DESTINED

By forbiDDen30

97.2K 4.1K 661

Nagkalat ang mga pamahiin sa Academic Fantasy University (AFU), karamihan nito'y tungkol sa paraan kung pa'no... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two: 1st Ending
Chapter 23 PART 1: 2nd Ending
Chapter 23 Part 2: 2nd Ending
Chapter Twenty-Four: Finale
EPILOGUE

Chapter Seventeen

2.8K 136 9
By forbiDDen30

Pagka pasok ko sa loob ng kuwarto ay mabilis kong isinara ang pinto at ini-lock ito tulad ng nakasanayan. I wouldn’t dare being careless especially that some of my dormmates had this habit of barging in unexpectedly. Who knows they’ll be entering mine and find my closet quite interesting?

And there’s no way I’m gonna let that happen.

I heaved my school bag onto the bed and started to rummage through the closet, searching for a particular dress that would fit the occassion. And just after a few seconds of scanning, my eyes landed on the only choice I have. Isa itong above-the-knee off-white dress na may mga munting bulaklak bilang disensyo. Long sleeve rin ito, quite conservative it is, kaya napagkakamalan akong papuntang simbahan sa tuwing suot ko ito, which is actually what this dress is for.

Pero hindi na ako magrereklamo pa dahil wala rin naman ‘yong magagawa. This is the only dress I have in my closet right now. Kinuha ko ito mula sa pagkahanger at maayos na itinupi saka inilagay sa isang paper bag. Tapos ay nagpalit na ako sa unang shorts na nahila ko mula sa loob ng aparador at ipinares sa isa sa mga paborito kong tee, the Strength in Numbers shirt of mine. Oh yes, I have one. Nagpagawa kami ng kapatid ko n’yan since we’re both GSW’s supporters and coincidentally, we’re cheering on that same great player, SC30.

Isang simpleng doll shoes lang naman ang ipapares ko sa dress na dala ko at isiniksik ko ang plastic na kinalalagyan nito sa loob ng paper bag while trying to push away the thought that I’m too small to be fond of flat shoes. Tumatak ‘yan sa isipan ko dahil ‘yan ang palaging sinasabi sa’kin ng Mama ko. And I always end up answering like, “You could say that to those tall, tall ladies who aren’t satisfied by their towering height and still wear those four-inches high heels... making us not so gifted girls, much shorter.”

Ugh, I know you’ve worked it out for yourself but I’ll still say... being short is one of my insecurities.

Okay, enough of that.

Bitbit ang paper bag ay pumasok na ako sa loob ng mahiwagang closet. I gave the clock a quick glance before I closed my eyes and for a fraction of second, I thought I just saw something weird, making me open my eyes again.

Napayuko ako at napakusot ng mga mata nang mapagmasdang muli ang itsura ng orasan. The clock’s hands were still there, ticking clockwise, yet the numbers one to twelve were no longer found. Ang kakaiba pa dito ay may isang malaking numero na nakasulat sa gitna nito, ang numerong tres.

I watched it carefully, thinking what could have made it change and when exactly did this happen. Hindi kasi ako sigurado kung ngayon lang ba talaga ito nangyari o nung mga nakaraan lang pala pero hindi ko lang napansin. I mean, I don’t actually look at the clock anymore everytime I went to Kester’s dimension, just this time only.

I sighed. Ang dami kong tanong ngayon sa isipan ko pero alam ko namang hindi ko ‘yon masasagot kahit na buong araw ko pang titigan ang orasan. Kaya minabuti ko nalang ipagsawalang bahala na muna ito.

I decided to touch it and I start to fall once again, on that same pace, on that same setting, with that same heartbeat I always had since my first time.

*~*~*

11:44 pm. Ganoon na ka-late pero hindi pa ako inaantok dahil na rin sa nakatulog ako kaninang hapon at ilang oras din akong nanaginip hanggang sa magising ako dulot nang pagbubukas ng pinto.

And I was expecting Kester but it was actually Kervin, bringing me some food. Oo, ang weird dahil pina-lock ako ni Kester dito sa loob ng kuwarto nila at dito ako hinayaang kumain ng dinner, kasama si Kervin.

Iniisip ko tuloy, ano bang ginagawa ni Kester sa labas at kailangan pa niya akong i-lock dito sa loob ng kuwarto? Hinayaang matulog ng maghapon? At bakit pinababantayan pa niya ako kay Kervin eh hindi naman ako tatakas?

“Ang tagal naman,” reklamo ko na habang nakatalikod sa kanya. Pareho kaming nakaupo sa kama nila, though we’re on the opposite sides. At kanina pang ganito ang pwesto namin dahil ako na mismo ang gumagawa ng paraan para hindi kami magkatinginan.

Simula kasi nang marinig ko ang sinabi niya sa AFU ay naiilang na ako makipag-usap sa kanya o kahit makipagtitigan man lang. Sino bang hindi? Kung totoo mang may gusto siya sa’kin, isn’t it insensitive for me not to notice it? Tapos madalas pa ‘tong pagiging PDA ni Kester kaya baka nasasaktan na namin siya na hindi man lang namin nalalaman. Nakaka-guilty alam mo ‘yon?

“Just a few minutes more,” normal nitong sagot na para bang walang nangyari, na para bang wala siyang gusto sa’kin.

Ugh, naguguluhan na talaga ako. Hindi kaya joke lang ‘yong sinabi niya do’n? But it doesn’t sound like one. His tone was serious back then, and I never heard him as serious as that.

Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Nakadungo siya sa harap ng advance accounting book niya at hindi ko masabi kung nag-aaral ba talaga siya dahil panay lipat ng pahina lang naman ang ginagawa niya, hindi man lang siya umaabot ng limang segundo sa pagbabasa. Hindi kaya ginagawa lang niyang paraan ‘yan para iwasan akong tingnan? Kasi nasasaktan na siya?

Sh*t naman! I clutched on the hem of dress as I stared at him.

Akala ko nga rin, eh.

Ugh, kung pwede ko lang sana i-control z ang nangyari no’n, hindi ko na talaga hahayaang marinig ko ang mga salitang ‘yon. It’s haunting me, like a nightmare. Okay lang sana kung manhid ako pero may kirot sa puso ko nang marinig ko ‘yon mula sa kanya at sa tuwing inuulit iyon ng utak ko. Para bang nararamdaman ko ang sakit nang bitawan niya ang mga salitang ‘yon... and that makes me even more guilty!

Nang mapatikhim siya ay do’n ko lang napagtantong napatagal ako ng titig sa kanya. I looked away and scanned the room as if it was my first time to be there. Asan ka na kasi Kester? Why do you let this happen? Ayaw kong mahalata ni Kervin na iniiwasan ko siya, b-aka... baka maisip pa niyang may nalalaman na akko sa nararamdaman niyang pilit niya lang tinatago.

I gulped and started a conversation when I saw his tumbler with his name on it.

“Naalala ko pala nung naglilinis ako dito sa kuwarto niyo, pati ‘yong mga gamit mo sa banyo, may pangalan mo.” I tried to sound the normal Chenee, ‘yong walang kaide-ideyang may posibilidad na may gusto siya sa’kin, but I’m not a good actress. Madali kong binawi ang tingin ko mula sa kanya dahil sa hiya.

Chenee, relax! He doesn’t know you know what he feels!

Nang muli ko siyang tingnan ay nakita ko ang pagtango niya na hindi man lang nagsasalita. Okay, hindi rin naman kasi ako nagtanong.

“A-no... n-akasanayan mo na ba na isulat ang name mo don?” I aksed to ignite a conversation.

Still, he didn’t say any word. Tumango lang siya bilang tugon.

“Ah,” tumango-tango ako. “Akala ko ginawa mo ‘yon kasi ayaw mong magkahalo-halo ang mga gamit niyo ni Kester.”

He flipped a page, and for a second I thought I’d be seeing him nod again but instead, he answered. “Isa rin ‘yon sa tatlo kong dahilan.”

“Tatlo?” I ask.

Tumango siya na hindi inaalis ang tingin sa libro niya.

“Eh ano ‘yong dalawa?”

“I already told you the first.” Sabi niya at kinunot ko ang aking noo dahil hindi ko siya naintindihan. He seemed to notice this as he continued, “‘yong nakasanayan ko na.”

“Ah.” Iyon pala ang una at pangalawa ang ayaw niyang magkahalo ang mga gamit nila ng kapatid niya. “Eh ano ba ‘yong ikatlo?”

Akala ko bad trip na siya sa sunod-sunod kong pagtatanong dahil malakas niyang nilipat ang isang pahina ng libro na para bang gusto niyang punitin iyon.

“Bakit ba tayo tinuruang magsulat ng pangalan sa mga mga libro natin?” tanong niya sa’kin.

“Para masabing sa’yo ‘yong libro?”

“At?”

“At umm, kung sakaling mawala ‘yon, alam ng nakakuha kung kanino ibabalik?” I wa actually sure of my answer but his sudden inquiry was just so sudden, I wasn’t that confident.

He looked up and met my gaze. His eyes were fixed on me as he said, “That’s my third and most important reason for doing it. Kung sakali mang mawawala iyon ay ibabalik pa rin iyon sa’kin dahil ako ang nagmamay-ari no’n.”

“Pero pa’no kung hindi iyon ibalik sa’yo?”

“Then it was never mine.”

Napatitig ako sa kanya habang iniintindi ang sinabi niyang ‘yon. At sa bawat pag-ulit ng utak ko sa huli niyang sagot ay mas lalo kong nasasabi sa sarili ko na may mas malalim siyang ibig sabihin do’n, na para bang hindi lang isang simpleng bagay tulad ng tumbler ang tinutukoy niya.

Naramdaman ko naman ang pag-lubog at pag-angat ng kama dahilan para maputol ako sa kakaisip. Nilingon ko siya. Nakatayo na ito at naglakad papunta sa pinto.

Nang nasa tabi na siya nito ay hinarap niya akong muli.

“Pwede ka ng lumabas,” sabi niya.

Tumayo ako na natatawang lumapit sa kanya. “The way you said it... pakiramdam ko preso ako at ikaw ang police na nagkulong sa’kin.”

His brows furrowed and then almost instantly it loosened. “I think it’s the other way around, Chenee.”

“Anong ibig mong sabihin?” kunot-noo kong tanong.

Binuksan na niya ang pinto at hinintay akong lumabas. Gusto kong ulitin ang tanong ko pero hindi niya ako tinitingnan kaya hindi na ako nagpumilit pa. It’s one of his riddles again.

Nang makaapak na ako sa labas ay do’n na siya muling nagsalita, “Dumiretso ka sa bakuran. Nandoon si Kes, hinihintay ka.”

Tumango ako at tumalikod na. I took one step at a time, slowing my pace, giving a chance to think, have time to turn back, and drop the bomb. Yes, I’m having an internal struggle if I will ask him or not, and once again my curiousity won. Muli ko siyang nilingon at andoon pa nga siya, nakatayo sa may pintuan.

Was he expecting me to look back or was he just making sure that I’ll be able to go down the stairs safely?

“Kervin, bakit mo ‘to ginagawa?”

Itinaas lang niya ang kanyang kanang kilay.

Napalunok ako.

Napahawak ng mahigpit sa suot kong damit.

At itanong ang tanong na halos dalawang araw nang gumugulo sa isipan ko.

“Gusto mo ba ako?”

His shoulders stiffened. His eyes went wide. And his breathing started to become erratic. Sh*t, it’s a yes.

Napakagat labi ako at hindi pinahalatang alam ko na ang sagot. “Kasi kung oo Kervin, bakit ka nagpaparaya kahit na nasasaktan ka na?”

Tinitigan ko siya, mata sa mata, hinihintay ang sagot na gusto kong magmula sa mismong bibig niya. Pero mukhang wala siyang balak sagutin ang tanong ko.

So, I feigned a smile and turned my back on him, as if nothing happened. But of course, something happened! Because I freak*ng asked him!

Nakakadalawang tapak na ako sa hagdan nang mahinto akong muli. He called out my name. Kaagad ko siyang nilingon.

“Gusto mo talagang malaman?”

Hindi ako nagdalawang-isip pa, tumango ako agad.

“Kasi Chenee, ikaw naman ang masasaktan.”

Hinayaan niya akong makipagtitigan sa mga mata niya ng ilang segundo bago isara ang pinto.

Kervin, I’m really sorry.

Nawala na lahat ng enerhiya ko nang pababa ng hagdan. Para bang tinangay ng naging pag-uusap namin ni Kervin ang lahat lahat!

Lumabas ako ng bahay at bumungad sa akin ang makulay na bakuran dahil sa iba’t ibang kulay na hugis puso na mga ilaw. Dahil nga sa dilim na bumabalot ay mas lalong tumingkad ang mga ilaw na dala ng mga ito.

Napangiti ako.

At tuluyan ko na ngang nakalimutan ang nangyari kanina nang maaninagan ko siya, si Kester. Nakasuot siya ng kulay pink na polo at itim na slacks habang may dala-dalang isang gumamela.

Lumapit siya sa’kin na nakangiting abot tenga, ang biloy niya’y mas lalong lumalalim, at mga mata niya naman ay mas lumiliit.

Dahan-dahan niyang inapitang bulaklak sa may likod ng tenga ko bago niya ginagap ang aking kamay. Hinila niya ako sa gitnang bahagi ng bakuran nila kung sa’n may mga petals ng mga rosas na nakapormang puso. Tumayo kami sa gitna nito at hindi ko mapigilang punahin ang ginawa niya, “Cheesy nito ah.”

Tumawa siya pero parang may musika nang tumugtog kahit sa simpleng ganon lang niya.

Mayamaya’y may pamilyar akong boses na narinig.

“Countdown to 12:00 midnight! 10, 9, 8...”

“Ano ‘to?” natatawa kong tanong.

“Basta.” sabi naman niya habang hinahawi at inaayos ang buhok ko na pinapasayaw ng malamig na hangin.

“7, 6, 5...”

Nagtitigan lang kami sa gitna. Nilulunod ang bawat isa sa mga mata naming puno ng saya at tuwa. Hinahayaan ang mga sarili naming mag-usap ng walang mga salitang binibitawan. Grabe, gusto ko na yatang huminto ang oras.

“4, 3, 2...”

Lumapad lalo ang ngiti niya, showing his perfect set of teeth and stretching his pinkish kissable lips.

“1!”

He leaned his forehead on mine and whisphered, “Happy 1st monthsary, Chenee.”

“Happy 1st monthsary, Kester,” sagot ko sabay ng isang napakatamis na ngiti na siyang tumatakip sa kabang nararamdaman ko. I don’t know why I’m feeling this way, jittery and all... but I guess it’s because, it’s my first time. Lahat naman ng first time ko, kinakabahan ako.

Napalingon naman ako sa isang upuan sa unahan na may radyong nakapatong nang may marinig kong muli ang isang pamilyar na boses.

“Happy first monthsary sa kaibigan kong si Kester at sa pinakamamahal niyang Chenee! And as requested bro, here’s your song... Out of my league. To the rest our zombies, please stay tune for our advice segment. This is your Kuya MD Signing in~”

Ahah! Alam ko na kung bakit pamilyar, si Kuya MD pala. Ang sikat na mysterious DJ na may sobrang sweet voice na totoong nakakabighani.

Nabalik ulit ang atensyon ko kay Kester na titig na titig sa’kin. Para ngang naka-glue ang mga labi niya to stay on its place dahil na rin sa pareho pa rin ito no’ng kanina.

(A/n: Play the video to have a background song)

Narinig ko na nga pagtunog ng piano mula sa radyo.

Lumapit siya sa’kin, mas lalong binabawasan ang distansyang namamagitan sa’min at inihalad niya ang kanyang kamay, “May I have this dance, my princess?”

“Yes you may, my prince.”

Hinalikan niya muna ang kamay ko bago ito ipinatong sa balikat niya tapos ay dahan-dahang ipinulupot niya ang kanyang mga kamay sa aking bewang.

It’s her hair and her eyes today
That just simply take me away
And the feeling that I’m falling further in love
Makes me shiver but in a good way

Mas lalo namang napalapad ang ngiti ko nang marinig ang kanta.

“That’s not Stephen Speaks.” puna ko nang marinig ang boses ng kumakanta.

“Yes, he’s not. Mahuhulaan mo ba kung sino?”

“Mahirap eh,” pagsisinungaling ko.

“Okay then, I give you the whole song to listen before I’ll hear your guess.”

All the times I have sat and stared
As she thoughtfully thumbs through her hair
And she purses her lips, bats her eyes as she plays,
With me sitting there slack-jawed and nothing to say

Nagsayaw kami na hindi inaalis ang tingin sa isa’t isa. Hindi naman ako sanay na makipagtitigan sa ibang tao lalo na sa isang lalaki dahil madali akong mailang pero pagdating sa kanya, parang minamagnet ang mga mata ko para tumitig lang sa kanya at wala ng iba.

Cause I love her with all that I am
And my voice shakes along with my hands
Cause she’s all that I see and she’s all that I need
And I’m out of my league once again

Inihiga ko ang ulo ko sa kanyang dibdib habang nagsasayaw kami. Para namang mapupunit ang labi ko sa sobrang laki ng ngiti nang maramdaman ang bilis ng tibok ng puso niya. So it wasn’t just me?

Closed eyes, I hummed while listening to the voice singing one of my favorite songs, cherishing every second we have today, contemplating on how lucky I am, and silently thanking God for giving him to me. If only I can wish not to end this moment soon, y’know, extend it a little bit longer or maybe forever.

I felt his warm hand on my head, playing with the strands of my hair and I couldn’t help but feel foolish for giggling like a kid as his touch tickles me.

Hanggang sa matapos na nga ang kanta at dahan-dahan na kaming kumalas sa pagkakayakap.

“So who's the singer?”

“What will I get if answer your question, right?” I asked, teasingly.

“Me. All of me.” Maharot niyang sagot na dahilan upang makatanggap siya ng pabirong hampas mula sa’kin and with that he suggested seductively, “Well, maybe a kiss?” He even licked his lips to convince me. Natawa ako sa kanya pero bumigay rin naman. Pumayag ako sa prize.

I stared at him as the voice of the singer kept on replaying on my head. Ngumiti ako at sumagot. “The singer was obviously YOU.” And I find it cute how he exerted an effort in recording his own voice to be played on the radio.

Tumawa siya.

“Am I right?” My brows went up and down as I waited for his response.

He smiled, cupped my face and gave me that sweet, tender kiss on my lips as the answer. Naging mabagal ang pagsiil niya ng halik pero masasabi kong napakasarap nito sa pakiramdam. Our tongues were dancing in sync with a rhythym only our hearts could hear. And those few moans which escaped our mouth were actually just our names, hardly audible because of the ecstasy we’ve been feeling.

Naging madali lang naman ang ito pero hindi ko maitago ang saya ko, I even gave him a one quick kiss on the cheek to thank him for that wonderful feeling he allowed me to experience.

“Chenee,” Hinawakan niya nang mahigpit ang dalawang kamay ko at pinisil ang mga ito. “No words can describe how beautiful you are and I’m making it sure you won’t forget it because I’ll be stating every little thing about you that makes you so damn wonderful in every single day we’re together. Kaya huwag kang maiinis kung uulit-ulitin ko sa’yo kung gaano ka kaganda, okay?” sabi niya na mas lalong nagpainit sa mukha ko.

"I love you, Chenee. I really do. And every time I say this to you, it’s a reminder not just to me but especially for you that I am so thankful that you allowed an ordinary guy like me to love and cherish someone as special as you.”

Hindi ko napigilan ang sarili ko, niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit at umiyak na nga ng tuluyan. I didn’t see this coming. I didn’t know his words would cause an outburst of emotion within me. Hindi tuloy ako nakapagdala ng panyo. “Tha-nk you, Kester. And I love you too.” I said in between my tears.

Hinayaan lang niya akong umiyak sa saya. I know he’s feeling the same thing so he understands me. Nang mahimasmasan na ako ay nahiga kami sa dalawang blanket na nakalatag sa may damuhan nila. He held my left hand as we watched the perfect view of the sky above.

“Lying down here beside you, watching the midnight skies is the perfect way to celebrate this day. Thank you talaga, Kester.” Thanks for making me so happy.

“You’re most welcome, my princess.”

Ninamnam na namin ang katahimikan ng paligid, ang ihip ng malamig na hangin, at ganda ng kalangitan na puno ng mga butuin. And seeing the twinkling starts up above makes me think of the future - ‘yong future naming dalawa ni Kester.

“Nasa first palang tayo. Sa tingin mo, aabot tayo ng anniversary?” tanong ko habang nakatitig sa iisang bituin sa alapaap. It was shining so bright that I couldn’t take my eyes off it.

“Yes, and that would definitely be our wedding anniversary.” siguradong-sigurado naman niyang sagot na tinawanan ko lang at sinundan ng isang tanong na bigla nalang lumabas sa bibig ko.

“Pero pa’no kung hindi pala ako ang para sa’yo?”

“Edi sisiguraduhin kong ako ang nakalaan para sa’yo.”

This time I looked at him and I frowned. “Kester, you’re being wise but I’m asking you this because-”

“You’re not sure of me?” dugtong niya nang salubungin ako ng tingin.

“I’m sure of my feelings for you but not so sure of what await us in the future.” mabilis kong sagot.

Tumitig lang siya kaya napabuntong-hininga ako. “Naniniwala kasi ako sa destiny, Kester. That there are things meant for you and some things which are not.”

“And you’re asking what if I’m not meant for you?” tanong niya na diniinan ang huling limang salita.

“Yes.”

Napatahimik siya ng sandali at binalik sa taas ang tingin.

“I’ll just wish that it won’t happen. But if it does, I hope I won’t remember a thing about us.”

“Kester.” ‘yon lang ang tanging nasabi ko sa pagkabigla ko sa sagot nya.

I heard him sigh, then his eyes met mine once again. “Hindi ako magpapahipokrito Chenee kaya sinasabi ko sa’yo ang totoo. I know I wouldn’t be able to take the pain especially that you’re my first love and the only girl I’m seeing to be with in my future. Na-love at first sight pa ako sa’yo.”

Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ng kamay niya sa’kin. “They say forever does not exist but it does. I know my forever will be the lifetime I’ll be spending with you. So please Chenee, if our destiny goes against us, please try to fight with me at huwag kang bibitaw.”

He was sincere and honest, too honest that I couldn’t help but feel guilty about hiding a secret from him. But to assure him, I smiled and gave his hand a squeeze. “I will, Kester. I will try.”

Continue Reading

You'll Also Like

21.3M 788K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
139K 3.4K 16
Si HaveYouSeenThisGirl, o mas kinikilalang Ate Denny, ay isang magaling na writer sa kasaysayan ng Wattpad, kahit present times. Kilala siya sa mga s...
1.5M 62.4K 79
Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided to avenge them. This makes the...
350K 4.3K 47
[A Kathniel FanFiction Story] Pinaghiwalay ng TADHANA... Pero pinagtagpo muli para mahulog sa isa't-isa... Ngunit sa maling pagkakataon. Kaya pa kaya...