Perfect Imperfections (Rush B...

By Shiningpencil

27 6 0

Rush Beast Series #7 Kapag ba nagmamahal ka nakabase ba ang pagmamahal mo sa flaws niya? At tanggap mo ba ang... More

Perfect Imperfections
Cedrix Clark Galvez Bilarmino
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3

Simula

8 1 0
By Shiningpencil

Simula



"Why are you doing this? Paano mo natitiis ang manirahan sa lugar na ito? Really, Elina Josefina? " diring diri ang pinsan kong si Choloe habang ginagala ang tingin sa loob ng kwarto ko.

Binato ko siya ng damit ko kaya napaangal siya lalo at sumama ang tingin sa akin.

Inayos ko ang higaan kong nagusot dahil sa mga batang naglalaro lang kanina.

"Mas gusto ko dito, Choloe. At mas maganda ang mabuhay ako sa sarili kong mga paa. At gusto kong mapag-isa like adventure! " sabi ko at tumawa.

'Di makapaniwala akong tinapunan ng tingin ni Choloe.

"Alam mo ikaw lang ang nakilala kong babae sa mundo na mas pinili ang hirap kaysa sa yaman!"

Pinandilatan ko siya at tinungo ang labahan ko at inayos ang mga damit para lalabhan ko na lang mamaya.

"Mas better kapag mahirap. Kahit walang pera masaya pa rin. Doon mo mararamdaman ang tunay na saya kasi kahit walang pera nag tutulungan kayo para lang makahanap ng pera. " Doon siya hindi nakaimik dahil sa sinabi ko.

Narinig ko na lang siya na nag buntong hininga na talaga namang narinig ko.

Nilingon ko siya dahil doon at nakita ko ang awa niya sa akin.

"Bumalik kana, miss kana ni Grandpa. Promise, bumalik kana. We're always begging you to come back to our home, where you really belong. Kahit sina Tito and Tita nagmamakaawa na rin sa'yo, parents mo sila baka nakakalimutan mo kaya please. Bumalik kana. "

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya hindi ko siya sinagot dahil lumabas ako ng k'warto ko dala ang mga labahan ko. Sakto naman na nakasalubong ko ang mga bata at bigla akong inaya sa labas, isa na rin sa dahilan kaya hindi ko nakausap si Choloe.

At saka nagsasawa na ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya ng sinasabi iyon. Siguro pang dagdag word count niya sa bawat chapter ng buhay niya.

Pero sa totoo lang si Choloe lang ang mapagkakatiwalaan kong pinsan. Hindi ko kasi mapagkatiwalaan ang iba kong pinsan dahil ang tingin nila sa akin ay pariwara. Pero para sa akin hindi ako pariwara, matapang ako kasi ipinaglaban ko kay Grandpa ang gusto ko.

At ito ang gusto ko. Ang makasalamuha ng mga bata at mapasaya sila at ituri ko silang mga anak ko.

"Ate, si Jesusa may sakit po siya ayaw po niyang kumain. " kalabit sa akin ng batang si Biboy.

Pinuntahan ko si Jesusa sa k'warto nila kasama ko si Choloe na dinudumog ng mga bata.

Hinayaan ko na lang siya kasi mukha namang natutuwa siya. Hindi naman madumi ang mga bata rito. Mababait sila at talagang malinis. Alagang madre din kasi at doktor.

At ito ang gusto namin para sa mga bata ay ang kaligtasan nila.

Gumagaan ang loob ko kapag nakikita ko ang mga ngiti nila, lalo na kapag nakikita naming maayos ang kalagayan nila. At hindi lang ang loob ko ang gumagaan pati na rin ang mga madre. Talaga namang napalapit na ang loob namin sa mga bata. Wala pa silang alam sa mundo nakamulatan na nila na wala na silang magulang.


Ang iba sa kanila ay wala na talagang magulang ang iba naman ay pinabayaan na.

Hinagkan ko ang noo ng natutulog na si Jesusa, yakap yakap nito ang paborito niyang manika.

Nagising siya dahil sa magaan kong halik sa noo.

"Ate Elina... " maaligagas ang bata nitong boses dahil kakagaling lang niya sa sakit.

Matamis ko siyang nginitian. "Magaling kana ba, Jesusa? Para makapaglaro na tayo alam mo ba miss kana ni Ate kalaro."

Lumungkot ang itim niyang mga mata. "Ate, magaling napo ako. Kaso ate baka umatake na naman po ang asthma ko. Ayaw ko papong mawala at iwan kayo... "

Biglang nag init ang sulok ng mga mata ko dahil sa sinabi niya. Napaka advance naman ng batang ito.

"Ikaw talaga. " pinisil ko ang ilong niya habang mahinang tumatawa. "Hindi ka mawawala, hangga't may nebulizer ka makakahinga ka. At saka hindi ka naman mapapagod, kasi ayaw kang pagudin ni ate. " sabi ko sa kaniya at niyakap ko siya.

"Cute cute mo talaga." Bumungisngis ako at pinisil ang matambok niyang pisngi na mamula-mula.


"Eh paano po kapag wala ng nebulizer?"

"May lagayan naman ng tinapay ng pandesal. P'wede ka roong huminga, easy! "

Tinawanan niya ako. "Si Ate talaga. "

Pero nginitian ko lang siya. Kapag nakikita ko silang masaya masaya na rin ako. Mababaw lang ang kaligayahan ko pero mahirap ibalik ang kaligayahan ko kapag nasira iyon.

"Jesusa, lumaban ka ha? Kasi masasad si Ate kapag nawala ka."

Tumango ang maamong mukha ni Jesusa. Maputi siya, kasing puti niya ang gatas at mamula mula palagi ang balat.

Pinagpala siya ng itsura. Pakiramdam ko artista ang magulang niya at mayaman. Sana lang ay hanapin nila si Jesusa, para hindi mag hirap ang bata rito sa bahay ampunan.


"Sister, may singing contest daw sa baryo. Thirty thousand daw ang premyo kapag nanalo. Eh 'di ba maganda boses mo? Gora kana, Sister Elina! " sabi sa akin ni Sister Era at sinundot ang baywang ko.


Tinawanan ko naman siya. Kung makipag usap talaga siya sa akin akala mo hindi madre eh. Parang iyong madre na may hawak na shotgun ang kilos.

"Naku, hindi ako magdadalawang isip na sumali talaga. Dahil pera na rin iyan. " sabi ko at sinundan ng tawa.


Napailing si Sister Era. "At saka donation ko na rin sa ampunan. Kaya gagawin ko ang lahat para manalo, Sister!" Malaki ang ngiti kong sabi.


"Sister, huwag ka ng mag abala. Okay lang kami, isipin mo naman ang sarili mo."



"Sister Era, kaya ko napo ang sarili ko. At wala po akong mabibili sa thirty thousand. Kaya sa inyo na lang po ito para sa mga bata."

Napabuntong hininga na lang siya at hindi na nakipag talo sa akin.


TINAPOS ko na ang labahin ko pagkatapos ay inaya ko ang beking si Beklang na samahan ako sa audtion sa barangay.

Maaga pa lang pero ang haba na ng pila. Napapansin ko rin na halos lahat ng babae sa pila ay nag aayos.


"Te anong meron? Bakit todo ayos kayo? Singing contest po ito hindi make up contest. " nasiko ko ng wala sa oras si Beking dahil sa sinabi niya.


Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Totoo naman kasi," inis na bulong niya.




"Ay, hindi niyo knows? Pogi 'yong mag ja-judge sa atin. Dumalaw daw dito para mamili ng mga makakapasok!" Parang kinikilig na bulateng inasinan na ito pagkatapos ay bumalik sa pagbla-blush on na parang blush on ni Sassa Gurl.


Napakamot na lang ako sa pisngi ko. Nakakahiya naman 'yong itsura ko. Simpleng t-shirt lang at pantalon. Walang lipstick o liptint, tanging laway ko lang ang nagpapapula sa labi ko.


"Hindi ka na gaganda kasi sobrang ganda mo na. " mahadera ko namang tiningnan si Beking dahil sa sinabi niya.


Itong baklang ito napaka bolera talaga kahit kailan.

"Oo, dai! Maganda kana nga. Feeling ko nga kakanta ka pa lang pasok ka na!"


"Shhh, ang ingay po. " biglang saway sa amin kaya napairap si Beking.




"Papansin, 'di naman pantay 'yong eye liner." Bulong niya kaya nakagat ko ang pang-ibabang labi ko para mapigilan ang nagbabadyang tawa.


"Sino ba kasi iyang poging judge na iyan at ng makantahan ko na?" natawa na akong tuluyan dahil sa sinabi ni Beking, noong una kasi ay parang nang hahamon siya ng away tapos biglang humarot ang boses sa bandang dulo.

Biglang may lumabas na van galing sa barangay hall tapos narinig na lang namin na nagsitilian ang mga babae dito. Daig pa ang nakakita ng artista kung makatili.

Ngumiwi ako nang masiko ako. Napalo pa ako ng papel sa braso dahil sa gigil nila. Hindi ko namalayan na muntik na pala akong matumba sa sasakyan, kaya ang ending napatigil ang sasakyan at napawi ang tilian lalo na noong bumukas ang bintana sa bandang driver seat at ang nakasimangot na lalaki ang bumungad sa aming lahat.



Nakasalamin ito at hindi nakikita ang mga mata ngunit nararamdaman ko na tumatagos ang tingin niya sa akin mula ulo hanggang paa ko. Lalo na sa bandang dibdib ko. Napayakap ako bigla sa sarili ko at umayos ng tayo.

Bahagya ring nagsalubong ang kilay ko. Bastos 'to ah!


Matangos ang ilong niya, lalo na't naka sunglass siya. At hubog palang ng mukha niya ay halatang makalaglag panty ang kagwapuhan.


"Hey, wala ka bang nakikita? " biglang nagtilian ang lahat nang marinig nila ang malalim na boses nito.



Parang hindi sila na offend sa pag susungit nito. Sa bagay ako lang naman ang sinungitan niya, hindi sila.


Napaatras ako upang makalayo habang nasa lupa ang tingin. Pakiramdam ko napahiya ako kahit pa ako na ang muntik na madisgrasya.


Naramdaman ko pa ang pag hawak ni Beking sa siko ko kaya nilingon ko siya.



"Baks, tara na. Lumayo kana baka ako ang pumalit sa sitwasyon mo at magpagahasa este magpasagasa talaga ako, ang pogi kasi beks eh. "


Kahit bumigat ang pakiramdam ko ay nagawa ko pang matawa kay Beking.



Nawala na ang lalaki pero pakiramdam ko nandito pa rin siya. Dahil sa pabango niya na parang kumapit pa nga yata sa akin. Lalo na ang mga titig niyang nakakapaso.




Pero ang masasabi ko lang ay masungit siya. At feeling guwapo kahit totoo namang guwapo siya.


At manyak!




Don't forget to vote, share, and comment your thoughts lovelots.

.

Perfect by Simple Plan:)

Continue Reading

You'll Also Like

14.3K 891 12
Gie knew joining the team of interns who will interview the notorious criminals in the supermax would be suicide, but in order to secure a scholarshi...
2.8M 44.8K 58
[Book 2 of 3] Tears shed, sacrifices has been made, complications hindered. After the long story of chase and heart breaks, Derick and Erica managed...
2.2M 30.7K 98
Dominic De Salvo has it all. Until an incident in his life came kung saan gusto niya na magbago. Walk away sa mga ginagawa niya that he believes na n...
226K 4.1K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...