Elemental Princess of England...

By BlackRhunterxWP

8.7K 527 41

Isang Nerd Mahirap Magaling makipaglaban Inaayawan ng ibang tao Pulubi na kung pulubi ang turing nila sa kany... More

𝗣𝗥𝗢𝗟𝗢𝗚𝗨𝗘
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 1
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 2
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 3
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 4
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 5
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 6
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 7
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 8
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 9
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 10
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 11
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 12
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 13
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 14
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 15
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 16
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 17
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 18
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 19
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 20
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 21
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 22
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 23
Plug!!! The 13th
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 24
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 25
Author Announcement
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 26
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 27
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 28
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 29
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 30
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 31
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 32
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 33
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 34
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 35
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 36
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 37
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 38
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 39
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 40
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 41
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 42
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 43
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 44
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 45
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 46
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 47
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 49
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 50
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 51
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 52
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 53
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 54

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 48

41 0 0
By BlackRhunterxWP

Chapter 48 - Impostor (Part 2)

Someone Povs

"Ang mga kalaban ay nasa labas ngayon." Tama siya, at ngayon pinapanood ko ang dalawang ito na nakikipaglaban sa mga kawal namin.

"Hindi ko aakalain na susugod ang mga ito rito, mukhang napansin din nila na hindi maayos ang sistema ng kaharian."

"At tayo ang may kasalanan non."

"Oo, kaya kung naisin mo mang tumakas, ika'y tumigil. Pumunta ka sa throne mo at umupo doon. Wag mong ipakita yang takot na yan." Napailing na lamang ako at sinunod ang kanyang sinabi. Hawak nya ako sa leeg, at sya ang may mas karapatan na sundin dahil sya ang tumulong sa akin noong malapit na ako mamatay.

"Fine, Ate Myanah."

"Daisy... Serekya I mean Rave."

"Tayong dalawa lang, bakit hindi mo ako tawagin sa aking totoong pangalan na Serekya."

"Mas mainam na tawagin kitang Daisy kaysa sa totoong mong pangalan. Nakilala ka bilang Daisy kaya yun ang itatawag ko sa iyo. Wag ka na din mag-inarte." Napabuntong hininga na lamang ako at nagsimulang maglakad patungo sa aking upuan. Ang tanging gagawin ko lamang rito ay hintayin na pumasok ang dalawang dayuhan na iyon.

Napaayos ako nang upo ng biglang bumukas ang pintuan at niluwa nito ang dalawang dayuhan. Kita sa kanilang itsura ang pagod mula sa kaninang paglalaban nila ng mga tauhan ni Xayvier.

"Rave, ikaw ba talaga yan?" Tiningnan ko ang istura ng lalaki. Mukha ngang pamilyar ito sa akin.

"You are not Rave, don't you?"

"Are you saying this because you just want to claim the throne dahil magkamukha tayo? Anyway, bakit mo ginagaya ang mukha ko?" Nakakapagtaka rin dahil magkamukha kaming dalawa, I mean si Rave.

"Such a stupid girl. Do you think na hindi ko alam na ginaya mo lang mukha ni Rave? I can see your real identity kahit na binabalutan ka ng kapangyarihan mo."

"Binibini, mukhang nagsisinungaling ka yata."

"I'm not."

"Tama ka Rain, hindi nga sya si Rave. Sino ka? Anong ginawa mo sa mga taga Magic Kingdom? Sa Reyna at Hari?" Sino ba ang lalaking ito? Hindi ko man lang maalala ang pangalan pero nakita ko na ito sa kung saan.

"Wait lang ho ah. I am Zaphera Rave Heaven sabi nila. At sina mama at papa andoon sila sa kwarto nila magbobonding daw. Kaya ako muna ang narito para mag-isip ng maganda proyekto para sa mga kababayan ko. Kung nanghihinala ka man, bakit hindi mo itanong sa Reyna ang katotohanan. Nagpa-DNA test pa kami at positibong resulta ang lumabas." Kita ko ang gulat sa mata ng lalaki habang ang babae na ito ay nakatingin lang sa akin ng masama. Mukhang alam niya talaga kung sino ako. Paano kung sya talaga ang totoong Rave? Mukhang patay ako dito.

Aalis na sana ako ng pintuan ng may biglang tumama sa pader na malapit sa kinatatayuan ako. Tiningnan ko ito at tila ba'y binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa aking nakita, isa itong dagger pero kilala ko kung kanino ito. Nilingon ko kung saan galing ito at kita ko si Ate Myanah. I saw how she stares at me coldly. Ganto na ba sya kadesperado sa posisyon na ito. I would probably go to other places and escape.

"If you will try to aim us the dagger you are holding right now, stop." Saad ng babae habang nakatalikod ito. Ramdam niya pala ang pagsulpot ni Ate Myanah sa kanya.

"KILL THEM SEREKYA!" Tiningnan ko lang kung gaano ito kagalit ngayon. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon.

"FUCK!" Kita ko ang pagsugod ni Ate Myanah sa dalawa. Tanging pag-iwas lang ang ginagawa nila. Inilabas ni Ate Myanah ang kanyang fireball at ibinato ito sa kanilang dalawa. Umilag ang lalaki pero ang babae ay natamaan. Kita ko ang dugo na umaagos mula sa kanyang sugat. Napaupo ito at kita ko kung gaano ito kasakit.

Napangisi naman si Ate Myanah at habang abala ang lalaki sa pagcheck sa babae ay agad niya itong sinuntok at pinatulog.

"Pasensya na Prinsepe, mas mainam na sumunod ka na lang sa amin kaysa na makialam ka. At ikaw, ikaw na kamukha ng totoong Rave! Dapat mamatay ka!" Bumwelo si Ate Myanah at akmang sasaksakin nya ang babae ng biglang kinuha ko ang dagger na binato niya sa akin. Agad ko itong binato sa pwesto na siyang ikinaturok sa kanyang tagiliran.

Lumingon ito sa akin habang hawak niya ang kanyang tagiliran. Kita ko ang galit sa kanyang mga mata, alam ko na papatayin niya ako ngayon dahil sa sinuway ko siya. Oo, yun naman talaga ang gusto niya, mawala ako, wala naman siyang pakialam sa akin. Tinulungan niya nga ako pero sinasaktan niya lang ako. Pinamukha niya sa akin na dapat gawin ko ang lahat para makabawi sa kanya.

"How dare you?!"

"Tama na ang pagpapanggap? Tama na Ate Myanah!"

"Ginagawaan ko na ng paraan ang lahat so stop meddling with my business!"

"Stop!" Umaapoy ang kanyang mata sa galit. Kita ko rin ang unti unting paglabas ng fire ball sa kanyang mga kamay. Palaki ng palaki ito na siyang ikinahina ng katawan ko. Katapusan ko na, malakas ako pero mahina ako sa gantong sitwasyon.

"Serekya, you should fight! Face her!" I saw how this girl look at me and cheered me up. Kahit na ginawan ko siya ng masama, she still care about me.

Napabuntong hininga ako at sumugod kay Ate Myanah. Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata at isang saglit ay napalitan ito ng ngisi. Akmang susuntukin ko na ito ng biglang sinugatan niya ako sa aking mukha. Napahawak ako rito at tiningnan ang aking kamay na dumudugo na. Agad ulit itong nagpalabas ng fireball habang nakatingin sa akin. Mas lalo ko itong ginalit, dapat ba hindi na ako sumunod sa kanya?

Tiningnan ko ang babae ngayon na nagpalabas ng dagger sa kanyang kamay. Agad niyang sinaksak si Ate Myanah na siyang ikiniwala ng fireball sa kamay nito ulit. Nilingon niya ito at inangat sa ere habang sakal sakal nito ang kanyang leeg. Nagkaroon ako ng pagkakataon na sumugod kay Ate Myanah at pinagsusuntok ito upang hindi niya mapatay ang babae. Nabitawan niya ang babae sa gulat at hindi nakailag sa mga binigay ko na atake.

Agad na inalis ni Ate Myanah ang dagger na nakaturok sa kanya at itinutok ito sa akin. Iwinasiwas niya ito sa ere na siyang ikinabigla ko. Umatake ito ng mabilis na siyang ikinaiwas ko kaagad. Nang may pagkakataon, hinawakan ko ang kanyang pulsuhan at sinipa siya patalikod upang mabitawan niya ang dagger. Hinawakan ko ito sa balikat at ibinagsak sa sahig. Kita ko ang sakit sa mata niya at pagod.

"Tama na, Ate Myanah. Itigil mo na ito, wala kang mapapala."

"Marahil wala." Iniabot niya ang dagger na nahulog at biglang ginilitan niya ang kanyang leeg na siyang ikinawala ng kanyang buhay. Napatakip ako ng bibig dahil sa aking nasaksihan. Sumuko siya sa kadahilanang talo na siya, subalit kapalit naman nito ang buhay niya na dapat niyang iningatan sana. Agad na nagsibuhos ang mga luhang bigla bigla na lamang nagpakita.

"Condolence." Saad ng babae na paika ikang naglalakad patungo sa aking pwesto. Agad ko itong tinutukan ng dagger na siyang ikinalayo nito.

"I am your guardian, Serekya."

A/N: Another chapter

DON'T FORGET TO:
•VOTE
•FOLLOW ME IN WATTPAD: •(BlackRhunterxWP)
•ADD ME IN FACEBOOK:
•BlackRhunterx WP

Continue Reading

You'll Also Like

163K 6.8K 83
A girl whom I thought as my best friend standing before me with a knife to kill me. She stabbed the knife onto my chest and told me "He will not like...
914 306 22
Halina't maglakbay at sumama Patungo sa paaralan ng pantasya Kung saan pusod gubat ay iyong matatagpuan Mga kapangyarihan ay iyong masasaksihan At gu...
20.7K 426 34
jaune arc a loveable goofball it beacon a friend of crdl best friend of ruby and remaining rwby. except one. and pyrrha's ultimate crush. one day jau...
101K 4.5K 33
This is my first story ever. Kaya Hindi ko alam kung maayos ba sya. Kung gusto nyong basahin.. Thank you.... Goooo... Pero kung ayaw nyo hindi ko...