The Divorce

By MrsPeriwinkle0024

33.3K 1.8K 240

In her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her di... More

Chapter 1: Rebirth
Chapter 2: Exchange
Chapter 3: Get Married Then Divorce
Chapter 4: Asking For Pocket Money
Chapter 5: Unexpected Turn Of Events
Chapter 6: Bargaining Chip
Chapter 7: The Audacity
Chapter 8: The Truth
Chapter 9: Wrong Script
Chapter 10: First Time
Chapter 11: Obstacles
Chapter 12: Cannot Threaten Him Anymore
Chapter 13: Loyalty
Chapter 14: Going To Hate Him
Chapter 15: Willing
Chapter 16: The Perfect Sister-in-law
Chapter 17: One Of Her Dreams
Chapter 18: What To Fix Next?
Chapter 19: A Sudden Lecture
Chapter 20: Finally
Chapter 21: Judas Kiss
Chapter 22: Cannot Blame Her
Chapter 23: Proposal
Chapter 24: Insult
Chapter 25: Unwanted Visitors
Chapter 26: No Strings Attached
Chapter 27: Poor
Chapter 28: Last Option
Chapter 29: A White Dress
Chapter 30: Her Creations
Chapter 31: Lunch Date
Chapter 32: Painful Memory
Chapter 33: No Thanks
Chapter 34: Dearest Sister-in-law
Chapter 35: Someone Is Coveting His Woman
Chapter 36: Washing My Eyes
Chapter 37: Wish
Chapter 38: Wedding Day
Chapter 39: Arya Being Hysterical
Chapter 40: Asking For A Gift
Chapter 41: Torture And Imaginations
Chapter 42: Concerned About Her
Chapter 43: A Nightmare
Chapter 45: Original Plan
Chapter 46: A Normal Day
Chapter 47: Upset
Chapter 48: Gentle
Chapter 49: Negative And Positive Emotions
Chapter 50: Doubt
Chapter 51: The Police Officer And The Lawyer
Chapter 52: Helper From The Past
Chapter 53: Bothered
Chapter 54: Arya's Concern
Chapter 55: Felt Like A Roller Coaster Ride
Chapter 56: Someone Who Knows Her Best
Chapter 57: Stick To The Original Plan
Chapter 58: Someone Who Looks Like Her
Chapter 59: Delighted
Chapter 60: Different Types
Chapter 61: What If...?
Chapter 62: Protecting You In My Own Little Way
Chapter 63: The Allejo Family
Chapter 64: The Hungry and Irritated Sam
Chapter 65: Bite Back
Chapter 66: Bullying The Bully
Chapter 67: Prevention Is Better Than Cure
Chapter 68: Samuella's Nightmare
Chapter 69: Samuella's Nightmare Part II
Chapter 70: The Brother-in-law
Chapter 71: The Birthmarks
Chapter 72: A Success
Chapter 73: Stealing Task
Chapter 74: Terrifying
Chapter 75: Missing Home
Chapter 76: Indulge

Chapter 44: Good Bye

414 27 5
By MrsPeriwinkle0024


"Done!"

Kamuntik ng matumba mula sa pagkakaupo niya si Arem nang tumambad sa kanyang paningin ang nag-ayos na si Samantha.

Kung kanina ay nagrereklamo siya ng palihim dahil sa kagustuhan ng asawang mag-ayos. Ngayon ay hindi niya alam kung ano ang iisipin.

His wife, Samantha, looks so haggard and tired in her make-up.

"Ah, wait, wait," kumuha ito ng kung ano mula sa damitan nito. "Talikod ka. Huwag kang haharap!"

Naiiling na tumalikod na lang si Arem.

Hindi niya maintindihan kung paanong napapasunod siya ng babaeng 'to sa lahat ng mga gusto nito.

Naramdaman na lang niya na naghuhubad ito ng damit.

Damn this woman!

Arem clenched his fist. Hindi rin niya mapigilan ang pag-iinit ng magkabila niyang tenga.

"Okay, I'm done," excited na bulalas ni Samantha.

Ni hindi na marinig ni Arem sa tinig nito ang pagdadalamhati na ipinapakita nito kanina.

"Look, look at me, uy!"

Arem helplessly turns around. Only to be shocked again.

It's a good thing that Arem knows how to handle his emotions properly. Kaya kahit na nagulat siya, hindi iyon nahalata man lang ni Samantha na ngayon ay nakasuot ng lumang bestida, may tagpi-tagpi pa.

"Let's go?" Arem said in a bored way.

"Okay. P-pero okay lang ba hawakan ko ang kamay mo?"

Umigkas paatas ang kilay ni Arem.

"Hindi ako manananching okay. G-gusto ko lang na, I mean... paano kung umatake ang trauma ko? H-hindi ba dapat hawak lang kita para kalmado ako?"

"Fine. Let's go,"

Matamis na ngumiti si Samantha at kaagad na humawak sa braso ng asawa.

Salamat sa pag-iyak niya kanina, parang sumama sa sandamakmak na luhang inilabas niya ang hangover niya.

Magkasabay silang naglakad palabas ng pintuan.

Sabay-sabay na lumingon sa kanila ang mga taong nasa labas.

Gimbal na napatitig si Ginang Aria sa nakitang itsura ng daughter-in-law niya.

Kaagad namang lumarawan sa mukha ng mag-asawang dela Vega ang pag-aalala nang makita si Samantha.

"S-sam?"

Parang slow motion na nag-angat ng paningin si Samantha. Palihim niyang kinurot ang kanyang sarili para naman tumulo ang luha niya. At dahil sa ginawa niyang pag-iyak kanina, namumula-mula na ang kanyang mga mata.

"M-mom!" Mabilis na kumalas si Samantha kay Arem.

Tinakbo nito ang pagitan nila ng kanyang foster mother. "I miss you mom!" Habang umiiyak ay bulalas ni Samantha.

Emosyonal na hinaplos naman ni Ginang dela Vega ang likuran ng kanyang foster daughter.

"Dad..."

"How are you?" Malumanay na tanong ni Ginoong Dela Vega, pero dama ni Samantha ang distansya na bigla na lang namin sa pagitan nilang dalawa ng foster father niya.

"M-mabuti po. H-hi Daureen!" Nakangiting binati ni Samantha ang magandang babae na nakaupo sa tabi ni Ginoong dela Vega.

Napakalayo na nito sa babaeng nakita niya noon. Wala na ang pagkailang sa aura nito. Kahit ang pagtingin na ibinibigay nito kay Samantha ay may kasama na ring pandidiri at pangmamaliit?

Palihim na nagtanong sa sarili si Samantha.

Minamaliit siya ng taong 'to?

Bakit?

Pero sa halip na magtanong at ipakita ang kanyang pagtataka, ngumiti lang ng matamis si Samantha dito. Dahil iyon naman ang pagkakakilala sa kanya ng mga dela Vega at nitong walanghiya niyang ex.

Na isa siyang uto-uto at madaling mapaniwala.

"How are you ate?" Tanong ni Daureen saka ngumiti ng pagkatamis-tamis. Na para bang ilusyon lang ni Samantha ang unang nakita sa mga mata nito.

"I'm great," nakangiting sagot ni Samantha.

Matapos batiin ang mga ito ay kaagad niyang hinanap si Arem at saka naupo sa tabi nito.

"By the way, this is my husbad, Arem Syquia, and siguro naman kilala niyo na ang mother-in-law ko," nakangiting ipinakilala ni Samantha sa mga ito si Arem habang nakatitig siya sa bawat reaksyon ng mga ito.

Hindi nakaligtas sa paningin ni Samantha ang paghinga ni Ginang dela Vega ng maluwag. Na para bang nagpapasalamat ito na siya ang napangasawa nito at hindi ang tunay nitong anak. Hindi rin nakaligtas sa paningin ni Samantha ang palihim na pagngisi ni Daureen, at ang pagkadisgusto sa mga mata ni Ginoong dela Vega na para bang isang napakababang uri ng nilalang ni Arem sa paningin nito.

He proudly look at the man beside Daureen, at hindi maitatanggi ang emosyon sa may edad na nitong mukha. He's so proud sa fiancé ng kanyang tunay na anak na si Daureen.

Samantha acted like she didn't saw anything. Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis sa mga ito.

"Mom, mabuti naman po at napabisita kayo dito. And look at Daureen, ilang buwan lang ang lumipas pero napakaganda na niya. Ang laki ng ipinagbago niya," excited na bulalas ni Samantha.

"Yes. Like you ate, ang laki din ng ipinagbago mo," Daureen said in a sweet voice. But Samantha can clearly see the disgust in her eyes.

"Ahm, i-iba kase ang buhay sa Siudad at saka dito sa bukid. Siguro dahil nagtatanim ako tuwing umaga kaya n-naging ganito ang kutis ko," nahihiyang anas ni Samantha. Pero ang totoo, naglagay lang siya ng tanning lotion para magmukha siyang kayumanggi, malayo sa mestiza niyang kulay.

Ngumiti siya ng kimi sa kanyang foster parents habang nakatingin ng inosente sa mga ito.

"Well, we came here to say that I'm also getting married, ate. I'll introduce you to my fiancé, I know that you can recognize him,"

Dahan-dahang lumingon si Samantha.

"Meet my fiance', Kian Alonzo,"

Nagkunwaring nagulat si Samantha. Napatitig siya sa lalaki at pagkatapos ay kaagad din siyang nag-iwas ng paningin.

Nang nagkatitigan silang dalawa, muli na namang bumangon ang kaba sa dibdib ni Samantha. Unti-unti na namang bumabalik sa kanyang ala-ala ang mga bagay na gustong-gusto na niyang ibaon sa limot.

"I'm here," mahinang bulong ni Arem sa punong tenga ng kanyang asawa.

Unti-unting kumalma si Samantha.

"S-so you two got together. C-congratulations! You both deserve each other," puri Samantha saka ngumiti sa dalawa.

Saglit lang na tiningnan ni Samantha ang walanghiya niyang ex dahil nag-aalala siya na baka bigla na lang humalagpos ang poot at galit na nararamdaman niya.

"It's good that I met a good woman," Kian said in his deep beautiful voice.

Mariin na hinawakan ni Samantha ang kamay ni Arem.

Iyon ang isa sa kinahumalingan niya sa lalaki. Ang boses nito. Hindi nga ba, kaya niya natiis ang long-distance relationship nila ay dahil gustong-gusto niyang naririnig ang boses nito sa telepono?

Kahit na gustuhin mang sabunutan ni Samantha ang kanyang sarili dahil sa kanyang kagagahan, wala na siyang magagawa dahil nangyari na ang mga pangyayari.

"Stop praising me, babe. You're the one who's the best," malambing na anas ni Daureen.

Pakiramdam tuloy ni Samantha ay gusto niyang magpunta sa banyo para sumuka.

"Congratulations to the both of you. Ah, right mom, bakit po kayo napabisita? Gusto niyo pong makilala ang mga in-laws ko?" Nakangiting tanong ni Samantha.

Magkasabay na tumango naman ang mag-asawa.

"Bukod pa doon, anak, gusto ko sanang tingnan ang mga alahas na ibinigay ko sa'yo. Naroon ang kwintas na ipinamana pa sa akin ng lola mo. Nakalimutan kong tanggalin. Importante 'yun anak,"

Maang na napatitig si Samantha sa kanyang foster mother.

"Alahas? Alahas po? Wala naman pong alahas sa mga dala-dala ko mommy," nagtatakang saad ni Samantha.

Parang iisang tao na kumunot ang noo ng apat. Kitang-kita iyon ni Samantha.

"Iyong maleta lang po ng mga damit ang dala-dala ko...oh no, hindi kaya noong magpunta po ako sa pier? May humablot po noong malaking bag na ibinigay mo sa akin mommy. A-akala ko mga pagkain lang 'yun kaya hindi ko na hinabol. Kase tawag na po nang tawag ang mga umampon kay Daureen. Nag-aalala po ako na maiwanan nila kaya pinabayaan ko na lang po. D-don't tell me mom, you put those jewelry inside that tattered bag?" Gimbal na napatayo pa mula sa kinauupuan niya si Samantha.

"M-mom, d-did you also put money there?"

Nagkatinginan ang mag-asawang dela Vega. Kitang-kita ang iritasyon sa kanilang mga mata.

"Yes, I put money there," anang ginang gamit ang tinig na napakalayo sa dating ginagamit nito sa tuwing kinakausap si Samantha. It's cold and distant.

"M-may p-pera doon. M-mom, bakit hindi niyo naman po sinabi? H-hindi niyo po ba alam na napakahirap ng in-laws ko? Isang beses isang araw na lang kami kung kumain. Ang mga damit na dala-dala ko, kailangan ko pang isanla para lang mapagawa itong bahay nila. Paano tumutulo tuwing umuulan. M-may pera doon...Asawa ko...kapag hinanap ba natin sa pier ang magnanakaw na 'yun, makukuha pa ba natin ang pera at mga alahas ni mommy?"

Napatitig si Arem sa umiiyak niyang asawa.

Pakiramdam niya ay hinihipnotismo siya nito dahil hindi niya maialis ang paningin dito kahit na alam niya namang umaarte lang ito.

Maging si Ginang Aria ay napaawang na lang ang bibig. Hindi niya inaasahan na pwede pala siyang pantayan ng kanyang manugang sa larangan ng pag-arte? Hindi kaya ito ang nagturo kay Arya kahapon kung paano aarte sa harapan ng mga hindi naman nila inimbitahan na mga bisita?

At kailan nagsanla ng mga damit ang manugang niya?

"Magtatatlong buwan ka na dito sa bahay, kahit na galugarin pa natin ang buong pier, hindi na makikita doon ang ninakaw sa'yo. Tsk. Bakit kase ang tanga-tanga mo?"

Napatda si Samantha sa kanyang kinauupuan.

Parang sirang plaka na umalingawngaw sa kanyang isipan ang sinabi ng walanghiyang asawa niya.

Ang tanga-tanga?

Ang tanga-tanga ko daw?!

Pilit na nilabanan ni Samantha ang kagustuhang irapan ang lalaking kaharap. Masyado namang na-carried away. Pati ang panananga masyadong malutong.

"Grabe ka naman. Hindi ko naman alam na may importanteng nakalagay doon. Paano ko naman iisipin na may pera at alahas 'yun? Kinain ko pa sa jeep ang siomai na inilagay ni mommy doon! Nandoon din ang paborito kong lemon water. May siopao pa at chicharon. Sige nga, ibubuwis ko ba ang buhay ko para sa pampa-high blood na chicharon? At paano kung iwanan ako ng umampon kay Daureen? Sa palagay mo ba may mukha pa akong ihaharap kay mommy at daddy? Inalagaan nila ako sa loob ng dalawampung taon. Sa simpleng pakikipagpalit man lang ba kay Daureen ay hindi ko pa magagawa ng maayos? Paano kung bigla na lang nila ulit kidnapin si Daureen dahil hindi nila kayang ipakasal si Heiley sa'yo?"

Umiyak na ng malakas si Samantha.

Arem massage his throbbing head. Hindi niya talaga gustong makita na umiiyak ng ganito ang babaeng 'to.

"Sabi nila hindi ka daw mabuting mabuting tao kaya ayaw ipakasal ng mga Salvador ang nag-iisa nilang prinsesa sa'yo. Akala ko naman kahit hindi ka mabuting tao, magiging mayaman ka, but no! Mas mahirap ka pa sa daga!" Tuluyan nang humagulgol si Samantha.

Sinong mag-aakala na napakalaki pala ng talento niya sa pag-arte? Aba, dapat niya ring i-consider ang pag-aartista kapag naubusan na siya ng pera.

"Araw-araw akong kumakain nang walang ulam. Minsan pa lugaw at nilagang kamote lang. Kung alam ko lang na may pera at alahas doon 'di sana may pambili man lang ako ng matinong pagkain," Mas lalo pang lumakas ang pag-iyak ni Samantha.

Halos maghalo na ang sipon at luha niya sa mukha.

Hindi tuloy malaman ni Ginang Aria kung papalakpak ba o iiyak na rin. Sa sobrang galing umarte ng manugang niya, muntik na siyang mapaniwala nito. Kaso ay palagi silang magkasalong kumain.

Kailan pa sila kumain ng lugaw at nilagang kamote? Mini-meryenda lang nila ang mga iyon. At mula noong dumating si Samantha, nagluluto lang sila ng lugaw sa tuwing nagki-crave ito. Lugaw na puro sahog pa ang ginagawa nito.

Hindi naman malaman ng mag-asawang dela Vega kung paanong reaksyon pa ang gagawin. Sa pagwawalang ginagawa ni Samantha, parang sinisisi pa sila nito kung bakit hindi nila sinabing may ipinadala silang alahas at pera dito.

Huminga ng malalim si Ginang dela Vega. Umiling ito sa asawa at kay Kian. Kitang-kita iyon ni Samantha.

Hindi porke't nagwawala siya at umiiyak ng bongga ay hindi na niya inoobserbahan ang mga ito. Hmp! Kaya niyang mag-multi-tasking!

"Tahan na anak, pasensiya na kung hindi namin nasabi sa'yo. Huwag mo nang iyakan iyon," ani Ginang dela Vega na kahit gusto nang sampalin si Samantha ay nagtimpi na lang ng husto.

Sino bang mag-aakala na tatanga-tanga pala ito?

"Anyway, hindi na kami magtatagal. Pupunta pa sa Paris si Kian para sa sinalihan niyang jewelry designing contest. Sasama din si Daureen kaya kailangan na naming umalis,"

Kumislap ang mga mata ni Samantha dahil sa narinig.

Pero patuloy lang siya sa paghikbi niya.

"O-okay mom. I-ingat po k-kayo,"

Sabay-sabay na tumayo ang mga ito.

Hindi nakaligtas sa paningin ni Samantha ang madilim na anyo ng walanghiya niyang ex.

So may something nga sa mga alahas?

Pagkatapos magpaalam ng mga dela Vega kay Ginang Aria ay walang pag-aatubili na naglakad na ito palabas ng kanilang bakuran.

Noong malapit na ang apat sa gate ay nagmamadaling humabol si Samantha.

"Mom! Dad!"

Kaagad na huminto si Ginang dela Vega nang marinig ang pagtawag ni Samantha. Si Ginoong dela Vega naman ay nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa maabutan nito ang anak at fiancé nito.

"Yes, Samantha?" Mrs. Dela Vega said in a distant voice.

"M-mom," pinagdaop ni Samantha ang kanyang mga kamay. Napatitig siya sa tsinelas na suot-suot niya. Sira na iyon at lumang-luma. "B-baka po pwedeng humingi kahit pambili lang ng bigas?" Nahihiyang tanong ni Samantha saka nagyuko ulit ng ulo.

Tahimik na nagbukas ng bag niya ang ginang. Kitang-kita ni Samantha ang ilang bundle na lilibuhin sa loob ng bag. Pero sa halip na galawin iyon, dinampot ng ginang ang pouch na naglalaman ng mga barya.

"Marami nang laman 'to. Makakabili ka na ng ulam at bigas dito,"

Napakagat-labi si Samantha.

Muli na namang tumulo ang luha niya.

"Thank you, Mom,"

Tumango ang ginang pero walang mababakas na emosyon sa magandang mukha nito.

"Mom?"

"Hmm?" She sounded irritated.

"M-mom, c-can you help my husband? I-itinakwil po kase siya ng lolo at lola niya k-kaya, wala pong tumatanggap sa kanya sa trabaho. C-can he work at our company? He graduated from the US and he-,"

"SAMANTHA!"

"Po?"

Halos mapatalon si Samantha dahil sa malakas at galit na pagtawag ni Ginang dela Vega sa kanya.

"You have a different surname. You're not a dela Vega. When you exchange your life with my daughter, our relationship ended there. Nabayaran mo na ang pagpapalaking ginawa namin sa'yo. Sa haba ng panahon na inalagaan ka namin at itinuring na anak, siguro naman, hindi ka na lugi, hindi ba? Ngayon, stay here ang be good. Stop spouting nonsense. That is our company and you're not included. I'm thankful sa ginawa mo. Na isinakripisyo mo ang sarili mo para sa anak ko. Pero wala na akong pabor na maibibigay pa sa'yo. Don't call us dad or mom anymore. Goodbye,"

Samantha stood rooted to the ground.

Iyon ang unang pagkakataon na nakita niya ang ganoong emosyon sa mukha ng kinilala niyang ina. Aside from being distant, she also look disgusted. Na para bang gustong-gusto nitong maalis ang lahat ng koneksyon na meron sila.

Huminga ng malalim si Samantha.

Pero sa mga sandaling iyon, totoong luha na ang tumutulo mula sa kanyang mga mata.

Maraming katanungan ang bigla na lang lumitaw sa isipan niya.

Pero sa ngayon, wala siyang ibang na-entertain kung hindi ang bigat at sakit na nararamdaman ng puso niya.

So they've been hiding their true colors since the beginning.

The fudge.

It's true. I am stupid. Very stupid.

Continue Reading

You'll Also Like

255K 4.6K 27
The unexpected marriage life between a secretary and her pervert boss. **** Meet Ashlene Jewel Prado everything she did for her family she became Wai...
5.7K 156 43
Fuentes Series #1 Her name tastes like berry but her life seems misery. She loves to paint red but her heart seems dead. Meet Sweet and her bitter...
Her Savior By M

Non-Fiction

1M 40K 65
ProfessorxStudent Story!!!
Crownless By AAAAAA

Teen Fiction

5.4K 146 52
To love to lose. To love to reign.