Operation: Secret Glances

By viexamour

34.9K 769 68

Operation Series #1 M I L A D A Milada's heart has belonged to Amadeus since childhood. From the shy ten-year... More

Operation: Secret Glances
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Wakas
Note, Amours

Kabanata 35

868 11 1
By viexamour

This is the last chapter of Secret Glances.
Enjoy reading!

Nanatili kaming dalawa sa loob ng sasakyan niya. Magkahawak ang kamay. Nakasandal ako sa kanyang balikat at tanging katahimikan lang namutawi sa amin. Amin in ko man pero totoong gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos ng nangyari kanina.

Bahagya ko siyang tiningala. Nakapikit ito pero pinaglalaruan ang aking mga daliri. Naputol lang ang katahimikan na iyon ng tumunog ang cellphone ko.

[Milada, nasaan ka na?]

“I’m still here, Tita…”

[Huh? Bakit? May problema ba sa sasakyan ni Amadeus?]

Natunugan ko ang pag-aalala sa kanyang boses kaya naman umayos ako ng upo.

Ramdam ko naman ang paggalaw ni Amadeus sa tabi ko at nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya, ganun din naman ang ginawa nito.

“I think I should bring you home…” he suggested.

Marahan akong tumango.

“Pauwi na, Tita. Pasensya na.” 

[Okay, sige. Mag-iingat kayo…]

Pagkatapos no’n ay namatay na ang tawag. Nilingon ko si Amadeus at nakitang nakadungaw ito sa akin.

“Let’s go?” tumango ako.

Kahit pa nagmamaneho siya ay hindi pa rin nito binibitawan ang kamay ko. Nang makarating sa bahay ay mula sa labas naroon si Mr. Payton. Mukhang inaabangan ang pagdating ko.

Nakapamewang ito at pinanood ang paglabas ko sa sasakyan.

“Uhm… thank you sa paghatid.” Hindi ko makuha ang tamang salita para sa kanya.

“Kung mag-uusap pa kayo ay maiwan ko na kayo dito.” 

Nilingon namin si Mr. Payton at tipid na ngiti lang ang sinukli nito.

“Thank you, Sir…” si Amadeus.

Pumasok na siya sa loob ng bahay kaya naman kami ulit ang naiwan ni Amadeus.

“I want to talk to you more but it’s already late, Milada. I know you’ll be busy at your restaurant. Doon kita kikitain…” he tucked my hair behind my ears and then caressed my cheeks.

“You’re busy too. Hindi na kita madadalhan ng lunch…” medyo nag-aalala kong sabi.

“I’ll be fine. You don’t have to worry. Let’s just have our dinner together.” 

Hinawakan ko ang kamay niya na nanatili sa aking pisngi. 

“Gabi-gabi?” mahina siya natawa sa tanong ko.

“Kung ‘yan ang gusto mo, wala sa aking problema…”

Nagkatinginan kaming dalawa. Namumungay ang mga mata niya. I gave him a smile.

“Why?” I asked.

“I just can’t believe it…” ako naman ngayon ang natawa. “Ang ganda mo.”

Nag-init ang pisngi ko at mahinang tinulak ang dibdib niya.

“I love you…” I said out of nowhere.

“I love you, Milada…” bumaba ang mukha niya para sana sa isang halik.

Ngunit isang pagtikhim ang nagpahiwalay sa aming dalawa. Mabilis ko siyang naitulak at nilingon ang pinagmulan ng tunog na ‘yon.

Si Mr. Payton na nakasandal sa pintuan habang magka-krus ang dalawang braso.

“M-Mr. Payton!” I exclaimed. Nakaramdam ng sobrang hiya dahil nakita niya pa kami sa ganoong posisyon.

“Ang sabi ko usap lang.” 

“I’m sorry, Sir. I know this is not the right time to tell this but me and your daughter are dating again…” hinawakan nito ang kamay ko at parehas namin hinarap si Mr. Payton.

Maya-maya lang ang bagong gising na si Tita Kilari ay lumabas na din. Takang-taka sa nangyayari.

“Payton? Milada? Amadeus? Bakit nandito pa kayo sa labas?” punong-puno ng tanong sa kanya.

“Good evening, Tita. But I wanted to say that me and Milada are dating again. Alam ko po na hindi maganda ang oras para pag-usapan ito pero gusto ko po na malaman niyo na seryoso ako kay Milada. Sir, I love your daughter more than you can imagine. I have always loved her since the beginning, until now.” 

Nakatitig ako sa kanya habang sinasabi niya iyon. Nilingon ko ang aking Tita Kilari na ngayon ay sumisinghot na dahil sa pag-iyak. Mainit ang pakiramdam ng puso ko dahil doon.

“Milada, mahal mo ba ang lalaking ito?” nagulat ako sa biglaang tanong sa akin ni Mr. Payton.

“Mahal ko po… mahal na mahal.” 

Tumingin ako sa mga mata ni Mr. Payton. Hindi ko iyon nakitaan ng kahit anong emosyon. Kalaunan ay lumamlam ito. Nakita ko kung paanong pinaikot ni Tita Kilari ang mga braso niya sa baywang ni Mr. Payton. Malaki ang ngiti at para bang alam niya ang ganoong reaksyon ni Mr. Payton.

“Wala ako sa lugar para pigilan ka sa lalaking gusto mo, Milada. Kung saan ka masaya ay susuportahan kita. Alam kong hindi ako naging responsableng ama sa’yo mula pa noon. Pero gusto kong maging masaya ka sa lalaking pipiliin mo.” 

Nangilid ang luha sa aking mga mata. Seryoso siya habang sinasabi iyon ngunit punong-puno ng emosyon. 

“Kapag sinaktan ka nito ulit ay ako na ang bahala.” Malakas na hampas mula sa braso ang ginawad ni Tita Kilari sa kanya.

“Ano ka ba, Payton!” 

Nagtanawan kami dahil doon.

Bumaling siya kay Amadeus at lumabas na ng pintuan para lapitan ito. Isang tapik mula sa balikat ang ginawa niya.

“Gusto ko na kapag sinabi mo ulit ‘yan ay kasama na ang mga magulang mo. Hindi naman siguro paggi-girlfriend lang ang balak mo sa anak ko? Handa ka bang dalhin siya sa altar?” 

Nagulat ako doon. Hindi inaasahan ang ang kanyang tanong. Kaya naman binalingan ko si Amadeus na nakikipagtitigan kay Mr. Payton.

“Handa po ako. Mula pa noon ay si Milada na ang nakikita kong makakasama ko habang buhay. Siniguro ko na wala ng iba.” 

Mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko at tiningnan ako habang sinasabi ang nga salitang iyon.

“Kung gano’n…” naghihintay kami sa susunod niyang sasabihin. “‘Wag mong pababayaan ang nag-iisa kong anak. Alam kong hindi mawawala ang sakit sa isang relasyon pero sana hindi ko siya pababayaan. Aalagaan at pahalagahan mo. Mahal ko si Milada. Anak ko ‘yan e. Kaya bilang isang ama hindi ko kaya na makita siyang nasasaktan sa lalaking pinili at minahal niya. Tinatanggap kitang nobyo ni Milada at magiging asawa niya sa hinaharap.”

Napatakip ako sa aking bibig at hindi na napigilan pang kumawala ang mga hikbing kanina pa pinipigilan.

Mabilis akong niyakap ni Amadeus at paulit-ulit na hinalikan sa ibabaw ng aking ulo. Pagkatapos ay lumapit ako kay Mr. Payton upang yakapin ito ng mahigpit. 

Natapos ang gabi namin na lahat ay may ngiti sa mga labi. Masaya. Everything went smoothly. At alam kong biglaan itong lahat para sa iba, pero para sa amin ni Amadeus ay dapat matagal na itong nangyari.

Tapos na ako mag-ayos ng sarili ng makarinig ako katok. Pumasok doon si Mr. Payton. Parang nahihiya pa kaya naman inaya ko siya sa loob.

“Ano po ‘yon?” 

Binigyan ko siya ng upuan malapit sa kama ko. Umupo naman ito agad doon.

“Hindi pa tayo nakakapaglaan ng oras para sa isa’t-isa. Alam kong hindi pa ako lubusang nakakabawi sa’yo. Sa mga pagkukulang ko…” bakas anh lungkot sa kanyang boses.

“Matagal na po kayong nakabawi sa akin. At sa lahat ng mga iyon ay nakikita ko po ang mga pagbawi niyo sa mga nakalipas na taon. Alam kong hindi po naging maganda ang nakaraan natin lahat. Sa inyo ni mama at Tita Kilari. Inaamin ko po noong una kong nalaman ang lahat ay nagalit ako sa’yo. Dahil pakiramdam ko mas binigyan niyo lang ng sakit si Tita Kilari ng siya ang nag-alaga sa akin imbis na kayo.” 

Umupo ako kama katabi lang ng upuan kung nasaan siya nakaupo. 

“Mas nauna niyong sinuyo si Tita Kilari kaysa sa akin na anak niyo…” marahan akong natawa noong naalala ko ang mga panahon na iyon. “Pero kalaunan ay naintindihan ko kung bakit. Sa tagal ng panahon ay ngayon niyo binigyan muli ng pagkakataon ang pagmamahalan niyo ni Tita Kilari. Gusto mo siyang makuha ulit. At sa proseso na iyon ay kinilala mo din ako. Unti-unting kinuha ang loob ko. Palihim na bumabawi sa akin.” 

Nangilid ang luha sa mga mata ko. Ganoon din ito at nagawa pa na tumingala upang hindi mahulog ang mga luha.

“Matagal na kitang napatawad, Mr. Payton. Nakita ko kung paanong naging masaya muli si Tita Kilari sa piling mo. Hindi ko kayang pigilan ‘yon. Sa lahat ng ginawa niya sa akin at mga sakripisyo para lang magabayan at mapalaki ako ng maayos ay isa ‘yon sa mga hiling ko. Kaya ‘wag na po kayo mangamba sa akin. Dahil matagal na po tayong maayos.” 

Hinawakan ko ang kamay niya at hindi nagtagal ay mga pagsinghot niya na ang narinig ko. Napangiti ako dahil alam kong ganito rin siya noong paulit-ulit niyang kinukuha ang pagmamahal ni Tita Kilari.

“May gusto din akong sabihin sa’yo…”

“Ano po iyon?” 

May nilabas siyang maliit na kulay itim na box. At sa pagbukas no’n ay isang singsing na alam kong sobrang laki ng halaga. Silver with emerald stone. May maliliit pa itong detalye doon ngunit mas nangibabaw ang saya sa sistema ko. 

Napatakip ako sa aking bibig dahil sa tuwa para sa aking Tita Kilari.

“Gusto kong hingiin muna ang permiso mo bago tuluyang hingin ang kamay ng Tita Kilari mo. Gusto ko ng pakasalan si Kilari, Milada. Matagal ko na itong gusto. Nagawa ko ng hingin ang kamay niya noong ngunit natigil dahil sa kasalanan ko. I want to respect your decisions and to respect Kilari with all my heart. Kayo ang dalawang babae sa buhay ko na minahal ko ng tunay.” Unti-unti ay lumuhod siya sa akin. Puno ng sinseridad at pag-iingat.

“Will you allow me to marry Kilari and be her husband for the rest of our lives?” 

Naluha ako at walang pasubali na lumuhod. Niyakap ng mahigpit ang aking ama.

“Masaya kong tatanggapin ‘yon, Mr. Payton… Papa…” 

Mabilis niyang kinalas ang yakap sa akin at gulat na hinarap ako.

“W-What did you call me?” hindi makapaniwala sa narinig.

“We will be a family. We have always been a family, but this time I want to call you Papa.”

Niyakap niya akong muli.

“Matagal ko ng gustong tawagin mo akong papa, Milada…” madamdamin niyang sabi. “Sobrang saya ko… ang saya-saya ko.” 

Binaon ko ang mukha sa kanyang leeg at naiyak na ng tuluyan. 

This is the reason why I forgave him after everything that happened. Alam niya ang kasalanan niya. He took his time to pursue Tita Kilari. Matagal-tagal ang pagkuha niya ng loob kay Tita at lahat ng effort niya ay totoong nakita ko sa mga nagdaang taon na kasama ko siya.

Na kahit maayos na sila ni Tita Kilari ay walang sawa itong bumabawi, kahit sa akin. Masaya ako na matutuloy na ang naudlot nilang kasal sa matagal na panahon. At hindi na ako makapaghintay na makita siya na muling luluhod kay Tita Kilari.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Kulang pa kasi kami sa mga taga-luto kaya kailangan kong tumulong sa kusina. 

Pagdating ko ay nag-aayos pa lang ang mga empleyado ko. 

“Good morning, Ma’am!” bati ng mga ito.

“Good morning! Nag-almusal na ba kayo?” ang ilan ay umiling kaya naman dumiretso na ako sa kusina.

Naghanda ako ng almusal namin at pinagsaluhan ito.

Pagkatapos ay nagsimula na kaming magtrabaho. At saktong pagbukas ng restaurant ay siyang pagdating ni Amadeus.

He’s wearing a navy blue long sleeve partnered with khaki slacks and brown leather shoes. His hair is perfectly put in the right places. Ang gwapo niya.

“Good morning,” he kissed my cheeks.

Nagulat ako doon. Hindi siguro talaga ako masasanay sa mga kilos niya. Pero masaya akong tatanggapin ‘yon.

Ngumiti ako.

“Good morning. Kakabukas pa lang namin. Nag-almusal ka na? I can prepare you breakfast.” 

Umiling ito.

“Dito ko balak mag-almusal bago tumulak sa trabaho.”

I reached his hand for him to come inside. Dinala ko siya sa lamesa na bakante halos katabi lang ng glass window.

“Wait me here, dadalhan kita ng almusal.” 

“I’ll pay, Milada…”

“No, treat ko ‘to sa’yo.” 

“I want to pay,” ayaw patalo.

“Ganito na lang, I’ll treat you your breakfast pero ikaw na ang bahala sa dinner natin? Ano? Deal?” 

Nagtagal ang tingin niya sa akin.

“Okay, that’s the deal.” I smiled and left him there.

Pumunta na ako sa kusina para paghandaan siya ng almusal niya. Nang matapos ay mabilis ko itong dinala sa kanya. Marami-rami na din ang pumapasok para kumain kaya mas naging busy na ang mga tao sa kusina.

“Do you want help?” he asked.

“No, Amadeus. We can handle this. May trabaho ka pa…” he finished eating.

“Babalik ako dito after ng trabaho ko. Kung mapaaga tutulong ako.” 

“You don’t have to, pagod ka na niyan.” 

“I wanna help…” tipid na lang akong tumango sa kanya.

Hinatid ko siya sa labas at bago ito tukuyang umalis ay humirit pa ito ng halik sa labi ko. Nangingiti na lang ako sa ginawa niya. 

Bumalik ako sa loob pagkatapos at nagpatuloy na sa trabaho. Marami ang customer at talagang pagod ang aabutin dito. I should hire more employees. 

Malaki ang restaurant ko kaya asahan talaga na marami din ang magiging customers ko.

Hindi natapos ng maaga ang trabaho ni Amadeus dahil gabi na siya dumating. Sakto lang para sa dinner namin. We talked many things. Sa trabaho niya. Sa mga ginawa ko.

After ng dinner ay tumulong na ulit ako sa trabaho. He obliged to help me. Na naglilinis na rin siya ng ibang table na tapos ng pinagkainan. Nahiya ako pero kahit anong pigil ko naman sa kanya ay ayaw nito magpapigil.

“Thank you so much for this night, Amadeus. Alam kong pagod ka na pero tumulong ka pa.” 

Nasa loob kami ngayon ng sasakyan niya.

“It’s fine. I really wanna help. But if you need more employees may mga kilala akong pwedeng magtrabaho sa restaurant mo.” 

“That will be a help, thank you…” he reached my hand and kissed the back of it.

“Nagkita kami ni Angel…” natigilan siya at naisipang paglaruan na lang ang mga daliri ko.

“Hmm…”

“She apologized to me, and told me that you and her already talked.” 

“We did…”

“May pamilya na pala siya. Kasal na at may anak. Parang kailan lang ay pinag-aagawan ka pa namin…” nangunot ang noo niya at sinilip ako.

“Hindi ka nakipag-agawan sa kanya, Milada. You already had me…” 

“I know that… but, you know hindi pa rin maiiwasan na maisip ko na ka-kompetensya ko siya noon sa’yo. I really liked you when we were young. I always looked at you secretly kahit pa para kang galit sa akin sa mga kalokohan ko noon.” 

I chuckled when I remembered that day.

“Hindi ko siya agad pinatawad… up until now I can’t forgave her that easily.”

“Hindi ko pa rin siya pinapatawad, Milada. Dahil sa ginawa niya noon kaya tayo nagkahiwalay. But I know that I also have my share of faults. You doubt my feelings for you because I made you confused.” He said.

“Ako rin… may kasalanan din ako. Pinangunahan ako ng emosyon ko. It became one sided because of my fears.” Tiningala ko siya.

“We do share mistakes in the past. All we can do now is to move forward and grow on the things that make us fall apart. We must learn our faults and be a better version of ourselves today and for the future. Mahal kita, Milada… at hindi ko na kayang maghiwalay pa tayo.” 

I leaned to him and rested my head on his shoulder.

“Mahal din kita, Amadeus. Tama ka, hindi man maalis ang mga pagkakamali natin sa nakaraan pero kaya naman natin to baguhin at magsisilbing araw sa atin.”

Months had passed.

Amadeus and I became more open to each other. Madalas kaming magkita lalo’t ang nagiging tagpuan namin ay ang restaurant ko. Doon siya kumakain ng almusal at pagdating ng dinner ay doon din. Pero may pagkakataon naman na sa labas kami kumakain, depende sa schedule namin dalawa.

Nalaman din ni Cassie na nagkabalikan kami ni Amadeus. Hindi ko pa nasasabi sa kanya pero nakarating na rito. Sinabi daw sa kanya ni Aiden, ang asawa niya.

Sobra ang pagtatampo ng kaibigan ko dahil doon kaya kahit may ideya na siya ay kinuwento ko sa kanya ng detalyado ang lahat para hindi na ito magtampo.

Malapit na din ang due date ng panganganak niya at lahat kami ay excited doon. Lalaki ang anak ni Cassie. Matagal ko na din siyang hindi nakikita kaya kapag nakapanganak na siya ay tsaka na lang ako dadalaw. Sigurado din naman akong sasama si Amadeus sa akin lalo’t isa kami sa ninong at ninang ng baby nila.

We’re here in Palawan. Dito nag-propose si Papa kay Tita Kilari. Ang mga dati nilang kaibigan ay narito. Si mama lang ang kulang. Panandaliang lungkot lang naman ang naramdaman ko lalo’t masyadong masaya ang lahat sa engagement nila Tita Kilari at Papa.

I saw how my father got nervous about his proposal. But then, it turned out well. Tita Kilari said her yes to Papa. Isa ako sa masaya para sa kanila. Finally, they are the first love of each other, my father and my Tita Kilari will tie the knot forever. 

“Are you happy, Tita?” nilingon niya ako at muling binalik ang tingin sa singsing na suot.

“Hindi ko mabigyan ng sagot ang tanong mo kung gaano ako kasaya, Milada.” 

Tumingin ako sa dagat. 

“Hiningi muna ni Papa ang permiso ko sa pagpayag na hingin ang kamay mo para pakasalan ka. Lumuhod siya sa akin, Tita…” I smiled. “I’m sorry for everything, Tita. Alam kong mas dumoble ang sakit na nararamdaman mo noong naiwan ako sa’yo ng mamatay si mama. Gusto kong humingi ng tawad sa’yo sa pagkakamali ni mama… sa binigay na sakit na walang kapantay.” 

Naramdaman ko ang paghawak ni Tita sa kamay ko. I sobbed and I know that she’s just stopping her tears.

“Alam kong wala na siya ngayon pero noong nabubuhay pa siya ay walang araw na hindi ka niya sa akin kinukwento. Mahal na mahal ka ni mama, Tita… at alam kong hindi niya pa rin napapatawad ang sarili sa nagawa niya sa’yo.” 

“Gusto kong dalawin si Ate Miranda sa oras na makabalik tayo sa Laguna…” she said.

“Kung buhay lang si mama ngayon ay sigurado akong masaya siya para sa’yo, Tita Kilari. At masaya akong kasama mo na ang taong matagal ng kulang sa’yo. You can build your own family now, Tita Kilari…” I said between my sobs.

“I will always be forever grateful to the love, kindness and care you gave to me since I was little. Ngayon… gusto kong ikaw naman. Sarili mo naman ngayon ang intindihin mo, Tita. I’ll be fine. I will be okay now. I’m a grown woman now, and that’s because of you…” 

She tucked my hair and gave me a tight embrace and now… she cried like a lost child.

“You became my light, Milada… when I was so lost to myself. When my heart is broken. Napunan mo lahat ‘yon. Kailanman ay hindi ako nagalit sa’yo dahil alam kong biktima ka lang sa nangyari sa amin. Minahal kita. At patuloy kitang minahal sa mga nagdaang taon na inalagaan kita… na para bang sa akin ka galing.” 

I hugged her back. I cried on her shoulders. Ngayon pa lang ay nangungulila na ako sa kanya. 

I will miss my Tita Kilari. My second mother.

“Nakunan ako dahil sa sariling kagagawan kaya nang dumating ka sa akin ay wala akong ibang ginawa kundi alagaan at mahalin ka. You will always be my first child, Milada. Remember that even if I create my own family, you'll always be my daughter…”

Humagulgol ako. We cried in each other’s arms.

That is the great conversation I had with my Tita Kilari. Mahirap man pero alam kong sasaya siya sa piling ni Papa. I wish them happiness and good health. 

Hinanap ng mata ko si Amadeus at nakitang nasa table ito kasama si Papa at ang mga kaibigan nitong lalaki. Sa kabilang table naman ay ang mga babae.  Nang makitang nakatingin din ito sa akin napangiti ako. Umupo na lang ako kasama sila Tita. 

Everything was fine and enjoyable. Naiisip ko na baka nung kabataan nila Papa ay ganito din sila kaligalig. The boys are having fun while the girl’s are enjoying what they are doing.

I excuse myself when I feel that it is their friendship moment. Nakatanaw lang ako sa madilim na dagat. Jacket was placed on my shoulder and based on the smell it was Amadeus.

Nakaakbay ito sa akin kaya bahagya kong isinandal ang katawan sa kanya.

“Aren’t you tired?” umiling ako.

“Ikaw? Marami ka na atang nainom. Pinipilit ka ba ni Papa?” he only chuckled and kissed my forehead.

“Hindi ako makatanggi…” ngumuso ako.

“You can say no, hayaan mo pagsasabihan ko si Papa.” 

“No, it’s fine. Nagkakatuwaan din kami. Your father was nice and thoughtful.” 

“Ang sabihin mo nagpapalakas ka lang,” I teased him.

“That’s one of the reasons.” 

Pumunta siya sa likod ko at mas niyakap ako. Nanatili kaming nasa ganoong ayos. 

Naramdaman ko ang paggalaw ng kamay niya sa tiyan ko dahilan para makiliti ako. I can smell the alcohol on his breath. I looked up to him and saw his sleepy eyes. I chuckled.

“You’re sleepy, Amadeus. Let’s go to our room,” I whispered.

“Hmm?” inakay ko na siya papasok sa bahay. 

Nagpaakay naman ito pero nang nasa hagdanan na kami ay napatili ako ng bigla niya akong buhatin.

“What are you doing, Amadeus?” I said between my laughs.

“Carrying you?”

“Silly!” I said and kissed his cheeks.

Hinayaan ko siya sa ginawa niya hanggang sa makarating kami sa aming kwarto. After I closed the door he immediately attacked my lips.

“Amadeus…” 

“I want to kiss you more…” he said when our lips separated and tried to reach my lips again.

His eyes were burning in desire. Binaba niya ako. Nanatiling nagtatama ang mga tingin. 

“You’re drunk?” halos patanong iyon.

“I’m not…” nangungunot ang noo. “Let me kiss you again, Milada…” 

I caressed his cheeks and tiptoed to give him a peck on his lips.

“You’re sleepy. I think you need to rest. But if you want a kiss… who am I to refuse.”

I kissed him. And he immediately kissed me back with so much hunger and desire.  I encircled my arms around his neck. Naputol lang ang halikan namin ng buhatin niya ako at pinatong sa mababang cabinet. Pinaikot ko ang aking binti sa kanyang baywang. 

We both catched our breath to the intense kisses we shared. Bumaba ang halik niya sa aking leeg. I moaned because of that and his hands roamed around my body. 

Bumalik ang halik niya sa aking mga labi. May panggigil ngunit may pag-iingat. 

But a knock from the door stopped our intimate scene. 

Amadeus groaned. 

“Milada? Anak?” I heard my father outside.

Magulo ang buhok ni Amadeus. Dahil sa kagagawan ko. 

Tinulungan niya akong makababa sa cabinet. At inayos ko naman ang buhok niya. 

“Amadeus? Nandyan ang anak ko? Milada?” the knock continued.

“I guess, next time…” he said. Parang nahihirapan. 

“We always have next time, Amadeus.” Pampalubag loob ko sa kanya.

He gave me a long kiss before going to the door. 

Continue Reading

You'll Also Like

21M 516K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
1M 34.7K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
34.1K 1.5K 103
Meet Rheila, a simple pretty girl. Very attractive, as well as intelligent and diligent. They are not wealthy, and her family is not particularly wea...