Fools In Love (SELF-PUBLISHED)

By pajama_addict

36.5K 1.5K 242

Lovefools Book 2 More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24

Chapter 16

563 36 3
By pajama_addict

Men are not dumb like some of us would like women to believe – we can read your intentions, we get it when you flirt, and we always hope that you are smart enough to realize when you are being let down. Oftentimes, we ignore the signals you're throwing at our faces hoping that you'll get our silent no because we don't want to be rude by spelling our rejection out for you; on rare occasions when we have to be brutally frank, believe me, we usually feel bad about it not because we care about your feelings but because we were groomed by society to take the rejection rather than dish it.

"LC, tinanggal ko na 'yung tinik nitong inihaw na bangus para sa'yo," Sienna said handing me a plate. "Anong sawsawan ang gusto mo, LC? Gusto mo ba ng kamatis? Ipaggagayat kita."

Ano ba 'tong batang 'to, alam naman n'yang may asawa ako, susubok pa talaga? Besides, brod ko sa frat ang Kuya n'ya. Minsan talaga may mga babaeng hindi mo maintindihan.

"'Yung buko salad, LC, ako ang nagtimpla n'yan—"

"Sienna, kumain ka na," I said softening my reproach with a smile. "H'wag mo na kaming intindihin, kayang-kaya na namin ang mga sarili namin," I added ignoring the plate she handed and choosing to pick an empty one.

"Hindi, LC, okay lang. Ito o, ipinili kita ng inihaw na bangus."

I took the dish she was holding and she smiled broadly.

I handed the plate to Gary. "1st Vice, pinili pa ni Sienna 'yan."

"Salamat po, LC," Gary replied. "Kumakain din po ba ng inihaw na bangus si Mrs. Yu, LC?" Gary asked.

I wasn't sure if he noticed that Brod Tolit's sister was being extra attentive to me, all the same, I appreciated his gesture.

"'Yung asawa ko? Naku mahilig 'yun sa inihaw na bangus lalo na 'yung gan'yan na mataba ang tiyan, paborito n'ya 'yan, eh."

"Baka po may ganito sa restaurant ng resort nina Brod Tolits, LC, ibili n'yo po si Ate Green," Yurich said.

"Oo, LC, pasalubong n'yo sa kanya."

"Tiyak matutuwa 'yun. Itatanong ko kay Tolits mamaya kung pwedeng bumili—"

"Wala kaming inihaw na bangus sa menu ng restaurant, ipinaihaw lang 'yan ni Kuya para sa inyo," Sienna butted in.

"Gan'un ba? Sayang naman."

"Sinigang na sugpo, LC, gusto po ninyong abutan ko kayo ng mangkok?"

"Hindi na, Jethro, kumain ka na. Kayo naman, kain lang. 'Yung neos ba, kumakain na?"

"Opo, nasa isang kuwarto po silang pito at dinalhan po sila doon ng pagkain."

"Mabuti. Mamaya, para mas mapabilis ang at homes let's do it by stations—" I stopped talking when my phone sounded. I knew who would be calling me at that hour.

"Hello, Mrs. Yu!"

"Lalabs!"

"Kumain na ang Lalabs ko?"

"Hindi pa, eh, ikaw nag-lunch ka na? Anong ulam mo?"

"I am eating lunch now, may pa-seafood fiesta itong sina Tolits."

"Ay, nakakainggit. Mabuti ka pa. Ako, hindi ko alam kung anong kakainin ko."

"Lalabs, may lechon sa ref, may sugpo rin, may danggit pa sa pantry natin."

"Eh, tinatamad akong magluto pero sawa na rin naman akong magpa-deliver sa fast foods."

"Lumabas ka ba?"

"Hindi, nandito lang ako sa bahay. Hindi na ako lumabas kasi sabi ng asawa ko, eh, h'wag daw."

I chuckled. "Siyempre ayokong masilayan ng iba 'yung misis ko, baka agawin, eh."

"'Yung tipong malilipasan na ako sa gutom dahil gandang-ganda ka sa akin."

I laughed at her quip. "Siyempre naman. Pero, seriously, Lalabs, kailangan mong kumain para naman magkalaman 'yang tiyan mo. Kahit ano magpa-deliver ka. Mamaya pag-uwi ko let's eat out."

"Aba, bakit galante ka yata ngayon? May kasalanan ka ba sa akin?"

I couldn't help but laugh. "Mrs. Yu naman, wala. Good boy itong asawa mo. I just feel bad leaving you on a Sunday. Kaya mamaya pag-uwi ko labas tayo."

"Talaga naman ang sweet ni LC!" my brods teased.

"Nakikinig mga brods mo sa usapan natin?"

"Oo, nandito kaming lahat kumakain kaya rinig na rinig nila ang mga sinasabi ko."

"Hi, Ate Green!" Gary hollered. "Kain tayo ng lunch, Ate Green!"

"Sino 'yun?" my wife asked.

"Si Gary."

"Sabihin mo hi rin."

"Hi rin daw, Gary," I told my 1st Vice.

"O, sige na, bye na," she said. "Mamaya na lang ako tatawag ulit. Kumain kang maayos d'yan."

"Opo. Ikaw rin h'wag kang magpapagutom kahit sobra ka pang tinatamad."

"Kain na lang ako ng chicharon at dried mangoes."

"Mrs. Yu, 'yun lang ang kakainin mo? Magpa-deliver ka na lang."

"Sawa na ako sa Jollibee at McDo."

"O, eh, 'di, Chowking naman."

"Sawa na rin ako doon."

"Magpa-deliver ka sa Max's. 'Di ba gusto mo 'yung crispy pata nila? Although mataas sa cholesterol 'yun, Lalabs."

"Lalabs, don't worry, kina-cardio mo naman ako halos gabi-gabi."

I burst out laughing.

"O, sige na at nang makakain ka na d'yan nang maayos. I love you."

"I love you, too."

"Mag-ingat ka, ha."

"Opo."

"'Tsaka kung may magkamali mang lumandi sa'yo, pakisabing mag-ingat s'ya sa akin."

Hm...do women really have a sixth sense when it comes to their men? I quietly asked myself. Totoo kayang nararamdaman nila kapag may nagkaka-interes sa boyfriend o asawa nila?

"Lalabs, sobrang loyal at sobrang faithful ko kaya sa'yo. Hinding-hindi ako titingin sa ibang babae."

"Reminder lang naman 'yun, Mr. Yu, h'wag kang kabahan, Sir. Sige na, Lalabs, bye na."

"Bye, Mrs. Yu," I said before ending the cal..

"'Yan ang problema rito, eh, masyadong mabait si LC at mapagmahal sa asawa kaya nakakahiya mang-chicks sa harap n'ya," Denz kidded.

"H'wag kayo sa akin mahiya, doon kayo mahiya sa girlfriends n'yo."

"LC, single here," Gary said raising his hand, more brods followed suit.

"And I just realized that most of you are single. Kawawa naman kayo," I joked.

Everyone laughed.

The rest of the at homes went without a hitch and I was relieved when it was finally time to go home.

"Latest batch, kayo na ang bahala sa neos. You know what to do," I said.

"Opo, LC," Terrence replied.

"Brod Tolits, salamat dito sa venue at sa libreng lunch kanina. Sana makabawi kami sa'yo."

"Okay lang po, LC, anytime. Basta para sa frat at sa mga brods."

"Salamat, Tolits."

"'S'ya nga pala, LC, ay ipinapabigay po pala si Sienna," Tolits said handing me a paper bag. "Isa sa mga bagong products namin 'yan dito sa resort, LC, 'yang bibingka de macapuno. Kaluluto lang kasi n'yan kanina kaya hindi na nakahabol para sa lunch."

"Okay lang, sobra-sobra na nga 'yung kinain namin n'ung tanghalian, kita mo naman inantok kaming lahat dahil sa kabusugan. Pero, teka, magkano ba ito at bayaran ko na?"

"LC, hindi po, bigay po namin 'yan sa inyo."

"Negosyo 'to, Tolits, eh, hindi dapat libre."

"LC, hindi na po."

"But, I insist, 'tsaka ilan ang nand'yan para may maiuwi na rin ang mga brods?" I added taking my wallet out of my back pocket.

"LC, h'wag na po."

"Dapat hindi mo tinatanggihan ang benta, Tolits, pamahiin ng Chinese 'yan, never say no to a sale."

"Naku, LC, nakakahiya po, eh."

"Walang nakakahiya doon."

"LC, hindi na," Sienna said. "Hindi mo naman kailangang bayaran 'yang bigay ko sa'yo."

"Hindi ko 'to tatanggapin bilang bigay. Let me pay for these. Magkano ba lahat 'yung naiwan d'yan?"

"Bale 50 boxes na lang ang nandito, LC, sixty pesos po ang isa," Tolits supplied.

"Ilan tayong lahat?" I asked Gary.

"53 po kasama 'yung neos."

I handed them two of the boxes that Sienna gave me. "'Ayan, para sakto. Isa lang ang kailangan ko pampasalubong sa misis ko."

"Salamat po, LC!" my brods chorused.

"Walang anuman. Tolits, ito pala 'yung three thousand two hundred para sa mga 'to. Good luck dito sa bagong product n'yo, Brod, sana maging mabenta."

"Naku, LC, salamat po. 'Tsaka, LC, ipinapatanong po pala nitong kapatid ko kung pwede raw po s'yang tumambay sa tambayan natin paminsan-minsan? Mahaba raw po kasi ang free period n'ya tuwing Tuesdays at Thursdays..."

"Oo naman, pwedeng-pwede," Ric answered for me. "Pwede naman tumambay doon 'yung mga family members ng brods paminsan-minsan, hindi po ba, LC?" he added his grin wide.

"'Tsaka, LC, pwede po bang sumabay sa inyo ngayon? Dapat bukas pa ang biyahe ko pabalik ng dorm pero since pa-Diliman naman po kayo..." Sienna trailed off.

Naku, sasabunatan ka ng asawa ko kapag nalaman n'yang isinakay kita sa kotse ko, ako naman tatanggalan n'ya ng bayag.

"Sienna, h'wag ka nang sumabay, nakakahiya naman kay LC Red," Brod Tolits told his sister. "Ihatid na lang kita bukas—"

"Kuya, hindi naman siguro ako makakaabala, sa Ilang-ilang Residence Hall lang naman ako, eh. Ang lapit lang n'un. Hindi po ba Teacher's Village ka lang, LC?"

"May lakad kami ng misis ko kaya hindi ako didiretso ng Diliman kasi kailangan ko pa s'yang sunduin. Pasensya na, Brod Tolits, hindi ko pwedeng isabay ang kapatid mo."

"Okay lang, LC," Tolits replied. "Ako na pong bahalang maghatid sa kanya bukas o pwede naman po s'yang mag-bus."

I saw Sienna frown.

"O, sige una na ako," I told everyone before I got inside my car.

"Ingat, LC!" my brods said.

I rolled the window down to wave goodbye before I drove off.

Matawagan nga si Mrs. Yu, I thought to myself activating my hands free before dialing my wife's number.

"Hello, Lalabs!"

"Pauwi ka na?" she excitedly asked.

"Opo, pauwi na po."

"May nagtangka bang umagaw sa'yo?" she joked.

"Meron," I seriously said.

I heard her huff. "Sino 'yan?"

"Wala, someone who's irrelevant to our marriage. Lambingin mo ako, na-miss kita," I said.

"Anong lambing ang gusto mo?"

"Kung ano ang kaya mong ibigay..."

"Lahat naman kaya kong ibigay basta para sa'yo."

"Talaga naman..."

"Siyempre. Gusto mo bang h'wag na lang tayong lumabas at ipagluto na lang kita ng paborito kong ulam?"

"Paborito mong ulam o paborito kong ulam?"

"Paborito ko kasi, 'di ba, ako naman ang paborito mo."

"Aba si Mrs. Yu humihirit. Ano pala ang ginawa ng misis ko maghapon?"

"'Ayun tumawag ako sa Laguna. Okay naman silang lahat, they're asking kung kailan daw tayo uuwi doon. Ang sabi ko ay bigla na lang tayong susulpot at tatawag na lang tayo kapag on the way na kasi naman sobra kang busy. Nanganak na raw 'yung aso n'yong si Cinnamon, six puppies, 4 boys, 2 girls. Okay naman daw ang mag-iina, at nand'un sila sa bahay nina Tita Grace nagpapahinga. D'un na daw kasi nag-labor si Cinnamon, eh, at ayaw namang ilipat pa nina Mommy."

"Lalabs, mamaya kunin ka pa nilang ninang ng mga anak ni Cinnamon, ha."

She laughed. "Muntikan na nga akong mag-volunteer, eh. 'Tsaka sabi ko pala hingin natin 'yung isang puppy para may makalaro naman ako rito sa apartment."

"Gusto mong mag-alaga ng puppy, sure ka ba? Matrabaho 'yun, Lalabs."

"Kaysa naman mag-rearrange ako ng bahay dahil sa sobrang bored ko. Ayaw ko nang hintaying dumating ang araw na kakatukin ko isa-isa 'yung mga kapitbahay natin para mag-offer ng aking services."

"Sorry na po..."

"Oo nga. Naiintindihan ko naman, eh."

"O, ano pa ang sabi nina Mommy?"

"They're excited about the package. Sina Daddy at Lola ay inaabangan 'yung dried mangoes nila. Nakausap ko Dad mo dahil ipinakausap s'ya sa akin ni Mommy Isolde. Pinaalalahan ko nga na dahan-dahan sa danggit at chicharon kasi, 'di ba, mataas daw ang cholesterol at blood pressure n'ya n'ung last check-up. 'Ayun um-oo naman."

I couldn't help but smile. That's one of the things that I love about my wife – she loves my family and she makes an effort to make sure that that love is communicated.

"Tumawag din pala ako sa Cebu, ang sabi ko ay nasa at homes ka kaya mag-isa ako rito sa bahay. Ang sabi ni Daddy ay tama raw 'yung sinabi mo na h'wag akong lumabas mag-isa kasi mamaya may mabunggo pa akong pedestrian. Ang sabi ko, okay lang, kasal na ako kaya hindi na ako mapipikot ng kung sino mang mabubundol ko kung sakali."

I laughed out loud. "Mrs. Yu, the shade."

"There's no shade at all, Mr. Yu, just facts."

"I love you, kahit binunggo mo ako ng sasakyan mo n'ung una tayong magkita."

"I love you, too, kahit pinikot mo ako kasi gandang-ganda ka sa akin."

"Naman. May mas gaganda pa ba kay Mrs. Yu?"

"Natural wala na or else bugbog aabutin mo," she said and I laughed.

"Tumawag pala si Faith kasi birthday ni Darielle ngayong Thursday. Ang sabi ko ay hahabol tayo dahil pareho tayong may class until 4PM although 6PM pa naman ang start n'ung party pero sa traffic ba naman baka mag-debut na lang si Darielle ay hindi pa tayo dumating."

"Aba, sobrang busy pala ng araw mo, Lalabs. Ang dami mong nakausap at ang dami mong tinawagan."

"Oo, muntik na nga akong manawagan sa radyo, eh, dahil sa sobrang pagka-miss ko sa'yo, mabuti na lang at napigil ko pa ang sarili ko."

I burst out laughing again.

"Ikaw ba na-miss mo ako?"

"Oo naman, Lalabs. Sobra. Kaya nga ako nagmamadaling umuwi, eh."

"Ang dami kong kaagaw sa'yo, kaunti na lang magseselos na ako sa mga brods mo. Mabuti wala kayong affiliate sorority dahil baka nang-away na ako 'pag nagkataon."

"Hindi nga po magpapaagaw itong asawa mo, Mrs. Yu. Kalmahan mo lang, Lalabs."

"Ay, nakausap ko pala 'yung classmate kong si Cindy sa FB."

"Cindy?"

"'Yung classmate natin sa BA 190 last sem. 'Yung blonde 'yung buhok na kasa-kasama ni Iver."

"Okay, natatandaan ko na s'ya."

"'Ayun nakita ko kasing nag-post s'ya ng pic kasama new bf n'ya at naki-congratulate ako kaya naman nagkausap kami."

"Hindi ba sila ni Jeremy?"

"Last sem pa sila naghiwalay. Itong bago new ay taga-College of Law. Tinanong ko nga, eh, kung pwede akong sumali sa org nila at ang sabi n'ya ay oo raw."

Naku, Red, pabayaan mo 'yang asawa mong sumali. H'wag kang unfair na ibuburo mo lang 'yan sa bahay.

"Mabuti pwede pa."

"Oo nga, eh. Officer pala s'ya doon. Ang sabi n'ya pwede pa raw akong humabol. Hindi naman daw mahirap 'yung application, tambay hours lang daw ang kailangan at siyempre pa 'yung makapangyarihan sig sheet..."

"O, eh, 'di, mabuti. At least may matatambayan ka na sa college natin at hindi ka na taong-library."

"Okay lang ba talaga na sumali ako?" Green hesitantly asked.

I swallowed the no that was ready to jump out of my lips. "Oo naman."

"Talaga?"

"Oo nga."

"Waah! I love you, Lalabs! I swear magiging mabuting maybahay pa rin ako sa'yo at ipagpapatuloy ko pa rin 'yung plano kong ipaggagantsilyo ka ng boxers at bow tie!"

I laughed in reply.

"Bakit gan'un ang tawa mo, medyo matamlay?"

"Hindi naman."

"Kilala kita, eh, sabihin mo sa akin kung ano ang problema."

I sighed. "Lalabs, hindi mo naman ako ipagpapalit, 'di ba?"

"Wow, Lalabs, ha. Grabe ka, iba talaga ang level ng kagandahan ko para sa'yo. Bakit mo naman naisip 'yan?"

"Kasi busy ako, eh, baka may mahanap ka na mas magbibigay sa'yo ng oras—"

"Tampalin kaya kita d'yan, Lalabs, ano bang akala mo sa akin? Por que busy ka ay mawawala na ang pagmamahal ko sa'yo at maglalandi na ako, gan'un?"

"Insecure lang po."

"Itapon mo na 'yang insecurity mo, ikaw lang ang mahal ko at wala na akong mamahaling iba."

"Ako lang? Sure 'yan? Paano kapag may baby na tayo? Ang sabi doon sa isang research na nabasa ko, women tend to ignore their husbands once they have children."

"Lalabs, bilisan mo na ngang umuwi para malaman mo kung paano kita i-ignore."

"Paano?"

"I'll tell you in person while wearing nothing but those red high heels you gave me..."

Instantly I felt my groin tighten.

"Lalabs?"

"Flying home now," I said before I stepped on the gas. 

Continue Reading

You'll Also Like

240K 13.6K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.6M 163K 55
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
55.4K 2.5K 6
O N H O L D --- Ang kuwentong walang katapusan (aka Falling for the Billionairess Book 3) Mature content. Reader discretion is advised
26.1K 1.6K 6
The ties we're bound to...