Marrying Dwight (DH 3 || Comp...

By MsSongsari23

2.5M 53.3K 1.7K

When she was broke and everything becomes a mess in her life, he came and saved her in exchange for being his... More

Teaser
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Author's Note:
EPILOGUE

Chapter 36

51.8K 1.2K 53
By MsSongsari23

A/N: Di ko pa talaga nabasa ng buo tong chapter na 'to. Bawi nalang ako sa susunod.

CHAPTER 36

OWN ME

"Mommy, bakit wala pa po si Tito Clyde? Akala ko ba siya ang daddy namin ngayon? Nasaan po ba kasi ang daddy namin ni Dash?"

Nabigla siya sa tanong ng anak. Family day sa school ng mga ito ngayon at may mga family activity kung saan kailangang magparticipate ng parents. At ngayon nga ay literal yata siyang napanganga sa tanong ng anak.

Naupo siya para magpantay sila ng anak. Nate-tense siya lalo na at parang hinihintay talaga ng kambal niya ang isasagot niya. Si Dash na hindi palakibo ay nakatingin lang sa kanya ng matiim at ang mga asul nitong mata ay nagpapakita ng pagkagkainip.

Ngumiti siya at inayos ang head band ng anak. "Di ba doctor ng mga baby si Tito Clyde?" Tumango lang si Elle. "Baka male-late lang si Tito dahil may kaylangan syang gamutin na baby. Dadating din iyon. Nag promise siya, di ba?" Tumango tango naman si Elle sa kanya at tahimik na hinintay si Clyde.

"Mom, nasaan po ba ang daddy namin?"

"Di ba ang sabi ko ay nasa ibang bansa si daddy nyo? Someday, you'll going to meet him." At bahagya niyang nginitian si Dash.

"Same reason." At naupo na ulit ang anak sa isang sulok at hindi na siya pinansin.

"Ano, okay ka lang ba?" Tanong ni Chesca sa kanya. "Kung wala lang akong lakad kasama ng Irving James the third na iyon, sasamahan ko talaga kayo para may kasama si tito na mag cheer. Pero Rin, wala ka na ba talagang planong makipag-ayos pa kay Dwight? After all, he is still the father of the twin. He deserve to know that Dash and Elle are existing."

Umiling iling siya at ngumiti ng mapakla. "Hindi na siguro. Four years. Kahit isang beses, hindi siya nag-effort para kamustahin ako na kung ginawa sana niya ay nalaman niyang may mga anak kami. But he never cared."

"Sooner or later, kukulitin ka na ng kambal ng tungkol sa tatay nila. Nakahanda ka na ba sa mga isasagot mo?"

Umiling siya. "Chesca, kung ikaw ang nasa kalagayan ko, anong gagawin mo?"

Saglit na tumahimik ang kaibigan bago sumagot. "Kung mag asawa na kami ni Irving James the third tapos may mahal siyang iba pero sa akin siya kasal at may anak na kami? Friend, tututukan ko sya ng baril ako lang ang piliin niya. After all, I am his wife. I have all the rights in him at gagamitin ko ang karapatang iyon para tuluyan siyang mapasaakin lalo na at may anak kami."

Sumibqngit siya. Kahit talaga kailan ay wala siyang makukuhang matinong sagot mula kay Chesca dahil isa itong dakilang bitter. Palibhasa ay nabasted dati.

"Mommy!" Tawag ni Elle sa kanya at tumili pa. Kung bakit ay dahil pala papasok na sa gate nila ang kotse ni Clyde at sumalubong na ang kambal niya kay Clyde. Nakahinga siya ng maluwag.

KANINA PA SIYA nakaparada kung saan alam niyang hindi makikita ang sasakyan ni Clyde mula sa bahay nila Rin. Yes. He will act as Clyde and play the role of a father to his own twin tylad ng usapan nila Rin at Clyde para sa family day ng kambal.

Gusto niyang magmura. Bakit niya kailangang magpanggap na ama ng kambal gayong siya naman talaga ang ama ng mga ito? Kinakabahan siya, oo. Pero hindi sapat ang kaba niya para pangibabawan ang excitement na nararamdaman niya na malalapitan, makakausap at makakasama niya ang mga anak niya. Kaya ng ipinasya niyang lumapit na ay para siyang maiiyak sa kaba at tuwa lalo na ng salubungin siya ng mga anak niya at ilang hakbang mula sa kanila ay nakatingin lang si Rin sa kanila.

"Tito you are so late!"

Tito. That's it. Tito lang siya ng mga anak niya ngayon at parang karayom iyon na tumusok sa puso niya. Pero itinago niya ang sakit.

"Sorry. Na-traffic lang. And hey! Ako ang daddy ninyo ngayon hindi ba? You should call me daddy little Princess." Aniya kay Elle na humagikgik.

"Daddy. Hi daddy! How are you daddy? I miss you daddy. Daddy daddy daddy!" Paulit ulit na sabi ni Elle.

Para na siyang maiiyak kaya tumingala siya at huminga ng malalim.

"Yes. I am your daddy." tumingin siya kay Rin na papalapit sa kanila ng mga bata at kitang kita niya ang unti-unting pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito. And he knew in that moment na nakilala siya nito. And he was glad that she can still recognize him from his twin brother.

"I'm sorry Rin. Dapat ay noon ko pa ito ginawa. But I was so afraid on what you can do."

"Stop it there! And where is your brother?" May galit at pagtitimping sabi ni Rin habang sa likod nito at narinig niyang bumuling si Chesca at tinatanong kung anong problema.

"Mommy?"

"Mom..."

Sabay na bigkas ng kambal na nakatingala sa kanila at nagpapalipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Their pair of innocent blue eyes were full of questions.

Nanalungko siya sa harap ng kambal at nginitian ang mga ito. "I'm your daddy, right?" Tanong niya sa kambal habang kay Rin siya nakatingin.

Tumango si Elle pero hindi si Dash na nakamasid lang sa kanya at salubong ang makakapal na kilay. His little boy looks exactly like him — thick eye brows, pointed nose, thin lips and that attitude na mahilig kumunot ang noo.

"Then shall we go?" At iginiya na niya ang kambal sa sasakyan. "Sweetheart?" Tawag niya kay Rin at hindi niya maiwasang mapataas ang kilay lalo na ng manlaki ang mga mata nito dahil sa pagtawag niya.

"Don't call me sweetheart or else, makakatikim ka talaga sa akin." Pagsusungit nito at hindi na inintay na ipagbukas niya ng pinto.

Tahimik lang sila sa buong byahe at tanging si Elle lang ang tanong ng tanong sa kakambal nito na wala namang sawa sa pagsagot. At least ay magkasundo ang kambal niya hindi katulad ng kapatin niyang kambal na si Frences at Gienelle na magkabaligtad.

"Tito Clyde—ay! Daddy po pala." Sabay hagikgik ni Elle.

"Yes baby?" Aniya at nilingon ito ng bahagya.

"Sabi mo kapatid mo si daddy, yung totoo namin na daddy?"

Para siyang nagkabara sa lalamunan sa tanong na iyon ng anak. "Yes. Tito Clyde's twin brother is your father."

"Dwight!" Pigil sa kanya ni Rin.

"Dwight?" Ulit naman ni Dash. "Is that your name? You are Dwight. Ikaw ang daddy namin?" Sa unang pagkakataon ay tanong ni Dash sa kanya at nagkatinginan nalang sila ni Rin.

"Stop the car, Telpace." Ani Rin na may diin. "I said stop the car!"

Huminga siya ng malalim at itinabi ang sasakyan sa emergency lane. Agad namang bumaba si Rin na binigyan siya ng tingin na parang nag uutos sa kanya na sumunod siya. He did after giving instruction to the twin not to go outside the car.

"Anong ginagawa mo Dwight?"

Nagkibit siya ng blikat at tinitigan lang ang asawa. How he missed that beautiful face of her. That face he used to touched, that lips he used to kissed and that dark eyes of her that he used to adore for showing so much expressions.

"Ginagawa ko ang dapat ay noon ko pa ginawa at kung pipigilan mo ako ngayon, then, simulan mo na because I won't stop being their father. I won't stop coming to visit them and I won't stop introducing myself to our twin."

"Wala kang karapatang gawin iyan!" May pagdiriing sabi ni Rin sa kanya at dinuro duro ang dibdib niya. Hinuli niya ang kamay ng asawa at hinatak ito palapit sa kanya saka hinapit sa bewang. Wala siyang pakealam kung nasa pampublikong daan sila at kung napapatingin sa kanila ang ibang motorista.

"Believe me sweetheart, I have all the rights. I am their father no matter what at hindi mo ako mapipigilan na dalawin sila. I will claim my rights to my children at kung ipagdadamot mo iyon ay magkita nalang tayo sa husgado." Saka niya ito binitawan at ipinagbukas ng pintuan ng kotse at kahit nagpupuyos ang damdamin nito ay napilitan na ring sumakay.

"Your asking?" Aniya kay Dash habang tinitignan ito mula sa rearview mirror.

"If you are my father." Anito. "You're not out tito Clyde. Tito used to ruffles our hair and he never called our mom 'sweetheart'. And he used to kissed Elle in her both cheeks and—"

Natawa siya na nagpahinto sa anak. "Yes. Your Tito Clyde was someone like that. And yes, I am your father and my name's Dwight."

Mahabang katahimikan ang muling namayani sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating sila sa eskwelahan ng kambal. Walang kibo ang mga ito pati na rin si Rin na ni hindi siya sinusulyapan man lang. Nang makababa ng sasakyan ay hinarap ni Rin ang kambal at nginitian.

"Dash, Elle, I'm sorry kung ngayon niyo lang nakilala si daddy ha? I can't explain what happened between me and your daddy but when the right time comes, sasabihin sa inyo ni mommy, okay?"

"Then, can we call him daddy?" Tumango si Rin kay Elle.

He swallowed the lump in his throath upon seeing how his little girl's blue eyes glisten as she glance at him before turning to her twin brother.

"Dash? Are you mad?" Nababahalang tanong ni Rin.

"No. But I have a question and a request." Anang bata na nagpalipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Rin.

"Ano iyon? Tell me and we will do it for you."

"Ako rin mommy!" Masiglang sabi ni Elle at itinaas pa ang isang kamay. "I want us to live with our daddy. Let's live together like a happy family. Like the king and queen in the fairytales."

Ngumiti lang si Rin sa sinabi ng anak nila habang si Dash ay nakatitig sa kanya ng walang expression ang mukha bago nagsalita. "Mom, can we really call him daddy? Is he really our father?"

Sa pagkakataong iyon ay nilapitan niya ang mag iina niya. He glance at Rin before taking the twin into an enbrace. "Yes. I am your father. And if you would only let me, I wanted to be with you every day."

"Them why did you left us?" His little boy asked.

"I didn't. Believe me. I'm always watching the two of you and your mom from afar. I never left. Truth is, I was left all alone, Dash. Kahit gustuhin kong makasama kayo, hindi ko magawa dahil natatakot ako." Then he look up at Rin. "But if you would let me be you again," hindi niya naituloy ang sasabihin dahil sa pag iwas ng tingin ni Rin at dhil na rin sa bara sa lalamunan niya.

Ngumiti nalang siya ng pilit sa mga anak. "Come on! Won't you give your daddy a bear hug?" And just like another child, yumakap sa kanya ang kambal and it was like his life started to have meaning again.

Isa nalang talaga ang kulang. And he knows that his next step would be harder than what he had experienced when he was all alone.

Pero handa siyang maghintay. Handa siyang magtiis. At kung kailangan niyang magpakababa at magmakaawa, gagawin niya just to be with them.

Continue Reading

You'll Also Like

618K 10.5K 65
How can love be painful and tragic?
6.1K 113 1
The Mauricio "Mawi" Mackelroy Story
273K 15K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
137K 2.1K 28
[TAGALOG STORY] PDA GIRLS SERIES #2: Camille Lia She accepted the deal without realizing what might happen. A cliche'story starting with a deal with...