ZBS 4: Green Bee's Longing To...

By iamyourlovelywriter

2.1M 49.2K 2.5K

Teaser Masaya na si Diana sa buhay niya, she's free at walang lalaki sa buhay niya. May phobia kasi siya sa... More

Teaser
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight-A
Chapter Eight-B
Chapter Eight-C
Chapter Nine-A
Chapter Nine-C (spg)
Chapter Ten-A (spg)
Chapter Ten-B
Chapter Ten-C
Chapter Ten-D
EPILOGUE (END)
Extra #1: MasterH's letter to Green Bee
Extra#2: A man who wants her as his woman

Chapter Nine-B

86.5K 2.1K 78
By iamyourlovelywriter

Chapter Nine-B

MASAKIT ang ulo niya ng magising siya, nagtaka pa nga siya kung bakit nakahiga na siya sa isang malaking kama at may nakakumot na sa kanya. She's hugging a very comfortable pillow and she was alone. Alam niyang si Warren ang nagdala sa kanya dito kaninang umaga, sa tantiya niya ay ilang oras din siyang nakatulog. Kung hindi lang siguro dahil sa pagtunog ng cellphone na naka-ipit sa back pocket niya ay hindi pa siya magigising.

Her head was spinning back then, medyo nadisappoint siya ng magising siya pero wala siyang kasama. Wala din si Warren sa buong bahay at alam niyang hindi ito natulog na katabi niya dahil hindi nagulo ang kabilang panig ng higaan. Tumayo na siya at nag-ayos, naisip niyang mas mabuti na rin sigurong hindi niya nakita si Warren ng magising siya because she doesn't know how to face him.

Pagkatapos mag-ayos ay bitbit ang kanyang bagpack ay naglagay siya ng kaunting damit na pwede niyang suotin mamayang gabi pagpasok niya sa trabaho at damit na pwede niyang suotin bukas. Magpapaampon muna siya kay Georgette tutal doon din naman ang punta niya. Pinapatawag sila ni Hexel para sa isang meeting na napakaimportanteng bagay and when their master said it's important, it's really a must.

Napasulyap siya sa tattoo na nasa ankle niya habang nagsusuot siya ng strapped sandals na natatakpan ang kanyang tattoo. Noon hindi naman niya ito tinatago she's really proud becoming a sister and a member of the sisterhood. It's actually a secret code for them na sila lang sampu ang nakakaalam pero sa kasamaang palad may mga tao talagang gustong sumira sa katiwasayan ng buhay nila kaya ang nangyari ay nagulo sila. May mga articles tungkol sa kanila na may wish daw sila, as if naman magicians sila. Because if they really were sa sarili niya gagamitin ang wish na iyon at hindi sa ibang tao. She doesn't even know how it works basta ang alam lang niya ay kaya nilang magbigay ng wish kakaloka lang nakakabuwisit lang din minsan.

Pagdating niya sa bahay ni G ay nandoon na si Chloe, agad niyang binati ang pinakatahimik sa mga kaibigan niya although nasesense na niya na hindi maganda ang aura nito. Naiinggit siya sa ganda ni Chloe, alam mo iyong anak ng mga maharlika sa England, parang ganoon si Chloe. Mahinhin at sosyal na sosyal, hindi pasosyal kundi sosyal talaga. Siya ang tipo ng babaeng gusto mong ipakilala sa mga magulang mo at dalhin sa altar ng hindi ka mapapahiya at magiging proud ka pa.

And now that she's feeling that weird aura around her alam niyang may problema ito and that problem is that guy, ang gwapong lalaki na makalaglag panty na minsan ay sumama dito sa isang medical and volunteer missions nila. Naalala niya pa na noong mga panahong iyon ay okay pa sila ni Warren unlike now.

"Where's G?" Tanong niya dito habang inilalapag nito ang tasa na may lamang kape siya naman ay nanghalungkat ng mga cup noodles sa cupboard ni Georgette. Ganito yata kapag bestfriends mo ang may-ari ng bahay feeling nila sa kanila na bawat laman at alikabok ng bahay nila. "Here." She murmured when she saw her fave chicken sotanghon.

"Nasa ibaba pa may kausap siya." kumunot ang noo niya mukhang alam na niya kung sino ang kausap ni G. Nagsalin siya ng mainit na tubig sa kanyang sotanghon at hinayaan na lumambot ang noodles.

"Kumusta?"

"Huh?"

"You seems off may problema ka."

Tumawa lang ito sa sinabi niya. "I am fine." She rolled her eyes when she heard her answer because they both know na everytime Chloe said that she's fine ay hindi ito fine. Nakakabangag lang, bakit pakiramdam niya ay naiintindihan niya ang problema ng mundo ngayon? She should run for presidency dahil alam niyang malalaman niya agad na may problema ang mga tao sa mundo, kaso huwag nalang kasi malalaman lang naman niya hindi naman niya sinabing sosolusyonan niya iyon.

"You are not fine, is it Rye?"

"How did you know?"

She just shrugged her shoulder and face her friend. "I don't know I just had this feeling na siya ang problema mo."

Chloe chuckled. "G said it's all about my parents again ikaw lang yata ang nakatama, iba na yata talaga kapag inlove ka ano? It takes one to know one's feeling." Kulang nalang ay lumubo ang ulo niya sa sinabi nito. It's her turn to laugh now, iyong tawang nakakalambot ng instant noodles kahit na hindi na lagyan ng tubig.

"Who said I am inlove?"

Tumingin lang ito sa kanya. "You are glowing Diana Rose."

Inirapan lang niya ang panunukso ng kaibigan. "Anong tingin mo sa akin glow in the dark don't be stupid you know I am really fine and mind you I am not inlove." She corrected him, something inside her churned upside down. How can she be inlove? Kanino naman siya maiinlove and how can she tell her that she's inlove when she doesn't know how it feels.

Natigilan siya sa kanyang pagtawa at napatitig kay Chloe, ayaw niyang intindihin ang sinabi nito sa kanya pero hindi niya magawa.

"You are kidding right?"

"Kaya mong lokohin ang ibang tao Diana pero hindi ang sarili mo."

Umiling-iling siya at hinawakan ang kanyang chicken sotanghon. "Patawa." Iyon lang ang tanging nasabi niya. "Impossible iyon."

"Kung iyan ang paniniwala mo." Mahinang sabi nito. Totoo naman iyon imposible naman talaga ang bagay na iyon how can she fall in love with Warren? Kinutingting nito ang cellphone nito habang siya naman ay abala sa pagkain ng kanyang chicken sotanghon. Pero hindi pa rin niya maiaalis sa isip niya ang bagay na iyon, ang bagay na sinabi ni Chloe and she seems very confident about it too.

Tumayo na siya at dinala niya ang kinakain niya sa kusina upang itapon, bigla kasi siyang nawalan ng gana. Gusto lang niyang may makausap at may mapagbalingan ng isip niya ayaw muna niyang isipin ang asawa niya. At bakit ba siya naguguilty kung wala namang minimention na name si Chloe? Bigla siyang nadrained sa narealized niya, she's overestimating things at ngayon pinoproblema na niya tuloy ang mga iyon.

Pagdating ng ibang mga sisters ay agad silang nagsimula sa kanilang meeting, it is indeed a very important one dahil sa may isa na namang website na nabuo and they can't decode it. Mas malakas ang protection sa naturang website, they can see and read the comments but they can't see what's inside but they are pretty sure, may pictures na naman sila doon. Iyong naunang site na sinabi ni Rye sa kanila nasubukan na niyang ihack iyon, it's easy for her to navigate the web space dahil sa information and computer engineering ang course niya noong college siya.

"Hindi ka ba uuwi sa asawa mo?" malakas siyang napasinghap sa tanong ni Monique, she's smiling now. Kapag sila naman ang kasama nito ay masaya ito kaya nga if possible ayaw nilang naiiwan ng mag-isa si Monique.

"At hindi mo talaga sasabihin sa amin na nagpakasal ka na? Ni hindi mo man lang kami nainvite what kind of friend are you? Sino ba ang lalaking iyan at ng maisulat ko sa deathnote ko." Kinuha ni Ainsley ang itim na notebook nito na sa tingin niya ay hindi naluluma, kumuha din ng ballpen na kulay pink pero may skull na design at handa ng magsulat ng biglang mapatili si Karylle habang nakisulyap sa laman ng notebook.

"Bakit?" takang tanong ni Georgette.

"Puno kasi pangalan ng kuya ko ang notebook ni Ainsley." Anito na hindi alam kung matatakot ba o matatawa. "Ayeee... lumalovelife na ang mga friends ko. This love virus is actually spreading really fast." Lumabi siya sa sinabi nito.

"Lust virus iyan." Singit niya n asana ay hindi nalang niya ginawa dahil ngumisi naman si Karylle sa kanya.

"As if naman hindi mo nilalawayan at sinasamba iyang asawa mon a hindi mo pa ipinakilala sa amin. Sino ba iyan at ng makaliskisan na namin siya."

Ngumiwi siya. "Ano ang tingin niyo kay Warren isda?" saglit na natahimik ang mga ito, tanging si Georgette lang naman kasi ang may alam ng tunay na dahilan kung bakit siya magpapakasal... na ngayon ay nakasal na.

"Warren? As in Warren Cuevas? The chef and owner of Archer's na may cute na panda." Hindi niya alam pero sinamaan niya ng tingin si Karylle, she just don't like it hearing her friend referring her husband as cute. She shook her head, she never felt this way before. Dati ang mga lalaking pinagtitripan niya ay sini-share niya sa mga ito at pinagpaplanuhan pa nila kung paano nila gagahasain ang pobreng lalaki but not now, Warren is hers... as of now. Ayaw muna niyang magshare. "What?" takang tanong nito sa masamang tingin na pinupukol niya dito.

"Wala, siya nga iyon."

"And may we know the reason why you married him out of the blue? Nakakaya mo na bang iconquer ang phobia mo sa mga lalaking hindi bakla?" tanong ni Monica.

"He can touch me," nagulat ang mga ito. "I mean ako nagulat din dahil nahahawakan niya ako, noong una nakakaramdam ako ng pain everytime he touches me. Pero kalaunan ay hindi na ako nakakaramdam ng sakit." Pag-amin niya.

"It means he cured you?"

Umiling siya. "I still can't bear being touched by other man or men sa kanya lang at..." hindi nalang niya sinabi na hindi din siya nahihimatay kapag nahahawakan siya ng manager ng restaurant ni Warren. She remembered she need to asked some things to Hexel.

"Maybe he's your destiny the one for made for you." tinaasan lang niya ng kilay si Zyrene.

"With your hopeless romantic views in life Zy, hindi lahat may kwentong kagaya ng sa iyo ng asawa mo. He married me because he needs a wife badly and I want to have our house back." Parang may dumaang isang malaking ipo-ipo sa harap nila sa sinabi nito.

"Didn't it occur to you that we can buy your house back?" Si Crischel.

"It does. I asked him to buy the house back kahit na hindi ko alam kung paano ko babayaran ang bahay na iyon. But he refused to and the only way for me to have the house back is to marry him. He want it done as fast as he could so here I am married to him. Sa sobrang bilis hindi ko na nasabi sa inyo."

"As long as you are happy with your decision okay lang sa amin." Napatingin siya sa malaking screen kung saan nakikita niya si Hexel. "As long as you will remain married to him then everything will be okay right?"

Napatitig siya sa kaibigan niya she actually want to cry right now pero ayaw niyang idamay ang mga ito sa problema niya. Not when her friends were carrying their own torch, she will be okay.

"Yes, it will be okay." Mahinang sagot niya.

"If you are okay why are you sad then?"

"I am not sad naninibago lang siguro ako." Pagkakaila niya.

"You love him?"

Kumunot ang noo niya. "No-."

"She doesn't have any idea what love is." Komento ni Karylle. "We both know that Diana loves to fantasize about men but she doesn't know how is it to be in love."

Napakurap lang siya sa mga ito ang kanyang mga daliri ay sa laptop keyboard pa rin, nakapasok kasi sa utak niya ang mga sinassabi ng mga ito. It seems like they really know what love is, para bang naranasan na ng mga ito ang bagay na iyon and it makes her feel she doesn't belong.

"And now that she's feeling it she doesn't know whether it's IT or it's not."

Tiningnan siya ng mga ito. "Ano ang nararamdaman mo kapag nasa tabi mo si Warren?"

"M-masaya at natatakot din." She need to be honest kung gusto niyang malaman ang totoo base kasi sa mga pinagsasabi ng mga ito they seems to believe that's she's already in love with her husband.

"Masaya ka that's given pero natatakot? In what way?"

"Lumalakas ang tibok ng puso ko tapos nanlalamig din ako, hindi na kayang mag-isip ng matino ang isip ko everything is so chaotic na nakakaiyak na at gusto mo nalang tumakbo at magtago. Tapos kapag wala siya naiisip ko naman siya at... at kapag may sinasabi siyang hindi maganda..." sinapo niya ang dibdib niya. "It pains here." Turo niya sa kanyang puso na sa katunayan ay sumasakit ng mga oras na iyo. "It's scary."

"Those are the symptoms of being inlove." Pumalakpak si Karylle. "Huwag kang matakot Diana Rose, normal lang ang mga nararamdaman mo. Mahal mo kasi siya at sa simpleng ginagawa niya ay masaya ka na at sa maliliit na bagay na nagagawa niyang mali sa iyo ay grabe ang sakit. That's normal, you're inlove and congratulations."

Kumunot ang noo niya, ayaw niyang tanggapin ang sinasabi nito because it's just too impossible.

"Congratulations for being brave Diana Rose."

"I am not in love with him! Hindi pwede iyon."

"Hey, kalma lang." nag-aalalang tinapik siya ni Chloe sa likod niya.

"Accept the truth Diana, wala namang mawawala sa iyo kung aaminin mo sa sarili mo na mahal mo na siya. Falling in love is normal-."

"Kapag nagmahal ka masasaktan ka rin hindi ba? Ayoko!" she said out of desperation. She saw how Hexel lost herself when she fell in love and marry someone who doesn't deserves her, she saw how Zyrene broke her heart into pieces when Heinz fooled her. And Karylle and she know the feeling... the feeling of being lost in the middle of the vast ocean.

"Calm down Diana Rose, part lang ng buhay ang masaktan."

"Nang todo-todo?"

"It's nature for us to survive the hardest things that would hit us in the near future."

"I... I don't know." Mahinang sabi niya pakiramdam niya ay nauubusan na siya ng hininga sa mga revelations sa buhay niya.

"Magpahinga ka muna Diana at mag-isip, umuwi ka muna sa bahay mo at ng asawa mo. Ito ang tandaan mo, I will never allow a mere specimen hurt my precious sisters. Kapag sinaktan ka niya mark my words, he'll suffer."

Kahit papaano ay natahimik naman ang kalooban niya sa sinabi ni Hexel. Tumango lang siya but it doesn't mean na uuwi muna siya, ngayon na may ideya na siya sa nararamdaman niya kay Warren hindi niya alam kung paano niya haharapin ang asawa niya.

Ngayon na nasa silid siya ni G at nagpapahinga, kahit gusto niyang matulog ay hindi niya magawa dahil ayaw niyang pagpikit niya ng kanyang mga mata ay mukha ni Warren ang makikita niya. Dapat ay nasa opisina na siya ngayon pero tinamad na naman siyang magtrabaho, maybe she should grabbed Warren's proposal then.

"Do I really love you?" tanong niya sa singsing na nasa daliri niya. It's her wedding ring but the ring doesn't signify anything like love or anything. It's just a piece of metal shaped to be a ring for the sake of paying her debts to her man. Napapikit siya ng maramdaman ang pagkirot sa puso niya. ayaw na niyang magsinungaling pa, denying her feelings will make her life miserable. She is inlove, for the first time. She fell for her tormentor and the man who will break her heart.

Bukas kapag okay na siya handa na niyang harapin si Warren.

And maybe even if their marriage is for convenience only, maybe she can make it work. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito, she has a big heart naman. It's enough for the two of them for her to make their marriage work.

"Ate!" isang humahangos na Maya ang pumasok sa silid ni G at ng tingnan niya ito ay gusto niyang pagtawanan ang hitsura nito. Para kasi itong nakalaklak ng maraming suka sa sobrang putla.

"Anong nangyari sa iyo?"

"May nanghaharass na lalaki kay ate Georgette!" mabilis siyang bumalikwas ng bangon at handa ng makipagpatayan sa kung sinumang walang hiyang nanakit dito. Paglabas niya ay nanlaki ang mga mata niya ng makilala ang tinutukoy na lalaking nanghaharass kay Georgette.

"Ilabas mo ang asawa ko kung ayaw mong magdemanda ako ng kidnapping." Mabilis siyang nakapagtago sa likod ng pinto.

"Wala dito ang asawa mo." Si Georgette na halatang-well, not really halata dahil wala itong kangiti-ngiting nakaharap kay Warren. Cool na cool lang ito pero halatang pinaglalaruan lang ang asawa niya.

"Alam kong nandito si Diana, wala siya sa opisina kaya alam kong nandito siya." papasok sana ito ng mapigilan ito ni Georgette. "Huwag mo akong pigilan or else ipapagiba ko itong bahay mo."

"Wala kang holds sa akin Mr. Cuevas dahil ang titulo ng bahay at lupa ko ay nasa pangalan ko at hindi ko ito binebenta. Ikaw pa nga ang pwede kong kasuhan ng trespassing."

"Ate." Napatingin siya kay Maya na bumubulong, nasa tabi lang kasi niya ito. "Mangangapit bahay muna ako ate mukhang ikaw naman pala ang hinahanap."

"Huwag-." Pero wala na siyang nagawa dahil mabilis itong umalis sa tabi niya.

"Wala pa ba Warren? Nasaan na ang asawa mo?" isang matangkad at gwapong lalaki ang tumabi sa kanyang asawa. Kilala niya ito pinsan ito ni Ainsley.

"Ayaw akong papasukin ng kidnapper na ito." Nagkibit-balikat lang si Georgette na sinasabi sa mga kaharap nito na kahit maliit lang siyang babae ay hindi ito aatras. Humanga siya sa katatagan ng kaibigan niya samantalang siya ay nagtatago sa likod ng pintuan.

"Oh well, ako na ang bahala sa maliit na babaeng ito. Go and find your wife." Mabilis ang naging pangyayari dahil nagawa na ni Warren na makapasok sa bahay habang si Georgette naman ay wala na doon. Malakas siyang napasinghap dahil bigla siyang kinabahan sa pwedeng gawin ni Ashton sa kaibigan niya.

"Diana Rose!" napamura siya ng bigla siyang tumakbo palabas para hanapin si G pero naharangan na siya ni Warren.

"Warren, Saan dadalhin ni Ashton si Georgette?" nag-aalalang tanong niya.

Pinigilan siya nito at nagtagis ang mga bagang nito habang nakatitig sa kanya, sobrang higpit ng hawak nito sa kanyang braso na pinipigilan siya sa paglabas. Mas tama yatang mas matakot siya sa kahihinatnan sa mga kamay nito.

"Your friend is safe but you wife... once we got home I swear you'll regret this."

At hinila na siya nito palabas ng bahay ni G. Natatakot siya sa pwedeng gawin nito sa kanya pag-uwi nila sa bahay nito. Whatever it is, she'll be doomed.






A/N: finally, found time to update. I was busy yesterday because of my masteral class. Feeling ko whole day akong pinahirapan kahapon, nagreport kasi ako with my groupmates sa first subject namin, and then report again sa sunod na subject and then sa Biostat na hindi ka pwedeng malingat ng mga one second or else maiiwanan ka sa bilis ng pagsasalita ng prof namin. Hahahahahaha.. mga around 5:30 lumakas ang ulan pero tuloy pa rin. Hahahahaha... sa napagtripan ko kahapon, I was in SM really, may pagame kasi na FIND ME IF YOU CAN, I posted in our facebook account. It was just silly game, hanapin niyo ako sa sm. hahahahah. Saglit lang talaga akong nagpunta doon dahil bumili ako ng mga cartolina para sa visual aids ko next week. And I even have this urge to absent dahil feeling ko kulang na kulang talaga ang isang araw na pahinga. Okay lang sana kung isang araw na pahinga tapos wala kang ginagawa or iyong ginagawa mo ay iyong bagay na gusto mo. Kaso hindi naman iyon ang nangyayari, alam kong maraming nakakarelate. Kasi kahit na walang pasok kailangan pang gumawa ng visual aids and prepare the entire week, tatapusin ko pa ang form 1 na kailangang ipasa asap.

Mabuti pa sa pagsusulat narerelease ko ang stress ko kaya nga sumasaglit ako dito. Noon sa isang araw nakakapagsulat ako ng isang chapter sa isang araw pero ngayon one chapter is equal to 1-3 days. Kakastress ano?

STATUS UPDATE: Ano bang magandang gawin ngayon? Maliban sa kumain?

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 48.5K 16
CATCHLINE: I dont know what to do anymore, all I know is I am madly inlove with you that it hurts... so much. TEASER: Loving someone who does...
21.5K 463 21
Gaia Leyn Velasco is a sweet and beautiful girl. She has everything. Looks, money, brain, and more. But there's one thing she can't get. Love. She's...
1.6M 30.4K 15
"You are mine with or without my mark, the moment my heart beats for you I already know that you're my ever after." Everyone thought that Allyxadrei...
3.5M 153K 144
Collection of short stories dedicated to my angels. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.