-Abigail's PoV-
Hindi parin ako makapaniwala na nandito na talaga sila... Sila Mama.. At Papa..
Agad namin silang pinatuloy ni Tita Jamie sa apartment.
Pagkaupo nila, binigyan ko sila ng Lollipop.
"Mama, Papa, Kainin niyo po iyan! Masarap po 'yan! Kase po ang tamis!" nakangiti kong sinabi.
Kumuha rin ako ng chocolates at marshmallows sa refrigerator.
"Mama! Papa! Tignan niyo po ito! Natikman niyo na po ba itong kitkat? Ito pong Crunchy? Ayy! Ito pong marshmallows masarap po ito at ito ring Tolberone paborito ko po ito!!"
Ngiting-ngiti ako ngayon habang ipinakikita sa kanila ang mga Favorite chocolates ko.
Nakatingin sa akin si mama na umiiyak. Si papa naman ay nakangiti.
"Bakit po? May problema po-"
Agad na tumayo si mama sa upuan at niyakap ako.
"Anak ko.. Sorry, I'm so sorry, for keeping you to wait after all this years.. Ginawa namin ito ng daddy mo for your safety"
"Abigail, Sorry.. Wag kang magalala babawi kami ng mama mo..Mabuti nalang at buhay ka pa akala namin wala ka na--"
"Ma!! Ikaw talaga ehh!! Okay lang po 'yun! At alam ko pong hindi ninyo ako iiwan. Binalikan niyo nga po ako eh."
Lumingon naman ako kay papa. "Pa, hindi niyo na po kailangan bumawi.. Kase po ang importante magkakasama na po tayo! Hindi na po tayo maghihiwa-hiwalay! At Tsaka, syempre po buhay po ko! Hehehe, kung patay ako edi dapat katabi ko na po si lola ngayon--"
"Aray ko po, HUHU!"
binatukan naman ako ni mama. "Nakuu!! Ikaw talagang bata ka! Palaki ng palaki, pamature ng pamature!" sabi ni mama. Mwehehehe.
"Ma, joke lang po 'yun. Peace?"
"Naku! Ikaw ba namang bata ka! Syempre hindi ka matitiis ni mama no!" pagkasabing-pagkasabi ni mama ay niyakap ko kaagad siya ng napakahigpit.
"I love you mom," sabi ko at ngayon ko lang namalayan na tumutulo na ang mga luha ko.
"Aww.. Mom loves you too my dear" sabi ni mama at niyakap rin ako ng mahigpit.
Humiwalay naman ako pagkatapos ng yakap namin ni mama. "Ang importante, magkakasama-sama po tayong lahat at laging masaya, mapayapa! at pamilyang walang uurungan. Walang Susuko!! WALANG IWANAN!!!" sigaw ko.
"Group hug!!" sigaw ni Tita Jamie at nag-group hug naman kaming lahat.
"Sooobrang saya ko po ngayon mama at papa! BEST DAY EVERRR!" sigaw ko at muli silang niyakap.
"Me too my Dear"
"Lalo na si Papa"
Sabi ni Mama at Papa at nag-group hug na muli kami.
"Papa, Mama wag niyo na po ulit akong iiwan ah? Promise?" nagtaas ako ng kanang kamay bilang simbolo nang pagpapangako.
"Promise"
"Promise"
Sabay pa silang nagtaas ng kanang kamay.
"Cross my heart?" Tanong ko muli at inilagay ang kaliwang kamay sa dibdib.
"Cross our heart" sabay na sinabi ni papa at mama sabay lagay ng kanilang kaliwang kamay sa kanilang dibdib.
"Muling bumalik ang masayang pamilya ng Scarlett Family" sabi ni Tita Jamie at ngumiti.
"Hindi na muli ako makapapayag na magkawatak-watak ang pamilya namin..." bulong ko sa sarili.
*Oy! Abigail! Baka may mamamatay taong pumatay sa pamilya mo paano na 'yan??! 0_0*
~Sabi ng isipan ko.
"Waaahhhh!! Hindi mangyayare 'yun!!!" sigaw ko. Tumingin ako kila mama at papa pati narin kay tita jamie na mukhang gulat na gulat sa sinabi ko.
"Ang alin anak?"
"Ayos ka lang ba anak?"
"May problema ba?"
Sunod-sunod na tanong nila, hindi naman siguro sila reporter no?
"Hehe. Wala po. Sabi ko lang na.. Hindi mangyayare na agawan ako ni jerbaks ng ulam. Muwehehehe"
Palusot ko. Maniwala kayo please!
"Who's Jerbaks?" -Papa
"Kaano-ano mo siya anak?" -Mama
"Jerbaks? Ano 'yun?" -Tita
"Hehehe, wala po 'yun! Katropapits lang po 'yun ni Ermats" sabi ko at mahinang tumawa.
Hindi nila alam kung sino si Ermats At si Manong Jerbaks? Hehe. Baka pag nalaman nila iwanan nila ko ulit. Huhu. Huwag ko nalang siguro sabihin. T_T
Muli ay nagalmusal na kaming apat na magkakasama-sama at masayang pamilya...
-Jasper's PoV-
Paggising ko ay may tumawag agad sa cellphone ko. Kinuha ko naman kaagad ito kahit tinatamad pa akong bumangon. -_-
"The hell is this?!" sabi ko at itinapon nalang ang cellphone ko sa pintuan.
Ilang minuto ay may tumawag muli. Hindi ko ito pinansin pero sa paulit-ulit narin namang tumatawag ay sinagot ko narin after 2 hours and 24 minutes and 9 seconds.
"How many load do you have to disturb me?!" sigaw ko sa kabilang linya.
"Hmm.. Mr.Carter?" boses palang niya ay alam kong hindi siya si papa.
"Nice to meet you, siguro naman ay.. Pinakilala na ako ng Papa Robert Lee mo tama?"
Sh*t this day.
Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa pakikinig ng kanyang susunod na sasabihin.
"Sadyang mapagbiro ang tadhana, Hindi mo pa ko nakikita, pinapapatay ka na.."
Pinapatay? Fck. Ibig-sabihin sa kanya talaga pinapatay.. Hindi siya ang puno't dulo ng lahat...
"Let me kill you" pagkasabi ko nu'n bigla siyang tumawa.
"HAHAHAHA! Ikaw papatayin ako? Impossible" sabi niya sa kabilang linya.
"B#llSh&t, Hintayin mo ko balang araw.. Papatayin kita...Williams..."
Ngayon alam ko na kung sinong kausap ko sa kabilang linya. Tumahimik saglit sa kabilang linya.
"Kung kaya mo--"
"Kayang-kaya Ko... Hindi ako magpapatalo mamatay kalang.." pagkasabi ko nu'n agad kong binaba ang cellphone at hinagis sa may pintuan.
Bumangon na ako sa kama dahil nawalan na ko ng gana matulog after I received the call.
Pagkatapos ay naghanda para patayin si Williams..
Nilagyan ko ng silencer ang baril ko..
Pagkababa ko kumain narin ako. Habang naghuhugas, nakarinig ako ng apak sa damo kaya para makasigurado ay tinalasan ko ang pandinig ko.
Apat sila...
Dahan-dahan kong inilapag sa lalagyanan ang plato at binuksan ang telebisyon.
Pinindot ko ang button sa cellphone ko. Automatic na nagsara lahat ng pintuan at mga bintana.
Automatic narin itong naglagay ng proteksyon at meron naring trap sa labas kung saan kapag naapakan ang trap na iyon sasabog.
Ilang minuto ang nakalipas isang pagsabog ang narinig ko. Tss, Mga T@ng@..
Nakarinig ulit ako ng pagsabog. Pero iba ito sa pagkakarinig ko. Magkaiba siya sa tunog kanina.
Sinusubukan nilang wasakin ang pintuan. Nagdala ako ng Gun at nilagyan ko narin ng silencer.
Pumwesto ko sa tapat ng pintuan. Pinindot ko ang button sa cellphone para bumukas ang proteksyon sa pintuan.
Pinaputukan ko silang lahat ngunit nakatakas ang isa. "Sh*t" mura ko at hinabol ko siya.
-Narrator's PoV-
Tumatakbo ang lalake. Nakatagpo siya ng isang apartment at pumasok sa loob.
Nakabangga siya ng babaeng may dala-dalang gamit. Nakabangga rin siya ng dalawang tao.
"Ayy!"
"Hoy! Ano ba?! Lasing ka ba!"
"Hoy!"
Reklamo nila. Hinabol siya ni jasper. Pumasok rin siya sa loob na may dala-dalang baril.
Habang tumatakbo. Lahat ng babaeng nakakasalubong niya nagpapacute sa kanya. Hindi niya ito pinansin..
Paakyat ang lalake nang paputukan niya si jasper. Buti nalang ay nakailag si jasper sa ligaw na bala.
Mabilis na umakyat ang lalake papuntang third floor. Nagtago siya sa isa sa mga room.
Nang makarating si jasper sa third room. Isa-isa niyang binuksan at tinignan ang nasa loob.
-Jasper's PoV-
Ano ba 'tong pinasukan ko, Apartment ba talaga 'to? -_-
Nang muli kong buksan ang huling pintuan. Nakita ko ang lalaking tumalon mula sa bintana.
Agad akong pumunta sa bintana. Nakita kong nakaligtas siya sa isang swimming pool.
Mabilis akong bumaba hanggang makarating ng swimming pool. Habang bumababa, tinawagan ko si papa.
"Jas-"
"Pa! May mga gustong pumasok sa bahay kanina. Tulungan mo kong hindi makatakas ang isa"
Sabi ko habang papunta na sa first floor.
Agad namang pumayag si papa at magpapadala raw siya ng mga tauhan.
Nang makarating ako sa swimming pool ay hindi ko na makita ang lalake. Sinipa ko ang upuan sa may tabi ko
"BullSh&T!" mura ko at kinuha ang upuan sabay bato sa pool.
Pagkabalik ko sa bahay muli ay tumawag si papa.
"Hindi na nila nahanap ang lalaki, nakita mo ba?"
"No, Uncle, he's fast.. Natakasan niya ko" sagot ko habang umiinom ng tubig.
"Ok, magpapadala na ko dyan ng dalawa kong tauhan upang bantayan ka"
"No need"
"No Need? I need to know you're safe Jasper--"
"Uncle--"
"Shut your mouth! Susunod ka sa ayaw at sa gusto ko, maliwanag?" sabi ni papa sa kabilang linya.
"Yes, Pa" sagot ko at yumuko. I hung up the phone before I throw it in the door. "F*ck this sh#t" paulit-ulit kong sinasabi.
-Williams PoV-
Naninigarilyo ko habang hinihintay ang resulta ng pinauutos ko. Ilang segundo ang nakalipas may nagdoor bell sa pamamahay ko.
Binuksan ito ng aking maid at nakita ko ang isa sa mga tauhan kong basang-basa.
"Tell me what happened" sabi ko habang inilalabas ang usok mula sa bibig ko.
Lumunok siya bago mag-salita. "Boss, palpak po eh, napatay niya po ang tatlo ako lang po ang nakatakas" pagkasabi niya ng mga salita 'yun ay agad kong inilabas ang baril ko.
"B-Boss, wala naman po ito sa usapan d-diba po? Nasaan na po 'yung p-pera?" sabi niya at lumunok sabay tingin sa hawak kong baril.
"Pera?" kinuha ko ang $100,000 at ibinigay sa kanya. Tuwang-tuwa naman siya. Nilagyan ko ng silencer ang baril ko.
"B-Boss! Maraming salamat po talaga! Biyaya po ito sa akin! Pwede na po ba akong umalis?"
"Sige pwede na"
Nang tumalikod siya mabilis ko siyang pinatay. "Pero wala akong sinabi na makakaalis ka ng buhay" bulong ko sa tenga niya.
Tumingin siya sa aking nakamulat ang mata bago mahugutan ng hininga...
Tinawag ko ang guards at pinalinis ko sa kanila. Matapos nila itong gawin binigay ko sa kanila ang $100,000.
Tuwang-tuwa naman sila at nagpasalamat narin.. pagkaalis nila sa kwarto ay nagpadala ako ng e-mail.. Muli akong naghanda mula sa pagkikita namin...
.
.
.
.
.
.
.
.
....ni Jasper John Carter....
-Jasper's PoV-
*Ding-Dong!*
"The hell" bulong ko at tumayo sa kinauupuan ko at tinignan kung sino ang nasa may pintuan.
Dalawang lalaki na nakablack-suit. Ito na siguro 'yung guards na pinadala sa akin ni papa.
Binuksan ko ang pintuan at agad na inilabas ang baril ko. Nagbigay sila ng card at agad ko naman kinuha iyon.
"Cologne Company.." sabi ko. Nakita ko ang pirma ni uncle, tss, sila nga. Pinatuloy ko sila sa loob at muling sinara ang pintuan.
Ang isa ay nakabantay lagi sa akin at 'yung isa naman ay pasilip-silip sa buong paligid.
"Stop f**king looking around... And you! Don't you dare touch me, let me fking kill you. Bit**!" sigaw ko at binuksan ang tv.
Nagtinginan lang sila at pinatuloy parin nila akong bantayan. -_-
-Abigail's PoV-
"Mama? Papa? Pwede po ba tayong magmall?? Namiss ko po iyon!"
"Oo naman anak" sabi ni mama.
Si papa ay lumabas at hinanda na ang kotse... "Huy! Sama ko" singit ni tita jamie.
"For family lang" biro ni mama. Nagpout naman si tita jamie kaya natawa kami pareho.
"Syempre bestie, Oo naman! Ito naman! Nagbibiro lang ako eh, parang hindi ka na nasanay"
Pinalo pa ng pabiro ni mama si tita. Ngumiti naman si tita jamie. "Oh siya, bihis lang ako wait lang" sabi ni tita jamie at lumabas ng apartment.
"Aalis na kami!!" birong pahabol ni mama at pareho na naman kaming tumawa.
Pagkasabi ni mama nu'n agad na nakarinig kami ng ilang dabog at mabibilis na pagkilos. Hahahaha!
Tawa kami ng tawa ni mama. "What happened here? Something wrong?" tanong ni papa.
"Wala po hehe, binibiro lang po ni mama si tita" sabi ko at ngumiti.
"Yeah, let's go?" yaya ni mama at papalabas na kami nang biglang humarang si tita sa pintuan at hinahapo.
"Phew! Buti nakaabot pa ang magandang prinsesa ng apartment na'to" sabi niya.
"Prinsesa, ni hindi mo pa nga nahahanap Prince mo! Princess Princess ka pa dyan!" sabi ni mama.
Nag-pout lang si tita at sinundan na kami hanggang sa parking lot.
Nang makasakay kami sa kotse, nag-drive na si papa, katabi niya si mama samantalang sa likod ay katabi ko si tita na kumakain ng chocolates..
"Ang sarap pala ng kitkat" basag ni tita sa katahimikan. Ngumiti lang ako sa kanya.
Nang makarating kami sa mall, naggroceries si mama kasama si tita! Tapos kami ni papa ay nagshopping!! *0*
Habang nagcocompute ang cashier.. Kinausap ako ni papa.
"Anak, hindi ka na tutuloy sa apartment ng tita mo"
Nanlaki naman ang mga mata ko at tumignin kay papa.
"Bakit po?! May multo na po ba doon?? Naku patay! Kailangan ko na po talaga lumipat! Pakibilisan naman po iyan ate!" sabi ko sa ateng cashier. Ngumiti naman siya at tumingin sa akin.
Napansin ko ang lahat ng nasa shop ay nakatingin sa amin ni papa. Medyo nalakasan ko siguro 'yung sinabi ko.
"Hehehe, sorry po, sorry po...sorry"
Yumuyuko-yuko at nagbobow pa ako.
Sa totoo lang hiyang-hiya na ako ngayon sa sarili ko.
"Abigail, walang multo doon.. Lilipat ka na sa bahay namin ng mama mo. Magkasama-sama na tayong pamilya"
Nakangiti niyang sagot habang binabayaran ang cashier.
Ahh..ganun pala 'yun.."Pero paano po si Tita Jamie?" tanong ko kay papa. Ngumiti naman siya at sinabing..
"Don't Worry, titira rin siya doon, or pwede siyang magvisit any time.. Kakausapin namin siya ng mama mo later" paliwanag ni papa. Tumango lang ako at umalis na kami ng shop.
After 3 hours bumalik kami sa bahay na maraming dala. Inayos ko ang aking mga gamit habang si papa at mama kausap si tita.
Pagkatapos ko magempake nakita ko rin si tita na may dala-dala ring bag.
"Hehehe" sabi ni tita at ngumiti sa akin.
*0* ibig-sabihin, Sasama si tita?!
"Waaaa~~~!!! Tita sasama po kayo?!" gulat kong tanong.
Tinakpan niya ang kaliwa niyang tenga. "Over teh? Oo naman! Bakit naman hindi diba?" sabi ni tita at nagpose pa.
"Yay! l love you tita!" sigaw ko at niyakap siya.
"Love you too pamangks!" sabi niya at niyakap rin ako ng mahigpit.
"Pero paano po 'yung apartment?" tanong ko matapos humiwalay sa pagkakayakap namin sa isa't-isa.
"Hmm.. Madalas nalang ako bibisita dito. Hehehe" sabi ni tita.
"Oh siya, Tama na ang daldalan. Tara na!" singit ni mama at lumabas na kami ng apartment.
"Okie!" -Me (^_^)
"Kk!" -Tita (^^)