The Divorce

Par MrsPeriwinkle0024

28.2K 1.6K 227

In her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her di... Plus

Chapter 1: Rebirth
Chapter 2: Exchange
Chapter 3: Get Married Then Divorce
Chapter 4: Asking For Pocket Money
Chapter 5: Unexpected Turn Of Events
Chapter 6: Bargaining Chip
Chapter 7: The Audacity
Chapter 8: The Truth
Chapter 9: Wrong Script
Chapter 10: First Time
Chapter 11: Obstacles
Chapter 12: Cannot Threaten Him Anymore
Chapter 13: Loyalty
Chapter 14: Going To Hate Him
Chapter 15: Willing
Chapter 16: The Perfect Sister-in-law
Chapter 17: One Of Her Dreams
Chapter 18: What To Fix Next?
Chapter 19: A Sudden Lecture
Chapter 20: Finally
Chapter 21: Judas Kiss
Chapter 22: Cannot Blame Her
Chapter 23: Proposal
Chapter 24: Insult
Chapter 25: Unwanted Visitors
Chapter 26: No Strings Attached
Chapter 27: Poor
Chapter 28: Last Option
Chapter 29: A White Dress
Chapter 30: Her Creations
Chapter 31: Lunch Date
Chapter 32: Painful Memory
Chapter 33: No Thanks
Chapter 34: Dearest Sister-in-law
Chapter 35: Someone Is Coveting His Woman
Chapter 36: Washing My Eyes
Chapter 37: Wish
Chapter 38: Wedding Day
Chapter 39: Arya Being Hysterical
Chapter 40: Asking For A Gift
Chapter 41: Torture And Imaginations
Chapter 42: Concerned About Her
Chapter 43: A Nightmare
Chapter 44: Good Bye
Chapter 45: Original Plan
Chapter 46: A Normal Day
Chapter 47: Upset
Chapter 48: Gentle
Chapter 49: Negative And Positive Emotions
Chapter 50: Doubt
Chapter 51: The Police Officer And The Lawyer
Chapter 52: Helper From The Past
Chapter 54: Arya's Concern
Chapter 55: Felt Like A Roller Coaster Ride
Chapter 56: Someone Who Knows Her Best
Chapter 57: Stick To The Original Plan
Chapter 58: Someone Who Looks Like Her
Chapter 59: Delighted
Chapter 60: Different Types
Chapter 61: What If...?
Chapter 62: Protecting You In My Own Little Way
Chapter 63: The Allejo Family
Chapter 64: The Hungry and Irritated Sam
Chapter 65: Bite Back
Chapter 66: Bullying The Bully
Chapter 67: Prevention Is Better Than Cure
Chapter 68: Samuella's Nightmare
Chapter 69: Samuella's Nightmare Part II
Chapter 70: The Brother-in-law
Chapter 71: The Birthmarks
Chapter 72: A Success
Chapter 73: Stealing Task
Chapter 74: Terrifying
Chapter 75: Missing Home
Chapter 76: Indulge

Chapter 53: Bothered

322 22 4
Par MrsPeriwinkle0024

Dahil inabot na sila ng tanghali sa presinto, inaya ni Samantha si Ginang Siony na magtanghalian kasama nila.

"May nakita akong karendirya sa may banda doon, kain muna tayo bago natin ihatid si Nanay Siony?" Tanong ni Samantha sa triplets na parang iisang taong tumango naman kaagad sa kanilang sister-in-law.

"N-naku Ma'am, u-uuwi na po ako,"

"Nanay, kain na muna tayo. Ihahatid ka po namin pagkatapos," malambing na turan ni Arya.

Naiiling na napatitig na lang ang ginang kay Samantha na tumango naman kaagad. Nagtungo sila sa malapit na karendirya at kumain.

Nang matapos ay nag-order ng take out si Samantha at saka iyon ibinigay kay Ariston.

"Ibigay mo mamaya kay Nanay Siony. Baka hindi pa kumakain ang mga anak niya," pabulong na sabi ni Samantha na kaagad namang sinang-ayunan ni Ariston. Kinuha nito ang susi ng sasakyan at saka inilagay sa loob ang take out na ulam.

"Magpapaalam lang po kami kay Chief Inspector Silang, then, ihahatid na namin kayo," ani Samantha kay Ginang Siony na kaagad tinanggihan ng huli.

"H-hindi na po Ma'am. Magk-commute na lang po ako,"

Huminga ng malalim si Ginang Siony. Kahit na gaano pa kabait ang daughter-in-law ng kanilang dating boss na si Ginang Aria, nahihiya pa rin siya dito. Nakangiting tinitigan ng ginang si Samantha.

Base sa kwento ng magkakapatid kanina habang kumakain sila sa canteen, ito ang dahilan kung bakit nakalaya ang mga ito sa kuko ng mga Syquia. Ito rin ang nagpapulis sa katulong na si Pepita.

Nagniningning ang mga mata na sinulyapan ni Ginang Siony si Samantha. Malakas ang pakiramdam niya na isa rin ito sa mga dahilan kung bakit dinakip ng mga pulis ang buong pamilya ni Antonio Sandoval.

"Miss Samantha, thank you,"

Sunod-sunod na umiling naman kaagad si Samantha.

"Ang totoo ay nagulat din po ako sa bilis ng mga pangyayari. Ngayon ko lang nalaman na inayos na pala ang lahat ng asawa ko bago siya umalis papuntang Paris kaninang umaga," ani Samantha na ayaw angkinin ang papuri na hindi naman para sa kanya.

In her heart, she admires Arem's thoughtfulness and efficiency.

With just a classmate like Chief Inspector Silang, everything's done.

"Mrs. Syquia,"

Sabay-sabay na lumingon ang lahat sa pinanggalingan ng tinig.

Isang matangkad at maputing babae ang nakita ni Samantha na papalapit sa kanila. She's just wearing a white shirt and a high waist pants. Nakasuot ito ng puting canvas shoes at may dala-dalang brief case na kulay itim.

"You must be Attorney Pilar?" Nakangiting tanong ni Samantha.

"Uh-huh. Finally. It's nice to meet you, Arem's wife," she said in an amused tone. "I've never expected that person to marry first. Sa lahat ng tropa niya, siya ang pinaka-least na inaasahan naming mag-aasawa," nakangiting dagdag ng magandang abogada.

Ngumiti lang si Samantha. Her eyes are twitching.

Gusto niya sanang sang-ayunan ang sinabi ng kaharap pero alam naman niyang hindi niya pwedeng ipaalam na tunay man ang kasal nilang dalawa ni Arem, peke naman ang kanilang pagsasama. So basically, malamang na ang lalaking 'yun nga ang huling makakapag-asawa sa circle of friends nito. Or worst, baka nga hindi ito makapag-asawa. Dahil sabi nga ng karamihan, para itong bloke ng yelo.

He's too cold and aloof.

Sadly, hindi niya mai-chichika ang bagay na iyon sa babaeng kaharap dahil malamang sa malamang, babalatan siya ng buhay ng magaling niyang asawa sa papel.

"Well, I'm honored," Samantha said shyly.

Of course, she has to act!

Tsk.

Dapat talaga sinamahan niya mag-audition ang mother-in-law niya. Sayang ang talento niya sa pag-arte, aba.

"It's his honor that you fancy him, really,"

Samantha lowered her head. It seems that the woman in front of her is very enthusiastic about her relationship with Arem.

"Oo nga pala nakausap ko na si Silang about sa Sandoval family, if you guys want, we can all go to the Rivera family to—," sandaling napatigil sa pagsasalita ang magandang abogada dahil sa cellphone nitong nagba-vibrate sa loob ng bulsa nito. "I'll answer it first,"

Kaagad namang tumango si Samantha. Sinundan niya ng tingin ang babae bago siya bumaling sa triplets na nakatitig sa kanya at hindi niya mapigilang magtaka dahil parang on guard ang pagkakatingin ng mga ito sa abogada na kaibigan ng kuya nang mga ito.

"What's the problem?" Nagtatakang tanong ni Samantha.

Masyado siyang abala sa pakikipag-usap kay Attorney Pilar, at nag-aalala siya na baka mahalata nito ang lihim nilang dalawa ni Arem kaya naman naka-focus lang siya dito habang nag-uusap sila.

Kahit na maayos na nakikipag-usap si Samantha dito, hindi niya mapigilang maging vigilant dahil pakiramdam niya ay inoobserbahan din siya nito ng matiim.

Kung may motibo man ito o wala sa magandang pakikitungo na ginagawa nito, hindi iyon mahulaan ni Samantha. Basta ang masasabi lang niya, it's not imposible for the beautiful lawyer to fall in love with Arem, after all, that guy looked so good that even if he became a house husband, Samantha would willingly work hard just to support him. Anong malay niya, baka ganoon din ang iniisip ng abogada.

With her current job as a lawyer, she can afford to raise him.

"W-wala kaming problema ate. Medyo naiilang lang po," kaagad na sagot ni Arya.

Tumingin naman si Samantha sa dalawang binatilyo para makita kung ganoon din ba ang opinyon ng mga ito. Magkasabay naman na tumango ang dalawa.

"Okay, pagkatapos nito, ihahatid muna natin si Nanay Siony then pupunta tayo sa bahay ng mga pinsan niyo. Are you prepared?" Tanong ni Samantha sa mga ito.

Sabay-sabay na tumango ang tatlo. Pero bago pa sila magsalita ay kaagad ng nakalapit si Attorney Pilar sa kanila.

"May problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Samantha sa abogada. She can clearly see the troubled expression on her face.

"It's about your uncle,"

Uncle?

Sinong uncle?

Sa pagkakatanda ni Samantha. Hindi naman niya ka-close ang uncle niya sa dela Vela family. At mas lalong hindi niya kilala kung sino ang mga uncle niya sa Salvador family.

"Uncle?" Hindi niya mapigilang itanong.

"Your uncle-in-law. Arem's uncle. Mr. Gustavo Herrera. Mrs. Amanda's husband,"

Lalong kumunot ang noo ni Samantha. Hindi kaya totoo ang hinala niya na may lihim na pagtatangi ang abogadang ito kay Arem kaya hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi nito? Bakit hindi kaya nito tapusin ang sinasabi para hindi siya nag-o-over think, ano?

"Inako niya ang lahat ng kasalanan. Sumuko siya sa pulisya at sinabi niyang inudyukan niya lang ang kanyang asawa na kapatid ng mother-in-law mo na kuhanin ang lahat ng mga ari-arian na nasa pangalan ni Arem. Dahil siya ang nakapirma sa lahat ng mga transaksyon, ikinulong siya ng mga pulis pero pinalaya si Ginang Rivera. Umalis na sila sa villa na pag-aari noon ng mommy ni Arem at pinaalis na rin nila ang lahat ng mga umuupa sa apartment complex. Hindi sila makasuhan dahil walang ibedensya laban sa kanila at tanging si Mr. Herrera lang ang pwede nating kasuhan sa ngayon,"


Napakagat-labi ni Samantha.

"Nasaan na sila ngayon?"

"According to my source, lumipat na sila sa Capital. May sarili silang negosyo at bahay doon,"

"Nakapagpatayo sila ng negosyo at nakabili ng bahay dahil sa ilang taong pamamalakad sa mga negosyong hindi naman para sa kanila. They really are a cunning bastards," halos pabulong na anas ni Samantha.

She narrowed her eyes. She's not expecting this outcome at all.

"Sinabi ko na kay Arem ang tungkol dito at ang sabi niya ay umuwi na lang muna kayo. Gagawa siya ng paraan para ibalik ng mga taong 'yun ang mga ninakaw nila,"

Sandaling natigilan si Samantha.

Hindi niya maintindihan kung bakit parang hindi siya komportable sa kaalamang may kontak ito at si Arem. Pero wala naman siyang ibang magagawa kung hindi ang sang-ayunan ang babaeng kaharap at pasalamatan ito sa tulong na ibinigay nito sa kanila.

"Thank you. Ihahatid muna namin si Nanay Siony at pagkatapos ay uuwi na rin kami,"

"Your husband paid for my services, so I must help you. It's no big deal,"

Samantha smiled. But it never reached her eyes. Though this woman kept on calling Arem 'your husband', she was still bothered. And she didn't know why she had to feel that way.

Perhaps because she can tell that the two of them are close?

Or because she's not aware of their past?

But, as a wife on paper. Wala naman siyang karapatan na magtanong, magtaka at mas lalong wala siyang karapatan na makaramdam ng ganito.

She's a fake.

And sooner or later, she and him will get a divorce.

Samantha took a deep breath.

It's fine, it's fine. As long as hindi ka niloloko ng harap-harapan, magpanggap kang walang alam. Rendahan mo 'yang damdamin mo Samantha. Hindi magandang sign 'yan. Dahil sa totoo lang, wala kang karapatan.

Muling huminga ng malalim si Samantha matapos sermunan at kastiguhin ang sarili. Pagkatapos ay ngumiti siya ng matamis sa babaeng kaharap.

"Thank you for your help, Attorney Pilar. Pakisabi kay Sir Silang, maraming salamat sa tulong niya. Ihahatid muna namin si Nanay Siony," ani Samantha habang nakangiti. Taos sa puso ang pasasalamat niya. Dahil nakikita niya naman na genuine ang pagtulong na ginawa ng dalawa.

Kahit na may pagdududa siya sa relasyon ng mga ito sa bawat isa, hindi niya pwedeng pagdudahan ang serbisyo ng mga ito para sa mga inosenteng kagaya ni Nanay Siony.

Matapos magpaalam dito ay nagpatiuna na si Samantha sa kotse nila. Pinaupo niya sa tabi niya si Nanay Siony habang magkakatabi naman sa likod ang triplets.

Even though Samantha is feeling a bit down, she doesn't show it on her face.

Nakangiting nakipag-kwentuhan siya kay Ginang Siony.

Habang nasa byahe sila ay ikinuwento niya rito ang lahat ng mga pagbabagong gagawin ni Arem sa farm at sa palayan.

Excited na nakinig naman si Ginang Siony. Hindi niya mapigilang umasa para sa magandang kinabukasan ng kanyang pamilya lalong-lalo na ng kanyang mga anak. Lalo pa at sinabi ni Samantha na plano ni Arem magpatayo ng Elementary School at High School sa kanilang lugar para hindi na kailangang magpunta sa Siudad ng mga estudyante nila doon. Limang barangay din ang malayo sa paaralan. Kaya naman bilang mga magulang na gustong itaguyod ang pag-aaral ng kanilang mga anak, nagtatiyaga silang lahat na papasukin ang mga ito kahit na napakalayo pa nila sa Siudad.

Kung mangyayari nga ang plano ni Arem. Pati ang karatig baranggay ay matutuwa dahil sa ipapatayong paaralan.

Sa nakikitang saya sa may edad na mukha ng magsasakang si Ginang Siony, pansamantalang nakalimutan ni Samantha ang iniisip niya.

Dahil kung ikukumpara naman iyon sa pinagdadaanan ng mga taong ito, pakiramdam ni Samantha ay napaka-insignificant ng bagay na pinoproblema niya.

Hindi nga ba at divorce naman talaga ang inaasahan niyang magiging ending ng pagsasama nilang dalawa ni Arem?

So para saan 'tong pagdadrama niya?

Wake up, Sam. This is not your world. Sooner or later, you'll have to wake up to reality.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

678K 3.8K 30
Completed Paano natagpuan ni Olivia ang sarili sa ibang kama,gayong may naghihintay siyang asawa sa kanilang bahay?
3.1K 189 9
An Austen-themed book club for aspiring Filipino writers. O P E N : currently in need of members
93.9K 2.1K 37
"Paano mo ito nagawa aa akin?? ako ang asawa mo!!!" sigaw ko sakanya kasama ang babaeng nakakapit ngayon sa balikat niya. "Oo nga at Reyna ka pero Hi...
3.4K 79 18
Current rank: #2 in Arrest If there's a legal wife then there's a lethal wife. She's Lethal because she's not your typical wife type. Yes, she had it...