How I Ended Up With You (To t...

By raindropsandstar

160 8 1

To the Dreams of my Youth a Series 1 - Light Story compared to my usual stories, this series will be less co... More

How I Ended Up With You
Prelude
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11

Chapter 3

16 1 1
By raindropsandstar

HIEWY 3

Kinain niya nga ang pagkain na galing sa Kubo Pansitan. Totoo palang sa kanya iyon. Pakiramdam ko uminit ang pisngi ko nang mapagtantong muntik ko pa siyang awayin matapos kunin ang pagkain niya.

Sa hiya ko ang kumuha na lang ako ng gatas ng kalabaw at iyon na lang ang pang laman tiyan ko. Hinayaan ko na siya na mag microwave ng mga pagkain at nauna nang umakyat sa taas.

Tinanong niya kung gusto ko ba pero naunahan na ako ng hiya kaya tumanggi nalang ako.

Tsaka mukhang labag din sa loob niyang kasabay ako kumain.

Ang pinagtataka ko lang, kumain ba siya ng pansit kanina? Hindi naman ah. Bakit siya nagpatake out? Hindi niya pa naman natikman kung masarap.

Sa huli ay tumungo na lang ako sa kwarto at inubos ang gatas. Itinulog ko na lang ang kahihiyan at katanungan sa isip.

Bahala siya. Kainin niya kung anong gusto niyang kainin.

Lumipas ang mga araw at nanatili kaming ilap sa isat-isa. Gustuhin ko man na pakisamahan siya, ang hirap niyang kausap. Ramdam ko rin naman na parang ayaw niyang kasama ako.

Kaya nalalagi lang ako sa bayan o sa plaza. Sumasama kela Nanay sa pag gala kela Tita Ynesa. Minsan ay naiiwan si Yosel sa bahay dahil ayaw sumama, pero may mga pagkakataon naman na sumasama siya sa amin.

Naka isang linggo na sila dito. Bilang na bilang ko pa kung ilang beses kaming nag usap ni Yosel.

Ngunit isang araw ay sinalubong ako ng hindi magandang balita. Alam kong madaling kumalat ang usap-usapan dito sa amin. Pero hindi ko inakala na aabot sa ganito.

Halos malaglag ang panga ko at hingal na hingal na tumungo sa pinto ng bahay. Naabutan kong naka tayo roon si Yosel, at sa harap niya ay naroon sila Aneva at Rina, malawak ang ngiti at ang iba pa naming mga kaibigan.

Ang nakakawindang pa, puro sila babae.

Taas baba ang dibdib ko dahil sa biglaang pagtakbo. Kagigising ko lang at narinig ko kay Nanay na nandito sila Rina para bisitahin si Yosel!

Bakit hindi muna nila pinaalam sa akin?!

At sinong may sabing pwede nilang gawin ito? At ang aga-aga pa alas osto palang ng umaga! Sino ang bibisita ng ganito kaaga?

Bumaba ang mata ko sa hawak na mga libro nila Aneva. Lahat sila may dalang libro na kailan man hindi ko nakitang dinala nila sa school.

Hindi ba nangangati ang kamay nila at hawak-hawak nila 'yan?

Bumaling ako ng tingin kay Yosel at wala akong makitang reaksyon sa mukha nito. Hindi ko tuloy mabasa kung natutuwa ba siyang sinugod ng mga kaklase ko dito, o naiinis dahil bigla nalang silang pumunta ng walang pasabi.

Basa pa ang buhok nito at halatang kakaligo lang. Suot ang simpleng puting t shirt and khaki shorts, nakapaloob ang dalawang kamay sa bulsa at kumakalat ang matapang na pabango sa paligid.

Umatras ako ng konti dahil nahiya sa itsura. Ni hindi ko naisip na magsuklay o maghilamos dahil sa gulat at pagmamadali.

"Good morning! Yosel! Geneva!" magiliw na bati ni Aneva, malapad pa rin ang ngiti katulad nila Rina.

Doon lang ata ako napansin ni Yosel na nakatayo sa gilid niya. Nilingon ako nito at ako ngayon ang hindi makatingin sa kanya. Nahihiya sa itsura.

Tinuon ko ang mata sa mga kaibigan at sinamaan sila ng tingin. Ano ba kasing ginagawa nila dito?!

Palipat-lipat ang tingin sa amin ni Yosel. Naguguluhan siguro sa mga nangyayari.

"Anong ginagawa niyo dito?—-"

"Nice to meet you, Yosel! Kami nga pala ang mga bffs ni Geneva! Ako si Aneva, ito naman si Rina." putol sa akin ni Aneva at lumapit na kay Yosel. Mas lalong dumiin ang titig ko sa kanya. "Ito naman si Olivia! Tsaka si Yasmine!" turo niya pa sa iba naming mga kaklase.

Pumikit ako ng mariin. Humugot ako ng malalim na hininga at sinusubukang pahabain ang pasensya.

Ni wala silang balak pakinggan ako!

Lumipat ang mata ko kay Rina at binigyan siya ng mapagbantang tingin. Umiwas ito ng tingin na para bang wala siyanh kinalaman dito.

Wala pa naman ibang nakakita kay Yosel sa mga kaibigan ko kundi siya. Malamang siya ang nagsabi kela Aneva kaya naisipan pumunta dito!

Wala naman akong problema kung gusto nila bumisita. Ang problema lang baka ayaw ng bibisitahin nila!

Napaka moody pa naman niyan.

Ako nga hindi kinakausap. Sila pa?

Pakiramdam ko namumuo na ang galit sa loob ni Yosel sa akin. Baka isipin niya ako ang nagyaya sa mga kaibigan ko dito at ngayon ay ginugulo siya!

"Aneva... Masyado pang maaga. Bumalik na lang kayo—-"

"Nice to meet you." Yosel stopped me midway. Inalok nito ang kamay kay Aneva na ikinalaglag ang panga ko.

Halos kuminang ang mata ni Aneva at hindi nagsayang ng oras at kinamayan rin si Yosel. Napa atras pa ako nang magsilapitan silang lahat at isa-isang nakipagkamay kay Yosel.

Halos malimog ang mata ko sa nakikita. Gumuhit ang ngiti sa labi ni Yosel habang nagpapakilala sila sa kanya. Para akong batang nawawala sa sariling bahay at walang maintindihan sa nangyayari.

"Gusto sana namin magpaturo sayo sa Math! Alam mo na, habang bakasyon. Para pagdating ng pasukan ay handa kaming mag aral!" turan pa ni Aneva na para bang ang sipag niya talaga mag aral.

Kailan pa sila nag aral habang bakasyon?!

Bahagya ang pagtaas noo silang pinasadahan ng tingin ni Yosel. Para bang hindi rin naniniwala o namangha siyang alam nilang matalino siya at mahilig mag aral.

Lumingon ito sa likod niya at parang hinahanap ako. Nang mahuli ako ng mata niya ay mapaglarong tumaas ang kilay niya.

Nanigas ako sa kinatatayuan at bigla nalang nalunok lahat ng kaba.

Nanliit ang mata niya sa akin at bago ko pa man mapagtanggol ang sarili ay bumalik na ang atensyon niya sa mga kaibigan ko at nagsalita.

"I have free time so I think I can help..." anunsyo niya.

Halos magtatalon sa saya ang mga kaibigan ko. Pero ako parang gusto na sila isako isa-isa.

"Thank you, Yosel! Ang bait mo naman!" natutuwang sambit ni Aneva at pabirong hinampas ang braso nito.

Kumunot ang noo ko.

Ligalig silang lahat at handa nang pumasok sa loob ng bahay habang dala-dala ang mga libro nila nang magsalita muli si Yosel.

"But I am not the owner of the house. Ipaalam niyo muna kay Geneva," bumaling ito ulit sa direksyon ko. "Kung ayos lang sa kanya." aniya habang nakatitig sa akin.

Lumipat ang mata nilang lahat sa akin. Nag aabang ng sasabihin ko. Nabalot kami ng katahimikan nang hindi ako makasagot agad.

Kung nakakapaso lang ang titig baka nasusunog na ako ngayon sa klase ng mga titig nila. Para bang hahadlangan ko ang pangarap nila kapag nag hindi ako. Na aabangan nila ako sa school kapag hindi ako pumayag.

"Ayos lang ba sayo? Geneva?" marahang tanong ni Aneva.

I mentally gritted my teeth and sigh.

"Bahala kayo... A-Ayos lang." pagsuko ko at umiwas ng tingin.

Naghiyawan sila at umikot na ako para pumasok sa loob. Iniwan ko na sila at nagmadaling umakyat sa hagdan. Narinig ko pa ang mga boses nila papasok ng sala.

Sandali pa akong lumingon sa kanila mula sa taas bago tumungo ng kwarto. Natigilan ako nang mahuling nakatingin sa akin si Yosel. Iniwas ko agad ang mata at tuluyan ng pumasok ng kwarto.

Bakit siya pumayag? Akala ko ba mahiyain 'yon? Ayaw ng kausap o ginugulo siya?

Naligo na muna ako at nag ayos sa kwarto bago kumain ng umagahan. Lahat sila kanina ay bihis na bihis, akala mo may pa-event sa bayan. Si Yosel lang pala ang sadya.

Sinuklay ko ang basang buhok sa harap ng salamin. Isang rose old kulay na dress ang pinili ko, string na nakaribbon ang strap sa balikat at hanggang taas tuhod lamang.

Naglagay lang ako ng pink na lipbalm para mabuhay naman ang mukha ko dahil medyo maputla. Kahit lagi ako sa labas at nabibilad sa araw, namumula lang ako at kalaunan ay babalik rin sa dating kutis.

Hindi nalalayo ang kulay namin ni Yosel. Mas maputi lang ako sa kanya.

Naglagay lang rin ako ng pabango. Powdery lang ang amoy nun at mild lang.

Nang maramdaman kong handa na ako ay lumabas na rin ako ng kwarto at bumaba na dahil kumakalam na ang sikmura ko.

Nasa hagdan na ako nang marinig ko ang mga pag uusap nila.

"Yosel paki explain nga ito... bakit siya naging negative? Saan galing ang zero?" malambing na tanong ni Aneva at lumapit pa kay Yosel kahit magkatabi lang naman sila.

Nakaupo sila sa lapag at nasa center table ang mga libro. Ibinukol ko ang dila sa loob ng pisngi at nagpatuloy sa pagbaba.

Patungo na ako ng kusina nang bigla akong tawagin nila Olivia. "Geneva! Tara! Hindi ka ba mag aaral?" yaya nito.

Halata ang saya sa mga mukha nila.

Yosel's head quickly snapped at me. Lumalim ang titig nito, bumaba ang mata niya sa suot ko matapos ay bumalik sa mukha ko at labi. His mouth parted a little. I swallowed the heat that came from my throat to my stomach.

Umiling ako. "Hindi. Kaya niyo na 'yan." mahina kong tugon at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nakarating na ako ng kusina at binuksan ang ref. Kung hindi pa tinawag ulit ni Aneva si Yosel ay hindi pa nito inalis ang mata sa akin.

Tahimik akong kumakain sa mesa at pinapanood sila.

Seryosong nagtuturo si Yosel. Wala rin akong naiintindihan sa mga sinasabi niya. Sila Aneva ay panay ang hagikgik at tawa. At ang lalaki nakikitawa rin.

Natigil ako sa pagnguya ng tinapay nang makita itong nakangiti at tumatawa habang nakatingin kay Aneva.

He smiled widely. Lumabas ang mapuputi at perpektong mga ngipin nito. Ang mga mata ay halos hindi na makita. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng ganyan.

Kaya niya palang tumawa ng ganyan.

Akala ko hindi siya marunong tumawa at pinaglihi sa sama ng loob.

"Hah." labas sa ilong kong sambit at tinungga na ang gatas sa baso. Bago ako tumayo at kinuha ang pinagkainan at nilagay sa lababo.

Hinugasan ko muna iyon bago naglakad palabas ng bahay.

Naiingayan ako. Ako nalang ang lalabas.

"Geneva! Saan ka pupunta?" sigaw nila Rina sa akin nang nasa pinto na ako.

Nalipat ulit ang atensyon nilang lahat sa akin. Iniisip ko palang ang titig ni Yosel kanina umalon na ang dibdib ko sa 'di maipaliwanag na dahilan.

"Sa plaza."

"Bakit? Maaga pa!" sagot ni Rina.

Kinagat ko ang ibabang labi. "Oo nga. Bakasyon ngayon. Umuwi sila Kuya Cian. Panunuorin ko siya."

Mabilis akong nilingon muli ni Yosel. Dahil ang pwesto nito ay nakatalikod sa akin katabi ni Aneva.

"Ay! Kaya pala panay ang punta mo sa plaza! Sige ingat ka!" ani Rina.

Tumango ako. Salubong ang kilay ni Yosel ngunit hindi ko na iyon pinansin at lumabas na ng bahay.

Inabot ako ng tanghali sa plaza. Totoo naman na nanuod ako pero paalis na si Kuya Cian nang makarating ako.

Parang paaga ng paaga ang pagpunta niya sa plaza para maglaro. Kasi paanong alas otse palang tapos na siya?

Wala tuloy akong naabutan!

Pero dahil sinabi kong manunuod ako, pinanindigan ko na lang. Nang makaramdam ako ng gutom ay tsaka lang ako umuwi.

Nandoon pa kaya sila?

Wala ba silang ibang inaatupag sa buhay? Talagang ginawa pa nilang palusot ang pag aaral kahit bakasyon, para lang makita si Yosel.

Nang makabalik ako ng bahay ay kumakain na sila Nanay. Umuwi na rin daw sila Aneva bago magtanghalian dahil may pupuntahan pala sila Tito Cielmo kasama sila Yosel.

Aba mabuti naman at makakatambay na ako sa  bahay.


Kinabukasan akala ko ay magiging tahimik na ang bahay. Medyo tanghali akong nagising ay hindi pa ako nakakababa ng hagdan ay naririnig ko na muli ang boses nila Rina at Aneva.

Nandito na naman sila?!

Halos malukot ang mukha ko nang bumaba at tumungong kusina. Rinig ko ang pagtawa ni Yosel at magiliw na tono ng pananalita. Nakikipag biruan siya sa mga kaibigan ko.

Parang biglang may dumagan sa dibdib ko. Hindi nila napansin ang pagdaan ko dahil abala sila sa pagtatawanan.

Mabibigat ang galaw kumuha akong baso sa cabinet at binuksan rin ang ref para kumuha ng gatas.

Bumuntong hininga ako.

Tanghalian na nang mapagpasyahan nila Nanay na sa mesa sa silong ng punong manga kumain. Doon lang ako tumambay kasama sila dahil ayaw kong makiabala sa loob.

Maliban na naa-out of place ako, baka masira pa mood ni Yosel pag nandoon ako.

Pang sampung buntong hininga ko na ito ngayong araw. Pumasok akong muli ako sa bahay kahit mabigat sa loob ko. Naka uwi na sila Aneva at kani-kanina at naiwan si Yosel sa loob.

Kung bakit sa akin pa siya pinatawag ni Nanay para yayain kumain sa labas. Baka mawalan pa siya ng gana dahil sa akin.

Umismid ako sa sarili naisip. Didiretso na sana ako sa taas dahil baka bumalik na siya ng kwarto nang mahagip siya ng mata ko. Nakatayo ito terrance sa likod ng bahay. Naka bukas ang backdoor kaya mahangin hanggang sa loob.

Kinagat ko ang ibabang labi at pinaghawak ang kamay bago lumapit sa kanya.

"Yosel," mahinahon kong tawag.

Mabilis nitong hinarap ang direksyon ko at inalis ang mata sa dagat. Humahampas ang hangin sa amin dahilan para hanginin ang buhok nito. Ngunit hindi iyon naging dahilan upang masira ang ayos niya ngayon, gwapo pa rin siya.

His brows furrowed and coldly looked at me.

"Why?" tanong nito sa tono na kabaliktaran kapag kasama niya sila Aneva.

Napalunok ako ng wala sa oras at naramdaman ang pait na gumuhit sa aking tiyan. "Kakain na raw sa labas."

Huminga lang ito ng malalim at tumango bago ako nilampasan. "Alright." anito bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri. Hindi ko napigilan ang pagbagsak ng balikat ko. Alam ko naman na ganun lang ang isasagot niya sa akin.

Pero bakit?

Kahapon pa ito naglalaro sa utak ko pero ayoko paniwalaan. Baka nag ooverthink lang ako. Pero ang mga nakikita ko ay dinadala ako sa konklusyon na iyon.

Kinagat ko ang ibabang labi at hindi na maipinta ang mukha.

Hindi siya mahiyain. Hindi rin siya masungit. Wala rin siyang problema.

Baka ako. Baka sa akin lang. Baka ayaw niya sa akin. Sa akin lang siya hindi tumatawa. Umiiwas siya kapag nariyan ako. Baka ako... Ako lang ang ayaw niya kasama.

Continue Reading

You'll Also Like

399K 7.5K 48
Moving To A New Place Is Difficult But Meeting New People Wasn't Difficult For Desire, Read Along!
1.5M 134K 64
RATHOD In a broken family, every person suffers from his insecurities and guilt. Successful in every field but a big failure when it comes to emotio...
3K 230 18
A/n:- Y'ALL HOW TF DID WE LAND #1 IN ×reader WHATTTTT SEROUSLY THANKYOUUUUUUU, anyways back to the normal description:- This is Y/n, just a normal gi...
4.1K 110 9
(If you don't know the backstory to love and monsters I suggest you go watch it, its good Also theres probably gonna be less than 10 chapters but eac...