That Playgirl's Karma [Under...

By sovereigngel

359 30 2

Known as the playgirl on their campus, Azalea Louise Guiterrez- loves to play with their hearts like a toy- u... More

s o v e r e i g n g e l
P R O L O U G E
o n e
t w o
t h r e e
f o u r
f i v e
s i x
s e v e n
e i g h t
n i n e
t e n
e l e v e n
t w e l v e
t h i r t e e n
f i f t e e n
s i x t e e n
s e v e n t e e n
e i g h t e e n
n i n e t e e n

f o u r t e e n

9 1 0
By sovereigngel

"So, that's what happened." Pinagsalikop ko ang aking dalawang kamay nang matapos ko na ring sabihin ni Felix ang nangyari mula simula hanggang makalabas ako ng mansion. 

I am still pissed of what they did to me.

"I don't think the butler is the one to be accused." Ani Felix na nakasandall ang dalawang siko sa hita niya habang nakaupo kaharap ko. 

Pinilantik ko ang aking kamay nang pareho kami ng iniisip. "Exactly, I've been thinking about that earlier." 

"But, still, we can't say, maybe he is." 

Buntong hininga kong sinandal ang aking ulo sa sofa. Tama si Felix, pwede ring ang butler na iyon ang siyang suspek pero pwede ring hindi, inshort, we are stuck in the middle because of lack of evidence.

Saglit kong ikinagulat nang tumabi si Felix sa akin at gamit ang likod ng palad niya ay hinawakan niya ang aking noo. 

"Hot, you're having a fever." Tumayo siya sa pagkakaupo at pumunta sa kusina. 

"Light fever lang yata," hinawakan ko rin ang aking noo at mainit nga. 

"Light or heavy, it needs to be treated." He opened the cabinet where I put my medicine kits. 

There are lots of small containers so I pointed the right kit, "That blue one." 

Bumalik si Felix dala-dala ang asul na container. Pinapanood ko lamang siya kung ano ang kukunin niya. 

Kumuha siya ng tabletang gamot para sa sakit sa ulo at nilapag sa mesa.

Bakit pa ba nilapag? Pwede namang ibigay sa'kin.

Kinuha ko iyon sa mesa pero nang hawakan ko pa lamang ito ay pinigilan niya ako. 

"Why? Am I not allowed to take this?" 

"You are, but, after your dinner. Hindi pwedeng inumin mo 'yan na wala pang laman ang tiyan mo." 

Tumango-tango na lamang ako bilang sagot at muling sumandal sa sofa. 

"Patch?" 

Tinanggal niya ang wrapper ng pain reliever patch at akmang ilalagay sa noo ko nang pigilan ko siya. 

"Are you sure about that?" Nakahawak pa rin ang mga kamay ko sa braso niya. 

"Don't you trust me?" sarkastiko niyang sagot. 

"Come on, Felix. I do, but, is the patch even necessary?" 

"You never tried this before?" Hinawi niya ang kamay kong nakakapit sa braso niya. 

"Uh.." Inalala ko kung na-try ko na ba iyon, pero wala akong maalala. 

"Your silence means no." Walang pasabing dinikit niya ang patch sa noo ko at mahina pa itong tinapik. 

"How is it?" He asked, not taking away his stare from me. 

"It's.. cool." Literal na cool ang patch na ito at parang inaabsorb ang init sa noo ko.

"Good to know." Tumayo na siya at binalik ang medicine kit. 

Ang ganda pala sa feeling, ang ginaw, nakakaantok, pero napatingin ako sa kusina nang marinig ang tunog ng pagtadtad. 

"Felix, what are you..?" Akmang tatayo na sana ako nang pigilan niya ako. 

"Just sit there and rest, Azalea." 

Hinay-hinay akong umupo sa sofa, "What are you doing?" 

"I'll cook dinner." he briefly answered. 

Napakurap ako nang hindi inakalang paglulutuan niya ako. 

"Matulog ka muna, gigisingin nalang kita kapag naluto na." Ani Felix habang nakapokus sa paghihiwa. 

"Okay.." humiga ako sa sofa at nakaramdam agad ng antok kaya kaagad akong nakatulog. 

****

"How was the business meeting, honey?" sabay sirado ni Fim sa pinto ng opisina ni Azardo. 

Hindi sumagot si Azardo sa tanong ng asawa. 

"Uhm, maganda lang ba ang daloy? Maybe I can help." ani Fim. 

"About Thania.. pagsabihan mo siya na mali ang ginawa niya kanina." 

Napakurap si Fim sa sagot ni Azardo, napakalayo ito sa tanong niya. 

"W-What do you mean?" 

"As a mother, you know that accusing people wasn't right, Fim." Umupo si Azardo sa swivel chair niya at inasikaso ang mga papeles na nasa mesa. 

Nilagay ni Fim ang dalawang kamay sa likod niya at pasikretong kinumo ito. "O-Ofcourse, pagsasabihan ko ang anak natin, Azardo." 

Nang makalabas ng opisina ay kagat labing naglakad ng mabilis si Fim papunta sa kwarto ng anak. 

Hindi siya kumatok doon at kusang binuksan ang pinto, bumungad sa kaniya ang nagme-make up na anak. 

"Oh, hi, mom! Is there something you wanted to say?" Binaba ni Thania ang hawak nitong make-up blender at lumapit sa mama niya pero bago pa siya tuluyang makalapit ay malakas na sampal ang natanggap niya. 

Gulat na gulat na tumingin si Thania sa mama niya habang hawak-hawak ang pisngi. "Mom, why did you..?" 

"Shut up or else I'll slap you again." 

Nagsimulang tumulo ang mga luha sa mata ni Thania, "M-Mom.." 

Pabulong na nagmura si Fim habang hinihilot ang noo nito. "I am already pissed off tapos dinagdagan mo pa." 

Humihikbi na tulalang nakatayo lamang si Thania habang ang kaniyang ina ay pabalik-balik ang lakad. 

"What if your father will decide that Azalea will be the heiress and not you, just because of your stupid attitude, huh? Come think of it, Thania! May utak ka pa naman kaya bakit mo ginawa 'yon kanina? Such a fool! Agrh!" Halos lumabas na ang ugat sa noo ni Fim sa galit. 

"I-I'm sorry, mom." Patuloy pa rin sa pag-iyak si Thania. 

Huminga ng malalim si Fim, "Say it again." 

"I'm.. so sorry, mom." 

Tumango-tango si Fim at nilapitan ang anak na patuloy sa pag-iyak. "Come here, sit down." Inalalayan niya ang anak na maupo sa kama, at mahinahong hinaplos ang buhok ng anak. 

"You know how much I love you, Thania. I will do eveything just for you to stay at the top.. so your mom is hurting everytime you are being downgraded. So.." lumuhod siya sa harap ng anak at hinawi ang luha sa mga mata nito. "Don't do such stupid actions again, hm?" 

"Y-Yes, mom.." 

"You promise?" 

"I.. promise." 

****

Napasandal ako sa upuan habang hawak-hawak ang tiyan dahil sa pagkabusog.  

"Ang sarap mo magluto, Felix. Walang biro. Kung pwede kunin kitang private chef eh."

Grabe ang sarap ng luto niya na curry.

"I would love to."

Abot tainga ang ngiti ko sa sagot niya, "Talaga?! Hindi mo 'yun babawiin?" 

He shooked his head, "Nope. Also, it can benefit me two things. First, I can practice more in cooking." 

I scoffed when I didn't expect he was just practicing. He still considered this ultimate five star curry as a practice?

"Second?" Muli akong sumandok ng curry samahan pa ng kanin at nilamon ito. 

"Second is to lessen my worried feeling for you." 

Nabilaukan ako sa mga sinabi niya na siyang kaagad na binigyan ako ng baso ng tubig. 

"Are you okay?" bakas sa boses ni Felix ang pag-aalala. 

Sumenyas ako na okay lang kahit hindi naman.

Ang sakit sa lalamunan kapag nabibilaukan.

"Anong ibig mong sahihin?"  Muli akong uminom ng tubig at punong-puno na talaga ang tiyan ko. 

Pinunasan niya ng malinis na tissue ang bibig niya, "That day when those threat started, everytime I came home I always thought about you. If you were okay or not." 

Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya.

"Y-You mean.. everytime we part ways.. you.." 

"Yes. I mean it." 

Binaba ko ang baso na hawak ko at bumuntong hininga, "Those days.. I always lock my myself here.. thinking about those threats and how much I need someone's accompany, yet, no one is there for me." Mahina akong natawa nang maalala ang gabi kung saan umabot sa punto na papatayin ko ang sarili ko dahil ang akala ko ay walang taong makakaintindi sa akin, na akala ko lahat sila tinalikuran na ako. 

"But, I was wrong. I didn't know.. someone out there is thinking of me if I am okay or not." 

Tumingin ako kay Felix na nakatingin na sa akin, "Thank you, Felix." 

Nagkaroon ng katahimikan sa aming dalawa kaya tumayo nalang ako at kinuha ang plato namin sa mesa, tumayo rin si Felix at tumulong. 

Hindi ko talaga inakalang iniisip niya ako noon pa lang. Mahina ko siyang siniko na siyang natigilan. 

Siningkit ko ang aking mata nang may mapagtanto, "Teka.. 'wag mong sabihin na may gusto ka sa'kin 'no?" 

"What?" 

"Sus! Alam ko na 'yan, pero 'wag kang mag-alala, hindi na ako playgirl ngayon at hindi na ako basta-basta papatol ng lalake." Naglakad na ako palapit sa kusina pero hindi ko pa narating ang kusina ay may sinabi siya na nagpahinto sa akin. 

"I like you." 

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 46.4K 28
*COMPLETED* My head bowed in a heavy mannor, not in respect, but in trepidation. I discern his unwavering gaze over my ill silhouette. "Look at me." ...
7.3M 216K 47
"I need to go," I mumbled. Before I could take another breath, he had me pinned against the wall. "You aren't going to move another inch," his voice...