The Legend of Zevphera

By Msshell

1.1K 199 33

About the journey of the highest-paid assassin of the 21st century who was transported to the world of an anc... More

The Start
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8

Chapter 5

108 21 4
By Msshell

Nanlalaki ang mga matang napalingon sa akin si Elena. Halatang hindi rin makapaniwala.

"Ang galing naman niya!"

"Iisa lang ang mali niya!"

"Tinalo niya si Agnar!"

"Oo nga! Akala ko si Agnar ang mangunguna ngayong taon!"

"Grabe! Ang talino! Sino siya?"

"Kilala ko iya-" agad kong tinakpan ang bibig ni Elena at hinila na siya palayo.

I don't want to be the center of attention.

"Bakit mo namang tinakpan ang bibig ko?" inis niyang tinanggal ang kamay ko.

"Ayaw kong makuha ang atensyon ng mga tao."

"Sus! Ito naman! Ayaw mo no'n bibida ka. Hays! Ewan ko talaga sa 'yo!" maktol niya at tinalikuran na ako papunta sa pinag-iwanan namin ng kabayo niya.

Agad akong humabol sa kanya at baka iwanan pa ako nito.

"Pasensya na, Elena! Kilala mo naman ako, eh."

"Bakit mo kasi tinakpan ang bibig ko? Tingnan mo naikalat pa tuloy ang palamuti sa labi ko!" iritang muling sigaw niya. "Ang pangit ko na!"

Nilapitan ko naman siya para tingnan. Yumuko ako para maayos na makita ang labi niya. Ang liit kasi ng babaeng 'to. Hanggang balikat ko lang.

Totoo ngang naikalat ang lipstick sa pisngi niya at may ilang parte pang nabura kaya hindi na pantay tingnan. Napunta kasi sa kamay ko ang ilang lipstick niya.

Kung bakit kasi ang kapal-kapal nang nilalagay niya!

Ikinalat ko ang lipstick sa labi niya gamit ang daliri ko. Nang makitang ayos na saka ko pinunasan ang kalat sa pisngi niya gamit ang panyo ko.

"Oh, ayan! Ayos na!" masayang sabi ko at dumiretso na sa kabayo niya.

"Uy! Tara na!" aya ko at tinapik siya nang nanatili siyang parang tuod na nakatayo roon.

Tila wala pa siya sa sarili nang tulungan ko siyang umangkas sa kabayo.

"Wala naman nakakita sa ayos mo," sabi ko pambasag sa katahimikan.

Siguro nag-aalala siyang may ibang taong nakakita sa kanya kanina.

Maarte pa naman ang babaeng ito at masyadong concern sa itsura niya. Ayaw niya pa ngang lumabas ng bahay nang hindi nakaayos.

"Huwag mo nang uulitin iyon," mahinang sabi niya.

"Pangako! Pasensya na talaga. Hindi ko naman sinasadyang takpan ang bibig mo. Nataranta lang talaga ako," paliwanag ko.

Ayaw kong magalit siya sa akin kasi grabe pa naman ito magtampo.

"Ang laki na pala ni Alda. Ang bilis ng panahon," sabi ko sabay haplos sa kabayo niya para maiba naman ang topic.

"Syempre! Alaga ko, eh. Pati rin naman si Alegro."

Bale magkapatid kasi ang kabayo namin. Nagtampo kasi siya noong nalaman niyang bibigyan ako ng kabayo ni Heneral kaya binigyan din siya kahit hindi pa siya no'n marunong sumakay.

Maldita pa kasi siya noon at nagseselos siya kapag binibigyan ako ng atensyon ng kanyang ama. Pero naiintindihan ko naman iyon dahil sobrang busy ni Heneral at halos hindi na sila maalagang mabuti tapos makikihati pa ako.

Binigyan ako ni Heneral ng bagong kabayo mula nang malaman niyang ibinenta ang kabayo ko.

Hindi ko na kasi agad nabalikan ang kabayo ko sa pinag-iwanan ko sa dami nang nangyari sa araw na 'yon.

Ayaw rin akong papuntahin pa ni Heneral sa bayan at agad niya akong idiretso sa kampo.

Hinala kasi ni Heneral na baka nasundan ako sa Azuter. Kaya pinag-ingat muna at hindi basta lumabas-labas.

Nang binalikan ko ito. Pagkalabas ko sa kampo ay sinabi ng may-ari na matagal na niyang nabenta ang kabayo ko. Nagpanggap pa akong kaibigan ng batang babaeng nag-iwan.

Halos hindi rin ako paniwalaan ng may-ari dahil ganoon din daw ang pakilala ng mga lalaking paulit-ulit na bumabalik doon at tinatanong kung alam niya raw kung nasaan ang batang babae. Hanggang sa binili na nila ang kabayo ko.

Kaya kahit masakit sa akin na hindi ko siya nakuha. Naligtas naman ako dahil kung sakaling nasundan nga ako sa Azuter. Siguradong nahanap na ako agad kung binalikan ko noon ang kabayo ko.

That horse is very important to me. Aside from being a gift from my father, I also have many memories with it. It's the same horse that my father used when he first taught me how to ride a horse, and it's also the one who accompanied me on my journey from Morjin to Azuter. So I treasured it so much.

Kaso, iyon nga nawala ko rin siya.

Palapit pa lang kami sa bahay ay natanaw na naming naghihintay sina Heneral Andres at Fabio.

Kapwa nakangiti silang sumalubong sa amin. Kaya may pakiramdam akong nakarating na sa kanila ang balita na nakapasa ako sa paper exam.

Mabilis akong bumaba sa kabayo habang inalalayan naman nila si Elena. Ako na rin ang nagtali sa kabayo niya.

"Mahusay, Zev! Alam mo bang ilang taon na ang pagsusulit pero wala pa ni isang nakaabot sa nakuha mong puntos," pagbati ni Heneral.

"Oo nga! Sa grupo namin noon. Siyamnapu lang ang pinakamataas," ani Fabio.

"Salamat Heneral. Akala ko nga hindi ako nakapasa."

"Oo nga, Ama! Muntik na kaming umalis doon ni Zev kanina dahil hindi namin nakita ang pangalan niya. Iyon pala kasi siya ang nanguna!" singit ni Elena.

"Pero ayaw ko po munang masyadong magdiwang lalo na at may Pisikal na Pagsusulit pa," ani ko.

Tinapik niya ang balikat ko. "Tamang pag-iisip 'yan, Zev. Hindi ka dapat pakampante."

"Pero sigurado ako na kayang-kaya ni Zev iyon, Ama! Siya kaya ang nag-ensayo sa akin!" pagmamalaki sa akin ni Fabio. Totoo naman ang sinabi. Iyon ang dahilan kung bakit mas mabilis ko siyang napaamo kaysa kay Elena.

"Mali ang paraan ng paghawak mo ng espada."

"Ano bang alam mo?" inis niyang sabi nang makita ko siyang matumba habang nag-eensayo.

Hindi ko naman sinasadyang mapanood siya. Nagdidilig kasi ako ng halaman.

Kita ko ang galit sa mga mata niya habang nakatingala sa akin pero lumapit pa rin ako at tinulungan siyang tumayo.

"Ganito 'yon." Kinuha ko ang espada niya at iginaya ang kamay niya sa tamang direksyon.

I also showed him some of the moves my father taught me.

"Hindi ka ba tinuturuan ni Heneral?" tanong ko.

"Lagi siyang wala rito sa bahay. Sinabi niya lang na mag-ensayo ako pero hindi naman niya ako tinuturuan." Ramdam ko ang pait sa boses niya.

"Gusto mo turuan kita?" Hindi siya umimik kaya tumayo na ako at tinuloy ang pagdidilig ko ng halaman.

Napatigil ako sa pagdidilig nang nakanguso niyang hinihila ang manggas ng damit ko.

"Turuan mo ako, Zev."

Magaling naman siya at madaling turuan. Ang naging kulang lang talaga sa kanya noon ay gabay dahil noong mag-isa siyang nag-eensayo. Walang nagsasabi ng mga maling ginagawa niya.

"Salamat Zev! Mula sa araw na ito kapatid na kita!" Nagulat ako nang niyakap niya ako sa tuwa nang makapasa siya sa pagsusulit.

"Ay, oo nga pala kuya. Siya ang tumulong sa 'yo kaya nga nanguna ka sa Pisikal na Pagsusulit!" ani Elena.

"Basta ang masasabi ko lang sa 'yo, Zev. Madali lang ang Pisikal na Pagsusulit halos wala ngang hindi pumapasa ro'n. Mas madugo talaga ang Pagsusulit sa Papel at do'n ang mas maraming bumabagsak. Pero kung kinakabahan ka samahan kitang magsanay bukas. May isang araw ka pa naman bago ang pagsusulit."

Napatango-tango ako. "Sige, salamat, Fabio."

"Oh, siya! Pumasok na muna tayo at nang makapagpahinga na kayo," sabad ni Heneral.

Gaya nang sinabi ni Fabio. Sinamahan nga niya akong magsanay kinabukasan. Parang warm up lang naman pero gamit ang espada.

"Grabe! Ang galing pa rin ng mga galaw mo pero hindi na katulad dating natatamaan mo ako. Naiiwasan ko na ngayon!"

He said it proudly when he dodged my counterattack. I just slashed the lower part of his shirt, revealing his chiselled abs.

Wala namang epekto sa akin dahil lagi na akong nakakakita nito sa kampo noon. Kaya naging normal na lang sa akin makakita ng katawan ng lalaki nang walang malisya.

"Oo nga! Humusay ka talaga!" nakangiting puri ko.

I have high respect for him. Since he already experienced being in war, the scars on his arms and abdomen show it.

Hindi na siya katulad dati noong tinuturuan ko. Sa tagal ba naman niyang hindi umuwi at ilang taon na rin siyang nasa border.

"Kumusta pala sa border?" tanong ko habang nakaupo kami at nagpupunas ng pawis.

"Ayun, panay pa rin ang pag-iingat namin laban sa Musvil. Tila hindi na umuubra ang diyalogo ngayon. Lumalakas din ang pwersa nila. May nasakop na naman silang bayan sa Estazan at magaling daw ang bagong heneral nila."

Ang Estazan ay isang bansang kasing laki ng Ancard at kalapit ng Musvil.

"Sabi nga ni Heneral Rafael baka kukuha siya sa mga bagong recruit ngayong taon para ipunta sa border. Kailangan maging handa lagi dahil hindi alam kung kailan sila susugod."

That's my chance! I need to be chosen on that, no matter what!

"Nga pala, buo pa rin ba ang Hukbong Sikwat? Naririnig ko kasi iyon sa kampo dati. Iyong sikat na hukbo."

Hindi ko kasi matanong si Heneral tungkol dito dahil lagi siyang wala at maraming inaasikaso.

"Ah, wala na! Nabuwag sila mula ng mamatay si Heneral Balantagi. Hindi ko na nga sila naabutan. Hindi ko rin maintindihan kung anong totoong nangyari pero nagkagulo ata dahil ayaw nilang may ibang pumalit kay Heneral Balantagi. Iyong iba natanggal sa serbisyo at ang iba naistasyon sa iba't-ibang hukbo ng Ancard."

Mahihirapan din akong hanapin sila. Akala ko pa naman kapag nasa border na ako mapapadali na akong makakakuha ng impormasyon.

"Magulo nga raw noon, napilitan pa nga si Heneral Rafael na humawak sa mga natitirang hukbo sa border dahil itinalaga na siya ng Emperador."

Napatango-tango ako. "Ganoon pala," kunyari hindi ako masyadong naapektuhan sa nalaman.

"Nga pala, hindi mo na ginagamit iyong espada mong maganda?" tanong niya sabay turo sa hawak ko. "Iba ito."

Natigilan ako. Iyong espadang regalo sa akin ni Ama. Hindi ko na inilalabas dahil may marka 'yon na pwedeng palatandaan na pag-aari 'yon ng Balantagi family. Kaya itinago ko muna. Baka iyon pa ang magbuko sa akin.

"Nawala ko, e."

"Huh? Paanong nawala? Sayang naman! Ang ganda no'n."

"Naiwan ko sa bayan tapos hindi ko na nahanap."

Ipinangako ko rin sa sarili ko na sa oras na malaman ko kung sino ang nagpapatay sa pamilya ko, ang espadang 'yon ang gagamitin ko upang maningil.

I want their blood to be on the sharp tip of my blade as a memorial to my family's death, and from that, I will finally fulfil my family surname, "Balantagi," which means "an eye for an eye, a tooth for a tooth."

Ang pag-uusap namin ni Fabio ang naging laman ng isipan ko kinagabihan. Gusto ko nang simulan ang pag-iimbestiga pero alam kong hindi ako pwedeng magmadali lalo't wala pa akong sapat na lakas laban sa mga taong pumatay sa pamilya ko. Na pakiramdam ko ay nasa mataas na posisyon sa Ancard Army.

NAPABUNTONG-HININGA ako habang tinitigan ko ang kabuoan ko sa salamin.
Hindi ko na makita ang dating babaeng-babae mukha ko dahil ang buhok ko ay hindi na mahaba gaya ng dati.

My haircut was buzz-cut. At first, I thought it would not complement my face, but it turned out to look so good since I look more sharp and it covers away my feminine look.

I think I will maintain it this way.
 
Ako na rin ang naggugupit sa buhok ko.

Pitong taon na mula nang magsimula akong magpanggap na lalaki. Mahirap pero kinaya ko.

Noong nasa kampo ako ilang beses din akong muntik mabuko pero lagi kong nalulusutan. Mukhang tinutulungan din ako ng tadhana para matupad ko ang paghihiganti ko.

At ngayon na isang hakbang na lang ako upang tuluyang maging kasapi ng army ay hinding-hindi ko hahayaan na mabuko ako.

Maingat kong isinuot ang binder o bingkis sa pausbong pa lang na dibdib ko at tsaka maayos nang isinuot ang damit ko. Mabuti na lang at hindi pa ako dinadatnan.

Dahil sa bugbog ako sa pag-ensayo noon sa asosasyon. Labing anim na ako noong dinatnan kaya baka ganoong edad din ako rito.

But menstruation is not really a big problem for me since I know some women do not experience menstruation if they have extensive training. I think the body adjusts to it.

So, I'm hoping that will happen to me too, especially since I will be in the camp and surrounded by men in the next years.

Maaga akong dumating sa kampo kung saan gaganapin ang pagsusulit. Hindi hamak na mas malaki na ito ngayon kumpara sa kampo kung saan ako naglingkod noon ng dalawang taon.

Hindi na sumama si Elena dahil inaya siya ng ibang kaibigan niya. Sina Heneral at Fabio naman ay manonood daw sa akin. Pero hindi na sila sumabay papunta rito dahil may pupuntahan pa sila.

"Zev daw ang pangalan ng nanguna sa Pagsusulit sa Papel! Ang talino no'n! Sino kaya 'yon?"

"Oo nga! Gusto ko rin malaman."

"Zev? Mukhang mahinang pangalan! Siguraduhin niya lang na papasa rin siya sa Pisikal na Pagsusulit dahil nakakahiya siya kung hindi."

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang usapan ng tatlong lalaking sinusundan ko sa pila. Bale kami pa lang ang naunang dumating.

"Pangalan?"

"Zev Gonzalvo," mahinang sabi ko. Napatigil sa pagsulat ang sundalo at nag-angat ng tingin.

Tinitigan niya ako at ngumisi. "Ikaw pala si Zev. Ang nanguna sa Pagsusulit sa Papel. Alam mo bang sikat na sikat ka ngayon? Nawa'y palarin ka at pumasa."

Tumango ako at tipid na ngumiti. "Salamat po."

Pagdating ko sa open field ay agad akong naghanap ng punong pwede kong tambayan dahil mukhang mamaya pa dadagsa ang mga tao.

Nang makakita ako ng magandang pwesto ay agad kong inakyat ang isang puno upang doon muna magpahinga. Iidlip muna ako.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaidlip basta nagising lang ako nang may narinig akong malakas na nag-uusap.

"Alam mo balita ko galit na galit si Agnar sa resulta. Hindi siya makapaniwala na may nakatalo sa kanya at hindi galing sa mga tanyag na pangalan na sasali ngayong taon."

Pupungas-pungas kong iminulat ang mga mata at nakinig sa usapan ng mga lalaking nasa ibaba ng puno.

"Sino naman kasing mag-aakala na may makatalo sa kanya at hindi pa kilala. Kung si Carius at Henry 'yon baka mas tanggap pa niya."

"Ilan ba nakuha ni Agnar?"

"Siyamnaput-lima, kung wala iyong Zev siya sana ang nangunguna."

"Kaya pala! Sino ba kasi 'yong Zev? Halos walang makapagsabi kung sino ang taong 'yon."

Magandang grand entrance ko sana iyon sa pagbaba sa puno pero hindi ko ginawa at hinintay ko na lamang silang umalis bago ako bumaba.

Marami ng tao at kasalukuyang pinapapila na rin sila. Pumila ako sa pinakalikod.

"Uy, si Carius," mahinang bulungan ng mga katabi ko sabay turo sa paparating na si Carius. Kasabay niyang dumating si Agnar at Henry. Halata sa mga mukha nila ang disgusto sa isa't-isa.

Well, it's the competitive energy and superiority kicking in. They are fighting for the position of being on top of each other.

"Huwag ka nang umastang alam mo lahat, Carius. Sa ating tatlo ikaw ang pinakamababa ng nakuha," rinig kong sabi ni Henry.

Puwesto sila sa katabing linya ko.

"Huwag kang magsalita ng tapos, Henry. Tandaan mo hindi pa nagsisimula ang Pisikal na Pagsusulit at saka talagang alam ko lahat. Kilala ko nga kung sino ang nanguna. Eh, kayo hindi." Pagmamalaki niya.

"Talaga kilala mo si Zev Gonzalvo?" tanong ni Agnar at halos sa buong linya niya ay nakiusyoso na.

Shit!

"Kilalang-kilala ko," kumpyansang sagot niya.

He's enjoying the attention people are giving him.

Masama na ang tingin na pinupukol ko kay Carius. Lalo na nang lumingon-lingon siya.

Gusto kong magtago sa kinatatayuan ko pero sa tangkad niya mahahanap at mahahanap pa rin niya ako. Lalo't katabi ko lang ang linyang pinagpilahan nila.

At ayon na nga, ilang sandali lang ay nagtama na ang mga mata namin.

Napangisi siya nang sa wakas ay makita ako. Walang emosyon ko siyang tinitigan.

"Carius, nasaan siya?"

"Oo nga, ituro mo!"

Tumaas ang isang kilay niya at unti-unti akong tinuro. "Siya!"

He's like a devil with a pitchfork in my imagination.

"Siya?" Paninigurado nila.

Tahimik lang ako rito. Dinadamay ako ng gago!

"Oo, iyong tauhan ni Tiyo na kinukwento ko sa inyo. Iyong payatot na walang kalaman-laman ang katawan pero kinababaliwan ng mga babae." Aba't ininsulto pa ako! Kasalanan ko ba na babae na nga ako pero mas may appeal pa ako kumpara sa kanya.

"Ikaw si Zev Gonzalvo?" paninigurado ng mga katabi ko. Wala na akong nagawa kundi tumango.

"Tahimik! At magsisimula na ang pagsusulit!"

Marami pa sanang makikiusyoso sa akin pero dahil sa sigaw ng isang opisyal ay napaatras sila at nagsibalik na sa pila.

"Binabati ko kayo sa inyong pagkapasa sa unang bahagi ng pagsusulit. Palakpakan niyo ang inyong mga sarili."

I clapped silently.

"Ngayon, isang pagsubok na lang upang kayo'y tuluyang makapasok at maging kasapi sa hukbong militar. Akin na ngayong ihahayag ang alituntunin ng pagsusulit."

Even with the silence and seriousness of the situation, I can still feel the daggers of eyes towards me.

Everyone here wants to fight me and prove themselves.

"Ang Pisikal na Pagsusulit ay may tatlong bahagi. Ang Labanan sa Pana (Archery) na may katumbas na 25 puntos, Labanan sa Espada (Sword fighting) na may 30 puntos, at ang Pisikalang Labanan (Hand to Hand Combat) na may 45 puntos. Ang Labanan sa Pana ay sinusukat ang pagiging asintado, pokus, at kalmado sa delikadong sitwasyon. Ganoon din ang koordinasyon ng mata at kamay na dapat ay mero'n kayo. Labanan sa Espada bilang isang sundalo dapat bihasa ka sa paggamit ng espada dahil ito ay karugtong na rin ng ating buhay at siyang kasangga sa digmaan. Pisikalang Labanan, kung saan sinusukat nito ang lakas ng inyong katawan at kagalingan sa pakikipaglaban. Gaya ng Labanan sa Espada, ito ay isa laban sa isa na labanan. Bawat isa sa inyo ay may mapipiling katunggali upang magduwelo. Kung sino man ang makakakuha ng animnapung puntos pataas ang siyang makakapasok sa hukbong militar."

Archery ang una. Limang set ito na kung saan may ibibigay na limang pana. Bawat isang pana na papasok sa target ay may katumbas na limang puntos.

Dahil nasa pinakalikuran ako ng linya ay mas mauuna sina Carius, Henry, at Agnar sa akin.

I waited patiently for my turn.

Kahit pa hirap ang mag-concentrate sa panonood dahil bawat kilos ko ay pinagmamasdan ng lahat.

Kasalanan ni Carius 'to kung hindi niya lang pinaalam sa lahat kung sino ako. Makakikilos sana ako ng matiwasay.

Napahalukipkip ako ng sina Carius at Agnar na. Tingnan ko nga kung magaling nga sila. Natapos na si Henry at may dalawang pana siya na hindi tumama sa target.

Nilingon pa ako ni Carius nang tamaan niya ang dalawang magkasunod na target. Yabang talaga.

Napangisi ako nang hindi tumama ang pangatlo niya. Ganoon din ang pang-apat. Pumasok lang ang panglimang tira niya. Kitang-kita ang gigil niya sa nangyari. Minalas siya dahil sa kayabangan niya.

Habang si Agnar, ay ang panghuling tira niya lang ang hindi pumasok.

He is good, and I like that he is still calm and remains composed after missing his last shot, compared to Carius, who is ready to throw his arrow out of frustration.

Napatigil lang ako sa pag-iisip nang may umakbay sa akin.

"Zev! Sabi ko na ikaw iyong nangunguna, eh! Ikaw lang kilala naming Zev ang pangalan." Napalingon ako.

Tinitigan ko ang dalawang lalaking parehong ang laki ng ngiti. Napakunot-noo ako habang inaalala kung saan ko sila nakilala.

"Kami ito! Si Cesar at Elton!" Unti-unting nawala ang pagkakakunot-noo ko.

"Kumusta?" masayang bati ko. Sila ang mga batang nakasama ko noon sa kampo.

I even fist bumped them.

"Ito ayos lang! Sa tagal namin sa kampo ay ginusto na rin naming magsundalo kaya nandito kami ngayon," ani Cesar.

"Hindi ka namin inakala na papasa kami tapos nandito ka rin pala!" masayang-masaya wika ni Elton.

They treat me like their brothers in the camp. Having them as a companion was a blessing to me at that time, so I did not experience so much hardship staying in the camp.

"Oo nga, eh! Galingan natin! Ilibre ko kayo paglabas natin dito," sabi ko at tumayo na dahil susunod na ako.

Wala akong nararamdamang kaba. Matagal akong sinanay ni Ama at kahit noong nasa puder na ako ni Heneral Andres ay nagsasanay pa rin ako.

"Wala iyan!" rinig kong sigaw ni Carius.

Walang emosyong napangisi ako at pinakawalan na ang magkasunod-sunod na limang pana ko.

They are waiting for me to fail, but it's just a pity. I'm good with this. I never miss a target.

"Whoo!" sigawan ng lahat nang ang limang panang pinakawalan ko ay tumama sa target. Bullseye lahat.

"Magaling ang pulso mo bata." One of the military official congratulates me.

Shels<3

Continue Reading

You'll Also Like

73.9K 2.7K 36
Geca Rella, a die hard fan of a romance and mafia novels that full of red flag male leads. Highest Ranking: #2 in Reincarnation #13 in Fantasy #1 in...
2M 72.3K 116
Terrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng sa...
3.2M 233K 68
Eleanor worked for several masters until an incident forced her to restart her life in a small town of Van Zanth, where hybrids prosper than humans. ...
934K 59.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...