The Billionaire Ceo (ONGOING)

By YshNLct

4.5K 269 10

Between misfortune and a menacing loan, she cannot find a decent job. However, she found a job, a job that fu... More

TBC
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
HIATUS
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Update
Chapter 28
Chapter 29

Chapter 13

174 13 0
By YshNLct

DIVINE'S POV

"Forget about me, my little Divine?" 

Nahulog ko 'yong hawak kong suklay nang makilala ko 'yong boses. 

Siya 'yong lalaki na naabutan ko sa bahay ko. Narinig ko sa kabilang linya yung pagtawa niya na dahilan na pagtayo ng balahibo ko. Hindi basta pang normal na tawa iyon, para siyang bal*w na parang nahanap niya 'yong isang bagay na matagal na niya hinahanap.

"Sino ka ba-"

"Come on! don't play with me." 

Inisip ko nang maigi kung nakita ko na ba siya dati o nakausap man lang. Pero wala talaga akong natatandaan kahit anong alog pang gawin ko, maalala lang siya. Nilayo ko 'yong phone ko sa tenga ko at tinignan.

Hindi kaya ito 'yong sinasabi nina mama na umutang sila sa gang? 

"Ikaw ba-"

"Exactly baby, I'm Venom Lucian Morphous." Hindi ako kumibo habang naririnig ko pa rin 'yong pagtawa niyang nakaka trauma. Ito pala 'yong binbanggit ni Mr. Falcone?

Si Venom? Pangalan pa lang mukhang ikaw sisira ng buhay ko.

"Why are you so quiet?" Hindi ako sumagot at hinayaan lang.

Wala akong oras sa mga katulad niya. Napairap ako sa hangin at hindi ko na hinintay na mag-salita siya at in-end na 'yong call. Gusto ko muna kahit ngayong gabi wala akong iisipin. 

Nakahiga ako sa kama at nakatitig sa kisame. Hindi ko alam kung lalayo na lang ba ako para hindi ko 'to makita 'tong Venom na 'to, pati si sir. Tenzo na walang ginawa kun'di sirain ang araw ko, at higit sa lahat si Mr. Falcone. Nakakatakot na mga kinikilos niya, hindi na ata tama 'yon.

"Bal*w talaga siya..." 

Bigla ako napatingin sa phone ko nang mag ring, kinuha ko agad 'yon phone ko para tignan kung sino 'yong tumatawag.

"Ikaw na naman! kulang ka ba sa pansin?!" Inis kong sabi at hindi na ako nag-dalawang isip na i-block 'yong number niya.

Natigilan ako saglit nang ma realize ko na baka may utang ako rito? 

"Argh kainis!" 

Bagsak kong hiniga 'yong sarili ko sa kama at natulala na lang sa hangin. Kaya siguro napaka kulit ng nilalang na 'to. Kakaisip ko sa utang hindi ko na namalan na nakatulog na ako

------

Sobrang busy naming lahat sa office dahil wala si sir. Tenzo. First time niya na hindi pumasok bukod sa taong hindi siya nagpakita. Nakakapagtaka nga kasi halos siya 'yong palaging nauuna sa amin. Feel ko nga siya 'yong nagbubukas ng company niya e. Tumingin kaming lahat ky Mr. Choi nang bigla siyang tumayo at inisa-isa kami na binigyan ng gagawin. 

"Vallarino, check the sales for this month and the previous month."

"Ok Mr. Choi!" Sabi ni Jammy at nag-umpisa na i-check sa laptop niya.

"Carter, check all the documents that were given to all the clients we have."

"Okey dokey our lovely My. Choi!" Natawa kaming lahat nang kumindat si Duke kay Mr. Choi habang naka turo siya na parang nambabar*l.

"And the rest should type up all these documents and print them."

"Copy Mr. Choi!" Sabay-sabay naming sabi.

" And Salvador, visit all the offices here in our company and gather all the sales data for this month and the previous month."

"Copy Mr. Choi." Tumayo na ako at nag bow bago umalis. Mukhang mapapagod ako nang malala nito.

 Nagsimula na akong pumunta sa bawat office. Wala pa ako sa kalahati naramdaman ko na agad 'yong pagod.

"Maghintay kayo!" Nagulat ako nang sigawan ako ng manager sa six floor.

Gumilid muna ako sa isang sulok habang hinihintay na ibigay sa akin 'yong data. Nilalamon na ako ng hiya dahil lahat ng mga employees ay nakatingin sa akin 'yong iba nagbubulungan pa. Hindi ko na lang pinansin kahit gusto ko na umalis sa floor na 'to.

Itong floor na 'to 'yong kinakatakutan ng karamihan dahil sa sobrang sungit ng manager tapos lagi pa nakasigaw daig pa si sir. Tenzo. Nakahinga ako ng maluwag nang lumapit siya sa akin. 

Sa wakas makaka-alis na rin sa floor na 'to. Akmang kukunin ko na 'yong documents nang bigla niyang binitawan dahilan para mahulog sa sahig. Gulat na gulat akong tumingin sa kan'ya, Anong problema nito? Nagsimula na 'yong bulungan ng mga employees dito habang nakatingin sa akin.

Halo-halo 'yong reaksyon nila, 'yong iba nagulat din, 'yong iba tumatawa pa, 'yong iba todo husga sa akin. Hindi na ako nagtataka kung bakit ayaw nilang dumaan sa floor na 'to. Lahat ng mga nag trabaho sa floor na 'to ay matagal na nag trabaho sa Tenzo Company kaya malakas loob nila na takutin o apihin 'yong regular na worker dito.

"Hindi mo pupulutin? Huwag mong hintayin ako pa 'yong kukuha para sayo." Mataray niyang sabi sa akin.

Hindi na lang ako nakipagtalo dahil wala naman akong laban lalo na matagal na sila rito at baka magsumbong pa sila baka mawalan pa ako ng trabaho. 

Huminga muna ako ng malalim at lumuhod para kunin lahat ng mga document na nahulog 'yong ibang paper naka kalat na sa sahig.

"Sis bagay sayo 'yan."

"Agree!"

"Dapat 'yong mga katulad mong hindi nakapagtapos hindi nag tatrabaho rito." 

"Kung mag trabaho man siya taga linis lang ng cr!"

Humigpit 'yong pagkakahawak ko sa document sa mga narinig ko lalo na nang marinig ko 'yong tawa nilang nakakainsulto. Sinubukan kong pakalmahin 'yong sarili ko at tumayo na rin pagkatapos kong pulutin lahat ng documents. 

Naramdaman ko 'yong pangangatog ng tuhod ko nang tumayo ako at nag bow sa kanila.

"She looks like a b*tchy slave." Bigla ako napatingin sa babae na kung saan ay nakaupo sa dulo ng table habang tumatawa sa akin.

"She's not your mirror." 

Sabay-sabay kaming lumingon at nakita ko si sir Vaughnn na papasok sa office habang may bitbit na documents. Biglang tumahimik 'yong loob ng office nang dumating siya. Dumeretso agad siya sa table niya at nagulat ako kasi siya pala 'yong manager sa six floor at hindi itong babaeng 'to. 

"Go back to your work now. It's work hour."

Parang wala silang narinig kasi lahat sila nakatingin kay sir Vaughnn at hindi makapaniwala sa mga nakikita nila. Hindi na ako nag stay nang matagal dahil ito na 'yong chance ko na makalabas sa impyernong floor na 'to.

"I am your new manager, Vaughn Nicholai Lazarus. I don't tolerate this kind of behavior. Fix it or be fired."

Bago ako tuluyan lumabas narinig ko pa 'yong huli niyang sinabi.

Vaughn Nicholai Lazarus.

Tulala akong bumalik sa office at inabot agad kay sir Choi nang ma collect ko lahat-lahat ng data at bumalik sa table ko. Parang sumama 'yong pakiramdam ko sa mga narinig ko kanina. 

Umiling ako at bumalik ulit sa pag trabaho kailangan ko mag focus lalo na't kailangan 'to. Nakakapagtaka kasi first time na nangyari ito sa Tenzo Company na biglang bagsak 'yong sales at medyo hindi maganda ang income ng Tenzo Wine.

Napatingin kaming lahat kay sir Choi nang bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya at hindi mapinta 'yong mukha niyang may kausap sa cellphone.

"Anong nangyari?" 

"Parang hindi maganda 'yong nangyari." 

Bulong sa akin ni Jammy. Maya-maya pa tapos na si sir Choi makipag usap at huminga muna ng malalim bago kami harapin.

"Umuwi na muna kayo at Duke pumunta ka ngayon sa producer room at paki announce na nagkaroon lang ng konting problema at umuwi na muna lahat." 

Tumayo agad si Duke at nagtatakang umalis para pumunta sa producer room. Tahimik lang na nag-aayos ng gamit si sir Choi niisa sa amin walang nag tatangkang mag-tanong kung ano ba nangyayari. 

"Hintayin na lang natin muna 'yong final decision ni sir Tenzo." Sabi ni sir Choi.

Nagsimula ng umalis nang tahimik 'yong ibang employees pero bakas sa mukha nila 'yong pangamba. Bigla ko kinalabit si Jammy at nilingon ako.

"Bakit parang kalmado ka lang?" Taka kong tanong.

Mas lalo ako nagtaka kasi tinawanan niya lang ako.

"Huwag ka mag-alala-"

Hindi na natapos ni Jammy 'yong sasabihin niya nang biglang pumasok si sir Vaughnn para kausapin si sir Choi. Inaya na ako umalis ni Jammy habang naglalakad kami at nadaanan namin sina sir at nag bow muna kami bago umalis.

"Hindi basta-basta aalis si Dmitri."

Lumingon ako sa likod ko nang marinig ko 'yong sinabi ni sir Vaughnn. Bakit parang may hindi magandang nangyayari? 

Habang pauwi na ako ng bahay malinaw pa rin sa utak ko 'yong mga nangyayari. Parang sunod-sunod na 'yong mga nangyayari sa akin na hindi maganda. Malayo pa lang ako sa bahay ko may nakita akong nakatayo sa bahay ko.

Nagmamadali akong naglakad papunta sa bahay at nagulat ako dahil lahat ng gamit ko ay nasa labas na.

"Oh nandito na pala 'tong magaling na 'to na puro salita lang!" Nagulat ako nang bigla ako harapin ng may-ari ng bahay.

"T-teka lang po huwag niyo naman ilabas lahat ng gamit ko bahay ko naman 'to." Gulat na gulat akong nakatingin sa mga gamit ko. 'Yong iba pang tauhan niya ay patuloy sa paghakot ng gamit ko.

Sumakit ang kanang pisnge ko nang maramdaman ko 'yong malamig niyang palad na dumikit sa pisnge ko.

"Sadyang wala ka bang alam o sinasadya mong maging tang*?" Gulat akong nilingon siya.

"Matagal ng binenta sa akin 'to ng mga magulang mo! Mag-pasalamat ka nga pinapatira pa kita rito kahit 'tong bahay na 'to ay pagmamay-ari ko na!" Naguguluhan ako.

Binenta nina mama? Kailan? Wala ako matandaan.

"Bago sila umalis kinausap ako dahil kailangan nila ng pera." Sinundan ko siya ng tingin nang naglakad na siya palayo habang 'yong mga naghahakot ng gamit ko ay umalis na rin.

Tumulo 'yong luha ko at nanghihinang umupo sa tapat ng bahay habang nakatingin sa mga gamit.

Ma, pa kahit ito na lang sana iniwan niyo sa akin ako na bahala sa iniwan niyo na dapat kayo gumagawa.

Saan ngayon ako pupunta? Wala akong mapupuntahan.

Si Jam naka boarding house lang. 

Inisa-isa ko na binuhat lahat ng gamit ko natigilan lang ako nang mag vibrate 'yong phone ko. 'yong iyak ko kanina napalitan ng hagulgol sa nabasa kong email.

"The Tenzo Cheers company will temporarily close. I apologize for any inconvenience this may cause. We are working hard to resolve the situation and will keep you updated. Thank you for your understanding and patience during this time."

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 163 24
Kaizer Guevarra is an SSG President who is well-known, intelligent, and handsome is always with his Secretary, named Sanya. Reason for them to be clo...
36.6K 934 50
18-year-old Lera makes a TikTok account just for fun, but when her friend Allie suggests that the two of them make some TikToks together, Lera can ha...
1.6K 153 28
Sparkle claire and kleo Martin is hate each other and enemy since they elementary but Sparkle Claire will slowly fall to him but kleo don't feel sam...
109K 3.3K 98
KNIGHT QUANTUM (MAFIA BOSS SERIES ONE)