Writer's Block

By Yanalovesyouu

7M 283K 48.9K

A fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perha... More

WB1
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 35

113K 5.3K 1.3K
By Yanalovesyouu

Lumuluhod at malugod na bumabati ang bawat nilalang na mapapadaan sa dako namin. Syempre duh! Nandito kaya si Lucian. Sya lang naman ang binabati nila. Pagdating sa'min, who you na. Ilang minuto rin kaming naghintay bago binuksan ang pagkalaki-laking gate na nasa harap namin na tinatawag na Devil's gate. Pangalan pa lang talagang nakakapanindig na ng balahibo.

"Kumusta ang pag-uusap nyo ni Ama?" I diverted my gaze at Dred na casual na tinanong si Lucian, pero iniiwas ko rin agad ang tingin ko dahil baka masabihan ako ng tsismosa. Pero syempre tinalasan ko ang panindinig ko para madinig ko ang pag-uusap nila.

Hindi sumagot si Lucian. Instead he held my hand na talaga namang ikinagulat at ikinakilig ko. Enebe! Ang daming nilalang oh, PDA much naman ang nais nitong bebe ko.

"Nais sana naming lumahok sa Devil Square" Dineadma nung lalaki ang sinabi ni Chiara at saka humarap kay Lucian. Choosy si kuya, papable ang hanap.

"Hindi po namin inaasahan ang pagparito ninyo sa Devil Square Lord Lucian" Magalang na bati sa kanya nung nasa ticketing booth. Sossy dito 'no? May ticketing booth. "Manonood po ba kayo ng laban? Ipapaayos ko po ang inyong tutuluyan" Sabi niya. What a brilliant idea.

"Naks VIP pala ang peg na'tin dito Lucian ah" Sabi ko sabay tulak sa kanya ng mahina. "Lalahok kami sa Devil Square, ginoo" Lucian said without looking at me. "Sabi ko nga sasali kami, ito kasing si kuya daming pauso"

May lumapit sa aming babae na itsurang tao, ang kaso nga lang ay mayroon syang mga pangil, buntot at sungay. Isa-isa niya kaming kinabitan ng bracelet. "Wow may souvenir" Pinagmamasdan ko ang bracelet dahil yari ito sa silver pero may mga batong kumikinang na kulay pula. "Ang sossy!"

"Ito ang tanda na tayo ay kalahok na ng Devil Square. Sa oras na lumabas tayo rito ay kukuhanin din sa'tin iyan, bawat panalo na'tin ay mag-iiba ang kulay ng mga bato sa pulseras," Paliwanag ni Chiara. Ahh. Akala ko pa naman souvenir. Pero ang astig ah!

"Maaari po ba kayong sumunod sa akin habang ipinapaliwanag ko po ang mga alintuntunin dito sa loob ng Devil Square?" Tanong nung babae. Wala silang imik na sumunod kaya ganun na lang din ang ginawa ko.

May dalawampung metro siguro ang layo namin sa karagatan pero tanaw na tanaw mula dito ang itim na itim na dagat na tila gusto kaming lamunin dahil sa lakas ng hampas ng mga alon. Hanggang dito sa nilalakaran namin umaabot ang talsik ng tubig dahil tumatama iyon sa malalaking bato. Nakahawak ako sa kamay ni Lucian, at pakiramdam ko sa mga oras na 'to parehas na kami ng temperature ng kamay dahil sa sobrang kaba ko.

"Ang uri po ng laban dito sa Devil Square ay ang tinatawag na Death match" I gulped after hearing those words. "Bawat pangkat po na kalahok sa paligsahan ay may walong myembro. Kung sino man ang unang kalahok na makikipaglaban ay hindi maaaring palitan ng iba pang myembro kung sya ay nabubuhay pa at may lakas pang lumaban"

"Paano kung naghihingalo na?!" Mabilis na tanong ko.

"Kinakailangan pa rin pong maghintay ng pagpanaw bago palitan ng susunod na myembro ng inyong pangkat"

"Ahh—shit teka sumasakit yata tyan ko, parang sira na 'yung French fries na binigay sa'kin kanina" Tumingin silang lahat sa'kin kaya para akong binuhusan ng malamig na yelo.

"Sinungaling"

"Ang galing mag imbento ng istorya, sariwang-sariwa kaya ang French fried tapos sasabihin sumakit ang tiyan"

"Huwag nga kayong maingay dalawa, naririnig tayo ni Alexis"

"Sipsip!"

"Ahm excuse me ate, gusto raw sumali nitong dalawang tutubi sa Devil Square, pwede mo ba sila ihanap ng pangkat? I asked with a smirk. Naglalakad pa rin kami at ngayon ay papasok na kami sa isang kweba.

"Maaari naman po, ang kaso nga lang po hindi po maaaring pumili ng pangkat na sasalihan. Kung sino lamang ang kulang ng myembro doon lamang sila maaaring mapabilang"

"Waaaa Alexis! Masama talaga ang ugali mo!"

"Wala kang awa sa amin!"

"Oh kitams? Excited na raw sila. Kung pwede rin daw na sila ang first batch ng lalaban" Natatawang sabi ko pa. Oh shit! Napatakip ako ng bibig when I saw the floor. Made out of thick glass ang nilalakaran namin dito sa loob ng kweba, maging ang dingding ay unti-unti na rin nagbabago at nagiging yari sa glass. And darn! Nakakapangilabot dahil iba't-ibang malalaking sea creatures ang nakikita ko. Sobrang itim pa ng tubig.

"Lucian, hindi kaya mabasag 'tong tinutungtungan natin? Pati 'yung walls, sure ka bang matibay 'yang mga 'yan?" My voice is almost breaking dahil sa nerbyos. Ang lalaki naman ng mga pangil ng mga isda dito. Don't tell me, pati 'tong mga isda dito eh may lahing bampira kaya ganito. "Pfft" Pinaningkitan ko ng mata si Lucian dahil imbis na sagutin ako aba'y tinawanan lang ako ng walanghiya!

"Dito po ginaganap ang unang round ng Devil Square, bawat pangkat ay kinakailangan magkaroon ng limang panalo bago makatungtong sa susunod na round" Paliwanag nung babae.

"Paano kung magkaroon ng lagnat? Feeling ko kasi talaga lalagnatin ako mamaya eh" Sabay-saby silang tumingin sa'kin ng seryoso. "Oh bakit? Tignan nyo hawakan nyo pa ako, mainit kaya ako" Hindi naman nila mahahalatang hindi totoo sinasabi ko dahil malalamig sila. Pfft.

"Mangmang talaga. Malamang mas mataas temperatura mo sa mga bampira"

"Hindi ko talaga lubos maisip kung paano nila nasasabi na tagapagmana si Alexis, gayong wala naman itong alam"

Tinignan ko ng masama 'yung tatlong ipis. Malapit-lapit ko na 'tong ikaldereta. Konting-konti na lang. Tamang-tama, gutom na gutom na pa naman ako.

"Walang rason na tinatanggap sa mga kalahok sa Devil Square. Sa oras na makapasok kayo sa susunod na round ay maaari na kayong bumaba patungo sa ikalawang round. Ang unang makatungtong sa pinakailalim ng Devil's Sea ang syang tatanghaling kampeyon ng Devil Square"

"Kailangan ba talaga patayan? Hindi kaya maubos ang populasyon ng mga nasasakupan ng Arentsvelt kung gabi-gabi mayroong Devil Square? Syempre gabi-gabi rin na daan-daan ang pumapanaw" I stated, na sana makalusot para magkaroon ng konting pagbabago sa rules. Shit naman kasi! Ayoko namang hanggang dito lang ang buhay ko if ever.

"Daan-daan at minsan ay umaabot ng libo ang isinisilang na iba't-ibang uri ng nilalang gabi-gabi kung kaya't hindi kawalan ang ilang daang nilalang na napapaslang gabi-gabi" Paliwanag ni Chiara.

"Nakakatulong pa nga ang Devil Square para maging balanse ang populasyon ng Arentsvelt at upang masala ang mga malalakas na nilalang sa mahihinang nilalang," dugtong naman ni Claudia.

Okay. Medyo hindi ko kinakaya ang pagbabalance nila ng population. Kung sabagay, mga immortal nga pala ang mga tiga rito sa kabilang mundo, kung kaya't walang dahilan para mabawasan ang populasyon nila. Tsk.

"Point accepted. Eh pero kailan ba masisimula ang Devil Square?" Siguro naman bibigyan muna kami ng konting time para makapag-prepare. "Nagsimula na po ang Devil Square kaya hindi magtatagal tatawagin na rin po kayo para sa inyong unang laban" She answered. Shit!

"Nasaan ba ang C.R dito? Ang sakit talaga ng tyan ko, kumukulo talaga" Palusot ko, with acting pa ng pang-FAMAS award. Tinignan nila akong lahat ng masama kaya nag-cross arms na lang ako at padabog na sumunod sa kanila. Nakakainis! Pwede namang sila na lang ang sumali, sila naman ang may gusto bakit ba kasi kailangan pa nila akong isali dito sa Devil Square na 'to.

"Leche!" Bulong ko ng nakatungo. "Whoa! Ang gara!" Inilapit ko sa mukha  ko ang bracelet na suot ko dahil umiilaw ang mga bato na kulay pula at nagbi-blink. "Tignan mo Lucian oh, ang ganda diba?" Ipinakita ko sa kanya ang nagbi-blink na bracelet ko, pati ang kanya nailaw rin! Pati ang sa iba pa naming kasama. "Tignan niyo nagbi-blink din mga bracelets niyo oh!" Manghang-manghang sabi ko habang isa-isang tinitignan ang mga kamay nila.

"Yan ang hudyat na pangkat na natin ang lalaban" 'Yung ngiti ko kanina na abot tenga biglang nawala. Pakiramdam ko pinagsakluban ako ng langit at lupa sa narinig ko. "A-ano?" Kinakabahan tanong ko para ulitin ni Lucian ang sinabi niya. Baka kasi nagkamali lang ako ng dinig.

"Tama po. 'Yan po ang hudyat na ang inyong kupunan ang susunod na makikipagtunggali" Inulit nung babae ang sinabi ni Lucian kaya sa kanya naman ako tumingin.

Oh damn!

This is bullshit! "Dito po ang daan" Nauuna pa ring maglakad 'yung babae. Inilipat ko ang tingin sa mga kasama ko pero shit lang! As in bullshit lang! Parang wala lang sa kanila. Samantalang ako, itong kaba sa dibdib ko pa yata ang ikakamatay ko.

Wala ako sa sarili hanggang pumasok kami sa isang hallway. Sa dulo ng hallway ay isang malaking arena. "Shit!"

"Ang kabilang kupunan ay binubuo ng mga sumusunod na myembro. Lord Lucian Arentsvelt, Master Kindred Arentsvelt, Loki Vanaheim, Leandro Morganti, Zeldoran lark, Chiara Ursela, Claudia Bloodsworth at Alexis Salvador"

I can hear the roar of the crowd habang ipinapakilala ang grupo namin. "Huwag kang kabahan" Lumingon ako kay Lucian na nakangiti sa akin. "Mas mabuting masanay ka rito sa Devil Square kaysa naman sa paligsahan ng mga salamangkero at salamangkera ka kakabahan ng ganyan"

"Eh Lucian paano kung—"

"Maaari ko ba munang kausapin ang aking mahal bago mag-umpisa ang laban?" Tanong ni Lucian. Emeged! Kung maka-mahal naman, enebe!

"Opo sige po Lord Lucian" Yumuko saglit ang babae bago sya tumalikod at naglakad muli "Dito po tayo" Iginuide na lang niya ang iba pa naming kasama, pati 'yung tatlong butiki.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at saka niya ako iniharap sa kanya. Bahagya syang yumuko para maging magka-level ang mga mata namin. "Ikaw ang pinakamakapangyarihang salamangkera noon. Ikaw lang ang tanging salamangkera sa buong kasaysayan ng mga kauri mo ang may kakayahan gumamit ng puti at itim na salamangka ng sabay," He smiled at me, kaya feeling ko lahat ng nerbyos ko kanina naglaho lahat in an instant.

"Lahat ng mga nilalang na naririto, maging ako. Lahat kami ay mas mahina sa'yo. Kaya ano'ng kinakatakot mo?" Dugtong pa niya.

Pinasingkit ko ang mga mata ko and crossed my arms "Inuuto mo ako eh" I said.

"Tss. Nagawa mo ngang alisin ang memorya ng lahat ng nilalang dito sa kabilang mundo,"

"Pero dati pa 'yun. Hindi ko nga alam ang—"

"Bawat salita mo makapangyarihan, naaalala mo ba nung nasa mundo tayo ng mga tao?"

Kumunot ang noo ko while I am trying to remember kung anong particular na pangyayari ang tinutukoy niya. "Yung sinabi mo na sana madapa ako. Tss"

"Ahh" I nodded. "Oo 'yung pauwi ka na? Bakit ano meron doon?" Tanong ko.

"Huminto ako sa paglalakad sapagkat alam kong magkakatotoo ang sinabi mo. Ganoon kalakas ang kapangyarihan na taglay ng isang Ultimate Magus. At ikaw lang sa kasaysayan ng mga salamangkero at salamangkera ang nag-iisang naging Ultimate Magus,"

I just found myself frowning slightly sa pagtatakha. But there's a little smile on my lips. Kahit naman siguro sinong nilalang kapag ganyan ang narinig hindi ba't mapapangiti rin? Iniangat ko ng bahagya ang kamay ko ng nakalahad sa right side ko. Let me try if it is true.

"French fries" Wika ko, but nothing happened. Padabog kong ibinaba ang kamay ko. "Akala ko ba makapangyarihan ang salita ko?" Naiinis na tanong ko kay Lucian. Natawa sya ng mahina. "Ulitin mo ng may kagustuhan, may emosyon at may konsentrasyon"

I don't know how to do it. Pero sinubukan kong i-imagine ang French fries ng isang fast food chain. 'Yung itsura, the smell, texture, the taste before I lifted my right hand and said it out loud again "French fries"

"Oh my gosh!" I was stunned when it actually appeared. My words are really powerful. Sinubukan kong tikman and the hell! It was like umorder ako mismo sa fast food chain dahil bagong luto pa ang fries. Ngumiti ako kay Lucian and he did the same.

Dumukot ulit ako ng isang fries at sumubo "I love magic" I whispered habang naglalakad kami papunta sa may arena kung nasaan ang mga kasama namin.

"I love you" bulong naman niya.

                                                                                                                                                                                                                                                            r\?6>

Continue Reading

You'll Also Like

425K 9.5K 31
Perfect Haters (prequel) the missing piece. What really happened after the proposal and before the wedding? Did they really marry one another or was...
3.6M 50.2K 82
"A girl who's trying to be strong because she ended up CRYING ALONE ." [PUBLISHED]
1M 18K 32
Ang pangatlong libro sa SMITH TRILOGY! 1ST BOOK: My Facebook Boyfriend...For Real!? 2ND BOOK: STOP! In the name of LOVE... AMEN. REMINDER: STAND ALON...
60.5K 4.3K 76
(On-Going)