Thanks, Hater

By herkiwii

1.2K 60 14

"Ang pangit ng ugali, I hate you, I hate you Caelum!" Everyone adores and obsessed with The Daze that's why... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
01
02
03
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
27: Caelum Nazarro
28: Caelum Nazarro
29: Caelum Nazarro
30
31
EPILOGUE

26: Caelum Nazarro

28 0 0
By herkiwii

Caelum Nazarro

I smiled when I looked at my little sister happily playing with her toys. Today is Caroline's birthday, gusto ko siyang surpresahin dahil inihanda ko talaga ang kwintas na ito para sa kanya.

"Kuya!" masaya niyang bungad sa akin, niyakap ko siya at tinapik ang ulo niya.

"Happy birthday, little sister!"

"I know our parents have a surprise for my birthday today! narinig ko sila sa kwarto e, they're talking about my celebration. Kunwari nalang hindi ko alam." Natawa ako sa kanyang sinabi.

"Ikaw talaga!" kinurot ko ang kaniyang maliit na ilong.

"I want to swim kuya," tinuro niya ang aming swimming pool.

Sobrang close kami ni Caroline dahil kami lang naman ang anak at ako ang panganay. Bilang kuya excited ako palagi at masaya kapag nakikitang masaya ang kapatid ko, naiiyak ako kapag malungkot siya kaya palagi ko siyang binibilhan ng mga bagay na gusto niya.

"Sige, ligo tayo."

Inalalayan ko si Caroline sa swimming pool, pinapwesto ko siya sa mababaw upang hindi siya malunod. Hindi pa siya marunong lumangoy sa malalim kaya hinayaan ko lang siya sa mababaw.

"Ano kayang color ng cake ko?" tanong niya.

Sobrang excited naman niya.

"Sana violet!" aniya sabay palakpak napailing nalang ako habang natatawa.

"Caroline, pwede mo bang hintayin si Kuya rito? may kukunin lang ako saglit." Saglit dahil kukunin ko ang kwintas na ibibigay ko sa kanya.

"Okay, kuya!"

Umahon ako sa pool at mabilis na nagtungo sa kwarto ko. Kaso nakalimutan ko kung saan ko ba nilagay ang box ng kwintas. Hinanap ko pa ito sa cabinet ko at natagpuan ko iyon sa aking study table. Napangiti ako nang makita iyon.

Sana ay magustuhan niya, pinasadya ko pa naman ito. Tinulungan pa ako ng driver namin para makabili ng ganitong kwintas, hindi ko kasi kaya dahil sobrang bata ko pa.

Lumabas ako sa kwarto na may ngiti sa labi, excited akong makita ang reaksyon ni Caroline pero agad na napawi iyon nang makita ko ang kapatid ko na lumulutang na ngayon sa malalim na parte ng aming swimming pool.

"C-Caroline..." Nanginig ang tuhod ko pati ang kamay ko. Nanghina ako sa aking nakita.

Anong ginawa ko? bakit ko pinabayaan ang kapatid ko? kasalanan ko 'to. Umiiyak akong nagtungo sa swimming pool para iahon ang kapatid ko na wala nang buhay. Malamig at namumutla.

"Caroline wake-up please... Caroline!" narinig ko ang busina ng kotse sa labas ng bahay hudyat na nariyan na sina Mommy't Daddy.

Tinawag nila kaagad ang pangalan namin ni Caroline pero kalaunan nang makita kami ni Mommy ay mabilis siyang napatakbo.

"C-Caroline? anak?! wake up! anong nangyari?" Si Daddy ay kaagad na tumawag ng ambulance.

Tulala ako habang pinu-pump nila ang kapatid ko.

"I-I'm sorry..."

"Bakit po pinabayaan ang kapatid mo?!" Sigaw ni Mommy nakarating ang ambulance at heto pa rin ako tulala.

Hindi ko magawang tingnan ang kapatid ko sa huling lamay niya. Galit na galit sa akin si Mommy't Daddy pati ang mga mata ng tao ay sa akin nakatingin tila ba ang sama-sama kong tao.

"My! tama na po!"

"Ang kulit mo talaga! peste! ayoko sa 'yo! mamamatay ka!" pinalo niya ako hanggang sa mapagod ang boses ko sa kakaiyak.

Buong gabi kong dinadaing ang sakit mentally and physically. Nasasaktan ako sa pagkawala ni Caroline pero mas masakit ang ginagawa sa akin ng sarili kong magulang.

Ikinukulong.

Pinapalo.

Hindi pinapapasok sa school.


"Oy! may assignment tayo, gusto mo ba ako nalang gumawa non para sa'yo?" tanong ni Rupert habang nag-uusap kami sa skype.


"Hindi na..."

"Ha? anong hindi na?" tanong naman ng kaibigan kong si Priel.

"H-hindi na ako mag-aaral..." napayuko ako. Narinig ko naman ang pagsinghap ni kuya Jacob ang mas matanda amin.


"Anong hindi na?! gusto mo bang puntahan kita riyan?"


"Wag! m-magagalit ang mommy ko." Malungkot ang kanilang mga mata kaya ngumiti ako para ipaalam sa kanila na ayos lang.

Araw-araw gabi-gabi matinding pagsisisi ang tumatak sa aking isipin. Sinisisi ko ang sarili ko.

Kung hindi ko siya iniwan sa pool hindi ito mangyayari. Hindi siya mawawala sa mismong kaarawan niya, 'yong kwintas na binili ko para sa kaniya sana ay suot niya ito ngayon.

But now... she died and it's my fault.

Iniisip ko na sumisigaw siya habang nalulunod. Wala ako roon dahil busy ako na naghahanap ng kwintas sa kwarto ko.

Simula nang mailibing si Caroline hindi na ako pinansin ni Mommy palagi niyang binabanggit na pabaya akong kapatid na kasalanan ko ang lahat. Maski si Daddy ay nagagalit sa akin kaya wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak sa kwarto ko at magkulong.

Binabangungot rin ako at malinaw iyon sa aking isipan, nalulunod si Caroline habang sinisigaw ang pangalan ko. Para akong mababaliw sa murang edad pa lamang.

"Kuya!" I was sweating the whole night because of that memories that I can't erase on my mind.

"Cael!" Huminga ako ng malalim nang marinig ko ang boses ni Jacob. Pagdilat ko bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha niya may dala rin siyang isang basong tubig.

"W-why are you here?" Medyo paos pa ang boses ko.

Naupo siya sa gilid ng kama ko. "Dito muna ako matutulog." Sagot niya.

Napailing nalang ako dahil palagi niya itong ginagawa. He's a very kind person to everyone alam niya ang mga pinagdaanan ko noon dahil bata palang ako siya na ang naging sandalan ko. Nagawa pa niyang umulit sa pag-aaral para lang masabayan kaming mga kaibigan niya.


"Gago yung apat, gusto raw nilang bumuo ng banda." Napapailing na sambit ni Jacob habang kumakain kami.

Band? that looks interesting.

"Bakit hindi natin gawin?" umangat ang tingin sa akin ni Jacob sabay taas ng kanyang kilay.

"Talented kasi kayo, paano ako? ni hindi ko nga alam ang humawak ng instrument pati ang kumanta!" natawa ako sa kanya.

"Edi mag-manager ka." Natigilan siya bigla at tila nag-iisip napailing ako ulit. Baliw talaga.

"Oo nga 'no?!" psh. Sineryoso pa talaga!

"Ikaw na sa electric guitar tutal magaling ka naman roon, si Priel ang vocal nakuha na niya 'yon e hindi raw siya marunong magplay ng instrument---gagi! ano kayang feeling na matawag akong boss?" Kinililig niyang wika sa habang kumakain.

Dumating ang araw na nabuo namin ang The Daze band. Noong una nagtatalo pa kami sa mga pangalan pero sa huli The Daze din ang nanalo.

Daze means 'to stun or stupefy,' especially with a blow or a shock. It also means 'to overwhelm', gusto raw nilang magulat at ma-ovetwhelm ang mga tao kapag nakita nila kami.

"And more thing, Because we will replace Daze with the word Day, instead of The Day we will make The Daze. Everyday is always a special day!"

Tuwing gabi hindi mawala ang bangungot ko kaya hindi ako nakakatulog ng maayos. Ginugul namin ang buong highschool life sa pagbuo ng banda pero nagfo-focus rin naman kami sa pag-aaral.

I haven't visited our house again, I'm more used to being with my friends, they're the only ones I want to be with. Kapag kasama ko sila para bang malaya ako sa madilim kong pinagtataguan.

Our college life came, we always had gigs and gradually they got to know our band. Humaba na rin ang buhok ko kaya tinatali ko ito kung minsan. Tinatamad na akong magpagupit.

"Ganda pala rito e." Boses iyon ng babae na kasama ni Jacob. Maliit siya at medyo mahaba at straight ang kaniyang itim na buhok. Maputi rin ang mataba ang pisngi.

She's beautiful, cute.

Ha? Naipailing ako sa aking sarili. Bakit ako nagagandahan sa kanya? hindi naman ako ganito sa babae.

Nagtama ang tingin namin at tila ba nahiya ako bigla, sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Damn! my lips parterd when she smiled at us.

"Pinsan ko nga pala, Aisha Celestia."

"Hello!" Nakipag kamay siya sa mga kaibigan namin napansin ko na parang nahihiya siya kay Priel kaya tumikhim ako't akmang aabutin niya ang kamay ni Priel nang unahan ko ito.

"Caelum Nazarro." Sabi ko habang hawak ang malambot ang makinis na kamay ni Aisha.

Shit! what am I doing?

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 293K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
2.9K 188 39
See you at the sunrise (Villagracia series #1) COMPLETED Sameintos are powerful in the Province of legazpi, half of land in legazpi are thier family...
58.9K 3.1K 28
In the barren arctic, a white wolf journeys alone across the tundra. All his life he has dreamed of the strange creatures called humans that dwell fa...
14.9K 1.1K 54
Mortal Series 3: Helios Sadaham Crimson cover not mine.