Hi guys! :)
Eto na yung update. Sana pwedeng after niyo mabasa comment kayo. I badly need it para sa mga ideas. please. Maawa na kayo sa akin. HAHAHAHA. please. Para ganahan magupdate :)
Reactions niyo ha? :))
Salamat.
HAPPY READING <3333333333
_____________________________________________________________________________
Maaga akong nagising. Maganda ang tulog ko. Ayos na kami ni Warren and I know nasa landas kami ng "And they live happily ever after". hahahaha
Nakaupo ako sa kama ngayon.
Lutang ang isip. Practice game nila Warren ngayon. Masaya ako kasi makikita ko siya. Ipapakilala niya daw ako sa bestfriend niya. Nalulungkot ako pagnaiisip kong hindi pa alam ni Warren na magkakilala kami. uhm, Kasi naman eh, sasabihin ko din. Ang hirap kasi ang pangit ng pagkakakilala namin ni Patrick pero we're going to be fine diba? para kay warren.
Pupunta sana akong cr.
Then I saw those blue sleeping slippers na may mukhang panda.
Para sa akin mabait si Patrick.
He must have reasons for not acting like one.
Pero para sa akin mabait siya. :)
Siya naging daan para maging okay kami ni Warren so sa anong dahilan para hindi ko siya masabihan ng mabait. Natural lang naman ang pagdududa niya sa akin pano ba naman sumulpot na lang ako bigla sa buhay ng bestfriend niya diba?
"Insaaaaaaaaan" sigaw ni Sasha habang natakbo paakyat ng kwarto.
Pumasok si Sasha sa kwarto habang dala-dala yung wireless phone ng bahay namin.
"Oh bakit ang ingay ingay mo?" ang aga pa eh.
"Si kuya Nico." habang tinuturo yung phone "Bilis kausapin mo."
Inabot sa akin ni Sasha yung phone.
"Kuya Nicooooooooo!" na-excite na ako eh.
Si kuya Nico? Nico Hanson Bautista. Pinsan ko sa Father's side. Si Sasha sa mother's side. Kung ilan ba kaming magpipinsan? 3 lang talaga puro solong anak kaya ganun kung ituring namin ang isat isa parang magkakapatid.
"Aray Elise! Para ka namang si Sasha eh. Ang sakit na ng tenga ko."
"Kuya nico? Kelan ka babalik?"
"Malapit na."
"Kelan nga?" Tumingin ako kay Sasha halatang wala siyang alam kung kelan uuwi si kuya nico.
"Malalaman mo din" ang tipid sumagot.
"Okay ka na ba?"
"Oo. Ako pa malakas to."
Anong meron kay Kuya Nico? Nasa States siya ngayon kasi nagpapatherapy siya. He's entering college na sana kaso napaaway siya. Napaaway siya by protecting his girl. Si Ate Liselle Marie Santiago. Naaalala ko pa nun duguan si Kuya Nico nung umuwi. Napilay yung paa niya kasi pinagpapalo ng tubo. Good thing naoperahan na pero yung trauma para kay ate Liselle di naalis. That's why they broke up. Ewan ko kung ano na nangyari sa kanila. Si ate Liselle kasi naiwan dito sa Pinas tapos si Kuya nico lumipad sa states. Alam ko kahit hindi nagsasalita si Kuya nico miss na miss niya na si Ate liselle. Parang silang God made for each other eh. Kung hindi lang sa mga gang members na gumawa nun kay Kuya nico. Never kaming nagsampa ng kaso ayaw na rin kasi ni kuya nico pero nung iwan siya ni ate liselle parang nagbago pananaw niya. Dapat daw makulong yung mga taong yun.
"Kumain ka ng marami diyan ha? Wag ka din magpupuyat"
"Ano ka ba Elise? Pinsan kita hindi nanay." Napikon na naman.
"O sige na nga."
"Balita ko daw may bagong naporma sayo ah? Na-despatsa na pala si Charles sa puso mo eh!"
"Pano kung sabihin ko sayong Oo?"
"Kailangan makilatis yan!"
"Edi umuwi ka na dito!"
"Malapit na nga. Basta Elise be careful!" sumeryoso boses ni Kuya nico nun.
"Kuya mabait siya." bakit ang defensive ko?
"Bakit ako mabait naman ah pero iniwan pa rin?" punong puno ng pain yung boses ni Kuya nico. Hindi parin siya nakakamove on. I know that!
"Kuya nico..." yan lang nasabi ko
"O siya I'll call na lang ulit., Si lola becca lang talaga gusto ko makausap. Sumingit lang si Sasha. Bye elise. Pasabi kay lola magingat ha? Yung mga vitamins niya. Inumin. Kayo ni Sasha wag kayong masyadong magmadali sa pagpasok ng relasyon. Bye. Miss ko na kayo" halatang iniiwasan niya yung topic pero ganun parin si kuya nico. Mahal niya pa rin si Ate liselle.
"Bye kuya nico. Imissyou na rin :)"
Binaba ko na yung phone. Halatang malungkot siya dun. Sana bumalik na siya dito. Wala kasi siyang kasama na magdidivert ng atensyon niya. Hay. Kawawa naman si Kuya nico.
"Insan bakit ganyan itsura mo?"
"Si kuya nico.."
"Kay ate liselle pa rin no?"
"Oo"
"Ano ba yun? Bakit naman kasi may iwanan sa ere? Siya lang ba yung nasaktan? Si kuya nico nga napilayan pa? What the.. Nakakainis. Aish!" Badtrip na si Sasha. Sa totoo lang wala kaming alam kung bakit ganun desisyon ni Ate Liselle. Kasama kami sa linayuan niya nung lumayo siya kay Kuya nico. Nagdamdam nga si Lola Becca eh. Pero wala kaming magawa.
"Huy. Tama na yan. May dahilan naman siya siguro."
"Ibang klase ka din Insan eh ipagtatanggol mo pa kawawa na nga yung isa pa nating pinsan. Nako lang!" Hala. Mainit na nga ang ulo.
"Sash, sabi pa ni kuya wag daw tayong magmadali sa pagpasok sa relasyon. Hala ka!" iniba ko na lang yung topic.
"Ako pa ngayon ang hala? Eh kami naman ni Xy. ahm ano. were just friends. Sige insan bababa na ako. Tutulungan ko pa si lola." lumabas na si Sasha
Siya din iniiwasan yung topic. Alam kong iba na yung kanila. Malapit na kasi nanliligaw na si Xy over pa ang concern sa isat isa.
Kami ni Warren? Matagal pa yun. Ang tagal pa. Di pa kasi nanliligaw eh. Kupad >.<
Sinabi ko ba yun? Joke lang. Ang effort nga maging kaibigan eh what more kung boyfriend na. Napangiti ako dun.
Pero sabi ni Kuya nico ang mga mababait iniiwan.
Nako hindi ah.
Sa tingin ko Hindi ko iiwan si Warren Gabriel Villaroel.
Naligo na ako at nagbreakfast. 9am na eh. Maya maya andito na si Warren. 10am yung practice nila.
"Insaaaaaaaaaan, andito na si Papa Warren!"
Nagmadali akong bumaba pero nung 3 steps na lang nagdahan dahan ako. Baka mapansin ako ni Warren aasarin na naman ako nun. Suot ko? Shirt lang na puti tapos jeans with rubbershoes. Manunuod lang naman ako diba?
Pinauna na kami ni Lola. Umuwi daw before 9pm. Ayun nagka-curfew bigla kasi lumabas na ako kahapon. Kay Warren pa naghigpit bakit di na lang kay Patrick kahapon? Hays.
Ayos lang kay Warren. Aba'y ang masunurin na bata nito ah. Hindi pa siya naka-jersey uniform. Suot niya? Red shirt tapos yung jersey short niya.
Papasok na kami ng kotse nung..
"Wait" tapos lumingon siya sa akin. "Right hand?"
"Ha?" Natanga ako dun ah.
"Give me your right hand"
Ano to mala-Patrick na "hold my hand thingy" nako naman ang hirap pag ganun nasa kotse tayo maggaganun? pano ka magdadrive? Kakausap ko sa sarili ko. Di ko namalayan na kinuha na pala ni Warren yung right hand ko tapos may sinusuot siyang wrist band sa akin.
Itim na may red prints na
"Warren"
"Anong gagawin ko dito?" oo wrist band siya eh tapos? "Diba dapat ikaw magsuot nito?"
"2 ganyan ko." Tinaas niya yung right hand niya "Here! Sayo na lang yung isa"
"Sino may gawa?" Nacurious naman daw ako bigla.
"My mom" (=_______=) "Akala niya kasi mawawala kaya yun 2"
"Ang sweet naman ng mommy mo!" Ngiting ngiti ako nian habang tinitignan yung wrist band.
"Wag mo yang iwala ha? Gusto ko habang chinecheer mo ako makita na suot mo yung wrist band na may pangalan ko."
Hinawakan ko yung dalawa niyang pisngi. "Salamat Someday!"
"Tara!"
Pinangiti na naman niya ako. Mukha akong tanga sa kotse tingin ng tingin dun sa wristband na gawa ng mommy niya. Ang cute. kaso manunuod lang naman ako. Hahaha. Hindi naman ako makiki-shoot dun.
Nasa school na nila kami. Ang laki. Grabe. May malaki pa ngang poster yung basketball mens nila. Andun si Warren at Patrick sa may right part. Wala naman sa kanilang isa yung captain pero for sure ako isa lang sa kanila magmamana nung pwesto. Edi ba hndi lang sila pumunta na postponed yung practice. Strong.
Naglakad kami sa corridor. Huminto si Warren tapos hinubad niya yung wrist band niya sa right hand tapos nilagay niya sa left hand niya. Tumngin siya tapos nagsabil.
"Tara" naka extend yung kamay niya.
Ano holding hands? O________________O
Inabot ko din yung kamay ko. So yun pala gusto niya? Magkahawak yung mga kamay namin na may wristband. Aww, Tunaw na naman ako. Buti na lang wala pang ibang tao. Linggokasi at varsity lang ng basketball ang nandito.
Papasok na sana kami sa gymnasium kaso..
NA-IIHI AKO.
Sino ba naman ang hindi ma-iihi eh sa kilig ba naman na nararamdaman ko ngayon. :( Sorry naman daw.
Huminto ako. Tapos hinila yung kamay ni Warren.
"Someday! naiihi ako. Saan ang CR?" Lumingon siya sa akin tapos nagsabi
"Gusto mo samahan kita?" Ano daw?
"Ituro mo na lang I'll be fine with it" itong si Warren tinuturuan na naman siguro siya ni Patrick.
Humawak siya sa ulo ko. "Tara na sasamahan na kita" ^_________^
"Ayoko sabi eh!"Bakit kasi iba natakbo sa isip ko? =________=
"Warren, andito ka na pala. Hanap ka ni Coach" Sabi nung boses ng lalaki.
Lumingon siya dun sa lalaki. "Ok brod. 5 mins! :)" tapos lumingon ulit sa akin.
Nakatingin lang siya sa akin tapos hinawak niya yung dalawang kamay niya sa braso ko.palapit ng palapit yung mukha niya. Inaatras ko yung ulo ko. Anong balak gawin nito???
"An-ong gina-gawa mo?"
Ngumiti lang siya tapos inikot niya ako patalikod sa kanya. Ang lapit ng bibig niya sa tenga ko.
"Deretsuhin mo yan then sa right andun na yung cr"
Bakit kailanagan ang ganda ng boses niya ngayon? Nakikiliti yung tenga ko eh. >/////<
"Oka-ay" Kinakabahan ako. Nman. (*_________*) (>////////////<)
Liningon niya ulit ako sa harap niya.
"You're shaking bakit?"
"Hindi no?"
"Rachel Elise Bautista"
"Oh?"
"namumula ka" sabay tawa ng malakas.
"Tse. magccr na ako"
"Okay. pasok lang akong gym. kita kits."
Naglakad na ako paalis sa kanya kitang kita na yung pag-blush ko eh.
Ang galing makisama ng PISNGI ko. Naman,
Dahan dahan akong naglakad habang nakahawak yung kamay ko sa pisngi ko. Grabe nabisto ako dun (=_______=) Malapit na naman ako makapaghilamos nga ng unti.
"Anong pwede kong gawin? *sob* Please. *sob* dont do this to me. *sob* Mahal kita" boses ng babae yun ah. Bakit siya naiyak?
"I dont love you anymore. Ok? Pakawalan mo na ako. This is irritating you know?" boses naman ngayon ng lalaki.
Mag-bbreak sila? Aw, saklap naman.
"May iba ba? Kaya kong may kahati *sob* wag mo lang ako iwan. I swear *sob* hindi ako magdedemand just please. Ituloy lang natin to. *sob* Di ko kayang wala ka" nagmamakaawa nba yung babae dun sa guy. aba. andito na ako sa tapat parehas silang naka-side view sa akin.
"Yes may iba na. Kahit makisalo ka ayoko na sayo. Tyaka pwede ba? babae ka. Umasta kang parang isa."
Oops kelangan ko muna ata sila hintaying matapos bago ako kumanan. Na-iihi na ako pero keri lang ayoko lang makisali sa away nila. Outsider kaya ako. Akla ko makakawala ako pero lumabas na yung lalaki at nakita niya ako at nakita ko siya
O____________________________O
Si Patrick?!
Kinuha ako ni Patrick tapos biglang inakbayan.
"Andito na pala siya. Its her. My girlfriend"
Ano daw?! Girlfriend? What the? Kitang kita sa mukha nung girl na para siyang binagsakan ng langit at lupa.Nakakaawa naman siya. teka di ako papayag. hindi naman ako girlfreind nito eh. baka future girlfriend ng bestfriend niya yun oo pa.
"Wai---" Tinakpan ni Patrick ytung bibig ko. Tapos nilapit niya yung bibig niya sa tenga ko.
"Just pretend or else you're dead"
Kawawa naman yung babae hindi na mapigilan yung pagtulo ng luha niya. Wala akong magawa. Naka-freeze ako sa pwesto ko.
"What are you waiting for? Hindi na kita gusto. Alis! Baka magaway pa kami ng bago kong girlfriend"
Wala nang nagawa yung girl kundi umalis ng umiiyak. Tumatakbo na siya. Gusto ko siyang sundan kaso andito ako ngayon. Binitawan ni Patrick yung bibig ko.
"Thanks Elise!" nakangiti pa siya nun.
*PAK*
Nasampal ko na naman siya.
"SINO KA PARA GAWIN YUN? ANONG KARAPATAN MO? HINDI MO BA NAKITA NAIYAK NA SIYA? BAKIT KELANGAN MONG MAGSINUNGALING?"
"woi woi. Elise Chill lang." Hinihimas niya yung parte ng mukha niyang nasampal ko.
"CHILL? ALAM MO BA PAKIRAMDAM NG IWAN? ANG SAMA MO. ANG TIGAS NG PUSO MO. ALAM MO YUNG WORD NA MASAKIT? ALAM MO YUNG KONSEPTO NG NASASAKTAN?"
Napasuntok siya sa pader.
Natakot ako bigla.
"Dont ever talk with me about pain!"
Siya pa ang galit ngayon? Ano ba naman yun? Eh siya nga tong umaway dun sa babae eh. Pero wait kasalanan ang pangingialam hindi ko naman alam ang nangyari eh. Nadala lang siguro kasi ako dahil ganun yung ginawa sa akin ni Charles. Pinagpalit sa iba.
"Sorry nanghihimasok ako." Yinuko ko yung ulo ko.
"May ibibigay ako sayo" mas mahinahon na yung boses niya ngayon.
"Ha?" napatingin ako sa kanya.
"Hindi ko naman to kailangan tutal andito ka na sayo na lang"
Naramdaman kong lumapit siya sa akin tapos kinuha yung kanang kamay ko.
"I dont have to wonder why. Binigay na pala yun sayo ni Warren. Naunahan na naman ako" Binaba niya yung right hand ko tapos yung left hand ko yung kinuha niya.
Sinuot niya yung baller na blue na ang nakasulat ay
"I LOVE PATRICK"
Napatingin ako sa kanya.
"Walang ibig sabihin yan. Bigay niya yun. Di ko yan gagamitin kaya sayo na lang" Sabay alis na niya.
Anong nangyayari?
At my right hand may "WARREN" wrist band ako tapos sa left "I LOVE PATRICK" baller???
Napasok ata ako sa gulo?