The Legend of Zevphera

Od Msshell

985 174 31

About the journey of the highest-paid assassin of the 21st century who was transported to the world of an anc... Více

The Start
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8

Chapter 4

97 19 5
Od Msshell

Habang hila-hila ko ang kabayo ko ay napatingala ako sa napakalaking tarangkahan ng Azuter.

I will start a new life here.

Sa Azuter ginaganap ang taon-taong military exam para sa mga batang lalaki na may edad labing limang taong gulang at gustong pumasok sa military. Kaya rito ako gusto papuntahan ni Ama.

Ngayon, imbes na sa tamang edad pa ako makakatapak dito, mas pinaaga na.

Nakilinya ako sa mga taong pumipila papasok sa Azuter. Marami ring sundalong kasalukuyang nagtitingin ng mga pass ng mga tao.

Nang ako na ay mabilis ko itong ibinigay. Sinuyod nila ako ng tingin. Nag-ayos naman ako bago pumunta rito at inilagay kong mabuti sa bag ko ang mga armas ko. Mukhang hindi naman sila nagtitingin ng gamit ng mga tao tanging 'yong mga nasa kalesa lang.

"Bata, wala kang kasama?" Iiling na sana ako pero nahalata ko sa itsura nilang hindi nila ako papapasukin kung aamin ako. Kaya lumingon ako sa likuran ko. 

Sakto namang may aleng kasalukuyang naglalabas ng mga gamit sa isang kalesa medyo 'di kalayuan sa pila.

Kumaway ako sa kanya at ngumiti ako nang pagkatamis-tamis.

I even do puppy eyes. I need to use my charm here. 

Una ay tila nalito ito pero kalaunan ay ngumiti rin at kumaway sa akin.

"Iyon ang ina ko! Pinauna na niya akong pumasok dahil mainit at marami pa silang ilalabas na gamit," sabi ko.

Mukhang naniwala naman sila. Agad nilang pinirmahan ang pass ko at tuluyan na nga akong pinapasok.

I felt the excitement in me upon entering my footsteps in Azuter Land. After days of traveling, Finally, I'm here! 

Now, I need to find General Andres Kawangis. 

Pero bago iyon maglilibot-libot muna ako. Naghanap ako nang pwede kong pag-iwanan sa kabayo ko.

Nang makakita ako ay agad akong lumapit dito.

"Iiwanan ko lang po siya ng isang oras," sabi ko sa lalaki. 

"Sige, sampung pilak." Kumuha ako sa natitirang pilak na nasa bulsa ko at ibinigay sa kanya.

"Salamat, bata!" Ngumiti lang ako at namasyal na.

Here, there's a place where you can leave your horses, and someone will take care of it. As long as you pay for their service. It's like pet boarding in the modern world, but it's only for horses. 

Naglibot-libot na ako. Ang daming tao rito. Malaki rin kasi ang Azuter. Sunod itong pinakamalaki sa Ancarte na kapital ng Ancard. Ang bansang Ancard kasi ay nahahati sa tatlong malalaking bahagi ang Ancarte, Morjin, at Azuter.

Marami ring mga pagkain at kung ano-anong nakakamanghang mga bagay na ibinebenta.

This world is really something realistically made since the foods here are somewhat similar to those in my world. The difference is that they were created without using technology.
 
They made everything through hard work and all man-made. 

"Ang laki ng pabuya sa batang ito!"

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ang kumpulan ng mga tao. Sumilip ako rito para makita.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang drawing ng isang batang babaeng kamukhang-kamukha ko at nakapaskil sa isang malaking bulletin board.

Pinaghahanap na nila ako!

Ang sino mang makakikita at makapagsasabi sa kinaroroonan ng batang babaeng ito ay may gantimpalang 500 pilak.

Malayo ang Azuter mula sa Morjin, kung saan ako galing pero nakarating pa rin sila rito sa paghahanap sa akin.

Agad kong tinago ang mukha ko bago pa ako mahalata ng mga tao.

Binilisan ko ang paglalakad ko at nagsumiksik sa mga taong naglalakad.
Akala ko pa naman makakapasyal ako ng matiwasay. Desidido talaga silang mahanap ako. Pati rito pinaghahanap ako!

Kailangan ko nang makita si Heneral at baka mauna pa akong mahanap ng mga taong naghahanap sa akin.

Nagmamadali ako, pero may dalawang lalaki pang humarang sa daraanan ko.

"Bata, anong problema? Bakit nagmamadali ka?"

Ngumisi sila habang nakatingin sa bag ko. Napahigpit ang hawak ko rito.

"Mukhang maraming laman ang bag mo, ah."

"Paraanin niyo ako," malamig kong sabi.

"Madali naman kaming kausap, eh. Paparaanin ka namin kung ibibigay mo sa amin ang dala mo."

Ayaw kong lumaban pero kailangan ko rin ang perang dala ko. Hindi ko naman kasi sigurado kung mahahanap ko agad si Heneral Andres Kawangis lalo't hindi naman basta-bastang tao iyon.

I prepared my defensive stance. 

"Aba! Lalaban ka!" Sumugod sila sa akin. Iniwasan ko ang mga atake nila saka sila pinaulanan ng suntok. Kailangan ko nang makaalis dito.

"Magbigay pugay kay Heneral Andres Kawangis!" Natigilan ako nang marinig iyon.

Tatakbo na sana ako sa direksyon no'n. Nang may kung anong tumama sa leeg ko. Biglang umikot ang paningin ko at tuluyan akong bumagsak.

Nakita ko pang marahas nilang kinuha ang bag ko.

"Akala mo, maiisahan mo kami!"  Tinapakan pa nila ang kamay ko.

I suddenly felt so weak, and the pain in my abdomen keeps getting stronger.

Damn, did they poison me?

Nilalabanan ko ang sakit pero tuluyan na akong nilamon ng dilim.

NAPABALIKWAS ako ng bangon at inilibot ang tingin sa paligid ko.

"Gising ka na pala." Tinitigan ko ang matandang lalaking mukhang galing pa sa gyera.

"Kumusta ang pakiramdam mo?"

"Ayos naman po." Wala naman na akong nararamdamang sakit sa katawan ko.

"Nandyan na pala ang gamit mo." Napatingin ako sa tinuro niya. Nakapatong sa maliit na mesa ang bag ko.

"Kayo po ba ang nagligtas sa akin? Salamat po."

Tumango siya at tipid na ngumiti.  "Walang anuman."

"Sino po pala kayo?" tanong ko.

"Ako si Heneral Andres Kawangis." Nanlaki ang mga mata ko. "...dinala muna kita rito sa inn para makapagpahinga ka at matanggal ang lason sa 'yong katawan."

"Heneral, naglakbay ako rito sa Azuter dahil hinahanap kita." Hindi ko mapigilang sabihin.

"Alam ko, nang makita ko pa lang ang suot mong kwintas ay alam ko ng ako ang pakay mo." Napabuntong-hininga siya.

"Ang kwintas ay binigay ko sa iyong ama bilang regalo noong ikaw ay maipanganak. Ikaw si Zevphera hindi ba?"

Tumango ako. Tinitigan niya ako. "Ikaw ang dugot-laman ng aking magiting na kaibigan." Malungkot ang mga mata niya.

"Kasalukuyang nasa digmaan ako sa Goryo nang matanggap ko ang balitang pinatay ang iyong ama. Gustong-gusto kong pumunta sa Morjin pero nasa alanganin akong sitwasyon. Nang malaman kung nakatakas ang anak niya. Nagkaroon ako ng pag-asang baka sa akin ka pumunta. Kaya bumalik ako agad ng Azuter at tama nga ako nandito ka na nga."

I can feel his regret and sadness over my father's death.

"Papalabasin kong isa ka sa mga batang iniligtas namin sa digmaan sa Goryo. Magiging tagasunod ka muna sa kampo gaya ng ibang bata saka kita kukunin upang sa bahay tumira."

"Pero pinaghahanap na po ako. Nakita ko ang mga larawan kong nakapaskil sa bawat sulok ng bayan at may gantimpala."

"May naiisip akong paraan upang hindi ka nila mahanap. Pero nasa 'yo kung papayag ka."

"Ano po 'yon?"

"Maging lalaki ka." Natigilan ako.

"Pumapayag ka ba?" Unti-unti akong napatango.

Kailangan kong mabuhay para makapaghiganti kaya gagawin ko lahat.

Walang emosyon kong tinitigan ang salamin habang pinapanood ang unti-unting pagkahulog ng mga buhok ko habang ginugupitan ako.

My long and silky hair, which my mother loved and used to comb every day, is now gone. 

"Nasaksihan ko ang galing mo sa pakikipaglaban. Pagdating mo ng ikalabing limang taon ay saka ka sasali sa pagsusulit upang makapasok sa army. Matangkad ka, may mababang boses,  wala ring bahid ng pagiging babae ang kilos. Hindi nila mahahalatang babae ka. Basta mag-ingat ka lang."

My father wanted me to enter the military as a woman.

Sabi niya noon gagawa siya ng paraan para maisali ako. Siguro naman daw pagdating ko sa tamang edad para pumasok sa military ay naiayos na niya ito.

He didn't want me to hide my sexuality, but right now. This is my only escape.

If I pretend to be a man, Zevphera will not exist. And no one will find her.

"Hindi na ikaw ang nag-iisang anak na babae ni Heneral Balantagi. Hindi ka na babae. Tandaan mo simula sa araw na ito lalaki ka na. Ikaw na si Zev!"

Gaya nga nang sinabi niya tumira muna ako ng dalawang taon sa kampo kasama ang ilang batang iniligtas nila sa Goryo at pansamantalang naging utusan ng mga sundalo. Bago niya ako kinuha para sa bahay niya na tumira.

"Ama, sino siya?" Napatingin ako sa dalawang batang kuryosong nakatingin sa akin pagdating namin sa tahanan ni Heneral.

"Mga anak, siya si Zev. Iniligtas ko siya sa Goryo. Dito na siya titira mula sa araw na ito."

"Zev, sila ang dalawang anak ko. Si Fabio ay labing tatlong taong gulang na at naghahanda na papasok sa army at si Elena ang bunso ko ay siyang kaedad mo."

"Bakit siya rito titira? Magiging kapatid ba namin siya?" nakasimangot na tanong ng batang babae habang nanatiling tahimik at nakatingin lang sa akin ang lalaki.

"Gusto ko nga sanang mangyari 'yon pero gusto ni Zev na maging tagasunod lamang sa ating tahanan."

Ayaw kong ampunin niya ako. Ayos na sa akin na pinatuloy niya ako sa tahanan niya dahil naiisip kong baka magsuspetsa pa rin ang mga naghahanap sa akin. Maraming kaibigan ang ama ko baka isa-isahin nila 'yon. 

Tumutulong ako sa paglilinis ng mga silid, pagdilig ng mga halaman, at pagsunod sa mga utos nila.

Iyon ang ginawa ko sa nagdaang limang taon. Ang maglingkod sa tirahan ni Heneral Andres.

"Zev! Bagay ba sa akin?"

Sa tagal na papamalagi ko sa tirahan ni Heneral ay naging malapit na ako sa dalawang anak niya. Pati rin ang bunso niyang anak na si Elena na mas matagal ko nga lang nakapalagayan ng loob. Kami lang naman kasi ang laging naiiwan sa bahay kasama ang ilang tauhan nila. Matagal naman na kasing patay ang asawa ni Heneral Andres. Nasa army na si Fabio at bihira ring umuwi si Heneral.

Pero uuwi raw silang dalawa ngayon dahil gusto nilang hintayin ang magiging resulta sa pagsusulit ko.

"Maganda ka na, Elena. Hindi mo na kailangan gumamit ng maraming ganyan. Dapat kaunti lang ang nilalagay mo."

She really looks like a clown sometimes with her make-up because she overdoes it so much. Especially she's still young. We're just fifteen! She's just too addicted to make-up.

Magaganda ang quality ng mga make up dito. Basta marunong ka lang pumili ng babagay sa 'yo. Gusto ko nga sanang subukan pero dahil nagpapangap akong lalaki. Mukhang malabo ng mangyari.

"Ang tanong ko. Bagay ba sa akin? Hindi mo sinagot." Napahalukipkip siya.

"Hindi mo bagay. Masyadong makapal," sagot ko. Napasimangot siya.

She asked me, and I answered honestly.

"Tsk! Sabagay lalaki ka naman. Wala kang alam sa ganito!" maktol niya. Kung alam mo lang.

"Huwag mong kalimutan akong bilhan ng bagong labas na kolorete, ah." Muling paalala niya nang papalabas na ako sa pintuan.

Magpapa rehistro kasi ako ng pangalan ko sa army dahil sa susunod na linggo ay pagsusulit na. Kaya nagpapabili siya dahil madadaanan ko naman ang tindahan ng mga paborito niyang mga kolorete.

Hindi ata siya mabubuhay ng walang make up.

Mabilis lang akong nakapagparehistro dahil huling araw naman na. Mas maraming nagrehistro noong mga unang araw. Kaya hindi rin ako pumunta no'n dahil ayaw kong pumila nang matagal.

Bumili na ako ng paborito niyang kolorete.

"Para ba ito sa 'yong kasintahan o si Binibining Elena?" tanong ng nagtitinda.

"Kay Elena po," sagot ko.

Tuwing may bagong labas kasing produktong kolorete rito ay nangunguna talaga si Elena sa pagbili.

"Ay, akala ko may kasintahan ka na."
Umiling ako. Agad ko itong binayaran at naglakad na paalis.

Pauwi na ako nang makasalubong ko ang isang hukbong militar ng Azuter. Kaya napatigil ako.

"Maraming matatalinong lalahok sa pagsusulit ngayong taon. Tingin mo sinong mangunguna?"

"Siguro si Agnar na anak ni Heneral Dargon ng Ancarte, o pwede ring si Henry na anak ni Heneral Rafael ng Morjin."

"Si Carius din na pamangkin ni Heneral Andres!"

Napaismid ako nang marinig ang pangalan niya. Napakayabang ng kumag na 'yon. Tuwing dumadalaw nga sa bahay ay iritang-irita si Elena.

"Mga tanyag nga ang mga pangalang 'yan. Pero kung nagkaanak si Heneral Balantagi. Doon ang boto ko. Siguradong may laban din iyon."

"Hindi ba may anak siya?"

"Oo, kaso babae raw ang anak niya. Kaya hindi rin iyon makakapasok sa army. Hindi nga sigurado kung buhay pa iyon pero ang usap-usapan nakatakas daw noong gabing pinatay si Heneral."

Napahigpit ang hawak ko sa kolorete. Mabuti at hindi ako tuluyang nilamon ng inis ko dahil kundi wasak-wasak na ito.

I'm happy that people still remember my father to this day, but I can't help but get irritated at how they discriminate me as his daughter. 

"Elena, marami na akong natatanggap na alok tungkol sa 'yo. Gusto mo na ba akong pumili ng iyong papakasalan?" biglang tanong ni Heneral Andres habang kumakain kami.

Hindi na rin ako nagulat. Dito pagsapit ng ikalabing limang taong gulang ng mga babae ay pwede na silang ikasal. Karamihan nga ay arrange marriages.

"Ama! Ayaw ko pang ikasal! At gusto ko mahal ko ang lalaking papakasalan ko."

"Anak, hindi na uso 'yan at saka hindi naman ako basta-bastang pipili ng lalaking para sa 'yo. Sisiguraduhin kong galing ito sa maayos na pamilya."

"Basta ayaw ko! Pero kung..." Kinabahan ako nang binitin niya ang sasabihin niya at tumingin sa akin.

"...kung kay Zev mo ako ipapakasal baka hindi pa ako tumanggi!"

Pareho kaming nabilaukan ni Heneral nang marinig iyon.

"Grabe namang reaksyon 'yan! Nagbibiro lang naman ako!" maktol niya.

"Elena!" Pagpapatigil sa kanya ni Heneral.

"Pero bakit, Ama? Ayaw mo ba kay Zev? Matagal na siya sa atin. Mabait, matalino, at makisig din siya. Kung magkakaroon ka ng apo na maganda ang kumbinasyon manggagaling na iyon sa aming dalawa."

"Hindi naman sa ayaw ko anak pero si Zev ay parang anak ko na rin. Parang magkapatid na kayo. Kaya hindi siya pwede."

Hindi na maipinta ang mukha ni Heneral habang nagpapaliwanag.

"Magpipinsan nga nagpapakasal. Si Zev hindi naman natin kadugo."

Gusto ko nang takpan ang tenga ko para hindi marinig ang mga pinagsasabi ni Elena.

I'm feeling the second hand embarrassment!

"Tama na, Elena. Hindi na kumportable si Zev sa mga pinagsasabi mo." Pagpapatigil sa kanya ni Fabio.

Nakahinga lang ako nang tumahimik siya.

Alam kong nagbibiro lang si Elena pero paano kung seryosohin niya at talagang magkagusto siya sa akin. Hindi pwedeng mangyari iyon.

Kasi mahihirapan akong saktan ang damdamin niya. Lalo't itinuring ko na siyang tunay kong kapatid. Paano pa kapag nalaman niyang hindi naman ako tunay na lalaki.

Mabuti na lang bukas na ang pagsusulit ko at malapit na akong pumasok sa army. Sana sa panahong nandoon ako ay may ibang lalaking makakuha ng atensyon niya.

"Galingan mo!" Pag-cheer ni Elena sa akin. Sinamahan niya ako hanggang sa labas ng exam hall kung saan gaganapin ang paper exam namin.

Maraming kumuha ng pagsusulit. Hula ko nga aabot kami ng limang daan.

Sa upuan ay nakalagay na ang mahabang papel na kung saan namin isusulat ang mga sagot namin. Ganoon din ang booklet at ballpen.

Isinulat ko ang pangalan ko.

Zev Gonzalvo 

Ginamit ko ang totoong apilyedo ko. Nang sinabi kong ito ang gusto kong apilyedo kay Heneral Andres ay kinabahan pa ako dahil baka ayaw niya at tunog banyaga ito sa mundong ito pero sinabi niyang akmang-akma ang napili kong apilyedo. 

Hinati sa dalawang parte ang military exam. Ang paper exam at physical exam na parehong may tig-isang daang puntos. Paper exam muna ang mauuna bago ang physical exam dahil kailangan munang ilabas ang resulta ng mga nakapasa sa paper exam kung saan kukunin ang mga magtutuloy sa physical exam. Kaya nasalang mabuti ang mga makakapasok sa army.  

Nagsimula na ang pagsusulit. Dalawang oras lamang ang ibinigay nilang palugit sa amin para matapos.

Madali naman ang pagsusulit sa pagkakaalam ko kaya pakiramdam ko lahat kami papasa at makaka-perfect.   Kaya may sinadya pa akong malian.

Napangiti ako nang paglabas ko ay nandoon pa rin si Elena at hinihintay ako. Ang cute niyang nakaupo sa sahig at tila binibilang na ang mga taong dumaraan para lang hindi mabagot.

Agad siyang tumayo nang makita ako.

"Kumusta ang pagsusulit?" excited niyang tanong.

"Ayos naman. Nakasagot naman ako," sagot ako.

"Mabuti kung ganoon. Tara na!" aya niya. Didiretso kami sa bayan kung saan idadaos ang lantern festival.

"Naalala mo ba noong sinamahan mo ako sa Ancarte para dumalo sa Lantern Festival nila. May gustong-gusto akong bilhin na ipit tapos hindi natuloy na ibenta sa akin ng may-ari. Kasi dumating si Prinsesa Sophia at sinabing gusto niya rin 'yon." Napanguso siya. "Kahawig nito oh!" Sabay turo niya sa isang naka display na hair pin.

"Ay iyon ba? Syempre naalala ko!Nagpanggap kang ayos lang pero pagtalikod nila umiyak ka at inaway mo iyong may-ari," natatawang sabi ko.

"Hmp! Nauna kasi ako pero binigay pa rin niya sa iba!"

"Edi, bilhin mo na 'yan!" udyok ko.

"Ayaw ko! Pangit ang alaala ko riyan! Hindi na rin ako nagagandahan."

Nasanay kasi siya sa Azuter na nakukuha niya lahat ng gusto niya dahil kilala naman siyang anak ni Heneral Andres. Sa unang pagkakataon hindi siya napagbigyan. 

"Pero doon ka nagsimulang bumait sa akin," dagdag ko.

Lagi akong sinusungitan noong unang taon kong manirahan sa kanila.
Hindi siya mabilis mapaamo gaya ni Fabio. Napakamaldita niya.

"Naantig kasi ang puso ko kasi inalo mo ako no'n at hindi mo rin ako sinumbong kay Ama sa pagwawala ko roon."

"Pero bakit ka ba iritang-irita sa akin no'n? Napakamaldita mo pa."

Napahalukipkip siya. "Sinong hindi maiirita sa 'yo! Tuwing may uutos ako titingnan mo lang ako ng walang emosyon tapos susundin mo na. Kung tumingin ka pa parang bobong-bobo ka sa akin."

Well, I'm really used to that expression. Kaya nadala ko rin dito. Iyong tipong walang pake sa lahat.

Mabuti nga unti-unti na akong nakaka-adapt dito sa pagpapakita ng emosyon.

"Ganoon lang talaga ako tumingin. Normal ko na iyon."

"Alam ko, hindi lang ako sanay no'n. Pero alam mo ba pakiramdam ko iyon ang dahilan kung bakit ang dami kong kaibigan na gustong magpareto sa 'yo. Gustong-gusto nila ang pagiging malamig at misteryoso mo."

Damn, here we go again with this topic.

"Bakit kasi hindi ka pa nagkakaroon ng kasintahan? Dapat bago ka pumasok sa  army may kasintahan ka na. Matagal kang hindi makakalabas at mahirap ang pagsasanay dapat may inspirasyon ka!" 

"Wala pa sa isip ko 'yan at hindi ko rin kailangan ng inspirasyon."

"Sayang naman, may bago ulit kasing nangungulit sa akin. Apo siya ng ministro at kakilala niya rin ang mga prinsesa sa Ancarte. Nakita ka raw niya noong minsang isinama ka ni Ama sa kanila."

"Huwag ako ang isipin mo sarili mo dapat. Dahil pakiramdam ko talagang ipapakasal ka na ni Heneral."

Napasimangot siya. "Hindi ako papayag! Gusto ko mahal ko ang papakasalan ko."

"Ayos 'yan! Tara na, at maghanap ka na ng lalaki!" aya ko.

Natatawang hinampas niya ako. "Bunganga mo!"

Nagtawanan kami.

Marami ng tao nang dumating kami sa bayan. Agad kaming bumili ng tig-isang parol dahil nagkakaubusan na sa dami ng tao.

We lined up with the crowd of people who were excitedly lighting their lanterns. 

"Paumanhin," sabi ko nang may mabangga ako.

Matangkad ako pero tila nanliit ako sa lalaking nabangga ko. Matangkad siya at matipuno pa ang pangangatawan. Kung hindi lang ako nakabalanse baka tumalsik na ako.

"Paumanhin din," mahinang sabi niya at mabilis nang lumakad palayo. 

Tinitigan ko ang anyo ng lalaki. Pareho pa kami ng disenyo ng parol. Pero bakit hindi niya sinindihan?

"Kilala mo iyon?" tanong ni Elena. Umiling ako.

I just realised he seems suspicious; he's wearing a hat that almost covers his face and avoids eye contact. 

Pero marami namang sundalo sa paligid kaya kung may gagawin man siyang masama. Siguradong mahuhuli siya.

Isinawalang bahala ko na lang ang pag-iisip sa lalaki at nagpalipad na kami ng mga parol.

"Zev! Gising! Inilabas na raw ang resulta!" Pupungas-pungas pa akong bumangon sa kama ko nang marinig ko ang matinis na sigaw ni Elena.

Sa sobrang excitement niya ay paglabas ko pa lang ay naabutan ko na siyang maayos na nakasakay sa kabayo niya.

"Tara na!" aya niya sa akin. Napailing na lang ako sa inasta niya at kusa nang umangkas sa likuran niya.

Wala ng oras para kunin ko pa ang kabayo ko.

Pagdating namin sa labas ng exam hall ay ang dami ng tao. Mabilis kaming bumaba sa kabayo at ako na mismo ang nagtali rito sa punong malapit. Humihikab pa ako.

"Bilisan mo naman!" Hindi na nakatiis si Elena at hinila na ako sa malaking bulletin board.

Dahil huli kaming dumating hirap kaming sumingit para makapunta sa harapan.

"Ano ba!"

"Pasensya na po. Makikiraan lang!" Ako na ang humingi ng dispensa dahil tila walang pakialam si Elena at basta na lang pinagtutulak ang mga tao.

Unang tiningnan ko ang pinakamababa. Doon ko lang nahalata na sa 500 na nag-exam ay 300 lang ang pumasa.

Pilit kong hinanap ang pangalan ko sa mga nakapaskil pero ganoon na lang ang pagkadismaya ko nang hindi ko nakita.

I can't believe that I failed!

Bagsak ang balikat kong hinila si Elena.

"Teka lang! Baka may nakaligtaan lang tayong tingnan!"

"Hindi na. Wala talaga akong pangalan," malungkot kong sabi.

"Huwag ka na malungkot. Pwede ka pa rin naman sumali ulit sa susunod na taon."

Damn, have I become too confident about the exam? That, I eventually failed! 
 
Parang gusto kong bumalik ang oras para muling mag-exam at sisiguraduhin ko nang susuriin kong mabuti ang mga magiging sagot ko.

Paalis na sana kami nang may malakas na sumigaw.

"Magsitabi kayo! At ilalagay na namin ang nanguna sa pagsusulit!" 

"Tara, tingnan natin!" Hindi ko na napigilan si Elena nang hinatak niya ako pabalik.

I felt the time stop for me when I finally saw my name. And it's on top!

🥇 Zev Gonzalvo
- siyamnaput-siyam na puntos

99 points? I can't believe I almost perfect it!
 
Shels<3

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

61.9M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
90.8K 4.8K 52
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Completed Date Started...
7.8M 249K 70
ʚ PUBLISHED UNDER PSICOM ɞ ʚ Wattys 2016 Winner: Writer's Debut ɞ [ Book 1 of Crewd Academy ] Crewd Academy, a mystifying school where Selendria had...
502K 35.3K 54
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...