"A-arya..."
Marahang tinapik ni Arya ang balikat ng dalagita. Sa halip na lumingon ito sa kanya ay tinitigan lang nito ng masama ang mga bagong dating.
"Hindi namin kayo kailangan dito. Kaya naming mamuhay ng wala ang pera niyo. Sanay na kami sa gutom. Kaya kahit na kontrolin niyo pa ang buong mundo para walang tumanggap na kompanya sa kuya ko, kaya namin siyang pakainin three times a day, may kasama pang meryenda. Kaya lumayas na kayo. Mahihiya lang ang sahig ng bahay namin sa mga sapatos niyong ka-presyo na ng bahay sa isang subdivision. Halika na mommy. Nagpapahinga ka po dapat. Hindi nakikiharap sa mga taong 'yan," gigil na bulalas ni Arya na kamuntik nang palakpakan ni Samantha.
This little girl is turning into a spicy one, and she loves it.
Hindi na hinintay ni Arya na magsalita ang ina. Inalalayan niya ito papasok sa loob ng kanilang bahay.
"Ate, Kuya, wala tayong ipapakain sa mga 'yan. Baka magka-allergy din sila sa brandless na mga gamit sa loob," ani Arya bago tuluyang isinarado ang front door.
Samantha's mouth twitch.
Nagkatinginan na lang silang dalawa ni Arem na naiwanan sa labas.
Somehow, naiintindihan ni Arem kung ano ang sinasabi ng kapatid. He suddenly felt bitter. He looked at his grandparents, full of resentment.
Napakagat-labi naman si Samantha. Although, lihim niyang ipinagdiriwang ang pag-i-improve ng character ni Arya, hindi niya rin alam kung saan napulot ng dalagita ang script nito.
But it doesn't matter. Mas mabuti na rin na naglabas ito ng sama ng loob sa lolo at lola na nag-abandona sa mga ito.
Huminga ng malalim si Samantha habang nakatitig sa front door na nakasarado na ulit.
Hindi syempre pwedeng magpahuli siya. Hindi lang ang mother-in-law at ang sister-in-law niya ang marunong umarte, ano. Marunong din siya.
After what happened to her in her past life, Samantha decided to be the better version of herself.
Hindi na pwede ang ugali niya noon na napaka-inosente. Hindi na pwedeng siya lang ang palaging dinadramahan at inuuto. Dapat ay kaya niya ring gawin iyon sa mga taong mapagsamantala.
Kitang-kita ni Arem kung paano magpalit ng emosyon ang magandang mukha ng babaeng kaharap.
Wala itong kamalay-malay na kumislap ang mga mata nito habang pinagmamasdan ang babaeng nagpa-plano na naman siguro ng kalokohan.
Pero hindi siya kumibo at nagsalita. Sa halip ay hinintay niya lang kung ano ang susunod na gagawin ni Samantha.
"Patriarch, Matriarch, Aunthie Helda, Uncle...Cynthia... pasensiya na po kayo, hindi na namin kayo maiimbitahan sa loob. Ang pagkain po kase na nakahain ay hindi nababagay sa estado na meron kayo. Nakakahiyang pakainin po kayo ng pagkain na pangmahirap," nahihiyang wika ni Samantha saka nagyuko ng ulo.
Kumunot ang noo ng matandang Syquia.
Sa totoo lang, isang sorry lang mula sa apo nilang si Arem ay ibabalik nila ang lahat ng mayroon ito noon na inalis nila. Estado, pera at impluwensiya ng buong Syquia clan.
Pero ilang araw na ang lumipas ay hindi man lang ito umuwi sa kanilang mansion.
Is he still being rebellious?
"Arem, just say the word and we're here to pick you up," seryosong wika ng matandang lalaki.
Samantha gasp.
Nanlalaki ang mga mata na nag-angat ito ng paningin at tinitigan si Arem.
Bahagyang yumuko naman si Arem para tingnan ang asawa. He finds her interesting. Really interesting.
Her cute facial expressions have become his entertainment these past few days.
"A-asawa ko, i-iiwanan mo kami?" Samantha inquired in a strangled voice as her eyes turned red.
Kahit na alam naman na ni Arem na umaakto lang ang babae. Hindi niya maintindihan sa sarili kung bakit bigla siyang kinabahan pagkarinig niya sa salitang 'asawa ko'.
This woman!
She kept on messing with his thoughts affecting his emotions so much that he didn't know how to handle them properly.
"I'm not that stupid," tanging naisagot na lang ni Arem. Tiningnan nito ng walang kaemo-emosyon ang mga taong naging dahilan ng paghihirap ng mga kapatid at ina niya. "Go back. I told you already, I'll stay with my family for the rest of my life."
Galit na ihinampas ni Chairman Syquia ang mamahaling tungkod na dala niya sa lupa.
"Impudent!"
Arem narrowed his eyes. Pero hindi siya kumibo. Wala na siyang gana na pakinggan pa ang lolo niya na sa loob ng labing limang taong kasama ito ay puro pangmamanipula lang ang ginawa sa kanya.
"A-arem apo, hindi ka nababagay sa lugar na 'to. Umuwi ka na sa atin dah—,"
"Matriarch, I don't belong in your world," putol ni Arem sa sasabihin pa sana ng matandang babae.
Alam niya kung gaano ka-bias ang mag-asawang Syquia.
Alam niyang ang panganay na anak talaga ng mga ito ang kanilang paborito. Pero dahil likas na matalino siya at may talento sa pagnenegosyo, nagawa siyang ilayo ng mga ito sa kanyang ina kung kailan pa kailangang-kailangan siya nito.
Ngayong nakatakas na siya mula sa matalim na kuko ng dalawang matanda. Hinding-hindi na siya babalik sa poder ng mga ito.
"Arem your the heir of our family!"
"Sorry. But I don't deserve that position,"
"Arem!" The elderly couple is furiously calling to him.
Pero sa halip na pansinin ang mga ito ay hinawakan ni Arem sa braso si Samantha at saka ito iginiys papasok sa loob ng bahay.
"Let's go inside,"
Nagpatianod naman si Samantha.
Bago tuluyang tumalikod ay nakita niya pa ang nakakairitang pagngiti ni Cynthia.
Hmp. Akala yata ng mga ito ay madali kaming paikutin. Magdiwang lang kayo ngayon. One of these days, kakatukin na lang namin kayo sa inyong pintuan para singilin kayo.
Nang makarating sila sa loob ng bahay ay muling sumilip si Samantha sa labas. Pinapagalitan na ng dalawang matanda si Ginang Helda at ang asawa nito.
Hinahanap ng dalawa ang labing limang milyon na sinasabi ni Samantha.
"Hmp! Pupunta-punta sila ng walang regalo ha. Mag-away kayo ngayon,"
"Is that really important?" Nakataas ang kilay na tanong ni Arem.
"Ang alin?" Pagbabalik tanong naman ni Samantha.
"The gifts,"
Tinitigan ni Samantha ang asawa na para bang isa itong malaking joke.
"Syempre inportante 'yun. Kailan ba hindi naging importante ang mga regalo? Tsk. Hindi man lang sila nakaisip magregalo ng isang dosenang pinggan? Dalawang unan? Bedsheet at mga punda? Electric fan? Washing machine? O kaya hindi na lang sila nag-abot ng pera? Naturingang pamilya mo pa naman sila. Tsk. Tsk. Tsk." Naiiling na iniwanan na lang ni Samantha ang lalaking tila ba napag-iiwanan ng panahon.
At kailangan pa talaga nitong itanong kung importante ba ang regalo?
"Hay naku, ako na ang nakapag-asawa ng manhid," ani Samantha saka nagtungo sa pintuan nila sa likod ng bahay.
Naiwanang nakakunot-noo naman si Arem. Pakiramdam niya tuloy ay kasalanan niya pa na nagtanong siya.
Sa totoo lang, minsan ay nahihirapan na siyang pakisamahan ang kapatid niya maging itong babae na ito na ngayon ay asawa na niya. Pareho silang mahirap intindihin.
Hindi kaagad sumunod si Arem sa likuran ng bahay. Sa halip ay nag-text siya sa gc nilang magkakaibigan. Ipinakita niya ang larawan ng kanyang marriage contract at saka siya nanghingi ng regalo mula sa mga ito.
Okay lang kahit hindi na sila magpakita. Ang importante, makarating sa bahay nila ang mga regalo dahil ayaw niyang napagbuntunan ng sisi sa araw pa mismo ng kasal niya.
Regalo lang pala ang ipinuputok ng butse ng babaeng 'yun eh. Hintay lang at tatambakan niya ito ng regalo.
Matapos mag-text ay muli nang itinago ni Arem ang cellphone niya.
Wala pa man ay iniisip na niya kung ano ang reaksyon ng magandang mukha nito oras na dumating na ang mga regalo.
*****
Maang na tiningnan ni Trap ang picture na sinend ni Arem sa gc nila. Although him, Droid and Felix were Arem's subordinates, they are also friends.
"What's this?" Tanong niya kay Felix na kasalukuyang may binabasa sa loob ng opisina nito. May iaabot lang sana siyang dokumento dito pero hindi mapigilan ni Trap na buksan ang phone dahilan para makita niya ang larawan.
"A marriage contract?" Patanong na sagot ni Felix.
Muli nitong itinuloy ang pagbabasa pero makalipas lang ang ilang segundo ay kaagad nitong ibinaba ang binabasa.
"H-he's asking for a wedding gift!"
Nagkatinginan ang magkaibigan. Akala ba nila ay umuwi ng Pilipinas ang boss slash kaibigan nilang si Arem para palayasin nito ang babaeng itinakda ng gahaman nitong mga tiyahin at tiyuhin?
Pero ano itong marriage contract na naka-post sa gc nila? Na may nakasaad pa na 'send me your wedding gifts. ASAP!'
Yuno: Wow man! You married her for real?
Ysmael: And you're asking for a gift? Hahahaha.
Henri: Wait, I'll tell my secretary to buy a bedsheet and pillows. Para sa honeymoon niyo!
Ysmael: Honeymoon? Does he know how? Hahaha.
Napuno ng asaran ang gc nila pero ni isa doon ay walang nireplyan si Arem dahil hindi naman na ito muling nakahawak ng phone.
Napailing na lang si Trap habang binabasa ang pang-aalaska ng tatlo pa nilang kaibigan. Sila man ni Felix ay nag-iisip na rin sa kung anong regalo ba ang ibibigay.
Iyon ang unang pagkakataon na nanghingi ng regalo sa kanila ni Arem. Kaya naman sisiguruhin nila na katanggap-tanggap ang regalong ipapadala nila sa bagong mag-asawa.