PURE SERENDIPITY

By ItsYourBoyKhel

10 0 0

Pure Serendipity is a story of love, life, and career. Going through a Dilemma of choosing your career over y... More

PURE SERENDIPITY
AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE

CHAPTER 1

3 0 0
By ItsYourBoyKhel

ISABELLA

"HOY! Tigilan niyo na ako!" Singhal ko kahit na hinihingal na sa katatakbo.

Nakita kong papalapit na naman sila kaya tumakbo na ulit ako.

Malapit ko ng maabot ang limit ng karawan ko kaya agad akong naghanap ng matataguan o malilikuang iskinita.

Hindi rin naman nagtagal ang paghahanap ko dahil lumiko rin ako sa isang iskinita sa bandang kanan ng kalye.

Pagkalabas ng iskinita, naupo muna ako saglit sa baitang ng isang building.

Hindi ko akalaing mapapatakbo ako ng ganung kabilis ngayong araw.

Ang expected ko kasi eh boring na araw na naman ngayon.

Hindi ko naman na may maraming asong hahabol sakin.

Oo! Mga ASO!!!

Sumakit ang binti ko. Mukhang humupa na ang adrenaline sa katawan ko.

Sana naman eh makalad pa ako pagkatapos ng mala-The Flash na takbong ginawa ko.

Kainis naman!

Kung alam ko lang na maraming aso dun sa lugar na yun, edi hindi na sana ako dumaan don.

Hays. Hahanap na lang ako ng bagong daraanan bukas.

Kamusta naman kaya ang uniform ko?

Bumaba ang tingin ko sa suot kong uniform at nanlumo ako ng makitang gusot-gusot na yun.

Arghhh! Badtrip na ako!

Hindi na ako natutuwa sa araw na to. Nakakaimbyerna na siya.

Hindi na talaga tayo magbabati, Monday.

Tumayo na ako para magpagpag at magsimulang maglakad ulit.

Papasok palang kasi ako ng school. Sa Gov. Ferrer Memorial Integrated National High School.

Graduating na ako ngayong taon sa Senior High School at nasa 2nd Quarter na.

Dala ko ba yung assignment?

Habang iniisip ang school, naalala ko tuloy na meron palang assignment sa Creative Writing. Isa sa mga specialized subject sa HUMSS Strand.

Tumigil muna ako sa paglalakad at binuksan ang bag para tignan kung nailagay ko rito ang Assignment.

Hindi pa naman ako nagpapa-late ng pasa ng mga school works.

Consistent With High Honors. Mahirap ng bumagsak at baka ma-disappoint ang pamilya't mga kaklase ko.

Nakita ko rin yung essay ko na nakaipit sa clipboard kaya't kumalma na ako at nagsimula na ulit na maglakad.

Medyo may kalayuan ang bahay sa school pero hindi pa rin ako nag-aabalang sumakay ng tricycle o jeep.

Hindi lang sa dahil nagtitipid ako, pero gusto ko ring sanayin ang katawan ko sa mga ganitong gawain.

Exercise kumbaga.

8:00AM ang start ng klase namin kaya medyo chill-chill pa ako.

May isang oras pa bago mag-start ang klase.

Habang naglalakad, hindi ko maiwasan na pansinin ang mga matatandang nagwawalis sa kalye.

Napansin ko rin ang mga baka na mukhang ililipat ng lugar.

Ganito ang buhay dito sa lugar namin. Tahimik at productive ang mga tao. Lalo na sa umaga.

Nalagpasan ko rin ang mga taniman ng palay at mais sa gilid ng kalsada.

Matingkad ang kulay berdeng mga dahon ng mga pananim ngayong araw.

Mukhang malapit na ring anihin ang mga yun.

Habang naglalakad, iniisip ko na kung anong mga balak kong gawin after kong grumaduate ng Senior High.

Hindi pa rin kasi ako sure.

Gusto kong maging Lawyer pero parang gusto ko ring maging Teacher.

Sabi naman ng mga kaibigan ko eh mag-Psychiatrist nalang ako.

Paka-indecisive kasi kaya hirap pumili ng future career.

Hindi pa nga rin ako nakakapili ng mga university na pag-aapplyan ko para sa college.

Habang pre-occupied ng mga naiisip, naamoy ko ang mabangong halimuyak ng bagong luto na pandesal.

Napalingon ako kung saan galing ang amoy at natanaw ko ang isang bagong tayong bakery sa di kalayuan.

Dahil medyo gutom pa ako, naglakad ako palapit sa bakery at bumili ng sampung pisong pandesal.

Malapit sa may intersection ang bakery kung kaya't marami ring mga iba pang tindahan ang nandito tulad ng Karinderya at Lechon Manok.

Meron pang Alfamart at Gas Station na malapit.

Naglakad ako papunta sa direksyon ng Gas Station dahil doon ang daan papunta sa school.

Sa ma bandang kanan ng kalsada, makikita mo ang isa pang school. Kulay light blue ito at marami ring estudyante na nag-aaral. Private school nga lang kaya hindi ko naisipan na pumasok dito.

Tinahak kong muli ang kalsada papunta sa school hanggang sa makarating ako sa gate.

Actually, wala pang gate ang school.

Bagong gawa kasi.

Nilipat kami rito sa bagong campus mga isang buwan palang ang nakakalipas. Dahil daw sa malagong populasyon ng school kaya need na raw naming maihiwalay mula sa Main Campus.

Medyo pabor naman saming mga Senior High Students yun kasi may sarili na kaming building rito.

Pagpasok ko sa school ay bumungad ang pag-ihip ng hangin sa mga buhangin at alikabok sa lupa.

Hindi pa kasi tapos ang building sa gilid ng gate kaya mabuhangin pa at maalikabok.

Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad, dumaan na rin ako sa court at tinahak ang hallway ng JHS Building.

Umakyat ako ng second floor at sa unang room ako pumasok.

If hindi pa obvious, classroom namin ang room na ito HAHAHAHA

Nilagay ko muna ang bag at iba pang mga gamit sa desk ko.

...

...

Wala pang katao-tao sa classroom. Nakakabinging katahimikan ang sumalubong sakin.

Tinignan ko ang relos ko.

7:10 AM

Napaaga pala ako ng pasok.

Usually, around 7:45 AM pa talaga ako napasok ng school. Medyo na-excite lang akong pumasok ngayong araw.

Hindi ko rin alam kung bakit...

Napatingin ako ng bumukas ang pinto ng classroom.

Pumasok si Fate na kaibigan ko.

"Oh. Bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong ko na puno ng pag-aalala.

Nakabusangot kasi tong kaibigan ko at parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Wala. Nagkaroon lang ng gulo sa bahay kanina." Mahina niyang pagkakasabi.

Agad ko siyang nilapitan at niyakap.

"Okay lang yan. Humuhupa rin yang gulo na yan." Pag-aassure ko sakanya at yumakap na rin siya pabalik.

Pinakalma ko muna si Fate at pinaupo sa desk niya.

Mukhang malaking gulo ang nangyari sa bahay nila. Halatang malala ang naging epekto sakanya ng nangyari.

Hinayaan ko muna si Fate sa desk niya at binalikan ko ang desk ko.

Nahulas na kasi make-up ko.

Pocha kasing mga aso yan. Hindi ako tinigilan eh.

Kinuha ko ang pouch na naglalaman ng make-up kit ko mula sa bag at nagtungo sa mirror sa likod ng pintuan ng room.

Nagsimula na akong mag-retouch.

Habang nag-reretouch, ramdam ko ang pagpasok sa room ng iba pa naming mga kaklase.

Ang ilan ay binati pa ako pero hindi ko sila ma-bati dahil naglalagay na ako ng liptint.

Tapos na akong mag-retouch at ilalagay ko na sana sa pouch ang mga ginamit ko ng...

"ARAAAAAYYYYYYY!!!" Pocha tumama yung likod ko sa doorknob ng pintuan.

Hindi naman dapat tatama ang doorknob sa likod ko dahil hindi nakasarado ang pinto.

Nilingon ko ang pintuan at tsaka napansin na binuksan pala yun.

"Sorry. Hindi ko alam na nandyan ka pala." Mahinang sagot ni Elrix sa akin bago tumalikod at naupo sa desk niya sa likuran ng classroom.

Sinundan ko lang siya ng takang tingin.

Grabe sobrang sakit.

Well, kasalanan ko rin naman kasi nasa likod ako ng pinto pero, whatever..

Pinagpatuloy ko ang pag-aayos ng gamit kahit na kumikirot pa rin ang likod ko.

Pwinersa niya bang buksan ang pintuan?

Sakit ng pagkakatama sa likod ko.

Baka hindi na ako makayuko or makaupo ng maayos nito huhu.

Saktong pagkaupo ko ay ang pag-ring ng bell, hudyat ng pagsisimula ng klase.

Inayos ko nalang ang sarili ko at ang mga gamit na kakailanganin ko para sa unang klase - Creative Writing.

***

Continue Reading

You'll Also Like

191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
Alina By ihidethisapp

General Fiction

1.5M 37.3K 75
The Lombardi family is the most notorious group in the crime world. They rule both the American and Italian mafias and have many others bowing at the...
1.7M 17.3K 3
*Wattys 2018 Winner / Hidden Gems* CREATE YOUR OWN MR. RIGHT Weeks before Valentine's, seventeen-year-old Kate Lapuz goes through her first ever br...
KASHI By stuckinatale

General Fiction

397K 19.9K 42
"So, Mrs. Kashi Abhay Pratap Singh..chalte hai. Goodbye..". Saying this, he left her broken in this world of betrayal. ~~~~~~~~~~ Kashi, a simple gir...