Sounds Of The Night (TWTH Ser...

By AindyWindy

921 348 52

š’š”šŒšŒš€š‘š˜ : Everyone knows Luis, except Jenica. Jenica Acab comes back to Philippines to meet her unrequ... More

Author's Note
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
EPILOGUE
special thanks!!
CHARACTERS

CHAPTER 10

24 7 5
By AindyWindy

[Chapter 10]




Tila nilamon ng kabog ang mga tainga ko sa mga naririnig ko ngayon. Bumagal ang lahat at bumilis ang pagtibok ng puso ko na sa sobra bilis ay nawalan na ako ng bilang sa pagkabog noon. Ang alam ko lang noon ay nakatingin siya sa'kin at natapos sa matagalang titigan, hanggang sa makisabat na naman si Luis sa katahimikan namin.

"You two look so astounded. Come on, somebody say something." pabor niya. Naglakad na lang siya bigla sa kusina saka binuksan ang cabinet sa ibaba ng island table niya saka kumuha ng isang bote ng white wine, hindi na siya nagpatagal pa at siniksik niya sa mga daliri niya ang dalawang wine glass sa cabinet na tabi ng silverwares. Bumalik siya saka nilapag ang lahat sa coffee table sa pagitan ng sofa at TV. 

Ilang minuto na ba ang lumipas kasi nararamdaman ko pa din sa mga noo ko ang diin ng pangungunot ko at lalim ng paglunok ko. Nang makita ko ay umupo na uli si Lucas at ininom bahagya ang white wine na sinalin ni Luis sa isang wine glass. "Luis, kumuha ka pa ng isang baso, iinom din si Jenica." utos niya kay Luis na parang naka sibangot pa sa pagtingin niya sa'kin. Inirapan niya 'ko na parang malditang babae saka pumunta sa kusina ulit para kumuha ng isa pa.

Samantala, nandito pa rin si Lucas na nakatitig sa'kin. Sana lang ay magsalita na siya, o kaya kausapin niya na ako kasi si Luis lang ang kinausap niya.

Nasurpresa ako sa narinig ko. Nang ngumiti siya na parang isang anghel na nagbabakasyon sa mundong ibabaw, at umupo ng padekwatro, "Jenica. . . it's been nice to see you." biglang pagbati ni Lucas. "Take a seat next to me." tinapik niya ang espasyo sa tabi niya na nagpapahiwatig na umupo ako sa tabi niya. Pero sa totoo lang ay ayoko 'yun tanggapin, parang kung kailan pa na na-meet ko na si Lucas, saka pa 'ko kakainin ng pagsisisi at kaba. Hayst! Bakit ngayon pa!!!

"Uh- No thanks! H- Hindi ako umiinom." ay shuta. . . ang hirap naman paniwalaan ng excuse ko.

Tumawa lang si Lucas saka niya ko kinumpronta, "Haha! Talaga ba, Jenica? Hindi ba sabi mo nung bata pa tayo na magiging alcoholic ka para mag mukha kang matured? Come on, Jenica, I know you're making up excuses." patawa-tawa niyang sabi habang binabalik niya ang mga alaala ng nakaraan.

Nakakahiya. Wala na akong iba pang naisagot sa kaniya tutal nilamon na ako ng hiya. Ay ano ba yan! Sobrang pangit na tuloy ng first impression ko sa muling pagkikita namin ni Lucas! "Ahh- Oo nga pala. . ." bulong ko sa'king sarili. Eh sa namimilit si Lucas, sige na uupo na nga. Uupo na sana ako sa tabi niya pero hinatak na lang bigla ni Luis ang kwelyo ng damit ko sa likod saka inabot sa'kin ang wine glass. 

"Luis, ano ba yan?!" sita ni Lucas. "Jenica sits next to me." at nakuha pa talaga ni Luis na pangunahan si Lucas. "No, Jenica will sit next to me. What's up with you, Luis?!" ay teka, bakit parang pinag-aagawan niyo na lang ako?! "W- wait, d- dito na lang ako sa armchair." ewan ko ba, sa sobrang pag-aalala ko ngayon, nagpuputol-putol tuloy ang pananalita ko. Akala ko ay naresolba ko na ang problema pero bago pa maka-move on sa'kin si Luis ay inirapan niya muna ako. Kanina pa talaga masama tingin sa'kin nito eh, kung wala lang si Lucas, bira 'to sa'kin.

"You're being weird, Luis." sita ulit ni Lucas kay Luis na agad nagpalit ng ekspresyon ng mukha. "Nothing to worry, bro. Kamusta na pala-" naputol ang sasabihin ni Luis nang sumingit ng salita si Lucas sa kalagitnaan, "So Jenica, how have you been? Sobrang dami kong kung gustong malaman since sobrang tagal din ng more than 10 years." 'yun ba ang topic na in-effortan pa ni Lucas na isingit kay Luis? Kitang kita sa mukha ni Luis kung gaano ka dismayado siya nang marinig ang ipinampalit na paksa ni Lucas.

Wala na akong nagawa kundi sagutin si Lucas, isa pa ay pareho lang kami ng goal sa isa't-isa, gusto ko lang din naman malaman ang lahat, at lowkey hoping na makapagpaliwanag siya kung pa'no lumabas sa buhay niya bigla si Luis.

"Okay naman. Honestly, 'di okay. Pahirapan talaga ang first days ko dito sa Pinas. . . and you know exactly why." nang sagutin ko ang tanong ni Lucas ay bigla na lang siya nasamid sa iniinom niyang white wine. Na-alarma naman doon si Luis at agad inabutan ng tissue pero 'di na 'yon tinanggap ni Lucas dahil sabi niya ay ayos lang naman. Nang mahimasmasan ay doon lang siya ulit nakapagsalita ng maayos at malinaw, "Sorry. But most importantly, sorry for your inconvenience. Alam mo, Jenica, alam ko naman myself na absent ako nung mga time na kailangan mo 'ko. I'm very sorry." todo paumanhin siya pero hindi ko na iyon pinansin masyado. Ang importante ay nandito na siya at hinarap na niya ako sa wakas.

"Wala 'yun." sagot ko sa kaniya habang nakangiti na parang nanggaan na ang loob, nang igilid ko ang paningin ko ay nakita ko kung ga'no kabilis nanlaki ang mata ni Luis sa sinabi ko, pero hindi ko na iyon pinansin, lagi naman kasi siyang may kaso sa lahat ng mga sinasabi ko kay Lucas, daig pa private investigator kung makatingin sa mga chats namin ni Lucas lagi kapag magkachat kami sa cellphone. 

Ngumiti din si Lucas saka siya uminom ulit ng white wine, ganun din ang ginawa ni Luis kaya ginaya ko na at uminom na rin sa baso ko. Grabe ang sarap, hindi na talaga nawala sa'kin ang pagiging alcoholic, 'yung simpleng biro ko lang kay Lucas noon, talagang cinareer ko na eh noh.

"I'm relieved, Jenica, pero I still somehow feel guilty. Kung galit ka sa'kin, please sabihin mo sa'kin, tatanggapin ko." pinipilit pa ni Lucas eh, sinabi nang 'di na nga ako nagtatampo.

"No! Hindi ako magagalit sayo, Lucas, alam mo naman 'yan." I reassured him. "Pero. . . actually, Lucas, marami akong mga tanong, lalo na tungkol sa inyong dalawa. Like. . . pa'no nangyari 'yun?" tinutukoy ko ang biglang pagsulpot ni Luis sa buhay ni Lucas. Inubos ni Lucas ang white wine sa baso niya saka niya malakas na binaba sa coffee table habang ang kaliwang braso niya ay nilapag niya sa sandal ng sofa, "That." panimula niya. Tumingin muna ang magkapatid sa isa't-isa bago magsimulang magpaliwanag si Lucas.

"When you left, lumipat kami ng bahay sa Pampanga. Si Lola Lorna na lang ang kasama ko dahil hindi na ako binalikan ni mama. Wala nang sumusuporta sa amin ni Lola Lorna kaya kinailangan kong rumaket. Nagkaron ako ng part time bilang isang pintor sa isang mansyon, nang makita ko ang mga amo ko, doon ko nakita si Luis at ang totoo ko nang mom ngayon na. Her name's Lucida Cabrera." hindi naman pala naging madali ang sinapit ni Lucas noong wala ako sa Pilipinas. Hindi ko nanaman napigilan ang sarili kong magpakamapait sa sarili kong mga pagsisisi. Ang hirap pumili sa dalawa, kung pipiliin ko ba ang kinabukasan ko o si Lucas na pinaka kinakailangan ako.

"I'm sorry, wala ako." paumanhin ko sa kaniya. "Don't worry about it." paniniguro ni Lucas.

Hindi pa din talaga nawawala sa isip ko ang iba pang katanungan, "Pero. . . may alam ba ang lola mo doon?" tanong ko sa kaniya. "Oo. She knows everything. Noong una ay nagtampo pa ako sa kaniya pero I'm grateful na pinaliwanag niya pa din sa'kin kung paano nangyari iyon." diin niya na may magaang na pabuntong-hininga sa huli.

Tumango ako sa kaniya. Sa buong araw, marami kaming napag-usapang dalawa. Nakakapanibago lang kasi hindi na nagsalita si Luis noon, para bang masusi siyang nakikinig sa'min. Pero mabuti na 'yun kaysa manggulo siya sa'min. Hindi ko na nga namalayan na gabi na pala at kailangan nang umuwi ni Lucas. Lahat kami ay nagtipon malapit sa pintuan, dali-daling humabol si Luis kay Lucas para iabot ang bag nito. Nagpasalamat si Lucas sa pag-alala ni Luis.

Ayoko na talaga siya umalis pero kailangan. Sa tinagal, ngayon ko lang ulit siya nakausap.

"Lucas. . . aalis ka na ba talaga?" medyo malungkot na ang tono ko noon at nagungunot sa lungkot ang aking noo.

"Awww. Mamimiss mo na ba 'ko agad, Jenica?" pang-aasar ni Lucas sabay yakap sa'kin. Nanlaki ang mata ni Luis sa gulat at para bang hindi matanggap ang pangyayari. Mukhang sira talaga kahit kailan. 

"Oo naman! Alam mo naman kung bakit." binigyan ko siya ng hint sa sinabi ko. Para naman kasing wala kaming pinagsamahan oh. Nangisi lang si Lucas saka na bumitaw sa mahigpit na yakap niya.

"Well, I have to go. I really have to." malungkot na din ang tono ni Lucas pati na rin ang ekspresyon ng mukha niya. Hinawakan niya ang kanan kong kamay at hinimas-himas. Hindi talaga siya nagbabago. Habit niya na talaga iyon kapag aalis siya, imbes na kumaway ng kamay ay nilalapitan niya pa ako para himasin ang kamay ko. Ganun din ang ginagawa ko sa kaniya kapag ako ang aalis, kung tutuusin, ginawa ko din iyan noong paalis na ako ng bansa.

Nginitian ako ni Lucas bago siya kumawala sa paghimas ng kamay. Labis na nagtataka din naman si Luis pero hindi talaga siya nagsasalita o kahit isang imik. 

Tuluyan nang umalis si Lucas, dumungaw pa ako sa pintuan para makita ang pag-alis niya. Ewan ko talaga, parang maiiyak na naman ako. Sobrang na-miss ko lang talaga si Lucas at hindi ko mapigilan ang mga damdaming iyon. 

Dapat magmo-moment pa ako kaso doon na nagsimulang magsalita ang bruho, este- si Luis. Ang kinagulat ko pa ay ang pagbalik ng pang-iilam ng mga mata niya sa'kin. Ano ba, Luis? Sasapakin mo ba 'ko? Kung makatingin ka-. . . kanina ka pa. Pero imbes na magalit ako, dapat magpakumbaba ako dahil kapatid siya ng taong minamahal ko.

Dapat nga ay sasawayin ko lang siya nang maunahan niya ako sa paninita ng kurutin niya ang tagiliran ko, "May payakap-yakap ka pa. And what did you two did there? Did you guys just held hands? You really are shameless." 

"Aray ko! Ano ba?!" masakit naman talaga ang kurot niya eh. "Pake mo ba? Kababata ko si Lucas kaya bakit ako mahihiya sa kaniya?" agresibo kong sagot sa kaniya. Hindi naman sobrang agresibo pero mukhang sineryoso ni Luis ang sinabi ko.

"You know you shouldn't be doing this anymore, Jenica!" nagsimula na akong pagtaasan ng boses ni Luis. Siguro nga ay seryoso talaga siya. Akala ko kasi ay iritable lang siya sa'min kanina. Nanlaki ang mga mata ko sa kaniya nang pagtaasan niya ako ng boses, doon siya nanghina at agad na pinagsisihan ang ginawa, "I-. . . I'm sorry. . . I just got carried away." paumanhin niya. Hindi na ako nagalit pa noon, bagkus, pagtataka na lang ang natira sa isip ko.

"Ano bang meron at pinagbabawalan mo akong maglambing kay Lucas? Desisyon ka ba? Kung ano ang gusto ko, 'yun ang gagawin ko kay Lucas." nararamdaman ko pa din sa sarili ko na gusto kong ipagpatuloy at ipadama ang pagmamahal na mayroon ako kay Lucas. Si Luis lang talaga ang pumipigil noon.

"You have to stop it, Jenica. Lucas isn't the old Lucas you knew." this time ay mas mahinahon na siya, pero alam ko ang diin ng concern niya ngayon, hindi nagbabago. What does he exactly mean 'he's not the old Lucas I knew' 

Continue Reading

You'll Also Like

138K 4.5K 51
--- WE GOT MARRIED?! BOOK 2 -- "When we broke up, I started to fix myself by picking up the pieces of my heart shattered on the ground. But how co...
59.5K 823 9
Artemis has been instructed to go to school. Her hunters are to stay at camp for the year. Artemis goes to Goode. Percy is to go back to his high sch...
14.6K 298 40
In the wake of their lost heir's dramatic reappearance, Berk has changed for the better. Unfortunately for our heroes, they do not have time to stay...
1M 79.9K 39
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...