CASA VALLE #2: Caught by Dayb...

By nevertofadingstars

9.9K 319 167

Clev Valle, an undercover agent, is tasked with finishing an operation, so he pretended to be an employee of... More

Author's Note
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Epilogue
Special Chapter

Kabanata 22

183 7 3
By nevertofadingstars

Kabanata 22

Mimi

“Aloysius!” sigaw ko pagpasok ng bahay. “Bakit wala tayong ilaw? Hindi ka ba nagbayad? Huwag mo akong taguan! Nakita ko bike mo sa gilid.”

Kinapa ko ang pader para hanapin ang switch. “Ah, joke lang pala. May ilaw pala. Ikaw naman kasi, alas-sais na tapos patay pa lahat ng ilaw dito sa bahay. Hindi mo ba natandaan ang sinabi ni Aling Myrna na dapat pagpatak ng alas-sais ay bukas na ang ilaw sa bahay kundi ay dadalawin tayo ng mga multo saka ng tiktik.”

Nagsasalita ako roon kahit hindi ko sigurado kung nandito ba si Aloysius. Baka bike lang pala ang nandito tapos tumambay na pala siya doon sa may bilyaran. Pero mas okay kung nandito siya para may kausap ako dahil mas malulungkot lang ako kapag mag-isa ako.

“Aloysius!” tawag ko. “Kung nandito ka, o di nandito ka—-”

“Bakit? Namiss mo ba ako?”

Napatalon ako sa gulat nang bigla siyang sumulpot mula sa kusina.

“Ito naman, bakit ka nanggugulat?” Humawak ako sa dibdib ko.

“Huh? Tinawag mo ako, ‘di ba? Bakit ka magugulat?”

“Wala. Wala…nevermind na nga. Salamat sa pagbayad ng bill. Send ko na lang sa Gcash mo. Meron ka ba noon? O pwede namang libre kasi wala akong pera. Nag-resign na kasi ako,” kwento ko sa kanya habang papunta sa kusina para ilagay sa ref ang mga grocery na kinuha ko sa bahay ng ama ko.

Kinuha ko na lahat dahil hindi siya pumayag na hindi ako umalis sa planta. Saan naman ako kukuha ng pera kung wala akong trabaho? Kainis. Akala niya siguro ay ginagamit ko ang pera na nakukuha ko sa pagbebenta ng ilegal na droga o paggawa nito. Kahit kailan ay hindi ko ‘yun ginamit.

Magbebenta na lang ako ng wipes saka pabango tapos si Aloysius lahat ang bibili tutal kung gumastos siya ay parang anak ng presidente. Kidding aside, I think I really need to find a job.

“Bakit? May problema ba?”

“Wala. Hindi na kasi ako masaya,” sagot ko. ‘Yon kasi ang madalas na naririnig ko na sinasabi ng mga nagreresign sa trabaho. Ginaya ko lang dahil alangan namang sabihin ko na magbebenta na kasi ako ng droga. “Kailangan ko lang hanapin ang sarili ko.”

Kumurap si Aloysius habang nakaawang ang bibig niya. Parang may kakaiba sa kanya ngayong araw na ito. Hindi ko alam kung ano—ah, medyo nakikita ko ang mata niya kasi ginupitan niya ng kaunti ang bangs niya. Naiirita akong tingnan siya dahil sa style ng buhok niya kaya madalas ay hindi ko talaga siya tinitingnan.

“Bakit nawawala ka ba?”

“Alam mo…” Napakamot ako sa ulo ko. “Huwag mo na nga akong kausapin. Ay, wait.” Binawi ko rin kasi kailangan ko pala ng kasama. Baka kasi mabaliw ako sa kaiisip kay Clev. Kailangan ko siyang kalimutan.

“Samahan mo pala ako kumain. Kailangan ko ng karamay.” Nilabas ko ang dalawang pack ng baked chicken. “Favorite ko ‘to pero sige ibibigay ko na ang isa sa’yo kasi sasamahan mo ako.”

“Sasamahan na?”

“Kumain nga.” Medyo mataas na ang boses ko. “Pinapainit mo ulo ko, e. Huwag mo akong asarin ngayon. Limang araw na akong broken-hearted kaya maging mabait ka.”

“May jowa ka?” Umangat ang kilay niya.

“Grabe ‘to.” Umismid ako. “Sa jowa lang ba pwedeng mabroken-hearted? Hindi ba pwedeng kasi wala akong pera?”

“Gusto mo pautangin kita para hindi ka na masungit?”

“Talaga?” Nagliwanag ang mukha ko. “May isang milyon ka ba?”

“Wala.”

Tinaas ko ang kamao ko, akmang babatukan siya kaya tumawa siya. Napatigil ako nang maalala si Clev. Pareho ba sila ng tawa o miss ko lang si Clev kaya kung ano-ano na ang naiisip ko?

“Kung gusto mo, sige pahihiramin kita.”

“Yaman! Sige nga. Ihiram mo nga ako sa mga Enrique. Kailangan ko ng puhunan. Gusto ko magtayo ng perfume company,” sabi ko sa kanya.

Tinigil ko muna ang paglalagay ng grocery sa ref. Nilagay ko sa microwave ang baked chicken. Si Aloysius naman ay pumunta sa gilid tapos siya na ang naglagay ng mga grocery sa ref. Nang matapos ay pinunasan niya ang lamesa tapos naglagay siya ng plato.

“Gumawa ako ng leche plan. Sabi ni Pilar ay paborito mo raw ‘to kasi lagi kang bumibili nito sa Nanay niya.”

“Ah, actually, hindi ko ‘yan paborito. Bumibili lang ako para maubos ang benta ng Nanay niya kasi kawawa naman,” sagot ko. “Pero dahil nag-effort ka ay sige kakainin ko.”

“Thanks.”

“Sure.” Nilapag ko ang pack ng baked chicken sa lamesa tapos sabay kaming umupo.

“Bumili rin ako ng paborito mong chocolate bread. Kaso parang mae-expire na siya bukas kasi noong nakaraang linggo ko pa binili. Hindi ko kasi sigurado kung kailan ka babalik.”

“Hindi ko rin sigurado…” wala sa sariling sagot ko habang nakatitig sa plato ko.

“Huh?” tanong niya.

“Huh?” Natauhan lamang ako nang ilagay ni Aloysius ang chicken pati ang kanin sa plato para makakain ako nang maayos. Naglapag din siya ng tubig sa gilid ko bago niya ayusin ang pagkain niya.

“Teka…” Pinigilan niya ako nang kukunin ko na ang kutsara. “You haven’t washed your hands yet.” Kinuha niya ang kamay ko tapos pinunasan gamit ang wipes.

Bigla akong natulala. Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa hindi malamang dahilan.

“Clev…”

“Why?” tanong niya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Kainis! Bakit kasi pareho silang mahilig gumamit ng wipes? Hinatak ko agad ang kamay ko mula kay Aloysius dahil mas lalo kong naalala si Clev. Imbes na maging ayos ako ay mas lalo akong nagiging malungkot. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko kung hindi pa ito pinunasan ni Aloysius.

“Gusto mo umiyak?”

“Huh? Adik ka ba? Bakit naman ako iiyak?” Lumayo ako sa kanya. “Napuwing lang ako. Doon ka na nga. Kain na tayo para makapagpahinga na. Inaantok na rin ako tapos maghahanap pa ako ng trabaho bukas.”

Hindi siya umimik pero ramdam ko pa rin ang tingin niya sa akin habang sumusubo ako. I ignored him. Sinikap ko na matapos ako sa pagkain. Ngayon lang ako nawalan ng gana sa baked chicken. Nag-presenta si Aloysius na iligpit ang pinagkainan kaya hindi na ako umangal. Umakyat ako sa kwarto ko para sana matulog kaso alam ko naman na hindi ako makakatulog kaya lumabas na lang ako.

Mayumi
wer u

Arrow
Warehouse. Why? Do you want to see me?

Mayumi
ala lang 2morrow nlan

Arrow
Want me to call? Need someone to talk to?

Mayumi
no, good me

Arrow
Okay, take care. Sleep, okay?
I love you.

Mayumi
wabyu2

Tinago ko ang phone ko. Balak ko na magtambay lang sa labas ng bahay tapos magbilang ng bituin kaso mas nakakalungkot dahil sobrang tahimik. Puro kuliglig ang naririnig ko. Himala dahil walang nagvi-videoke ngayon.

Pumunta na lang ako sa may bilyaran tapos sakto naman ay nakita ko si Hunter. Napamura ako sa isipan ko. Ano ‘to, dakilang tambay na rin ba siya dito?

“Uy, Mimi! Ang tagal mo nawala,” si Pablo. “Pakiss nga. Namiss kita.”

Hinampas ko ang mukha niya bago pa niya ako halikan tapos tumabi ako kay Hunter para hindi na makalapit si Pablo.

“Sali ako,” sabi ko kay Hunter. “Hindi pa kita natatalo.”

“Hindi mo ako matatalo.”

“Wow, yabang.” Dumila ako. “Ngayon kita tatalunin. Akin na nga.” Kinuha ko sa kanya ang stick. “Kapag natalo kita ay gagawin mo ang dare ko ha. Deal? Ano?” Muli akong tumingin sa kanya nang hindi siya sumagot.

Napansin ko ang titig niya sa dibdib ko. Teka, minamanyak ba ako nito? Sinundan ko ang tingin niya. Hawak ko ang stick sa kaliwang kamay ko. Hindi ko mawari kung ang stick ba o ano hanggang sa ibaba ko ang kamay ko at mapagtanto na sa bracelet na binigay ni Clev siya nakatingin.

“Bakit, may problema ba?” tanong ko.

Shit. Nakalimutan kong alisin. Totoong gold nga pala ito. Baka nagtataka si Hunter kung saan ko ito kinuha tapos akalain pa niya na magnanakaw ako o kaya ay nagbebenta ako ng droga. Totoo naman iyong pangalawa pero syempre hindi niya pwedeng malaman.

“Nothing. Where’s Aloysius? Hindi mo siya kasama?”

“Naiwan. Nag-uurong.”

“Urong?” He raised his brow. “What does it mean?”

“Ah, rich kid ka nga pala. Naghuhugas ng plato,” sagot ko. “O baka tulog na ‘yon. Anyway, huwag mo hanapin ang wala. Ako ang kalaro mo ngayon, okay?”

“Okay.”

Kumunot ang noo ko. Bakit parang napilitan pa siya? Buti na lang talaga dahil gwapo itong si Hunter. Naglaro na kami tapos itong si Pablo ay nagtawag ng mga tambay kaya pinalibutan nila kami roon na akala mo ay world championship tapos nag pupustahan na sila.

Masama na nga ang tingin ni Hunter pero hindi na rin siya nagsalita. Nakailang rounds kami pero salitan ng nananalo. Ayaw magpaubaya! Nakakainis! Hanggang sa umabot na kami sa curfew tapos tie pa rin ang laban kaya ayon—sa susunod na ulit.

“Bakit ang galing mo sa billiard?” Hindi na ako natutuwa kaya tinanong ko na. “Hindi pwedeng magaling ka. Tambay ka ba dati sa bilyaran? Saan ka naglalaro?”

“Sa bahay…”

“Bahay? Wow. May billiard kayo sa bahay?” Kunwari ay manghang-mangha ako. May billiard din naman kami sa bahay pero sigurado ako na mas mayaman itong si Hunter kaysa sa pamilya ko kaya gusto kong malaman kung ano pang meron bukod sa billiard.

“Yes.”

“Iyon lang?”

“Hmm, we also have an arcade…and some stuff.”

“Wow.” I clapped. “So rich. Naghahanap ka ba ng katulong? I need job.”

“Hmm, not me. Maybe you can ask Clevon Valle.”

“Clev?” Nasamid ako sa sinabi tapos nakagat ko pa ang dila ko kaya napamura talaga ako. Tinapik ko ang dibdib ko. Ikamamatay ko pa yata ang pangalan ni Clev. Ito naman kasing si Hunter—-wait, is he aware of my identity?

Shit. Don’t tell me he is aware of it…and if he is aware then Clev—he could also be aware?

“Mimi, are you okay?”

Nakipagtitigan ako sa kanya nang ilang segundo bago ako magbawi ng tingin. Kailangan kong kumalma dahil kung alam nga niya at ni Clev—I am dead.

“Ah, oo. Sorry.” Pilit na ngumiti ako. “Clev? Sino ‘yon? Iyong isang kasama mo na pulis?”

“Yeah. You can apply. Mas mayaman siya kaysa sa akin. He might give you a higher salary.”

“Tama ka nga.” Tumango ako. “Ayon sa Forbes Philippines, they’re number 4 and your family’s number 5.”

He looked at me, amused. “Hold on, don’t tell me you memorized the list?”

“Not all. Just 15.” Nagkibit-balikat ako. “It’s easy. Tan & Lopez, Eustaquio, Luciana, Valle, Eleazar, de Matiano, Ignacio, Enrique, Villatoro, Hermedilla, Montenegro, San Claveria, Casano, de Marqueza, Borneo. Should I go on? I think kabisado ko pala hanggang 50.”

Hunter laughed a little. “Why would you memorize that?”

“Wala lang.” Naglakad ako patalikod para makita ang mukha ni Hunter habang nakasunod siya sa akin. Nag-presenta siya na ihahatid ako sa bahay para masiguro na hindi ako tatambay. Walang tiwala. Pero ayos din pala itong si Hunter—masarap siya maging tropa.

“I am fond of rags to riches stories. Kapag may single at available kang friends, pakilala mo ako, please—oops!” I almost lost my balance when I bumped into someone.

May kamay na umalalay sa bewang ko kaya hindi ako bumagsak. Nanigas ako nang maamoy ang pamilyar na bango. Shit. Hindi nga ako nagkamali.

“Single friends? I do have one and he’s right behind you,” Hunter grinned, as if he knew something that I don’t know. “That’s Clev. If you want to apply for a job, just ask him. Maybe he needs a nanny or a girlfriend. Clev, send her home…need to go back to check if Pablo and the gang really went home.” Hunter waved and turned his back.

I couldn’t turn my back. I am having goosebumps. Of all places, and of all times, why is he here? Nagmo-move on na nga ang tao tapos ayaw niyang makisama. Well, it’s not his fault because he doesn’t know I am Mimi.

But still? Hello, universe? Is it too much to ask? Do not let me see Clev until I move on!

“Are you looking for a job?”

“No.” Tumikhim ako. “That was a joke.” Lumingon ako.

Shit. Ang gwapo! Pinigilan ko ang sarili ko na  kiligin dahil baka mahalata niya pa ako. Tumingin na lang ako sa gilid niya tapos tinago ko sa likod ang kamay ko dahil baka makita pa niya ang bracelet.

“Ah, ayon. Ano…uuwi na ako. Kahit hindi mo na ako ihatid. Kaya ko naman na ang sarili ko.” Humakbang na ako sa kaliwa niya kaso humakbang din siya kaya pumunta naman ako sa kanan kaso ganon din siya.

Natawa ako. So Clev and Mayumi. If only I could be Mayumi right now.

“Sorry, you go first,” he told me, smiling. “I’ll be behind you.”

“Bakit?” Nagulat na sabi ko. “Uwi ka na. Malaki na ako.”

“Uhm, wait.” He stopped me. “Do you know a 24/7 store here where I can buy food? Sarado na kasi ang grocery. I am hungry.”

“There is a convenience store on the highway. Hindi ko sigurado kung bukas ba. Hindi ba may curfew?”

“Ah, I see.” Tumango siya. “Thanks.”

“Okay, good night.” Labag sa loob na tumalikod ako dahil sa totoo lang ay gusto ko pa siyang kausapin.

Narinig yata ako ni Lord dahil tinawag niya ako.

“Wait, what’s your name again?”

“Mimi,” sabi ko pero hindi ako lumingon. “Nice meeting you, Clev.”

Halfway, he called me again.

“Mimi.”

“Ano?” Medyo masungit na ako. I am trying to move on. Hindi siya nakakatulong! “Ang ibig kong sabihin ay may kailangan ka pa ba? Inaantok na kasi ako kaya gusto ko ng umuwi.”

“Sorry. Wala naman,” tugon niya. “You can go home. Take care and good night.”

“Sige, ikaw rin.”

“Yeah,” sagot niya. “By the way, that’s a pretty bracelet.”

Continue Reading

You'll Also Like

360K 9.9K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
10.5K 351 8
If you were going to ask my younger self what was my biggest fear, I would have probably said... death. I was so scared of passing away more than any...
2.7M 172K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
298K 16.2K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.