Sounds Of The Night (TWTH Ser...

AindyWindy

936 349 52

𝐒𝐔𝐌𝐌𝐀𝐑𝐘 : Everyone knows Luis, except Jenica. Jenica Acab comes back to Philippines to meet her unrequ... Еще

Author's Note
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
EPILOGUE
special thanks!!
CHARACTERS

CHAPTER 18

15 8 0
AindyWindy

[Chapter 18]









"Oo. Tumahimik ka at salubungin mo sila ng maayos. Kanina ka pa nila gustong makita." ang bulong kong sita kay Luis. 

Dahan-dahan siyang naglakad sa loob upang makaiwas na makagawa ng kung anong ingay. Lumabas ako noon para magtapon ng basura at pagkabalik ko ay nandun pa din siya, hindi umi-imik at hindi dumidiretso. Maingat ako sa pagsara ng pinto at sinisiguradong hindi 'to makakagawa ng kahit anong ingay. Tinapik ko ang balikat ni Luis saka ngumisi. Tumango siya saka ulit dahan-dahang gumalaw.

Pero ang maingat naming galaw ay nabalewala. Princess stood from the sofa and cluelessly leaned her head by our side. Sabay tigil kami pareho habang ang mga bibig ay nbumuka sa gulat. Noong una ay walang-malay siyang nakatingin sa'min hanggang sa namilog ang mga mata niya sa realisasyon. 

"Kuya Luis!" nanigas siya agad nang agaw atensyong sumigaw si Princess. Tumakbo siya papunta kay Luis saka 'to kinulong sa isang mahigpit na yakap. . . kahit na ang tuhod lang ang abot nito dahil sa katangkaran ni Luis.

"Kita mo nang napakaliit ng bata. . ayaw mo pang kalungin." bulong ko sa kaniya. Nakakatuwa silang tignan. Si Princess, tuwang-tuwa, ang isa naman, kala mo pinagkaitan kung makaismid.

Nakatayo lang si Lola Linda sa tapat ng sofa habang patuloy sa pagkiskis ng mukha si Princess sa tuhod ni Luis. Hindi na masama dahil napilitan na lang din si Luis na kalungin at yakapin si Princess.

"B- Bakit po kayo nandito, Lola?" tanong niya, with a hint of stammer. I don't know why but somehow he feels nervous being captured in his own house.

"Gusto ko lang namin makita, Hijo. Matagal tagal na din noong nakita ka namin. Nakain mo ba 'yong egg pie na pinabigay ko sa Hija?" Mahinhin ang boses ni Lola Linda, malamig na parang nanghihina ang dating, siguro ay dahil na rin sa katandaan.

"Ahh. Opo nakain ko po. Masarap po." Sagot ni Luis. Siguraduhin niya lang na totoo 'yan at nagsasabi siya ng totoo. Napangiti si Lola Linda sa sinabi niya kaya naman inabutan niya pa ulit ng isang egg pie si Luis.

"Mabuti naman. Oh iiwanan na kita ng egg pie dito para hindi ka magutom." Naglagay ng mga egg pie si Lola Linda sa may suksok ng bowl sa island table ng kusina.

"Lola Linda! Dito na po kayo mag-dinner!" Alok ko sa kanila na nagpamilog ng mga mata ni Luis. Why so surprised? Ano ba ang gusto niya, pauuwiin ko sila ng gutom? Handa naman akong magluto, baka siya ang hindi; tinatamad magluto.

Bago pa man ako magbalak ng lulutuin, tinanggihan na ni Lola ang alok ko na dito sila pakainin. Sa pag-iling niya sabay sabi, "Naku, hindi na. Ayos lang kami ni Princess, baka makaabala pa kami."

Pero agad itong sinagot ni Luis na mukhang naalarma sa sinabi ni Lola, "Dito na po kayo kumain, Lola. Hindi po kayo abala sa'min. Kaunting salo-salo lang naman po." akala ko ay nasiyahan siya sa pagtanggi ni Lola pero hindi pala. Kung hindi pa si Luis ang magsasalita, mukhang tuluyan nang aalis ang maglola. Ayun, wala tuloy nagawa ang maglola kundi manatili para sa hapunan.

Nagsimula na kami ni Luis na maghanda sa kusina. Bitbit niya ang mga ingredients habang ako naman ay busy sa paglilinis ng mga kutsilyo at iba pang mga sangkalan. Dapat ay uunahin ko nang maghiwa ng carrots pero bigla na lang nagmaktol si Princess nang maupo sila sa dinner table. Hindi nagtagal at naramdaman ko na rin ang senyales sa'kin ni Luis na unahin si Princess at siya nang bahala sa gagawin ko.

Nang huli ko siyang makita noon ay nagkakabit siya ng Apron, hindi ko siya matiis dahil nahihirapan siya sa pagkabit sa likod kaya inuna ko pa rin siyang tulungan. Paglapit ko sa kaniya ay agad kong inagaw ang tali sa likod niya saka ito mahigpit na itinali sa puntong hindi niya ito madaling matatanggal sa pagkakatali. Saktong paghila ko ng tali, napahingal siya sa sikip. Gusto ko sanang tumawa noon pero maririnig kami nina Lola.

Nang matapos ako sa kaniya ay dumiretso na 'ko sa maglola saka pinatahan si Princess. Ano ba kasi ang problema at bigla na lang nagmamaktol itong si Princess? Hindi ba siya makapag-intay at excited na siya sobra sa kakainin? Wala na akong natitirang technique para mapaamo itong si Princess. . . . kaya ilalabas ko na ang huli kong alas. . . ang dumugin siya sa papuri. Sana gumana. . .

"Princess tahan na sa kakaiyak. . ang ganda ganda mo tapos umiiyak ka lang?" Puri ko sa kaniya. Hindi naman ako plastik na tao, kung titigil siya sa kakaiyak baka magkatotoo ang puri ko sa kaniya. Cute naman talaga kasi siyang bata. Sabay himas ko sa ulo niya.

Kita ko din si Lola Linda na pagod na kakasaway kay Princess dahil sa kulit niya. Ako na bahala, Lola. Habang pinapatahan ko si Princess, nakaramdam ako ng matang tila kanina pa nakatitig sa'kin. Hello?! Bakit ganyan yan makatitig ngayon? Para bang may binabalak gawin.

Doble ang kurap ng mata ko bago ko inalis ang tingin ko sa kaniya at binaling kay Princess. Nang tumahan siya ay bumalik na 'ko sa kusina para magluto. Nang makabalik ay natapos na pala ni Luis ang lahat ng hihiwain kaya diretso na 'ko sa pagsalang sa kawali. Pinapanood ko pa lang si Luis, manghang-mangha na 'ko eh. Magaling talaga siya magluto, parang five star chef. Kaya mas napabilis ang alalahanin namin sa pagluluto, dahil alam ko nang masarap ito kapag si Luis ang nagluto.

Tapos na naming naluto ang lahat: Bistek, Chopsuey, at Garlic buttered shrimp. Ako tuloy ang natatakam sa niluto namin. Hinalimuyak ko pa ito bago ko hinain sa hapagkainan. Sa paglapag ko ng mga pagkain sa lamesa, katulong si Luis, ay agad nagsiyahan ang maglola. Naupo kami pareho saka nagsalo sa munti naming hapunan. Sa buong oras na kumakain kami, puro papuri ang nadinig namin sa maglola, kaya naman mas, lalo kaming ginanahan kumain. Masaya ang naging hapunan namin lalo na't madaming nakakatuwang bagay na kinwento si Lola Linda noon. Madalas niya din tanungin si Luis tungkol sa trabaho niya, kung inaalagaan ba niya ang sarili niya ng maayos, at kung baka sinasagad niya ang sarili niya sa trabaho. Marka sa mga salita ni Lola Linda ang pag-aalala niya para kay Luis.

"Luis, tutulungan ako ni Jenica na maibalik ang pagkasabik ng mga tao sa pagbili ng Egg Pie ko." natigil ako sa oras na sabihin iyon bigla ni Lola Linda. Hindi ko pa kasi nasasabi kay Luis kaya baka magulat siya, na siya nga'ng nangyari. 

Kita sa mga mata niya ang pagkabigla niya sa mga narinig niya kay Lola Linda.
He choked, "Wh- What?" dagdag niya.

"Ahh. Alok ko sa kaniya 'yon." medyo nauutal pa ako nang depensahan ko ang sarili ko pero huli na ang lahat nung magsimulang mangunot ang noo ni Luis. At sa harap pa talaga ng maglola.

"Hayyyy~" Lola Linda exhailed and stood up from the chair, picking up her bag and basket. So did Princess as she followed her grandma. "Oh siya! Maraming salamat sainyo, hija, hijo. Nabusog kami ngayon sa masasarap niyong pagkain. Hinding hindi ko 'to makakalimutan." masayang masaya si Lola Linda habang si Luis ay inis na inis. Hinawakan ni Lola Linda ang kamay ng apo niya saka sila umakmang umalis. Sinundan naman namin sila sa may pintuan. Ngumiti pa sila sa'min bago tuluyang makaalis. 

Nang makaalis na sila ng tuluyan, malakas na sinarado ni Luis ang pintuan saka siya tumingin sa'kin. Masama ang tingin niya at naggigitgitan ang mga ngipin niya. I knew he was glaring at me the moment his eyes turned into a foe, but at what point?

"You've got some explaining to do." he hissed.

Napalunok ako ng malalim sabay kurap sa kaba. Hindi ko maikalma ang sarili ko lalo na't nasa harapan ko siya at labis na nagagalit.

"Anong ipapaliwanag ko??" panumbalik na tanong ko sa kaniya. Actually alam ko naman na may dapat akong ipaliwanag, ayaw ko lang talaga sabihin ang totoo. 

For the second time, he slammed the door next to me and glared worse at me, "Wala? WALA?!" sigaw niya. "Oo na! Inalok ko siya ng tulong!" simangot ko.

"At anong klaseng tulong naman ang kaya mong ibigay sa kaniya?" 

"E- Ewan ko. . ." pabulong kong sinabi. "Ewan? Are you kidding me? Hindi ka pa sigurado sa kung anong kaya mong gawin, nangangako ka na agad sa kaniya." is he seriously scolding me now?!

"Teka lang kasi! Pinag-iisipan ko pa. Pero alam ko ang ginagawa ko kaya 'wag ka na magalit dahil wala ka nang dapat pakialaman sa kung sinong gusto kong tulungan." sa totoo lang ay napikon ako sa pinapahiwatig niya sa'kin kaya niresbakan ko lang siya.

Napataas ang kilay niya sa sinabi ko, mukhang nakuha ko na talaga ang interes niya. Bumuntong hininga siya saka niya ako sinagot, "Apparently, I do have responsibilities over Lola Linda, hindi pwedeng hayaan na lang kitang gawin ang kung ano-ano ng 'di ko nalalaman."

At ano naman ang ibig sabihin niyan? Bakit? Anak ba siya ni Lola Linda? Wala namang nabanggit na ganyan sa'kin si Lola ah. "Bakit? Ano bang kinalaman mo sa kaniya? Kaano-ano ka ba niya?" mataray kong tanong sa kaniya.

"She's my Lola! Of course I care about her. And when I care for someone, I'm protective to them." ay! May pa-ganon? "Protective. . . parang ayaw mo pa nga silang patuluyin sa bahay mo kanina. . ." bulong ko na narinig niya pa din. Inirapan ko siya kaya mas lalo pa siyang nairita sa inaasta ko, "You better stop giving me those nasty looks! I'm not letting you help her. You don't even have a job!" balik niya sabay walk-out sa harapan ko. Lumingon ako sa kaniya at nakita siyang pinatay ang TV sa remote bago dumiretso sa kwarto niya.

"Jobless pala ha?! E 'di maghahanap ako ng trabaho!" sigaw ko sa kaniya.

Nanigas siya nang sabihin ko 'yon. I should set that as a new goal! To find a job!

Mabagal niya akong nilingon saka bahagyang lumapit sa'kin, "You've got to be kidding me. . ." hindi talaga siya makapaniwala sa kung anong kaya kong gawin. Palibhasa, hindi pa niya 'ko lubos na kilala kaya siguro akala niya, boba lang ako. Pero no no no, mas marami pa diyan ang kaya kong gawin at baka ma 'who you' siya dyan kapag nalaman niya isa-isa.

"I'm serious. I can find a job!" sigaw ko na kinagulat niya. Mukhang nainis na din siya sa mga sigaw ko, "Alright then! Since you're so full of yourself, go find a job! I couldn't care less about you!" pagmamaktol niya sabay irap sa'kin.

"Talaga!" ang maikling kong tugon sabay irap din. Pinandilatan niya ako nang gayahin ko ang irap niya, mukhang hindi na siya makapagpigil pa. "Why don't you start now?! And wag na wag ka nang babalik ulit!"ah ganyanan? Sinasabi ko sayo, Luis. Pagsisisihan mo 'to.

"Sige ba! Hinding-hindi ako babalik, maaasahan mo 'yan! Isa pa, para namang ginusto ko tumira dito. Yuck!" lumiling ako sa kaniya saka tumakbo papunta sa kwarto ko. Dun ko na sinimulang mag-impake ng mga gamit, habang si Luis naman ay sumunod. Sumandal siya sa frame ng pintuan habang pinapanood akong mag-impake. Nakasimangot siya at litaw ang kunot sa kilay niya. Lumingon ako sa kaniya sa kalagitnaan ng pag-iimpake saka ko lumiling sa kaniya.

Hindi na 'ko nagsayang pa ng oras at agad dumiretso sa labas ng condo niya nang matapos akong mag-impake. Padabog ang aking asta sa pagbaba ko habang si Luis naman ay padabog ding nakasunod sa'kin hanggang sa makarating kami sa mismong labas ng entrance ng building. Tumigil ako at tumigil din siya. Nilingon ko siya nang may malalim na ismid, "Oh ba't nakasunod ka pa hanggang dito? 'Di ba gusto mo na 'kong mawala? Umalis ka na!" pilit ko siyang tinataboy pero hindi siya umaalis, "Don't mind me. I'm just here making sure you'd actually be gone." namilog ang mga mata ko sa galit, namumuro na talaga ako sa kaniya!

"Ah! Hindi mo na kailangang mag-alala diyan." sarkastiko kong tugon sa kaniya. Sakto dahil may dumating nang taxi kaya't pinara ko ito sa harap ko at agad pumasok. Malakas kong sinarado ang pintuan saka binukas ang bintana para makita siya sa huling pagkakataon. Yumuko siya saka lumapit sa aking ulo, nakangiti, "I wouldn't look bad right? After all. . . pinalayas kitang may laman ang sikmura." lumaki ang ngiti niya sa puntong sumisingkit ang mga mata niya, 'yon ang pang-asar niya sa'kin bago siya tuluyang tumayo ng tuwid at pinanood akong makaalis. Demonyo talaga siya!

At sa buong oras na nasa taxi ako. . . puro panggigigil lang ang naramdaman ko. Kung pwede lang ay pinagpupunit ko na ang mga damit ko sa bagahe ko. But I shouldn't worry about Luis Cabrera anymore. I am completely accountable for my life, and I can always carry on.

Продолжить чтение

Вам также понравится

Pursuing My Gay Secretary (EDITING) Faith_pen

Любовные романы

4.6K 129 67
A cold and emotionless girl CEO and a soft gay secretary. Will they can resist to be together and fall inlove to each other? Mahuhulog ba sila sa isa...
42.9K 1.5K 47
"You might make me a better man." "And you might make me a monster." ― Leigh Bardugo, Ruin and Rising PREVIEW: "I could not see it at the time," I t...
Beautiful Disaster MariaCarlota

Любовные романы

1.4K 286 29
You belong with me! I'm yours! Akin ka! You're mine! Nasabi ko na'to lahat sa kanya,sa lalaking pinapangarap ko at sinumpa ko sa harap ng mga nuno s...
16.5K 628 56
Adeline is the only heir of Lafuente. With a family pressure on her and having a lot of responsibilities she needs to take in their company, she alwa...