Kinuha ni Samantha ang apron na nakasabit sa tabi ng refrigerator. Kapapalit lang niya ng damit kaya hanggat maaari ay ayaw niyang madumihan iyon.
Pagkatapos ayusin ang sarili ay kinuha naman ng dalaga ang mga pansahog na nakalagay sa loob ng ref.
Kumuha siya ng isang buong bawang, malaking sibuyas na kulay pula, shortribs beef, ilang malalaking patatas, tag dalawang kulay pula at green na bell pepper, at ang cheese na may bawas na.
Dinala ni Samantha sa kanilang lutuan sa likod ng bahay ang lahat ng kinuha niya. Matagal-tagal na lutuan ang magaganap kaya naman sa kahoy na lang siya magluluto para hindi maubos kaagad ang kanilang gasul.
Para saan pa ang sangkaterbang kahoy na inipon ni Arthur at Ariston kung hindi niya gagamitin ang mga iyon.
Nang mailapag sa kahoy na lamesa na nasa labas ang mga dala niya ay muling pumasok sa loob ng kusina nila na nasa loob ng bahay si Samantha. Kumuha naman siya sa ibabaw nang cupboard ng isang lata ng liver spread, tomato sauce na nakalagay sa plastic bottle, isang may kalakitang lata ng green peas, at ang lagayan nila ng paminta at asin.
"What do I do?"
Mula sa pag-aayos ng mga lulutuin ay nag-angat ng paningin si Samantha at pinagmasdan ang lalaking nagma-may-ari ng malamig na boses.
Samantha thought that the voice in front of her sounded good.
And aside from that...
This guy is drop-dead gorgeous. Tsk. Heaven must have worked very hard to create this person's attractiveness, in my opinion.
Walang kakurap-kurap na tinitigan pa ni Samantha ang lalaki na para bang nahihipnotismo siya sa angking karisma nito.
"Ehem,"
This kind of beauty...she will not get tired of looking at it all day long.
"Ehem!"
Kunot-noong tiningnan ni Samantha ng may pagka disgusto ang nilalang na kanina pa tikhim nang tikhim. Sa ingay nito, naudlot tuloy ang sightseeing na ginagawa niya.
Pero napakurap ang dalaga nang ma-realize na ang taong gumagawa pala ng ingay ay ang nilalang mismo na pinagpi-pyestahan ng kanyang mga mata.
"Why are you staring at me like that?"
Tuluyang nagising si Samantha dahil sa malamig at walang emosyon na tinig na nagmumula mismo sa bibig ng nilalang na tinititigan niya.
"Huh?" Is she being rude? Well, she can't help it though. He's really good-looking. Unlike that someone who's making her feel like she wishes to throw up everything inside her stomach. "Well, I'm just washing my eyes," seryosong sagot ni Samantha.
Tama.
Iyon nga ang magandang ikatwiran sa mga sandaling iyon.
"Washing your eyes by looking at my face?" amused na tanong ni Arem.
Sunod-sunod na tumango is Samantha. Kinuha niya ang baka at saka iyon inilagay sa maliit na palanggana.
"Yep. That's correct. By doing that, makakalimutan ko kaagad ang pagmumukha ng malignong 'yun," mabilis na pag-sang ayon ng dalaga.
Because what else can she say?
She loved taking a peek at good-looking people. Ayaw naman niyang garapalang sabihin dito na nahuhumaling siyang tingnan ang pagmumukha nito.
At isa pa, magandang dahilan din naman ang suggestion niya.
Sa tuwing maaalala niya ang pagmumukha ng malignong 'yun, mas mabuti ngang titigan niya na lang ang pagmumukha nito para mas effective ang pagkalimot na gagawin niya.
"What do I do?"
Kaagad namang nakahinga ng maluwag si Samantha. Palihim siyang nagpapasalamat na hindi na siya inenterrogate nito at sa halip ay iniba pa nito ang topic.
Oh, wait!
Does that mean she's allowed to look at him openly?
"Hmmm?"
"Ah, y-yung patatas. Balatan mo 'yung patatas tas hiwain mo ng medyo malalaki," ani Samantha sabay ngiti ng pagkatamis-tamis.
Kaagad namang sumunod si Arem sa utos ni Samantha. He finds her smile creepy, though.
Kahit na nahihiwagaan siya sa pagsulyap-sulyap na ginagawa sa kanya ng babaeng kaharap, pinabayaan niya lang ito sa gusto nitong gawin dahil nagi-guilty siya.
Nagi-guilty siya sa pag-iisip na binabastos nito ang kanyang ina nang wala namang sapat na basehan. Ang ending, napahiya siya and he is mentally struggling.
"Tama ba 'to?" Tanong ni Arem.
Mula sa pagtitig sa mukha ng lalaki ay sinundan ni Samantha ng tingin ang hawak ni Arem na bahagyang nakataas sa ere. Patatas na ginayat nito sa apat na piraso.
"Masyadong malaki," ani Samantha.
Kinuha niya mula dito ang patataas nang hindi sinasagi ang magandang kamay ng lalaki. Hiniwa niya sa dalawa ang patatas at saka iyon ipinakita.
"Like this," Samantha show Arem what she did. Pinagmasdan naman ni Arem ang pagkakagayat niya sa patatas. "Oo nga pala, about sa kasal natin bukas,"
Tuluyan nang nag-focus sa kanyang ginagawa si Samantha. Dahil sa pagtitig na ginawa niya sa lalaking kaharap ay nabawasan ng malaki ang inis at pandidiring nararamdaman niya kanina.
Huminto naman sa kanyang ginagawa si Arem at saka tinitigan si Samantha. "What's wrong?"
"May singsing na ako. Let's just use the ring that my foster parents gave me. Tapos bukas, huwag mong palalabasin si mommy. Advise her to make her face appear more ill,"
"Why?"
"Eh di para hindi siya i-bully ng mga tiyahin mo kung sakaling magpunta man sila bukas. Hindi dapat natin ipinapakita sa kanila na magaling na si mommy. Let's just say na noong bumisita sila ay umokay ang pakiramdam niya then after a few days ay sumama ulit ang kanyang pakiramdam. That way hindi niya kailangan umattend sa kasal. Kung wala siya doon, hindi siya pagti-trip-an ng mga tiyahin mong feeling nasa rurok na ng tagumpay," mahabang paliwanag ni Samantha.
Actually may planong gawin ang dalaga at kasama sa planong iyon ang pagpapanggap ng mother-in-law niya na may sakit ito.
Sa ngayon ay hindi niya pa mabuo ng maayos ang plano niya dahil may mga bagay pa siyang itatanong kay Ginang Rivera.
"Sure. Kaya lang, hindi mo ba naiisip na baka isipin ng mga tao na ayaw sa'yo ng mother-in-law mo kaya wala siya sa araw ng kasal mo?" Hindi maintindihan ni Arem kung ano na naman ang pumasok sa isipan ng babaeng 'to at kung anu-ano ang gustong gawin.
Pero deep inside. Hindi mapigilan ng binata na ma-touch dahil sa concern na ipinapakita nito sa ina niya.
Nakikita at nararamdaman naman niya na tinatrato talaga nitong kapamilya ang ina at mga kapatid niya, maliban sa kanya.
Hindi mapigilan ni Arem na mapatigil sa kanyang ginagawa. He curiously looked at the woman in front of him na kaagad namang naramdaman ang ginawa niyang pagtingin dito.
"Why?" Nagtatakang tanong ni Samantha.
"..."
"Are you also washing your eyes by looking at my pretty face?" Curious na tanong ulit ni Samantha.
"..."
Sa halip na sumagot ay binalikan na lang ni Arem ang kanyang ginagawa.
He's a bit worried na baka maitanong niya rito kung ano ang iniisip niya.
Hindi naman niya pwedeng itanong hindi ba, kung bakit iba ang trato nito sa mga kapatid at ina niya kesa sa kanya?
Natural lang naman ang ginagawa nito dahil hindi naman sila close.
Ikakasal sila bukas oo, pero hanggang papel lang naman ang pagiging mag-asawa nila.
Arem pursed his lips.
He must stop thinking about this woman because sooner or later, she will go back to where she came from. Hindi na importante kung ano man ang gawin nito at mga trip nito sa buhay habang nandito ito ngayon sa pamamahay nila.
Ang kailangan niya lang gawin ay pakisamahan ito ng maayos. Hanggang doon lang.
"Pagkatapos mong maggayat ng mga gulay pwede ka na pumasok sa loob. Ako na ang bahala sa susunod na gagawin," malumanay na sabi ni Samantha habang nagsisimula nang maggisa sa may kalakihang kawali.
"Sure," mabilis na sagot ni Arem.
That would be good.
Mas maganda na talaga na kakaunti lang ang maging intersaksyon nila sa isa't-isa.