AIRLEYA

By solace_loey

221K 6.3K 144

When the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the wo... More

PROLOGUE
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXX
XXIX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLII
XLIII
XLIV
XLV
EPILOGUE
Special Chapter I
Special Chapter II

XLI

2.4K 71 0
By solace_loey

⚠️Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story.

Chapter XLI

“AIR!”

“ATE!”

“AIRLEYA!”

Imbes ang kilalang Airleya ang lumingon sa apat na tao na tumatakbo palapit kay Airleya, ang kulay puting buhok ang lumingon kina Prince Teiran.

"Ayos ka lang, Airleya?” tanong nina Silver, at Willow, kay Saina na hindi nila alam na hindi na ito si Airleya.
.
.


.
.

“Hindi siya si Air.”

“I agree with, His Highness.” sang-ayon ni Kaan, sa sinabi ni Prince Teiran, na hindi na si Airleya ang tinulungan nina Silver at Willow na makatayo. Napatitig sa isa't-isa sina Silver at Willow, bago tinitigan ng matapat ang tinulungan nila na si Saina, na nginitian lang silang dalawa.

Sabay na bumaba ang tingin nina Prince Teiran, at Kaan sa tunay na Airleya, bago inilahad ng dalawang lalaki ang kanilang kamay kay Airleya na hindi napigilang mapatitig sa kamay ng dalawang lalaki na kaagad siyang nakilala.

Hindi napigilan ni Airleya na hindi mapangiti, kasabay ng pag-abot niya ng dalawang kamay na naghihintay na hawakan.

"Jeez! Mag-a-acting pa sana ako.” nakangising sambit ni Airleya sa dalawang lalaki, bago siya hinawakan nina Silver at Willow sa balikat dahilan para pumihit ng kusa ang katawan niya, dahil sa biglang ginawa ng dalawa niyang kaibigan.

Samantala, ang anim na kalaban na mga nasa walong metro ang layo sa kanila hindi napigilang magtanong sa isa't -isa kung anong nangyayari.

“Ikaw ba talaga si Airleya?” sabay tanong sa kanya nina Silver at Willow, na halatang guilty nang hindi nila nakilala si Airleya, sa bago nitong katawan.

“I am.” sagot ni Airleya, bago bumaling ang tingin niya kay Saina na nasa likod nina Silver at Willow.

“Sai.” tawag niya sa kanyang kakambal, sabay lahad ng kamay niya. Kaagad namang tinanggap ni Saina ang kamay ng kanyang kakambal na si Airleya. Bago iginiya ni Airleya si Saina, sa likuran nito para protektahan ang kakambal ng maramdaman niya ang kalaban na lumapit sa kanila.

Anim na parehas ng mga mata ang naka-pukol sa anim na kalaban. Mukhang magpapatuloy ang laban nila na naudlot kanina.

Bago pa man kumilos ang kalaban na handang-handa na sa round two nilang laban, bigla na lamang nila narinig ang boses ng kanilang diyos sa kanilang isipan.

Nagpakawala ng malakas na mga atake ang lima, at dahil doon walang ginawa ang kalaban nila na bigla na lamang nag-iba ang kilos nila at umiwas ang mga ito sa atake nila.

Hindi umalis si Airleya sa kinatatayuan niya, nag-aalala siya na baka may mangyari na hindi maganda sa kakambal niya.

“Kung hindi lang kami nakatanggap ng utos, seguradong patay na kayo.” anang isang kalaban, na kakaiba sa lima niyang kasama.

“Utos nino? Nang fake Emperor? Paki sabi sa Emperor niyo na may araw din siya sa amin.” matapang na sagot ni Airleya.

Tumaas ang kilay ng isa nilang kalaban, dahil sa blunt personality ni Airleya.

Imbes na sumagot pa sila, kaagad na naglaho sa harapan nina Airleya ang kalaban nila. At dahil roon, natahimik ang buong lugar, bago sila nakipag-titigan sa isa't-isa.

“Leya, may problema tayo, nawawala si Zephie!” wika ng ama ni Airleya sa kanya, hindi alam ng Count na ang kaharap niya ay hindi na si Airleya, kundi si Saina. “Saan ka pala nanggaling? At bakit hindi ka man lang nag-aalala kay Zephie?” tanong ng ama niya sa kanya, na natataranta na sa kahahanap kay Zephyr.

“Iyang kaharap mo ay si Saina, hindi na ako yan.” biglang sabad ni Airleya na kaagad lumabas sa silid nito.

Nanigas sa kinatatayuan ang Count ng makita si Airleya. Nagpalipat -lipat ang tingin ng Count sa dalawa.

Bago natuon ang titig niya kay Saina.

“. . .S-Saina?” tawag ni Count Ralphus kay Saina, na hindi pa ito segurado kung si Saina ba talaga ang kaharap niya. Rinig niya na si Saina ang nasa harapan niya, pero hindi niya maiwasang manigurado.

Ngumiti si Saina, ngiti na iba sa ngiting parating nakikita ng Count kay Airleya. At kilalang kilala niya ang ngiting iyon.

“Iredissaina!” kaagad na niyakap ng Count ang anak niya, at niyakap rin siya ni Saina pabalik.

Pinagkrus ni Airleya ang kanyang braso. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na ang batang babae na pinangalanan niyang Zephyr, ay ang kanyang bagong katawan na muling binuhay ni Oniev, dahil sa kadahilanang hindi kaya ng katawan na ginagamit niya ang kapangyarihan na meron siya.

Lahat ng palagay niya na akala niya ay totoo, mali pala. Ang akala ni Airleya ay banga lang ang bata sa kapangyarihan niya. Iyon pala ay paunting hinihigop ng bagong katawan niya ang kanyang kapangyarihan sa katawan ni Saina, bago tuluyang maging kompleto ang paglilipat ng katauhan nila.

Nang makauwi sila ni Saina galing sa laban. Kaagad na lumapit si Airleya sa salamin para tingnan ang sarili. At doon niya nakita ang buo niyang mukha. Kamukha ito ni Saina, magkamukha sila. Ang pinagkaiba nga lang ay ang kulay ng buhok at mata nila.

At dahil doon, pinaliwanag ni Saina, sa ama nila ang nangyari.

“Hindi ako makapaniwala na nadala mo kami sa acting skills mo, Sai.” ani Airleya na hindi napigilang taasan ng kilay ang kakambal niya na malumanay kung tumawa, hindi tulad niya kung tumawa kulang na lang ay buong Agracia ang makarinig ng malakas niyang tawa.

“Utos ng God of Wind.” sagot naman ni Saina, na halatang guilty sa ginawa niyang pagpapanggap. Kung hindi lang sana sa utos nang diyos ng hangin, hindi siya magpapanggap.

“Kita mo yan. Kaya pala may duda ako doon.” hindi napigilan ni Airleya na hindi itirik ang mga mata.

“Leya, watch your mouth, Diyos ang pinag-uusapan natin ngayon.” sermon ni Saina sa kakambal niya.

Ngumuso si Airleya sa kakambal niya, “Wala namang bad words akong sinabi. Sabi ko duda ako.”

“Hindi mo dapat pinagdududahan ang Diyos.” sagot pa ng kakambal niya.

Hindi napigilan ng Count na hindi matawa. Ngayong nakabalik si Saina sa tunay na katawan nito at binigyan ng pagkakataon na ibigay kay Airleya ang isang regalo na hindi nito inaasahan. Hindi maiwasan ng Count na mapatitig sa dalawa. Ang mayumi at mapurol niyang kambal na anak.

“So. . . Wala nang Zephyr?” pagkukuha pansin ng Count sa dalawa.

Nagkatinginan sina Airleya at Saina sa isa't -isa at sabay itong tumango.

“Kung wala na si Zephyr. Ibig sabihin humanda na kayo Saina, Leya sa panibagong balita na lalabas sa buong Agracia.” paghahanda ng Count sa kambal niya. “Ayokong may marinig akong, hindi totoong istorya tungkol sa inyo. Kaya naman oras na para sabihin ko sa lahat na may kakambal si Airleya.

“Sure. Wala naman sa'ming problema ni Saina, di ba Sai?” wika ni Airleyay sabay baling sa kakambal niya.

“Ayos lang sa akin.” pagsang-ayon ni Saina.

“Kasabay ng iyong pagbalita tungkol sa lahat tungkol sa amin, paki sabi na rin sa lahat na ang lahat na nangyayari sa Agracia, dahil sa Emperor, sabihin mo na rin na hindi siya ang tunay kundi fake.”

Ilang segundo na hindi naka-imik si Count Ralphus sa hiling ni Airleya sa kanya, mababakas sa mukha ng dalaga na handa na ito sa mga susunod na mangyayari.

Makalipas ng isang linggo, na linis kaagad ang tungkol kina Saina, at Airleya. Ipinagtapat ng Count na kambal ang anak niya. Dahil sa ni-request ng anak niya na sabihin ang totoo na nag pakita ang god of Wind sa kanila, at sinabi rin ng Count ang ipinautos sa kanya ng anak niya. Dahilan para magkagulo na ang lahat dahil sa sinabi ng Count.

Maraming tao ang hindi naniwala sa sinabi ng Count, at dahil sa sinabi ng Count galit lahat ng mga tao sa Agracia, sa paratang ng Count sa Emperor na ito'y peke.

“Tapos ko na ang hiling slash utos mo sa akin, Leya. Ano sunod mong hakbang ngayong?” anang Count na hindi iniisip ang mga sinasabi ng mga tao sa kanya ngayon. Ginawa niya lang ang dapat, ngayon na nakikita niyang gusto na itong tapusin ng mga anak nila ang ginagawa ng fake Emperor.

“Magkakaroon ng public speech ang fake Emperor bukas sa lahat ng Agracian.” sambit ni Airleya na kalmado lang sa upuan na nagbabasa ng libro.

“At? Ano ang gagawin mo? May binabalak ka?” tanong ng Count sa anak niya. Samantala si Saina naman, papalit-palit ang titig niya sa kanyang ama at kakambal na nag-uusap. Sa tuwing magsasalita si Airleya o ang Count kaagad natutuon ang titig niya sa isa.

“Surprise. Malalaman mo rin yun bukas, pa. At hindi ako makakapangako na ma-po-protektahan namin ang mga tao na pupunta roon bukas para makinig sa speech ng Fake Emperor.” wika ni Airleya dahil sa sinabi ng anak, biglang kinabahan ang Count.

“Bakit ano ba ang gagawin niyo?”

“Surprise nga diba po? Ang hiling ko lang ay mag-ingat kayo. At Saina, h'wag kang sumama bukas sa amin. Manatili ka lang rito sa mansion, mas ligtas rito.” payo ni Airleya sa kakambal niya na tumango lang ng ulo bilang sagot.

Hindi napigilan ng Count na masahiin ang sintido. Naiistress siya tuloy sa binabalak ni Airleya, lalo pa't nalaman niya nitong isang araw na ang magaling niyang anak ang leader. Hindi niya mabasa ang mga kilos ni Airleya, dahilan para hindi niya mapigilang mag-alala.

Napansin naman ni Airleya, na halatang stress sa pag-aalala ang ama niya sa kanya. Kaya naman. “Pa, don't worry about me, okay?”

“Mas lalo lang ako nag-aalala ng sabihin mo iyan.”

“Opps. Wrong words.” natatawang sambit ni Airleya, saka nagpaalam sa ama niya at kay Saina para umalis.

“Sir Exter, simula bukas si Saina na ang iyong babantayan.” wika ni Airleya sa Knight, na kaagad napatigil sa paglakad ng marinig niya ang sinabi ni Airleya.

“Pero. . . Paano po kayo, Lady Airleya?” nag-aalalang tanong ni Sir Exter kay Airleya.

Tumigil rin si Airleya sa paglalakad, at bumaling siya sa likuran niya para harapin si sir Exter.

“Kaya kong protektahan ang sarili ko sir Exter. Mas kailangan ng kakambal ko ang kagaya mo. Please, don't worry about me, okay? Kayo ang dahilan ni Sir Ceasar, at Kaan kung bakit natuto akong makipaglaban, at kung bakit mas lalo akong tumapang, isa kayo sa mga tao na malaki ang utang na loob ko. Protecting my twin sister, doesn't mean na tapos na ang trabaho mo bilang personal knight ko, sir Exter.” saad ni Airleya sa Knight, at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating nila ang Summerbelle boutique na ngayon ay nag-upgrade na mas lalo itong lumaki.

Kapag natapos ang gulong ito, magpapatayo na talaga ako ng Mall. Wahahaha, paniguradong yayaman pa ako lalo.” wika ng isipan ni Airleya, sa kanyang sarili. “Yun ay kung hindi ako mamamatay sa laban.”

Good afternoon Lady Airleya!” bati ng mga tao na nagtatrabaho kay Airleya. Nasa harap niya lahat ang mga tao na tapat sa kanya. Pansamantalang isinara ang boutique ng ipinaalam ni Airleya kay Estella na mag-half day silang lahat.

Sarado lahat ng bintana at pinto ng apat na palag ng boutique ni Airleya. At tanging ilaw lamang ang nag-sisilbing liwanag sa loob ng malaking silid niyon.

“Good afternoon to everyone too. Simula bukas, at sa mga susunod na araw, pansamantala munang magsasara ang Summerbelle boutique.” wika ni Airleya, dahilan para magtanong ang mga tao sa kanya.

Makikita sa mukha ng mga tao ang pag-aalala dahil sa biglaang anunsyo ni Airleya na magsasara sila. Alam nila na namamayagpag ang Summerbelle boutique sa mundo ng business. Tuwing taon ay nakakapagtala sila ng mataas na kita at sa tuwing maganda ang resulta, tini-triple ni Airleya ng binibini nila ang kanilang suweldo. Ito lang din na negosyo ang nagsu-suweldo ng mataas, dahilan para hindi nila maiwasang ikumpara ang trabaho nila sa iba.

“Shh. Please, quiet po muna. Ang sabi ko po, pansamantala. Temporarily munang magsasara ang boutique. Hindi ko masasabi kung kailan ang bukas ng boutique. Pero huwag kayong mag-alala, may matatanggap parin kayo sa akin, double pay ang matatanggap niyo. Kaya huwag kayong mag-aalala. Kahit umabot pa ng ilang buwan na mag-sara ang boutique natin may matatanggap parin kayo.” saad ni Airleya sa kanila, dahilan para humupa ang nararamdaman ng lahat na naroon.

Pero. . .

“May problema po ba, Lady Airleya? Dahil po ba ito sa issue na sinabi ng Count?” tanong ng isang empleyado niya.

Umiling si Airleya. “No. Kaya tayo magsasara muna, dahil ayokong may mangyari sa inyo. For now, please stay at your dormitories, okay? Mas safe kung manatili kayong lahat sa mga dormitoryo niyo, wala ni sinuman ang mangangahas na saktan kayo sa dormitoryo niyo kapag nagkagulo sa buong Agracia.”

"Po? Ano po ang ibig niyong sabihin?” tanong ng isang babae kay Airleya.

“Believe it or not, ang Imperyo natin nasa panganib, at kapag natalo ang mga pinili, seguradong hindi lang ang Imperyo ang mabubura kundi ang buong mundo.” ani Airleya, dahilan para magtaasan ang balahibo ng lahat. Pati si sir Exter at ang kapatid nito na si Estella, ay hindi napigilang makaramdam ng takot.

“Alam kong narinig niyo, ang balita tungkol sa sinabi ng aking ama sa buong Agracia, tungkol sa fake Emperor, totoo iyon na fake siya. At ang fake na ito ang magdadala ng malaking sakuna sa Imperyo at pati na sa sangkatauhan. Because this Fake Emperor. . .isa siyang diyos na hindi nabanggit sa kahit anong libro patungkol sa mga Diyos. ” salaysay ni Airleya upang maging dahilan ng pagkagulat ng lahat. May iba na hindi naniniwala pero ang iba naman ay naniniwala sa sinasabi ni Airleya sa kanila.

“So please, everyone. Stay at your dormitories. That's one of the reason why, kung bakit nagpatayo ako ng dormitoryo para sa inyong lahat. Ang maprotektahan kayo laban sa panganib. So, please stay at your dormitories, and today, buy all you needs, okay?” ani Airleya at suminyas kay Sir Exter na lumapit sa kanya.

“Mauna ka na sir Exter, umuwi. May pupuntahan pa ako.” aniya kay Sir Exter.

"Lady Airleya, mag-iingat po kayo.”

“Mag-iingat po kayo, Lady Airleya. Ipagdadasal po namin kayo, at ang mundo natin na maging ligtas.“

Sabad ng mga tao na naroon, kay Airleya na hindi napigilang ngumiti sa kanila.

“. . .Ran.” bumaling si Prince Teiran, kay Airleya ng marinig niya ang boses ni Airleya.

Saglit na hindi naka-imik si Prince Teiran, ng bumaling siya kay Airleya.

Medyo naninibago ang binata dahil sa pagbabago ng panlabas na katauhan ni Airleya.

"Greetings, my lady.” tumaas ang kilay ni Airleya dahil sa pagiging pormal ni Prince Teiran sa kanya.

“What's with your formality, Ran? Tatawagin na rin ba kitang Your Highness?”

Ngumiti si Prince Teiran,saka lumapit sa tabi ni Airleya ng magsimula ang dalaga sa paglalakad. Lahat ng mga tao na nadadaanan nila ay hindi maiwasang mapatitig sa kanila. Lalo na kay Airleya, dahil sa agaw pansin nitong buhok at mata.

“Bawal ba kitang, batiin ng ganoon?”

“Nakakagulat. Hindi ako sanay na ikaw, ay bumati sa akin ng pormal. We greet each, na hi, hello, or good morning, good afternoon, lang.”

“I greeted you, in formal way because you deserves it.”

Lumingon si Airleya kay Prince Teiran, habang patuloy parin sila naglalakad na magkatabi.

“Edi thank you!”

"You don't need to.”

“Stop being gentleman, Ran. May halo na yatang pa-fall iyang ginagawa mo sa'kin.”

Natawa si Prince Teiran kay Airleya.

“Anong nakakatawa?” kunot noo'ng tanong ni Airleya kay Prince Teiran.

“That's my love language, Air, My lady.” anang Prinsipe, na may kislap ang mga mata na nakatitig kay Airleya, sa mga oras na iyon, dahilan para mapatigil si Airleya sa paglalakad, ganon din ang Prinsepi.

Sa gitna ng maraming tao, parang nag-slow motion ang lahat sa paningin ni Airleya, parang nabingi ang tainga ni Airleya dahilan para wala siyang marinig sa nga oras na iyon. Nang makita niya ang mga mata ni Prince Teiran, na may kislap na nakatitig sa kanya.

No way in hell, Airleya! You can't be bound by love.” reklamo ni Airleya sa sarili niya.

“Umayos ka nga. . . Ang corny mo.” inis na sambit ni Airleya kay Prince Teiran, na nginitian lang siya saka nagpatuloy sa paglalakad. Malaking pasasalamat ni Airleya, na hindi siya nautal at hindi nanginig ang boses niya nang sabihin niya ang mga katangang iyon. Kung nagkataon na nautal at nanginig ang boses niya, paniguradong mag-iisip ng kung ano ang katabi niya.

________________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

173K 7.3K 51
Being a hero doesn't mean, Good Image, Noble attitude, It means, doing something great without expecting something in return.
1.8M 180K 204
Online Game# 2: MILAN X DION
116K 4.1K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
120K 4.7K 29
Waking up realizing she is inside a novel! Ava had a good life until her parents die and everything turned into chaos. The only thing that make her...