At The End Of The String (Ins...

By serendipitynoona

5.6K 287 1K

☕ Insomniacs Series #2 By taking away all her cards by her eldest brother, Keira Monteza, a bit of a rebel wa... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
38
39
40
41
42
43
44
45
Epilogue
𓍯𓂃𓏧♡

37

39 2 0
By serendipitynoona

Sa rami ng empleyado, bakit ako pa?





"Ma'am Keira, ikaw daw po ang sasama kay Sir De Vera sa photoshoot niya ngayon," balita sa akin ng isa naming ka-trabaho.





"H-ha? Akala ko ba si Ate Venus?"






"Pupunta po sila sa sister's company natin kaya ikaw po ang naatasan. Pasensya na po at ngayon ko lang po nasabi. Ngayon lang din po kasi nabanggit sa'kin ni Ma'am Thea."







"N-nakaalis na ba sila?" Gusto ko pa sanang pakiusapan si Ma'am kung pwedeng iba na lang. Tumango ang ka-trabaho ko bilang sagot. Mukhang wala na talaga akong magagawa. Nang makaalis na siya ay saka ko ibinagsak ang aking sarili sa pahabang couch sa office. Kumuha ako ng unan at doon tumili.







Nang makakalma ng kaunti ay saka ko tinawagan si Aggy saka kinuwento sa kanya ang mga nangyayari sa'kin sa kompanyang 'to.






[Agatha: Kaka-promote lang sa'yo, magre-resign ka na? Tanga ka ba? Akala ko ba moved on ka na?] Tawa niya.







I don't know. Am I? Hindi na lang ako umimik sa sinabi niya. Alam ko sa sarili kong moved on na 'ko pero hindi ibig sabihin ay handa na akong humarap sa kanya.






[Agatha: Huy, nand'yan ka pa ba? Baka umiiyak ka na r'yan, ah.] Tawa niya muli.





"Gaga, tapos na akong iyakan 'yan."






[Agatha: Oh, bakit ka galit?] Habang natagal ang pag-uusap namin ay lumalakas ang tawa niya, halatang inaasar ako. Pinakinggan ko na lang siyang matawa sa'kin habang umiirap ako rito na para bang nakikita niya. Kung magkalapit lang kami nito ay kanina ko pa siya binalibag.







[Agatha: Anyway, may pinadala ako r'yan. Saktong kararating lang base sa aking tracing app.] Hindi pa ako nakakatanong kung ano iyon nang may kumatok na sa labas ng office. Tumayo ako at dali-dali kong pinagbuksan. "For Ms. Keira Monteza po. Galing po sa manliligaw niyo," biro ng ka-trabaho kong nag-abot sa'kin.







"Siraulo ka." Natawa na lang ako at kinuha ang isang box na malaki. "Ano 'to? House and lot na natutupi?" balik ko na kay Agatha matapos isara ang pinto.







[Agatha: Gago. Basura 'yan. Pakitapon. Tambak na kasi rito sa office ko, eh.] Tumawa siya ulit saka niya na pinagbuksan sa'kin.





Nag-video call pa kami dahil gusto niya raw makita. Kumuha ako ng cutter at inisa-isa nang alisin ang mga balot. Parang limang patong ng wrapper iyong tinanggal ko. Baliw talaga 'to kahit kailan! Parang kung kailan tumatanda kami ay saka lumalakas ang pangti-trip niya sa'kin.







[Agatha: Happy birthday, my love!] Rinig kong bati niya matapos kong buksan ang kahon at kinuha ang isang life-sized teddy bear. Sa pinakailalim ay mayroong maliit pa na kahon. Naghahalo ang kunot-noo at nakangiting ekspresyon sa aking mukha. Pero birthday ko ba talaga? I checked my phone and saw the date — November 26 it is.






[Agatha: Ayan, masyado kang abala sa trabaho mo, pati birthday mo hindi mo na alam.]






Napansin kong mayroong zipper sa may bandang gilid ang teddy bear kaya binuksan ko. Saka bumungad sa'kin ang mga maliliit na papel. Mayroon pa sa isang gilid at binuksan ko rin saka nasilayan ang isang walang laman na garapon.







[Agatha: Iyong isang zipper ay mga letters ko para sa'yo. You can pick anytime. Iyong kabila naman, pwede kang magsulat ng kahit anong thoughts mo at ilalagay mo lang d'yan.] Turo niya sa garapon.






[Agatha: Sa gano'n ay parang nakakausap mo pa rin ako. I'm feeling guilty being busy sometimes. I hope these things might help you, though. Minsan kapag umiiyak ka sa'kin at nasa malayong lugar ako, naiinis ako sa sarili ko kasi 'di kita mayakap agad.]







"Oh, Aggy..." Niyakap ko na ang teddy bear. "Sapat na sa'king gumagawa ka ng paraan para maparamdam mo na nandito ka palagi para sa'kin. And I'm very thankful to have you since. Thank you for all of these. I love you..." Malapad akong ngumiti sa kanya. Nilapit ko pa sa aking mukha ang screen ng phone at humalik.







"Ayan, damahin mo na lang. Masanay ka sa LDR," biro ko. Binuksan ko na rin ang maliit na kahon. Mayroong kwintas doon na may letra ng aking unang pangalan. Wala na akong alinlangang isinuot iyon.







[Agatha: Alam mo, dapat letter J 'yan, eh."] hirit niya pa. Panira talaga ng momentum! "Alam mo, tangina mo." 'Di na talaga siya nagbago. Matapos maging sweet, manggagago na.





Napasarap ang kwentuhan namin ni Aggy kaya ngayon ay nagmamadali ako papuntang parking lot. Hindi ko namalayan ang oras — may aasikasuhin pa nga pala akong modelo.






Nang makapasok na sa kotse ay natameme muna ako ng ilang minuto. Hindi pa kami nagkikita ulit pero kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. I can't wish for anything right now but to never have any long interaction with him.






Malalim na lamang akong huminga at sinimulan na ang kotse. Napakunot ang aking noo nang hindi man lang ito umandar. "Shit, 'wag ngayon..." bulong ko sa aking sarili habang hinahanap kung ano ang problema. Nang makita ko na ay napamura ako ng malutong. Walang gas. Napasapo ako sa aking noo.






Magbo-book na lang sana ako ng Grab nang mapatingin ako sa aking harapan - sa labas ng aking sasakyan. Yumuko ako at pilit na tinatago ang aking mukha sa manibela nang mapagtantong dito siya sa gawi ko patungo. "Afternoon, Miss Monteza," bati niya nang marating niya ang katabing kotse.







Nang pagmasdan ko iyon ay parang naramdaman namin ng kotse ko ngayong walang gas na isa kaming dukha rito. Hindi ko rin naibaba agad ang bintana kaya narinig ko ang pagbati niya. I forced a smile as a response and once again, I tried to start my car knowing it'll be useless.





"Are you heading to-"




"Yes," mabilis kong sagot kahit hindi ko pa alam ang kabuuan ng tanong. Ang tagal niyang umalis sa paningin ko. Kahit mukha na akong timang kakapilit sa sasakyan kong umandar, hindi ako titigil. Sana makatunog siya.






"Sorry to interrupt you, Miss, but your oil is low. Clearly saying you don't have gas."






Saka na lamang ako napatigil at nagkunyaring hindi ko alam iyon. "Ay, oo nga, 'no? Ang bobo..." mahina kong sambit pero alam kong narinig niya 'yon. Pinanganak siyang matalas ang pandinig. "I'll just book a ride. Mauna ka na at baka ma-late ka sa photoshoot mo," I casually said before tapping on my phone screen.







I wasn't really on the app to get myself a ride but to text my best friend that I'm in a what-the-fuck situation.





🗨️ To: Agathangina
TEH TANGINA HULAAN MO




Hindi pa ako tapos sa aking tinatype nang iiwas ko ang phone ko agad dahil nagsalita siya muli, "I can give you a ride," he insisted.






"Uh, k-kaya ko na. May pera naman ako."






"'Wag ka na gumastos. Besides, it's getting late." He glanced at his watch. Naalis lang ang atensyon ko sa kanya nang maramdaman kong sunod-sunod nag-vibrate ang aking phone.






💌 Agathangina:
HUY ANONG RIDE?

MALANDI KA!!!

sINONG KASAMA MO?





Nag-backread ako at nanlaki ang aking mga mata nang may makita akong voice message doon. Ang dami ring kung ano-anong letters ang na-send. Hindi ko namalayang napipindot ko na ang mga iyon kanina!




💌 Agathangina:
KEIRA???

BUHAY KA PA BA

BAKA SCAM YAN AH!?

TATAWAG TALAGA AKO NG PULIS SINASABI KO SAYO

LAPAG MO PLATE # NIYAN SAKIN




🗨️ To: Agatha
Gusto niya akong isabay
kaysa gumastos ng pamasahe

one dot kung itutuloy ko

sendan mo ko ng pakyu kung wag


Natawa ako at naramdaman ko ang muling pagtingin nitong tao na nasa labas pa rin ng aking kotse. Mukhang naiinip na rin siya. Siya naman ang lumapit sa akin, bahala siya kung mangangalay siya r'yan. Hintayin ko lang sagot ng guardian angel ko.





💌 Agathangina:
Sino ba kasing kasama mo?!

🗨️ To: Agatha
J

:)

💌 Agatha:
OMG-

.

.

.

.

....!!!




Hindi ko na napigilan ang paglakas ng aking tawa nang tadtarin niya ako ng ganoong reply. Nilingon ko ulit si Joaquin at bakas na sa mukha niyang nalilito na siya sa nangyayari sa'kin. Napataas pa siya ng isang kilay. "So, are you coming?" tanong niya muli. "Uh-" Hindi ko na naman natuloy ang sasabihin ko dahil nag-text ulit si Aggy.





💌 Agatha:
Kalimutan mo munang
ex mo siya

Piliin mong maging practical ;)






"S-sige." And I ended up in his passenger's seat. Well, before anything else, I consulted my guardian angel first so kung may mangyayari man sa'kin ngayon, dalawa kami ang may kasalanan.





"Ano po sa tingin niyo, Ma'am Keira? Proceed na ba tayo sa susunod na item?" tanong ng photographer habang pinapakita sa akin ang resulta ng mga litrato ni Joaquin.





Hindi ko alam ang isasagot. Nakatulala lang ako ro'n. The shots were... mesmerizing I guess... Kahit kalahati pa lang ng katawan niya ang kita ay paniguradong naglalaway na agad ang mga fans niya.





"Ma'am?" Kumaway ang photographer malapit sa aking mukha. Dahilan para makabalik ako sa wisyo. "Hmm-mm." Pagtango ko. "All of it was great and we can definitely proceed to the next ones. But have your lunch first," iniba ko na agad ang usapan dahil parang hindi ko na kayang tignan ng matagal ang mga iyon. Kung ano-ano ang nararamdaman ko.







"Ma'am Keira, pinapasuyo raw po ni Ma'am Thea para kay Sir Joaquin. Lunch niya po 'yan," Abot sa'kin ng isang camera man ng paper bag. Hindi na ako nakaangal dahil umalis din siya kaagad, at dahil utos din naman ni Ma'am Thea 'yon, wala na lang akong nagawa kundi sundin.






Kakatukin ko na sana siya sa kanyang trailer truck nang may marinig akong boses ng babae sa loob. Nagulat ako nang bigla pa iyong lumabas doon nang padabog. "What's that?" Napalingon na ako sa kanya matapos sundan ng tingin 'yong babae.





"Ah, pagkain mo. Pinadala ni Ma'am Thea para sa'yo." Abot ko na sa kanya at nagmadaling umalis.





"Sabi rito ay para kay Joaquin at Keira."





Napatigil ako at muli siyang nilingon. Inangat niya ang paper bag at pinakita sa akin ang sulat doon, pangalan nga naming dalawa ang nakalagay. Pero bakit naman? "Baka kapangalan ko lang iyong babaeng lumabas kanina. Para sainyong dalawa 'yan," depensa ko.






"Her name was Aira. Magkatunog lang kayo."






Napaawang ng kaunti ang aking bibig, hindi malaman kung pinipilosopo niya ba 'ko o seryoso siya. "Nag-lunch ka na ba, Miss?" aniya, tunog pilyo. Hindi ko siya nasagot agad dahil bigla kong naramdaman ang kalam ng aking sikmura. Simula umaga ay wala akong kain. Yet, at the same time I don't want to share meals with him.






"How sure are you na para sa ating dalawa nga 'yan? Maraming Keira sa mundong ibabaw."





He raised his index up for a second and pulled out his phone. Wala pang ilang minuto ay mayroon na agad sumagot. "Hi, Ninang." He waved at the camera. Mas lalong umawang ang aking bibig dahil sa kanyang ginagawa ngayon.






[Ma'am Thea: Why'd you call? Is there a problem?]





"I think you made a mistake about my lunch. You wrote two names here. Inaanak mo rin po ba 'to?"






[Ma'am Thea: Oh.] She laughed. [Ijo, that's really for the both of you. Nagtanong kasi ako sa mga tao r'yan kung nakakain na ba ang lahat. Sabi nila, si Keira na lang daw ang hindi pa. She always focuses on her work na minsan ay nakakalimutan niya na kumain. Why'd you ask by the way?]





Nagulat na lang ako sa sinabi ni Ma'am. Napapansin niya pala 'yon pero ako mismo ay hindi. Tumango-tango naman si Joaquin at tila ba'y nawala ang mapang-asar niyang ekspresyon kanina. "Nothing. I just want to make sure it's for her, too."







[Ma'am Thea: Oh, got it. Happy lunch, 'nak.]






"Bye." He ended the call. "Narinig mo, para sa'yo rin. Let's eat." Hindi niya na hinintay kung papayag ba ako o hindi at dumiretso na siya sa loob ng trailer. The windows weren't tinted so I could see him preparing the table. Para akong inalisan saglit ng pride sa katawan at nagtungo na rin ako ro'n.





"You can sit down. I won't bite unless you-"





"Hindi mo na kaylangan sabihin." Upo ko sa isang monoblock. Matagal din siyang napatingin sa'kin sa 'di malamang dahilan. "I won't bite your food unless you won't eat it," pagpapatuloy niya pa rin. Tumango na lang ako at sinimulan nang kainin ang padala ni Ma'am Thea.






"Dahan-dahan po, Ma'am Keira. Hindi kita uubusan."





"Ang dami mong sinasabi. Kumain ka na lang at 'wag kang mabilaukan dahil may photoshoot ka pang tatapusin." Umirap na lang ako at nagpatuloy muli. Wala na akong pakialam kung mabubulunan din ako. Ang mahalaga ay hindi ako makakapagtagal.





"Wala na ba kayong nakalimutan?" tanong ko nang makapasok ang huling makeup artist namin sa van. Doon na rin sana ako sasabay kaso wala ng space. Nang maging okay na ang lahat ay saka ko sila pinauna. Nilingon ko na ang kotse ni Joaquin at napabuntong-hininga na lamang. Wala naman na akong choice.






Kagaya kaninang umaga, walang nagsasalita sa aming dalawa sa byahe, hanggang sa makauwi na kami. Tumawag din ako kay Kuya Ken habang nasa trabaho pa ako kanina kung pwedeng ipadala sa malapit na gas station ang sasakyan ko para magamit ko pauwi. But he didn't just follow my instructions. Pinadala niya na iyon sa bahay, full tank pa! Kaya wala na akong iisipin.






We stopped in front of the gate. Nagdaan muna ako sa mga hindi magandang pangyayari noon bago ako tuluyang makauwi ulit sa luma naming bahay. "Magkano?" tanong ko nang maalis ko na ang aking seatbelt. Ngayon lang din naunat ang dila ko.





"No need."




"Sigurado ka ba? Baka wala ka pang-gas mamaya," biro ko.





"Sorry, I pay attention to my car needs." Ngisi niya.





"Okay, car genius." Lumabas na ako. "Thank you. See you to-tomorrow ulit, same time ang shoot." Shit, that was close! Tumango lamang siya at sinimulan muli ang sasakyan. Papasok na sana ako nang tawagin niya ang pangalan ko kaya ako napatigil saglit.





"May nakalimutan ba 'ko?"





Umiling lang siya kaya napakunot ang noo ko. Ayaw niya ba akong pagpahingahin sa presensya niya? I got more confused when he suddenly smiled a little softly at me. "Happy birthday, Keira."

Continue Reading

You'll Also Like

8.8K 172 40
Tranquil Series #2 [COMPLETED] ✧・゚: *✧・゚✧ tranquil (adj.) calm, serene, and peaceful. Will their hearts sync into one? ✧・゚: *✧・゚✧ Started on: Februar...
1.3K 197 32
PHOENIX SERIES 1 Vien is running away from her ex-boyfriend, who made her life miserable, and for the past five years she has been able to, but then...
3.6K 138 41
I, Maureen Qital, strongly believe that everyone that comes in to my life is a blessing. I am living the life where everyone is dreaming about. I pur...
26.3K 913 41
"He has the truth I have been waiting for." © All Rights Reserved 2020 Started: February 20, 2020 Ended: March 28, 2022