The Devil's Innocent Bride

By Ajai_Kim

179K 5.5K 983

Si Stefan Mikhaylov Roman Giovinco ay nagpalaki ng batang babae at pinangalanan itong Sophia Stefan matapos m... More

The Devil's Innocent Bride
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Author's Note

Huling Kabanata

6.6K 174 94
By Ajai_Kim

"LUMIPAS ang ilan pang mga buwan at tuluyan nang gumaling si Sophia. Nakakaalala na ito sa mga nangyari ngunit parang ayaw na nitong pag-usapan iyon. Patuloy ang pag-akto nito na tila parang inosenteng bata, pati ang kilos at pananalita ay nag-iba na rin.

Sinabi ni Doc Keya na intindihin na lamang si Sophia dahil sa malaking epekto ng trauma na naidulot nito sa kanya ni Ali. Mas mabuti na bigyan na lang ng panibagong magandang memories at experience ang babae para mas tuluyan itong mapabuti.

Si Jacille at Louie naman ay nagkakamabutihan na. Noong una ay magkaaway ang dalawa pero sa huli ay naging lovers na hindi na mapaghiwalay. Naniniwala na talaga tayo sa kasabihang "The more you hate, the more you love."

Si Kidd ay isa nang Mafia boss at ito ang namamahala sa underground society na iniwan sa kanya ni Stefan sa tulong na rin nina Sasha at Neo. Si Sasha ay tuluyan nang nakamove-on kay Stefan at may boyfriend na ito, samantalang si Neo ay single pa rin at ine-enjoy ang pagiging binata kahit malapit nang mag-40 ang edad.

Nagpakasal muli sina Sophia at Stefan at ito ay pinaghandaan at pinagkagastusan. Imbitado ang kanilang mga kaibigan sa kasal na ginanap.

Bago ginanap ang kasal ay dinalaw ni Sophia ang nakatatandang kapatid ni Jacille na si Dominic mula sa isang mental health facility upang kausapin ito at bakit nagawa nitong patayin si Andres Garcia. Puro pag-iyak lamang ang ginawa ni Dominic nang makausap niya at ilang beses na humingi ng tawad.

Hindi na maibabalik ng katagang sorry ang buhay ni Andres. Hindi man maganda ang ugali nito at ito'y makasarili ay hindi solusyon ang pagkitil ng buhay nang dahil sa matinding obsession sa kanya.

Nagkalayo man sila Sophia at Stefan, nawala ang taong matinding balakid sa buhay nila, at nagdusa sila sa hirap at sakit na kanilang pinagdaanan ay nagpapasalamat pa rin sila na naging magkasama sila sa huli. Muli nilang tatahakin ang panibagong landas, kasama ang kanilang pagmamahalan hanggang sa huli.

Si Sophia ang matatawag na The Devil's Innocent Bride ni Stefan."

"WALANGHIYA ka, Stefan! Ginawa mo pa akong kontrabida at manyak sa Romance-obsession story na sinulat mo. Bakit parang superhero ang role mo dito tapos ako ay pedophile na nga tapos manyak pa?!" reklamo ni Ali na napakamot sa batok. Kakatapos lang nila basahin ni Sophia ang published story na may pamagat na The Devil's Innocent Bride na isinulat ni Stefan nang mahigit tatlong buwan.

"Bagay naman sa'yo 'yong role mo sa story, Tatay Ali. Mukha ka kasing kontrabida at nakakatakot," Humagikgik ang 25 years old na si Sophia na inakbayan ni Stefan.

"Malayong-malayo na magagawa ko ang mga bagay na 'to sa'yo, Sophia. Mataas ang respeto at paggalang ko sa'yo bilang itinuturing mong ama. Magpapakamatay na lang ako kung masasaktan kita nang ganito," seryosong saad ni Ali na tumabi sa dalaga at inakbayan rin ito.

Silang tatlo ay ulilang lubos at wala nang mga magulang. Napag-alaman nina Stefan at Ali na kaya inabandona si Sophia at itinapon sa basurahan sa harap ng simbahan ay dahil parehong wanted ang mga magulang nitong Irish national sa Ireland dahil sangkot sa illegal sex trafficking ng bansa nila. Nagtago ang mga ito sa Pilipinas kasama ang bagong panganak pa lamang noong si Sophia at napatay ng mga pulis sa isang engkuwentro sa hideout na pinagtataguan ng mga ito.

Si Ali ay isa nang ganap na Manager sa gasoline station na matagal nang pinagtatrabahuhan nito, si Stefan naman ay may-ari ng isang publishing house at nagsusulat ito ng mga story na may ibat-ibang genres, habang si Sophia naman ay nagtatrabaho bilang high school teacher sa isang pampublikong paaralan na malapit sa kanilang tinitirhan.

Malayo ang kanilang buhay mula sa isinulat na story ni Stefan na The Devil's Innocent Bride. Si Sophia ay engaged na sa kapwa nito high school teacher na si Migos Altamonte.

"Alam ko naman 'yon, Tatay Ali. At saka 'di ba parang nakakasuka lang na magkakagusto kayo sa 'kin ni Tatay Stefan e, sobrang tanders n'yo na!" pang-aasar ni Sophia at binelatan si Ali na kunwaring nasaktan sa sinabi ng anak.

"Ang sakit mo naman magsalita, Sophia! 39 years old pa lang naman kami ni Stefan at saka mukhang kuya mo nga lang kami. Ilang beses na ba tayong napagkakamalang tatlo na magkapatid imbes na tatay mo? Maraming beses na, at ang guwapo ko naman para masuka ka sa kaisipang 'yan. Tsk!" saad ng lalaki.

Natawa si Sophia dahil ang defensive ng sagot ng kanyang Tatay Ali. Binibiro niya lang ito dahil totoo namang mukhang magkakapatid lang silang tatlo ng Tatay Stefan niya.

"Good evening po,"

Sabay-sabay silang lumingon sa kapapasok lang sa loob ng kanilang bahay na si Migos. May dala itong tatlong boxes ng pizza, bouquet of roses, at isang plastic ng mga inumin na binili nito sa convenience store.

Sinalubong ni Sophia ang fiancé na kaagad niyang hinalikan sa labi. Napakamot na lang sa ulo ang dalawang mag-ama dahil sa nasaksihan. Masyadong clingy ang kanilang anak kay Migos at kailangan nila itong maturuan kung paano maging Maria Clara at hindi pabara-bara sa mga kinikilos.

"Good evening, mahal! Bakit nandito ka na naman? Kapupunta mo lang dito kagabi tapos nandito ka na naman ulit. Gano'n mo na ba ako kamahal at kamiss?" nakangising tanong ni Sophia kay Migos na natawa, inabot ang hawak na bouquet of roses sa kanya, at hinalikan siya ulit sa labi. Nagpacute pa si Sophia at inayos ang suot na eyeglasses ng fiancé.

May kaya ang pamilya ni Migos at only child lang ito. Tanggap naman siya ng parents nito. Isang Professor sa isang sikat na unibersidad sa Maynila ang ina ni Migos samantalang abogado naman ang ama. Passion ni Migos ang pagtuturo katulad ng ina kaya kumuha ito ng kursong Secondary Education at nakilala si Sophia sa pinasukan nilang university. Dahil matalino at scholar si Sophia ay nakapasok ito sa pribado at kilalang university kung saan nag-aaral si Migos at doon ay nagkakilala ang dalawa.

Dalawang taon na nanligaw ang lalaki kay Sophia at hindi naging madali iyon dahil noong una ay tutol sina Stefan at Ali na magkaroon ng nobyo si Sophia, ngunit pinatunayan ni Migos sa sarili na karapat-dapat siya para kay Sophia kaya sa huli ay natanggap na rin siya ng mga ito hanggang sa naging sila ni Sophia at isang taon makalipas na naging nobya niya ito ay kaagad siyang nagpropose.

Takot siyang maagaw sa kanya si Sophia dahil saksi siya sa maraming lalaki na nagtangkang manligaw at agawin ito mula sa kanya.

Sino ba naman ang hindi mabibihag sa angking kagandahan at kabaitan ni Sophia? Napakasuwerte niya at siya ang minahal nito laban sa mga lalaking minsan ay hindi na rin nahihiya na magpapansin sa babae kahit alam nila na may nobyo na ito.

"Of course, I'll always miss you, at gusto ko rin makabonding ang mga tatay mo," sagot ni Migos at lumapit sa sala kung nasaan sina Stefan at Ali.

Hindi na nahiya si Ali na kunin ang mga dalang pagkain ni Migos at ito na ang unang kumain. "Salamat sa dala mong pizza at mga inumin, Migos. Kaya gustong-gusto kita para kay Sophia dahil mabait at thoughtful ka pa!" pambobola ni Ali dahilan para samaan ito ng tingin ni Stefan. Natawa lang si Ali sa reaksyon ng kaibigan.

"You're welcome, Kuya Ali." nakangiting saad ni Migos hanggang sa mapukaw ang atensyon nito sa librong The Devil's Innocent Bride na nakapatong sa lamesa.

"Is this your new published book, Kuya Stefan?" tanong ni Migos na kinuha sa lamesa ang libro at tiningnan ang book cover.

Sa book cover ay may mukha ng isang lalaking may mahabang buhok at maraming tattoo sa mga braso na kahawig ni Stefan, at isang babaeng nakapikit na nakasuot ng puting gown, kulay kahel ang buhok, mestisa ang balat, at kamukhang-kamukha ni Sophia. Nakaharap ang dalawa sa isa't-isa.

Tumango si Stefan at kumuha ng isang slice ng pizza na kinakain ni Ali. "Gumawa ako ng story na related sa atin. Kung may oras ka ay basahin mo 'yan."

Hilig ni Stefan ang magsulat ng istorya simula noong bata pa lamang siya. Kahit anong genre ay kaya niyang isulat. Malawak ang kanyang imahinasyon sa lahat ng bagay at gusto niyang subject sa kanyang mga isinusulat ay ang mga taong kilala at importante sa buhay niya.

Nang makaipon mula sa ibat-ibang klase ng trabaho na pinasukan ay naisipan niyang gumawa ng isang maliit na publishing house at maglimbag ng mga naisulat niyang kuwento. At ang latest na naisulat niya ay ang Romance-obsession story na may title na The Devil's Innocent Bride. Hango ito tungkol sa kanya, kay Sophia at sa mga taong nasa paligid at kakilala nila.

"Ginawa ba naman akong demonyo ni Stefan sa story na 'yan tapos ginawa pa niyang second lead 'yong role mo d'yan. Ang bait niya para gawan tayo ng story, no?" sarkastikong pagbibiro ni Ali na ikinatawa ni Sophia.

"Really? That's okay because this story exists only in fiction, pero sa totoong buhay ay ako ang totoong mahal ng anak n'yo." sabi ni Migos at nginitian si Sophia na kinilig sa sinabi nito at inamoy ang hawak na bouquet of roses.

"Maraming salamat sa pagmamahal mo kay Sophia, Migos. Simula noong bata pa lang siya ay prinotektahan at inalagaan na namin siya nina Lola Remy at Ali kaya sana ay mahalin mo siya ng tapat at huwag mo siyang sasaktan dahil kapag ginawa mo 'yon ay hinding-hindi ka namin mapapatawad." seryosong ani Stefan.

"Makakaasa po kayo, Kuya Stefan. Sophia is the only one I love and who matters to me. I will never hurt her. I will take care of her and provide for all her needs." seryoso ring sagot ni Migos.

Tumango si Stefan dahil nagtitiwala naman siya kay Migos. Mabuti at responsable itong lalaki. Wala siyang masabing hindi maganda rito.

***

"ALI, ayos ka lang ba?" tanong ni Stefan nang makita si Ali sa loob ng kusina na mag-isang tinutungga ang pangatlong bote ng beer na kanina pa nito iniinom.

Alas-tres na ng umaga at nakauwi na si Migos, sumama rito si Sophia at mag-oovernight sa condo unit ng fiancé.

Umiling si Ali. "Stefan, katulad nang isinulat mong istorya ay tama ka, mahal ko si Sophia at alam kong mahal mo rin siya pero hindi pupwede itong nararamdaman natin dahil hanggang ama lang ang tingin niya sa atin." malungkot nitong saad.

Bumuntonghininga si Stefan at tinabihan ang matalik na kaibigan. Binuksan niya ang isa pang bote ng alak at tinungga ito.

"Mga bata pa lang tayo ay kilala na kita, Ali. Nakikita ko na katulad ko ay malaki ang pagpapahalaga mo sa pamilya natin, lalo na kay Sophia. Pinipigilan mo ang nararamdaman mo, at mas lalo akong humanga sa'yo dahil nagparaya ka para maging masaya siya sa lalaking tunay niyang mahal."

Masaya siya at nakilala niya si Ali, kasama niya ito na pinalaki si Sophia at itinuring na parang anak ang bata. Malas lang dahil pareho silang nagkagusto sa batang ito. Pero gayunpaman ay kailangan nilang pigilan ang nararamdaman. Nagparaya sila para sa kaligayahan ni Sophia, at masaya sila dahil nakatagpo ito ng lalaking tapat at handa siyang mahalin hanggang sa huli.

"Ang hirap naman kasing makalimot. Hindi na tayo nakapag-asawa nang dahil sa kanya. Si Sophia na lang ang palaging laman ng utak at puso ko. Aishhh! Bakit ba kasi simula noong nag-18 siya ay nagkagusto ako sa kanya at ngayon ay mahal ko na siya?" umiling si Ali.

"Hindi natin mapipigilan ang magmahal lalo na kung sobra mong pinapahalagahan at binibigyan ng importansya ang taong 'yon, pero mas maganda 'yong pagmamahal natin bilang ama kay Sophia, dahil iyon ang hinding-hindi mabubuwag kaysa naman mahalin natin siya nang mas higit pa." ani Stefan.

Natigilan si Ali, pagkaraan ay tumango at sumang-ayon sa sinabi ni Stefan. Tama ito, maaaring mabuwag ang relasyon ng magkasintahan o mag-asawa pero ang pagiging ama nila kay Sophia ay mahirap buwagin.

Kahit mahal nila si Sophia nang higit pa sa pagiging anak ay dapat makontento na lang sila na nakakasama nila ito.

Sa librong The Devil's Innocent Bride ay pareho nilang minahal si Sophia, siya ay sa masamang paraan at si Stefan naman ay sa mabuti, pero sa totoong buhay ay pantay ang pagmamahal nila rito, at siya ay minamahal si Sophia nang may pagrespeto at paggalang.

Hinding-hindi niya magagawang saktan o ipilit ang sarili sa batang inampon nila ni Stefan kahit inosente ito.

THE END

Continue Reading

You'll Also Like

991K 21.1K 44
|| COMPLETED || BOOK 1 || EDITING King Hadrianus Armani, a half Italian and a well known Ruthless Business man. He is a cold blooded, an emotionless...
6.5K 112 12
TDBS1: The Billionaire's Bride An illegitimate woman who conceals her royal blood while being destined to marry a ruthless billionaire.
7.2K 228 6
Short Stories Mga bawal na pag-ibig... •Pag-ibig ng Aswang (Paranormal) (COMPLETED) •Pag-ibig ng Engkanto (Paranormal) (COMPLETED) •Hiwaga ng Pag-ib...
407K 9.9K 55
R-18. SPG. Matured Content Lazaro Series #4 Sa kanyang bagong papasukan bilang Supervisor of Human Resources Department mas pinili niyang agad na ma...