Soulless of The Pure

By niegelclydrius

3K 113 36

She is everything written in books that is entitled to rule the world. Everything magnificent is after her na... More

Warning!
Prologue
1
3
4
5
6

2

208 9 8
By niegelclydrius

The devil is gorgeous.

***

“Zoel, tawag ka ni Dean.” Greg uttered. Isa sa mga kasundo ko. He was a nice guy. He is older than me kaya parang kuya ko na. But he insisted na hindi niya daw trip na tawagin na kuya. He took Legal Management as his pre-law, kaya halimaw rin sa recits.

“Eh, kukuhanin mo na naman ang baby Zoel ko,” Ingkos naman ni Mary. Ang babaeng dinaig pa si Hail sa sobrang pagka-clingy. Kung usapang maganda ay maganda ito. Nagmumukha lang siyang masungit dahil sa kilay niya ngunit lagi namang naka-ngiti ang gaga kaya dalang-dala ang mga tao. Kung gusto mong maraming maloko sa pyramiding scam ay siya agad ang kunin mo. 

This woman doesn't know the word no. Ako nga lang halos ang nakaka-hindi dito. She is charming and persuasive. Isa sa mga trait na pamatay kapag siya kalaban mo sa mock trial. 

Lima kami bale na halos iisa ang likaw ng bituka. Wala pa si Milan at Aurora. 

“Saan mo na naman dadalhin si babe?” Angal naman ni Aurora habang naka-ngisi lang si Milan. Milan is definitely gay na may gusto kay Eros na mabuti naman ay hindi ako ginugulo.

Isa pang sakit ng ulo ko ang epal na 'yon. Noong freshman pa kami nangungulit. Hindi ko naman siya trip. Ayaw rin nila Greg dito dahil ang angas daw at narcissistic. 

Si Milan ewan ko kung paano nagkagusto doon sa lalaki. I mean, Eros Roxas is known to have influencial family in politics. At matalino rin ang lalaki at marunong at malinis manamit. 

“Una na ako, mga hangal!” Ani ko sa mga ito at binagtad ang Dean's office.

“Miss Gomez, thank you for allowing my request.” Ani ni Dean Wilson.

“It is a pleasure po,” Magalang na ani ko naman dito. 

He is a nice gentleman. Malapit na ito mag-retiro sa serbisyo pero kapansin-pansin pa rin ang tikas at pagiging graceful nito.

“We will be having a new addition to our faculty. At dahil ikaw ang nirekomenda ng batch niyo na isa sa pinaka-mahusay ay ikaw ang napili naming faculty staff na umalalay sa bago niyong insructor. It will only last for a month since it is a transition period.” Ani nito na may malawak na ngiti. Hindi naman ako maka-angal dahil nakikita ko ang expectation nito na papayag ako sa task nila. Pero hindi ko naman kaya 'yon at graduating na ako. Ayokong matambak sa'kin lahat ng loads. Baka itakwil ako ng Papa kung babagsak ako.

“I am sorry, Dean—” I was immediately cut off.

“We will give you incentives. Take it or Take it? This is important to us, matagal na niligawan ng management na makuha ang service niya para dito sa academe so can you please do us a favor?” Malumanay na paki-usap ng Dean. Tumango na lang ako dahil may incentives e. 

Iyon lang naman ang hinihintay ko. Kasi kung walang incentives at favor lang ay bahala sila d'yan.

Matapos namin mag-usap ay tulala ako. Kasi punyeta naman. Ako talaga ang haharap doon sa nililigawan ng academe. Sana si Attorney Villafuente, please. Kung si Attorney crush ay kahit wala na pong incentives. Kidding.

Bumalik ako ng room at mukhang gusto ng chika ng mga hangal.

“Mga hayop talaga kayo!” Reklamo ko noong maka-upo ako sa tabi ni Aurora.

“Bakit babe?” Tanong naman nito, habang pigil ang tawa. 

“Ako pa talaga ang binida niyo sa dean, ako tuloy ang bahala sa transition period nung isang faculty.” Angal ko sa mga ito.

Malulutong na hagalpakan lang ang narinig ko. Hindi naman pinansin mg mga ito ang mga nakuha nilang tingin sa mga ka-block namin.

Mga hangal talaga e. 

“Pero babe, maganda 'yan. Ang alam ko kasi mabangis yung kinukuha nila na 'yon. Kaya ka naman namin tinuro kasi favorite ka nga ng mga terror kaya baka bumait sa'yo 'yang laman ng chika na halimaw daw. Parang barkada daw sila nung may alyas na Devil.” Ani ni Aurora na naka-recover na sa pagtawa. Namumula pa ang mukha nito. 

“So, ako talaga ang paín dito?” May sarkasmong bigkas ko at sila lang ay binigyan ako ng malawak na ngisi. 

Wala na rin naman akong magagawa at naka-oo na ako. I am nervous yet excited dahil parang big time nga ang aming bagong instructor kung sakali. 

Dahil orientation palang ay walang pagawa ngayon. Pero sabi ni Dean bukas daw ang dating nung bagong faculty. Sana lang talaga ay malakas pa ako sa guardian angel ko. Ayoko magbigay ng bad impression sa kaniya.

***

Mabilis akong umuwi dahil early dismissal kami. At ngayon ay pa-akyat na ako sa building pero bago pa ako maka-akyat ay may nabasa na akong message sa gc naming lima na nag-aaya sila uminom.

Tradition na namin ito na uminom para daw may swerte sa start ng semester. At dahil kilala ko sila na hindi ako titigilan kung hindi ako sasama ay nag-chat na agad ako ng oo.

Happy Hamps (Hampas lupa)
       

     7:05 pm

Aurora: Babe, sama ka ha!

Milan: Hoy, Gomez kasama ka.

Greg: Zoel, sasama ka?

Mary: Baby, sama kana pls🥺

 Oo na nga. Mga epal talaga kayo sa buhay ko.
seen

***

Kahit walang gana para mag-bar ay agad akong nagbihis dahil alam ko na ang task ko sa inuman, taga-hatid ng lasing. Punyeta talaga diba.

Agad kong pinarada ang kotse ko sa usapang bar na sinend ng mga hampaslupa. Hindi na ako nag-motor kahit na iyon ang trip ko dalhin dahil kawawa naman sila at mga lango sa alak mamaya.

Hindi masyadong nakakabulahaw ang mga tugtog sa bar na napili nila ngayon. At parang doon palang ay naghimala na ang diyos. Dahil hilig ng mga gago yung maingay na bar at more outgoing. Baka gusto lang nila mag-try ng bago o kaya may agenda ang mga kupal na 'yan dito. 

Kung ano man ang maging trip nila sana yung hindi ikaka-delay nang pag-graduate namin. 

Kaya ko sumalo ng bala at saksak huwag lang expulsion o kaya suspension from the admin.

Mabilis kong nakita ang apat mga akala mo mga nalugi kasi wala pa ako. Noong makita ako nila Greg ay agad kumaway na akala mo may sinusundo sa NAIA Terminal ang mga tanga. They are all smiling widely to me.

I barely express myself to them but I know I would do everything to protect them because they creating space for me to express my sincere and best version.

They are my people, kasama ni Ruelle at Hail.

“Para na naman kayong nalugi ah?” Untag ko sa mga ito. Mabilis na yumakap naman si Aurora at Mary sa'kin na bahagya kong ikinatawa. Clingy girlies.

“Ayaw pa raw nila magsimula ng wala ka pa. Halos 30 minutes na kami dito at puro iced tea at tubig ang order nila,” Sikmat naman ni Milan na ikinatawa naman ni Greg.

Kung may adik sa alak sa amin ay si Milan na iyon. Kulang nalang bumili 'yan ng dispenser ng alak. Gusto pa nga niyan pumunta ng ibang bansa para i-try yung wine fountain daw.

Hindi naman ako ganun ka-in sa pag-inom. I know I can handle my alcohol intake. Ayoko i-try na maging wasted. Baka kung ano pa gawin ko at lalo na ngayon na gusto nila mag-binyag ng sem. Paniguradong kaming dalawa ni Aurora ang aakay sa mga ito.

“Simulan na ang party dahil nandito na ang baby!" Sigaw ni Mary na ikinapula ng mukha ko. Dahil sa pag-lingon ng ibang umiinom.

At nagsimula na nga sila uminom. I was wearing black inside shirt, leather jacket and my washed jeans. Suot ko din ang cap kanina na ngayon ay nasa lames na.

They are starting rounds of martini, tequila and whiskey. Ganiyan ang mga 'yan kapag palong palo uminom. Mamaya ay magbabanlaw gamit ang beer bago mag-tequila ulit.

Kumakapal na rin ang mga tao at ganun din ang tugtog na kanina ay malumanay ngayon ay malakas na kaya halos hindi na kami magkarinigan. Dahil habang naikot ang shot glass ay we are talking about the new faculty member na anonymous.

“Ang sabi ng mga junior ay malupit raw yung bago.” Ani Greg na sobrang masculine pero sa chismis hindi rin papahuli.

“Ano bang background G?” Tanong ni Milan habang inisang lagok ang tequila.

“Nabored lang daw 'yon kaya nag-law tapos pumupunta ng iba't-ibang bansa to pass their bar exam. I heard she recently passed in SILE. Tapos niya na yung 6 na bar. It is from Korea, California, Nigeria, Philippines, New York and Japan.” Dagdag ni Greg na alam nong proud sa chika niya.

“Baka rumor lang at alam mo naman ang mga Junior yung iba ay delulu.” Aurora said while Milan just nod his head in agreement.

“Paano kapag hindi nga rumor?” Naka-simangot na tanong ko naman. Dahil punyeta parang sinasabi nila na sinasangkalan nila ako sa halimaw ang utak na 'yon.

“Edi patay ka, baby.” Mary said while laughing at my expression. So, ako na bahala? Ganun na lang talaga 'yon? Ang sama ng mga ugali oh.

“Mga hayop kayo!” Reklamo ko na umani lang ng tawa.

Umiikot na ulit ang shot at iba na ang topic. Dahil mga adults na ay yung si Milan at Greg game na game sa Sex Life topic.

It is an open secret to them that I am friends with Ruelle who's in relationship with Atty. Villafuente who happens to be my crush. Alam nila na may chance that I would date a woman but they never bug me about it.

Greg is like a kuya to all of us. Protective yan kahit may pagka-gago. He is in his 30's at kung halata? hindi.

He stood in 6'2 and muscles and brains all together. If I am like the other girls I would say positively that Greg is my type. He is golden retriever with an alpha vibe. He is smart, funny, gentleman and respectful.

Bagay na pinaka-gusto namin.

Milan on the other hand stood in 6 feet flat. Mukha siyang hot Korean Actor. Kaya hindi halata na gay siya. He prefer to keep his masculine look. But he is positively gay. He is very attractive kaso red flag for ladies. But this man is a keeper when in love. Two years na sila nung partner niya. His partner is a business man.

Aurora is 5'9 kung maganda yes. Kapag magkatabi sila ni Milan akala mo power couple. Dahil mas close sila nito in terms  of skin ship dahil minsan sinasabi kong huwag lumapit sa'kin kaya wala siyang choice kung hindi kay milan kumapit. 

Kaya madalas kapag alam kong bad mood at sensitive ito ay hinahayaan ko nalang lumingkis sa'kin kahit naiilang ako minsan. She always kiss my face and neck at minsan kapag gigil at nasa period she often bite my shoulders and neck. Ang bango ko raw kasi. At ako lang daw kasi ang napayag magpakagat.

Aurora and Mary are close especially in their emotional and intellectual bond. Na tingin pa lang nilang dalawa ay may meaning na. Ayaw nga lang ni Mary na magpakagat kaya hindi lumilingkis si Aurora dito.

Clingy si Aurora sa lahat. Pero dahil ako lang ang napayag sa kaparitcho niya na biting kaya madalas umakap sa'kin sabay kagat.

I bonded with Milan intellectually and emotionally. Pareho kami ng humor at ganun din ni Greg.

Sa dalawa naman ay I bonded with them in all aspects. But one thing is for sure. The only who would never hesitate to catch bullet for me is Greg.

Sinasabi nga minsan nila Milan na baka ako raw ang nawawalang kapatid ni Greg na madalas naming tawanan.

At dahil napaparami na rin ang inom ko ay agad akong nagpaalam para mag-cr. I put my cap backwards and zip my leather jacket.

I went straight to the cubicle and did my business. I was washing my hands when I heard a sob. Mabilis kong pinunasan ang kamay ko para tignan.

It was a woman in white dress. Her hair was covering her face at naka-yuko ito sa tuhod niya. I saw a couple of people that was about to pass by. Alam kong ayaw niyang makita siya ng mga ito umiyak kaya kahit may mahinang hikbi kanina ay nawala na ito. But I can still see her tears.

Agad kong hinubad ang cap at leather jacket saka siya dinaluhan.

“You are doing well. It will take awhile.” I whispered while draping my jacket and putting my cap in her head and leaving her alone. Dahil alam kong hindi naman niya ako kailangan don. But I hope giving my cap and jacket will remind her that there's something to look forward pa.

Mabilis akong nakabalik at nakita kong solid na lasing na ang mga hampas lupa. At mukhang sa unit ko ang bagsak ng mga loko.

Nakita ko naman si Aurora na tipsy na rin.

“Babe, can I bite you?" She asked me while pouting her lips. Para itong bata na humihingi lang ng kendi. Dahil alam kong iiyak siya kapag hindi napagbigyan lalo na at lasing kaya tumango ito.

Nagtatalon pa ito bago ako niyakap at hinalikan sa pisngi bago kagatin sa balikat. Her bites doesn't hurt that much. Parang kagat lang ng nag-teething na puppy.

I let her for awhile at kusa itong bumitaw sa'kin at nginitian ako. While she drank her water and helped me to handle the dead drunk bodies papuntang kotse ko.

Tinulungan pa kami ng guard kay Milan at Greg dahil nga malalaking mga tao. Pero buti ay nabuhat namin. Sa condo ko talaga madalas dalhin ang mga lasing dahil nandito ang mga hangover snacks na gusto nila.

Milan and Greg prefer to eat oatmeal and kinder bueno bars for their hangover snacks. While Mary wants a banana loaf and strawberry smoothie. Aurora like waffle and strawberries while drinking her chuckie.

Ako, kape. Pero dapat vending machine or hindi ko kilala ang magtitimpla. Kahit anong timpla basta stranger dapat ang magtitimpla. Isang beses nalasing ako nung second year namin halos umiyak daw sila dahil 3 am na ay naghahanap daw ako ng kape na ibang tao daw ang magtitimpla.

Kaya simula non ayaw na nila ako malasing.
Bakit kasi ang weird ng cravings ko kapag lasing. Pero may class kami sa bagong faculty by 6 pm today. Buti na lang at mga tulog na.

Milan and Greg settle in my living room in my floor mattress na kasya naman silang dalawa. Para silang mga tuta na magkayakap ngayon kasi lasing. Mary sleep on the other spare room. Ganun din si Aurora. Pero dahil lasing ay gusto niya tabi kami.

At dahil wala rin akong magawa ay pinagbigyan ko na. Aurora ang I washed up before settling in bed. Dahil pinunasan at pinalitan na rin namin ang tatlo. Hindi naman kasi sila sumusukang tatlo kapag lasing. Para nga lang mga patay.

Yumakap sa'kin si Aurora at parehas kaming dinalaw ng antok.

Nagising naman ako sa ingay sa kusina habang tulog pa ang katabi ko na ngayon ay yakap ang unan. I cannot help but to smile at her cuteness. I decided to wash up before going out.

Paglabas ko ay mga naka-hawak sa ulo ang tatlo at namumungkal sa ref at kitchen. Agad naman akong nag-asikaso ng pagkain. Agad kong inabot ang kinder bueno ng dalawa habang niluluto ko ang oatmeal. I put the blender on at nilagay ang strawberries na nasa tupperware na naka prepare na habang inililipat ko ang oat meal sa bowl ay hinayaan ko lang mag-process sa blender ang yelo at strawberries.

After ko masalin ay kinuha ko maman sa ref at nilagay sa over ang banana loaf.

After five minutes ay handa na ang pagkain ng tatlo. I gave them water and meds na rin.

Tahimik ang mga ito kumain tila hinahanap pa ang mga kaluluwa nilang gumala kagabi nung mga malasing sila.

Bago pa magising si Aurora ay inayos ko na rin ang breakfast nito dahil mas grumpy ito kaysa sa tatlo. Kaya kung nagkataon na hindi ako ang naiwang walang tama sa alak ay magkakagulo.

Speak of the devil. Katatapos nitong maghilamos at naka-pokerface ang bruha.

At alam ng tatlo na wala sa mood si Aurora kaya tahimik ang mga ito kahit mga hulas na.

“Aury, come here. Breakfast is ready.” Agad kong sabi and she then glanced at me and nod her head. Mabilis itong dumalo sa'kin without saying anything. I put her chuckie beside her glass of water and left a medicine for her hangover

After five minutes ay maingay na sa kitchen pagkatapos ko bumalik. I just checked my phone and saw an email from Dean na darating na nga mamaya ang faculty member na laman ng usapan namin.

Pagkapasok ko ay nandun ang coffee ko. It must be Aurora who made my coffee. Sa kaniyang timpla lang kasi ang pinakamalapit sa preference ko.

“Thank you, baby!" Ani naman ni Mary na yumakap sa'kin at humalik sa pisngi ko.

“Thank you, Zoel!” Ani ni Greg na ngumiti sa'kin.

Si milan naman ay kumindat sa'kin meaning siya na bahala sa mga lunches ko this week.

Milan knew how much I like receiving small gifts unexpectedly.

Kung sa physical touch endeavour naman ay patutor ka muna kay Aurora.

Aury is a sweetheart but a devil.

Hindi mo siya gugustuhing maging kaaway. And she is clinging to me and kissing my face. Sanay na rin naman sila na sa akin pinaka-affectionate in all aspects si Aurora.

At alam naming lahat na takot silang tatlo kapag seryoso na si Aurora.

Sino ba namang hindi kasi? She owned a fucking gun she know how to fucking use it. She is also a martial artist and business woman.

Kung ayaw mong mapadali ang buhay mo sa good side ka niya pumunta. At alam naming lahat na kaya niya lang gusto mag-law dahil gusto niya lang maging busy.

If she is seriously taking the course ay wala kaming panama sa kaniya. She is the dark horse.

Pero madalas niyang sabihin na I scare her most of the time whenever I will just give her a serious look na madalas ko tawanan. I even teased her na baka crush niya ako. And it was an inside joke to us na sa akin lang daw pinaka-maamo si Aurora.

Well, I like the idea.

***

Maagang nagpunta kami sa school kasi kailangan na agad ako doon dahil kailangan ko i-meet yung faculty na guest ngayon.

Sina Greg ay sumama na rin.

Tatambay raw sila sa room. Dala ang reading materials at codal namin ay sumalampak sila sa may right side ng lecture hall sa may bandang gitna.

I made my way to the Dean's office para magawa ko na agad ang business ko.

“Hello, Miss Gomez.” Bati ni Dean sa'kin ako naman ay magalang na ngiti dito.

“Hello po. Dean, I will just clarify something did the new faculty member said something about our meeting today?” Tanong ko dito at binigyan lang ako ng iling ni Dean.

“Miss Gomez, walang sinabi si Attorney. She just mentioned that she will show up in class.”

Kaya napatango na lang ako at nagpaalam sa kaniya. Alangan tumambay na lang ako don diba?

Agad na pumasok na at tumabi kay Marry. Habang si Aury ay busy sa kaniyang codal at may sinusulat. She have two new codal kasi trip niya lang bumili. Kung gusto mo humiram ng notes na may maayos at may substance kay Aury ka humiram. Kung gusto mo naman na pwede na sa'min na lang nila Greg.

Kapag nasa lecture hall kami nakikita namin yung competitive na side ni Aury. One time nagkamali si Atty. Feliciano sa case decision at talagang pinagdiinan niya 'yon.

Inabot ba naman kami ng dalawang oras na pagtatalo against sa case. Kasi si Atty. Feliciano gusto ipahiya si Aury for having her nails done raw na baka wala naman daw sinabi sa recit. Nagkamali lang naman siya nang hinamon,  Aury recited all the cases correctly while briefly adding new information.  Tapos dumating sila don sa case na 'yon. Aury even asked Attorney to flip the case decision in the textbook. At literal na napahiya si Attorney.  After 2 months lang ay nag-quit si Atty. Feliciano.

Kaya after non ayaw namin na na-bbadtrip siya kapag may lecture and recits kami. Alangan namang hamunin ko si Aury ng one on one e nakapagpa-alis nga 'yan ng faculty.

Kaya kilala din ang block namin dahil sa kaniya. Silang dalawa ni Eros ang nangunguna sa klase namin. Hindi ko naman pinangarap na maging number one.  Gusto ko lang pumasa dito at ipasa ang bar.

5:50 pm ay may bagong umupo sa likuran namin. She is dressed professionally katulad namin. But she is wearing her hair in low ponytail. While holding her phone in her left hand. May dala rin itong bag. It is probably a million dollar bag base sa design. Birkin ba naman. I saw Hail sporting one before kaya alam ko.

“Malapit na mag-time pero wala ang Prof. Sure ba kayong darating?” Tanong ni Luke na nasa kabilang row.

“Walang sinabi si Dean.” Mary answered in my behalf. Parang tanga 'tong si Luke at atat mag-start akala mo naman nagbabasa ng readings.

“It is 6:02 na wala pa rin?” Tanong naman ni Aury at saktong tayo naman ang tao sa likuran namin.

“It is actually 6 pm, Miss. I-sync mo 'yang relo mo sa'kin.” She said casually while placing her bag in the table.  She is a goddess. A drop dead gorgeous woman. Her face is flawless parang alaga ni Vicky Belo. Her striking foxy gray eyes were sharp and intriguing.

“Siya ang magiging teacher natin?” Takang tanong ni Greg.

“No way." Milan murmured

“Oh, yes way. I will be your instructor for this endeavour.” She said while roaming her eyes in the lecture room. Lahat ay parang mga bubuyog na nag-uusap.

“Quiet!” She demanded. At kahit paghinga namin ay parang nahalit sa bagong aura na nasa room. Her foxy gray eyes held authority na parang kapag nagkamali ka, tapos kana.

She wrote something in the board.

Atty. Audenzia Irish Montreal.

“I am Atty. Audenzia Irish Warren Montreal. I only have two rules in my class. Read your readings and Don't be stupid. You may not attend my subject if you are confident enough that you can pass my subject.” She said while walking towards the end of lecture hall.

“Surrender your phone.” Ani nito sa isang ka-block namin.

“Why?” Maangas na tanong nito.

“You are taking pictures without obtaining permission.” Malamig na ani nito.

“Are you accusing me?” Mayabang pa rin na ani nito.

Tanga oh. Hindi ba nila alam na sought after ang kinakausap nila? Ang bobo talaga Franco.

“If that's a mere accusation I won't be asking you to surrender your phone. But if you insist to take this business further, okay. See you in court.” Ani nito at iniwan si Franco na tulala.

“Oh, I see. You are giving me unnecessary attitude because I am new faculty.” She chuckle lowly. I definitely find it sexy. Sexy naman kasi talaga si Attorney pero ang scary niya.

Walang naglakas loob na magsalita.

“Get your index cards. Put your name and pictures and pass it in front. I will be your Criminal Law Review Instructor.” She said.

Mabilis ang pagpasa namin ng punyetang index card. Kasalanan 'to ni Franco. Parang magkakaroon pa ata ng recit dahil sa katangahan niya. Yung apat na case na nauna palang nababasa ko.

Agad naman itong nakarating sa una na agad naman niyang kinuha.

“Oh, Franco Trinidad. Your father is a Criminal Lawyer. I met your dad in court last week. He lost the case, by the way.” She said casually while browsing the index card.

“Will you ask your dad to be your defense attorney when I file a case? The Dean knows how I hate doing a settlement. I guess if I pull out three people in this class to be witness they will stand in the court.” Sobrang kaswal lang na wika nito na mas lalo kong ikinatakot.

Nakita ko din ang tumataas na balahibo ng mga katabi ko. Hindi lang pala ako ang kinikilabutan ngayon.

Magsasalita pa sana ito noong may kumatok sa pinto. Iniluwa nito si Attorney Vivas and Dean.

“Nice to see you in person, Atty. Montreal.

“Likewise, Attorney.” She said while giving Atty. Vivas a professional smile.

“Attorney, kumusta?” Dean Wilson asked while Attorney Montreal remained in her professional aura. Parang wala lang sa kaniya ang mga bagong dating.

“Sir, I am alright. Thanks for having me here.” Pormal na wika nito.

“Class, make sure to give Attorney the utmost respect.” Bilin naman ni Dean bago nagpaalam sa amin.

Nag-usap pa sila na hindi namin rinig bago umalis sina Dean. I guess, tulong ni Lord Yung pagdating nila Dean.

“Tangina, ngayon pa lang ako natakot nang ganito.” Bulong ni Greg sa'min tumango din ang tatlo. Dahil ayaw namin sa amin maibunton ang galit or inis ni Attorney dahil sobrang casual nito at parang kalmado masyado.

Pati Aury natakot? Grabeng first impression 'to oh.

“Since this is our first meeting I will pardon your lapses. But I will see you later Mr. Trinidad in Dean's Office later. We need to settle something.” Seryosong ani nito. While she took a binding clip from her bag and clip the index before placing it in the table.

“Aren't we going to have a simple introduction, Attorney?" Tanong naman ni Samantha.

“Good idea. For sure you know each other so I will just introduce myself since I am the stranger here.” Ani nito na ngayon ay mas kalmado na? Hindi na nga namin alam kung alin ang nakakatakot sa kaniya. Yung kanina pa o yung ngayon. Lord, ano ba?

Alam kong lahat kami ay nagpapasalamat sa buhay ni Sam.  Thank you, Samantha. Gumaan na kasi ang aura nito. Nakakahinga na kami, kasi kanina bago dumating sina Attorney Vivas kulang nalang ay huwag kami huminga.

“Totoo po ba yung rumor?” Ani ni Eros. Tumaas naman ang kilay ni Attorney.

“That you are taking bar from different countries and states. Preferably the most difficult bars," He added.

“Yes." We gasped. And I know katapusan ko na rin dahil ako ang naka-assign sa transition niya.

“Surprised? Me too. I was doing different stuff years ago. I am licensed Anesthesiologist. I graduated in Massachusetts for my medicine degree. While I did my program in Law in Harvard University.” She said while leaning to the table in front.

“Ilang taon na raw po kayo?” Tanong nung mga lalaki sa likod.

“Old enough. I don't really like mixing business with pleasure. Please address me as Atty or Doctor inside the school premises. And Miss or Ma'am outside of the academe.” Seryosong ani nito.

“Who's my student assistant for the transition period?" Tanong naman nito matapos tumahimik ulit.

“Here, Attorney.” Ani ko sabay tayo.

“Nice.  See you in my office later. I will hand you the printed syllabus. I will also ask for your email and contact information so I can pass the necessary information about our business." Attorney Montreal offered while her tone remained monotone.

“Attorney, may class po ba?" Tanong naman ni Malcolm.

“Bakit gusto mo na ba?” kaswal na ani nito habang binigyan ng bahagyang ngisi ang kaklase ko.

Hindi naman sumagot si Malcolm.

“No. I won't discuss or have a recit today. Since, I am sure that half of the class didn't read enough." She said as a matter of fact.

“Just like you Mr. Malcolm Angeles, right?” She delivered for a kill. Kahit nahihiya ay tumango si Malcolm.

Kanina niya lang nabasa names namin tapos saulo niya na. Kaya kahit walang index card kilala niya na kami. Halos wala pa kaming thirty kaya for sure masasaulo niya na talaga. Kaya mas maraming rounds ng basa at dasal ang kailangan namin.

At patay talaga ako.


Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 32.5K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
121K 3.7K 56
Katagiri Yuuichi is moving to the Advanced Nurturing High school where he can finally put his past behind him and live in a rather fancy Highschool...
8.4K 77 14
⚠️ رواية منحرفة للبالغين فقط 18+⚠️ فتاة تدعى يورا لاتملك عائلة لكنها تملك أب وأخوات في تبني ،تطر على تحويل نفسها الى فتى وتتخلى عن انوتثها بسبب ضروفه...
2.4M 138K 46
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...