Hiding The Billionaire's Twin...

By pretty_unknown17

2.8K 45 18

Oliver & Olivia Having your heart broken is a pain all in its own right, but keeping your feelings for someo... More

AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2

CHAPTER 3

80 1 3
By pretty_unknown17

A/N: Hello po, andito na naman ang author niyong lulubog-lilitaw HAHAHAHA
Anyway here's another chapter!

Enjoy reading!
P.S. sorry for the typos

📌feel free to correct my grammar po hehehe, hindi po talaga ako magaling sa english

***

OLIVIA POV
What the hell, is all I can say.

What happened to him? Did I say something that makes him upset? Ni hindi niya man lang ako pinagsalita basta na lang tumalikod agad eh.

“Ayy LQ”, I heard Kath said.

“Anyare anteh?”Juliette asked me.

Nagkibit balikat na lamang ako dahil hindi ko din naman alam kung ano ang isasagot ko eh.

Mabilis lamang na lumipas ang oras. At ngayon nga ay naghahanda na kami sa pag uwi.

Napalingon ako sa labas ng pintuan ng room namin at napailing na lamang ng hindi ko matanaw si Oliver.

I guess he's mad huh.

Tinignan ko rin ang phone ko at wala naman itong text.

Mukhang mag co-commute ako ng mali sa oras.

“Olivia sama ka samin, kakain kami ng street food may nakita kaming nagtitinda sa may labas ng gate ng school eh. ”, Kath said.

I just nodded my head at them dahil sakto naman na nag crave din ako ng street foods.

Sabay-sabay na kaming naglakad palabas ng university na pinapasukan namin.

Malapit na kami sa may gate ng bigla na lamang na tumigil si Kath sa paglalakad kaya napatigil din ako dahil nakahawak siya sa braso ko.

“Are you okay?”, I asked her habang sinusundan ang tinitignan niya.

And there I saw a guy with a girl kumakain sila ng street foods. Kung titignan ay mukha silang sweet na magjowa.

Mayamaya pa ay bigla na lamang na nagsalita si Kath.

“Uhm guys kayo na lang pala ang kumain, uuwi na ko”, she said.

Agad naman siyang tinawag ni Juliette ng makitang  naglalakad na palayo sa amin si Kath. 

“Huyy Kath, ikaw nag aya tapos iiwan mo kami”, Juliette said.

Agad naman na naglingunan sa direction namin ang mga tao dahil sa lakas ng boses ni Juliette. Mula rin sa kinatatayuan ko ay nakita kong natigilan sa pagsubo ng fishball yung lalaki na tinatanaw kanina ni Kath at binaling ang atensyon nito sa direction namin bago niya inilibot ang tingin.

At ng makita niya si Kath ay agad niyang ibinaba ang hawak na fishball bago ito hinabol. Hindi niya na alintana ang pagtawag ng babaeng kasama niya kanina.

“Well kaya naman pala umalis si eh”, rinig kong bulong ni Juliette.

I think that guy was familiar to me. I just can't remember when and where I saw him.

“Mga lalaki nga naman, sasabihin sayo na mahal ka pero makikita mo na lang na may kasamang ibang babae”, Juliette said sabay iling niya pa.

“Kaya ikaw girl mas mabuti na lang na maging single tayo atleast sa acads lang nababaliw at na naiistress”, she said.

“Huyy wag naman ganyan, huwag mo naman lahatin may mga matino pa naman na lalaki eh”, I've said.

Maraming bumibili na mga estudyante kaya medyo nahuli na kami na makabili sakto naman na nakabalik si Kath habang nasa tabi niya naman yung lalaki na humabol sa kaniya kanina.

“Oh anong arte natin ate gurl”, rinig kong tanong ni Juliette kay Kath.

“Tss”, Kath said.

“Sus arte mo di mo pa kase sagutin yan, hindi yung selos ka ng selos wala ka namang karapatan”, Juliette said.

Sinamaan lang siya ng tingin ni Kath. My ghod this two people, napailing na lamang ako.

I was busy eating kwek-kwek when I saw Oliver with a girl.

Naneto kaya pala hindi man lang sakin nagtext kase may babae na agad.

Well I guess I'll be going home alone.

To my horror they are both heading here. Siguro kakain din ng street foods.

Akma na akong pupunta sa may gilid ng marinig kong magsalita si Juliette.

“Olivia yung bestfriend mo oh may kasamang iba”, Juliette said na nagpapikit sa akin.

Damn Juliette.

Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko, at sumalubong naman sa akin ang mga mata ni Oliver.

Kita ko ang gulat sa mga mata niya pero iniiwas ko na lamang ang tingin ko.

“Uuwi ka na ba?”, Oliver asked me.

“Ah oo”, I've said.

“Antayin mo na ako”, He said.

Napatingin tuloy sakin yung kasama niya na babae.

“Ahh hindi na, mukhang may lakad ka pa ata” , I've said.

“wala na kaya ihahatid na kita”, he said.

“ Hindi na kaya ko namang umuwi mag-isa eh”, I've said.

“Alam ko na kaya mo pero ihahatid pa din kita sa ayaw at sa gusto mo”, he said at agad na akong hinila.

Ni hindi na ako nakapag-paalam sa mga kaibigan ko.

Rinig ko rin ang pagtawag sa kaniya ng kasama niya kanina.

“Teka lang ver, tinatawag ka ng kasama mong babae”, I've said to him.

Pero nagbibingi-bingihan lamang siya.

“get in”, he said as he opened the door of his car.

Tang*na neto bat parang siya pa yung galit.

“hindi na, kaya ko namang umuwi mag-isa may lakad ka pa ata eh”, I've said at akma ng maglalakad ng hilahin niya ako palapit sa kaniya.

“ang tigas ng ulo”, he said habang naiiling pa.

“ano ba!”, I've shouted, napipikon na ko eh kanina niya pa ako hinihila.

“Kalma via”, he said.

“Kalma mo mukha mo”, I've said.

“ang init naman ng ulo ng via ko”, he said.

I showed him my middle finger, which made him laugh.

He almost threw his head back laughing like a little kid.

“tuwang-tuwa pre”, I've said.

“Goodness gracious, why are you mad?”, he said as he stifled his laugh.

“hotdog”, I've said at muli ng naglakad palayo sa kanya.

Agaran niya naman akong sinundan.

“I should be the one who's mad”, he said.

“just wow, as I can clearly remember, I didn't do anything to make you mad”, I've said.

“Of course you did”, he said.

“My god, one moment we were okay and then the next thing I knew you already turned your back on me. What kind of behavior is that?”, I've said.

”And the fact that you didn't even text me, I was looking for you outside my classroom. But there's no you, I even checked my phone just in case you texted me but there was none. And then now I saw you with a girl, you could have texted me that you have some errands. Anyway why am I even mad gosh”, I've said, kitang-kita ko naman ang pagkagulat sa mukha niya.

“Come here, let's talk about it in a calm way”, he said.

“ I am not mad, I was just saying it”, I've said.

“I didn't say that you're mad, I just want us to talk calmly”, he said.

“Ah talaga ba?, bakit parang ganun ang sinasabi mo”, I've said.

“Baby calm down, are you jealous of her?, don't worry she's my classmate”, he said.

“Baby mo mukha mo”, I've said but deep inside I can feel the butterflies in my stomach being alive.

Iba na to ah, hindi ko na alam kung saan ako nagagalit. Sa part ba na hindi siya sakin nagtext o sa part na nakita kong may kasama siyang iba.

I mean hello, asan muna ang karapatan ko na magselos, eh best friend lang naman ako. Tsaka dadating naman talaga sa panahon na magkakagirlfriend si Oliver.

Wayback in our high school days during our 9th grade I already noticed that I am slowly falling in love with Oliver. But I had to stop these feelings, I don't want to ruin what we have right now.

I don't know when it started, but everytime I look at him I feel like my world suddenly went into slow motion.

Mayamaya pa ay naramdaman ko ang paghila niya sa akin.

“How did you make the tables turn huh?”, he said as I looked at him.

“I should be the one who's mad”, he said as I felt him kiss my forehead.

Wow bibigyan pa ata ako ng mixed signals.

“Kapal naman ng mukha pre, magagalit ka ng walang dahilan”, I've said at agad siyang tinulak palayo sa akin.

“I have reasons”, he said.

“Sige nga, bakit ka galit kanina?”, I asked him.

“Let's just forget it”, he said.

“See, hindi mo nga masabi ang rason kung bakit ka galit kanina kase wala naman talaga di ba?”, I've said.

“of course I have a reason”, he said.

“oh eh bakit ayaw mong sabihin sakin”, I've said. 

“Do you really want to know the reason?”he asked me habang nilalapit niya ang mukha niya sa akin.

“syempre naman”, I've said habang umaatras.

Naneto ang pogi talaga. Hindi ko na alam kung nahuhulog na ba ko sa kaniya ng tuluyan pero alam kong kailangan ko itong pigilan.

“Fine then, I was mad because you don't want to be in a relationship with me. I mean if the time comes I will consider it, I will f*cking risks our friendship”, he said.

Shet, sarap sa ears nun. Willing siyang mag risk pero at the same time nakakatakot din eh.

“I can't, we're better off this way. I don't want to risk our friendship. I don't want to lose you.”, I've said.

“Oh trust me via, you'll never lose me. ”, he said.

“di mo sure”, I've said.

“sure ako, I'll stay no matter what”, he said as if it was a promise for me.

“teka nga, why are we even talking about this para naman na may feelings tayo sa isa't-isa kahit wala naman”, I've said as I laughed because it was awkward.

Kase ako lang naman ang may feelings para sa kaniya. Dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako ang mga tipo niyang babae.

We both went silent after I said those words.

“Anyway let's go home”, I've said to remove the awkwardness.

Habang nasa biyahe pauwi ay nakatanaw lamang ako sa labas ng bintana.

Hindi ko maiwasan na hindi isipin ang sinabi ni Oliver kanina.

He would risk our friendship just for love. While me I can't even imagine us being in a relationship.

I don't want to risk our friendship. I'd rather lose our chance than lose him forever.

As they say we should always take the risk than live with what ifs  but for me I'd rather lose the chance.

I am already content with the friendship that we have. Risking our friendship just for love is a big no for me.

Sa mundo ng pag-ibig ay mahirap sumugal. Walang kasiguraduhan kung kami nga ba hanggang dulo o isa lamang siya sa mga tao na magbibigay sa akin ng aral.

Napailing na lamang ako ng marealize ko ang mga pinag-iisip ko. Masyado naman akong OA.

“I can hear your thoughts here”, he said.

“Do you want to share it?”Oliver asked me.

Agad na lamang akong umiling. 

“You know what hindi ka na lugi pag ako naging boyfriend mo”, he said.

“Ulol, wala akong peace of mind niyan araw-araw ba naman iba-ibang babae ang kasama mo”, I jokingly said.

“Ouch huh, mukha ba kong babaero?”he asked me, damn he looks so offended.

“Oh bakit, hindi ba?”, I've said.

“Mga kaklase ko lang yun”, he said.

“hotdog, walang kaklaseng hinahalikan”, I've said.

“huy dati lang yun, graduate na ko jan noh”, he said.

“graduate mo mukha mo, kaya pala kanina may kasama agad na babae. Ganda pa nga ng ngiti mo eh, abot tenga”, I've said to tease him.

“ Hindi ah”, he said.

“gusto mo proof?”, I asked him at agad na binuksan ang phone ko.

I showed him the photo that I took. It was him and the girl.

Agad niya naman itong tinignan, nakita ko pa na zinoom niya ito.

“Normal lang naman yung ngiti ko ah”, he said.

“sus, okay lang yan ver. If ever man na gusto mo yun na girl sana naman magtino ka na. Huwag mo naman na gawing laruan ang mga babae”, I've said.

“tsaka in fairness pre maganda mga tipo mo”, I've said.

No joke, the girl is really pretty.

“Mas maganda ka pa din jan”, he said.

“sus huwag na mambola pre”, I've said at tinapik ang balikat niya.

“seryoso yun noh”, he said.

“oo na lang ako”, I've said at agad ng binuksan ang pintuan ng kotse dahil nasa tapat na kami ng gate namin.

“FYI via, matino naman ako eh gusto mo i try mo pa", he said bago ko isinara ang pinto ng kotse.
--------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Vote and comment about your thoughts about this chapter❤️

Continue Reading

You'll Also Like

927K 31.8K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
20.8K 217 33
WARNING: MATURED CONTENT | R-18 | Enya Captivated by the nerd guy... Enya is not a fan of books not until she met this nerd guy who captured her hear...
2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
93.5K 1.4K 53
|SPG-18|Mature|Completed| "I won't hurt you if your going to spread it." -Necolai Handson *********** Zoilla,one of the c...