Falling for the Billionairess...

Von elisestrella

3.1M 82.2K 16.1K

C O M P L E T E D R E P O S T E D --- Siya si Meredith Balajadia, ang twenty-five-year-old executive vice pre... Mehr

Prologue
Day 1
Day 2
Day 3
Day 4
Day 5
Day 5 - Night
Day 6
Day 6 - Noon
Day 6 - Afternoon Date
Day 7
Day 7 - Later that Night
Day 7 - Later that Night con't.
Day 8
Day 9
Day 12
Day 13
Day 13 - Afternoon/Night
Day 14
Day 15
Day 19
Day 20
Day 20 - Night
Day 21
Day 22
Day 24
Day 25
Day 25 - Night
Day 26
Day 26 - Night
Day 26 - Later that Night
Day 27
Day 28
Day 28 - Later that Night
Day 29
Day 29 - Later that Day
Day 29 - Later that Night
Day 1 of 4
Day 1 of 4 - Later
Day 2 of 4
Day 3 of 4
Day 3 of 4 - Later
Day 4 of 4
Day 4 of 4 - Night
Day 34
Day 35
Day 36
Day 37
Day 38
Day 38 - Later that Night
Day 39
Day 39 - Later that Morning
Day 39 - Later that Day
Day 39 - At Twilight
Night 1
Author's Note
FFTB Book 2

Day 35 - Later that Night

35.1K 1.1K 152
Von elisestrella

TAHIMIK lang ako habang nagda-drive si Kuya pa-Ortigas. Tahimik din siya. Malamang iniisip niya kung gaano karaming zeroes 'yung isinulat niya sa tseke kanina para ipambayad sa bago naming bahay ni Meredith.

Ako naman, kinakabahan nang todo. Ganito siguro 'yung pakiramdam ng tumatakbo ka pababa sa bundok 'tapos di ka na makahinto kasi matarik na siya at hinihila ka na ng gravity at ng sarili mong inertia. It was exciting, exhilarating, and terrifying because you can trip, fall flat on your face and roll down the mountain and break your neck.

Gan'un din ang pakiramdam kung ayain kong magpakasal si Meredith at tumanggi siya. Masakit.

Of course sabi nila, kung may duda ka raw sa isasagot ng babae, 'wag mo raw muna siya ayaing magpakasal. The weird thing, wala akong duda sa isasagot ni Meredith. Pero nagdadalawang-isip ako sa sarili ko.

Mahal ko siya. Mahal na mahal. At gusto ko siyang pakasalan at makasama nang habambuhay. Alam ko 'yun kahit mahigit isang buwan pa lang kami magkakilala. Wala na akong ibang babaeng mamahalin pa maliban sa kanya. Iyon lang, paano kung hindi pala ako worthy sa kanya? Paano kung hindi ko siya mapanindigan? Kilala ko ang sarili ko. I fuck things up kahit hindi ko sinasadya.

"Titingin muna tayo ng singsing o kakain na muna tayo?" tanong ni Kuya at napalingon ako. Noon ko lang napansing papasok na pala kami ng parking building ng Shangri-La Plaza.

"Tingin muna tayo," sabi ko. Alam kong di ako makakakain.

Nakahanap ng parking slot si Kuya at ipinarada niya 'yung kotse ko. Bumaba kaming dalawa ng kotse at naglakad papunta sa entrance ng mall.

Nagtanong pa ako kay Manong Guard kung nasaan ang Tiffany.

Nang mahanap namin ni Kuya Lex 'yung tindahan, nanlamig lalo 'yung mga kamay ko. Sinulyapan ako ni Kuya Lex kasi huminto pala ako sa paglalakad. Huminga ako nang malalim at sinulyapan siya.

Supportive siya eh. Tinawanan lang ako bago nagpatiuna patungo sa mga display cases. Sumunod ako, nanlalaki ang mga mata, pabaling-baling na para bang tutuklawin ako ng mga laman ng display cases sa magkabila kong banda.

Ganito na lang. Hindi ko sila titingnan isa-isa. Kung may makahuli lang sa paningin ko. Kung wala, eh di wala. Not meant... to be, pagtatapos ko sa isip ko nang may mahagip ang mga mata ko.

May kausap na si Kuya Lex na isa sa mga staff pero hindi ako sa kanya lumapit. Lumapit ako d'un sa display case kung saan naroon ang isang kulay silver na singsing na may isang bilog na diamond na kumikinang sa ilaw na nagha-highlight sa kanya.

Lumapit si Kuya Lex. Sinulyapan ko siya bago ako nag-angat ng paningin sa nakangiting babaeng lumapit na rin sa 'min.

"Ah, p'wede pong... ano... 'yan po."

Di ako makabuo ng complete sentences eh.

Mas lumaki ang ngiti ni ma'am bago binuksan ang display case. Dinescribe niya 'yung singsing. Di ko naintindihan. Basta alam ko bilog 'yung diamond, platinum 'yung band, at may matching wedding ring siya na pwedeng isuot ni Meredith kasama n'ung engagement ring.

Nakatingin lang ako d'un sa singsing. Baka natakot nga si Ate na baka bigla ko na lang 'yun hablutin at itakbo sa sobrang pagkakatitig ko d'un.

"Ano pong size niyan?" tanong ko.

Alam ko ang ring size ni Meredith. Kung kasya sa kanya ang singsing na 'to, ito na. Ito na talaga. Senyales na ito ni Lord.

Nang sabihin niya ang ring size, wala na. Siya na talaga.

May iba pang mga singsing. Merong may tatlong bato, may singsing na napapalibutan ng mga brilyantes, may yellow gold, may rose gold, may mas mura, may mas mahal. Pero 'yung unang singsing lang talaga 'yung nagustuhan ko. Simpleng-simple lang siya at isa lang 'yung bato niya pero siya talaga 'yung sumisigaw ng "kay Meredith ako!"

Sinulyapan ko si Kuya Lex. Ngumisi siya at tumango. Binalingan ko ulit si Ate at inabot 'yung singsing, excited na naman, na masaya, na takot na takot at nasusuka. "Ito na po talaga, ma'am," sabi ko. "Final answer."

Tumawa siya at masayang tumango.

Dinukot ko mula sa bulsa 'yung wallet ko, kinuha 'yung kulay itim kong credit card. Sana eh hindi siya mag-hara-kiri kapag i-swipe na siya ni ateng. Ngayon lang siya magagamit sa ganitong kalaking transaction eh but it was worth it. Lalo na kapag makita ko nang suot ni Meredith 'yung singsing na 'yun, it will be worth it. Pinaupo muna kami ni Ate habang pino-process 'yung payment at pina-fill out din niya ako ng isang card.

Less than ten minutes later, natulungan ko na nang wagas ang ekonomiya ng Pilipinas at naghahanap na kami ni Kuya Lex ng kainan habang bitbit ko ang isang kulay blue... green... basta 'yung kulay ng Tiffany na paper bag na naglalaman ng mga pangarap at pangakong gusto kong ibigay kay Meredith.

Naks. Lalem!

Dahil alam ko namang di ko malalasahan ang kakainin ko sa excitement ko nang mga oras na 'to, si Kuya Lex na ang pinamili ko ng kakainan. Gusto raw niya ng Greek food kaya hinanap namin 'yung Cyma kasi alam naming meron n'un dito sa mall.

Nang maka-upo na, siya na rin ang nag-order. Hindi ko kasi ma-pronounce 'yung mga pagkain kaya baka mamaya kung ano pa'ng ibigay sa 'min kapag ako ang mag-order. Sinabi ko na lang na bahala na siya sa kakainin ko, 'wag lang tupa. Di kaya ng dila ko ang lasa ng tupa.

"Hoy," tawag ni Kuya Lex nang sa wakas ay umalis ang waiter at napansin niyang nakatulala ako sa paper bag ng Tiffany. "Baka lumiyab 'yan sa kakatitig mo."

Mahina akong natawa, napahiya.

"You okay?"

"Oo," sabi ko sabay lagay ng kamay ko sa sikmura kong nananakit pa rin.

Tumawa siya, napapailing. "You don't do anything half-way, do you? Ngayong nagseseryoso ka na sa buhay, grabeng seryoso naman na."

"Oo nga eh." Sinulyapan ko ulit 'yung paper bag sa tabi ko sa bench seat bago ko 'yun kinuha at ipinatong sa mesa para mas matitigan ko 'yung pangalan ng kompanyang nakasulat sa kanya. "Hindi ko alam. Basta pakiramdam ko tama 'tong ginagawa ko. Siya na talaga 'yung gusto ko eh. Alam ko lampas isang buwan pa lang kami magkakilala pero sigurado na 'ko, Kuya. Ito na 'to."

"Then I'm happy for you," sabi ni Kuya Lex na may maliit na ngiti. "Abay ako sa kasal ha."

Tumawa ako. "Sira. Ikaw kaya ang Best Man ko."

Lumawak 'yung ngiti niya at tumawa ako. Hindi ako makapaniwala! May pa-Best Man, Best Man na 'kong nalalaman!

"I'd consider it an honor," sabi niya sa 'kin at tumango ako, nakangiti pa rin bago muling binalingan 'yung paper bag.

Bumuntong-hininga ako. "For some insane reason, gusto rin niya ako, Kuya. Ayokong magsisi siya sa 'kin sa huli kaya gusto kong ibigay sa kanya ang lahat."

"Nakita ko naman kung paano si Meredith sa 'yo. Sa tingin ko naman kung bilhan mo siya ng maliit na bahay at ng murang singsing, magiging masaya pa rin siya dahil lang ikaw ang nagbigay n'un sa kanya."

Napatingin na naman ako sa kanya, parang batang nag-aalangan. "Talaga, Kuya?"

"Oo. Sa tingin ko gan'un ka niya kamahal."

Ke sarap namang marinig n'un. "Eh kaya lang syempre gusto ko naman na 'yung worth naman kay Meredith 'yung ibigay ko sa kanya. Kahit na masaya na siya kapag bigyan ko siya ng pandesal, gusto ko naman Gardenia sana 'yung maibigay ko. Mahilig 'yun sa Starbucks. Ayokong Nescafe lang ang kape niya kapag ako ang mapangasawa niya."

Natawa si Kuya Lex. "Astig na analogy ah. Almusal yata ang gusto mong kainin eh."

"Okay na ko sa kung ano'ng inorder mo. Teka, libre mo 'to di ba?"

"Ikaw ang magse-celebrate, ako ang manlilibre?"

"Sige na! Nilibre mo na nga ako ng bahay eh."

"Utang 'yun, ungas!"

Napangisi ako, lalo na nang inabot niya ang braso patawid ng mesa para guluhin ang buhok ko.

"Oh, my gosh!" sabi ng tinig ng isang babae at sabay kaming napatingala ni Kuya Lex.

"Gianna!" bati ko na medyo masaya ang tinig. Not that I was happy to see her, pero hindi naman kami magka-away nito kaya di ko naman siya susupladuhan. Ang susupladuhan ko ay 'yung lalaking nasa likuran niya na tiningnan lang ako nang masama nang lampasan niya ang mesa namin ni Kuya Lex para magpunta sa isang booth sa likod.

'Namu, Craig.

"Hi, Ash!" bati ni Gianna sa 'kin habang nakatayo siya sa gilid ng booth namin ni Kuya Lex.

"Gianna, kuya ko, si Kuya Lex. Kuya, si Gianna. Kaibigan ni Meredith."

"Hi," sabi ni Kuya.

"Hello!" masayahing bati ni Gianna bago ako muling hinarap. Pero bago siya makapagsalita, nahagip n'ung bag ng Tiffany 'yung mga mata niya. Nanlaki ang mga 'yun at natutop niya ang bibig niya. "Oh, my God! Is that...?"

Namula ang mukha ko bago ko kinuha 'yung bag at ibinalik 'yun sa tabi ko na para bang maitatago ko pa siya.

"Is that an engagement ring?"

"Ah, ano..." sabi ko, hindi alam ang sasabihin. Sana pala sinungitan ko na lang siya para nilampasan na lang niya kami.

"Oh, my God!" sabi na naman niya na mukha namang masaya para sa 'kin kahit pa di ko pa sinasagot ang tanong niya. Malay ba niya kung pinggan pala 'yun. Nagtitinda rin sila ng tea set sa Tiffany & Co.

Napakamot na lang ako ng batok habang nakatingin sa kanya, nahihiya. "Ano kasi, I'd really appreciate it kung di mo muna mabanggit kay Meredith na may binili ako para sa kanya."

"Pero engagement ring nga?" pangungulit niya.

Hindi ako sumagot pero siguro kinonfirm 'yun ng mukha ko.

"Oh, my God!" sabi niya ulit bago siya tumungo at niyakap ako. Wala akong nagawa. Niyakap ko na rin siya. Alam ko namang masaya talaga siya kasi ibig sabihin kapag kasal na kami ni Mere, solong-solo na niya si Craig.

"Thank you," sabi ko na lang na tinatapik ang likod niya.

"Gianna!" tawag ng isang matalim na boses at napalingon siya kay Craig.

"Sorry," napapangiwi niyang sabi sa 'kin. "And congratulations in advance! Promise, hindi malalaman ni Mere."

"Thank you."

Ngumiti siya kay Kuya Lex at naglakad na palayo papunta sa table kung saan naghihintay si Craig.

Nagtama ang mga paningin naming dalawa. Umaalon na naman ang mga muscles niya sa panga at parang serial killer na ang mga mata sa panlilisik ng mga 'yun sa 'kin. Sa lakas ba naman ng boses ng girlfriend niya nang tanungin ako kung engagement ring ba 'yung binili ko, kahit bingi siya, maririnig niya 'yun. I hadn't wanted him to know about it pero wala na akong magagawa ngayon. O eh ano naman kung malaman niya? I was proposing to my girlfriend, at wala na rin siyang magagawa doon.

I grinned at him and gave him the finger—again. It just gives me great pleasure—bago ko muling binalingan si Kuya Lex na natatawang umiiling sa 'kin.

Nang dumating ang order namin, nakuha ko naman nang kumain. Hindi ko na inisip si Craig. Di na ako nagpa-apekto. Wala naman akong pakialam dati sa kanyan eh. Ngayon pa ba ako magsisimula?

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

503K 15.8K 38
Maglalaho ang mananakit sa iyo. Subukan nilang saktan kahit dulo ng buhok mo. Mapapaaga ang pagdalaw ko sa kanila. - Grim Reaper a.k.a Jacob Alejandro
1.8M 7.3K 5
Duke Xyrus Dela Marcel Dela Marcel Series: Duke's Possession by Diyosangwriter Book Cover: CookieMallows (Current) Book Cover: Krunchey (old one)
2.1M 32.6K 47
Infatuation: Sofia and Chad Story [COMPLETED] Reflection: Jade and Ryan Story [COMPLETED]
3.2M 76.6K 58
Moses Zacharie Gustav is a spoiled, rich, passionate man. He can have everything he wants except for one girl, the girl he has always loved and will...