KAHIT MINSAN LAMANG

By Gretisbored

13.4K 1.3K 262

Batid ni Lalie kung gaano ang pagkasuklam sa kanya ni Mauro, ang anak ng yumaong don na si Don Fernando Satur... More

CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO

CHAPTER TWENTY

515 44 10
By Gretisbored

Groggy pa si Lalie nang dumating sa lobby ng PGH kung saan siya sinalubong ng kapitan nila at ng kaibigang si Perping. Maaliwalas ang mukha ng dalawa. Daig pa ang nanalo sa lotto.

"Lalie, salamat nang napakarami!" At OA pang nag-bow sa harapan niya si Perping. Ganoon din halos ang ginawa ng kapitan. Buong pag-iingat na hinawakan siya sa siko at dinala sa bakanteng upuan doon.

"Naku, iha! Hulog ka ng langit sa amin. Aba'y hindi ka lang mapagmahal na anak! Isa ka rin palang mabuting kapitbahay! Sinasabi ko nga eh. Hindi ka lang ubod ng ganda, mayroon ka pang busilak na puso. Hayaan mo. Wala ka nang alalahanin sa Inay mo. Kami na ang bahala ni Perping. Aalagaan namin siya katulad ng pag-aalaga sa isang ka-pamilya. Kung sa bagay, ano pa nga ba tayo sa ating barangay kundi iisang pamilya?" At humalakhak ito nang malutong.

Napakunot ng noo si Lalie.

"Kapitana, anong tinira n'yo? Nakakapangilabot ang pinagsasabi ninyo!" Binalingan din ni Lalie ang kaibigan. "Isa ka pa! Magsabi nga kayo nang totoo. Nagsa-shabu kayo, ano?"

"Hoy!" Asik sa kanya ni Perping. "May makarinig sa iyo aakalain nilang totoo ang pinagsasabi mo!"

"Hindi ako nagbibiro. Ano nga ang tinira ninyong dalawa at kung anu-ano ang pinagsasabi ninyo riyan? Daig n'yo pang durugista eh!"

Tumigil sa katatawa ang kapitan. "Aba, Lalie. Hindi biro ang binigay n'yo sa amin. Ikaw yata ang nakahitit ng kung ano eh. Nakalimutan mo na ba? Inabutan mo kami ng isang daang libong piso?!"

"Ha? Anong isang----"

"Friend naman, o. Magkukunwari ka pa, eh." Siniko siya ni Perping at binuksan nito ang maliit na shoulder bag at pinakita ang isang bungkos na pera na tig-iisang libo. "Singkwenta mil ang pinaabot mo sa akin." At ngumisi na ito. Siniko siya uli. "Iba na talaga ang mayaman. Madatung! Pinamimigay lang ang bungkos-bungkos na pera!"

Napanganga si Lalie sa napag-alaman.

"Ako ang nagbigay?" ulit niya. Nalilito.

Ang kapitan at si Perping naman ngayon ang pinangunutan ng noo. "Lalie, ha? Huwag mong sabihing na-amnesia ka kanina at babawiin mo na ito sa amin? Naku, hindi ko ibibigay!" At inilayo na nga ni Perping ang shoulder bag niya sa kanya. Hinawakan pa niya ito nang mahigpit.

"Ngayon pa lang ako napunta rito, Kapitana, Perpetua. Magbabayad pa nga lang ako ng bayarin ni Inay, eh. Iyan nga ang nilapit ko sa inyo rito. Magpapatulong ako sa inyo na mabayaran ang mga gastos ng Inay dito nang hindi nila nalalaman na sa akin galing ang pera!"

"Ano ka ba! Nagpadala ka kanina rito ng tao n'yo at siya na ang nag-asikaso ng lahat. Nailipat na sa pribadong silid ang inay mo at nagawan na rin namin ng paraan na kunwari ay galing sa PCSO ang pinangbayad doon."

Lalong nalito si Lalie. Wala siyang kinalaman sa pinagsasabi ng mga ito. Paano siya mag-uutos kung wala naman siyang mauutusan? Saka malaking halaga ang kailangan ng inay niya at hindi pupwedeng ipagkatiwala iyon sa ibang tao. Kung sakaling gagawin niya iyon si Mang Simon lang ang naiisip niyang maaari niyang pakiusapan dahil kahit papaano ay may simpatiya sa kanya ang driver na iyon. Gayunman, kahit na maaasahan niya ito sa maraming bagay, ayaw niyang testingin kung hanggang saan ang integridad nito. Natatakot din siya sa maaaring mangyari. Saka, pahirapan na nga itong pagpuslit niya ng dalawang daang libo para sa inay niya tapos magbibigay pa siya ng isang daang libong piso sa dalawang ito?

Tila nahimasmasan ang kapitan. Sinipat pa nito ang mukha ni Lalie at kapagkuwan ay nakapagsabi ng, "Hala! Kung hindi ikaw ang nagpadala no'ng mamang iyon, sino?"

**********

"What? Hospital? Why would I go there? Is there sombody I need to visit there?" sunud-sunod na tanong ni Mauro kay Lalie nang magtanong ito kung may binisita sa PGH nitong huli.

Sumimangot si Lalie kay Mauro. Naisip ng huli na dahil sa bilis ng pagsasalita niya marahil hindi na naman siya naintindihan ng madrasta. Tinagalog niya ang kanyang mga sinabi at saka lang tila umaliwalas ang mukha ng babae.

"Kung hindi ikaw, eh sino?"

"Sino? Ang ano?"

Kumurap-kurap si Lalie at pinilig-pilig ang ulo. "Wala. Sige, salamat." At tumalikod na ito. Sa pintuan na ito matamlay na kumaway bago nilapat ang pinto.

Natigilan sa ginawi ng madrasta si Mauro. Sanay na siyang hindi ito nagpapaalam matapos siyang kausapin o kung magpaalam man ay pabalang at bastos, pero this time kumaway pa. Malabnaw na paalam man, at least maayos-ayos naman nang kaunti kaysa sa nakagawian.

Kinalimutan agad ni Mauro ang tungkol sa ginawi ng madrasta. Ang inanalisa niya ay ang tungkol sa sinabi nitong ospital.

Bakit naman niya naitanong kung nagawi ako ng PGH? Ano ang koneksyon no'n sa pananamlay niya? Mga ilang araw na siyang gano'n, ah.

Naisip ni Mauro si Mang Simon. Ito ang nagmaneho kay Lalie noong isang araw. Pinatawag niya ang driver kay Mamerta. Mayamaya pa ay nasa pintuan na ito ng study room niya.

"Ser, pinapatawag n'yo raw po ako?"

"Saan kayo nagpunta ng Ma'am Lalie mo noong isang araw?" deretsahan niyang tanong dito, hindi pa nakakapasok ang matanda.

"Ho? Ni Ma'am Lalie po?"

Binaba ni Mauro ang binabasang papeles at pinagmasdan si Mang Simon. Hindi na niya inulit ang tanong. Sinipat na lamang ng tingin ang mukha ni Simon kung ito'y may tinatago sa kanya. Biglang tumuwid nang pagtayo si Simon at kaagad na sumagot.

"Sigurado kang sa Southmall lang kayo pumunta?" tanong niya uli rito.

"Yes, ser. Pinuntahan niya ang kaibigan niyang bading doon saka paglabas ng Southmall namumugto na ang mga mata kung kaya umuwi na kami agad ng bahay."

Pinangunutan ng noo si Mauro. Namumugto ang mga mata matapos makausap ang kaibigan?

"May nabanggit siya sa inyo kung bakit?"

"Wala, ser. Biniro-biro ko pa nga para ngumiti, inangilan ako, ser. Katakot pala si Ma'am Lalie kung totoong galit. Grabe."

Magkukuwento pa sana si Simon kung paano siya pinagalitan ni Lalie pero sinenyasan na niya si Mamerta na okay na siya at kailangan na nitong ipinid ang pintuan.

Pagkaalis ni Simon, napaisip nang malalim si Mauro. Napansin nga niya na madalas namumugto ang mga mata ni Lalie nitong huli. May kinalaman kaya iyon sa kaso ng kanyang ama at kapatid? Aalamin niya ito kay Attorney bukas kung magkita sila. Medyo nag-aalangan siyang itawag ang tungkol doon dahil madalas na siyang pasimpleng tinutukso ng matanda sa madrasta. Ayaw niyang mag-isip ito lalo ng kung ano kung kaya titiisin niya ang curiosity. Ipagpapabukas na lamang niya ang mga katanungang nais niyang mabigyan agad ng kasagutan.

Pinirmahan ni Mauro ang huling papeles mula sa isang makapal na folder na dinala niya mula sa kanilang opisina bago niya ito niligpit at nilagay sa attache case. Iniwan niya ito sa ibabaw ng desk at isinara ang study room. Sana ay ipagpapabukas na niya ang pakikipag-usap sa abogado pero hindi siya makatiis. Bahala na ang matanda kung ano ang isipin nito. He wants to know the truth right now. Hindi na siya mapakali.

Sasaglit siya sa kuwarto para magbihis. Yayayain niya kasing kumain sa labas ang matanda at pasimpleng buksan ang usapan tungkol kay Lalie, ngunit nawala sa isipan niya ang tungkol doon nang nabungaran sa sala ang ninong niya na kausap ang madrasta. Awtomatikong bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil naalala ang babala sa kanya noon ng abogado. Kinabahan din siya nang husto dahil hindi pinaalam sa kanya ng mga katulong ang pagbisita nito sa kanila. But then, he pretended he was not thinking about those things. Kunwari ay tuwang-tuwa siya na makita ito sa pamamahay nila.

"Ninong! I didn't know you were coming. Nagpahanda man lamang sana kami for you."

Nakita ni Mauro na medyo napangiwi ang ninong niya nang makita siya. Tila hindi nito nagustuhan ang presensya niya, pero magaling din itong umarte. Bigla ang paglitaw ng ngiti sa mga labi at napahalakhak pa ito sa 'kagalakan'.

"Hijo! Hindi ko alam na nandito ka. I thought you were still working in your office."

Lumapit siya at nagmano rito. From the corner of his eye nakita niyang tila nabunutan ng tinik si Lalie at mabilis itong tumayo saka may sinabi sa ninong niya. Bago pa maka-react ang huli ay nakatalilis na ito papanhik ng second floor.

Napalis ang ngiti sa labi ng matanda. Sinundan ng tingin si Lalie at napamura ito under his breath pero nang magtama ang kanilang paningin ay muli itong nangiti. Kinumusta siya nito at nag-usap sila tungkol sa negosyo. Makaraan ang ilang sandali ay nagpaalam na rin ito. Magkikita pa raw kasi sila ng kaibigan niyang si Rorik na architect sa isang proyekto na ito ang sponsor. Tungkol daw sa ginagawang school renovation. May problema raw kasi sa construction.

"Thank you for visiting, Ninong. Please tell me ahead of time kung dadalaw kayong muli at nang maipaghanda ka naman namin ng masasarap na putahe."

Isang tipid na ngiti ang binigay sa kanya ng don at tinapik-tapik ang kanyang balikat. Hinatid niya ito sa front door.

Hindi pa ito nakalalayo sa pintuan, binulyawan na nito ang naghihintay na alalay at minanduan na ihanda na ang sasakyan at aalis na sila ora mismo. Sumalubong pa sana ang tauhan para alalayan ito pero hinarang ng matanda ang hawak na baston. Tila galit na galit pa ito habang nagmamando. Lihim namang napangiti si Mauro.

Pagkabalik sa living room ay nadatnan niya si Mamerta at Aurora na naglilinis ng center table na pinatungan ng drinks ni Don Fernando. Sinita niya agad ang mga ito.

"Bakit hindi ninyo pinaalam sa akin na nandito ang ninong?"

"Po?" Nagkatinginan ang dalawa. "Pero ser, hindi ba't kausap na ninyo kanina?" nagugulumihanang tanong pa ni Mamerta.

"Yeah! But that was because I saw him here! Walang nagbigay-abiso sa akin sa study room."

"Kasi, ser, hindi naman kayo ang sadya ni Don Fernando eh," sabat naman ni Aurora. "Ang sabi po niya kanina h'wag nang sabihin sa inyo."

Napakuyom ang mga palad ni Mauro sa narinig. May balak nga ang ninong niya kay Lalie.

**********

Magpapahangin lang sana si Lalie sa veranda na kaharap ng kanyang silid, pero hindi niya inasahang makikita roon si Mauro na naka-swimming trunks at may kasamang seksing babae. Naglulunoy sila sa pool.

"OMG! Ang haliparot na arkitik! Bwisit kang babae ka! Halos band-aid na lang kalinggit ang pinantakip mo sa kepyas mo! Malandi! Maharot! Pokpok!"

"Madam?! Madam, hindi ko kayo inaano, ha? Ba't n'yo naman ako sinabihang pokpok?"

Napalingon si Lalie sa nagsalita. Nasa likuran na niya si Mamerta at may hawak itong maliit na tray na may lamang orange juice na hiningi niya kanina. Kinuha niya agad ang isang baso ng fresh orange juice sa katulong at inisang tungga lang saka binalik sa tray ang walang lamang baso.

"Hindi ikaw ang pinapatungkulan ko, tanga! Sasabat-sabat ka riyan."

Hindi nag-react sa sinabi niya si Mamerta, bagkus dumungaw ito sa veranda at nakangiting nagkomento sa nakikita sa ibaba.

"Grabeng wankata ni arkitek! Pang-Miss U! Ang swerte talaga sa kanya ni Ser Mauro, di ba, Madam Lalie?" At napahagikhik pa ito. Tinakpan nito ang bunganga at humagikhik pa na tila sobrang kilig na kilig.

Sinimangutan naman ito ni Lalie. "Anong bagay? At anong Miss U? Tingnan mo nga ang topis ng bruhang iyan! Hiwa na lang niya at mga dunggot ang natatakpan! Halos hubad na!"

"Madam, iyan na ang uso ngayon. Hindi kayo na-apdet?"

Pinamaywangan ni Lalie ang atribidang katulong. Isang hirit pa nito at makukutusan na niya. Natunugan siguro nito ang init ng ulo niya dahil umatras ito, pero bago tuluyang lumabas ng veranda ay sinigawan pa si Mauro sa ibaba.

"Ser Mauro! Yahoo! Bagay na bagay po kayo ni Arkitek! Kaso sabi ni Ma'am Lalie mas bagay daw po kayo!" At humahalakhak itong lumabas ng veranda bago pa man maka-react si Mauro sa ibaba.

Pinamulahan ng mukha si Lalie at napamulagat pa sa kapangahasan ng katulong. Nakita niyang pinaningkitan siya ng maharot na architect at si Mauro nama'y sinulyapan lamang siya saglit na parang tinatamad pa.

Dali-dali siyang pumasok ng kuwarto at hinabol si Mamerta. Pero hindi na niya ito naabutan pa.

**********

May kakaibang kiliti kay Mauro ang sinabi ni Mamerta. Bigla kasi niyang naisip na baka nagseselos si Lalie kay Denise. Naisip niya tuloy na pumasok sa loob ng bahay para tsekin ang madrasta. Hindi naman niya inasahang madadatnan niya agad ito sa sala kausap ang natatamemeng Mamerta.

"Anong nangyayari rito?" tanong niya sa dalawa. Kunwari ay walang alam.

Napalingon pareho ang dalawa sa kanya. Nakita niyang pinamulahan ng mukha ang madrasta at umiwas ng tingin sa kanya. Si Mamerta nama'y namilog ang mga mata at walang pakundangan na tumingin pa sa kanyang harapan.

"Wow, daks!" sabi pa nito.

Sa pandinig ni Mauro 'naks' ang daks. Hindi naman niya kasi naiintindihan iyon. He just thought na pinupuri lang ng katulong ang flat na flat niyang tiyan dahil pumasok siya ng bahay na walang dalang tuwalya at naka-swimming trunks lang ng kulay asul. Hanggang kalahating hita naman ito, pero hapit na hapit sa katawan kaya labas ang mamasel niyang hita't torso.

Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit lalong pinandilatan ni Lalie si Mamerta. Ngingisi-ngisi lang ang huli at tila hindi na takot dahil nandoon siya.

"Ser, nagalit sa akin si Madam dahil sabi ko bagay kayo ni Arkitek. Hindi niya yata nagustuhan, ser," tila pang-aasar pa ni Mamerta habang patay-malisya itong nakatingin kay Mauro.

Lalong nandilat si Lalie rito at tila binabantaan sa pamamagitan ng tingin, pero dedma ang pilyang katulong. Si Mauro nama'y kiniliti pero nagkunwaring hindi apektado kahit sa loob-loob ay tila may dulot din iyong kakaibang excitement. Nagkunwari lamang ito na may iutos sa katulong kaya nandoon.

"Pakidalhan kami ni Denise ng maiinom. Fresh orange juice sa kanya at sa akin ay apple juice. Kung may tira pa sa blueberry cheesecake kagabi, give us one slice but two forks. Sige."

At tumalikod na si Mauro knowing nakabuntot ang mga mata ng dalawa sa maumbok niyang pang-upo. He walked slowly towards the front door. Lalo niyang tinukso ang dalawa.

"Ser, two porks po? Bakit hindi iisa na lang? Sher na lang po kayo ni Arki---" At tumili ito saka nagtatatakbo.

Paglingon ni Mauro sa dalawa tila naghahabulan na ang mga ito papuntang kusina.

He smiled.

Continue Reading

You'll Also Like

239K 7.4K 42
Pagkatapos ng Traje de Boda, sundan naman ninyo itong The Wedding, pero wala silang koneksiyon sa isa' isa. LOL.
463K 17.9K 48
Published many years ago. This story won novel of the year. It has been turned into a TV show on ABS-CBN, starring Toni Gonzaga and Derek Ramsay. I t...
847K 19.6K 33
Twenty one year old, Patricia is desprate to be pregnant. Kaya kinunchaba nito ang Kaibigan na may ari ng Clinic na iyon. Nag buntis siya at ipinanga...
11.7K 125 12
IN YOUR ARMS Hindi nagdalawang-isip si Amber na tanggapin ang alok ni Mr. Sergio So, isang mayamang Businessman na pag-aralin siya at tulungan sa lah...