Devils are angels in disguise

By iluvY00ngi

83 0 0

Eli Rae is an orphan. She grew up with no one by her side. She has no one to call mother. She doesn't have an... More

Devils are Angels in Disguise
Prologue

Chapter 1

15 0 0
By iluvY00ngi

Kinabukasan, nagising ako nang maramdaman ang pagdampi ng sinag ng araw sa aking mukha. Tumatagos iyon mula sa maliliit na butas ng bubong.

Umungot ako nang maramdaman ang sakit ng katawan. Naupo ako at nakapikit na minassage ang balikat.

"Are you awake?" Isang baritonong boses ang nagpamulat sa aking mata.

Natigilan ako sa pagkilos at nahigit ang hininga.

"Hey..." narinig ko ang pagkilos niya. Naramdaman ko ang paglapit niya nang maramdaman ang init ng kaniyang katawan sa aking likuran.

Napalunok ako at nanatili sa ganong posisyon.

"Hey? Are you alive? Bakit hindi ka humihinga?" Sinilip niya ang aking mukha. Gumalaw ang mata ko para tingnan siya pero agad ko ring iniiwas ang tingin nang magtama ang mata namin.

"Hey!" Sinundot niya ang pisngi ko. Umikot siya at tuluyang nagtungo sa harapan ko.

Napalunok ako nang tumambad sa akin ang hubad niyang katawan. Litaw ang magandang hubog ng dibdib at abs.

Natawa siya nang mapansin iyon. Naupo siya at pinantayan ang lebel ko. Sinuri niya ang mukha ko at pilit hinuli ang tingin ko ngunit pilit ko itong iniwas.

Nang mapansin iyon ay nailing siya at muling mahinang natawa.

Tumayo at tumalikod siya matapos akong pakatitigan iyon. Doon ko lang nabitawan ang hiningang kanina pa pinipigilan. Halos maubo pa ako nang matanto kung gaano kahabang hininga ang nawala sa akin.

Tiningnan ko siya habang hinahabol ang hininga. Nililibot niya ang tingin sa aking apartment. Sinipat niya ang nakakalat na mga timba at sinilip ang bubungan na tinatagusan ng sinag ng araw.

Sa tangkad niya ay nagawa niya pang hawakan iyon. Napalunok ako.

So hindi talaga ako nanaginip kagabi? Totoo lahat ng iyon?

WHAT THE FUCK?!

Marahan akong tumayo at pasimpleng kinuha ang tambo para ipamalo sa kaniya.

"S-Sino ka?!" Sigaw ko nang itapat iyon sa likuran niya.

Prente niya akong nilingon at umangat ang kilay nang makita ang hawak ko.

"This house is a mess..." Tumalikod muli siya at hindi alintana ang nakaabang na pamalo sa kaniya. Naglakad siya habang nasa likuran ang kamay.

Nilibot ko ang tingin sa apartment. It's true. Magulo talaga ito. Pero bakit tila na offend ako nang sa kaniya pa manggaling iyon?

"Tinatanong ko ang pangalan mo!" Sigaw ko.

"One pair of cutlery? One glass?" Narinig kong bulong niya sa sarili nang sipatin ang lababo ko.

"How about pots and pans? Where do you cook? I don't see any stove as well..." nailing siya sa sarili. Kumunot ang noo ko.

"Excuse me?!" Kinuha ko ang atensiyon niya. Nilingon niya ako. Hindi ko mawari kung nanghuhusga o dismayado ang tinging ibinigay niya.

"How are you surviving?" Tanong niya. Umawang ang labi ko. Hindi makapaniwala.

Nandito ba siya para husgahan kung anong klaseng pamumuhay ang meron ako?

Lumakad siya palapit sa akin. Napalunok ako at humigpit ang pagkakahawak sa walis.

"Diyan ka lang!" Pigil ko nang makarating siya sa kabilang dulo ng walis. Huminto siya.

"Sino ka ba? A-At paano ka nakapasok kagabi?" Kinakabahang tanong ko. Lumabi siya at itinaas ang kamay.

"Alright. I am Sixto." Tumango tango siya. "Paano ako nakapasok? Your door wasn't locked last night." Nailing siya at kahit hindi bigkasin ay tila sinasabi niyang napaka pabaya ko.

Napalunok ako at hindi pinansin ang tinging ibinibigay niya. Nilingon ko ang pinto at napaisip. I was so sure na nailock ko iyon kagabi.

"I'm telling the truth," sabi niya nang mapansin ang tingin ko. Muli ko siyang nilingon. Huminga ako ng malalim at tumango.

"Sabihin na nating ganon nga pero bakit ka naman nandito? Anong kailangan mo sakin? Ha?!" Nilakasan ko ang boses at umaktong malakas ang loob.

"Because... you've asked for me." Seryosong sagot niya. Ibinaba niya ang kamay. Malalim ang naging titig niya sa aking mata. Hindi ko mawari kung bakit tila nakakahalina iyon at tila gusto kong madala.

Nailing ako at inayos ang sarili.

"Ano? Never ako humiling ng isang lalaki!" Inis na sagot ko. He chuckled.

"Of course you didn't." Tumango siya at prenteng hinawi ang walis. Nabigla ako at nabitawan iyon. Nanlaki ang mata ko at bago ko pa muling madampot iyon ay nakalapit na siya sa akin.

"You didn't ask for a guy, but you wished for your blessings... and I am here to give you that..." bulong niya. Yumuko siya at itinapat sa akin ang kaniyang mukha bago unti unting lumuhod.

Kinuha niya ang kamay ko at ngumiti. "I'm here to make your wish come true... master." Nakakaakit niyang bulong bago hinalikan ang kamay ko. Nakapikit pa siya at tila isang alilang humahalik sa palad ko.

Nangatal ang tuhod ko at halos matumba. Someone just kissed my hand! Ano ba ito?!

"Are you okay?" Nagtanong siya nang hindi ako kumibo. Muling bumalik sa kaniya ang tingin ko. Nasa ganon parin siyang posisyon. Mabilis kong nahigit ang kamay nang matauhan at hinawakan iyon.

Umatras ako ngunit natalisod sa upuang nakaharang sa likod. Mabilis niya akong nasalo. Nailing siya habang nakangisi.

"You're so careless, my lady..." mahinang bulong niya. Naramdaman ko pa ang init ng hininga nang dumampi ito sa mukha ko.

Naramdaman ko ang pagbilis lalo nang puso sa kaba. Magsasalita sana ako ngunit nabigla nang masinok. Napatakip ako nang bibig at agad siyang naitulak palayo.

"A-Ano ba? Baliw ka ba?!" Sigaw ko. "Master. My lady. Ano pa bang itatawag mo sa'kin sa susunod ha?! At a-anong wish come true pinagsasabi mo?!" Lumayo ako muli sa kaniya.

"I know it's hard to believe... pero narito ako dahil napagod na ang langit at lupang makinig sa walang humpay na mga panalangin mo." Kumunot ang noo ko.

"Panalangin ko? At ano namang pakialam mo dun?" Nalilitong tanong ko. Nailing siya tila nawawalan ng pasensiya.

"Like what I've told you. I will make your wish come true..." napatitig ako sa seryosong mukha niya. Napapaisip. Unti unti siyang ngumiti sa akin.

"Takas ka ba sa mental?" Wala sa sariling tanong ko. Napa face palm siya.

Oo nga at gwapo siya. Pero nakakabaliw ang presensiya niya. Bigla bigla siyang susulpot at sasabihing didinggin niya ang panalangin ko? Tinatawag niya pa akong master at my lady! Pati ata ako ay masisiraan na ng ulo sa kaniya.

Humugot siya nang malalim na buntong hininga at nang akmang magsasalita na ay may biglang kumatok sa aking pintuan.

Pareho kaming napalingon doon. Napatingin ako sa kaniya. Tumango lang ito at gumilid nang makitang natatakot ako sa kaniya.

"Buksan mo," wika niya.

Muling kumatok ang tao sa labas. Alanganin akong tumakbo at pinagbuksan iyon.

"Hija! Mabuti at narito ka pa. Dinalhan kita ng almusal mo at lagi kang umaalis ng walang laman ang tiyan." Si Mang Marsing iyon na may ari ng bahay.

Lumabas ako at sinilip ang misteryosong lalaki. Nakatayo lang siya doon at nakikinig. Nang tumingin sa akin ay agad akong napaiwas at sinara ang pinto.

"M-Mang Marsing! Mabuti at nandito ka. May sasabihin po ako..." bulong ko. Palinga linga.

"Oh bakit? Ano ba 'yon, hija?" Tanong niya nang mapansin ang aligaga kong kilos.

Huminga ako nang malalim at tinuro ang bahay.

"M-May lalaki po sa loob! Hindi ko kilala. Mukhang takas sa mental! Ah ewan ko! Basta bigla nalang siyang sumulpot kagabi tapos ay –" natigil ako sa pagsasalita nang bumukas ang pinto.

Napatingin doon si Mang Marsing. Mabilis akong umikot at nagtago sa likod niya.

"S-Siya po iyon!" Turo ko nang lumabas ito.

"Magandang umaga po!" Ngumiti ang lalaki kay Mang Marsing.

Napahigpit ang kapit ko sa damit ni Mang Marsing.

"Sixto! Ikaw pala 'yan!" Nagulat ako nang bumati si Mang Marsing. Napabitaw ako sa damit niya at umayos nang tayo.

"K-Kilala mo siya?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Aba'y oo naman! Si Sixto ito! Anak ng amo ko!" Napakurap kurap ako. "Eh teka lang, hijo. Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Exactly! Hindi ko rin–" naputol na naman ang sasabihin ko nang mabilis akong hinigit ng lalaki.

"Come on! Don't be like that love!" Inakbayan niya ako. Humalakhak pa siyang parang baliw. Napalunok ako. Gusto kong tanggalin ang braso niya pero mahigpit ang pagkakakapit nito sa akin.

"Pasensiya ka na Mang Marsing... may tampuhan lang kami netong girlfriend ko." Napanganga ako at hindi makapaniwalang tiningnan siya.

"G-Girlfriend?" Tanong ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Girlfriend ba kamo hijo?" Natatawang sabi ni Mang Marsing.

"Opo..." ngumiti ito sa kaniya.

"Aba'y kung ganon pasensiya na at naabala ko kayo..." tumango ito. "Heto, hija! Almusal mo. Kung kulang pa ay pumunta lang kayo sa bahay ko!" Ngumiti ito at inabot ang dalang pagkain bago umalis.

"T-Teka lang po!" Sigaw ko ngunit hindi niya na ako pinansin. Siniko ko sa tagiliran ang lalaki at sinamaan ng tingin.

"Lumayo ka sakin!" Sigaw ko at tumakbo papasok sa loob. Mabilis kong sinara at nilock ang pinto para hindi siya makapasok.

Nang makapasok sa loob ay napasandal ako sa pinto at hinihingal na pinakiramdaman siya. Nang walang marinig na kahit ano ay dinikit ko ang tenga sa pinto.

"Umalis na ba siya?" Bulong ko sa sarili.

"Hindi pa." Napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses niya. Binato ko ang pinto nang gamit at sumigaw.

"Umalis ka na!"

"If that's your wish... then you have to properly say it." Sagot niya mula sa labas. Lumunok ako at humugot ng lakas ng loob.

Napa sign of the cross pa ako at napapikit bago nagpasyang magsalita.

"I want you to leave! Hinihiling kong umalis ka na at huwag ng magpakita sa akin kahit kailan!" Sigaw ko.

"If that's what you want... your wish is my command, my lady..." mahinang sagot niya. Ilang saglit matapos iyon ay napalapit ako sa pinto at muling pinakiramdaman ang kilos niya.

Marahan akong naglakad patungo sa bintana nang walang marinig na kahit ano. Sumilip ako at tiningnan kung talagang nakaalis na siya. Nang hindi matanaw ay nakahinga ako ng maluwag.

Napahawak ako sa dibdib at nanghihinang napadausdos sa sahig.

What the fuck was that? This is too much for a new day!

A new day! Speaking of a new day!

Mabilis akong napatayo nang matauhan. Tiningnan ko ang oras. Alas nuwebe na! 9:30 ang unang klase ko ngayong araw!

Napatakbo ako sa banyo at mabilis na naligo. Mabilis akong nagbihis at inayos ang gamit. Dinala ko ang ibinigay na pagkain ni Mang Marsing at patakbong nagpunta sa terminal.

Swerte nalang at mabilis akong nakasakay. Tahimik akong nagdasal habang nasa byahe.

Terror at sobrang strict pa naman ng professor ko pagdating sa punctuality. May long quiz pa kami ngayong umaga!

Nang makarating sa school ay patakbo akong pumunta sa room. Nakasalubong ko pa sa pinto ang professor kung kaya tumaas ang kilay niya sa akin. Ngumiti lang ako at bumati.

Nakahinga ako nang maluwag matapos makaupo.

"Late? Himala ata." Bulong ni Nina sa tabi. Ang seatmate ko. Awkward lang akong ngumiti.

Kung alam mo lang ang nangyari ngayong umaga. Napapikit ako at nailing sa sarili. I need to focus!

Hindi nagtagal ay nagsimula ang talakayan at ang quiz namin. Saka lang ako nakakain nang magkaroon ng vacant.

Habang kumakain sa canteen ay tulala ako. Nagdadalawang isip.

Nangyari ba talaga lahat ng 'yon?

Hindi ko na namalayan kung anong oras ako nakatulog kagabi dahil sa kakabantay sa lalaking 'yon. Napailing ako.

Talaga bang hindi ko na i-lock ang pinto? Nagsasabi ba siya ng totoo? Didinggin niya ang lahat ng hilingin ko?

Pero bakit? Sino ba siya?

"Sixto..." Bulong ko sa sarili. Sixto lang ang nakuha kong pangalan niya.

"Huh? Ano 'yon? May sinasabi ka?" Nalingon ko si Nina nang magsalita. Agad akong umiling at ngumiti sa kaniya.

Hindi kami masyadong close pero siya ang madalas kong nakakasama sa school.

"Wala... may iniisip lang ako." Simpleng sagot ko.

"Alam mo, masyado kang secretive ano? Why don't you try din mag share kahit minsan? Nandito naman ako eh. I will listen to you." Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. Saglit akong napatitig sa kaniya.

I've been wanting to have a genuine friend. Ito na kaya 'yon? Ilang beses na rin kasi akong iniwan at pinagpalit ng mga dating napiling kaibigan kung kaya bahagyang takot nang mapalapit sa iba.

Pero paano ko naman malalaman ang sagot sa tanong ko kung hindi ko susubukan?

Ngumiti ako at hinawakan din ang kamay niya.

"Thank you, Nina..."

Matapos namin kumain at mag-usap ay nagpunta na kami sa susunod na klase.

Alas dos nang mag-uwian kami at pinasabay niya ako sa kaniyang sundo. Mayaman ang pamilya ni Nina. Alagang-alaga din siya kung kaya madalas ay sinusundo pa siya pag galing eskwela.

"Hindi na, Nina... may raket pa kasi ako at iba ang daan ko." Tanggi ko. Bumusangot siya at nanghinayang.

"Are you sure? Ihatid ka nalang namin sa work mo." Suggest niya. Umiling muli ako.

"Hindi na talaga. Sa susunod nalang siguro, Nina." Ngumuso siya.

"But–" naputol ang sasabihin niya nang bumaba ang bintana ng sasakyan at masungit na sumigaw ang nasa loob.

"Nina, come on! What's taking you so long?!" Sigaw nito. Yumuko si Nina at sumilip sa driver.

"Huh? Ikaw? Ugh! Why you? Where's my driver?" Inis na sigaw niya sa driver.

"I am your driver for today. Let's go!" Narinig kong sagot nito. Gusto ko sanang silipin ito ngunit nakaharang si Nina.

Inis na umayos ng tayo si Nina at humarap sa akin. Ngumiti siya at niyakap ako.

"Alright, Eli. Siguro next time nalang nga. Masungit ang driver ko today." Bulong niya sa akin. Ngumiti ako.

"Halata nga..." sagot ko. Natawa siya. Sinilip ko muli ang driver kahit hindi matanaw.

Bumusina ito at tila inip na inip na. Bumeso sa akin si Nina bago mabilis na pumasok ng kotse.

Humarurot ang sasakyan paalis at halos makain ko ang usok nito nang bumuga nang malakas.

Inis akong napa ubo at pinagpag ang sarili.

"Bastos." Bulong ko sa sarili habang nakatingin ng masama sa kotse.

Hindi nagtagal ay lumakad na rin ako papunta sa terminal. Mabilis akong nakasakay patungo sa hospital kung saan ako paminsan minsang pumapasok.

On call duty ako doon kung kaya tinatawagan lang sa tuwing kulang o walang assistant ang mga doctors. Simple lang naman ang trabaho ko dito. Nag aassist ng patients, kumukuha ng temperature or blood pressure, ako na rin ang nag aassist ng payments nila.

Nang makarating sa hospital ay agad akong nag disinfect at nagpalit ng damit. Dumiretso na rin ako sa pwesto at hindi nagtagal ay nagsimulang mag assist.

Alas siyete nang matapos ang duty ko. Halos apat na oras lang ang naging duty ko kaya medyo mababa ang ibinigay sa akin.

Nagpasalamat ako at umalis na matapos ibigay ang bayad sa akin. Nang makalabas ng hospital ay nagpahinga akong sandali at naupo.

Nilabas ko ang cellphone. Naka tape na iyon at lumang luma na. Basag basag na rin ang gilid ng screen.

Binuksan ko ang data at nagtingin ng messages. Baka sakaling may update sa aming research group. Panay lag pa ang cellphone ko pero wala akong magawa kundi habaan ang pasensiya dahil wala pa akong pamalit dito.

Pumasok ang bagong gawang group chat tungkol doon. Nagbasa ako ng napag usapan nila.

Nina: Come over to my house tomorrow. Dito nalang natin pag usapan ang mga gagawin and if you want, we can start immediately by tomorrow.

Tumango tango ako at nag reply.

Eli: Anong oras?

Hindi nagtagal ay pumasok ang reply niya.

Nina: After class :)

Sumang ayon ako at itinabi na ang cellphone. Tumayo na ako at naglakad patungo sa sakayan para umuwi.

Ngunit gaya nang nakasanayan. Bumili muna ako ng pagkain bago umuwi.

Nang makabili sa karinderya ay akmang aalis na ako nang matigilan sa nakapaskil na job offer advertisement sa poste.

Mabilis ko itong nilapitan at binasa. Job hiring iyon para sa isang restaurant. Nang tingnan ko ang location ay hindi iyon kalayuan mula dito.

May iba't-ibang position ang nakalagay doon ngunit waiter at waitress lang ang hindi masyado hinanapan ng qualifications at work experience.

Napangiti ako at kinuha ang iniwan na contact number doon.

Naglakad na ako habang sinusubukang tawagan ang number ngunit walang sumasagot. Napanguso ako at nilingon ang pinang galingan.

Kung pupuntahan ko iyong restaurant ngayon, aabot pa kaya ako? Huminga ako ng malalim at tumango sa sarili.

Kailangan kong subukan para malaman.

Mabilis akong naglakad papunta sa sakayan ng tricycle at nagpahatid sa location ng nasabing restaurant. Nang dumating ako don ay mukhang magsasara na rin sila.

Mabilis akong lumapit sa staff doon at nagtanong tungkol sa job offer nila.

"Naku, ma'am! Nahuli na kayo. Kakaalis lang ni boss. Siya ang nag iinterview at nagdedecide kung tatanggapin niya ang mga applicants dito." Malungkot na sabi ng lalaking nakausap ko.

"Ganon po ba?" Napanguso ako.

"Kung gusto mo, bumalik ka nalang ng mas maaga bukas. Subukan mo ring mag message sa iniwan na number para alam niyang pupunta ka bukas." Sagot niya. Huminga ako ng malalim at tumango.

"Mukhang ganon na nga lang po... sige po, babalik ako bukas. Salamat po!" Wika ko at nagpaalam na rin.

Lumabas ako ng restaurant at naglakad pauwi. Sayang ang binayad ko sa tricycle! Hindi ko rin pala maabutan.

Huminga ako ng malalim at umiling. No. Ang mahalaga ay sinubukan ko, at bukas, alam ko na ang dapat gawin.

Pagod akong naglakad pauwi. Pinilit kong palakasin ang loob at tingnan ang positibo sa nangyari.

Huminga ako ng malalim at ngumiti sa sarili. Kumanta kanta pa ako para libangin ang sarili habang patalon talon sa kalsada ngunit natigilan ako nang mapadaan sa isang eskinita.

"P-Please..." Nalingon ko ang pinang galingan ng mahinang boses.

Napatakip ako ng bibig matapos makita ang isang lalaki na walang habas na pinagsusuntok ang isa pang lalaki. Lupaypay na ito at tila wala ng buhay.

Magtatago sana ako ngunit mabilis na niya akong nalingon. Naestatwa ako nang magtama ang tingin namin.

Kitang kita ko ang tila nagliliyab niyang mata. Nanginig ako sa takot.

Nag iwas siya ng tingin at patapon na binitiwan ang lalaki. Tuluyan na itong nawalan ng malay. Dumura siya at pinunasan ang labi. Tiningnan niya ako at tila naiinis na nailing.

Naglakad siya at iniwan ang nakahandusay na lalaki. Nilagpasan niya ako na tila walang nangyari.

Hindi makapaniwalang sinundan ko siya ng tingin. Nanginginig sa pinaghalong takot at galit.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 31.1K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
93.5K 1.3K 22
• [ONGOING] Romance - Action What will happen if the two prominent people were forced for a sudden union? Both rivals were forced to marry each other...
713K 25.2K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
114K 4K 16
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...