The Divorce

By MrsPeriwinkle0024

27.9K 1.6K 227

In her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her di... More

Chapter 1: Rebirth
Chapter 2: Exchange
Chapter 3: Get Married Then Divorce
Chapter 4: Asking For Pocket Money
Chapter 5: Unexpected Turn Of Events
Chapter 6: Bargaining Chip
Chapter 7: The Audacity
Chapter 8: The Truth
Chapter 9: Wrong Script
Chapter 10: First Time
Chapter 11: Obstacles
Chapter 12: Cannot Threaten Him Anymore
Chapter 13: Loyalty
Chapter 14: Going To Hate Him
Chapter 15: Willing
Chapter 16: The Perfect Sister-in-law
Chapter 17: One Of Her Dreams
Chapter 18: What To Fix Next?
Chapter 19: A Sudden Lecture
Chapter 20: Finally
Chapter 21: Judas Kiss
Chapter 22: Cannot Blame Her
Chapter 23: Proposal
Chapter 24: Insult
Chapter 25: Unwanted Visitors
Chapter 26: No Strings Attached
Chapter 27: Poor
Chapter 28: Last Option
Chapter 29: A White Dress
Chapter 30: Her Creations
Chapter 31: Lunch Date
Chapter 32: Painful Memory
Chapter 33: No Thanks
Chapter 34: Dearest Sister-in-law
Chapter 36: Washing My Eyes
Chapter 37: Wish
Chapter 38: Wedding Day
Chapter 39: Arya Being Hysterical
Chapter 40: Asking For A Gift
Chapter 41: Torture And Imaginations
Chapter 42: Concerned About Her
Chapter 43: A Nightmare
Chapter 44: Good Bye
Chapter 45: Original Plan
Chapter 46: A Normal Day
Chapter 47: Upset
Chapter 48: Gentle
Chapter 49: Negative And Positive Emotions
Chapter 50: Doubt
Chapter 51: The Police Officer And The Lawyer
Chapter 52: Helper From The Past
Chapter 53: Bothered
Chapter 54: Arya's Concern
Chapter 55: Felt Like A Roller Coaster Ride
Chapter 56: Someone Who Knows Her Best
Chapter 57: Stick To The Original Plan
Chapter 58: Someone Who Looks Like Her
Chapter 59: Delighted
Chapter 60: Different Types
Chapter 61: What If...?
Chapter 62: Protecting You In My Own Little Way
Chapter 63: The Allejo Family
Chapter 64: The Hungry and Irritated Sam
Chapter 65: Bite Back
Chapter 66: Bullying The Bully
Chapter 67: Prevention Is Better Than Cure
Chapter 68: Samuella's Nightmare
Chapter 69: Samuella's Nightmare Part II
Chapter 70: The Brother-in-law
Chapter 71: The Birthmarks
Chapter 72: A Success
Chapter 73: Stealing Task
Chapter 74: Terrifying
Chapter 75: Missing Home
Chapter 76: Indulge

Chapter 35: Someone Is Coveting His Woman

357 26 3
By MrsPeriwinkle0024

"Anong nangyari sa ate mo? Nakabili ba siya ng bestidang isusuot para bukas?"

Hindi mapigilan ni Ginang Aria ang magtaka at mag-alala. Nang batiin niya si Samantha kanina ay dali-dali itong nagtungo sa loob ng kwarto nito, kumuha ng tuwalya at saka nagmamadaling pumasok sa loob ng banyo.

Napakagat-labi naman si Arya.

Late na niya napansin na hindi maganda ang timpla ng kanyang ate Sam. Hindi ito kumikibo sa loob ng jeep mula noong makasakay sila. Ang buong akala niya ay napagod lang ito sa ginawa nilang pag-iikot kanina.

Pero noong sinabihan siya nito na ayusin ang mga pinamili nila dahil hindi na ito komportable, noon lang napansin ng dalagita na may kakaiba sa ate Sam niya.

May nangyari bang hindi niya alam?

Wala namang ibang nangyari kanina bukod sa nakasalubong nila ang hudyong iyon at pagkatapos ay wala na itong ginawa kung hindi ang titigan ang...

Titigan?

"I felt like someone disgusting was stripping off my clothes!"

Nanlaki ang mga mata ni Arya. Halos pabulong lang ang pagkakasabi ni Samantha noon kanina pero rinig na rinig iyon ni Arya.

Hindi kaya iyon ang dahilan kung bakit tumakbo kaagad sa loob ng banyo ang ate Sam niya? Nandiri ito sa ginawa ng lalaking iyon at gusto nitong liguan ang sarili para maglinis.

Nakangangang tumingin si Arya sa mommy niya. At pagkatapos ay sa kuya Arem niya na nakakunot-noo. Halatang hindi nito nagustuhan ang asal ni Samantha kanina. Na para bang hangin lang na dinaanan ang kanyang ina na buong lambing pa namang tumawag dito.

Now she's acting rudely toward his mother?

A cold glint flashed through Arem's dark eyes.

"Tingin ko mommy, nandidiri si Ate Sam sa sarili niya," halos pabulong na saad ni Arya.

"W-what? What happened?" Nag-aalalang lumapit si Ginang Aria sa kanyang bunsong anak. "Nandiri? B-bakit? Anong ginawa ng ate mo?" Naaalarmang tanong ni Ginang Aria.

"Wala siyang ginawa okay. Pero kanina nakita namin ang boyfriend ni Chandra, 'yung matapobre niyong pamangkin? Kasama ang boyfriend niya. Ang lagkit ng tingin niya kay ate Sam. Tapos noong pasakay na kami ng jeep, hinarangan niya ba naman po 'yung daraanan namin,"

Nanlaki ang mga mata ni Ginang Aria. Hindi niya inaasahang marinig ang tungkol sa bagay na iyon. Matagal na siyang walang balita sa kanyang kapatid at sa mga anak nito.

"Kung malagkit ang tingin niya kay ate Sam noong nasa boutique kami, nung hinarang niya kami sa daan, kakaiba ang tingin niya..."

"Kakaiba? Paanong kakaiba?" Hindi mapigilan ni Arthur na sumabat.

Hindi niya gustong may nambu-bully sa kanyang ate Sam.

"Parang hinuhubaran niya si Ate Sam. Kakaiba ang kislap sa mga mata niya. Tapos panay lunok pa siya habang nakatingin sa dibdib ni ate. Eh hindi naman bastusin ang suot namin kanina ah. Bakit ganoon siya tumingin?"

Naggagalaiting pinalagutok ni Ariston at Arthur ang kanilang mga kamao.

"Mula noong sumakay kami sa jeep hanggang makababa kami, hindi nagsasalita si ate Sam. I think naba-bother siya dahil doon,"

Dahil sa masyadong pag-aalala kanina na baka maagaw ng lalaking 'yun ang kanyang ate Sam, halos hindi napansin ng dalagita ang reaksyon ng kasama niya. Buong akala niya talaga ay pagod lang ito. Pero dahil matatandain si Arya, kaagad niyang napagtagni-tagni ang lahat.

And her sister-in-law does not like that man! She despises him instead!

"Oh no! Hindi ko napansin kanina. Akala ko kase ay pagod lang si ate sa paglalakad na ginawa namin kaya hindi siya kumikibo. Hindi ko alam na sobrang bothered pala siya sa lalaking 'yun," nag-aalalang nagpaikot-ikot si Arya sa sala. "Maya't-maya sinasabi ni ate Sam habang nasa jeep kami na 'I have to wash my eyes thoroughly'..." Huminto sa paglalakad si Arya.

Tumingin ito sa banyo na para bang noon lang naunawaan ang ibig sabihin ni Samantha.

Huminga ng malalim si Ginang Aria.

"Kahit ako ay hindi gusto ang lalaking 'yun. Kahit na sabihin pang lantang gulay ang ginang noong mga panahong pinagsamantalahan ng maiden family niya ang kanyang sariling pamilya at hindi siya makapagsalita noon ng maayos, nakakakita pa rin naman ng ginang. Her intellectual ability is working just fine, it is simply that her nerves and body do not listen to her.

Bumisita ang mga ito sa kanila noong naaksidente si Ariston. Sa halip na tulungan sila ng mga ito ay sinisisi pa siya dahil hindi niya daw marendahan ng maayos ang mga anak niya. Na ipinapahiya niya ang pangalan ng mga Rivera dahil sa pangmamalimos na ginawa ni Arthur at Arya noon.

Kasama ng mga ito ang boyfriend ng pamangkin niyang si Chandra at ayon sa mga ito ay malakas ang kapit nito sa Mayor ng Siudad. Kaya naman kampante ang mga itong gawin ang mga bagay kahit na hindi na iyon makatao.

Walang may gustong tumulong sa kanila sa takot na pagdiskitahan sila ng Mayor sa Siudad. Sinong simpleng mamamayan nga ba ang gugustuhing makaalitan ang isang pulitiko na maraming koneksyon?

Naikuyom ni Ginang Aria ang kanyang mga mata. Hindi pa niya nasi-settle ang score niya laban sa mga taong 'yun.

Sa ngayon, aasikasuhin niya muna ang kasal ng panganay niya. Saka niya na iintindihin ang mga walang utang na loob niyang kapamilya.

"Well—,"

"Mom, what's our food tonight?"

Kaagad na itinikom ni Ginang Aria ang kanyang bibig. Lumingon siya ng nakangiti kay Samantha na hindi na ganoon kadilim ang mukha. Kumpara naman kaninang bagong dating ito, halos hindi mai-drawing ang magandang mukha ng dalaga.

"Magluluto sana ako ng kaldereta,"

Kaagad na komontra si Samantha nang marinig ang sinabi ng kanyang mother-in-law.

"Hindi ba kayo mapapagod, noon? Ako na lang ang magluluto, mom. Just rest there and wait for dinner," ani Samantha.

Napatingin ang lahat sa kanya.

Madalas na jogging pants at malaking t-shirt ang suot ng dalaga, nagsusuot man ito ng maiiksi at minsan lang. At nagkataong kasama ang araw na iyon, sa 'minsan' ni Samantha.

She's wearing a cotton shorts na lalong nagpakita sa magandang hubog ng mahahabang biyas ng dalaga. Walang kapeklat-peklat ang makinis nitong hita at binti.

Cotton shirts naman ang suot nitong pang-itaas na hindi maluwag at hindi rin fit na fit sa katawan niya.

Para kay Ariston at Arthur na parehong nagbibinata na, wala silang ibang nakikita kung hindi ang maganda at mabait nilang sister-in-law. They respected her so much.

But when it comes to Arem, his eyes darkened upon seeing the woman standing not far from him.

He had to acknowledge that this woman is incredibly beautiful.

Hindi na nakapagtatakang pagnasaan ito ng manyakis na 'yun. Of course, he knew that person.

Arem's blood boil with anger.

Coveting his woman? Is that person tired of living already?

He have guts.

"Ehem,"

Nakakunot-noong nag-angat ng paningin si Arem. Parang hinugot siya mula sa dilim ng tapik na iyon na nagmumula pala sa ina niya.

"Don't judge her. She only wears that inside the house. Hindi kailanman lumabas ng bahay si Samantha na nakasuot ng ganyan kaiksing shorts. She's only comfortable wearing that infront of us, her family,"

Arem's lips form a straight line.

Her family, huh. She really treated them as her own people.

Arem remained silent.

He's not judging her at all.

But it deeply comforts him knowing that she's not the type who likes to show skins. Though wala naman siyang pakialam sa mga taong nagsusuot ng maiiksi. For him, nasa tao na mismo ang pagiging manyakis. Kung mamanyakin ng isang lalaki ang isang tao sa kanilang maduming isipan, kahit na nakabalot pa ng sampung makapal na comforter ang kanilang pinagnanasaan, walang makaka-kontrol sa manyak na isipan ng taong 'yun.

Maybe he just felt too possessive of her because she was going to be his wife?

No.

That's not good.

Wala siyang karapatan.

After all, they're not in a real relationship. It's just a marriage of convenience.

"Don't tire yourself mother. I'm not that tired so let me cook," seryosong wika ni Samantha.

"Okay dear, then let Arem help you. Marunong 'to magbalat ng mga gulay," nakangiting pag-sang ayon naman kaagad ng ginang.

"Sure,"

"I'll h—araaay!"

Hindi makapaniwalang tinitigan ni Arya ang kanyang ina. Ngayon lang siya nito kinurot sa hita niya at masakit 'yun! "Mom!!!"

"Divorce o hindi?" Seryosong tanong ng ginang sa kanyang bunsong anak.

Huh?

Pakiramdam ni Arya ay nag-mental block siya dahil sa pagkurot na ginawa ng kanyang ina. Hindi niya kaagad naintindihan kung ano ang sinasabi ng ina.

"Stop being a third wheel. Paano magkakagusto ang ate Sam mo sa kuya mo kung palagi kang nasa gitna? Let them develop feelings para walang divorce na mangyari, okay?"

Kumislap ang mga mata ni Arya. Napatitig siya sa kanyang ina. Truly, the older one is the most wise and considers every possibility.

Noon niya lang na-realize kung gaano ka-importante ang pagkakataon na 'yun para ma-fall ang ate niya sa kuya niyang wala namang kabuhay-buhay.

Napaka-seryoso nito sa buhay at hindi nga ito nagsasalita. Para kay Arya, napaka-boring ng kuya niya kaya naman gusto niyang magtirik ng kandila sa isandaang santo, baka sakaling magkagusto naman dito ang ate Sam niya.

Wala naman siyang ibang choice.

Ito lang ang nasa age range na nababagay sa edad ng kanyang ate Sam. Kaya kahit na napaka-boring nito, samahan pa ng kawalan ng trabaho, sinong normal na babae ba ang magkakagusto sa kuya niya?

Napa-face palm ang dalagita sa kanyang isipan.

Mabuti na lang at gwapo ang kuya niya. Bukod sa magandang lahi, wala na itong ibang maibibigay sa ate Sam niya.

Tsk.

Ang bata pa niya para sa ganitong bagay, pero talagang sumasakit ang ulo niya sa tuwing iniisip niya kung gaano kalaki ang lugi ni ate Sam niya sa kuya niya.

Her ate Sam is outstanding, yet she has to marry that boring dude.


******
A/N:

Don't worry Arya, kayo naman ang habol ni Sam. Wala siyang paki sa kuya mo 🤭

Continue Reading

You'll Also Like

Noli Me Tangere | √ By Nia

Historical Fiction

390K 1.5K 64
Buod ng bawat kabanata ng nobelang Noli Me Tangere From the book of completed and published Filipino Version translated by Leon Ma. Guerrero of Adarn...
677K 3.8K 30
Completed Paano natagpuan ni Olivia ang sarili sa ibang kama,gayong may naghihintay siyang asawa sa kanilang bahay?
432K 11.6K 47
She entered the world of brutality to take revenge to those who killed her mother. But everything changed when she met this cute little guy. Will she...
82.9K 2K 41
I really don't have a choice! My life is a mess. I can't do anything to change my life. I'm stuck being a drug pusher. I have to be careful because...