong lalaki na ito. "It is my pleasure, napadaan lang ako malapit sa school niya nang makita ko si Mackenzie na nakatayo magisa sa kalsada which is why I offered to take her home. I wouldn't want anything to happen to her". Plastic.

Hinalikan ko sa pisngi si daddy at dire diretso pumasok sa loob ng bahay. Pumasok ako sa kwarto at nagdive sa bed ko. Bakit ba kasi siya nagpakita. Bukas nanaman ay makikita ko siya ngayon na mas nalaman ko ang ugali niya parang ayaw ko na ituloy ang engagement. Pero sino ba naman ako para sumuway.

Nagpahinga ako saglit at nagshower na rin. Nagpalit na ako ng damit at dumiretso sa paghiga. Tumunog ulit ang cellphone ko at nakita ko ang message ni Zed.

Zed: Ok! Babawi ka ha aabangan ko yan ;))

Napangiti ako at binaba na ang phone ko. Nagbasa ako ng mga kaunting textbook para sa mga lessons ko sa mga courses ko nang biglang kumatok si Mr. Lee.

"Miss your father is asking if you want to eat", ani niya sinabi ko naman na hindi dahil wala akong gana. Hindi naman na nangulit si Mr. Lee at hinayaan na lamang ako. Feeling ko pagod ako.

Habang nagbabasa ay ramdam ko ang pagbagsak ng mata ko at tuluyan na nga akong nakatulog.

KINABUKASAN

Medyo late ang gising ko ngayong araw at sinabi nga sa akin ni Mr. Lee pagkagising na pupunta kami ngayon sa bahay ng Montehermoso kasama si daddy.

Agad naman akong nag ayos at bumaba para salubungin si daddy.

Sinakto niya talagang vacant ng schedule ko para hindi magkaconflict sa school ko at sa magaganap na meeting nila daddy at Senator Montehermoso para sa engagement.

I just grabbed my phone and my airpods at cinlick ang music app. Gusto ko lang na matiwasay ang pagbyahe ko. Hindi ko na nga maeenjoy don, might as well enjoy the trip papunta.

Nakikinig ako sa Nocturne Op. 9 No. 2

Mahilig ako sa mga ganitong tugtugin. Ito rin kasi pinapatugtog ni mommy noong bata pa ako.

*Flashback*

'Nocturne Op. 9 No. 2 playing in the backround'

"Mommy, I really love this piece", I said to mom habang inaayos niya ang buhok ko.

Nasa kwarto kami ngayon ni mommy at binisita ko siya dahil matagal ko na siyang hindi nakikita. Ang sabi ni daddy kaya hindi namin kasama si mommy ay dahil may sakit siya pero kita ko naman na okay siya.

"I love this piece too, my love", nakangiting ani niya at patuloy na inaayos ang buhok ko.

"I missed listening to this songs mommy and I also missed you" I said as I looked back at her.

"Babalik din ako anak ko, nagpapagaling lang si mommy", napatigil siya nang onti. "Pero hayaan mo, pag gumaling ako, makikinig tayo buong araw sa mga classical musics, is that okay with you?", Nakangiting tanong ni mommy at dagli dagli akong tumango.

*End of Flashback*

Naalimpungatan na lang ako nang kalabitin ako ni Mr. Lee.

"Miss, we're here.", He said as he was about to close the door of the car.

"Where's daddy?", I asked him. Tumingin naman siya sakin. "He's already inside he said na huwag ka na muna gisingin dahil alam niyang pagod ka kahapon sa school."

Tumango naman ako at agad na lumabas ng kotse. And here it is, 'We meet again, House of Montehermoso' I sighed at diretsong pumasok sa loob. Agad bumungad sa akin ang mga katulong at isa isa silang yumuko  at ginantihan ko rin naman iyon ng bahagyang pagyuko din.

Nakita si daddy at Senator Montehermoso sa may salas at parehas silang nagtotobacco. Hindi naman na ako lumapit dahil ayaw ko sa amoy nito. Nakita naman ako ni Senator Montehermoso. "Ah, if it isn't my future daughter-in-law, please, do welcome yourself. Pwede ka magikot ikot so you can familiarize yourself. Tutal, dito ka rin naman titira", sabay tawa ng matandang ginoo. Ngumiti na lamang ako at nagtingin tingin sa mga interiors and displays ng bahay nila. Masasabi kong maganda nga talaga ang bahay na ito. Kumpleto sa gamit kumpleto sa lahat. Di hamak na mas malaki ang bahay na ito kaysa sa amin. Nakamamangha. Patuloy lang ako sa pagkilatis ng bahay nang makita ko si Rylie na nakaupo sa hardin at nagpipintang muli.

"Rylie!", Tawag ko and she gazed upon me and she slightly smiled. At least kahit papaano ay ramdam kong masaya siyang nandito ako.

"Still painting?," I asked. Tumango siya at bumalik sa pagpipinta. Ngumuso ako nang konti. Siguro naman ay improvement into sa friendship namin. Taimtim kong tinitignan ang ginagawa niya nang bigla akong may narinig sa may veranda.

"Could you stop getting close to my family? Kahit naman anong pilit mo di ka nila magugustuhan", yung asungot nanaman. Pag nasa harap ni daddy akala monkung sinong anghel pero kapag kami na ang magkasama ay lumalabas ang tunay niyang kulay.

Inirapan ko lamang siya. Hindi ako papatol dahil he's not worth my time and energy. Nakita ko naman na sinamaan ng tingin ni Rylie ang kanyang kapatid. Napangit ako nang bahagya dahil pansin kong hindi niya rin nagustuhan ang sinabi ng kapatid.

Patuloy lang ako sa pagtingin sa ginagawa ni Rylie at kung minsan ay hinahawak hawakan din ang mga bulaklak sa garden. Dahil nakapukaw ang atensyon ni Rylie sa ginagawa ay sinubukan ko na lang muli maglibot libot.

Sige ang ikot ko at hindi ko na namalayan na nasa taas na pala ako ng mansyon. It was slightly dim na tipong hindi man lang nasisikatan ng araw. Compared downstairs, this floor was a bit.... gloomy.

I walked my way through the hallway at may nakita akong pinto and it was slightly open. Sinubukan kong sumilip at nagulat ako sa aking nakita.

Nakapatong si Benjamin sa ibabaw ng isang katulong at rinig ko ang tawanan at ungulan nila. Hindi ko na hinintay pang mahuli ako at nagmadali akong naglakad pababa nang bigla akong harangin ng isang malaking anino.

"Why are you here?," Nagulat ako at sinubukan siyang aninagin. From the dim light of the chandelier, napagtanto ko na si Thadeo pala iyon.

"Ahh.. ano kase... Nag iikot ik---," hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinigit niya ako papasok sa isang kwarto at tinakpan ang bibig ko. Sinubukan kong makawala dahil natatakot ako sa pwede niyang gawin.

Sa pag aakalang may balak siyang hindi maganda ay sinubukan kong kagatin ang kamay niya pero hindi siya nagpatinag. Napatingin siya sa paligid na para bang may pinapakinggan siya. "That bastard, going at it again with those maids," ani niya at rinig ko ang yabag ng kanyang kapatid na pababa ng hagdan kasunod ang magaan na yabag naman ng katulong.

Matagal kaming nandoon sa pusisyon na yon only for him to realize ang ginawa kong pagkagat sa kamay niya kanina. "Yuck!," singhal niya.

Naitanggal niya ang kamay sa bibig ko kaya hihingal hingal akong tumingin sa kanya ng masama. "What the hell was that for?!," sigaw ko. Hindi siya sumagot at diring diri na pinunasan ang kamay niya.

Tinarayan ko na lamang siya at lumabas sa kwartong iyon. Tahimik akong bumaba at sa kabutihang palad at walang nakapansin.

Napatingin ako kay Benjamin at nakikipagusap din siya kay daddy at kay senator na para bang wala siyang ginawang kababuyan sa sarili nilang bahay. Napairap na lang ako. Disgusting ani ko sa sarili.

Lumapit ako nang bahagya at nagpaalam kay daddy na mauuna na ako sa sasakyan. Nagdahilan na lamang ako na marami akong tatapusin na school works kahit ang totoo ay wala naman masyado. What happened today stressed the hell out of me.

I was quietly walking my way to our car at tanaw ko si Yeonsu. "Mr. Lee, wait na lang natin si daddy uuna na ako sa loob ng kotse," tumango lang siya at dire diretso ang pagpasok ko sa sasakyan.

Habang nakapikit ay inaalala ko ang nangyari kanina. Ganun ba talaga ang nakakatandang Montehermoso? From what he did, he embarked a negative image on my mind and given the fact na alam din ni Thadeo means... tinotolerate niya ito and possibly.. ginagawa niya rin iyon.

Should I tell daddy? No. Hindi pwede. Ayaw kong masira relasyon nila ni Senstor. Mas maigi pang isarili ko na muna. Wala rin naman akong balak na mapamahal sa lalaking iyon and in fact he's giving me a reason not to. Business is business.

Napailing iling na lamang ako at muling pumikit.

Matagal bago makabalik si daddy sa sasakyan marami pa siyang sinabi sa akin at tumango na lamang ako at pinaandar na ni Mr. Lee ang sasakyan pauwi.

Patagal nang patagal ay nakikita ko ang totoong kulay ng magkapatid na iyon.




Continue Reading

You'll Also Like

226M 6.9M 92
When billionaire bad boy Eros meets shy, nerdy Jade, he doesn't recognize her from his past. Will they be able to look past their secrets and fall in...
9.9M 501K 199
In the future, everyone who's bitten by a zombie turns into one... until Diane doesn't. Seven days later, she's facing consequences she never imagine...
4M 196K 101
โœ… "We always long for the forbidden things." ๐๐ฒ๐ฌ๐ญ๐จ๐ฉ๐ข๐š๐ง ๐ง๐จ๐ฏ๐ž๐ฅ โ†ฏ โš”๏ธŽ ส™แดแดแด‹ แดษดแด‡ แด€ษดแด… แด›แดกแด แด„แดแดส™ษชษดแด‡แด… โš”๏ธŽ ...
1.6M 113K 43
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...