4th year highschool na ako, at malapit nang tumungtong sa pagiging kolehiyo.
So ngayon, magkakasama kami ng mga kaibigan ko na magtatake ng entrance exam sa UP
(ambisyosang froglet lang..):-D
SA LOOB NG EXAMINATION ROOM....
" Hi.. Miss" sabi ng babae.
" Uy? Hello?? O.o" nagulat ako. di ko kasi kilala e.
" AH? EH? Nakakahiya man, pero pwede bang makahiram ng extrang pencil, wala pala akong dalang extrang pencil" nahihiyang sabi nya.
" Ah.. Eh? (naghahanap ng pencil) ito oh! (inabot ang pencil, with smiling face)"
" Ay. Thankyou so muccchhh!!! By the way, anung pangalan mo?"
" Bass. Bass Lopez"
Ah, nice to meet you bass. I'm Sabrina. Oh, sige let's take the exam,
Godbless you"
Smile nalang ako.
At nagumpisa na sa pag take ng exam....
AFTER EXAMINATION.
"Bass. Salamat sa pencil, ito oh! :)" sabi ni Sabrina.
"Ay. Sige sayo na yan, REMEMBRANCE para maalala mo ako" sagot ko.
"Oh well, thankyou, okay! I gotta go na! Hope na makapasa tayo, see you soon :)"
"Okay! :)"