The Divorce

By MrsPeriwinkle0024

28K 1.6K 227

In her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her di... More

Chapter 1: Rebirth
Chapter 2: Exchange
Chapter 3: Get Married Then Divorce
Chapter 4: Asking For Pocket Money
Chapter 5: Unexpected Turn Of Events
Chapter 6: Bargaining Chip
Chapter 7: The Audacity
Chapter 8: The Truth
Chapter 9: Wrong Script
Chapter 10: First Time
Chapter 11: Obstacles
Chapter 12: Cannot Threaten Him Anymore
Chapter 13: Loyalty
Chapter 14: Going To Hate Him
Chapter 15: Willing
Chapter 16: The Perfect Sister-in-law
Chapter 17: One Of Her Dreams
Chapter 18: What To Fix Next?
Chapter 19: A Sudden Lecture
Chapter 20: Finally
Chapter 21: Judas Kiss
Chapter 22: Cannot Blame Her
Chapter 23: Proposal
Chapter 24: Insult
Chapter 25: Unwanted Visitors
Chapter 26: No Strings Attached
Chapter 27: Poor
Chapter 28: Last Option
Chapter 29: A White Dress
Chapter 30: Her Creations
Chapter 31: Lunch Date
Chapter 32: Painful Memory
Chapter 33: No Thanks
Chapter 34: Dearest Sister-in-law
Chapter 35: Someone Is Coveting His Woman
Chapter 36: Washing My Eyes
Chapter 38: Wedding Day
Chapter 39: Arya Being Hysterical
Chapter 40: Asking For A Gift
Chapter 41: Torture And Imaginations
Chapter 42: Concerned About Her
Chapter 43: A Nightmare
Chapter 44: Good Bye
Chapter 45: Original Plan
Chapter 46: A Normal Day
Chapter 47: Upset
Chapter 48: Gentle
Chapter 49: Negative And Positive Emotions
Chapter 50: Doubt
Chapter 51: The Police Officer And The Lawyer
Chapter 52: Helper From The Past
Chapter 53: Bothered
Chapter 54: Arya's Concern
Chapter 55: Felt Like A Roller Coaster Ride
Chapter 56: Someone Who Knows Her Best
Chapter 57: Stick To The Original Plan
Chapter 58: Someone Who Looks Like Her
Chapter 59: Delighted
Chapter 60: Different Types
Chapter 61: What If...?
Chapter 62: Protecting You In My Own Little Way
Chapter 63: The Allejo Family
Chapter 64: The Hungry and Irritated Sam
Chapter 65: Bite Back
Chapter 66: Bullying The Bully
Chapter 67: Prevention Is Better Than Cure
Chapter 68: Samuella's Nightmare
Chapter 69: Samuella's Nightmare Part II
Chapter 70: The Brother-in-law
Chapter 71: The Birthmarks
Chapter 72: A Success
Chapter 73: Stealing Task
Chapter 74: Terrifying
Chapter 75: Missing Home
Chapter 76: Indulge

Chapter 37: Wish

337 20 0
By MrsPeriwinkle0024

Marahil dahil sa ginawa nilang paglalakad p, nang magising si Samantha kinabukasan ay mataas na ang sikat ng araw.
Iyon ang pangalawang pagkakataon na gumising ang dalaga ng mataas na ang sikat ng araw. Nang tingnan niya ang wall clock sa loob ng kwarto nila ni Arem ay alas nueve na ng umaga. Pupungas-pungas pa na tumayo si Samantha at saka inikot ang tingin sa kanyang kapaligiran.

Maingay sa labas at malakas ang tugtugan.

There I was
Thought I had everything figured out
Goes to show just how much I know
'Bout the way life plays out
I take one step away

Then I find myself coming back to you
My one and only
One and only you
Ooh

Samantha's mouth twitch after listening to the song.

Para namang in love na in love nga sila sa isa't-isa kung makapagpatugtog kung sino man ang tinamaan ng magaling na iyon.

Mabagal ang mga hakbang na nagtungo si Samantha sa tabi ng cabinet at kinuha doon ang nakasabit na kulay puting bathrobe. Ayaw sanang gamitin iyon ng dalaga, pero kabilin-bilinan ng kanyang mother-in-law na isuot niya ang bathrobe na iyon pagkaligo at sa kwarto nito gagawin ang pagmi-make up sa kanya.

"Good morning ateee!"

Lumingon si Samantha sa pinanggalingan ng excited at masiglang tinig.

Nakasuot ng pambahay si Arya habang may hawak na board at board stand.

"Ano 'yan?" Curious na tanong ni Samantha.

Abalang-abala ang lahat pero hindi man lang siya nagising sa ingay.

"It's your wedding welcome signage,"

Curious na umikot si Samantha at sinilip kung ano ang nakalagay doon.


"Kamusta ate? Okay lang? Ipinasuyo ko lang 'to sa kaklase ko, siya na rin ang bumili nitong board stand. Wedding gift niya na daw," nakangiting kwento ni Arya habang kumikislap ang mga mata.

"Cute," ani Samantha saka nginitian si Arya.

Hindi niya magawang kontrahin ang dalagita dahil genuine na saya ang nakikita niya sa magandang mukha nito.

Hindi niya masabi na kaya siya nagpa-cater at nag-order ng lechon ay para naman magkaroon sila ng dahilan para kumain ng mga pagkaing karaniwang ihinahanda sa kasalan o iba pang malalaking okasyon.

Syempre, ayaw niyang magutom at mapagod sa araw ng kasal niya.

Okay lang kahit walang ayos ang bahay at wala ang ibang bagay, basta ang gusto ng dalaga ay may pagkain. Maraming-maraming pagkain.

Babawiin niya lahat ng gutom na naranasan niya in her past life. Magpapakabusog siya ngayon at sisiguraduhin niyang kakainin niya ang lahat ng mga pagkain na gusto niya mahal man iyon o hindi.

"Tell her, thank you," ani Samantha saka ngumiti kay Arya.

Bahagyang namula ang mukha ni Arya. Nagtataka naman si Samantha at hindi niya mapigilan ang pag-angat ng kanyang kilay. Tinitigan niya si Arya habang tila ba nagtatanong ang kanyang mga mata kung bakit ganoon ang reaksyon nito.

"It's a him, ate,"

Oh.

"Your boyfriend?" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Samantha sa pabulong na boses.

"No! He's just my friend,"

"That's good. You're only fifteen. Saka ka na mag-boyfriend kapag thirty ka na,"

"Ate!"

Natatawang iniwanan ni Samantha ang dalagita. Nagtungo na siya sa banyo para maligo.

Hindi niya alam kung anong oras gaganapin ang kasal. Pero ang bilin ng kanyang mother-in-law kagabi, maligo na siya kaagad pagkagising. Kaya naman sa halip na mag-almusal ay mas pinili ng dalaga na unahin muna ang paliligo.

Makalipas ang kalahating oras ay lumabas na si Samantha ng banyo suot-suot ang bagong bathrobe.

Kaagad na nagtungo ang dalaga sa kwarto ng kanyang mother-in-law at maingat siyang kumatok doon.

Makalipas ang tatlong katok ay dahan-dahang nagbukas ang pintuan.

"Mom-oh my!" Gulat na napaatras ang dalaga nang makita ang babaeng nagbukas ng pintuan.

The woman appeared to be so ill that she might pass out at any time.

"M-mom?"

Kinakabahang tanong ni Samantha. Anong nangyari sa mother-in-law niya? Bakit mukha na naman itong parang nasa bingit ng kamatayan?

"Why are you so worried? Hindi ba sinabi mo kay Arem kagabi na magpanggap akong may sakit?" Natatawang tanong ng ginang.

Nanlaki ang mga mata ni Samantha.

"Ikaw nag-make up mom?"

"Of course! Bago ako naging blockbuster queen ay nagsimula ako sa pagiging newbie. Wala akong sariling make up artist kaya naman pinag-aralan ko kung paano ang tamang pag-aayos. Kung hindi mo nga sinabi kay Arem ang bagay na iyon ay baka nakalimutan ko na,"

"Oh, so that's why you want me to go here after taking a bath,"

Hinila na ni Ginang Aria si Samantha sa loob ng silid nito.

"Kumain ka muna ng banana bread at mag-gatas ka para hindi naman kumakalam ang sikmura mo mamaya,"

Kaagad na sumunod si Samantha sa sinabi ng ginang. Sa totoo lang ay nagugutom na nga rin siya.

Mabilis niyang naubos ang dalawang slice ng banana bread. Pagkatapos ay inubos niya rin ang mainit-init pa na gatas.

"Thanks mom,"

"You're welcome. Halika, anak at aayusan kita dito,"

Itinuro ng ginang ang kahoy na upuan na nakalagay sa tapat ng vanity mirror.

"Binigyan ako kagabi ni Arem ng isang malaking make-up set. Kaya naman nagawa ko ng maayos ang make up ko. Oh diba? Para na akong susunduin ni San Pedro sa ayos ko," nangingiting pagbibiro ng ginang na kaagad namang sinang-ayunan ng dalaga.

"Akala ko po bumalik na naman ang sakit niyo,"

Humagalpak ng tawa ang ginang dahil sa sinabi ni Samantha.

"Hindi kita tatanungin kung ano bang pinaplano mo anak, I trust you. Halika na, aayusan na kita,"

Kaagad namang naupo si Samantha sa upuan.

Maingat na sinuklay ng ginang ang buhok ni Samantha. Kumuha ito ng dryer at buong tiyaga na tinuyo nito ang basang-basa pa na buhok ng dalaga.

"Hindi ba mapapagod ka niyan, mom?" Nag-aalalang tanong ni Samantha.

"No. At isa pa kung nakakapagod man, hayaan mo na ako anak. Ito lang ang tanging magagawa ko para sa kasal mo. Hindi ako makakalabas doon para tunghayan ang mismong seremonyas ng kasal. Kabilin-bilinan ko kay Arthur ay kuhanan kayo ng maayos na video,"

Itinikom na lang ni Samantha ang kanyang bibig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin.

Hindi niya masabi ng deretsahan sa ginang na isang pagpapanggap lang ang lahat. Ang papel ng kanilang kasal lang ang totoo, pero ang pagsasama na gagawin nilang dalawa ni Arem ay hindi naman totoo.

Pinabayaan na lang ni Samantha si Ginang Aria sa gusto nitong gawin.

Matapos ang mahaba-habang oras nang pag-aayos sa buhok st mukha niya ay tinulungan naman siya ng kanyang mother-in-law sa pagsusuot ng kanyang puting dress. Hindi iyon magarbong tingnan.

Para kay Samantha, bagay lang iyon sa simpleng okasyon na magaganap.


Bumagay sa matangkad na dalaga ang sukat at pagkakayari ng damit kung saan mas nakita kung gaano kaliit ang kanyang bewang.

"Anak, alam kong marami kang alahas pero hayaan mong ibigay ko sa'yo ang kwintas na 'to,"

Maingat na inilabas ng ginang ang jewelry box kung saan nakalagay ang isang gold necklace na may maliit na diamond pendant.

"Ibinigay sa akin 'to nang daddy nila Arem noong engagement namin. Now, I'm giving it you,"

Samantha bite her lower lip.

Hindi niya magawang tanggihan ang ginang. Ayaw niyang masira ang mood nito.

Well, it's fine. Ibabalik ko na lang kapag umalis na ako.

Ngumiti ng matamis si Samantha sa kanyang mother-in-law na nagsisimula nang maging emosyonal.

"Pagkalabas mo sa kwarto ko ay dumiretso ka na sa garden. Nandoon na si Arem. After your wedding ceremony, you will be officially my daughter-in-law," emosyonal na tinapik ni Ginang Aria ang dalaga sa ulo. "My dearest Sam, thank you for coming into our life," madamdaminh dagdag pa ng ginang.

Samantha pursed her lips.

Ayaw niyang umiyak sa totoo lang.

It's supposed to be a fake marriage pero bakit ganito ka init ang pagtanggap ng mga taong ito sa kanya. Paano siya aalis nito ng maluwag sa dibdib niya pagdating ng tamang panahon?

"M-mom, thank you," sinserong wika ng dalaga.

Salamat dahil sa pag-alis niya sa poder ng mga dela Vega ay may pamilyang tumanggap sa kanya at hindi siya napunta sa kamay ng taong labis niyang pinagkatiwalaan pero tinira lang siya ng patalikod.

Salamat dahil sa kasal na ito, hindi na mauulit ang masaklap na pangyayari sa kanya noon.

Salamat dahil after her rebirth, she never felt alone. There's a noisy Arthur, a serious but thoughtful Ariston, a bubbly and sweet Arya, and of course, the ever so kind and gentle mother-in-law-Mrs. Aria, that she's calling mom.

And of course, the addition of a dull husband will not affect her mood that much.

"Let us not cry. It's a happy occasion. Baka masira pa ang mga make up natin," ani Ginang Aria na pilit pinapakalma ang sarili.

Niyakap nito si Samantha at hinalikan ito sa ibabaw ng ulo.

"Welcome to our family my dear. My wish is for you to stay with us forever. Now, go. Hinihintay ka na ng lahat sa labas,"

Hindi na hinintay ng ginang ang sagot ng dalaga.

Alam niyang hindi niya maipipilit dito ang pagnanais na makasama ito ng matagal. Hindi naman nila hawak ang puso ng kanyang panganay at ni Samantha.

Ang tanging hiling na lang ng ginang, nawa, sa pagtagal ng pagsasama ng dalawa sa iisang bubong, ay magkaroon naman sana ng puwang ang mga ito sa puso ng bawat isa.

Continue Reading

You'll Also Like

432K 11.6K 47
She entered the world of brutality to take revenge to those who killed her mother. But everything changed when she met this cute little guy. Will she...
1.6K 256 26
Aurelia Bloodworth; she's a child born with an eternal power. Later on, her parents told her that half of her power was stolen. With the goal to retr...
59.5K 991 19
Staying alive is like being in hell. So, if I am going to choose between living and dying- I'd rather die.
17.7K 812 44
Napagdesisyunan ng magkapatid na Avrice at Amritta na manirahan sa Arturia Town sa bahay ng kanilang tiyahing si Trinity matapos mamatay ang kanilang...