Nang dalhin ni Arem sa loob ng kanilang kwarto ang kanyang asawa, bumalik sa labas ng terrace ang kanilang mga bisita kasama ang kanyang ina.
Maingat niyang inalalayan na maupo si Samantha sa kama.
Isinandal naman nito ang likuran sa headboard saka kumuha ng unan at niyakap 'yun.
"What's wrong?" Arem patiently asked.
Samantha bit her lip while looking down at their bedsheet.
"Ayaw mong binibisita ka nila?"
Nanatiling walang kibo si Samantha.
"Have they not been treating you well in the past?"
Wala pa ring nakuhang sagot si Arem sa asawang walang kabuhay-buhay ng mga sandaling iyon. Napakalayo nito sa persona nitong palagi nilang nakikita.
"That guy...who is he?"
Nanlaki ang mga mata ni Samantha.
Napakunot-noo si Arem nang makita niya ang naging reaksyon ng asawa.
With his sharp and observant eyes, he immediately noticed the subtle signs of tension on her beautiful face.
Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang reaksyon nito.
His attention to detail allowed him to pick up on this small detail, which could offer insight into her current emotional state.
"Samantha," madiin niyang tinawag ang pangalan nito nang makita niya na unti-unti na namang nanginginig ang katawan ng babaeng kaharap.
Pakiramdam ni Arem ay may kung anong bagay na sumasakal sa puso niya.
"Don't be afraid. I'm right here,"
Dahan-dahang nag-angat ng paningin si Samantha. Napatitig siya sa lalaking nasa harapan. Napakalayo nito sa lalaking nasa kanyang nakaraan.
In her previous life, the man looked very kind. His smile was like sunshine, and he never got angry. He was always patient with her and was very caring and considerate. However, despite all of this, he made her life a living hell.
Whenever he is around, her heart is always in a state of confusion. He seems like a good man, but why does she feel scared of him?
As she sat before him, Samantha couldn't help but compare the man in front of her to that sunny person in her past life. Unlike the happy and kind demeanor of that person, this man exuded an air of safety and calm. She felt at ease in his presence, as if nothing could harm her. Despite his stoic exterior, something was reassuring about him that made her feel protected.
It was a feeling she had never experienced before and one that she couldn't quite put into words.
Unti-unting kumalma ang sistema ni Samantha. Ang mga katagang 'I'm right here', ay nagbigay ng kakaibang lakas sa kanya.
Right.
He's right here.
That's why she have to pull herself together. Dahil ibig sabihin noon ay wala na siya sa bangungot na iyon at hinding-hindi na niya hahayaan na bumalik siya doon.
"A-arem?"
"I'm here," mabilis na sagot ng lalaki.
"Are they still outside?" Tanong ni Samantha sa halos pabulong na tinig.
"Umn,"
Huminga ng malalim si Samantha. Pilit na pinapakalma ang sarili.
"Water?"
Sandaling natigilan si Samantha saka napatitig sa lalaking kaharap. Kung kanina ay may nababanaag siyang pag-aalala sa mukha nito, ngayon ay wala na.
Baka pinaglalaruan lang siya ng sarili niyang paningin. Muling huminga ng malalim si Samantha. "Yes please," sagot niya sa tanong ng asawa.
Tahimik na tumayo si Arem.
Mula sa bedside table nila ay kinuha nito ang isang bottled water at iniabot iyon kay Samantha pagkatapos nitong buksan.
"T-thank you,"
Sunod-sunod na lumagok ng tubig si Samantha. Nang matapos ay hinawakan niya ang plastic bottle.
Muli siyang huminga ng malalim. Na para bang sa paraan na iyon ay tuluyan na siyang kakalma. "That guy, is my ex boyfriend," panimulang saad ni Samantha.
Alam niya sa sarili na wala siyang ibang pwedeng pagsabihan ng karanasan niya in her past life. Tanging siya lang ang pwedeng makaalam noon dahil baka isipin pa ng ibang makarinig na nababaliw siya. O sinasaniban lang ng masamang espiritu ang kanyang katawang lupa.
Kahit nga siya ay hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon sa kanyang karanasan.
Minsan ay tinatanong niya rin ang kanyang sarili. Namatay ba talaga siya? Naranasan ba talaga niya ang lahat ng iyon? Hindi kaya masamang panaginip lang ang lahat? Isang bangungot na hindi naman talaga nangyari sa totoong buhay?
Pero hindi.
Alam ni Samantha na nangyari talaga ang mga bagay na 'yun. Dahil may bangungot ba na kailangan niyang maranasan sa loob ng maraming buwan?
Ang sakit ng kanyang buong katawan.
Ang kanyang kumakalam na sikmura.
Ang mga panlilibak, pangmamanipula, pananakit at pagsasamantala sa kanya ay isang bangungot lang?
Kalokohan.
Hindi naman siya masamang tao para maranasan ang ganoon.
Kaya naman pagkagising ni Samantha, inisip na niyang pakunswelo lang iyon ng kalangitan sa kanya.
Maybe the Heavens took pity. Maybe the Heavens felt guilty because she didn't deserve that kind of life.
"Did he do something to you?" Arem asked in his usual cold voice.
Samantha bit her lower lip. Alam niyang hindi niya pwedeng sabihin ng deretsa kay Arem ang kanyang karanasan. Pero gusto niyang may mapagsabihan noon, kahit na sa hindi deretsang paraan.
"I have a dream,"
Kumunot ang noo ni Arem.
Pero hindi siya nagsalita. Kahit na walang koneksyon ang sinasabi nito sa tanong niya, hindi niya magawang kontrahin ito o pigilan sa gusto nitong sabihin. He helplessly listen to her.
"In that dream, my foster parents brought their real daughter home. Dahil hindi ko iyon matanggap, lumayas ako dala-dala ang mga alahas at pera na nasa vault nina mommy at daddy. T-that guy, that guy is also my boyfriend in that dream, just like in reality. We're in a long-distance relationship. So I decided to stay with him. But that person stole my money and all of my jewelry. Then...then he left me behind. In that dream, no one wants to help me because they are afraid of him. No one helps me. Instead, they all tortured me. Someone wanted to sell me as a prostitute, then...other people wanted me to work like a slave. T-that dream...that dream felt so real that when my foster parents brought Daureen home, I told them that I'd replace her. I'm so afraid. I don't want that dream to happen,"
Hindi na namalayan ni Samantha na tumutulo na pala ang mga luha niya.
Iyon ang unang pagkakataon na inilabas niya sa ibang tao ang bigat na nararamdaman niya. Although hindi niya inamin na nangyari iyon sa kanya sa totoong buhay, at least, nailabas niya ang nasa loob niya.
"That person also stole all of my jewelry designs in my dream. It's so traumatic! T-that's w-why I-i'm s-so afraid when I saw him. S-sorry, you have to see this pathetic side of me,"
Hindi na mapigilan ni Samantha ang mapahikbi.
She's too emotional.
Gustong-gusto niyang kalimutan ang mga pangyayaring iyon, pero masyadong malaki ang sugat na nilikha ng karanasan niyang iyon.
Nag-aalab ang galit sa kanyang mga mata, dahilan para isipin ni Arem na hindi lang basta-bastang panaginip ang nangyari.
Samantha's emotion is so out of place. She's crying like it happened not just in her dream.
"Calm down, I'm here, hindi ba? As long as you are with us, that dream won't happen," Arem patiently told her.
Hindi niya kahit na kailan naranasan kung paano ang mang-alo ng taong umiiyak. Kahit na noong namatay ang kanyang ama, hindi niya magawang i-comfort ang kanyang ina.
Sabagay, paano niya pa gagawin iyon eh na-comatose na ang kanyang ina kaya naman halos araw-araw siyang nagpapalipat-lipat sa lamay at ospital noon.
"I don't want to face them," mahinang anas ni Samantha. "Hindi ko alam kung ano ang plano niya. Sa dami ng pwede niyang asawahin, bakit ang anak ng foster parents ko? At bakit kailangan nilang ipaalam sa akin? I'm not a part of their family anymore," mahinang anas ni Samantha.
Tikom lang ang bibig ni Arem.
Hindi niya rin alam kung ano ang sasabihin. In the first place, hindi naman siya pamilyar sa mga taong 'to.
"But you have to. Sabi ni mommy kanina, may importante silang itatanong sa'yo. I heard it's about the jewelry,"
Napakunot-noo si Samantha. Nakaawang ang kanyang labi habang tinititigan ang asawa.
Jewelry?
In her past life, ninakaw ng damuhong 'yun ang mga alahas niya. And in this life, kailangan bang mapasakamay ulit ng lalaking 'yun ang mga alahas? Pero bakit?
Sa pagkakatanda niya, sa kanya ang mga alahas na 'yun. Kaya nga malakas ang loob niyang kuhanin iyon kahit na medyo guilty siya.
Hindi sinasadyang narinig niya noon ang mag-asawang Dela Vega habang nag-uusap sa loob ng silid ng mga ito at siya naman ay nagtatago sa ilalim ng kama dahil nagtatagu-taguan silang dalawa ng yaya niya.
Ayon sa mommy niya, nakalagay sa kiddie backpack niya ang mga alahas na iyon at ibabalik nga daw ng mga ito sa kanya ang mga iyon kapag nasa tamang edad na siya.
Pero noong umalis siya sa poder ng mga ito para palitan si Daureen, inilagay lang ng kanyang foster mother ang mga alahas sa luxury bag na dala-dala niya. Hindi niya naman iyon pinansin noong nasa byahe siya dahil masyado siyang abala sa pag-aayos ng mga bagay-bagay sa kanyang isipan.
They're going to ask about jewelry.
Pero dalawampung taon at higit pa na nasa poder siya ng mga dela Vega, ni minsan ay hindi nagkaroon ng interes ang mga ito sa mga alahas na 'yun. At ngayong dumating ang lalaking 'yun, bigla silang susulpot at magtatanong patungkol sa alahas?
Samantha's eyes darkened.
Dali-dali siyang nagtungo sa cabinet na ipinagawa niya kamakailan lamang. Mula doon ay kinuha niya ang malaking jewelry box.
"Help me hide it. Ah wait, our rings. Remove our rings!" Dali-daling hinubad ni Samantha ang singsing na suot niya. Pagkatapos ay kinuha niya ang singsing na suot ni Arem at hinubad din niya iyon. Mabilis niyang inilagay sa loob ang mga singsing at pagkatapos ay ibinigay iyon kay Arem. "Inside your suitcase!"
Arem helplessly took the jewelry box at put it inside his suit case. Pagkatapos ay inilagay niya iyon sa pinakasulok ng kama. Hindi iyon mapapansin dahil maraming abubot ang nakaharang sa unahan.
"Oh no, paano ang wedding ring natin?" Natatarantang naglakad sa loob ng silid si Samantha.
"May binili ako noong isang araw. Nandiyan sa ibabaw ng drawer,"
Napatitig si Samantha sa kanyang asawa.
"For real? Bumili ka?"
"Umn, get it,"
Nagmamadaling nagtungo naman si Samantha sa drawer na pag-aari ni Arem. May nakita nga siyang alahas sa ibabaw ng drawer. Mukhang mumurahin dahil bukod sa napaka-simple nang disenyo ay nakalagay pa iyon sa isang ziplock na maliit.
Walang pag-aatubili na kinuha ni Samantha ang panlalaking singsing at isinuot iyon kay Arem. Pagkatapos ay iniabot niya dito ang ziplock.
Walang imik na kinuha ni Arem ang singsing na naroon saka isinuot sa babaeng hindi mapakali.
"Now, can we go out?"
"W-wait lang. Mag-aayos lang ako,"
Awtomatikong tumaas ang kilay ni Arem pagkarinig sa sinabi ng asawa.
Mag-aayos para?
Para sa ex niya?