The Devil's Innocent Bride

By Ajai_Kim

132K 4.7K 966

Si Stefan Mikhaylov Roman Giovinco ay nagpalaki ng batang babae at pinangalanan itong Sophia Stefan matapos m... More

The Devil's Innocent Bride
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Huling Kabanata
Author's Note

Kabanata 15

3.2K 112 19
By Ajai_Kim

"ANO kaya ang pakiramdam na maging isang mayaman, Stefan?" nangangarap na tanong ni Ali habang kumakain ng kanin na may sardinas na nakalagay sa lalagyanan ng ice cream. Binaon nila ito bago magtrabaho para may kakainin sila sa lunch break.

Nasa may ginagawang bahay sila at extra income din ang kikitain nilang 600 pesos ngayong araw. Tagabuhat ng hollow blocks at tagahalo ng semento ang itinoka sa kanila ng foreman. May ginagawang bahay malapit sa squatters area kung saan sila nakatira at kailangan ng maraming tauhan kaya nagpresinta sila ni Stefan na tumulong. Maaga silang natapos sa palengke at may libreng oras pa kaya inilaan na lang nila ulit ito sa pagtatrabaho.

"Maginhawa, lahat ng luho ay mabibili mo, at ikaw ang masusunod sa lahat ng layaw mo." sagot ni Stefan habang kumakain din.

"Ang suwerte ng mga taong ipinanganak na mayaman na, 'no? Hindi na nila kailangang kumayod at magtrabaho ng sobrang hirap sa araw-araw. Nakakapag-aral sila ng komportable, nakakapag-travel sa lugar o bansa na gusto nila, nakakagimik, nabibili ang lahat ng gusto nilang gamit o pagkain, at hindi nila naiisip kung saan sila makakakuha ng pera sa pang araw-araw dahil mga magulang na nila mismo ang magbibigay ng pera sa kanila." saad ni Ali sa malungkot na tono.

Nang maubos ni Stefan ang kinakain rin na kanin na may sardinas ay inakbayan niya si Ali. "Hindi pantay-pantay ang antas ng pamumuhay sa mundong 'to, Ali kaya kung ipinanganak tayong mahirap ay kailangan nating magtrabaho o kumayod. Hindi naman natin masisisi ang mga taong likas nang mayaman. Paano kung iyong mga magulang nila ay mahirap lang at nagsumikap din sa buhay kaya sila ang nakakatamasa ng maginhawang buhay? Kaya nga tayo nagsusumikap ay dahil gusto nating bigyan ng magandang kinabukasan si Sophia, hindi ba? Malay mo ay pagbigyan tayo ng kapalaran at tayo naman ang umangat at umasenso sa buhay. Naniniwala ako na kung may sipag at tiyaga ay uunlad tayo." mahabang paliwanag ni Stefan.

Napangiti si Ali at tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ng matalik na kaibigan.

"Tama ka! Kailangan nating magsikap lalo para sa anak nating si Sophia. Bago namatay si Lola Remy ay naghabilin siya na mahalin, alagaan, at ingatan natin si Sophia dahil naniniwala siya na suwerte sa atin ang batang 'yon."

"Kahit pareho na tayong walang pamilya, simula nang ampunin natin si Sophia ay may nagmamahal pa rin sa atin. Mahal niya tayong dalawa bilang mga ama niya, at ginagawa natin itong lahat para sa kanya, para makapagtapos siya ng pag-aaral at makakuha ng magandang trabaho." ani Stefan.

Namamangha talaga si Ali sa kaibigang si Stefan. Noon pa mang mga bata pa lamang sila ay likas na itong mabait at madaling makaunawa sa lahat ng bagay. Kahit kailan ay hindi pa niya ito nakitang naging masama. Siya kasi minsan ay salbahe at hindi kaagad makaunawa sa isang bagay kapag napapangunahan siya ng inis at galit, ngunit si Stefan ay kalmado lang at nakikinig sa mali o tamang bagay.

"Dapat ay magkakasama pa rin tayong tatlo sa huli at walang makakasira at makakatibag sa samahan ng pamilya natin, Stefan."

MAS lumakas ang pagsuntok at pagsipa ni Ali sa rebeldeng tauhan na nasa harapan. Nasa isang boxing ring sila ng rebelde na pumuslit ng ilang mga ilegal na armas at droga na nakatago sa warehouse ng kanyang grupo. Alam na ng rebeldeng tauhan ang sasapitin nito sa kanya at hindi siya titigil hangga't hindi ito nahihirapan at namamatay.

"Ang akala mo ba ay hindi ka mahuhuli ng mga tauhan ko, Hernan? Bobo ka pala, eh! Maraming CCTV na nagkalat dito sa hide out natin kaya hindi ka makakatakas at makakapuslit ng armas at droga. Mamamatay ka muna mula sa mga kamay ko bago ka makalabas dito." nakangising sigaw ni Ali na patuloy pa rin na pinapaulanan ng suntok at sipa ang rebeldeng tauhan.

Hindi na gumagalaw si Hernan at tinatanggap na lang ang mga suntok at sipa ni Ali. Duguan na siya, nanghihina at malalagutan ng hininga.

Kilala niya ang among si Ali, isa itong demonyo na wala sa bokabularyo na maawa at magbigay ng tsansa sa mga taong hindi ito sasang-ayunan. Manang-mana ito sa yumaong ama na si Musallah na dati rin niyang amo. Nagawa niya lamang na pumuslit ng mga ilegal na armas at droga dahil kailangan niya ng pera pang dialysis sa ama na may kidney failure.

Hindi sapat ang suweldo niya kay Ali para mapunan ang pang araw-araw na dialysis nito, kaya kailangan niyang gumamit ng maling paraan. Sa sobrang pagkadesperado na makakuha ng malaking halaga ay hindi na niya naisip na posible siyang mahuli ni Ali at patayin nang dahil sa ginawa niya.

"Ang dami n'yong mga traydor at peste sa buhay ko! Kayo ang dahilan kung bakit ako bumubulusok pababa. Mga tanga, inutil, bobo, at walang pinag-aralan!" galit na sabi ni Ali at kinuha sa isa niyang tauhan ang hawak nitong dos por dos na kahoy.

Napahiyaw sa sakit si Hernan nang sunod-sunod ang pagpalo ni Ali ng kahoy sa nanghihina, duguan, at puro sugat at pasa niyang katawan. Nagmistula na siyang isang punching bag at laruan ni Ali. Hindi ito tumitigil hangga't hindi nito nakikita na wala na siyang buhay.

Sigurado siyang sa impyerno mapupunta ang lalaking ito. At hindi na siya magtataka kung bakit walang nagmamahal rito.

"May sakit kamo ang tatay mo at nagawa mo akong traydurin para lang sa pera? Kaya pala siya nagkasakit kasi may anak siyang tanga at mangmang! Karma niya 'yon dahil binuhay ka niya kasama ng nanay mo!" pang-iinsulto pa ni Ali at ngumisi nang malademonyo.

Lumukob ang galit sa puso ni Hernan dahil sa kaniyang narinig. Ayos lang kung siya ang maliitin at dungisan ang pagkatao pero ibang usapan na kung idadamay ang mga magulang niya. Ginagawa niya na magtrabaho sa ilegal na paraan nang dahil sa mga ito. Wala siyang ibang mapasukang trabaho na marangal dahil hindi siya nakapagtapos nang pag-aaral at hirap na makakuha ng disenteng trabaho.

Kahit nanghihina at naghihingalo ay nagawa niyang makapagsalita. "H-Hindi ka... magiging masaya sa... buhay mo at walang magmamahal sa'yo dahil... demonyo ka... Babagsak at babagsak k-ka sa putikan at hindi ka magtatagumpay..."

Nagpantig ang tenga ni Ali sa narinig, binitiwan ang hawak na kahoy, at kinuha ang baril na nasa bulsa ng suot na pantalon.

Sunod-sunod ang bawat bala na tumatama sa kawawang katawan ni Hernan. Lahat ng parte ay inasinta ni Ali, napangisi ito habang ginagawang shooting target ang rebeldeng tauhan. Nagkalat at tumalsik na ang bungo, utak, at mga laman nito sa loob ng boxing ring.

Gustong maduwal ng mga tauhan niya sa nasasaksihan. Marami nang napatay na tao si Ali ngunit pikit matang tinatanggap nila ang ginagawa nito. Wala silang magagawa dahil amo nila ito at dito sila nagtatrabaho.

"Ito ang bagay sa mga katulad mo; ang mamatay! Hinding-hindi n'yo ako mapapabagsak!" sigaw ni Ali habang patuloy pa rin sa ginagawa.

Nang mawalan na ng bala ang baril na gamit ay tumigil na rin siya. Nagkalat sa buong katawan niya ang dugo at ilang parte ng laman ni Hernan pero wala siyang pakialam. Ang mahalaga lang sa kanya ay naialis niya ang peste sa kanyang negosyo.

"Fix all this mess, and I'll clean up in the mansion." utos ni Ali sa kanang-kamay na si Douglas.

Tumango si Douglas hanggang sa lumabas na siya sa underground territory ng grupo niya, pumasok sa nakaparada niyang kotse sa labas at nagmaneho papunta sa kanyang mansyon.

"H-Hindi ka... magiging masaya sa... buhay mo at walang magmamahal sa'yo dahil... demonyo ka... Babagsak at babagsak k-ka sa putikan at hindi ka magtatagumpay..."

Humigpit ang hawak ni Ali sa manibela at tumiim-bagang sa panibughong nararamdaman dahil paulit-ulit niyang naririnig ang mga sinabi ni Hernan.

"H-Hindi ka... magiging masaya sa... buhay mo at walang magmamahal sa'yo dahil... demonyo ka... Babagsak at babagsak k-ka sa putikan at hindi ka magtatagumpay..."

"H-Hindi ka... magiging masaya sa... buhay mo at walang magmamahal sa'yo dahil... demonyo ka... Babagsak at babagsak k-ka sa putikan at hindi ka magtatagumpay..."

"H-Hindi ka... magiging masaya sa... buhay mo at walang magmamahal sa'yo dahil... demonyo ka... Babagsak at babagsak k-ka sa putikan at hindi ka magtatagumpay..."

"Argghhh!" sigaw niya at sinuntok ang dibdib gamit ang kaliwang kamay.

Binilisan niya ang pagpapatakbo ng kotse, at imbes na sa mansyon siya dumiretso ay nag-iba siya ng daan at patungo ito sa sementeryo.

Alas-onse na ang gabi at wala nang tao sa sementeryo nang makarating siya. Nagtungo siya sa puntod ng kanyang Lola Remedios at ito ang unang beses na muling dinalaw ang naging magulang niya simula nang mamatay ang mga magulang niya.

"Itinuring kitang parang isang ina pero nagsinungaling ka sa 'kin at ginawa mo 'kong tanga!" galit na saad ni Ali na masama ang tingin sa puntod ni Lola Remy.

"Si Stefan? Itinuring ko siyang parang isang kapatid pero ano'ng ginawa niya? Nagsinungaling din siya at hindi niya inamin sa akin na ang mga magulang niya ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang ko!" Sinipa niya nang paulit-ulit ang puntod dahil sa sakit at galit na nararamdaman.

"Mga sinungaling kayo! Pinagmukha n'yo akong tanga!" Napasandal si Ali sa isang puntod na malapit kay Lola Remy at kuyom na kuyom ang mga kamao.

"Papatayin ko si Stefan. Aagawin ko ang lahat nang meron siya, at ang taong pinakamahalaga sa kanya. Hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakabawi sa lahat ng atraso ng mga magulang niya sa mga magulang ko!"

"Walang maglilihim sa atin, Stefan. Pinagkakatiwalaan kita kaya dapat ay pagkatiwalaan mo rin ako. Para na tayong magkapatid, e. Ang palaging sinasabi sa akin ni Lola Remy ay ituring kitang parang tunay kong kapatid at dapat ay palagi tayong magkasanggang-dikit."

"Oo naman, Ali. Pinagkakatiwalaan rin kita at hindi ako maglilihim sa'yo."

"Dapat lang! Best friends forever?"

"Best friends forever."

Maghihiganti siya. At isa rin sa dahilan ang pagkawala ng bunso niyang kapatid. Namatay ito sa loob ng tiyan ng kanyang inang namatay nang dahil sa mga magulang ni Stefan.

-Ajai_Kim

Continue Reading

You'll Also Like

719K 17.7K 32
Allison Lim is a 20-year-old girl who lives with her uncontrollable mother and older brother. Her life was always dictated by them but what will happ...
3M 183K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
Danger Alley By Jai

General Fiction

788K 18.8K 52
Sarina Vicencio is a beautiful 16-year-old girl who's a happy-go-lucky, kind-hearted, and humble girl. When she met her new best friend Macy's older...
57.9K 1.6K 41
TEEN ROMANCE SERIES #1 (COMPLETEDâś“) Hindi ko siya tunay na kapatid. Isa lamang siyang peste saking paningin. Isa siyang batang babae na walang kamuwa...