The Divorce

By MrsPeriwinkle0024

28.1K 1.6K 227

In her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her di... More

Chapter 1: Rebirth
Chapter 2: Exchange
Chapter 3: Get Married Then Divorce
Chapter 4: Asking For Pocket Money
Chapter 5: Unexpected Turn Of Events
Chapter 6: Bargaining Chip
Chapter 7: The Audacity
Chapter 8: The Truth
Chapter 9: Wrong Script
Chapter 10: First Time
Chapter 11: Obstacles
Chapter 12: Cannot Threaten Him Anymore
Chapter 13: Loyalty
Chapter 14: Going To Hate Him
Chapter 15: Willing
Chapter 16: The Perfect Sister-in-law
Chapter 17: One Of Her Dreams
Chapter 18: What To Fix Next?
Chapter 19: A Sudden Lecture
Chapter 20: Finally
Chapter 21: Judas Kiss
Chapter 22: Cannot Blame Her
Chapter 23: Proposal
Chapter 24: Insult
Chapter 25: Unwanted Visitors
Chapter 26: No Strings Attached
Chapter 27: Poor
Chapter 28: Last Option
Chapter 29: A White Dress
Chapter 30: Her Creations
Chapter 31: Lunch Date
Chapter 32: Painful Memory
Chapter 33: No Thanks
Chapter 34: Dearest Sister-in-law
Chapter 35: Someone Is Coveting His Woman
Chapter 36: Washing My Eyes
Chapter 37: Wish
Chapter 38: Wedding Day
Chapter 39: Arya Being Hysterical
Chapter 40: Asking For A Gift
Chapter 42: Concerned About Her
Chapter 43: A Nightmare
Chapter 44: Good Bye
Chapter 45: Original Plan
Chapter 46: A Normal Day
Chapter 47: Upset
Chapter 48: Gentle
Chapter 49: Negative And Positive Emotions
Chapter 50: Doubt
Chapter 51: The Police Officer And The Lawyer
Chapter 52: Helper From The Past
Chapter 53: Bothered
Chapter 54: Arya's Concern
Chapter 55: Felt Like A Roller Coaster Ride
Chapter 56: Someone Who Knows Her Best
Chapter 57: Stick To The Original Plan
Chapter 58: Someone Who Looks Like Her
Chapter 59: Delighted
Chapter 60: Different Types
Chapter 61: What If...?
Chapter 62: Protecting You In My Own Little Way
Chapter 63: The Allejo Family
Chapter 64: The Hungry and Irritated Sam
Chapter 65: Bite Back
Chapter 66: Bullying The Bully
Chapter 67: Prevention Is Better Than Cure
Chapter 68: Samuella's Nightmare
Chapter 69: Samuella's Nightmare Part II
Chapter 70: The Brother-in-law
Chapter 71: The Birthmarks
Chapter 72: A Success
Chapter 73: Stealing Task
Chapter 74: Terrifying
Chapter 75: Missing Home
Chapter 76: Indulge

Chapter 41: Torture And Imaginations

384 26 2
By MrsPeriwinkle0024

Pagkatapos kumain ng tanghalian ay nagpaalam na sina Shopkeeper Magtanggol at asawa nito na uuwi. Ganoon din naman ang butihing kapitbahay nila. Naiwanan si Samantha sa lamesa na nakikihalubilo sa mga kabataan dahil sumama si Arem sa mag-asawang Magtanggol in a pretext na hindi nito kayang pauwiin ng sila lang ang mag-asawa. Pero ang totoo ay may emergency meeting ang kanyang kompanya at kailangan niyang gamitin ang computer sa opisina ni Shopkeeper Magtanggol para maka-attend.

"Ate..."

Nakangiting lumingon si Samantha kay Arya.

"Yes?"

"Ate, hindi ba may binili ka na higaan? 'Yung nagiging upuan? Pwede ko po ba hiramin? Kase dito daw matutulog sila Maru at Keana. Maliit lang po 'yung higaan sa kwarto ko eh. Pwede ko bang hiramin 'yun, ate?"

Sandaling nag-isip si Samantha.

Iyon ang ginagamit niyang tulugan sa gabi. Ano na lang ang gagamitin niya mamaya kapag kinuha iyon ni Arya at pinahiram sa kaklase nito?

"Ate..."

But looking at Arya's cute and expectant gaze, paano naman ito magagawang tanggihan ni Samantha?

Bahala na.

"Okay. But you have to return it tomorrow morning pag-alis ng mga kaibigan mo," seryosong wika ni Samantha na sinagot naman ni Arya ng sunod-sunod na pagtango.

"Ate, ikaw naman,"

Napatingin si Samantha sa inaabot na pomelo gin ng isa sa mga kaklase nina Arthur.

Wala si Arem kaya naman pansamantalang sinamahan ni Samantha ang mga ito. Kaya lang ay hindi niya inaasahang mapatagay sa iniinom ng mga kabataan.

In her past life, Samantha never indulge herself with this kind of beverage.

Dahil masarap ang lasa, nakailang shot na siya ng pomelo gin.

Ang buong akala ni Samantha ay hindi talaga siya tatablan noon dahil pakiramdam niya ay juice lang naman ang tinitira nila. Pero habang dumidilim ang paligid ay dumidilim din ng bahagya ang wisyo niya.

"Ate, tama na 'yan. Dumating na si kuya. Magpahinga na po kayong dalawa. Hoy kayo, magsitulog na rin kayo. May pasok pa tayo bukas,"

Kaagad namang tumayo ang mga kaibigan nina Arthur at Ariston. Nagtungo silang lahat sa silid ng dalawa at isa-isang nagsitulog.

Unlike them, Samantha is much more awake.

Nakakunot-noo naman si Arem na nagbabasa ng dokumento sa loob ng kwarto nila gamit ang laptop. Sasabihin na lang niya na hiniram niya iyon kay Shopkeeper Magtanggol.

"Are you drunk?"

Kumurap-kurap ang lasing na si Samantha. Napatitig siya sa lalaking nagsalita. Nang makita niya kung gaano ito kagwapo, kaagad siyang umupo sa tabi nito at walang inhibisyon na tinitigan ito.

"What are you doing?" Arem swallowed hard.

Is this woman seducing him?

Bakit kung makatitig ito ay parang gusto na siyang lamunin ng buo?

"Looking at you!" Mabilis na sagot ni Samantha. Her voice was crisp and sweet.

Her face is flushed red, she looks more bewitching and Arem couldn't help but swallow again.

His throat tightened and he suddenly felt thirsty.

"Go get your bed and sleep!" It took Arem so much energy to control the beast inside. Heaven knows how much he wanted to pin down this drunk woman.

But no.

He has to control himself.

It's just self control. Kailan niya ba hindi na-kontrol ang sarili niya? He have been single for the past thirty years.

Not because he's not attractive enough, but because he doesn't want to. He's not fond of relationships. Para sa kanya, sagabal lang ang mga iyon para maisagawa ang mga plano niya sa buhay.

"Bed? This is my bed," ani Samantha na kahit lasing na ay tuwid pa rin naman magsalita.

Hinampas nito ng sariling kamay ang kama na inuupuan nilang dalawa.

"It's my bed. Ikaw dapat ang kumuha ng bed mo," nakasimangot na saad ni Samantha.

Hindi niya matandaan kung saan nanggaling ang lalaking 'to. He's looking at her coldly and it's as if he's despising her!

Hmph!

Maybe it's just her imagination?

Maybe wala talaga siyang kasama sa kwarto niya? Wala namang sinabi ang sister-in-law niyang si Arya na may lalaki sa loob ng kwarto niya eh.

Siguro dahil sa palagi niyang iniisip kung paano makakatakas ng tuluyan sa walanghiya niyang ex kaya naman nag-i-ilusyon na siya ng lalaki.

And her imagination is not bad. It conjured something that was more handsome than that despicable person!

Well, since it's just her imagination, it's not a big deal.

"Ang init!"

Walang pag-aatubili na hinubad ni Samantha ang puting bestida na kaninang umaga niya pa suot. Bukod sa naiinitan na siya ay nanlalagkit na rin siya.

Wala siyang pakialam sa gwapong 'imagination' niya.

Pakiramdam naman ni Arem ay lilipad ang katinuan niya sa kalawakan.

Ano na namang kalokohan ang pinaggagawa ng babaeng 'to? Bakit biglang-bigla na lang itong naghuhubad sa harapan niya?!

"W-what are you doing?!" Hindi na mapigilan ni Arem ang pagtaas ng kanyang boses.

Gulat na napatalon naman si Samantha. Hindi niya inaasahan ang pagsigaw mula sa inagination niya na iyon.

"Mainit! At ang lagkit pa ng pakiramdam ko!" Gusto nang maiyak ni Samantha.

Hindi niya gusto ang ganitong pakiramdam.

"I want to bath," Mahinang bulong pa ni Samantha habang inaabot ang hook ng kanyang bra mula sa likuran.

Bago pa tuluyang tumambad sa harapan ni Arem ang tanawing hindi naman dapat ay naibalot na niya sa malaking kumot si Samantha.

"Can you please stop fooling around?" Naggagalaiting tanong niya sa asawa.

Hindi niya akalain na ganoon ito kapasaway kapag lasing.

Kung sino man ang nagpainom dito, sisiguruhin niyang malilintikan sa kanya mamaya.

"I'm not fooling around. I'm feeling hot and sticky! I want to bath," Samantha said while pouting.

Bakit ba napakapakealamero ng 'imagination' niya na 'to? Ano bang fooling around ang sinasabi nito eh nasa loob naman siya ng kwarto niya?

"Ang init-init na, binalot mo pa ako sa kumot," maktol ni Samantha na talagang wala na sa tamang wisyo dahil hindi pa rin nito nare-realize na walang 'imagination' na magbabalot ng kumot sa isang tao. At wala ring 'imagination' na magsesermon sa kanya kahit na laklakin niya pa ang lahat ng alak sa buong mundo. "I want to take a bath," mula sa pagkakaupo ay tumayo si Samantha.

Kahit na lasing ay alam niya pa rin naman kung nasaan ang pintuan. Iyon nga lang, hindi niya hawak ang sarili niyang katawan dahil nakakailang hakbang pa lang siya ay natumba na siya.

"Argh! Bakit ba hindi nakikinig ang katawan ko sa'kin? Tumayo ka, maliligo ka!"

Arem gritted his teeth.

Kaunting-kaunti na lang ay mauubos na ang pasensiya niya.

His aura turned cold as he walked out of their room.

Kinatok niya si Arya sa kwarto nito pero walang nagbubukas noon. Asar na binuksan ni Arem ang pintuan para lang isarado 'yun ulit.

May tatlong dalagitang natutulog sa loob at lahat sila ay nakasuot ng maiiksing short!

Mas lalong naggalaiti si Arem.

Sa susunod na araw ipagbabawal na niya ang pagsusuot ng ganoong damit. Hindi siya papayag na pag-fiestahan ng ibang mga mata ang katawan ng kapatid at asawa niya.

Arem combed his hair. Frustration is evident in his handsome face.

Muli niyang binuksan ang kwarto ni Arya saka pinindot ang doorknob mula sa loob. Hindi na niya ulit tiningnan pa ang mga kabataang natutulog sa loob. He just locked the door and return to their bedroom.

Naabutan niya ang magaling niyang asawa na nasa sahig pa rin at gumagapang na palabas ng pintuan.

"Bath...bath..."

Bulong nito na ni hindi man lang pinansin ang naggagalaiti nang asawa.

"Bath...bath ..." Parang uod na gumapang ito habang nakabalot pa rin ng makapal na kumot.

Gigil na dinukwang ito ni Arem at saka ipinatong sa ibabaw ng balikat niya na parang isang sakong bigas.

"Wahhhh! I'm floating!"

Masayang-masaya pa ang babaeng lasing na lalong ikinakulo ng dugo ni Arem.

Kung pwede niya lang itong itapon sa labas ng bahay. Pero hindi niya magawa. At hindi niya rin maintindihan kung bakit pinagpapasensiyahan niya ito hanggang sa mga sandaling 'yun.

Dahil ayaw nitong tumigil sa kabubulong ng 'bath, bath, bath', asar na inilapag ito ni Arem sa sahig ng banyo at saka ito binuhusan ng malamig na tubig.

Napatili sa gulat si Samantha.

Pero hindi nababahala si Arem.

Tulog na ang lahat at mga lasing pa. Ang mommy naman nila, alam niyang tulog mantika iyon. Kaya walang ibang 'mag-aalaga' sa babaeng 'to kung hindi siya.

Muli niya itong binuhusan ng malamig na tubig habang balot na balot ito ng kumot.

Sa pangalawang buhos ay hindi na tumili si Samantha. Sa halip ay pilit niyang hinuhubad ang kumot na nakabalot sa kanya. Sa pagkakataong ito ay tuluyan ng natanggal ni Samantha ang kumot.

Tumambad kay Arem ang magandang katawan ng asawa. Damang-dama niya ang pag-iinit ng kanyang katawan lalo na ang unti-unting pagkabuhay ng kanyang alaga na hindi naman nagpaapekto kahit na kailan sa mga babaeng nakakaharap niya.

Ilang babae na ba ang itinapon ng magagaling niyang kaibigan sa loob ng kwarto niya sa tuwing magbi-birthday ang isa sa kanila?

Hindi na niya mabilang.

Pero ni isa sa mga iyon ay hindi siya nagkaroon ng ganitong reaksiyon.

Partida, halos wala ng saplot ang mga babaeng 'yun. Pero ang babaeng nasa harapan niya ngayon, nakasuot pa rin ng bra na halos itago ang buong dibdib nito at spandex shorts kaya masasabi niyang hindi ito mahalay tingnan.

Pero bakit ang sikip-sikip na ng pakiramdam sa loob ng pantalon niya?

Damn it!

Arem controlled his carnal desire as he walked inside the bathroom.

Kinuha niya ang body wash na hawak ni Samantha saka naglagay sa loofah na hawak din ng magaling niyang asawa. Nanggigigil na kinuskos niya ang buong katawan nito mapwera sa parteng natatakpan ng bra at spandex shorts.

Wala pang dalawang minuto ay itinapon na niya sa sabunan ang loofah maging ang body wash. Namumula ang buong mukha, tenga maging ang leeg na binuhusan niya nang binuhusan ng tubig ang babaeng nagrereklamo kung bakit tapos na daw siya kaagad sa pagkuskos dito.

"Scrub me again!" Samantha wailed like a child.

Arem's eyes darkened. Muli niyang binuhusan ang buong katawan ni Samantha ng malamig na tubig. Baka sakali, bigla itong matauhan.

Arem pursed his lips.

Kung pwede lang sanang i-flush sa inidoro ang magaling niyang asawa ay ginawa na niya.

This drunk woman!

Iyon ang kauna-unahang torture na naranasan ni Arem sa tanang buhay niya!

Damn.

Continue Reading

You'll Also Like

17.7K 812 44
Napagdesisyunan ng magkapatid na Avrice at Amritta na manirahan sa Arturia Town sa bahay ng kanilang tiyahing si Trinity matapos mamatay ang kanilang...
678K 3.8K 30
Completed Paano natagpuan ni Olivia ang sarili sa ibang kama,gayong may naghihintay siyang asawa sa kanilang bahay?
76.1K 3.4K 20
A story about a girl who will cross paths with four gorgeous girls that will falls in love with her.
390K 1.5K 64
Buod ng bawat kabanata ng nobelang Noli Me Tangere From the book of completed and published Filipino Version translated by Leon Ma. Guerrero of Adarn...